Si Eugene iyon kasama si Roger at Mason. Mayroong isang lalaki sa gitna nila na nakatali sa upuan at duguan na ang katawan. Mukang palihim lang ang pagkuha ng video na iyon ngunit kitang-kita niya kung paano hampasin ni Mason ng isang bakal na hawak nito ang hita ng lalaki. Naputol ang video hanggang sa magpatuloy ito na ikinabitaw niya sa cellphone dahil kitang-kita niya ng biglang maglabas si Eugene ng baril at pinaputok ito sa ulo mismo ng lalaking bihag nila. Doon na pumasok ang napakaraming isipin kay Irene. Bumalik sa kaniya ang ala-alang ‘gulo’ na sinasabi nito na hindi niya pwedeng malaman. At ang pagpunta ng mga ito sa lugar na biglang nawala sa paningin niya. ‘M-mafia si Eugene! Kung ganon hindi ligtas ang kambal sa kaniya!’ takot na sabi ni Irene sa isip niya at napatingin sa pinto na sinabi ni Hannah na bukas. Hindi siya nagdalawang isip na lumabas doon. Nang masiguro niyang walang ibang tao sa paligid ay dali-dali siyang tumakbo at hinanap ang daan palabas. Kahit hindi
“EUGENE!” Sigaw na tawag ni Kayla sa kwarto nito ngunit nang buksan niya iyon ay walang ibang tao doon. Sa pagkakatanda niya ay palaging naroon ang lalaki lalo na at na-mimiss nito ang kaibigan. Naiwan kasi ang amoy nito sa kanilang kwarto kaya hindi ito lumalabas doon. “Kayla? Anong nangyayari sa’yo at parang nagwawala ka?” Agad na napalingon si Kayla sa nagsalita at doon ay nakita niya si Eva. Kung hindi ‘man niya makausap si Eugene, si Eva malamang na makakatulong sa kaniya! “A-ate Eva! Ate Eva sabihin mo saakin ang totoo, Mafia ba kayo?! Totoo ba ang sinasabi ni Irene?! H-hindi! Mamaya na ‘yan! Tulungan mo akong kumbinsihin siyang ‘wag umalis!” Natigilan si Eva dahil sa sinasabi ni Kayla. Ang totoo ay palabas siya ng kwarto niya dahil pupunta siya sa hideout para kausapin sila Eugene kung may balita na ba ngunit natagpuan niya si Kayla na sumisigaw kaya kinausap niya muna ito. Pero sa sinabi nito ay natigilan siya at hindi makapaniwala. “S-sandali, si Irene?! Nandito na si I
Hindi makapagsalita ang pulis dahil ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay kilalang-kilala niya. Sa kanilang trabaho ang pinakang iniiwasan nila ay ang Alvarez. Kilala ang Alvarez sa pagiging makapangyarihan at malakas na tao na kaya kang paluhurin sa harapan nito. “E-eugene ang kotse mo…” wala sa sariling sabi ni Roger na ikinalingon ni Eugene dito. Nabitawan niya ang kwelyo ng pulis at hinawakan si Roger na nakatalikod sa kaniya. “R-roger anong kotse?! Hindi ko kotse ‘yan hindi ba?! Hindi sa kanila ‘yan!” nagsimula ng tumulo ang luha ni Eugene dahil doon. Natahimik naman ang paligid lalo na ang mga pulis na naroroon. Iyon ang unang beses na nakita nilang umiiyak ang isang Eugene Alvarez. Ang nakakatakot na bulag na bilyonaryo ay umiiyak sa harapan nila. *** BIGLA nalamang umiyak ang babaeng niligtas ni Keith kaya agad siyang napalingon dito. Mabilis siyang lumapit sa kinahihigaan ng babae at tinawag ito. “Miss! Miss ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?! May masakit ba sa’yo?!”
“HINDI ko na kailangan tanungin kung siya ba ang ama ng mga anak mo dahil halata naman. Bakit hindi ka nalang pumunta sa kaniya Irene? Malapit lang siya dito,” Hindi nakasagot si Irene sa sinabi sa kaniya ni Irene. Nakatitig lamang siya sa folder na binigay sa kaniya ni Keith kung saan naglalaman iyon ng inpormasyon tungkol kay Eugene. Ilang araw na silang hinahanap ng lalaki at based sa nabasa niya ay wala na sa sarili ang asawa niya dahil sa pagkawala nila. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya dahil doon. Si Keith naman ay naawa sa babae kung kaya agad niya itong niyakap. Hindi ‘man sabihin ni Irene kung bakit ito lumalayo kay Eugene ng araw na ‘yon ay alam niyang malalim na dahilan ito. Alam niya na mahal ‘din ito ni Irene lalo na at pinakuha siya nito ng impormasyon tungkol sa lalaki. Kilala niya si Eugene Alvarez, sino nga bang hindi? Sikat na bilyonaryo ang lalaki lalo na at famous ito sa pagkakakilala ng lahat bilang isang bulag. Hindi mahirap sa kaniya ang maka
Natigilan siya at napatingin sa kaniyang harapan. Nakita niya si Randy doon at gulat na gulat na makita siya. “R-randy, shhh!” agad niyang hinila si Randy papunta sa labas. Hindi makapaniwala na nasaharapan niya ang babae, ilang linggo na nila itong hinahanap at araw-araw ay nakikita niya kung paano bumagsak ang kaniyang amo na si Eugene. Maging siya ay nalulungkot sa pagkawala ng mga ito kahit pa na sandali palang niyang nakakasama si Irene ay naging close na ‘din sila. “R-randy, please ‘wag mo akong isusumbong ngayon! Kailangan ko lang pumunta ngayon dito para magpaalam sa kaniya,” sabi ni Irene ng huminto sila sa gulid ng rest house kung saan walang ibang tao doon. “Magpaalam? Alam mo ba kung gaano nagdudusa si boss ngayon? Nakita mo naman siya hindi ba? Bakit ngayon ka lang nagpakita at aalis pa!” Hindi na napigilan ni Randy ang sigawan ang babae dahil mahalaga pa ‘rin sa kaniya si Eugene. Parang kapatid na niya ito lalo na’t sabay silang lumaki sa bahay ng mga ito. Kahit pa na
“CONGRATULATIONS mommy!” Napangiti si Irene ng salubingin siya ng kambal at kasama pa ng mga ito ang katulong nila’t katulong sa pagbubukas ng confetti. Mayroong design ang buong paligid na alam niya na ang kambal ang may gawa. “Wow! Thank you twins!” Niyakap niya ang dalawa ng sobrang higpit. Hindi kasi pwedeng makita ng publiko ang mga anak niya, siguradong pauulanan siya ng tanong ng mga ito lalo na at kamukang-kamuka ni Eugene si Ivan. “Sakto pala ang punta ko dito e,” biglang sulpot ni Keith na ikinalaki ng mata ng kambal at agad na humiwalay sa yakap ni Irene kaya napasimangot ito. “Kyahh! Tito Keith!” tiling sabi Kylie at yumakap dito ganoon ‘din si Ivan. “I thought you’ll living at your company e,” birong sabi ni Ivan na ikinatawa ni Keith at ginulo ang buhok nito. “Ikaw talaga Ivan, habang tumatanda ka nag-iimproved ‘din sense of humor mo hahahha!” Nagtatawanan ang tatlo habang si Irene naman ay naka-cross arms lang na nakatingin sa mga ito. “Minsan talaga iniisip ko
TUMATAKBO si Irene papalayo sa mga humahabol sa kaniya na fans dahil sa aksidenteng pagkaka-alis ng kaniyang sumbrelo. Inis na inis siya dahil konting galaw niya lang ay nakikilala siya agad at hindi na titigilan ng mga ito. Gusto niya lang naman ipakita ang talent niya sa buong mundo hindi ‘yung maging ganoong kasikat na parang artista. Isang linggo na ‘rin ang nakakalipas magmula ng makita niya sa mall si Eugene. Sa lumipas na araw ay itinuloy pa ‘rin nila ang celebration but this time nag request nalang siya sa mga anak na mag pa-reserve sila sa isang restaurant at kumain nalamang para iwas gulo. Matapos iyon ay inis-spend nalang niya ang oras kasama ang mga ito sa bahay. Si Keith naman ay hindi pa ‘rin umaalis at sa isang linggo pa ‘daw dahil kumuha siya ng leave sa trabaho. Papunta siya ngayon sa isang meeting para doon sa donation niya sa orphanage dahil nasa kaniya na ang income na nakuha niya sa mga paintings. Sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang nasa unahan niya a
HUMINGA ng malalim si Irene bago siya tuluyang pumasok sa restaurant na sinabi sa kaniya ni Roger kung saan sila magkikita ni Eugene. Hindi niya alam kung bakit siya kakausapin ng lalaki, tungkol sa painting niya? She doubts that. Tingin niya ay nanghihinala na sa kaniya ang lalaki na siya ang asawa nito. Which is totoo naman, ang kaso hindi pa siya handa na umamin dito! “This way please ma’am,” malaking ngiting sabi sa kaniya ng isang lalaki na waiter at mukang nakilala siya nito dahil hindi manlang nito sinita ang suot niya gayong formal dapat ang damit sa ganoong mga restaurant. Ang pinagtataka niya kung bakit walang ibang tao doon kundi siya lang. Maya-maya ay nakita niya si Eugene na nasa tabi nito si Roger na agad tumayo. Nagsimula nanamang kumabog ng mabilis ang puso niya. Napahinto pa siya sandali bago tuluyang lumakad ng taas noo papunta sa gawi nito. ‘Tatapusin ko nalang agad ang usapan namin!’ Pagpapalakas niya sa loob niya at ipinaskil ang malaking ngiti sa labi
“KYLIE!” Dali-daling lumapit si Eugene sa anak nang makita niya itong umiiyak sa sulok ng higaan na naroroon. “Anak ayos ka lang ba?! Nasaan si mommy?!” Doon lang napaangat nang tingin si Kylie dahil hindi niya nabosesan ang ama sa sunod-sunod na putok ng baril sa paligid. Nang makilala si Eugene ay mas lalong napaiyak ang bata at niyakap ang ama. “D-daddy! Nakaka-alala na po ako! Kinuha ni kuya Elijah si mommy! Tinutukan po siya ng baril sa ulo!” Natigilan si Eugene dahil sa narinig. Una nalaman niya na naaalala na siya ng anak at masaya siya doon, pero nang sabihin nito ang ginawa ni Elijah sa asawa ay mas lalong sumiklab ang galit sa puso niya. “Eugene! Ako nang bahala kay Kylie! Kailangan mong iligtas si Irene!” “Tito Keith!” Napalingon sila pareho sa nagsalita at agad na niyakap ni Kylie ang tito na matagal na niyang hindi nakikita. Niyakap naman siya pabalik ni Keith pero tumingin ito kay Eugene. “Eugene tumatakbo ang oras!” Dahil doon ay napatango si Eugene a
BUMALIK na si Irene sa trabaho. Ang daming nagulat na employees dahil sa pagdating niya at nagsimula nanaman ang mga bulong-bulungan pero wala siyang pakialam doon. Ang mahalaga sa kaniya ay ang makapasok. Ilang beses pa nilang pinagtalunan ni Eugene ang pagpasok niya sa trabaho at kasama na doon ang plano nila na tapusin na ang kasamaan ni Elijah. Alam ni Irene na hindi siya titigilan ng lalaki kaya nga sinadya niya na pumasok dahil maaaring makuha siya nito. Dahil naging busy na sina Eugene sa pagligtas kay Irene noong isang linggo itong nawala ang dami na nitong tambak na trabaho. Katulad nang normal na araw nila ay hindi na sila halos magkitaan dahil sa daming kailangan gawin. Nalaman niya mula sa asawa kung kanino nito nalaman kung nasaan siya, kay Keith. Nagtataka pa ‘rin siya kung bakit biglang nawala si Keith. Ayon kay Eugene ay kasama pa nila ang lalaki na iligtas siya pero bigla nalang itong naglaho na parang bula. Alam niya na may nangyayari kay Keith ngunit hindi niya
Napahinto si Elijah sa paglalakad at napatingin muli sa kaniya. “Anong plano?” Sinabi niya dito ang naiisip niya na ikinangiti ng malaki ni Elijah at hinawakan ang magkabilang balikat ng tauhan niya na iyon. “Magaling! Sabi ko na nga ba at ikaw ang pinakang pinagkakatiwalaan ko sa lahat!” Napangiti ng malaki ang tauhan ni Elijah dahil sa papuri niya na iyon at yumuko ng bahagya dito bilang paggalang. “Now go! Dalhin mo siya saakin!” Nagpaalam na ang lalaki kay Elijah at naiwan siya mag-isa doon. Iyon nalang ‘din ang naiisip niyang huling plano para makuha si Irene. Dinadalangin niya na sana makuha na niya ang mahal niya dahil kung hindi niya ito makukuha sisiguraduhin niya ‘din na hindi ito makukuha ni Eugene. Maya-maya pa ay bumalik na muli ang tauhan niya at tinulak nito papasok sa loob si Hannah na nanghihina dahil hindi pa siya kumakain at pinapahirapan pa siya ng mga ito. “Well, well! Welcome again Hannah!” Napatingin si Hannah sa nagsalita at napakuyom ng kamao ng makit
“H-hindi kami naniniwala na ikaw ang dahilan kung bakit wala na si Jess!” Napaangat ako ng tingin ng biglang magsalita si RC. “Tama si RC! Biktima lang kayo! Diba sabi mo may kumuha sa inyo? Malamang na sila ang may kasalanan kaya ‘wag kang himingi ng tawad saamin Ms. Violet—I mean Irene,” segunda na sabi ni Lyn na ikinailing ko. “H-hindi niyo naiintindihan—” “They are right mommy! Wala kang kasalanan!” Napahinto ako sa pagsasalita ng sumabat ang kambal. Lalo akong naiyak dahil doon, hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. Naramdaman ko na mayroong humawak sa magkabila kong balikat at paglingon ko kay si Eugene iyon. “Wife, I already told you that it is not your fault. Kung mayroon mang dapat sisihin dito ay si Elijah iyon. Kung nandito si Jess alam ko na yun din ang sasabihin niya kaya please lang ‘wag mong sisihin ang sarili mo.” Napayakap ako kay Eugene dahil sa sinabi niya at umiyak sa dibdib niya. Ilang minuto ‘din kami na nasa ganoong ayos hanggang sa kusa akong humiw
IRENE NANG idilat ko ang mga mata ko ay sumalubong saakin ang kisame na familiar saakin. “’Wag kang maingay Kylie baka magising si mommy,” “Anong ako? Ikaw kaya ang maingay kuya!” Napalingon ako sa nagsasalita at nakita ko ang kambal. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil isang linggo ko silang hindi nakita, akala ko nga ay hindi na ako makakauwi sa kanila dahil kay Elijah. “Mommy!” Nakita ako ni Kylie na gising na kaya dali-dali itong lumapit saakin at niyakap ako. Kita ko na nagulat ‘din si Ivan pero agad ‘din itong sumunod sa kambal niya at niyakap ako ng mahigit. Nagsimula na silang umiyak kaya maging ako ay lalong napaiyak dahil doon. “M-mommy bakit ang tagal mong nawala! Hindi ko po kaya na wala ka!” iyak na sabi ni Kylie kaya hinimas ko ang likuran niya. “I-I’m sorry mommy, I’m not strong enough to save you…” mahina namang sabi ni Ivan ngunit sapat na para marinig ko dahil sa leeg ko siya nakasuksok habang umiiyak. Si Kylie naman ay nasa bewang ko nakayaka
“W-WALA na si Jess…” Paulit-ulit na sinasabi ni Irene ‘yan sa kaniyang sarili matapos niyang marinig ang pinag-uusapan ni Elijah at nag tauhan nito. Isang linggo na ‘rin ang nakakaraan magmula nang kunin siya nito. Sinubukan niyang tumakas ngunit hindi niya magawa, nahuhuli pa nga siya. Mabuti at hindi siya sinasaktan ni Elijah kapag nahuhuli siya dahil nagpapalusot lang siya na naiinip na doon. Sinakyan niya ang gusto ni Elijah, sasakyan niya ito hanggang sa makakuha na siya ng pagkakataon na makatakas. Pero lahat ng iyon ay nasira nang malaman niyang wala na ang kaibigan. Bumalik sa kaniya ang huling araw na magkasama sila ni Jess. Nangako pa siya dito na magkikita pa sila ulit. “My love? Umiiyak ka ba?” Agad na napalingon si Irene sa nagsalita at sumiklab ang galit niya ng makita si Elijah. “W-wag kang lalapit saakin! You liar! Sinungaling ka at mamamatay tao Elijah!” Natigilan sandali si Elijah dahil sa sinabi ni Irene pero sinubukan pa ‘rin niyang lapitan ang babae
SAMANTALANG si Jess naman ay takot na takot at palingon-lingon sa likod niya kung mayroon bang sumusunod sa kaniya. Ayon sa naghatid sa kaniya oalabas ay dumeretsyo lang siya at lumiko sa kanto na madadaanan niya at may high way na doon. Hindi naman siya nabigo dahil kita na niya ang high way. Hindi siya makapaniwala na pinakawalan talaga siya ng mga ito! Ngunit kusa siyang napahinto ng biglang may sumulpot na ilang lalaki. Napaatras siya dahil doon at agad na kinabahan. “W-wag kayong lalapit!” sigaw niya sa mga ito pero seryoso lang sila at sa isang iglap ay nakalapit na ang dalawang lalaki’t sabay nilang pinaputok ang baril sa tagiliran niya. Sa bilis nang pangyayari ay nakaramdam nalang ng sakif si Jess sa kaniyang katawan at kusang bumagsak sa lupa. “M-ms. Violet…” mahinang sabi niya kasabay ng pagtulo ng luha nito. Nakita pa niya ang pag-alis ng dalawang lalaking bumaril sa kaniya. Tama, sino bang gugustuhin na magpakawala sa kaniya gayong nakita niya ang lahat. Sunod-suno
BIGLANG tumawa si Irene matapos niyang marinig ang sinabi ni Hannah. Si Jess naman na nanginig dahil sa takot sa sinabi ni Hannah ay napatingin ‘din kay Irene nang hindi makapaniwala. “Anong tinatawa-tawa mo?!” “Ikaw! Nakakatawa ang sinabi mo Hannah! Inamin mo lang naman na ikaw talaga ang pumatavy sa magulang ni Kayla.” Biglang tumingin ng seryoso si Irene kay Hannah. “Yeah, finally you confess it. I have my reason now to k!ll you. Buhay ang kinuha, buhay ‘din ang kapalit.” Napaatras si Hannah dahil sa nakikita niyang Irene ngayon. Sa ilang taon niya itong nakasama noon nang bata pa sila ay tahimik lang ito at palaging sumusunod sa mga magulang niya. Nang mawala ang ari-arian nito at tuluyan nang naging walang-wala si Irene and to think na nagka-trauma ito sa kaniya. Pero ang kaharap niya ngayon? Ibang-iba na ito. Parang hindi na si Irene Legazpi na takot sa kaniya at uto-uto. “H-hindi mo ako madadaan sa salita!” Ngumisi si Irene dahil sa sinabi ni Hannah lalo na nautal ito. “
Laking pasasalamat ni Randy at nanjan si Ivan dahil binitawan na siya ni Eugene. Akala niya takaga katapusan na niya. “Ivan?” hindi makapaniwalang sabi ni Eugene at agad na yumakap sa kaniya ang anak. “Nakita ko na pinalo nila sa ulo si mommy, daddy! I’m not strong enough to save her kaya tinawag ko si tito Randy kaso wala na sila! It’s my fault daddy!” Agad na lumuhod si Eugene para makapantay niya ang anak. Pinahid niya ang luha sa pisnge ng anak at umiling dito. “No, don’t blame yourself. Kasalanan ni daddy dahil iniwan namin siya. Wag kang mag-alala anak hahanapin natin si mommy. Hindi ako papayag na may kumuha sa kaniya.” Tumayo na si Eugene matapos niyang yakapin sandali ang anak at tinignan si Randy na agad naman nitong ikinakuha ang ibig nitong mangyari at dali-daling naglakad oalabas. Sumunod lang sila kay Randy hanggang sa makarating sila sa 20th floor kung saan ang floor na pinagtatrabahuhan ng tatlong babaeng iyon. Iisa lang ang department nila at sakto na kabab