“Pupunta ka ulit doon? You celebrating her birthday?” Napalingon ako nang may isang mahinhing boses akong narinig muna sa aking likuran. Hindi ko mapigilang mapailing nang makita ang regalo kong bunny headband sa ulo niya. She likes bunny because of her Korean boy group bias, Jeon Jungkook. Napapangiwi na lang ako habang inaalala ang kwarto nilang mag-asawa na puno ng mga litrato ng bias niya. Even in their bathroom. Nakakapagtaka lang at hindi nagagalit ang asawa nito dahil sa mga pinaggagawa niya. If I were her husband susunugin ko talaga iyon lalo na at hindi ako sanay na may kung ano-anong mukha sa loob ng kwarto ko. But she's lucky that I am not. Her husband is super supportive on her. Looking at her now, I surely shook my head. Nakasuot din siya ng kulay rosas na pantulog na may disenyong mga bunny. Nakilala ko si Jellian noong pangatlong araw ko dito sa Italy. She become my friend almost 2 years now. Isa din siyang Filipina na nakapag-asawa ng isang franses. She's already a
Nagising lamang ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Hindi ko alam ngunit pamilyar sa akin ang mga boses na iyon. I feel like I already heard it somewhere hindi ko lang talaga masyadong matandaan pa. Ramdam ko ang pagkunot ng noo ko. Nang dahan-dahang buksan ang mga mata ay tumambad sa akin ang kadiliman. I feel something on my yes. I have a blindfold so I can't see them. Gusto kong magmura. Unti-unti kong naramramdaman ang kaba. Kuta na ako sa pakiramdam na ito. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kamay ko na nakatali sa aking harapan. Nang sinubukan kong igalaw ang kamay ko ay alam ko agad na hindi mahigpit ang pagkakatali nila. I tried to calm down and think how I can escape. Hindi ko pwedeng pairalin ngayon ang pagiging matatakutin ko. After many years staying at Italy, I know that I changed. Hindi na ako tulad noon na kunting bagay lang ay umiiyak na. Maliban kapag may kinalaman sa magulang ko hindi na ako masyadong umiiyak. I strong enough to face my problem. Hindi na di
Nakatulala sa tanawing nasa aking harapan at pilit iniintindi ang lahat ng mga nalalaman ko. Pilit kong sinisiksik sa isip ko ang lahat dahil kahit anong gawin ko ay wala akong maintindihan, litong-lito ako sa lahat nang nalalaman ko. Marahan kong pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. Nakakatawang isipin, umalis akong umiiyak at nasasaktan pagdating ko ulit dito ay gano'n pa rin, umiiyak at nasasaktan pa rin ako. Walang pinagbago. Walang nagbago. Ilang oras na akong nag-iisip ngunit pagkahanggang ngayon ay ayaw mag-sink in sa akin ang lahat ng sinabi ni Ghon. Kahit anong pilit kong tinatatak sa isip ko na hindi iyon magagawa sa akin ni Daddy ay hindi ko magawang masaktan. How can he do that to me? How can he do that to his own daughter? How can he hurt me this much? Ang tagal kong nagdusa, ang tagal kong nasaktan. Simula nang mawala si Ghon hanggang sa mawala ang anak namin. Hindi ko inaakala na ang lahat ng iyon...lahat ng pagdurusa ko ay ang sarili kong ama ang dahilan. Nakita n
Bago bumaba ay inayos ko muna ang sarili ko. Alam kong mahahalata talaga ni Mommy na umiyak ako. Mabuti na lang talaga at dala ko ang pouch ko. Naroon ang mga foundation ko. I apply some to my face para hindi halatang umiyak. Pagbaba ko sa living room ay agad kong nakita si Mommy kasama si Luna at ang dalawang lalaking nag-uusap like they're so close, Wize at Ghon. Dumeretso ako kay Luna na agad naman akong nakita. Tumayo siya at sinalubong ako ng yakap. “M-Mommy!” Binuhat ko si Luna at tiningnan sila. Mukhang hindi naman sila nagulat sa tinawag sa akin ni Luna kaya paniguradong alam na ng mga ito. Wize know my plan adopting Luna, and I guess he's the one who tell them about it. May pagka-chismoso din kasi ang lalaking ito. Lumapit si Mommy at Wize sa akin. Si Ghon ay nakitaan ko ng pag-alala sa mukha bago lumapit sa akin. I just nodded ay him.“We're going home, Mom. Kailangan ko pang magpahinga ulit. I feel so drained and tired.” “Hindi ba kayo pwedeng manatili muna dito ng ilan
Buong araw wala si Ghon at Luna nang araw na iyon kaya wala akong ginawa buong araw kundi ang manood ng telebesiyon at gumawa ng kung ano-anong pwedeng gawin para mawala ang pagkainip ko. Hindi ko alam kung kumain na ba ang dalawang iyon dahil wala namang dinalang pagkain o kahit ano si Ghon nang umalis sila maliban sa wire at martilyo. Hindi naman pwedeng iyon ang ipakain ni Ghon sa anak ko dahil talagang mapapatay ko siya. Alam kong nasa Isla lang sila but still I'm so worried to Luna. Baka kung ano-ano na ang pinapagawa ni Ghon kay Luna at mapahamak ang bata. Isusumpa ko na talaga siya pagnagkataon.Inis akong kumagat sa banana chips na ginawa ko kanina kasabay no'n ay ang pagbukas ng pinto. Agad akong napatingin doon. Napalabi ako nang makita ang dalawang taong pumasok mula doon. Akala ko ay wala na silang planong bumalik pa. Ang tagal nila. Tumayo ako nang makita si Luna na tumatakbo patungo sa akin. Nakapaskil pa sa labi niya ang malawak niyang ngiti na para bang may nangyaring
Pain. Sa buhay ng tao hindi mo masasabing kompleto kung hindi mo nararanasang masaktan ng tudo. We hurt in different ways. When I was a little, my parents never let me feel the pain. Sobrang protective at maalaga nila sa akin na kahit sa pag-akya't baba ng hagdan ay kailangan nakabantay pa sila. Now I understand. They protect me all their live when I was a little because they know that I'll hurt this much now. Malaking pagsubok pala ang susuongin ko ngayon. The big challenge comes on my life was too much to handle. Halos ikasira ng buhay ko. Na kahit sila hindi na ako kayang maprotektahan pa.I shook my head and sighed heavily. Sumunod si Ghon sa akin pagkatapos kong mag-walk out doon. Mahigpit kong niyakap ang mahabang unan at binaon ang ulo doon. Bumaon ang kama sa likuran ko hanggang sa maramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa baywang ko. Hindi siya nagsalita, pero parang sinasabi lang din niyang naroon lang siya sa tabi para alalayan ako...para protektahan at gabayan ako. Su
GHON'S POVNaghahanda na ako sa pag-uwi nang araw na iyon. I'm here at the State attending a business meeting. I stay here for four days now, atat na atat na rin akong umuwi sa asawa ko. We're newly wed but here I am attending business meeting, far from her. Pagkauwi ko ay babawi talaga ako sa kanya. I'll take her in vacation kung saan niya gusto. Mananatili kami roon hanggang kailan niya gusto. “Honey, I'm coming home. I miss you so much,” malambing kong wika sa kanya habang paakyat sa private plane ko. Uuwi na ako. Mayayakap ko na ang asawa ko. “Really? Oh, I miss you too, honey! I have a surprise to you.” Ramdam ko ang excitement niya. Napangiti ako. “Yeah? Ngayon pa lang ay excited na akong malaman ang surpresa mo, hon.” Habang nasa himpapawid ay pinili kong makipag-usap sa kanya buong oras. Hanggang sa nagsalita ang piloto ko at sinabing may problema kaya nagpaalam muna ako sa kanya. Pinuntahan ko ito at doon ay nakita ko siyang natataranta, paulit-ulit na bumuntonghininga. M
Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakasandal sa hamba ng pinto. Nakatingin sa mag-ama kong masayang naglalaro sa playroom. Ghon and Luna was wearing a rabbit headband while tingling the twins. Hindi ko maiwasang matawa nang malakas na hinampas ni Aisleigh, isa sa kambal ang mukha ng ama. Aisleigh at Sircto is a twin. Kinasal kaming muli ni Ghon nang bumalik kami sa Manila dalawang buwan na pananatili namin sa Isla. Nabuo na namin ang kambal bago pa kaming kinasal ulit. My twin was a blessing. Nang malaman ni Ghon na buntis ako ay grabeng pag-iingat ang ginawa niya. Halos ayaw na niya akong pagalawin. Kahit ang maglakad patungo sa kusina ay hindi niya pinahihintulutan. Kinunsiyaba pa niya si Luna sa kalokohan niya. But we're very thankful that I born them healthy and beautiful. Now they are two years old and Luna was turning seven years old this June 10. I can't believe that they're all grown up fast. “Sircto, come here!” Luna called her brother who's sitting at the corner while c
Ilham POVPatungo pa lamang si Ilham noon sa Batangas noon para sa isang property na bibilhin niya. Kailangan niyang tingnan muna iyon bago pumirma ng kotrata sa kanila. Plano niya kasing gawing rest house iyon. He's readying for his future. Gusto niya kasing naka-settle na ang lahat para sa magiging pamilya niya para kapag nahanap na niya ang babaeng para sa kanya ay may maiiwan siya para sa mga ito. “Pagkatapos ko sa Batangas ay babalik ako diyan. Hindi naman ako magtatagal. Tsk!” Kausap niya ang doktor niyang kaibigan sa Australia. He's also a Filipino kaya nakakaintindi ng Tagalog. “Make it sure, Ilham. The last time na sinabi mo iyan, dalawang linggo mong tinupad!” inis na sigaw nito sa kanya. Hindi maiwasang mapangisi si Ilham. Daig pa kasi nito ang babae sa tinis ng boses nito. Kasalanan ba niya kung may binabantayan siyang tao kaya siya nagtagal sa Pilipinas? Umiling-iling na pinatay niya ang tawag pagkatapos magpaalam. Pagkarating niya ng Batangas ay agad niyang pinuntah
Haera was smiling while looking at the sunset in front of her. The laugh and chitchatting of her family and kids was filled the whole place. Years has past, she's slowly accepting that Ilham Pratama was really gone forever. Hindi na niya ito mahahawakan o mayayakap pang muli.Ngunit sa nangyaring iyon, natutunan ni Haera na kahit sa sandaling mga sandali ng pagmamahal ay nag-iwan ng walang hanggang bakas, and her heart was thankful para sa maikling oras na kanilang ibinahagi sa isa't isa.In the intricate tapestry of life where moments are woven with delicate threads of memories, she discovered, with a heart heavy with both sorrow and love, that her time with Ilham, although painfully brief, shimmered with an intensity and depth that many might never experience in a lifetime, teaching her the bittersweet truth that sometimes, the most profound joys are those that are fleeting, yet they leave an indelible mark on the soul.Mahirap man nang una dahil nasanay siyang laging nakaalalay si
After the wedding ay nagtungo na sila sa reception. Labis ang saya at emosiyon ang naramdaman ni Haera sa oras na iyon, ganoon din si Ilham. Because she's finally a Mrs. Pratama, for real.Kaya hindi maalis ang ngiti sa labi nilang pareho. Nakasandal si Ilham sa kanya habang nilalaro nito ang kamay niya. She kissed his cheek everytime he was poking her hand.“After the reception, can we go somewhere else? In our favorite place,” he finally talk that make her stunned.Mula nang umalis sila sa simbahan ay panay lamang ang ngiti nito. Ngayon namang nagsalita ito ay mas gugustuhin na lamang niyang tumahimik ito hanggang mamaya. She doesn't want to hear what he gonna say, dahil alam niyang hindi niya iyon magugustuhan.“Not now, Ilham please.” Nawala ang ngiti na kanina'y hindi mawala sa labi niya. Bumagsak ang balikat at malalim na bumuntonghininga.Pinagsalikop ni Ilham ang kamay nilang dalawa. Ayaw niya itong tingnan dahil natatakot siya, natatakot siyang baka bigla na lamang siyang hum
Nang gabing iyon ay hindi sila nagtabi ni Ilham sa pagtulog. Si Gelle ang tumabi sa Daddy nito samantalang siya ay natulog katabi nang Mommy niya. Kinaumagahan ay sunod-sunod na dumating ang mga mag-aayos sa kanya. Kaya habang naliligo ay hindi maalis sa kanya ang ngiti niyang mula pa yata kagabi. Pakiramdam niya mula pagtulog ay nakangiti pa din siya. “Ang blooming naman nitong anak mo, Mare!” Paglabas niya ng banyo ay iyon ang bumungad sa kanya.“Hindi kami mahihirapan dito, kahit simpleng makeup ay maganda na itong anak mo,” sabi naman ng makeup artist sa kanya. Bahagya siyang tumawa. Lumapit naman ang mga ito sa kanya at sinimulan na siyang ayusan. Pati ang Mommy niya ay inayos na din ng mga ito. Her bridesmaid was Grace and Craine, at sa groomsmen ay ang kaibigan ni Ilham. Ayaw kasi si Wize dahil kaibigan din nito si Ghon. Hindi na niya iyon pinilit pa. “Si Ilham, Mom?” she asked. “May nag-aayos na sa kanya. He's with his groomsmen kaya huwag ka nang mag-alala.” Tumango siya
Nagising si Haera kinaumagahan dahil sa pilit na mag-alis ni Ilham sa yakap niya. Pilit itong huwag maubo dahil ayaw siyang nagising nito. Nangunot ang noo ni Haera at mabilis na iminulat ang mga mata, na natuon naman agad iyon sa kanyang Fiance na sumusubok na tumalikod at doon umubo.Lumapit siya at hinaplos ang likuran nito. “Babe, are you okay?” nag-aalala siya. Ilham nodded, he can't speak because of his cough. Maluha-luha niyang hinaplos ang likuran nito ngunit nang lumakas at parang nag-iba ang klase nang pag-ubo nito ay tumayo siya at tinakbo ang pinto. Tuloy-tuloy na pagtulo ang luha niya dahil sa kaba ngunit pilit niyang pinapatatag ang kanyang sarili. “Doc, Mommy, si Ilham po!” she shouted loudly habang nasa hamba ng nakabukas na pinto. Bumalik siya sa kama nang marinig ang sunod-sunod at malakas na yabag patungo sa kwarto nila. Natigilan si Haera nang makita ang kung ano sa kamay nito. Tinatakpan ng kamay nito ang bibig habang umuubo ngunit nang tingnan nito ang kamay
Pagdating nina Haera sa Australia ay agad na siyang dumeretso sa hospital na sinabi ni Grace. Hindi na inalintana ang pagod sa byahe. Sinundo sila ng tauhan ni Ghon. Doon niya lang nalaman na may bahay at business din pala ito doon. “Magpahinga muna kayo sa bahay mo,” pagod niyang wika kay Ghon na kanina pa napapansin niyang nakatitig sa kanya. “Puntahan niyo na lang ako mamaya dito. Let the kids rest muna. I will stay here and find Ilham.” Hindi na niya hinintay pa na sumagot ang mga ito at lumabas na ng kotse. Mabuti na lang at tulog na ang mga bata. Walang lingon-lingong naglakad siya papasok sa loob. Ngunit hindi niya inaasahan na habang naglalakad ay binati siya ng mga nurse o mga nagtatrabaho doon. Gulat ang mga itong makita siya ngunit nagawa pa ring batiin siya.“Mrs. Pratama,” someone called him.That's it. Nakilala siya bilang asawa ni Ilham. Bahagya siyang napangiti at labis ang pagpipigil na huwag umiyak sa harap ng mga ito. “W-Where's my husband? Si Ilham?” Nang lumap
Kakauwi lamang ni Ghon mula sa trabaho nang mapansin ang Mommy ni Rain sa living room, she look problematic to something. Wala na ang mga bata, paniguradong tulog na ang mga ito. Simula nang lumabas si Rain sa hospital ay pansamantala na mula silang nanatili doon. Lumapit siya at tumabi sa pangalawang Ina.“Mom, what happened?” Napapansin kasi nito ang pagka-problemado ng Ina ni Rain. Nanggaling ito sa pag-iyak, basi sa pamumula ng mata nito. Sofie look at him and sighed heavily. “She's crying whole day, hijo, ayaw niyang tumigil kahit na anong gawin namin. She's looking for him... she misses him so much that I can't stopped her from hurting.” Inaamin ni Ghon na nasasaktan siya. Lagi naman siyang nasasaktan kapag nakikitang mas mahal ni Rain si Ilham. If she's always looking at him... and hurting because he's not there beside her. Na sa pagmulat ng mga mata ay si Ilham agad ang hanap. Hindi niya mapigilang manlumo, dahil noon sa kanya ganoon ang dalaga ngunit ngayon ay sa iba na ito
Ngayon lang napapansin ni Haera na laging namumula ang mata ng kanyang anak na si Gelle. Nakausap na din pala niya ang anak niya kay Ghon. They spent their days in hospital para makasama siya. They are very happy. Si Ilham naman ay nanatili sa tabi niya, dinadalhan din siya ng pagkain ng Mommy at Nanay Nina niya. Kung minsan ay si Ilham ang namimilit na ipagluto siya. Laging gabi din naman bumabalik kaya nagtataka siya. “Anak, wala pa ba ang Daddy mo?” mahinahong tanong niya sa anak niyang si Gelle na nakaupo sa sopa malayo sa kanya at bahagyang nakatulala. Tumingin ito sa kanya ng malungkot at umiling. “W-Wala pa po, Mommy. Let's call him na po?” Nangunot ang noo niya at umiling. “Lets just wait him. Ang sabi ng Daddy mo ay tatawag o mag-t-text naman siya.”Wala itong nagawa kundi ang tumango. Kaya ng tumunog ang cellphone niya ay mabilis niya iyong kinuha. Si Gelle ay agad na lumapit sa kanya. Sakto namang pagsakot niya ay ang pagpasok ni Ghon. Natigilan ito ng makita silang ma
After what happened in that day, Ghon never show up in the hospital. She never asked ngunit sinabi pa rin ng Mommy niya na busy si Ghon sa kompanya nito. Dahil simula daw nang makita siyang muli ay hindi na ito bumibisita sa kompanya, hindi na nag-aattend ng mga meeting, nawalan na ito ng oras sa kompanya at tanging si Wize at ang Daddy ni Ghon na lamang ang nag-aasikaso no'n. “Do you want to eat, babe? Uuwi muna ako para kumuha ng damit mo, I'll cook for you,” Ilham said before fixing her bags. Iyon ang mga ginamit niya. Ang Mommy na sana niya ang magdadala no'n ngunit ayaw ni Ilham. Napapansin din ni Haera ang pamamayat ng fiance, namumutla din ito kung minsan. Hindi lang mapapansin dahil maputi ito. Hindi siguro nito alam na napapansin niya ang palaging pagtungo nito sa banyo. Sa katunayan ay napapansin na niya iyon simula nang nasa Palawan sila, ang umuwi ito galing sa business trip nito. Hindi na niya masyadong napansin iyon dahil busy ang isip niya sa ibang bagay. “Are you