Ang susunod na update ay kwento na nina Damian & Anya! Keep scrolling! 🤍🍓
BlurbAnya thought she was lucky to have Damian Aragon as her husband. But after she returned from her short vacation, she discovered her husband's infidelity.What hurts her more is instead of asking for her forgiveness, Damian asked for a divorce.He chose his mistress—her stepsister—over her.Will she give him his freedom or will she fight for her right as his wife?Prologue"Damon, I'm two weeks pregnant."Malakas ang kabog ng dibdib ko habang lulan ako ng bridal car at patungo na sa simbahan kung saan gaganapin ang aking kasal.Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko pero isa lang ang bukod tanging nangingibabaw sa lahat—si Damon Aragon. Damon and I had been together for four years, and now we are finally getting married.Nang huminto ang kotse ay tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan, kumakaway sa akin ang aking stepmom at si Papa habang may ngiti sa mga labi. Naghanda na ang lahat para sa pagsisimula ng okasyon.Umibis ako at tumayo sa labas ng pinto na puno ng mga elega
Anya's POVNAKATAYO ako sa balkonahe ng maliit na apartment kung saan nakaupa ako sa loob nang ilang linggo. Tanaw ko mula rito ang paglubog ng araw at ang kulay kahel na paligid.Napapikit ako habang dinadama ang nakapapawing pagod na simoy ng hangin. Ngunit hindi mapakalma ng mapayapang tanawin ang bagyo sa isip at damdamin ko.With a heavy heart, inangat ko ang hawak na papel habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha sa pisngi ko. The words of my doctor still echoed in my ears, hunting my every thought."May problema ka sa puso, Anya," the doctor said with a somber tone. "You need a heart donor immediately if you want a chance at survival."Patuloy sa pag-agos ang mga luha sa pisngi ko habang pinoproseso ang tunay kong kalagayan. Palagi kong binabaliwala ang kalusugan ko, hindi ko inisip na darating ako sa puntong ito, na muli akong susukuan ng aking puso."Anong gagawin ko? Maliit pa lang ang anak kong si Andi. She's just two years old, I can't leave her like this."Pinunasan k
Anya's POVNAKAUPO ako sa loob ng coffee shop sa isang mall na pag-aari ng kaibigan kong si Luci. Panay tulo ang mga luha ko habang hagod nito ang likod ko at sinusubukan akong patahanin."I can't believe Damian would do such a thing. Wala sa karakter niya itong ginawa niya."Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang panibagong luha na umagos sa mga pisngi ko."Hindi rin ako makapaniwala sa nangyari. Pagkatapos kong masaksihan iyon kanina, umalis na lang ako.""And of all the women, bakit ang stepsister mo pa ang pinatulan niya? Alam naman niyang hindi kayo magkasundo, e. Parang sinasadya niya talaga!"Kanina pa nagagalit si Luci dahil sa mga ipinagtapat ko sa kaniya. I told her about everything, pero hindi kasama roon ang pagkakaroon ko ng sakit sa puso. I couldn't tell her. Awang-awa na ako sa sarili ko. Niloko na nga ako ng asawa ko, may sakit pa ako na pwede kong ikamatay.Paulit-ulit akong umiling habang nakatingin kay Luci. Puno ng awa na may halong inis ang mukha niya."Anong nangy
Anya's POV"Divorce papers."Tumawa ako matapos mabasa ang nilalaman ng papel na iyon. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang tumatawa nang mapakla.Napakapait naman ng buhay ko. Iniwan ako sa altar ng unang lalaking minahal ko, may nagpakasal nga sa akin at umako sa anak ko na ni hindi ko alam kung sino ang ama, pero lolokohin lang din pala ako.Ang masakit pa, niloko ako ni Damian kung kailan kailangan na kailangan ko siya. Kung kailan wala nang kasiguraduhan ang buhay ko.Nakakunot ang noo ni Damian habang nakatingin lang sa akin. He didn't even bother to say sorry or even show that he is sorry. Atat na atat na siyang iwan ako para sa stepsister kong traydor.Tumigil ako sa pagtawa at nakangiting sinalubong ang mga mata niya. Hindi ko pinutol ang pagsasalubong ng mga mata namin nang punitin ko sa harap niya ang divorce papers."Anya—""Gusto mo akong hiwalayan para makasama ang kabit mo?" I wiped my tears away as I smiled at him sweetly. "Hindi ako papayag.""Anya,
Anya's POV"Hello, dear half-sister."Hindi yata inaasahan ni Damian ang pagdating namin dahil ilang sandali itong natigilan habang nakatingin lang sa akin. Si Margot naman ay nakalingkis ang mga kamay sa braso nito at nakangiti na parang nangungutya."What brought you here? Kasama mo pa ang anak mo at bitbit mo ang mga gamit n'yo?"Hindi ko napigilan ang pagkuyom ng mga kamao ko dahil sa narinig. Ang kapal talaga ng pagmumukha niya! Nawala lang ako sandali, umaakto na siyang parang reyna!Napansin kong titig na titig na ngayon si Damian sa anak namin kaya sinabihan ko ang katulong na iakyat ito sa kwarto nito."What are you doing? Feeling at home ka naman!" Punong-puno ng inis ang boses ni Margot nang ipasok ng katulong anak ko kasama ng mga gamit namin. "Wala ka nang karapatan sa pamamahay na ito—"Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kaniya nang makalapit ako. Matagal siyang natulala habang hawak ang pisngi niyang nasampal ko."Ikaw ang walang karapatan sa pamamahay na ito da
Damian's POVKANINA pa hindi mapakali si Margot at nagpapabalik-balik ng lakad sa harap ko. Halata ang inis sa lukot nitong mukha na puno ng kolorete. Nasa loob kami ng kitchen ng unit ko at kasalukuyang nag-aalmusal."Hanggang ngayon, wala pa rin!""Margot, will you relax? Ilang araw ka nang ganyan.""E, paano, sinasagad talaga ng babaeng iyon ang pasensya ko! Ang tagal na, wala pa rin tayong balita mula sa kaniya!""Maghintay pa tayo.""Hanggang kailan tayo maghihintay? Hindi pa ba sapat ang isang linggo!""Margot, Anya is in shock. At galit iyon sa atin kaya hindi niya basta-bastang ibibigay ang gusto natin.""Well, fuck her! Palibhasa, selfish siya. Ganyan na iyan simula noong bata pa kami. Gusto niya siya lagi ang bida! Gusto niya, sa kaniya lang ang atensyon at pagmamahal ng mga magulang namin. Akala mo kung sino! Nasa loob naman ang kulo!"Napapikit ako sa lahat ng narinig. "Margot."I looked at her with disappointment. Alam kong nadadala lang siya sa emosyon niya, pero napag-u
Anya's POVWALA sa sariling napailing ako dahil sa lahat nang sinabi ni Damian. He saw me with Damon? He saw us? Pero paano? Hanggang saan ang nakita niya? Hanggang saan ang nalalaman niya?"You thought I didn't know? Minahal kita, pero sa kabila ng pagmamahal at lahat ng sakripisyo ko para sa iyo, nagawa mo pa rin akong pagtaksilan."Binitiwan niya ang mga braso ko. Puno ng hinanakit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hindi ko magawang magsalita dahil natatakot ako sa nakikitang reaksyon niya."Sinundan kita noong umalis ka para sa bakasyon na gustong-gusto mo, Anya. Nakita ko kayo ni Damon. Damn it! Sinundan ko kayo hanggang sa makapasok kayo sa hotel. Nag-check-in kayong dalawa!""Damian.""Anong gagawin n'yo sa loob ng hotel? Bakit kailangan n'yo pang mag-check-in? Mag-uusap? Maglalaro? Magbabalikan? Magse-sex!""Damian, please... ""Sabihin mo sa akin kung anong ginawa n'yo ni Damon!"Mariin akong pumikit nang bigla siyang sumigaw. Kitang-kita ko ang sakit at galit sa mga ma
Anya's POVMATAGAL kong sinalubong ang matalim na mga titig ni Damian. Kung tutuusin, ako ang dapat na magalit pero bakit binabaliktad pa niya ang sitwasiyon?"Hindi ko nilalason ang isip ng anak ko. Baka naman kung ano-ano ang pinaggagawa n'yo sa harap niya habang wala ako kaya ganoon na lang magsalita si Andi!"Ilang sandali kaming nagkatinginan na parang nagsusukatan ng tingin. Maya-maya ay binawi niya ang paningin niya, inis na umiling at tinangka na umalis.I grabbed his arm to stop him. "Hindi ako katulad ng iniisip mo, Damian. Bakit ba parang masamang babae ang tingin mo sa akin? Naniniwala ka ba talaga na ganoon akong klaseng tao? Na ganoong klaseng babae ang pinakasalan mo?""Hindi ko rin naisip noon na magloloko ka."Mariin akong pumikit. "Hindi nga kita niloko! Maniwala ka naman.""Dahil lang sa sinabi mo, paniniwalaan ko na? At ang nakita ng mga mata ko, kasinungalingan, ganoon ba?"Nagbuga ako ng hangin. Bakit pa ba ako nagpapaliwanag? Bakit pa ako umaasa na maniniwala si