Dahil ba pinagsigawan niya sa mundo na siya ang totoong asawa hindi si Hannah? Alam niya na mahal siya ni Eugene kaya impossible na kampihan nito si Hannah kaya malaking katanungan sa kaniya ngayon ay ang katotohanan lalo na at nagawa pa siya nitong sigawan. Iyon ang unang beses na nakita niya itong galit sa kaniya at pinagtataasan siya ng boses. “Madam are you okay?” napakurap siya ng magsalita si Randy habang nag mamaneho ito papunta sa bahay ni Eugene. “Y-yes I am okay.” “But umiiyak ka. ‘Wag mong intindihin ang sinabi ni boss dahil siguradong nasabi niya lang iyon dahil sa sobra-sobrang emosyon sa mga nangyayari,” Agad na napahid ni Irene ang kaniyang luha dahil totoo nga ang sinasabi nito. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Pero dahil na ‘rin sa sinabi ni Randy ay agad siyang napatingin dito lalo na at naalala niya na tauhan ito ni Eugene kaya malamang na may alam ito tungkol sa gulo na sinasabi ni Eugene. “R-randy, alam mo ba kung ano ang sinasabi ng asawa ko na
“WALA ka bang balak mag paliwanag Eugene?” Napabuntong hininga si Eugene dahil sa sinabi ni Irene. Sigurado siya na nakatingin sa kaniya ang babae ngayon at inaabangan ang sasabihin niya. Nahuli na siya nito, sa nakalipas na linggo ay palihim siyang pumupunta sa bahay niya kapag tulog na ito para lang makakuha ng lakas mula sa asawa. Sa isang linggo na nakalipas ay marami nang nangyari. Nang umalis si Irene ay inis na inis siya sa sarili niya at ibinagsak lahat ng gamit na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa. Kaagad niyang ipinag-utos na alamin kung sino ang nasa likod ni Hannah na siyang sakto naman na dating ni Mason dala ang balitang lalong nagpainis sa kaniya. Nakatakas si Hannah, at magpahanggang ngayon ay hindi pa ‘rin nila alam kung nasaan ito o kung sino ang nasa likod nito. Lalong nagpapainis kay Eugene ang bagay na iyon at lalo ‘ring nagpapatakot sa kaniya. Kaya hindi niya hinahayaan na lumabas si Irene ng bahay niya dahil natatakot siya na mapahamak ito. Ayaw niya na may mang
“Hey, sorry kung nawala si mommy at daddy ng isang linggo. Pero nandito na kami, ‘wag ka ng umiyak okay?” ngiting sabi ni Irene sa anak. “D-daddy! Bakit iniwan niyo kami? Bali wala lang bakasyon natin kasi wala kayo ni mommy!” Sa kabilang parte naman ay iyon ang sinabi ni Kylie sa ama na ikinatigil nito. Hindi ‘man niya nakikitang umiiyak ang anak ay ayaw niya pa ‘ring umiiyak ito. Isama mo pa na tinamaan siya dahil sa sinabi nitong bali wala ang bakasyon na iyon. Ang ginusto niya talagang mangyari ay maging memorable ang unang bakasyon nila ng magkakasama pero dahil maraming balakid sa kanila ay hindi iyon nangyari. “I’m sorry Kylie. Sorry kung iniwan namin kayo ni mommy, sa ngayon hindi pa ako mangangako na magkakasama tayo ng matagal pero kapag natapos na ang gulo sa office matutuloy na ang bakasyon natin okay? Don’t cry please ayoko na umiiyak ka,” Ngumiti siya ng pilit sa anak kahit pa na ang totoo ay nasasaktan siya. Napatingin si Irene kay Eugene dahil doon. Kahit na takpa
NAGISING si Irene nang maramdaman niya na mayroong humihimas sa kaniyang pisnge. Pagkadilat niya ay nanlaki ang mata niya ng makilala niya ang lalaking nasa harapan. “I-ikaw?!” Dali-dali siyang lumayo sa lalaki at doon niya lang narealize na nasa higaan pala siya. Napunta siya sa pinakang dulo niyon upang layuan ang hawak ng lalaki. Paano nga ba niya ito makakalimutan? Siya lang naman ang kaniyang huling naging amo sa states na minanyak siya kaya siya umalis sa trabaho—si Elijah White. “Hello to you too, my love. Did you miss me? Bakit ka naman tumakas saakin? Handa naman akong suklian ang pagamamahal mo,” Napailing si Irene dahil sa sinasabi ng lalaki. Kahit pa na maamo ang muka nito nang paraan kung paano siya nito kausapin ay alam niyang hindi iyon ang totoong ugali ng lalaki. Nagawa nga siya nitong kunin! Doon lang bumalik ang lahat kay Irene. Naalala na niya ang nangyari, magkasama sila ni Eugene habang naglalakad at bigla nalang mayroong nagtakip sa bibig niya at hinila si
Si Eugene iyon kasama si Roger at Mason. Mayroong isang lalaki sa gitna nila na nakatali sa upuan at duguan na ang katawan. Mukang palihim lang ang pagkuha ng video na iyon ngunit kitang-kita niya kung paano hampasin ni Mason ng isang bakal na hawak nito ang hita ng lalaki. Naputol ang video hanggang sa magpatuloy ito na ikinabitaw niya sa cellphone dahil kitang-kita niya ng biglang maglabas si Eugene ng baril at pinaputok ito sa ulo mismo ng lalaking bihag nila. Doon na pumasok ang napakaraming isipin kay Irene. Bumalik sa kaniya ang ala-alang ‘gulo’ na sinasabi nito na hindi niya pwedeng malaman. At ang pagpunta ng mga ito sa lugar na biglang nawala sa paningin niya. ‘M-mafia si Eugene! Kung ganon hindi ligtas ang kambal sa kaniya!’ takot na sabi ni Irene sa isip niya at napatingin sa pinto na sinabi ni Hannah na bukas. Hindi siya nagdalawang isip na lumabas doon. Nang masiguro niyang walang ibang tao sa paligid ay dali-dali siyang tumakbo at hinanap ang daan palabas. Kahit hindi
“EUGENE!” Sigaw na tawag ni Kayla sa kwarto nito ngunit nang buksan niya iyon ay walang ibang tao doon. Sa pagkakatanda niya ay palaging naroon ang lalaki lalo na at na-mimiss nito ang kaibigan. Naiwan kasi ang amoy nito sa kanilang kwarto kaya hindi ito lumalabas doon. “Kayla? Anong nangyayari sa’yo at parang nagwawala ka?” Agad na napalingon si Kayla sa nagsalita at doon ay nakita niya si Eva. Kung hindi ‘man niya makausap si Eugene, si Eva malamang na makakatulong sa kaniya! “A-ate Eva! Ate Eva sabihin mo saakin ang totoo, Mafia ba kayo?! Totoo ba ang sinasabi ni Irene?! H-hindi! Mamaya na ‘yan! Tulungan mo akong kumbinsihin siyang ‘wag umalis!” Natigilan si Eva dahil sa sinasabi ni Kayla. Ang totoo ay palabas siya ng kwarto niya dahil pupunta siya sa hideout para kausapin sila Eugene kung may balita na ba ngunit natagpuan niya si Kayla na sumisigaw kaya kinausap niya muna ito. Pero sa sinabi nito ay natigilan siya at hindi makapaniwala. “S-sandali, si Irene?! Nandito na si I
Hindi makapagsalita ang pulis dahil ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay kilalang-kilala niya. Sa kanilang trabaho ang pinakang iniiwasan nila ay ang Alvarez. Kilala ang Alvarez sa pagiging makapangyarihan at malakas na tao na kaya kang paluhurin sa harapan nito. “E-eugene ang kotse mo…” wala sa sariling sabi ni Roger na ikinalingon ni Eugene dito. Nabitawan niya ang kwelyo ng pulis at hinawakan si Roger na nakatalikod sa kaniya. “R-roger anong kotse?! Hindi ko kotse ‘yan hindi ba?! Hindi sa kanila ‘yan!” nagsimula ng tumulo ang luha ni Eugene dahil doon. Natahimik naman ang paligid lalo na ang mga pulis na naroroon. Iyon ang unang beses na nakita nilang umiiyak ang isang Eugene Alvarez. Ang nakakatakot na bulag na bilyonaryo ay umiiyak sa harapan nila. *** BIGLA nalamang umiyak ang babaeng niligtas ni Keith kaya agad siyang napalingon dito. Mabilis siyang lumapit sa kinahihigaan ng babae at tinawag ito. “Miss! Miss ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?! May masakit ba sa’yo?!”
“HINDI ko na kailangan tanungin kung siya ba ang ama ng mga anak mo dahil halata naman. Bakit hindi ka nalang pumunta sa kaniya Irene? Malapit lang siya dito,” Hindi nakasagot si Irene sa sinabi sa kaniya ni Irene. Nakatitig lamang siya sa folder na binigay sa kaniya ni Keith kung saan naglalaman iyon ng inpormasyon tungkol kay Eugene. Ilang araw na silang hinahanap ng lalaki at based sa nabasa niya ay wala na sa sarili ang asawa niya dahil sa pagkawala nila. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya dahil doon. Si Keith naman ay naawa sa babae kung kaya agad niya itong niyakap. Hindi ‘man sabihin ni Irene kung bakit ito lumalayo kay Eugene ng araw na ‘yon ay alam niyang malalim na dahilan ito. Alam niya na mahal ‘din ito ni Irene lalo na at pinakuha siya nito ng impormasyon tungkol sa lalaki. Kilala niya si Eugene Alvarez, sino nga bang hindi? Sikat na bilyonaryo ang lalaki lalo na at famous ito sa pagkakakilala ng lahat bilang isang bulag. Hindi mahirap sa kaniya ang maka
“KYLIE!” Dali-daling lumapit si Eugene sa anak nang makita niya itong umiiyak sa sulok ng higaan na naroroon. “Anak ayos ka lang ba?! Nasaan si mommy?!” Doon lang napaangat nang tingin si Kylie dahil hindi niya nabosesan ang ama sa sunod-sunod na putok ng baril sa paligid. Nang makilala si Eugene ay mas lalong napaiyak ang bata at niyakap ang ama. “D-daddy! Nakaka-alala na po ako! Kinuha ni kuya Elijah si mommy! Tinutukan po siya ng baril sa ulo!” Natigilan si Eugene dahil sa narinig. Una nalaman niya na naaalala na siya ng anak at masaya siya doon, pero nang sabihin nito ang ginawa ni Elijah sa asawa ay mas lalong sumiklab ang galit sa puso niya. “Eugene! Ako nang bahala kay Kylie! Kailangan mong iligtas si Irene!” “Tito Keith!” Napalingon sila pareho sa nagsalita at agad na niyakap ni Kylie ang tito na matagal na niyang hindi nakikita. Niyakap naman siya pabalik ni Keith pero tumingin ito kay Eugene. “Eugene tumatakbo ang oras!” Dahil doon ay napatango si Eugene a
BUMALIK na si Irene sa trabaho. Ang daming nagulat na employees dahil sa pagdating niya at nagsimula nanaman ang mga bulong-bulungan pero wala siyang pakialam doon. Ang mahalaga sa kaniya ay ang makapasok. Ilang beses pa nilang pinagtalunan ni Eugene ang pagpasok niya sa trabaho at kasama na doon ang plano nila na tapusin na ang kasamaan ni Elijah. Alam ni Irene na hindi siya titigilan ng lalaki kaya nga sinadya niya na pumasok dahil maaaring makuha siya nito. Dahil naging busy na sina Eugene sa pagligtas kay Irene noong isang linggo itong nawala ang dami na nitong tambak na trabaho. Katulad nang normal na araw nila ay hindi na sila halos magkitaan dahil sa daming kailangan gawin. Nalaman niya mula sa asawa kung kanino nito nalaman kung nasaan siya, kay Keith. Nagtataka pa ‘rin siya kung bakit biglang nawala si Keith. Ayon kay Eugene ay kasama pa nila ang lalaki na iligtas siya pero bigla nalang itong naglaho na parang bula. Alam niya na may nangyayari kay Keith ngunit hindi niya
Napahinto si Elijah sa paglalakad at napatingin muli sa kaniya. “Anong plano?” Sinabi niya dito ang naiisip niya na ikinangiti ng malaki ni Elijah at hinawakan ang magkabilang balikat ng tauhan niya na iyon. “Magaling! Sabi ko na nga ba at ikaw ang pinakang pinagkakatiwalaan ko sa lahat!” Napangiti ng malaki ang tauhan ni Elijah dahil sa papuri niya na iyon at yumuko ng bahagya dito bilang paggalang. “Now go! Dalhin mo siya saakin!” Nagpaalam na ang lalaki kay Elijah at naiwan siya mag-isa doon. Iyon nalang ‘din ang naiisip niyang huling plano para makuha si Irene. Dinadalangin niya na sana makuha na niya ang mahal niya dahil kung hindi niya ito makukuha sisiguraduhin niya ‘din na hindi ito makukuha ni Eugene. Maya-maya pa ay bumalik na muli ang tauhan niya at tinulak nito papasok sa loob si Hannah na nanghihina dahil hindi pa siya kumakain at pinapahirapan pa siya ng mga ito. “Well, well! Welcome again Hannah!” Napatingin si Hannah sa nagsalita at napakuyom ng kamao ng makit
“H-hindi kami naniniwala na ikaw ang dahilan kung bakit wala na si Jess!” Napaangat ako ng tingin ng biglang magsalita si RC. “Tama si RC! Biktima lang kayo! Diba sabi mo may kumuha sa inyo? Malamang na sila ang may kasalanan kaya ‘wag kang himingi ng tawad saamin Ms. Violet—I mean Irene,” segunda na sabi ni Lyn na ikinailing ko. “H-hindi niyo naiintindihan—” “They are right mommy! Wala kang kasalanan!” Napahinto ako sa pagsasalita ng sumabat ang kambal. Lalo akong naiyak dahil doon, hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. Naramdaman ko na mayroong humawak sa magkabila kong balikat at paglingon ko kay si Eugene iyon. “Wife, I already told you that it is not your fault. Kung mayroon mang dapat sisihin dito ay si Elijah iyon. Kung nandito si Jess alam ko na yun din ang sasabihin niya kaya please lang ‘wag mong sisihin ang sarili mo.” Napayakap ako kay Eugene dahil sa sinabi niya at umiyak sa dibdib niya. Ilang minuto ‘din kami na nasa ganoong ayos hanggang sa kusa akong humiw
IRENE NANG idilat ko ang mga mata ko ay sumalubong saakin ang kisame na familiar saakin. “’Wag kang maingay Kylie baka magising si mommy,” “Anong ako? Ikaw kaya ang maingay kuya!” Napalingon ako sa nagsasalita at nakita ko ang kambal. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil isang linggo ko silang hindi nakita, akala ko nga ay hindi na ako makakauwi sa kanila dahil kay Elijah. “Mommy!” Nakita ako ni Kylie na gising na kaya dali-dali itong lumapit saakin at niyakap ako. Kita ko na nagulat ‘din si Ivan pero agad ‘din itong sumunod sa kambal niya at niyakap ako ng mahigit. Nagsimula na silang umiyak kaya maging ako ay lalong napaiyak dahil doon. “M-mommy bakit ang tagal mong nawala! Hindi ko po kaya na wala ka!” iyak na sabi ni Kylie kaya hinimas ko ang likuran niya. “I-I’m sorry mommy, I’m not strong enough to save you…” mahina namang sabi ni Ivan ngunit sapat na para marinig ko dahil sa leeg ko siya nakasuksok habang umiiyak. Si Kylie naman ay nasa bewang ko nakayaka
“W-WALA na si Jess…” Paulit-ulit na sinasabi ni Irene ‘yan sa kaniyang sarili matapos niyang marinig ang pinag-uusapan ni Elijah at nag tauhan nito. Isang linggo na ‘rin ang nakakaraan magmula nang kunin siya nito. Sinubukan niyang tumakas ngunit hindi niya magawa, nahuhuli pa nga siya. Mabuti at hindi siya sinasaktan ni Elijah kapag nahuhuli siya dahil nagpapalusot lang siya na naiinip na doon. Sinakyan niya ang gusto ni Elijah, sasakyan niya ito hanggang sa makakuha na siya ng pagkakataon na makatakas. Pero lahat ng iyon ay nasira nang malaman niyang wala na ang kaibigan. Bumalik sa kaniya ang huling araw na magkasama sila ni Jess. Nangako pa siya dito na magkikita pa sila ulit. “My love? Umiiyak ka ba?” Agad na napalingon si Irene sa nagsalita at sumiklab ang galit niya ng makita si Elijah. “W-wag kang lalapit saakin! You liar! Sinungaling ka at mamamatay tao Elijah!” Natigilan sandali si Elijah dahil sa sinabi ni Irene pero sinubukan pa ‘rin niyang lapitan ang babae
SAMANTALANG si Jess naman ay takot na takot at palingon-lingon sa likod niya kung mayroon bang sumusunod sa kaniya. Ayon sa naghatid sa kaniya oalabas ay dumeretsyo lang siya at lumiko sa kanto na madadaanan niya at may high way na doon. Hindi naman siya nabigo dahil kita na niya ang high way. Hindi siya makapaniwala na pinakawalan talaga siya ng mga ito! Ngunit kusa siyang napahinto ng biglang may sumulpot na ilang lalaki. Napaatras siya dahil doon at agad na kinabahan. “W-wag kayong lalapit!” sigaw niya sa mga ito pero seryoso lang sila at sa isang iglap ay nakalapit na ang dalawang lalaki’t sabay nilang pinaputok ang baril sa tagiliran niya. Sa bilis nang pangyayari ay nakaramdam nalang ng sakif si Jess sa kaniyang katawan at kusang bumagsak sa lupa. “M-ms. Violet…” mahinang sabi niya kasabay ng pagtulo ng luha nito. Nakita pa niya ang pag-alis ng dalawang lalaking bumaril sa kaniya. Tama, sino bang gugustuhin na magpakawala sa kaniya gayong nakita niya ang lahat. Sunod-suno
BIGLANG tumawa si Irene matapos niyang marinig ang sinabi ni Hannah. Si Jess naman na nanginig dahil sa takot sa sinabi ni Hannah ay napatingin ‘din kay Irene nang hindi makapaniwala. “Anong tinatawa-tawa mo?!” “Ikaw! Nakakatawa ang sinabi mo Hannah! Inamin mo lang naman na ikaw talaga ang pumatavy sa magulang ni Kayla.” Biglang tumingin ng seryoso si Irene kay Hannah. “Yeah, finally you confess it. I have my reason now to k!ll you. Buhay ang kinuha, buhay ‘din ang kapalit.” Napaatras si Hannah dahil sa nakikita niyang Irene ngayon. Sa ilang taon niya itong nakasama noon nang bata pa sila ay tahimik lang ito at palaging sumusunod sa mga magulang niya. Nang mawala ang ari-arian nito at tuluyan nang naging walang-wala si Irene and to think na nagka-trauma ito sa kaniya. Pero ang kaharap niya ngayon? Ibang-iba na ito. Parang hindi na si Irene Legazpi na takot sa kaniya at uto-uto. “H-hindi mo ako madadaan sa salita!” Ngumisi si Irene dahil sa sinabi ni Hannah lalo na nautal ito. “
Laking pasasalamat ni Randy at nanjan si Ivan dahil binitawan na siya ni Eugene. Akala niya takaga katapusan na niya. “Ivan?” hindi makapaniwalang sabi ni Eugene at agad na yumakap sa kaniya ang anak. “Nakita ko na pinalo nila sa ulo si mommy, daddy! I’m not strong enough to save her kaya tinawag ko si tito Randy kaso wala na sila! It’s my fault daddy!” Agad na lumuhod si Eugene para makapantay niya ang anak. Pinahid niya ang luha sa pisnge ng anak at umiling dito. “No, don’t blame yourself. Kasalanan ni daddy dahil iniwan namin siya. Wag kang mag-alala anak hahanapin natin si mommy. Hindi ako papayag na may kumuha sa kaniya.” Tumayo na si Eugene matapos niyang yakapin sandali ang anak at tinignan si Randy na agad naman nitong ikinakuha ang ibig nitong mangyari at dali-daling naglakad oalabas. Sumunod lang sila kay Randy hanggang sa makarating sila sa 20th floor kung saan ang floor na pinagtatrabahuhan ng tatlong babaeng iyon. Iisa lang ang department nila at sakto na kabab