Home / Romance / Hiding The President's Son / CHAPTER 5: Do you know my father?

Share

CHAPTER 5: Do you know my father?

Author: VENUIXE
last update Last Updated: 2022-04-16 10:06:44

Maaga pa lang ng mag-asikaso si Wynter at tinulungan siya ng mga katulong sa bahay na maghanda ng pagkain para sa mga trahabador na kinuha ni Olivia. Ang iba rito ay mga kakilala ng dalaga at ang iba naman ay mga nakatira malapit sa subdivision ng bakery na binili ni Wynter. 

Sa pagkakataong ito, siya ay hindi makapagpokus dahil si Neon ay hindi umaalis aa tabi niya at panay ang sunod. Kaya naman nagawang niyang lingunin ang anak at saka pinandilatan niya ito ng mata. 

"Neon, what did I say? Diba sabi ko sa iyo kahapon na hindi ka pwedeng sumama sa akin hanggat hindi pa tapos ang shop," paliwanag ni Wynter, pero hindi ito sumagot at talagang nakahawak lang sa damit niya. Napatingin tuloy si Wynter sa mga katulong na nakangiti sa kanila. 

"Bakit hindi mo na isama? May lakad din kami ngayon at sa tingin ko ay ayaw rin ni Neon na maiwan sa bahay kasama ang mga katulong. Kung ako sa iyo ay isama mo na 'yan," sabat ni Jeremiah at dahil hindi naman kayang tiisin ni Wynter ang anak, agad niya itong binuhat at saka sinenyasan ang mga katulong. 

"Pakilagay na lang 'yan sa kotse at isasama ko na 'tong si Neon. Mag-iingat kayo, dad!" masayang sigaw ni Wynter ng makalabas siya sa bahay at sumakay sa kotse. 

"Ayoko ng malikot okay?" At tanging pagtango lang ang natanggap niya sa anak. Kaya naman ng mailagay na nila ang lahat ng plastic na may iba't ibang laki ng tupperware, sila ay umalis na. Sa byahe pa lang ay nag-iingat na si Wynter dahil may kasama siya at nakakahinga naman siya dahil hindi naman malikot ang anak niya. 

Kasabay no'n ang pagtunog ng kanyang cellphone at ng kuhanin ito ni Wynter, nakita niya ang numero ni Samuel. "Ma'am Wynter, goodmorning." 

Napangiti naman siya sa kanyang nabasa dahil natandaan niya na ganito ito noon pa. Hindi naman ito nagawang replayan ni Wynter dahil siya ay nagmamaneho at lumipas ang isang oras, siya ay nakarating na rin sa shop niya. 

"Nandito na si ma'am!" sigaw ni Olivia at saka itinuro ni Wynter ang likod ng kanyang kotse at binuksan naman ito ng mga kalalakihan at kinuha ang mga plastik na naglalaman ng iba't ibang pagkain. 

"Kumain muna kayo bago magsimula," saad ni Wynter at saka naalala niya si Neon, kaya naman binuksan niya ang isang pinto ng kotse at binuhat ito. 

Halos lahat siya ay namangha ng makita si Wynter na may bitbit na bata. Hindi na nagtaka si Olivia dahil nabanggit ito ni Wynter sa kanya, kaso ang problema lang ay hindi niya inaasahan na gano'n ang itsura nito. Para itong isang artista at talagang napakagwapo. Bigla tuloy naisip ni Olivia, kung sino ang ama nito at talagang masasabi rin na gwapo. 

"Meet my son, Neon." Ipinakilala ni Wynter ang anak at nakangiti naman ang lahat kay Neon, kaso ang problema lang ay seryoso lang ang mukha nito at hindi nagbibigay na kahit na anong emosyon. Mukhang nahalata naman ito ng iba at saka umiwas. 

"P-pagpasensyahan n'yo na si Neon. Hindi kasi talaga siya mahilig magsalita. Kung siya ay malungkot o masaya ay gan'yan lang ang emosyon niya. Pero masaya siya na makita kayo, diba?" tanong ni Wynter at saka tumango naman si Neon. Kasabay no'n ang pagbuntong hininga nila dahil kinabahan sila na baka hindi nila makausap ng ayos si Neon sa sobrang seryoso ng mukha nito. 

Habang abala ang lahat sa pagkain ng mga pagkain, si Wynter ay napatingin kay Olivia na kanina pa nakatingin sa anak niya. Kaya naman nagawa niya itong lapitan at saka tapikin ang braso. 

"Olivia, ayos ka lang ba?" Sabay nagulantang naman ito sa paggulat ni Wynter sa kanya. Tumayo ito nang tuwid at saka panay ang tango. Nakaramdam bigla ng hiya si Olivia ng dahil sa ginawa niya. 

"Pasensya na kayo, ma'am Wynter. Si Neon kasi ay pamilyar sa akin at parang may kamukha siya." 

Biglang kinabahan si Wynter sa kanyang narinig at saka ilalayo na sana niya si Neon para hindi marinig ang sasabihin nito, pero huli na ang lahat at binanggit na nga nito ang pangalan. 

"Kamukha niya 'yong billionaire na si Leonel Remington. Magkaparehas sila ng mata at muk—" hindi na naituloy ni Olivia ang nais niyang sabihin ng panlakihan siya ng mata ni Wynter. 

Kasabay no'n ang pagdating ni Samuel at may ngiti ito sa mga labi dahil masaya talaga siya na makita ang dating kasintahan ng kanyang boss. Kaso laking gulat ni Samuel na makita niya si Neon at talagang hindi siya makapaniwala, dahilan na makalimutan niya ang mga tao sa paligid. 

"I-ito na ba ang anak ni boss Leonel?" tanong ni Samuel at napasapo sa sintido si Wynter. Hindi niya alam ang gagawin dahil dalawang beses ng nakarinig si Neon ng tungkol sa ama niya. Kaya naman hindi tuloy maiwasan na magsalita si Neon. 

"Do you know my father?" seryosong tanong nito at nagawang hilahin ni Wynter si Olivia at Samuel na pumasok sa loob ng bakery shop. "Neon, do not go anywhere okay? I'll talk to you later."

Medyo lumayo si Wynter sa anak at nakaupo lang ito ng daretso sa upuan at nakatingin sa kanila. Ang dibdib niya ay hindi matigil sa pagtibok at kinakabahan siya, lalo na nakarinig ito ng tungkol kay Leonel. 

"Samuel, hindi alam ni Neon kung sino ang ama niya. Kaya h'wag mo na munang banggitin si Leonel at baka mahirapan ako," pakiusap niya at nang mapatingin si Wynter kay Olivia ay bakas ang pagtataka nito. 

Kaya naman hinawakan niyang maigi ang kamay nito at saka nakiusap, "Olivia, kung ano ang sinabi mo kanina ay 'yon ang ama ni Neon. Gusto ko lang na malaman mo na hindi kami okay ng tatay niya at saka ayokong magpakita sa kanya. Kaya tulungan n'yo ako na h'wag malaman ni Leonel ang tungkol dito." 

Hindi nagsalita si Olivia, pero panay ang tango niya. Siya ay gulat na gulat na malaman na may relasyon ang isang sikat na bilyonaryo sa babaeng nasa harap niya. Hindi niya alam ang sasabihin dahil na rin sa gulat at saka masaya rin si Olivia na makilala si Wynter at si Neon. 

"Makakaasa po kayo," masayang saad ni Olivia at ginantihan naman ito nang ngiti ni Wynter. 

Related chapters

  • Hiding The President's Son    CHAPTER 6: Why don't you attend?

    Matapos kausapin ni Wynter si Samuel at Olivia, siya ay nagpasyang lumabas kasama ang dalawa. Naisip niyang hindi sila pwede magtagal sa pag-uusap, lalo na may kasama siyang bata. Lumabas si Wynter at saka huminga nang malalim bago harapin ang anak. Hindi naman siya nabigo dahil ng iwan niya ito sa upuan kanina ay ganito pa rin ang posisyon nito, tahimik lamang ito at saka taimtim na nag-iintay. "Neon," tawag ni Wynter sa anak at saka binuhat niya ito. Hindi niya alam ang gagawin, lalo na naging matanong na ito sa tuwing nakakarinig siya ng tukol kay Leonel. Kaya naman pasimpleng tinignan ni Wynter ang dalawa, lalo na si Samuel. "Neon, meet your tita Olivia." Sabay turo ni Wynter kay Olivia at saka nagawa naman ngumiti ni Olivia ng tipid, kahit na nahihiya siya. Lalo na nang malaman niya na ang batang nasa harap niya ay anak ng sikat na bilyonaryo sa kanilang lugar. "And meet your tito Samuel. He's my friend and he's your father's secretary." Nagawa itong ipakilala ni Wynter at s

    Last Updated : 2022-07-01
  • Hiding The President's Son    CHAPTER 7: I don't want to get married

    Abalang-abala ang lahat sa kasal na gaganapin ngayon, pero ang isang tao na bihis na bihis ay nakaupo lang sa isang sulok at tila ayaw niyang tumayo. Puno ng pagkadismaya ang kanyang mukha at saka hindi ito maipinta. Lalo na ang noo nito ay nakakunot lang at saka halatang-halata mo na wala ito sa mood. "Leonel Remington!" sigaw ni Lousiana Remington ang kanyang ina. "Tatlong oras ka ng nakaupo d'yan sa sulok! Hindi ka ba tatayo? Wala ka bang planong tumayo d'yan at pumunta sa simbahan? Jusmeyo marimar!" Parang bingi si Leonel at wala siyang naririnig. Wala talaga siya sa mood at ayaw niyang umattend. Hindi niya alam kung anong set up ang mangyayare sa kanila ni Dayana Coleen, ang babaeng pakakasalan niya ngayon. Kahit kasi anong gawin ni Leonel ay talaga namang wala sa bokabularyo niya ang magpakasal o magkaroon ng anak. "Nakahanda na ba ang lahat? Si Leone—"Biglang natigilan ang ama ni Leonel na si Hendrix Remington ng makita niya ito sa isang sulok. Maging ang mga katulong sa ba

    Last Updated : 2022-07-01
  • Hiding The President's Son    CHAPTER 8: Is that you, Wynter?

    Hindi alam ni Wynter kung bakit siya ngayon nasa simbahan at kung saan ikakasal ang ama ni Neon na si Leonel. Nakapag-isip na kasi si Wynter na wala naman sigurong masama kung masilayan niya ito sa huling pagkakataon. Kaya naman pagbaba pa lang niya kanina sa simbahan ay agad siyang pumunta sa isang pwesto na alam niyang walang makakakita sa kanya. Ang mata ni Wynter ay sumingkit nang sumingkit dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ganito pa rin kabaliw ang tao kay Leonel. "Nakakaloka 'tong mga reporter na ito. Sobrang dami pa rin nila hanggang ngayon," mahinang sambit ni Wynter at kahit napakalayo niya ay tanaw na tanaw niya ang mga napakaraming reporter sa labas ng simbahan. "Ano na lang kaya ang ginagawa ni Samule ngayon?" Biglang niyang naisip si Samuel, lalo na sinabi nito na mag-uusap din sila ngayon at tutulungan siya nito na makita ng malapitan si Leonel sa huling pagkakataon. Kaya naman panay ang tingin ni Wynter sa kanyang relo at hindi na siya makapa

    Last Updated : 2022-07-06
  • Hiding The President's Son    CHAPTER 9: Do you like the view?

    Hindi mapakali si Wynter dahil sa rami ng mga flash ng camera ang kanyang nakita kanina. Siya ay hindi mapakali at puno ng takot ang kanyang sarili. Lalo na ngayon at hinding-hindi siya makakaalis, dahil ang isa niyang kamay ay nakaposas. "S-saan ba tayo pupunta?" tanong ni Wynter, habang panay ang tingin niya sa paligid. Siya ay takot na takot dahil hindi sumasagot si Leonel, basta ang pagpapatakbo nito sa sariling kotse ay katakot-takot din sa bilis. Kaya naman ang isang kamay ni Wynter ay agad na napalagay sa kanyang dibdib, sa sobrang takot niya na baka mamaya ay mangyare sa kanilang hindi maganda, sa sobrang bilis ng takbo ng pagpapatakbo ni Leonel. "Sumagot ka, Leo—" "Pwede bang tumigil ka? Hinding-hindi ka makakatakas sa akin ngayon, Wynter. Kaya magtiis ka kung nasaan ka ngayon," mariing wika ni Leonel at halos mapapikit si Wynter sa inis at agad siyang nagulat nang tumigil ang sasakyan sa airport. Kumunot ang noo ni Wynter at saka hindi siya mapakali dahil hindi niya ala

    Last Updated : 2022-07-06
  • Hiding The President's Son    CHAPTER 1: After 5 years

    Kakaibang klima ang naramdaman ni Wynter ng siya ay umapak sa Pilipinas. Ang mainit na sinag nang araw na dumadapo sa kanyang balat ay nakakapanibago sa kanya. Sapagkat ang klima sa ibang bansa ay palaging malamig at minsan lang kung uminit. Dumagdag pa ang dibdib niyang hindi matigil sa pagtibok. Siya ay kinakabahan na baka magkita silang muli. Kaya naman mas lalong humigpit ang hawak ni Wynter sa anak na si Neon Remington. "Mom, your hands are cold. Are you sick?" Napatingin dito si Wynter at saka ngumiti sa anak. Siya ay umiling dahil wala naman siyang sakit at tanging takot at kaba ang namumuo sa kanyang sarili. "Wala akong sakit Neon, sadyang nasanay lang ako sa malamig na klima," saad ni Wynter sa anak at hindi naman sumagot si Neon. Ito ay tahimik lamang, pero sweet na bata. Palagi niyang kinukumusta ang ina sa tuwing nasa trabaho ito o kaya naman kapag nakikita niyang hindi ito okay. Kasabay no'n ang isang taxi na tumigil sa harap ni Wynter. Sumakay siya kasama ang anak at

    Last Updated : 2022-04-15
  • Hiding The President's Son    CHAPTER 2: I'll buy it

    Matapos kumain ni Neon ay agad naman silang umakyat sa kwarto niya. Namangha siya sa linis nito at hanggang ngayon ay gano'n pa rin ang itsura. Walang pinaltan ang mga magulang niya at wala silang binago. Palagi rin itong nililinis ng mga katulong araw-araw dahil iniisip nila na darating din panahon na uuwi siya. Hanggang sa nagulat na lang si Wynter nang marinig niya ang hindi niya inaasahan na sasabihin ni Neon."Mom, is this the place where my dad lives?"Napatingin dito si Wynter at kumunot ang noo niya. Hindi niya alam kung bakit ito nasabi ng anak, pero ayaw ni wynter magsinungaling dahil na rin sa matalino ito."You're right, Neon. Don't tell me you want to see him?" birong tanong ni Wynter at umiling lamang si Neon sa kanya. "Mom, I hate him... I hate him for hurting you."Hindi alam ni Wynter ang sasabihin at niyakap niya ang anak. Ayaw niyang kamuhian nito si Leonel dahil una sa lahat

    Last Updated : 2022-04-15
  • Hiding The President's Son    CHAPTER 3: He's getting married

    Tatalikod sana si Wynter, kaso siya ay namukhaan din nito at dahilan na makaramdam siya nang takot at kaba."M-ma'am Wynter? Ma'am ikaw ba 'yan?"Napakamot tuloy siya nang marinig niya ang pangalan niya. Napatingin tuloy siya sa ibang direksyon at hindi makatingin ng daretso. Pero ang mukha nito ay mas lalong lumapit sa kanya at panay ang suri sa kanya."Ma'am Wynter! Tama ikaw nga!" Halos ipagsigawan nito ang pangalan ni Wynter at sumenyas naman si Wynter na huwag itong maingay. Kinabahan pa siya dahil isang kotse ang nasa harapan nila at nakahinga naman nang maluwag si Wynter nang marinig niya ang sinabi nito."Wala po d'yan si sir," saad nito at walang iba kung hindi si Samual Ville. Sekretarya ito ni Leonel at talagang ito lang din ang nakakaalam na siya ay nabuntis ni Leonel. Laking takot naman ni Wynter na magkita sila at ito rin ang unang pagkakataon na makita niya si Samuel.

    Last Updated : 2022-04-15
  • Hiding The President's Son    CHAPTER 4: Not ready

    Sa kalagitnaan ng kainitan ay may isang taong hindi maipinta ang mukha. Iba-iba ang emonsyon ng bawat tao na nasa kwarto at kahit na hapon na ay may kakaiba pa silang nararamdaman. Tila mainit kahit naka-aircon naman.Kanya-kanyang lunok nang mga laway ang mga ito at hindi nila magawang maging pokus sa proyekto na kanilang pinag-uusapan at hindi sila makatingin dito ng daretso dahil bigla nga itong nagbago. Ang pagiging seryoso nito ay mas lalong naging triple. Kaya naman ang tahimik na kwarto ay mas lalong nakakabingi."Did you see Samuel?" tanong ni Leonel habang tahimik ang buong kwarto. Kaya naman kahit nagulat ang lahat ay nagpatuloy pa rin ang mga ito sa pagdiscuss ng proyekto."N-no sir," sagot ng isa sa mga naririto at napasingkit naman ang mata ni Leonel. Simula kaninang umaga ay hindi pa ito bumabalik, kahit na inutusan lang niya itong maghanap ng makakain at alas-tres na pero wala pa rin ito. Kaya

    Last Updated : 2022-04-16

Latest chapter

  • Hiding The President's Son    CHAPTER 5: Do you know my father?

    Maaga pa lang ng mag-asikaso si Wynter at tinulungan siya ng mga katulong sa bahay na maghanda ng pagkain para sa mga trahabador na kinuha ni Olivia. Ang iba rito ay mga kakilala ng dalaga at ang iba naman ay mga nakatira malapit sa subdivision ng bakery na binili ni Wynter.Sa pagkakataong ito, siya ay hindi makapagpokus dahil si Neon ay hindi umaalis aa tabi niya at panay ang sunod. Kaya naman nagawang niyang lingunin ang anak at saka pinandilatan niya ito ng mata."Neon, what did I say? Diba sabi ko sa iyo kahapon na hindi ka pwedeng sumama sa akin hanggat hindi pa tapos ang shop," paliwanag ni Wynter, pero hindi ito sumagot at talagang nakahawak lang sa damit niya. Napatingin tuloy si Wynter sa mga katulong na nakangiti sa kanila."Bakit hindi mo na isama? May lakad din kami ngayon at sa tingin ko ay ayaw rin ni Neon na maiwan sa bahay kasama ang mga katulong. Kung ako sa iyo ay isama mo na 'yan," s

  • Hiding The President's Son    CHAPTER 4: Not ready

    Sa kalagitnaan ng kainitan ay may isang taong hindi maipinta ang mukha. Iba-iba ang emonsyon ng bawat tao na nasa kwarto at kahit na hapon na ay may kakaiba pa silang nararamdaman. Tila mainit kahit naka-aircon naman.Kanya-kanyang lunok nang mga laway ang mga ito at hindi nila magawang maging pokus sa proyekto na kanilang pinag-uusapan at hindi sila makatingin dito ng daretso dahil bigla nga itong nagbago. Ang pagiging seryoso nito ay mas lalong naging triple. Kaya naman ang tahimik na kwarto ay mas lalong nakakabingi."Did you see Samuel?" tanong ni Leonel habang tahimik ang buong kwarto. Kaya naman kahit nagulat ang lahat ay nagpatuloy pa rin ang mga ito sa pagdiscuss ng proyekto."N-no sir," sagot ng isa sa mga naririto at napasingkit naman ang mata ni Leonel. Simula kaninang umaga ay hindi pa ito bumabalik, kahit na inutusan lang niya itong maghanap ng makakain at alas-tres na pero wala pa rin ito. Kaya

  • Hiding The President's Son    CHAPTER 3: He's getting married

    Tatalikod sana si Wynter, kaso siya ay namukhaan din nito at dahilan na makaramdam siya nang takot at kaba."M-ma'am Wynter? Ma'am ikaw ba 'yan?"Napakamot tuloy siya nang marinig niya ang pangalan niya. Napatingin tuloy siya sa ibang direksyon at hindi makatingin ng daretso. Pero ang mukha nito ay mas lalong lumapit sa kanya at panay ang suri sa kanya."Ma'am Wynter! Tama ikaw nga!" Halos ipagsigawan nito ang pangalan ni Wynter at sumenyas naman si Wynter na huwag itong maingay. Kinabahan pa siya dahil isang kotse ang nasa harapan nila at nakahinga naman nang maluwag si Wynter nang marinig niya ang sinabi nito."Wala po d'yan si sir," saad nito at walang iba kung hindi si Samual Ville. Sekretarya ito ni Leonel at talagang ito lang din ang nakakaalam na siya ay nabuntis ni Leonel. Laking takot naman ni Wynter na magkita sila at ito rin ang unang pagkakataon na makita niya si Samuel.

  • Hiding The President's Son    CHAPTER 2: I'll buy it

    Matapos kumain ni Neon ay agad naman silang umakyat sa kwarto niya. Namangha siya sa linis nito at hanggang ngayon ay gano'n pa rin ang itsura. Walang pinaltan ang mga magulang niya at wala silang binago. Palagi rin itong nililinis ng mga katulong araw-araw dahil iniisip nila na darating din panahon na uuwi siya. Hanggang sa nagulat na lang si Wynter nang marinig niya ang hindi niya inaasahan na sasabihin ni Neon."Mom, is this the place where my dad lives?"Napatingin dito si Wynter at kumunot ang noo niya. Hindi niya alam kung bakit ito nasabi ng anak, pero ayaw ni wynter magsinungaling dahil na rin sa matalino ito."You're right, Neon. Don't tell me you want to see him?" birong tanong ni Wynter at umiling lamang si Neon sa kanya. "Mom, I hate him... I hate him for hurting you."Hindi alam ni Wynter ang sasabihin at niyakap niya ang anak. Ayaw niyang kamuhian nito si Leonel dahil una sa lahat

  • Hiding The President's Son    CHAPTER 1: After 5 years

    Kakaibang klima ang naramdaman ni Wynter ng siya ay umapak sa Pilipinas. Ang mainit na sinag nang araw na dumadapo sa kanyang balat ay nakakapanibago sa kanya. Sapagkat ang klima sa ibang bansa ay palaging malamig at minsan lang kung uminit. Dumagdag pa ang dibdib niyang hindi matigil sa pagtibok. Siya ay kinakabahan na baka magkita silang muli. Kaya naman mas lalong humigpit ang hawak ni Wynter sa anak na si Neon Remington. "Mom, your hands are cold. Are you sick?" Napatingin dito si Wynter at saka ngumiti sa anak. Siya ay umiling dahil wala naman siyang sakit at tanging takot at kaba ang namumuo sa kanyang sarili. "Wala akong sakit Neon, sadyang nasanay lang ako sa malamig na klima," saad ni Wynter sa anak at hindi naman sumagot si Neon. Ito ay tahimik lamang, pero sweet na bata. Palagi niyang kinukumusta ang ina sa tuwing nasa trabaho ito o kaya naman kapag nakikita niyang hindi ito okay. Kasabay no'n ang isang taxi na tumigil sa harap ni Wynter. Sumakay siya kasama ang anak at

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status