Cassandra Dela Vega's POV
Hindi ako makagalaw. Parang tumigil ang oras matapos sabihin ni Sebastian ang mga salitang iyon. "Then I will marry you." Nanginginig ang kamay kong nakakapit sa laylayan ng gown ko. Ang dibdib ko, mabilis ang pagtaas-baba habang pilit kong inuunawa kung ano ang nangyayari. Sa paligid namin, unti-unting humina ang bulungan ng mga bisita. Ang ilan sa kanila ay nagulat, ang iba naman ay parang hindi makapaniwala. Si Daddy? Tahimik siyang nakatitig kay Sebastian, pero kita ko sa mga mata niya ang mabilis na pagproseso ng sitwasyon. Si Mommy? Halos hindi na makahinga sa kaba. At ako? Ako ang babaeng dapat ikakasal ngayon, pero sa hindi ko inakalang groom. Napalunok ako. "S-Sebastian…" Pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataong magtanong. Mabilis siyang lumingon kay Daddy at diretsong sinabi, "Ako ang papalit kay Daniel." Tahimik ang buong simbahan. Tila ba walang gustong magsalita. Si Daddy lang ang mukhang hindi nagulat. Parang inaasahan na niya ito. Tumingin si Sebastian sa akin. "Cassandra, you said you still want this wedding, right?" Hindi ako agad nakasagot. Pero alam kong wala na akong ibang pagpipilian. Alam kong hindi ako pwedeng umatras, hindi matapos ang lahat ng ito. Kaya kahit gumuguho ang mundo ko, kahit hindi ko alam kung paano ko kakayanin ito—ang lumabas lang sa bibig ko ay isang mahinang… "Yes." Sa sandaling iyon, alam kong wala nang atrasan ito. Ang kasal na dapat ay para kay Daniel… Ngayon ay magiging kasal namin ni Sebastian. *** Hindi ko na alam kung paano ako nakalakad papunta sa altar. Hindi ko na alam kung paano ako umabot sa harapan ng pari, kung paano ko naiangat ang tingin ko kay Sebastian, kung paano ko napigilan ang mga luha ko. Pero narito na ako ngayon. Siya ang kaharap ko. Siya ang magpapakasal sa akin. Ang lalaking minsan kong minahal. Ang lalaking minsan akong iniwan. Tinitigan ko siya. Gusto kong hanapin ang sagot sa mga mata niya, gusto kong malaman kung bakit niya ginagawa ito. Pero walang kahit anong emosyon sa mukha niya. Wala siyang galit. Wala siyang lungkot. Wala siyang saya. Parang isa lang itong ordinaryong transaksyon para sa kanya. Bakit niya ginagawa ito? Pero hindi ito ang oras para magtanong. "Simulan na natin ang seremonya," sabi ng pari. At doon, tuluyan kong naramdaman ang bigat ng sitwasyon. Ako si Cassandra Dela Vega. At sa loob ng ilang minuto… Magiging asawa ko na ang lalaking minsan akong sinaktan. Habang nagsasalita ang pari, unti-unting bumigat ang loob ko. Pero ang tunay na dagok, ang tunay na dagundong sa puso ko, ay nang marinig ko ang pinakaimportanteng bahagi ng seremonya. "Sebastian Alcantara, do you take Cassandra Dela Vega to be your lawfully wedded wife?" Mabagal siyang huminga. Alam kong kaya niyang umatras. Pero hindi siya umatras. Diretso siyang tumingin sa akin, at sa unang pagkakataon, may nakita akong kakaiba sa mga mata niya. Isang bagay na hindi ko mawari. Isang bagay na nagpakaba sa akin. "I do." Isang iglap, parang gumuho ang mundo ko. Napalunok ako. "Cassandra Dela Vega, do you take Sebastian Alcantara to be your lawfully wedded husband?" Hindi ko alam kung paano ako nakasagot. Pero alam kong wala na akong ibang pagpipilian. "I do." At sa pagbigkas ng dalawang salitang iyon… Alam kong hindi ko na mababawi ang lahat. Alam kong ito na ang umpisa ng isang bagay na hindi ko inakala. Ngayon… Ako na ang asawa ng lalaking minsan akong iniwan. "You may now kiss the bride." Parang isang malakas na hampas ng alon ang salitang iyon sa utak ko. Para akong natuklaw ng lamig, hindi makagalaw, hindi makahinga. Mula sa altar, natigilan ako, nakatitig lang kay Sebastian. Ramdam ko ang bigat ng mga matang nakatingin sa amin—mga bisitang nag-aabang, nagtataka, at siguro ay nag-uusap-usap sa likod namin. Pero sa lahat ng naroon, isa lang ang hindi natinag. Si Sebastian. Tahimik siyang humakbang palapit sa akin, ang kanyang presensya ay nagdulot ng kakaibang init sa malamig kong katawan. Bawat segundo, bawat hakbang niya ay parang nagpapabagal sa mundo. Hanggang sa naramdaman ko ang kamay niya sa baba ko, marahan niyang inangat ang mukha ko para salubungin ang tingin niya. Diyos ko. Ang lalim ng titig niya. Para bang may isang bagay siyang gustong iparating. Isang bagay na hindi ko maintindihan. Napalunok ako. Hindi ko ito inisip. Hindi ko ito inasahan. Hindi ko ito ginusto. Pero nandito na ako. Sa harap ng Diyos, sa harap ng pamilya namin, sa harap ng lahat ng taong nag-aabang. Walang atrasan. Bago pa ako makapag-isip ng paraan para umiwas—dumampi ang labi niya sa labi ko. Isang halik na dapat ay pang-show lang, pero bakit parang… totoo? Bakit parang sa halip na isang kasunduang halik, may kung anong nakakapasong init ang dumaloy sa akin? Nanlaki ang mga mata ko. Napapikit siya. Sa loob ng ilang segundo, nakalimutan ko ang lahat. Nakalimutan ko na dapat wala akong maramdaman. Nakalimutan ko na hindi ako dapat mahulog ulit. Nakalimutan ko na si Sebastian Alcantara ang unang lalaking bumasag sa puso ko. Hanggang sa biglang bumitaw si Sebastian. Doon ako tuluyang natauhan. Nilingon niya ang mga bisita, saka ngumiti nang tipid. Wala siyang emosyon, parang walang nangyari. Dahan-dahang bumaling ulit siya sa akin. May ibinulong siya, isang bagay na ako lang ang nakarinig. "This is just the beginning, Cassandra." *** Hindi ko alam kung paano ako nakaalis ng simbahan. Parang nasa autopilot ang katawan ko habang bumabati sa mga bisita, habang nakikipagkamay sa mga taong ni hindi ko alam kung sino. Lahat sila, nagtataka pero hindi nagtatanong. Lahat sila, nakangiti pero halatang gustong malaman kung ano nga ba ang nangyari? Si Daddy at Mommy? Hindi nagreklamo. Hindi rin nagtanong. Mukhang masaya sila. Mukhang masaya rin ang pamilya Alcantara. Kasi sa kanila, wala namang talo. Hindi natuloy ang kasal kay Daniel? Okay lang, dahil si Sebastian naman ang pumalit. Business as usual. Pero ako? Pakiramdam ko, hindi ako kasali sa sariling kwento ng buhay ko. Parang isang manika na pinagalaw lang sa isang scripted na palabas. Habang nakaupo ako sa loob ng wedding car, tulala lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Hanggang sa maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nag-angat ako ng tingin. Si Sebastian. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Wala pa ring emosyon. Wala pa ring kahit anong reaksyon. Pero may isang bagay sa mga mata niya na hindi ko mabasa. Kahit anong pilit ko. Kaya bago pa ako mahulog sa illusion na baka may natitira pang koneksyon sa amin, mabilis kong binawi ang kamay ko. Alam kong napansin niya iyon, pero hindi siya nagsalita. Nanatili lang kaming tahimik sa buong biyahe. Pero kahit wala siyang sinasabi… Ramdam ko. Ramdam kong may paparating. Ramdam kong may mga lihim na hindi ko pa alam. Ramdam kong sa isang iglap…hindi na ako makakatakas.Cassandra Dela Vega's POV Tahimik ang buong biyahe papunta sa reception. Halos hindi kami nag-usap ni Sebastian. Hindi ko alam kung mas mabuti bang ganito, pero ang isang bagay na sigurado ako—wala akong ideya kung ano ang tumatakbo sa isip niya.Bakit siya ang pumalit kay Daniel?Ano ang tunay niyang dahilan?At paano ko haharapin ang lalaking minsan kong minahal—at minsan akong iniwan?Mas lalo akong kinabahan nang marating namin ang hotel kung saan gaganapin ang wedding reception. Isang five-star luxury hotel na pagmamay-ari ng pamilya Alcantara, kaya hindi na ako nagulat na sa kanila rin ito gaganapin.Pagkababa namin ng sasakyan, sinalubong agad kami ng malalakas na palakpak mula sa mga bisita. May mga nag-cheer, may mga mukhang nagtataka pa rin sa nangyari, pero wala nang nagtangkang magtanong.Kailangan naming magpanggap.Kahit ang totoo… wala akong ideya kung paano ko makakayanan ito.“Smile, Cassandra,” mahinang bulong ni Sebastian habang hawak niya ang kamay ko. “We have an
Cassandra Dela Vega's POV Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo lang sa gitna ng silid matapos lumabas si Sebastian. Parang isang hindi ko kayang ipaliwanag na bigat ang bumalot sa akin, na para bang ang dami-daming dapat kong maramdaman, pero wala akong lakas para harapin ang alinman sa mga iyon. Sa isang gabi, nagbago ang buong buhay ko. Nagpakasal ako sa isang lalaking hindi ko inasahan. Isang lalaking dati kong minahal, pero iniwan ako. Isang lalaking hindi ko sigurado kung paano ko haharapin sa susunod na mga araw. Huminga ako nang malalim at pilit na pinalis ang mga negatibong iniisip. Kailangan kong magbihis. Kailangan kong bumalik sa reyalidad. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa walk-in closet, tinanggal ang mabibigat na alahas na suot ko, at marahang hinubad ang wedding gown na kanina ko pa gustong alisin. Nang tuluyan na akong nakapagpalit ng silk nightwear, dumiretso ako sa harap ng malaking salamin. Tinitigan ko ang sarili ko. Ang babaeng nakatingin pab
Cassandra Dela Vega's POV Gising pa rin ako. Hindi ko alam kung anong oras na, pero ilang beses ko nang narinig ang tunog ng wall clock sa kwarto—isang mabagal at paulit-ulit na tik-tok na parang lalo lang nagpapaalala sa akin na hindi ako makatulog. Damn it. Nilingon ko si Sebastian. Nakahiga siya sa kabilang gilid ng kama, nakatalikod sa akin. Tahimik. Matatag ang paghinga, pero hindi ko sigurado kung tulog na ba siya o gising pa. Tiningnan ko ang espasyong namamagitan sa amin. This is so awkward. Paano ba naman, ngayon lang ulit kami nagkatabi sa iisang kwarto, sa iisang kama, matapos ang tatlong taon. Pero ngayon, may pagitan na sa amin. Isang invisible wall na mas mahirap sirain kaysa sa kahit anong konkretong harang. Dati, wala kaming problema sa ganitong sitwasyon. Dati, hinahayaan kong balot niya ako sa yakap niya hanggang sa makatulog ako. Dati, wala akong kahit anong duda sa kanya. Pero lahat ng iyon, nawala. At sa kabila ng lahat, hindi ko pa rin makuha ang sagot
Cassandra Dela Vega's POV Mula sa umpisa, alam ko nang ang kasal na ito ay isang kasunduan lang. Wala itong halong damdamin. Wala itong halong pagmamahal. Habang nakaupo ako rito sa hapag-kainan, sa pagitan ng dalawang pamilyang tanging negosyo lang ang iniisip, lalong lumilinaw sa akin na ako lang ang nag-iisang talo rito. Nagpalitan ng kaunting salita sina Mommy at Doña Isabelle—mga pormal at maingat na usapan tungkol sa merger ng kumpanya namin. Hindi ko na sinubukang makisali. Ni hindi ko na rin inintindi ang mga detalyeng pinag-uusapan nila. Sa halip, inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Sa mesa kung saan kami nakaupo, lahat ng pagkain na masarap at mukhang mamahalin. Pero kahit isang kagat, hindi ko magawang tikman. Hindi dahil wala akong gana—kung 'di dahil parang may nakabigat sa dibdib ko na hindi ko maalis. Muli kong nilingon si Sebastian. Tahimik lang siya habang iniinom ang kape niya, halatang wala ring interest sa usapan. Pero kahit na hindi siya nagsasalita, hi
Cassandra Dela Vega's POV Matapos ang ilang minutong usapan nila Sebastian at Mr. Chua, nagpaalam na ang matanda para lumipat sa ibang grupo ng mga bisita. Nagpigil ako ng buntong-hininga habang nararamdaman ang pabigat nang pabigat na presyong nakapatong sa balikat ko. Hindi pa man natatapos ang gabi, pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Ngunit ang gabi ay malayo pa sa pagtatapos. Nang lingunin ko si Sebastian, nagtagpo ulit ang mga mata namin. May kakaibang ningning sa titig niya—parang may alam siyang hindi ko alam. “Bakit ka nakatingin ng ganyan?” tanong ko, hindi na nag-abala pang itago ang inis ko. Umangat ang isang sulok ng labi niya. “Bakit? Bawal na ba akong tumingin sa asawa ko?” Napapikit ako sandali, pilit na pinapatahan ang sarili kong hindi sumabog sa harap ng maraming tao. Asawa. Ang salitang iyon ay parang tinik sa lalamunan ko. Alam kong kasal na kami, pero sa tuwing maririnig ko iyon sa kanya, lalo ko lang nararamdaman kung gaano ka-absurdo ang sitwasyong
Cassandra Dela Vega's POV Hindi ko alam kung ilang segundo kaming nakatayo lang doon, nagtititigan sa pagitan ng katahimikan. Para bang may isang hindi nakikitang pwersa na pilit kaming hinahatak palapit sa isa’t isa, kahit alam naming hindi dapat. Si Sebastian ang unang kumilos. Kaswal niyang ipinasok ang isang kamay sa bulsa ng slacks niya habang ang isa naman ay umangat, marahang hinaplos ang isang hibla ng buhok ko na nahulog sa aking mukha. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. “Tinititigan mo ako nang ganyan, Cassandra.” Bahagyang napalalim ang boses niya, masyadong mababa para marinig ng iba, pero sapat na para dumaloy sa balat ko na parang isang pahiwatig ng panganib. “Ano bang iniisip mo?” Napasinghap ako at agad na umatras. “Wala,” sagot ko agad, pilit na iniiwasan ang titig niya. Narinig ko ang mahina niyang tawa. “Sigurado ka?” Hindi ako sumagot. Dahil hindi ko kayang sagutin ang tanong na iyon. Sa halip, tinalikuran ko siya at naglakad pabalik sa gitna ng ballroom.
Cassandra Dela Vega's POV Pagkatapos ng sayaw namin ni Sebastian, nagbalik ako sa mesa, pilit na nilalabanan ang matinding epekto ng nangyari. Alam kong isa lang iyong laro para sa kanya—isang paraan para ipakita kung sino ang may kontrol. Pero sa loob-loob ko, hindi ko matanggap kung paano niya ako nadadala sa mga patibong niya. Hindi ako pwedeng mahulog ulit. Hindi ako pwedeng bumigay. "That was quite a performance, Mrs. Alcantara." Napalingon ako kay Luna Mendoza, isa sa mga socialites na matagal ko nang kilala. Ngumiti siya sa akin habang nilalaro ang kanyang wine glass. "You and Sebastian really look good together," dagdag niya, puno ng kahulugan ang kanyang tinig. "Mukha lang," sagot ko nang walang pag-aalinlangan. "Pero hindi lahat ng maganda sa paningin ay totoo." Bahagya siyang natawa, halatang naaliw sa sagot ko. "Interesting. Pero alam mo, Cassandra, people are already talking. Masyado raw kayong bagay para sa isa't isa." Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o
Cassandra Dela Vega's POV Napabuntong-hininga ako habang nakatayo sa balcony ng kwarto ko, pinagmamasdan ang papalubog na araw sa malawak na hardin ng mansyon. Mag-iisang araw pa lang ako dito, pero pakiramdam ko ay para akong nakakulong sa isang ginintuang hawla—malawak at marangya ang paligid, pero may hindi maipaliwanag na bigat sa dibdib ko. At siyempre, isang malaking dahilan doon ay si Sebastian. Simula nang dumating ako rito, wala siyang ibang ginawa kundi pagsubukin ang pasensya ko. Kanina lang, bigla na lang niyang iniutos na may sumundo sa akin para dalhin ako dito. Ngayon naman, sinasabi niyang wala akong karapatang makialam sa buhay niya? Tama ba iyon? Pinili ko bang mapunta rito? Pinili ko bang ipakasal sa kanya? Nagpuyos ang dibdib ko sa galit habang iniisip ang mga ginawa niya. Hindi ako basta-basta magpapatalo sa kanya. Matapos ang ilang minutong pagpapakalma ng sarili, bumaba ako upang hanapin ang hapag-kainan. Kahit naiinis ako, kailangan ko pa ring kumain.
Cassandra Dela Vega's POV Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatiling nakayakap kay Sebastian. Ramdam ko ang mahigpit niyang yakap, ang init ng katawan niya na tila nagbibigay sa akin ng kahit kaunting lakas sa gitna ng magulong emosyon ko. Pero kahit anong yakap niya, hindi kayang burahin ng init niya ang malamig na katotohanang natuklasan ko.Si Daniel… ang lalaking dapat kong pakasalan noon… ay kapatid ko pala.Paano nangyari ito? Bakit ngayon ko lang nalaman? At paano ko haharapin ang pamilya ko pagkatapos ng rebelasyong ito?Maraming tanong ang naglalaro sa isipan ko, pero alam kong may isang tao lang ang makakapagbigay ng sagot sa lahat ng ito—ang sarili kong ama.Dahan-dahan akong kumalas mula sa yakap ni Sebastian at tiningnan siya. May pag-aalala sa mga mata niya, ngunit hindi niya ako pinigilan nang tumayo ako at kumuha ng coat.“Where are you going?” mahina niyang tanong.I swallowed hard before answering. “I need to see my father.”Habang nasa loob ako ng sasakyan, h
Cassandra Dela Vega's Isang buwan na ako sa trabaho sa Alcantara Group of Companies, at sa bawat araw na lumilipas, mas lalo kong pinapatunayan sa sarili ko na kaya kong tumayo sa sarili kong paa. Hindi ko ginamit ang pangalan ko bilang asawa ni Sebastian para makakuha ng special treatment. Sa halip, nagsumikap ako upang patunayan sa lahat—at higit sa lahat, sa sarili ko—na may halaga ako, na kaya kong magtagumpay sa sarili kong paraan.Isang umaga habang nasa opisina ako, natanggap ko ang isang tawag mula sa isang hindi pamilyar na numero. Dahil abala ako sa paggawa ng reports, hindi ko na sana ito sinagot, pero may kung anong kaba sa dibdib ko kaya’t pinindot ko ang green button.“Hello?” sagot ko habang sinusulyapan ang laptop screen ko.“Cassandra.”Napatigil ako. Isang pamilyar na tinig ang narinig ko mula sa kabilang linya, isang boses na hindi ko inaasahang maririnig pa.Napasinghap ako. “Daniel?”“Can we meet?”Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Ilang linggo na ang nakalip
Cassandra Dela Vega's Hindi naging madali ang desisyong ito para sa akin. Ilang araw kong pinag-isipan kung ano ang dapat kong gawin matapos akong itakwil ng pamilya ko. Alam kong hindi ko na maibabalik ang dating buhay ko, pero hindi rin ako maaaring manatili lang sa bahay ni Sebastian at hayaang lamunin ako ng lungkot.Kailangan kong bumangon at ang unang hakbang ay ang maghanap ng trabaho.Alam kong maraming kumpanya ang maaaring tumanggap sa akin, lalo na’t may mataas akong pinag-aralan at maraming koneksyon. Pero gusto kong magsimula nang patas—gusto kong ipakita na kaya kong tumayo sa sarili kong paa.Kaya naman nagpasya akong mamasukan sa Alcantara Group of Companies, ang kumpanyang pagmamay-ari ni Sebastian.Noong una, tutol siya. Ayaw niyang makita akong nahihirapan, lalo na’t alam niyang hindi ko kailanman kinailangang magtrabaho noon. Pero nagmatigas ako.“Sebastian, hindi ko gustong umasa lang sa’yo habambuhay,” matigas kong sabi sa kanya isang gabi habang nasa kwarto kam
Cassandra Dela Vega's POVTahimik kaming nakasakay sa sasakyan ni Sebastian, pero hindi iyon dahil wala kaming gustong sabihin. Sa totoo lang, ang daming emosyon ang gustong kumawala sa dibdib ko—galit, sakit, lungkot, takot. Ngunit hindi ko alam kung paano ko iyon ipapahayag nang hindi tuluyang bumigay.Nakatitig lang ako sa labas ng bintana habang nilalandas namin ang kalsadang patungo sa bahay ni Sebastian. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kabilis nagbago ang buhay ko. Dati, buong akala ko na ang pamilya ko ang laging magiging tahanan ko, pero ngayon, sa isang iglap lang, itinakwil nila ako. Dahil lang sa pagmamahal ko kay Sebastian. Dahil lang hindi ko kayang ipagpalit ang taong pinakamahalaga sa akin.Ramdam ko ang matinding pagkapit ni Sebastian sa manibela. Halata sa panginginig ng kanyang kamay ang pagpipigil niya sa galit. Alam kong gusto niyang bumalik at makipagtalo pa sa Daddy ko, pero mas pinili niyang sumunod sa gusto ko—na umalis, lumayo, at hanapin ang katahimikan
Cassandra Dela Vega's POV Nananatili akong nakayakap kay Sebastian, ninanamnam ang init ng kanyang bisig habang hinahayaan kong humupa ang kaba sa dibdib ko. Pero kahit pa anong pilit kong pakalmahin ang sarili ko, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Daniel may have walked away, but I knew deep down that this wasn’t over. Hindi niya basta-basta tatanggapin ang desisyon ko. At higit sa lahat, hindi ko rin alam kung ano pa ang gagawin ni Mommy para ipilit ang gusto niya. "Hey," mahinang bulong ni Sebastian habang hinahaplos ang buhok ko. "Stop overthinking." Napatingin ako sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "I'm not overthinking," sagot ko, kahit na alam kong kasinungalingan iyon. Napangiti siya nang bahagya, pero halata ang pagod sa kanyang mga mata. He knew me too well to believe my lies. "You are," sagot niya. "And I get it. Alam kong hindi madali para sa'yo ang lahat ng nangyayari. Pero, Cassandra, hindi ka nag-iisa rito." Huminga ako nang malalim bag
Cassandra Dela Vega's POV Isang buwan at tatlong araw. Ganoon katagal kong hinintay ang araw na ito. Dumaan ako sa bawat umaga na umaasang pagpasok ko sa ospital ay sasalubungin ako ng boses ni Mommy, tatawagin ang pangalan ko, at yayakapin ako tulad ng dati. At ngayon, sa wakas, nagising na siya. “Mommy…” Nangingilid ang luha kong tinawag siya, nanginginig ang kamay ko habang hawak ang kamay niya. Hindi ako makapaniwala na muling mabubuksan ang kanyang mga mata at makikita ko ulit ang init sa kanyang mga titig. “Cassandra…” Mahina ang boses niya, tila nahihirapang magsalita matapos ang mahabang panahon ng pananahimik. Napaluha ako at agad na niyakap siya. “Mommy! Thank God! Akala ko…” Hinaplos niya ang buhok ko, pilit na pinapatahan ako. “I’m here, anak…” Walang mapagsidlan ang tuwa ko. Mula sa likuran, narinig kong suminghap si Sebastian, at nang lumingon ako sa kanya, nakita kong siya mismo ay hindi makapaniwala sa nangyari. Tumabi siya sa akin at marahang hinawakan ang kama
Cassandra Dela Vega's POV Nakahawak ako sa kamay ni Mommy habang nakaupo sa tabi ng hospital bed niya. Mula nang maaksidente sila ni Daddy, halos araw-araw akong nandito. Si Daddy ay patuloy nang bumubuti ang lagay, pero si Mommy… hindi pa rin siya nagigising.Hindi ko alam kung ilang beses ko na siyang kinausap. Paulit-ulit kong binubulong sa kanya na gumising na, na kailangan namin siya, pero nanatili siyang tahimik—walang kahit anong senyales na naririnig niya ako.Huminga ako nang malalim at tiningnan ang doktor na nakatayo sa paanan ng kama ni Mommy."Doc, hanggang kailan po ito?" mahina kong tanong, pilit na nilalabanan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.Nag-ayos ng salamin ang doktor bago sumagot. "Miss Cassandra, gaya ng paliwanag namin noong una, ang kondisyon ng iyong ina ay tinatawag na ‘medically induced coma.’ Ginawa namin ito upang maiwasan ang brain swelling matapos ang aksidente. However, it's been weeks, at kahit inalis na namin ang sedation, hindi pa rin siya nagig
Cassandra Dela Vega's POV Nagising ako sa malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Nang imulat ko ang mga mata, ang unang bagay na nakita ko ay ang pamilyar na pigura ni Sebastian, nakaupo sa tabi ko, nakasandal sa armrest ng couch. Nasa lounge area pa rin kami ng ospital. Napabuntong-hininga ako at marahang umupo. Hindi ko alam kung anong oras na, pero base sa katahimikan ng paligid, siguro ay madaling araw pa lang. Nilingon ko si Sebastian. Nakapikit siya, halatang hindi rin maayos ang tulog. Napangiti ako nang mapansin kong mahigpit pa rin niyang hawak ang kamay ko, parang kahit sa pagtulog, ayaw niya akong pakawalan. Dahan-dahan akong bumangon, pero bago pa ako makalayo, naramdaman kong hinigpitan niya ang hawak niya sa akin. Nagmulat siya ng mata, diretso sa akin. "Saan ka pupunta?" "Babalik lang ako sa kwarto ni Daddy," sagot ko. Umiling siya at marahang hinila ako pabalik sa tabi niya. "You need more rest, Cassandra." "Hindi na ako pagod," sabi ko kahit alam kong
Cassandra Dela Vega's POV Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakaupo rito sa waiting area ng ICU. Ang orasan sa dingding ay patuloy lang sa pagtakbo, pero para sa akin, tila bumagal ang oras—parang tumigil ang mundo ko kasabay ng pagbagsak ng mga magulang ko.Malamig ang paligid, pero tila mas malamig ang pakiramdam ko sa loob.Mula sa bintana ng ICU, tanaw ko ang mga magulang kong nakahiga sa kani-kanilang kama, napapaligiran ng iba't ibang medical equipment. May tubo sa bibig si Daddy, habang si Mommy naman ay halos hindi gumagalaw.Parang may nakadagan sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko sila.Hindi ko sila nakitang ganito noon. Si Daddy, kahit matanda na, ay laging matikas at matapang. Si Mommy, kahit istrikta, ay palaging composed at elegante. Pero ngayon…Nakasalalay ang buhay nila sa mga makina.Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Sebastian sa kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya. Tahimik lang siya, pero may halong pag-aalala ang tingin niya sa akin."You need to