"HARDER! SAAVEDRA!" malakas na sigaw sa akin ni Akio. Kaagad kong sinunod ang utos niya. Malakas kong sinuntok ang punching bag na nasa harap ko.
Halos magdadalawang linggo na mula nang dumating si Akio dito sa isla. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung paano siyang nasabihan ni Raul, na kailangan niya akong turuan. Pero ganoon pa man, ipinagsasawalang bahala ko na lamang. Ang importante sa akin ngayon ay matutong makipaglaban. Para kung sakaling kailanganin ay maipagtatanggol ko ang sarili ko. Mahirap ang umasa na lang ako palagi sa mga taong nakapaligid sa akin.
"Ano ba? Hindi ka ba kumakain? Ang lamya mong sumuntok!" inis at malakas na muling sabi sa akin ni Akio.
Eh kung padapuin ko kaya sa mukha mo itong kamao ko?! Nakakairita ka na ah! Napapairap na bulong ko sa sarili.
Akala yata ni Akio ay hindi ko napapansing pinag-iinitan niya ako! Halos buong araw-hindi; simula pala noong duma
MAHIGPIT kong hinawakan ang aking bestida nang biglang liparin iyon ng hangin. Hindi ko na napigilan ang pagsabog ng mahaba kong buhok. Halatang hindi ko napaghandaan ang malakas na hangin sa tabing-dagat."Need some help?" muntik na akong mapatalon nang sumulpot si Akio mula sa aking likuran."No, I'm fine." malumanay kong sagot bago umupo sa buhanginan. Hindi na ako nagulat nang umupo si Akio; may isang metro ang layo sa akin. "Si Raul?""Naghahanda ng hapunan." tipid niyang sagot sabay tingin sa malawak na dagat.Isang mahinang tango ang ginawa ko bago ko ginaya ang pagtanaw niya sa dagat. Napakatahimik, tanging ang alon na tumatama sa buhangin at mga bato lamang ang naririnig kong ingay."I miss your sister." basag ni Akio sa katahimikang pumapalibot sa amin."Ako rin naman." sagot ko. "Walang araw na hindi sila laman ng mga
"I'M SORRY..." Tila nawala ang antok ko nang marinig ko iyon mula kay Raul.Bakit siya humihingi ng tawad? Para saan iyon? May nagawa ba siyang mali sa akin?"Sorry for what?" mahina kong tanong habang unti-unting bumabangon.Mataman niya akong tinitigan. Ilang sandali'y sumilay ang isang malungkot na ngiti sa kaniyang mga labi. "For taking you away. Alam ko namang gusto mo nang umuwi."Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga. Maliit ang ngiting sumilay sa mga labi ko. Ngiti na tila inuubawa ang sinabi ni Raul.Pero bakit ganoon? Pakiramdam ko'y may ibang pakahulugan ang mga sinabi niya."Ayos lang, kasama naman kita." mahina kong sagot na nagpangiti kay Raul. "Napagtanto kong wala na rin naman akong babalikan kung sakaling iuwi mo ako ng Pilipinas.""Ang Tito Max mo, ang kumpaniyang iniwan sa iyo ng mga magulang mo. Mara
PATAKBO akong lumapit sa naghihintay na chopper. Pababa mula roon si Akio na bakas ang pag-aalala sa mukha.Kanina nang malaman ko ang lahat ay kaagad ko siyang tinawagan para sunduin ako. Ngayon nasagot na ang katanungan ko kung bakit siya nasa isla noon. Tinawagan pala siya ni Raul."Are you okay?" kaagad niyang tanong sa akin bago kinuha ang mga gamit ko.Mahinang pagtango lamang ang naisagot ko sa kaniya bago ako naunang sumakay. Bahala na kung anong maging reaksiyon ni Raul. Basta ang mahalaga'y makauwi ako.Simula sa isla hanggang sa airport ay wala akong imik. Mukhang naiintindihan naman ni Akio ang sitwasyon ko kaya hindi na lamang siya nagtanong pa nang kung anu-ano.Sa private airport ni Raul kami tumuloy. Nang makilala si Akio ng mga tauhan ni Raul ay hindi na nagtanong pa ang mga ito. Kaagad sumunod ang mga ito sa utos ni Akio na iuwi ako sa Pilipinas.Nakakata
PAWISANG naupo ako sa gilid ng gym na pinag-eensayuhan ko. I rented the whole place para walang makapasok na iba. Baka may makakilala sa akin, mahirap na.Marahas akong tumayo at humarap sa salamin. Kita ko ang buo kong katawan. Bakas sa mukha ko ang pagod pero nagingibabaw ang confidence na makukuha ko ang bagay na matagal ko nang gusto makuha.Hinawakan ko ang mahaba kong buhok. Masyado nang mahaba, umabot na iyon sa aking pang-upo. Pati ang mukha ko'y tila nagiging maputla na rin dahil sa hindi ko paglalagay ng make up.Isang hingang malalim ang aking pinakawalan. Bukas na ako babalik ng Batangas. Kaya dapat na maging maayos ako. Kailangan kong magsimula ulit, at baguhin ang mga ilan sa pagkatao ko.Muli kong pinasadahan ang aking sarili bago ko pinakawalan ang isang ngisi. Kailangan ko nang kumilos. Dahil hindi lang ako ang gumagalaw. Baka nga mas advance na ang galaw ng mga ahas na n
MALAMIG akong tinitigan ni Raul. Titig na akala mo'y may ginawa akong malaking kasalanan. Hindi ba dapat siya ang tingnan ko ng ganoon dahil sa mga panloloko niya sa akin?Sinalubong ko ang titig niya. Nagsukatan kami ng tingin. Tila binubutas ng mga titig namin ang pagkatao ng isa't isa.Hindi ako natatakot sayo Raul! Kilala na kita at alam ko na rin ang kaya mong gawin. Salamat na lang at tanga ka dahil pinili mong mapalapit tayo. Dahil doon nalaman ko ang lahat. Lahat ng mga itinatago mo! Lahat ng nalalaman mo!"Hija, magpahinga ka na muna, mamaya na lamang tayo mag-usap. Kailangan pa naming tapusin ang meeting." may ngiti sa labing sabi sa akin ni Tito Max. Dahil doon naputol ang tila nag-eespadahang titigan namin ni Raul."Hindi na Tito, aalis na ako. Pumunta lang ako dito dahil kailangan ko ng pera." sagot ko. Mula sa gilid ay narinig ko ang mahinang pagtawa ni Raul. Nabaling tul
"MA'AM Alex!" tawag sa akin nang kumakaway na si Joan.Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko bago ako naglakad papunta sa pwesto niya. "Handa na ba ang bangka?" tanong ko habang inaayos ang balabal na ibinalot ko sa aking katawan."Opo, naroon na si Mang Carding." nakangiting sagot ni Joan bago niya ako sinamahan sa pagpunta sa kinaroroonan ng bangka."Ma'am Alex, hindi pa ho ba kayo babalik sa Manila?" biglang tanong ni Joan."Hindi ko alam." maikli kong sagot bago ko siya iniwan sa dalampasigan.Nang makasakay sa bangka ay siniguro kong maayos kong naisuot ang life vest. Pati ang mga dala kong gamit ay inayos ko rin.Bigla akong napalingon sa nakatalikod na si Mang Carding nang buhayin nito ang motor ng bangka. Kaag
HALOS wala sa sariling pinanood ko lamang ang pagpapalitan ng suntok ni Raul at Cean. Parehong duguan ang mukha ng mga ito. Pero kahit ganoo'y walang nagpapaawat sa dalawa."Stop!" narinig kong sigaw mula sa aking likuran. "Both of you stop!" ulit nito.Mabilis akong lumingon. Ngunit tila parang sa pelikulang bumagal ang lahat nang makita ko ang taong sumigaw niyon. Nakasuot siya ng bestidang puti, may benda sa noo at may hawak na baril na palipat-lipat ang tutok sa dalawang nagpapambuno.Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Kasabay niyon ang tila pagkahilo dahil sa mga alaalang pilit sumisiksik sa utak ko.Ang maamo niyang mukha. Ang mapipilantik niyang mga pilikmata, matangos na ilong at manipis na mga labi. Hindi ako makapaniwala sa nakikita."Stay away, Moreen!" mariing sigaw ni
ISANG malalim na buntong-hininga ang aking ginawa bago naupo sa harap ng puntod ni Mommy at Daddy. Pagkaalis ko sa resort ay dito kaagad ako dumiretso.Alas-otso na ng gabi. Malamig ang hangin na bumabalot sa katawan ko."Mom, Dad." napipiyok kong sabi habang nanginginig ang mga kamay na humahaplos sa kanilang lapida. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ganito ang nangyayari? Bakit lahat sila niloloko ako?"Walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha. "Si Ate, buhay si Ate Mommy. Hindi ko alam kung paanong nangyari pero Mommy, bakit hindi ako masaya?"Hinayaan kong lamunin ako ng aking emosyon. Sa pagkakataong ito, muli kong pinakawalan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. They betrayed me, na para bang isa lang itong laro at ayos lamang ang mandaya't manloko. "Dad, your filthy evil best friend was the reason kung bakit nagkakaganito ako ngayon!" galit kong sigaw.&nb
——"AKIO!" malakas kong sigaw bago tumalon."Ma'am!" narinig kong pagtawag sa akin ng ilan sa mga tauhan ni Raul bago ako tuluyang nilamon ng tubig dagat.I can swim! Tinuruan ako ni Akio! Kaya dapat lang na gamitin ko iyon para sagipin siya!Madilim sa ilalim ng tubig. Para akong masusuka nang maramdaman ang sobrang sakit sa tagiliran. Hindi ko napaghandaan ang pagpasok ng lamig sa aking sugat. Mahapdi rin iyon dahil sa tubig-alat.Tinalasan ko ang paningin. Madilim kaya mahirap hanapin si Akio. Kaya mas pinag-igi ko pa ang paglangoy. Nang tuluyang makita si Akio ay mabilis kong ikinampay ang mga paa.Kaagad ko siyang hinila sa damit pagkatapos ay mabilis na sinakop ang kaniyang bibig. I'll do everything para mabuhay sila. Hindi ako papayag na iwan na naman ako ng mga taong malapit sa akin. Hindi ako papayag na may m
PUTING kisame ang bumungad sa akin. Naririnig ko ang pagtunog ng makinang nasa gilid. Pati na rin ang mabining tunog na likha ng hangin mula sa bukas na bintana."Alex, gising ka na!" sabi ni Jason bago lumapit sa akin.Mabilis kong inilibot ang tingin. Nasaan siya? Bakit wala si Raul?"Nasaan ang asawa ko?" mahina kong tanong na ikinaiwas ng tingin ni Jason. Bakas sa mukha nito ang pag-aalinlangan. Maging ang pag-aalala ay dumaan sa kaniyang mga mata."Nasaan si Raul?!" mariin kong ulit sa tanong."Two days kang tulog dahil sa maraming dugong nawala sayo. Sa loob ng dalawang araw na iyon, maraming nangyari." sagot sa akin ni Jason na ikinabangon ko. Tila pinunit ang tagiliran ko nang maramdaman ang kirot mula roon."What happened?" naiiyak ko nang tanong."Nakatakas si Maximo." sagot niya sabay i
ISA pang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Mr. Lim. Pakiramdam ko'y mamamaga ang palad ko dahil sa lakas niyon."That's for killing my Dad! And this, for betraying Saavedra!" galit kong sigaw bago muli siyang sinampal.Hindi ko na nakayanan ang pagpatak ng mga luha ko. Kahit papano'y parang nabawasan ang bigat na dinadala ko nang masampal ko si Mr. Lim.Isang pagtawa ang kumawala sa bibig ni Mr. Lim. Nakaluhod ito sa harap ko habang hindi tumitigil sa pagtawa. "Your father betrayed me first. Ipinangako niyang sa akin niya ipapamahala ang Saavedra na nakabase sa Canada. Pero anong ginawa niya, he humiliated me in front of everyone! Pinahiya niya ako at sinabing gahaman!" sigaw ni Mr. Lim."Because you are. Sino ka para pamahalaan ang pinaghirapan ng Daddy ko. Yes, you invested a lot of money pero hindi sapat iyon para pagkatiwalaan ka ni Daddy."
"I WANT them dead!" mariin kong sabi sa mga tauhan ni Raul. Walang nagawa ang mga ito kundi ang tumango. "Mag-iingat kayo, matinik rin si Maximo.""Huwag po kayong mag-alala Ma'am Alex. Mag-iingat po kami." nakangising sagot ng isa sa kanila.Nang makaalis ang mga ito'y pasimple kong binuksan ang laptop. Pinipilit kong pigilan ang sarili na tumawa nang malakas.Napakauto-uto ni Maximo. Anong akala niya, ibibigay ko ang mga hinahanap niya ng gano'n-ganoon na lang? Hindi ako bobong katulad niya."Kaunting-kaunti na lang, matatapos na ang lahat." mahina kong sabi bago muling pinanood ang mga ebidensiyang nakuha ko kay Maximo."Alex!" Taas ang kilay na napatingin ako kay Jason nang pumasok ito. Bakas sa mukha niya ang pagod at pag-aalala."What do you want?" Mataray kong tanong. Ang sabi ni Raul, mag-ingat raw ako kapag nariyan si Jason. E
MALAMIG akong napatitig sa salaming nasa banyo. Umaga na naman at kailangan kong harapin ang mga kampon ng demonyo sa opisina.Pinagbawalan na ako ni Raul na pumasok. Pero hindi ako pumayag, baka mas lalong matuwa si Maximo kapag nalaman nitong nagtatago ako.Hindi ako natatakot sa kaniya. Ilang beses ko nang kinaharap ang kamatayan, ngayon pa ba ako makakaramdam ng takot? Isa pa, nangako naman si Raul na pasasamahan ako sa mga tauhan niya. Mas maigi iyon, para kahit papaano'y mapanatag ang kalooban ko."Are you sure about this?" kunot ang noong tanong ni Raul habang nag-aalmusal kami.Mahinang pagtango ang isinagot ko sa kaniya. Hindi ko na alam kung pang-ilang beses niya na akong tinanong niyon. Alam kong nag-aalala siya para sa akin, pero hindi naman pupuwedeng dito lang ako sa bahay.
MALAKAS na ibinalibag ko ang hawak na baso. Nagkalat sa sahig ang mga bubog pati na rin ang natapong alak. "Anong ibig mong sabihin?!" "B-Boss." nahihintakutang sabi ng isa sa mga tauhan ko. "Nakita na lang po namin na wala na siyang buhay sa bahay na tinutuluyan niya. Mga dalawang araw na po siguro siyang walang buhay. Wala rin po doon si Raul." Isang malakas na sapak ang binigay ko sa kaniya. Nagngangalit ang ngiping sinakal ko ang kaharap. "Nasaan ang mga anak ko?! Nasaan si Moreen?! Nasaan si Rafael?!" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung tumutulo man ang dugo sa kaniyang ilong. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makita ko si Moreen at Rafael. "Boss! Nariyan na po ang bangkay ni Ma'am Moreen." anunsiyo ng k
MARAHAN akong umalis sa pagkakayakap kay Raul. Hindi ko na talaga kaya ang pananakit ng tiyan. Kanina pa nagrereklamo ang sikmura ko."Where are you going?" Muntik na akong mapatalon nang biglang hawakan ni Raul ang aking kamay.Nanghihina ang tuhod na napaupo ako sa kaniyang kama. "Kanina pa ako nagugutom. Sasaglit lang ako sa labas, baka may bukas na nang ganitong oras." sagot ko habang nakatingin sa relong pambisig. Alas-kuwatro na nang umaga. Hindi ko na talaga matiis ang gutom.Mapatitig ako kay Raul nang halikan niya ang aking kamay. "Mag-ingat ka, bumalik ka kaagad pagkatapos mo." may ngiting sabi niya bago pinakawalan ang aking kamay."I will." sagot ko na lamang bago tuluyang lumabas sa kaniyang kuwarto.Walang gasinong tao sa hallway ng hospital. Kung matatakutin lang ako'y baka kumaripas na ako ng takbo. Pagdating ko naman sa lobby ay marami-rami na akong namamataang mga bagong dating. Ang iba'y paseyente ang iba nama'y mga bantay na sag
WHAT the hell happened just now?Hanggang sa makasakay kami sa kotse'y hindi pa rin umaayos ang magulo kong pag-iisip. Tila nagsama-sama na ang lahat. Para akong mababaliw."I need answers!" Mariin kong sabi sa dalawang lalaking kasama ko. Panaka-naka ko silang sinusulyapan habang nagmamaneho ako. Pareho silang may iniinda kaya ako na lamang ang nagmaneho."Aabutin ako ng kamatayan kapag nagpaliwanag kami ngayon. Dalhin mo muna kami sa hospital Alex." Salubong ang kilay na sabi ni Akio.Huminga ako nang malalim bago sumulyap sa katabing si Raul. "Ikaw! Malayo sa bituka iyang tama mo, magsalita ka!" inis kong sabi kay Raul.Seryosong tumingin siya sa akin. Pagdaka'y ngumiti nang matamis bago ipinikit ang mga mata. "We'll explain later. Tama si Akio, babe. Dalhin mo muna kami sa hospital. Kasalanan mo rin naman kung bakit dumating sa ganitong punto." nakangising sabi niya sa akin. Nakuha niya pa talaga akong sisihin? Mga hayop na 'to!"Huwag m
"BUT, seriously, you need to be careful. Hindi lahat naaayon sa plano mo Alex." seryosong sabi ni Raul pagkatapos niyang tumawa nang pagkalakas-lakas."I know what I'm doing." sagot ko na lamang bago muling hinarap ang laptop.Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Raul. Pasimple ko siyang sinulyapan. Pero halos mamula ako nang makitang nakatitig siya sa akin."What?" takang tanong ko."May bigla lang dumaan sa isip ko." sagot niyang nagdala ng lamig sa buo kong katawan. "Tungkol sa isang importanteng tao sa buhay mo, Alex.""What do you mean?" tanong kong parang biglang naintriga."Maliban kay Maximo, may isa ka pang kalaban." Bigla akong nanlamig. "Kasabwat siya ni Maximo. Ayaw ko sanang sabihin sayo dahil alam kong hindi mo kakayanin.""Sino?"—MATALIM ang mga matang nakatitig ako sa screen ng laptop. Walang paglagyan ang galit at puot sa puso ko. Nag-uumapaw, na parang gusto nang sumabog.