Mahaba po ang scene dito sa auction. So bear with me. Bukas around 9-10 pm po ang update.
Naging matalim ang mga mata ni Aeverie pagkatapos ng ginawang pagkindat ni CK. Umikot ang kaniyang mga mata nang makitang ngiting-ngiti pa ito.Alam na alam niya ang ugali ni CK, babaero ito at papalit-palit ng babae sa loob lamang ng ilang araw, ngunit hindi niya inaasahan na maging siya ay mukhang aasarin pa ng lalaki.Samantalang sinundan ni Silvestre ng masamang tingin si CK. Hindi maipinta ang kaniyang mukha at hindi niya alam kung bakit iritado siya sa ginawa nito.“I hope that I delivered my speech fluently.” Mahina nitong saad sa kaniya, hindi napansin ang nakakamatay niyang tingin.“I hope I wouldn't have to deliver you to your grabe.” Sarkastikong sagot ni Silvestre.Kumunot ang noo ni CK, tiningnan nito ang kaniyang lukot na mukha at hindi na napigilan ang tawang gustong kumawala.“Are you jealous, Bud? I thought you don’t have any feelings for Avi? I didn't do anything, I just winked.” Dipensa ni CK na natatawa lalo.Mas lalong dumilim ang mukha ni Silvestre.Ang g*g*ng it
“Anyone who wants to go higher than 4 million?” Tanong ng auctioneer. Ngumisi si Aeverie. Nakatingin sa kaniya ang mga tao, naghihintay kung magtataas pa siya ng kamay, pero lumingon lamang siya sa likod at hinanap ng kaniyang mga mata kung nasaan si Arsen. Ngumiti siya nang magtama ang kanilang tingin. “The item was sold for 4 million pesos! Congratulations Miss Espejo for winning the painting!” Anunsyo ng auctioneer. Namula ang mukha ni Arsen lalo pa’t nilingon siya ng ilang tao. Ngumiti siya sa kanila, may pagyayabang sa kaniyang puso lalo pa’t nanalo siya laban kay Avi. See that b*tch? You will never win against me. Kumento ng kaniyang isip at nginisihan si Aeverie. Ngunit kasalungat ng kasiyahan ni Arsen, bigong-bigo si Arabella. Ni-hindi niya niya mangitian ang bumabati sa kanila. May maliit na earpiece na nakadikit sa tainga ni Aeverie. Iyon ay bigay ni Sage, tila isang simpleng hikaw lamang, ngunit ang totoo, isang earpiece para sa mga undercover agent. “4 million for a
“Ten million!” Itinaas ng isang negosyante ang kaniyang number paddle para simulan ang bidding.“Twenty!” Followed by another.“Who says 25 million?” Tanong ng auctioneer pagkatapos na tumaas sa 20 million.May nagtaas ng number paddle para sa 25 million.“40 million.” Ang anak ng senador na nakaupo rin sa harap ay nagtaas ng number paddle.Nagulat ang mga tao. Mayaman naman talaga ang lalaking ito, pero hindi nila inaasahan na sasali pa siya sa pag-bid ng Ru kiln porcelain. Samantalang nakakuha na ito ng dalawang item kanina at hindi biro ang halaga ng mga item na iyon.Malaki na masyado ang 40 million, hindi na nila kayang tapatan iyon.“Who wants to go higher?” Tanong ng auctioneer, umaasa sa mas mataas pang halaga.“45 million.” Eleganteng nagtaas ng number paddle si Silvestre.Napakurap si Aeverie at wala sa sariling nilingon ang lalaki sa kaniyang tabi. Malamig niyang tiningnan si Silvestre at bahagyang napakunot-noo.This b*st*rd, he has a poor taste in choosing women, but he h
“70 million.” Marahang ibinuka ni Silvestre ang kaniyang labi at itinaas bahagya ang number paddle sa kaniyang kamay. “God. 7 million was added.” Bulong ng representative ng isang investment bank. Masyado nang malaki ang 60 million, paano pa ang 70 million? May ilan na gusto pang sumubok, pero hindi na ginawa dahil hindi kakayanin ng kanilang pera. “72 million!” “73 million!” “75 million!” Itinaas ni Aeverie ang kaniyang number paddle, sapat para makita ng ilang naroon na hindi siya natatakot sa halaga ng banga. May ilan na napasinghap, ang ilan ay pumalakpak na sa kaniya para iparating ang paghanga sa kaniyang tapang at determinasyon. A woman bidding calmly and elegantly? Tila hindi mahalaga ang pera sa kaniya, kung isang antigong banga ang kapalit! Maging si CK na sanay sa ganitong tagpo ay napahanga na rin kay Aeverie. Nakaawang ang kaniyang bibig habang pinagmamasdan ang seryosong mukha ng babae. Sh*t. She looks like a heartless and bad*ss goddess! Pamumuri ng isip ni CK
Parang tinamaan ng kidlat si Arsen nang makita ang alahas. Nawalan agad ng kulay ang kaniyang mukha.Napasinghap ang kaniyang ina sa kaniyang tabi at kagaya niya, nanigas din ang buo nitong katawan.“Mom! What's going on?!” Tarantang tanong ni Arsen.Pinagpapawisan ng malamig si Arsen, at parang gustong lumabas ng kaniyang puso sa sobrang lakas ng tibok nito.“Hindi ba’t binenta mo na ang necklace? Why did it appear at the auction?!”“I, I did sell it.” Kabadong sagot ni Arabella.“I don't know why it’s there. Impossible.” “What should I do now? Nasa harap si Silvestre nakaupo, makikita niya agad na ang alahas na iyon ay siyang ini-regalo niya sa akin. What will he think of me when he sees the things he gave me being sold? He will definitely be mad at me!” Puno ng pangamba ang puso ni Arsen.Ikinuyom niya ang kaniyang mga palad at pinigilan ang mga luhang gustong magsitulo. Natatakot siya sa magiging reaksyon ni Silvestre.“It's okay, there can't be only one such necklace in the worl
Sanay si Aeverie na maging matalino, ngunit minsan nagiging t*ng* rin dahil inuuna ang nararamdaman. Marami na siyang experience sa mundo, ngunit nanatili ang kaniyang pagiging isang musmos. Sunod siya sa layaw ng kaniyang pamilya, ngunit hindi kailanman inabuso ang kaniyang kapangyarihan bilang isang Cuesta.Ngayon lang.Pagkatapos pakasalan si Silvestre at makipaghiwalay, natuto siyang mag-isip nang mas malalim. Natuto siyang kalkulahin ang mga galaw at plano ng mga Galwynn at Espejo.Parang sirang plakang umuulit sa isip niya ang naging reaksyon ni Silvestre nang ilabas ang Heart of Green Meadow. Nakita niya ang pinaka-vulnerable na emosyon sa mga mata ng lalaki, na tila inalisan ito ng kahihiyan at lakas.Doon niya naisip na sumobra na siya.Sa totoo lang, maaari naman siyang magpanggap na hindi niya nakita ang kwentas. Hindi na niya sana ibinigay iyon sa charity auction para ipahiya si Silvestre sa publiko at umabot sa ganitong punto.Ngunit nadaig siya ng kaniyang nararamdaman.
Parang tumigil ang tibok ng puso ni Aeverie. Nakalimutan niyang huminga. Nasira na ang regalong pulseras ni Abuelo sa kaniya. Ganoon lang kadaling sinira ni Arsen! Umahon ang matinding galit sa puso ni Aeverie. Dumilim ang kaniyang paningin at samu’t saring ideya ang pumasok sa isip niya kung paano mababali ang mga buto ni Arsen para ramdam nito ang sakit na kaya niyang idulot. “You b*tch!” Humakbang siya palapit sa babae. Nang makita ni Arsen ang matinding galit na bumabakas sa kaniyang mukha, natakot ito, napaatras at namutla ang mukha. Ngunit ilang hakbang lang palayo, napagtanto ni Arsen na hindi dapat siya matakot. I broke the bracelet, but so what? Matapang na bulong ng kaniyang isip. “There are only you and me here. If I say that you hurt me, guess who will my Silver believe?” Ngumisi si Arsen sa kaniya, may tapang na ngayon sa mga mata. “If I get hurt, Avi, Silver will get mad of you!” Banta ng babae. Mabilis na pinulot ni Arsen ang sirang pulseras at walang pag-dadala
Napansin ni CK na kumukuha ng video ang ilang bisita kaya nagpatawag siya ng security officers para alisin ang mga bystanders.Ayaw niyang lumabas sa media ang kaguluhan na nangyayari ngayon.“How did this happen, Arsen?” Puno ng pag-aalala na tanong ni Arabella.“You have to tell us, Arsen. Don't be afraid, Silvestre would never let you get hurt.” Panghihikayat ni Lucinda.Napalunok si Arsen at nagpapaawang tumingin sa kaniyang pamilya.“I, I met Avi in the washroom…” she trailed off.Huminga ng malalim si Arsen, sumiksik siya lalo kay Silvestre at tila natatakot na baka saktan siyang muli ni Aeverie ngayon na nagsusumbong siya.“I know Avi doesn't like me... But I took the initiative to greet her, hoping to make peace with her.” namula ang mga mata ni Arsen at humikbi.Walang kahirap-hirap sa pag-akto na takot na takot siya.“But Avi didn't appreciate it at all, and we just talked back and forth... I don't know how we started arguing.”Nagtaas ng kilay si Aeverie, napakasinungaling
“Let’s forget it, Lucinda.” Hinawakan ni Cassandra ang braso ni Lucinda para hilahin ito paalis.Tila nagmamadali at gusto nang makawala sa eksena ang dalawang kaibigan ng babae. Nagtaas naman ng kilay si Aeverie nang makita ang reaksyon ng dalawa.“But I’m not done yet—”“Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, Lucy. Nahanap na rin naman ang necklace, let’s go. Let’s not make a scene here.”Wala nang nagawa si Lucinda, ipinasok niya sa kaniyang Hermes bag ang sirang alahas at tuluyang nagpahila kay Cassandra at sa Australian model.“Wait a minute, Miss Galwynn.” Malamig na tawag ni Aeverie sa babae, hindi hinayaan na makaalis ito.Humarang si Blue at ang ilang empleyado, para hindi tuluyang makaalis si Lucinda at ang mga kasama nito na halatang aligaga at tila pinapaso.“What else do you need?” Galit na tanong ng Australian model.“What else could it be?” Matalim na tanong pabalik ni Aeverie sa babae.“Just now, you have verbally humiliated our hotel employees in front of so many guests.
Hindi niya man gustong aminin, pero napansin niyang matalino si Aeverie sa pamamahala sa ganitong sitwasyon. She handled the incident decisively. She was calm and resourceful, domineering but graceful, and very much like a manager who’s ready for anything. Kumento ng isip ni Silvestre. Hindi na siya ang dati niyang asawa na palaging nakakulong sa isang maliit at masikip na lugar, mapagpatawad, at sunud-sunuran, mahiyain at takot na humarap sa mga tao. How could she have two different personalities all at the same time? Mapait na tanong ni Silvestre sa kaniyang sarili. “Okay, you said it, you will kneel down in front of me and ask an apology once na mapatunayan kong magnanakaw ang mga empleyado mo!” Nagtatagis ang bagang na sabi ni Lucinda. “I am the manager of the hotel and I should be responsible for my guests. Kung may nagawang mali ang isa sa mga empleyado ko, ako ang hihingi ng tawad at didipensa.” Sagot ni Aeverie saka ngumiti ngunit walang emosyon ang mga mata. “I found th
Nang mga oras na iyon, kapapasok lang ni Silvestre at Gino sa lobby.Nang makita ni Silvestre si Aeverie hindi niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman. Bigla nalang bumilis ang tibok ng kaniyang puso, lalo pa nang makitang naglakad ito palapit sa mga nagkakagulong tao.Hindi niya maalis ang tingin kay Aeverie, namamangha siya sa ganda nito. Tila nakalimutan na niyang kumurap dahil sa pagsunod ng tingin sa babae.“Grabe. Ang hirap paniwalaan na ganiyan pala talaga kaganda si Avi.” Naiiling na sabi ni Gino sa kaniyang tabi na sinusundan din ng tingin ang babae.“Wait. Isn't that Miss Lucinda Galwynn?” Napansin ni Gino si Lucinda kasama ang dalawang babae.“Manager?” Narinig nilang singhap ni Lucinda.“Oh, you are now a manager, Avi? That’s good for you.” Puno ng sarkasmong turan ni Lucinda at hinagod ng tingin si Aeverie.“I’m actually much more better than before.” Nagtaas ng kilay si Aeverie at sinukat din ng tingin ang babaeng Galwynn.“At least now, I could feel that I’m living in
Ang huling gumamit sa kanilang presidential suite ay si CK noong nakaraang dalawang taon. Nabalitaan niyang doon ginanap ang intimate birthday celebration nito. Sa bagay, sa sobrang yaman ng mga Huo ay hindi sila magdadalawang-isip na magwaldas ng daan-daang libong piso para sa isang kuwarto. “Hindi si CK.” Bigla’y sagot ni Blue. “Sino?” “Si Miss Cassandra Recto. She’s a daughter of a former ambassador in Kuwait. Kasama niya kagabi si Lucinda Galwynn at ang isa pang foreigner na babae.” Tumaas agad ang kilay ni Aeverie nang marinig ang pangalan ni Lucinda. “Really? Why would they check into such a big room?” “They’re having a party in the room last night. Fortunately, our hotel has good sound insulation, kaya hindi naging problema kagabi ang ingay nilang tatlo. I reviewed the CCTV this morning, nakita kong may pumasok na dalawang lalaki sa loob ng presidential suite nang bandang hatinggabi. Mga mukhang modelo. Nakakapagtaka lang na hatinggabi na sila pumunta at madaling araw pa
Ilang araw ang lumipas, mas lalong naging magagalitin si Silvestre at nawalan ng gana sa lahat ng bagay.Hindi niya ma-contact si Avi, o si Rafael Cuesta. Medyo frustrated na siya dahil sa maya’t mayang pagtawag ng kaniyang Abuelo at pangungulit nitong hanapin si Avi at iharap dito. Malapit nang mag-otsenta si Lucio Galwynn at mas lalo siyang nahihirapan na hindian ito, lalo pa’t alam niyang makikipag-away lamang sa kaniya ang matanda.“How about we report this to the police?” Wala sa sariling suhestyon ni Gino sa kaniya.“And why would we do that?” Sarkastiko niyang tanong sa sekretaryo.“Because, ah, legally she’s still your wife, since you haven't completed the divorce procedure yet, but her family is hiding her away from you? Maybe the police could help us with that.”“What?” Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Silvestre.“That’s the best idea you could come up with?” Matalim niyang tiningnan ang lalaki.“E, ano pa ba ang gagawin natin, Sir? Hindi natin mahanap si Avi, or Aeverie,
Nang sumunod na gabi, hindi inaasahan ni Aeverie na makikita niya si Rafael at Uriel pagkauwi niya galing sa trabaho. Kapwa madilim ang mukha ng dalawang kapatid nang maabutan niya sa sala. “Kuya Rafael? Kailan ka pa?” Nagtataka niyang tanong nang makabawi sa pagkabigla. Akala niya ay bukas pa ito ng umaga dadating. Tumayo si Rafael at hinintay siyang makalapit. Medyo nagdalawang-isip pa siya, pero lumapit pa rin at hinalikan ang pisngi nito. “How’s your business trip?” Tanong niya, pilit pinapagaan ang mabigat na atmospera sa sala. “I learned about what happened at the auction from Mom.” Ani Rafael sa seryosong tinig. Bumaba ang tingin ni Rafael at Uriel sa nakabenda niya pa rin na kamay. Nagtagis ang bagang ng panganay nilang kapatid. Nagtagal ang tingin ni Rafael sa kaniyang kamay na pilit naman niyang itinago. Naisip agad ni Rafael na hindi sana magkakaganito si Aeve kung hindi niya hiniling na ito ang pumunta sa auction para sa kaniya. Hindi sana ito nasaktan. “How is your
Nagawang pakalmahin ni Silvestre si Amanda sa pamamagitan ng pagsabing maaari pa naman bumisita si Avi sa kanilang tahanan.Inalalayan niya pabalik si Amanda sa mansyon, ngunit tumigil din siya sa paglalakad nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang numero. Nang makita niya ang naka-register na pangalan ay nagbuntong-hininga na lamang siya.Anong oras na? Bakit gising pa si Abuelo? Tanong niya sa sarili.Natanaw niya si Manang Petrina na puno ng pag-aalala ang mukha habang naghihintay sa may hagdan.“Nanang, dalhin niyo sa kuwarto si Amanda. Marumi na rin ang damit niya dahil sa dalang stuffed toy. Help her.”“S-sige, Silver.”Hinawakan ni Manang Petrina ang braso ni Amanda para dalhin ito sa taas. Samantalang sinagot naman ni Silvestre ang tawag ng kaniyang Abuelo.“Abue—”“Why I can’t contact Avi again? What did you do to her?” Galit nitong tanong, hindi na siya pinatapos.Habang tumatanda si Lucio Galwynn, bumabalik naman ito sa pagkabata. Madalas na itong magtantrums, dahilan p
Hindi na hinintay ni Amanda na tulungan siya ng mga katulong na kunin ang malaking teddy bear na itinapon ni Lucinda. Dali-dali siyang lumayo kay Manang Petrina at tumakbo palabas ng mansyon para kunin sa likod ang nahulog na stuffed toy. Mabilis na sumunod si Manang Petrina, natatakot na baka nasa labas si Lucinda at makita na naman nito si Amanda. Ngunit pagkababa sa hagdan, nakita niyang nasa may pinto si Silvestre, sinusundan ng tingin ang tumatakbong si Amanda. “What happened, Nanang?” Tanong ni Silvestre, nakakunot ang noo. Napalunok siya. Alam niyang kapag magsumbong siya kay Silvestre sa nangyari ay magagalit ito ng husto kay Lucinda, malaking gulo na naman. Alam pa naman niya na mas malapit si Amanda kay Silvestre kumpara sa ibang anak ni Fatima. “Ah, si Anda…” hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. “Bakit tumatakbo si Amanda? Saan pupunta ‘yong bata?” Tanong nito. “Kukunin ‘yong stuffed toy na nahulog.” Tanging nasagot ni Manang Petrina. Mas lalong nagsalubo
Samantalang sa mansyon ng mga Galwynn, mas lalong pinag-initan ni Lucinda ang kaniyang kapatid dahil sa pagtatanggol nito kay Avi. Nasa ospital pa rin si Fatima kasama si Arsen at Arabella, si Bernard ay may business trip, si Silvestre ay nasa labas pa kaya si Lucinda at Amanda lamang ang nasa bahay. Tahimik na sinusuklay ni Amanda ang kaniyang buhok, matutulog na dapat siya nang marinig ang katok mula sa kaniyang pinto. Kumunot ang kaniyang noo. Madalas ang mga katulong lamang ang bumibisita sa kaniyang kuwarto, minsan ay para dalhan siya ng mainit na gatas. Baka si Manang Petrina. Tumayo siya at dahan-dahan lumapit sa pinto. Binuksan niya iyon ng may ngiti sa kaniyang labi, pero agad iyon naglaho nang makita si Lucinda. “Ate—” “You little b*tch! Have you been bribed by that promdi girl? Are you someone she sent to spy on us?!” Naamoy ni Amanda ang alak sa hininga ni Lucinda. Napaatras siya, agad na kinabahan. “Kagayang-kagaya ka ni Avi! Kunwari ay isang santa pero m