Around 10-11 pm po ang update bukas. Stay tuned!🫶🏻
Opisyal na nagsimula ang auction, lalo pa’t lahat ng VIP guest ay nakarating na at handa nang makipag-bid sa isa’t isa. Inanyayahan ng master of ceremonies ang bawat bisita na pumasok na sa auction room at hanapin ang kani-kanilang upuan.Si Fatima at Lucinda ay nakaupo sa ikatlong hilera ng mga upuan. Simula nang makapasok sa auction room si Lucinda, hindi na ito mapakali at panay ang lingon, hinahanap si CK.“Can you stop spinning your head, Lucy?” Naiiritang usal ni Fatima nang mapansin ang paglingon-lingon ng anak.“Have you seen, CK? Kanina ko pa siya hindi nakikita, Mom.”Nagbuntong-hininga si Fatima. Kaya excited na sumama si Lucinda sa charity auction ay para na rin makita si CK.“Ayon!” Itinuro ni Lucy ang nahanap na lalaki. Ngiting-ngiti ang dalaga at namumula pa ang pisngi.“He’s so handsome talaga. Can we sit on the first row, Mom? Why can’t they move us there? Naroon naman si Silvestre, let’s sit beside him!”“Tumahimik ka nga Lucy, hindi ngayon ang panahon para pairalin
Dumating na ang pamilya ni CK, si Venancio Huo na chairman ng Huo’s Group of Company at ang asawa nitong si Carmilla Huo ay binati at kinamayan ng mga tao.Ngayon na kumpleto na ang lahat ng panauhin at ang pamilyang Huo, magsisimula na rin ang bidding.“Mukhang hindi yata pupunta ang mga Cuesta?” Bulong-bulong ni CK sa kaniyang tabi.Nilingon niya ang bakanteng upuan sa kaniyang tabi. Mukhang hindi nga pupunta ang mga Cuesta dahil kung sasali sila sa charity auction ay kanina pa dapat narito si Rafael Cuesta.Inayos na lamang niya ang kaniyang kurbata at pinagkibit-balikat iyon. Mas maganda rin siguro na wala si Rafael sa kaniyang tabi dahil hindi siya makakapagfocus sa pag-bid lalo pa’t may galit siya sa lalaki.Hindi niya lubos na maisip na inakala niyang may relasyon si Avi at Rafael Cuesta, iyon pala... Magkapatid ang dalawa.“Sh*t. Is that Avi?” Kapos-hiningang turan ni CK sa kaniyang tabi.Kumunot ang kaniyang noo at ibinaling ang atensyon kung saan ito nakatingin. Hindi niya i
Siniko ni CK si Silvestre upang makuha kahit paano ang atensyon nito. “Did Rafael Cuesta ask your ex-wife to attend on his behalf? I didn’t know about this.” Naguguluhan at nagtatakang turan ni CK. Pinigil ni Silvestre na lingunin si Aeverie sa kaniyang tabi. Ayaw niyang ipahalata na kagaya ng ibang taong narito, nagulat rin siya sa presensya nito. Bakit ba nakakalimutan niya minsan na isang Cuesta ang sinungaling niyang asawa? Gumalaw ang kaniyang panga dahil sa matinding pagpipigil ng galit. Mas gugustuhin niya pa siguro na si Rafael Cuesta ang naupo sa kaniyang tabi, kaysa kay Aeverie Cuesta. Tumikhim siya, malamig niyang tiningnan ang kaibigan na naghihintay pa rin ng sagot galing sa kaniya. “I don’t know know, neither.” Malamig at matipid niyang tugon. “Have you seen her necklace?” Pabulong nitong sabi, sumulyap pa ang kaibigan sa babaeng nasa kaniyang tabi. Nagsimula nang ipakilala ng emcee ang pamilyang Huo, pero abala pa rin si CK na mangintriga sa buhay ni Aev
Naging matalim ang mga mata ni Aeverie pagkatapos ng ginawang pagkindat ni CK. Umikot ang kaniyang mga mata nang makitang ngiting-ngiti pa ito.Alam na alam niya ang ugali ni CK, babaero ito at papalit-palit ng babae sa loob lamang ng ilang araw, ngunit hindi niya inaasahan na maging siya ay mukhang aasarin pa ng lalaki.Samantalang sinundan ni Silvestre ng masamang tingin si CK. Hindi maipinta ang kaniyang mukha at hindi niya alam kung bakit iritado siya sa ginawa nito.“I hope that I delivered my speech fluently.” Mahina nitong saad sa kaniya, hindi napansin ang nakakamatay niyang tingin.“I hope I wouldn't have to deliver you to your grabe.” Sarkastikong sagot ni Silvestre.Kumunot ang noo ni CK, tiningnan nito ang kaniyang lukot na mukha at hindi na napigilan ang tawang gustong kumawala.“Are you jealous, Bud? I thought you don’t have any feelings for Avi? I didn't do anything, I just winked.” Dipensa ni CK na natatawa lalo.Mas lalong dumilim ang mukha ni Silvestre.Ang g*g*ng it
“Anyone who wants to go higher than 4 million?” Tanong ng auctioneer. Ngumisi si Aeverie. Nakatingin sa kaniya ang mga tao, naghihintay kung magtataas pa siya ng kamay, pero lumingon lamang siya sa likod at hinanap ng kaniyang mga mata kung nasaan si Arsen. Ngumiti siya nang magtama ang kanilang tingin. “The item was sold for 4 million pesos! Congratulations Miss Espejo for winning the painting!” Anunsyo ng auctioneer. Namula ang mukha ni Arsen lalo pa’t nilingon siya ng ilang tao. Ngumiti siya sa kanila, may pagyayabang sa kaniyang puso lalo pa’t nanalo siya laban kay Avi. See that b*tch? You will never win against me. Kumento ng kaniyang isip at nginisihan si Aeverie. Ngunit kasalungat ng kasiyahan ni Arsen, bigong-bigo si Arabella. Ni-hindi niya niya mangitian ang bumabati sa kanila. May maliit na earpiece na nakadikit sa tainga ni Aeverie. Iyon ay bigay ni Sage, tila isang simpleng hikaw lamang, ngunit ang totoo, isang earpiece para sa mga undercover agent. “4 million for a
“Ten million!” Itinaas ng isang negosyante ang kaniyang number paddle para simulan ang bidding.“Twenty!” Followed by another.“Who says 25 million?” Tanong ng auctioneer pagkatapos na tumaas sa 20 million.May nagtaas ng number paddle para sa 25 million.“40 million.” Ang anak ng senador na nakaupo rin sa harap ay nagtaas ng number paddle.Nagulat ang mga tao. Mayaman naman talaga ang lalaking ito, pero hindi nila inaasahan na sasali pa siya sa pag-bid ng Ru kiln porcelain. Samantalang nakakuha na ito ng dalawang item kanina at hindi biro ang halaga ng mga item na iyon.Malaki na masyado ang 40 million, hindi na nila kayang tapatan iyon.“Who wants to go higher?” Tanong ng auctioneer, umaasa sa mas mataas pang halaga.“45 million.” Eleganteng nagtaas ng number paddle si Silvestre.Napakurap si Aeverie at wala sa sariling nilingon ang lalaki sa kaniyang tabi. Malamig niyang tiningnan si Silvestre at bahagyang napakunot-noo.This b*st*rd, he has a poor taste in choosing women, but he h
“70 million.” Marahang ibinuka ni Silvestre ang kaniyang labi at itinaas bahagya ang number paddle sa kaniyang kamay. “God. 7 million was added.” Bulong ng representative ng isang investment bank. Masyado nang malaki ang 60 million, paano pa ang 70 million? May ilan na gusto pang sumubok, pero hindi na ginawa dahil hindi kakayanin ng kanilang pera. “72 million!” “73 million!” “75 million!” Itinaas ni Aeverie ang kaniyang number paddle, sapat para makita ng ilang naroon na hindi siya natatakot sa halaga ng banga. May ilan na napasinghap, ang ilan ay pumalakpak na sa kaniya para iparating ang paghanga sa kaniyang tapang at determinasyon. A woman bidding calmly and elegantly? Tila hindi mahalaga ang pera sa kaniya, kung isang antigong banga ang kapalit! Maging si CK na sanay sa ganitong tagpo ay napahanga na rin kay Aeverie. Nakaawang ang kaniyang bibig habang pinagmamasdan ang seryosong mukha ng babae. Sh*t. She looks like a heartless and bad*ss goddess! Pamumuri ng isip ni CK
Parang tinamaan ng kidlat si Arsen nang makita ang alahas. Nawalan agad ng kulay ang kaniyang mukha.Napasinghap ang kaniyang ina sa kaniyang tabi at kagaya niya, nanigas din ang buo nitong katawan.“Mom! What's going on?!” Tarantang tanong ni Arsen.Pinagpapawisan ng malamig si Arsen, at parang gustong lumabas ng kaniyang puso sa sobrang lakas ng tibok nito.“Hindi ba’t binenta mo na ang necklace? Why did it appear at the auction?!”“I, I did sell it.” Kabadong sagot ni Arabella.“I don't know why it’s there. Impossible.” “What should I do now? Nasa harap si Silvestre nakaupo, makikita niya agad na ang alahas na iyon ay siyang ini-regalo niya sa akin. What will he think of me when he sees the things he gave me being sold? He will definitely be mad at me!” Puno ng pangamba ang puso ni Arsen.Ikinuyom niya ang kaniyang mga palad at pinigilan ang mga luhang gustong magsitulo. Natatakot siya sa magiging reaksyon ni Silvestre.“It's okay, there can't be only one such necklace in the worl
Ibinaba niya ang tawag at sinulyapan niya ang kaniyang relo para tingnan kung ano’ng oras na. Pasado alas dyes na. Malapit na ang lunch break ng mga empleyado.Baka kung paghintayin niya lang si CK sa lobby ay maging kuryuso lalo ang mga empleyado ng hotel sa lalaki. Magiging laman ng usapan ang paghihintay nito sa kaniya, baka umabot pa sa kaniyang mga kapatid ang balita.Siguro ay tama lang din na harapin niya si CK para mapag-usapan nila ang mga importanteng bagay na maaaring maging problema sa susunod at nang makaiwas na rin na maging laman sila ng usapan ng mga empleyado.Sampung minuto ang lumipas nang bumukas ang pinto at nakita niya ang kaniyang sekretaryo. Ito ang nagbukas ng pinto para sa inaasahan niyang panauhin.Nakita niyang sumulyap si Blue sa kaniyang direksyon, magkasalubong ang makapal na kilay nito at halata sa ekspresyon ng mukha ang pagtataka dahil sa pagpunta ni CK sa kaniyang opisina.Naunang pumasok si CK at sumunod si Blue na isinarado ang pinto sa likod nito.
Madilim ang anyo ni Aeverie nang sumunod na araw, kahit sa hotel ay hindi malibang ang kaniyang isip kaya napapansin ng mga empleyado ang kaniyang mabigat na aura. Lalo pa at nagpasya siyang mag-inspeksyon, kaya umiiwas ang mga empleyado na pumalpak.Umiiwas ang mga empleyado sa kaniya, natatakot sila na baka sa kanila niya maibunton ang galit at pagkayamot ngayong araw."Do you want some coffee—""No." Malamig na putol ni Aeverie sa tanong ni Blue.Hindi pa nag-aalas nuebe pero napapagod na si Blue sa pagsunod sa kaniyang amo.Buong hotel na ang iniinspection nito. Akala niya ay ang mga opisina lamang ang titingnan nito.Nasa restaurant na sila nang tumigil saglit si Aeverie para tingnan ang blueprint ng extension floor plan na ibinigay ng construction firm kahapon."Have you contacted the engineer? Kailan daw sisimulan ang project? Nailipat na ang mga gamit sa kusina, hindi ba? Bakit hindi pa nagsisimula?"Humarap si Aeverie kay Blue, seryoso at madilim ang mukha."Next week pa sisi
“Aeverie.” Sinundan siya ni Maredith nang pumasok siya sa bahay. Malakas ang tibok ng kaniyang puso at hindi maitago ang matinding pagkayamot sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Sumunod si David sa kanilang mag-ina. “Hindi namin napag-usapan ang tungkol sa arrange marriage kagaya ng iniisip mo, Aeverie.” Matigas na saad ni David. “I just want you to know CK Huo better. As a future president of the AMC Group, you have to learn how to expand your knowledge, influence and power in this field. You need great alliance with powerful and influential people.” Tumigil sila sa salas. Hinarap niya muli ang kaniyang ama at sarkastikong nginitian ito. “We were able to stand on our own for the past decades! AMC Group and Hou Group are two different group of company. Magkaiba sila, malakas pareho pero malaki ang pagkakaiba sa larangan ng tinatahak na negosyo! You cannot f**l me now, why don't you just tell me directly that you’re trying to merge the two companies by setting us up with each other!”
“CK,” mabilis siyang lumakad nang dumiretso ang lalaki malapit sa swimming pool.“What the h*ck is going on right now? Is there something you need to tell me?”Nang sapat na ang kanilang distansya sa kanilang mga magulang, tumigil si CK at humarap sa kaniya. Sanay siya na palaging may pang-aasar sa ekspresyon ng mukha nito. Ngunit seryoso masyado ang mukha ngayon ng binata.Bahagya siyang natigilan at mas lalo pang kinabahan.“I think, it's you who has to tell me something.” Malamig nitong sabi.“Alam ba ni Silver na isa kang Cuesta?”Saglit siyang nawalan ng sasabihin nang mabanggit nito si Silvestre. She straightened her back.“Alam na niya, but I think Silvestre has nothing to do with us now. What’s really going on?” Nakakunot noo niyang tanong.Huminga ng malalim si CK at nag-iwas ng tingin. Tila bigo ito.“You lied about your identity. You weren't Avi Mendoza. Your parents weren't dead. You’re hardly a poor woman. Avi’s personality and identity were far from your real one.” Bigo
Maybe the guilt was too strong. Naisip ni Aeverie ang kaniyang mga kasalanan na maaaring naging dahilan kung bakit pinapatawag siya bigla ni David at gustong makipaghapunan ng eksklusibo sa kanilang mag-ina. Sinalubong siya ni Pablo, ang sekretaryo ni David Cuesta, na naging malapit din sa kaniya noong kabataan niya. Sa parking lot ay natanaw niya si Pablo na matuwid na nakatayo at tila naghihintay sa kaniyang pagdating. “Good evening, Young Lady.” Bati nito nang bumaba siya sa sasakyan. “Good evening, Pablo.” Bati niya pabalik. Malaki ang villa na ito. Noong hindi pa sila dinadala ni David Cuesta sa mansyon, dito sila nakatira ng kaniyang inang si Maredith ng ilang taon. Dito siya tumira noong bata pa siya, habang itinatago silang mag-ina ni David Cuesta kay Felistia. Ang villa na ito, na dating isang masayang tahanan, ay naging malungkot na alaala na lamang para kay Aeverie. Para sa kaniya, sa tahanan na ito nagsimula ang lahat ng kasinungalingan ng kaniyang pamilya na akala niy
Hapon nang makatanggap ng tawag si Aeverie galing sa matandang sekretaryo ni David Cuesta.“Young Lady,” pormal na bati ni Pablo sa kabilang linya nang tanggapin niya ang tawag.“I want to inform you that Mr. Cuesta wants to see you tonight at Madam Maredith’s villa. He wants to have dinner with you and your mother.” Imporma nito.Maredith's villa. May kakaibang lamig sa kaniyang sikmura. Of course, that's my Mom’s property. Nakapangalan nga pala sa kaniyang ina ang villa na iyon dahil regalo ito ni David Cuesta.She was hesitant at first.“Young Lady, do I have to pick you up from the hotel?” Tanong ni Pablo.Umayos siya ng upo.“Hindi na, Pablo. I will come to the villa. Pagkatapos ko sa hotel, didiretso ako sa villa.” Sagot niya.“Your father is expecting you, Young Lady.” Bilin nito.Saka nito ibinaba ang tawag.Nang maibaba niya ang cellphone sa mesa, natulala siya saglit. May kakaibang kabog ang kaniyang dibdib na hindi niya kayang ipaliwanag. Saktong pumasok si Blue at natanaw
Maayos na ang kondisyon ni Silvestre, ngunit madalas pa rin siyang matulala habang nagtratrabaho. Ngayon ang araw na plano niyang puntahan si Aeverie sa hotel nito, ngunit may kumukontra sa likod ng kaniyang utak. Hindi siya ang humihingi ng oras at atensyon sa mga tao. Ang mga tao ang pumupunta sa kaniya para hingin ang kaniyang oras at atensyon. What’s so special with her that I considered this st*p*d idea? Sarkastiko niyang tanong sa sarili. Si Aeverie ang dapat na pumunta sa kaniya dahil ito ang may kasalanan, at hindi siya. Kagabi pa niya iniisip si Aeverie at ang planong puntahan ito sa hotel para makausap ito.Ngunit palaging nagtatalo ang kaniyang isipan at ego. Pupuntahan niya ang babae para isuko nito ang totoong may kasalanan, pero sa tuwing naiisip niya na mag-aaksaya siya ng lakas at panahon para makausap lamang ito, parang natatapakan ang kaniyang pagkalalaki. Biglang nagambala ang tahimik na opisina nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Sinulyapan niya iyon ng ti
“Have you heard about the word ‘Paradoxial Intention’?” Bigla’y tanong ni Blue. Kumunot ang kaniyang noo. “Huh?” Never heard of it. Hindi niya pa narinig ang ganoong salita kaya naging kuryuso siya sa tanong nito. “Paradoxial Intention or Law of Reverse Effort. I have a friend, major in Psychology siya. He once tried to explain it to me. Sabi niya sa akin, the more na hinahabol mo, pinapangarap mo, o ginugusto mo ang isang bagay, the more na hindi mo ‘yon makukuha o makakamit. You became so obsessed with it, to the point that you’re exerting too much effort just to get or achieve it. But in the end… hindi mo pa rin makuha. Kaya sumuko ka.” Ngumiti si Blue, kumuha ito ng tissue at inilapag malapit sa kaniya nang makitang may dumi sa kaniyang labi. “Then, you suddenly lose interest over that thing or person. You started to attract it afterwards. Kung kailan hindi mo na siya hinahabol o ipinipilit, saka mo naman siya nakuha. That’s Paradoxial Intention.” Pinunasan ni Aeverie ang ka
Totoo ang sinabi ni Sage na inalis lahat ng wine at champagne sa cellar. Maging ang mga inumin sa maliit na bar counter ng mansyon ay wala nang naka-display.Aeverie still couldn't remember what happened last night. Kung totoo na nakatulog siya sa bathtub at nakalubog ang kaniyang mukha, baka nalunod na lamang siya dahil sa sariling kapabayaan.Mabuti at naabutan pa siya ni Sage at maagang naiahon bago pa siya mawalan ng pulso.Her near death experience feels like a dream. Hindi niya alam at hindi niya maalala.Sage's still mad. Si Uriel ay hindi rin makausap. Mas lalo na si Rafael na pumasok pa rin sa trabaho kahit na masama ang mood ngayong araw para lang hindi sila magkausap dahil galit din ito sa kaniya.“Ano ang gusto mong kainin, Aeve?” Tanong ni Blue.Hindi pumayag si Sage at si Uriel na magtrabaho siya ngayong araw, kaya magkasama sila ni Blue sa mansyon. Naatasan itong bantayan siya’t samahan maghapon, hanggang sa makabalik ang tatlo.“I don’t know. Maybe a cucumber salad.”U