Cassandra Dela Vega's POV
Tatlong taon. Tatlong taon mula nang huli ko siyang makita. Tatlong taon mula nang bigla siyang nawala, hindi nagpaalam, hindi nagbigay ng paliwanag—parang hindi ako kailanman naging parte ng buhay niya. At ngayon, heto siya. Nakatayo sa harapan ko, sa mismong gabing desperada akong tumakas. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi makagalaw, hindi makapagsalita. Naramdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko, pero hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil sa simpleng katotohanang siya pa rin ang nag-iisang lalaking nagawa akong pakiramdaman ng ganito—isang halo ng pait, sakit, at isang bagay na hindi ko gustong aminin. Sebastian Alcantara. Mataas pa rin siya kagaya ng dati, mas lalong naging makisig, mas lumalim ang mga mata niyang laging puno ng misteryo. Pero ang pinakahindi ko kayang tiisin? Ang paraan ng pagtitig niya sa akin ngayon—parang may hinahanap, parang may gustong sabihin… pero hindi niya alam kung paano. Parang noong una niya akong iniwan. "Cassandra." Napakuyom ang mga kamay ko. Kung anuman ang rason kung bakit siya bumalik, wala akong pakialam. Wala na akong pakialam sa kanya. "No," bulong ko sa sarili ko. Mabilis akong humakbang palayo, pero hindi ako nakalayo nang bigla niyang hawakan ang braso ko. "Sandali lang," mahina pero matigas ang boses niya. "Saan ka pupunta?" Pinilit kong bawiin ang braso ko, pero masyadong mahigpit ang hawak niya. Napatingin ako sa kanya, at sa unang pagkakataon, lumabas ang galit na matagal ko nang kinikimkim. "Anong karapatan mong tanungin 'yan?" matalim kong sabi. "You don’t get to ask me anything, Sebastian. Not after what you did." Dumaan ang isang segundo ng katahimikan bago niya dahan-dahang binitiwan ang pagkakahawak sa akin. Pero hindi pa rin siya lumayo. "Cassandra…" Bumuntong-hininga siya, at sa unang pagkakataon, nakita ko na parang nahirapan siyang magsalita. "Alam kong galit ka. Alam kong maraming bagay ang hindi mo maintindihan, pero—" "Pero ano?" Tumawa ako ng mapait, pilit pinipigilan ang kirot na pilit bumabalik sa dibdib ko. "After three years, bigla kang magpapakita sa akin at magsasabing may hindi ako naiintindihan? Seriously?!" "Cassandra, just—" "No, Sebastian!" Muling lumakas ang boses ko, hindi ko na kayang itago ang emosyon ko. "Alam mo bang muntik akong mabaliw kakaisip kung anong nangyari sa 'yo? If I did something wrong? Kung bakit mo ako iniwan ng ganoon na lang?!" Alam kong hindi ito ang tamang oras para rito. Alam kong dapat mas inuna ko ang pagtakas, ang pagtakas mula sa kasal na hindi ko ginusto. Pero paano ako tatakas kung heto na naman siya, binubuksan ang sugat na akala ko matagal ko nang nalimutan? Hindi siya sumagot. Hindi siya gumalaw. At doon ko na-realize… ni hindi siya makatingin ng diretso sa akin. At sa kahit anong dahilan, mas lalo akong nagalit. "At ngayon, gusto mong sagutin ko ang tanong mo? Na parang wala lang? Saan ako pupunta? Gusto mo talagang marinig ang sagot, Sebastian?" Lumingon ako sa kanya, mariin ang bawat salitang binitiwan ko. "Lalayo ako. Aalis ako mula rito, mula sa kanila… at mula sa 'yo." Saglit siyang napakurap, pero hindi siya nagsalita. Hindi niya ako pinigilan, pero alam kong may gusto siyang sabihin. Pero wala akong oras para hintayin siyang magsalita. Muli akong humakbang palayo, at this time, hindi niya na ako hinawakan. Hindi niya na ako pinigilan. Akala ko nakalaya na ako. Pero ilang hakbang pa lang ang natatapos ko nang marinig ko ang isang boses na hindi ko kailanman inaasahan. "Cassandra." Nanlamig ang buong katawan ko. Mabigat akong napalingon… at bumagsak ang tiyan ko sa kaba nang makita ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko. Si Daddy. At sa tabi niya… ang Mommy ko. Kasama nila si Don Guillermo Alcantara at si Daniel. Malamig ang titig ng Daddy ko sa akin, at alam kong wala na akong pag-asang makaalis. And worse? Sa gilid ko, naramdaman kong tumitig sa akin si Sebastian, this time… iba ang titig niya. At sa sandaling iyon, alam kong may mas malaking problema akong kailangang harapin. Hindi lang ang kasal na pilit ipinipilit sa akin… kung 'di pati ang pagbabalik ni Sebastian Alcantara sa buhay ko. Parang bumagsak ang buong mundo ko sa eksenang nasa harapan ko. Si Daddy. Si Mommy. Si Don Guillermo Alcantara. At si Daniel. Nakatayo sila sa harap ko, pawang hindi makikitaan ng emosyon—maliban kay Daddy na halatang nagpipigil ng galit. Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko ay isa akong ibon na nahuli sa bitag. Ang malamig na ihip ng hangin sa hardin ng mansyon ay walang silbi sa init ng tensiyon sa paligid. Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko nang maramdaman kong nakatingin pa rin sa akin si Sebastian. "Anong ibig sabihin nito, Cassandra?" mahina, pero mariing tanong ng Daddy ko. I swallowed hard. "Anong ibig sabihin ng ano, Dad?" Kahit nanginginig ang boses ko, pilit kong pinanindigan ang sarili ko. "Don't test my patience, hija," sabat ni Mommy. Mas mahinahon ang tono niya, pero dama ko ang bigat ng disappointment sa mga mata niya. "Alam naming tinatangka mong tumakas." "I can't believe this," singit ni Daniel, na tila noon lang nagsalita. "Cassandra, were you seriously planning to run away from our wedding?" Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung dapat akong makonsensya sa sinasabi niya, pero wala akong utang na loob kay Daniel. Hindi ko ito ginusto. "Yes." Hindi ko na itinanggi. "I was planning to leave, Daniel. Because I don’t want this marriage. Hindi ako isang bagay na pwedeng ipasa sa kung sinumang mapagdesisyunan ng pamilya natin!" Tumawa si Daddy nang mapait. "Cassandra, you are not a child. Hindi ito tungkol lang sa nararamdaman mo. You have responsibilities!" "At kailan pa naging responsibilidad ng isang anak na ibenta ang sarili niya para lang mapanatili ang yaman ng pamilya?!" Muling natahimik ang lahat. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa sobrang galit at inis. Pero alam kong wala akong laban. Daddy took a deep breath at lumapit sa akin, his eyes was sharp and filled with finality. "You are marrying Daniel, Cassandra. Wala kang ibang pagpipilian." Hindi ko namalayan na napaatras ako. Ang likod ko ay halos sumandal na sa matigas na katawan ni Sebastian. Napansin ko lang iyon nang maramdaman kong bahagyang sumagi ang braso niya sa akin—isang bagay na agad kong iniwasan. Pero hindi nakatakas sa akin ang bahagyang paghigpit ng panga niya. Anong ginagawa niya rito? Bakit siya narito? Napalingon ako sa kanya at hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin o talagang may tensiyon sa pagitan nila ni Daniel. Nagtagpo ang tingin namin. Mabilis, matalim, puno ng hindi mabigkas na emosyon. Pero bago pa ako makapagsalita, muling nagsalita si Don Guillermo. "Cassandra, hija, this is for the best," aniya. "Daniel is a good man. Alam kong hindi ito madali para sa 'yo, but we need to do this. You need to do this." Napailing ako, tila hindi makapaniwala na ganito kababaw ang tingin nila sa akin. "At kung tumanggi ako?" Halos sabay na tumingin sa akin sina Daddy at Don Guillermo. Ang sagot ay halata kahit hindi nila sabihin. Wala akong pagpipilian. Napakuyom ang mga kamay ko. This is not fair. "I don't want this," saad ko. "I don't care." Daddy's voice was final. "Matutuloy ang kasal bukas." Napalunok ako. Bukas? Diyos ko. Akala ko may ilang linggo pa akong palugit, pero hindi. Pinlano na nila ang lahat. Napatingin ako kay Daniel. He looked like he wanted to say something, pero hindi niya ginawa. Hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi rin siya masaya sa ideyang ito. At doon ko lang napansin na mula kanina, tahimik lang si Sebastian. Bakit? Bakit wala siyang sinasabi? Napatingin ako sa kanya, naghahanap ng sagot. Pero hindi siya tumingin sa akin. Nakatitig siya kay Daniel, at sa Daddy niya, at tila isang bagay ang pinag-iisipan. Iyon ang huling patak ng pasensya ko. "You all think you can control me?" Muli akong tumawa nang mapait. "Fine. I will marry Daniel." Nakita ko ang bahagyang pagliwanag ng mukha ni Mommy, pero hindi pa ako tapos. "Pero pagkatapos ng kasal, hindi ko siya gagalawin. Hindi ako magiging mabuting asawa. Hindi ako susunod sa kahit anong gusto n'yo. And I will make sure to ruin every expectation you have." Binalot kami ng katahimikan. Walang kumibo. Hanggang sa isang mababang boses ang pumuno sa hangin. "She doesn't have to marry Daniel." Halos nakalimutan kong huminga nang marinig ang boses na iyon. Dahan-dahan akong lumingon. Si Sebastian. At sa unang pagkakataon, hindi ko lang basta nakita ang tensiyon sa mukha niya. Nakita ko ang galit. Mababa lang ang boses niya, pero parang nagkaroon ng alon sa paligid. Lahat ay napatingin sa kanya, lalo na si Don Guillermo at si Daddy. "Sebastian?" napakunot ang noo ni Don Guillermo. Sebastian finally looked at me. Tumama ang tingin niya sa akin, diretso, walang takot, walang pag-aalinlangan. At doon niya binasag ang lahat ng plano nila. "If a marriage is what you need…" Umangat ang tingin niya sa pamilya namin. "Then I will marry Cassandra."Cassandra Dela Vega's POV "Then I will marry Cassandra."Nag-echo sa tenga ko ang boses ni Sebastian. Hindi agad nagrehistro sa isip ko ang sinabi niya. Hindi agad tumugma sa realidad ang mga salitang binitiwan niya."Did I hear that right? Tama ba ang narinig ko?"Napatingin ako kay Daniel, na halatang hindi rin makapaniwala. Agad siyang lumingon kay Sebastian, at sa unang pagkakataon mula nang magkita kaming muli, nakita ko ang matinding galit sa mga mata niya."What the hell are you talking about, Sebastian?!"Pero ang kuya niya, kalmado lang.Malamig na tumingin si Sebastian sa kanya. "Sabi ko, ako ang papakasal kay Cassandra."Nakita kong napapikit si Don Guillermo, parang mas sumakit ang ulo niya sa narinig. Si Daddy naman, nakatingin lang kay Sebastian na parang sinusuri kung ano ang motibo nito.Ako?Ako ang tuluyang nawalan ng koneksiyon sa utak ko.Anong pinagsasabi ni Sebastian?!"Wait a damn minute!" Itinaas ko ang kamay ko, nanginginig sa frustration. "Excuse me?! Bakit
Cassandra Dela Vega's POV Hindi ako makagalaw.Parang tumigil ang oras matapos sabihin ni Sebastian ang mga salitang iyon."Then I will marry you."Nanginginig ang kamay kong nakakapit sa laylayan ng gown ko. Ang dibdib ko, mabilis ang pagtaas-baba habang pilit kong inuunawa kung ano ang nangyayari.Sa paligid namin, unti-unting humina ang bulungan ng mga bisita. Ang ilan sa kanila ay nagulat, ang iba naman ay parang hindi makapaniwala.Si Daddy? Tahimik siyang nakatitig kay Sebastian, pero kita ko sa mga mata niya ang mabilis na pagproseso ng sitwasyon.Si Mommy? Halos hindi na makahinga sa kaba.At ako?Ako ang babaeng dapat ikakasal ngayon, pero sa hindi ko inakalang groom.Napalunok ako."S-Sebastian…"Pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataong magtanong.Mabilis siyang lumingon kay Daddy at diretsong sinabi, "Ako ang papalit kay Daniel."Tahimik ang buong simbahan.Tila ba walang gustong magsalita.Si Daddy lang ang mukhang hindi nagulat. Parang inaasahan na niya ito.Tumingin
Cassandra Dela Vega's POV Tahimik ang buong biyahe papunta sa reception. Halos hindi kami nag-usap ni Sebastian. Hindi ko alam kung mas mabuti bang ganito, pero ang isang bagay na sigurado ako—wala akong ideya kung ano ang tumatakbo sa isip niya.Bakit siya ang pumalit kay Daniel?Ano ang tunay niyang dahilan?At paano ko haharapin ang lalaking minsan kong minahal—at minsan akong iniwan?Mas lalo akong kinabahan nang marating namin ang hotel kung saan gaganapin ang wedding reception. Isang five-star luxury hotel na pagmamay-ari ng pamilya Alcantara, kaya hindi na ako nagulat na sa kanila rin ito gaganapin.Pagkababa namin ng sasakyan, sinalubong agad kami ng malalakas na palakpak mula sa mga bisita. May mga nag-cheer, may mga mukhang nagtataka pa rin sa nangyari, pero wala nang nagtangkang magtanong.Kailangan naming magpanggap.Kahit ang totoo… wala akong ideya kung paano ko makakayanan ito.“Smile, Cassandra,” mahinang bulong ni Sebastian habang hawak niya ang kamay ko. “We have an
Cassandra Dela Vega's POV"Hindi! Hindi ko ipapakasal ang sarili ko sa isang lalaking hindi ko mahal!"Ang sigaw ko ay dumagundong sa buong dining hall ng aming mansyon, na parang isang kulog na bumalot sa katahimikan ng hapunan. Ang mga magulang ko, sina Don Romano at Doña Esther Dela Vega, ay parehong nakatitig sa akin—ang isa may halong pagkadismaya, ang isa may malamig na determinasyon. Sa kabilang dulo ng mesa, nakaupo ang pamilya Alcantara, at si Daniel mismo, ang lalaking gusto nilang ipakasal sa akin, ay mukhang walang pakialam habang tahimik lang siyang umiinom ng alak."This is not up for discussion, Cassandra," malamig na sagot ng Daddy ko. "Napagkasunduan na ito. Your marriage to Daniel will strengthen our family's business empire. This is what’s best for everyone.""Best for everyone?" Halos tumawa ako sa frustration. "Paano naging best for me, Dad? Hindi ko siya mahal! I don't even know him that well!""Cassie—""No, Mom!" Napatayo ako, hinampas ko ang mesa, dahilan para

Cassandra Dela Vega's POV "Then I will marry Cassandra."Nag-echo sa tenga ko ang boses ni Sebastian. Hindi agad nagrehistro sa isip ko ang sinabi niya. Hindi agad tumugma sa realidad ang mga salitang binitiwan niya."Did I hear that right? Tama ba ang narinig ko?"Napatingin ako kay Daniel, na halatang hindi rin makapaniwala. Agad siyang lumingon kay Sebastian, at sa unang pagkakataon mula nang magkita kaming muli, nakita ko ang matinding galit sa mga mata niya."What the hell are you talking about, Sebastian?!"Pero ang kuya niya, kalmado lang.Malamig na tumingin si Sebastian sa kanya. "Sabi ko, ako ang papakasal kay Cassandra."Nakita kong napapikit si Don Guillermo, parang mas sumakit ang ulo niya sa narinig. Si Daddy naman, nakatingin lang kay Sebastian na parang sinusuri kung ano ang motibo nito.Ako?Ako ang tuluyang nawalan ng koneksiyon sa utak ko.Anong pinagsasabi ni Sebastian?!"Wait a damn minute!" Itinaas ko ang kamay ko, nanginginig sa frustration. "Excuse me?! Bakit
Cassandra Dela Vega's POVTatlong taon.Tatlong taon mula nang huli ko siyang makita. Tatlong taon mula nang bigla siyang nawala, hindi nagpaalam, hindi nagbigay ng paliwanag—parang hindi ako kailanman naging parte ng buhay niya.At ngayon, heto siya. Nakatayo sa harapan ko, sa mismong gabing desperada akong tumakas.Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi makagalaw, hindi makapagsalita. Naramdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko, pero hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil sa simpleng katotohanang siya pa rin ang nag-iisang lalaking nagawa akong pakiramdaman ng ganito—isang halo ng pait, sakit, at isang bagay na hindi ko gustong aminin.Sebastian Alcantara.Mataas pa rin siya kagaya ng dati, mas lalong naging makisig, mas lumalim ang mga mata niyang laging puno ng misteryo. Pero ang pinakahindi ko kayang tiisin? Ang paraan ng pagtitig niya sa akin ngayon—parang may hinahanap, parang may gustong sabihin… pero hindi niya alam kung paano.Parang noong una niya akong iniwan."Cassand