ANO HINDI KAYO LALABAS, KAYO NA NGA ITONG NAKA AGRABYADO NG PAMILYA. WALANG HIYA, KABIT!"
Sigaw ni Aling Nena ang naririnig ko sa labas, usap-usapan sa buong barangay ang pagiging kabit ni mama. Ilang araw na din akong hindi pumasok sa paaralan dahil sa kahihiyan, palagi akong binu-bully ng mga kaklase ko. Hindi ko sila pinapansin, hindi ko pinapakita na apektohan ako sa sinasabi nila. Nag aral ako ng mabuti buong school year, nakapasok parin ako sa honor list kahit palaging inaaway sa school.
Everytime binu-bully ako, I'll just smile at them. Mas lalong lumala pag pinatulan ko pa, worst ay baka ako pa ang mapasama sa kanila. I'll always stick to my routine, mag aral lang at umuwi ng Bahay. I don't mind that some people still gossiping about my mother being a mistress, sabihin na nila ang gusto nilang sabihin wala akong pake.
"Ma, totoo po ba? Usap-usapan na naman sa buong barangay na nakita kayo magkasama si Manong Randy. Ano na naman to, pati ba naman tatay ng kaibigan ko pinatulan mo!" Singhal ni ate kay mama, galit na galit itong tumingin kay mama.
"Sa trabaho iyon anak, naniniwala ka na naman sa mga chismosa nating kapit-bahay."
"Mama naman e, na a-apektuhan kaming magkakapatid sa mga ginagawa nyo. Hindi na kayo bata, umayos naman ho kayo."
"Aba wag na wag nyo akong sermonan ha, buhay ko to!" Sigaw ni mama.
"Anak mo kami mama, kami lagi ang na a-apektuhan! Si Anna lagi binu-bully sa school nila, ako naman hanggang sa trabaho kalat na kalat ang pinag gagawa mo. Hiyang-hiya na kami!"
"Kong ayaw nyo sakin, edi mag silayas kayo!" Pumasok si mama sa kanyang kwarto at malakas na isinirado ang pintuan, napa buntong hininga nalang ako. wala kaming magagawa ni ate, hindi mapagsabihan si mama dahil ang desisyon nya ang masusunod.
Palaging ganito sa Bahay, pag uuwi ako galing sa school ay madadatnan ko nalang na may nag e-eskandalo. Sinisigaw na kabit si mama, hindi ko na mabilang ang sumusugod sa amin. Alam ko naman ang nararamdaman nila, kahit ako ay ayaw din sa kabit. Hindi ko masikmura na makasira ng pamilya ng iba, hindi kaya ng konsensya ko.
"Binu-bully ka pa din ba sa school nyo?" Tanong ni ate kinaumagahan, maagang umalis si mama dahil sa trabaho nya.
"Oo, hindi naman bago 'yon ate at tsaka sanay na rin ako." Sabi ko at kinuha ang tinapay at palaman sa ref, nag timpla na rin ako ng kape. ito ang magsisilbing breakfast ko dahil hindi ako mahilig sa rice tuwing umaga.
"Sabihin mo sakin pag lalong lumala ginagawa nila sayo, para ma report natin sa principal."
Tumango lang ako, pero wala naman sa plano ko na sabihin kay ate. Hindi naman umabot sa physical, kaya wala syang ipag-alala. Malaking pasasalamat ko ay andiyan si Ate Ezra lagi sa tabi ko, hindi nya ako pinapabayaan gaya ni mama. Lalaki lang lagi inaatupag nya at pati sa anak ay walang oras, si ate ang nag papa-aral sakin. I'm currently in Grade 12, ABM student. Ga-graduate na kami next month, malapit na. Hindi ko alam kong mag co-college paba ako o mag trabaho nalang para makatulong sa gastosin sa bahay.
Alas otso ng gabi ng pinagpatuloy ko ang pag review. Saturday ngayon, sa lunes ay final exam na kaya need ko mag aral ng maigi. Binilhan ako ni ate ng pang midnight snack bago sya umalis para mag trabaho at para daw ganado ang pag review ko, call center ang trabaho ng ate ko. Hindi sya nakapagtapos ng pag aaral dahin kapos sa pera, kaya pinili nya nalang mag trabaho.
Siya ngayon ang nag po-provide ng kailangan sa Bahay, dahil wala kaming maasahan kay mama. Ewan ko ba kong bakit gustong gusto ni mama maging kabit, sa dami daming sumusugod dito ng mga asawa ay hindi parin sya huminto sa ginagawa nya. Bakit hindi nalang sya mag asawa ulit kesa maging kabit nalang, kong hindi lang sana namatay si papa ay hindi kami magiging ganito.
"You'll done with your final examination, next week will be the practice of your upcoming graduation. Congratulations in advance and job well done section margaret."
Palakpakan at sigawan ang namayani sa buong classroom, sobrang saya nila kaya't hindi nila napansin ang paglabas ni Ma'am Ortiz na nakangiti. Niligpit ko ang gamit ko at pinasok sa bag ko, handa na sana akong aalis ng kausapin ko ni Majorie, class president namin.
"Saang university ka papasok next school year Kend?" Sabi niya at lumingon ako.
"Hindi ko alam if mag co-college ba ako." Sagot ko naman.
"Sayang naman, ang talino mo kaya."
"Marjorie?" Lumingon kami sa tumatawag sa kanya. "Tara na, cafeteria."
"Sige, mauna na ako ha?" Tumango lang ako, lumabas na din ako ng room at uuwi na ng Bahay. 2pm pa naman, pwede pa akong gumala kaso mas pipiliin ko nalang umuwi at magpahinga
As usual, pag uwi ko ng bahay ay sumugod ang asawa ni Manong randy kasama ang anak neto na kaibigan ni ate. Wala si mama sa bahay, simula kagabi ay hindi sya umuwi.
"Asan si Lorna? Saan ang mama mong kabit ha?!" Sigaw niya ng makita akong papalapit sa Bahay.
"Wala po si mama dito, hindi pa po umuwi." Sagot ko naman at hinarap sya.
"Tama ang hinala ko e, hindi umuwi si Randy. Nagsama silang dalawa, mga walang hiya!" Pilit pina pakalma ni ate riz ang kayang Ina sa pagwawala, ako naman ay pumasok sa Bahay. Ni-lock ko agad ang pinto ng makapasok ako, hindi na ako nagtagal doon at baka ako pa pagbuntongan ng galit nila.
Sanay na ako sa ganitong pangyayari, sobrang nahihiya na nga ako lumabas dahil puro panglalait lang naririnig ko tungkol kay mama. Nasasaktan ako tuwing binabastos si mama, but my mother didn't really care about them. Maraming pamilya na ang nasira niya dahil sa kagagawan nya, para sa kanya ay wala lang pero para sa amin ni ate ay malaki ag apekto nito sa pagkatao namin.
Dealing with family situations at such a young age isn't easy at all, you have to endure every difficulty. 7 years ago when my father died, my ate stop going to college because she didn't receive a support of my mother. I was grade 6 that time, didn't understand what's going on in my family. But those years is very difficult in my ate, that's why i study hard at hindi sya kailanman binigyan ng sakit ng ulo.
I experience being bullied by my classmates, calling me a daughter of a mistress. Sometimes i find myself wanting to fight back, but i didn't. We're shaped by different experience, blaming on something we didn't do. But it's fine, i can handle myself like i always do. I'll just put a smile and wish them well, refusing to indulge in negativity.
"Ate, baka hindi ako may college. Gusto ko muna mag trabaho." Sabi ko kay ate ng makauwi sya.
"Sure ka?" Ngunot noong tanong ni ate.
"Opo, para makatulong dito sa Bahay. Tsaka makapag ipon na rin, gusto ko sa davao mag college."
"Kaya naman kitang pag aralin e, pwede ka din naman mag working student."
"Hindi ko naman po alam if makaka focus ako habang ipagsasabay ang work at study, te."
"May point ka naman, pero sayang naman kong hihinto ka."
"Ate naman, ayoko naman po gumastos ka pa sakin. Malaki na ako, kaya ko na ang sarili ko." giit ko.
Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang isang maliit na box, lumapit ako kay ate at binigay ito sa kanya.
"Oh, ano naman 'to?" Nagtataka nyang tanong, binuksan nya ang box at isa itong silver necklace na heart shape.
"Binili ko yan malapit sa school te, maganda kasi at bagay sayo." ngiti kong tugon.
"Bat nag abala ka pa, at san galing ang perang pambili mo?"
"Allowance. Sayo rin galing, pinag iponan ko." Natatawa kong sabi, niyakap ko si ate at hinalikan sa pisngi. "Salamat sa lahat te, hindi ko alam ang gagawin kong wala ka."
"Asus, kapatid kita kaya ako mag aalaga sayo. At buti nalang, hindi ka sakit sa ulo." Niyakap rin ako pabalik ni ate. "Kumain na tayo."
I graduated senior high school with honor, si ate ang kasabay ko sa stage dahil hindi na umuuwi si mama. Nag text si mama kay ate at ang sabi neto ay hindi na sya kailanman uuwi sa bahay, nabalitaan din namin na umuwi na si Manong Randy sa pamilya nya. Nag tanong kami sa kanya kong asan si mama at bakit hindi ito uuwi, ang sagot nya ay hindi nya alam. Hinatid nya daw ito sa terminal ayon sa gusto ni mama, hindi nya alam kong bakit.
2 months na ang nakalipas at hindi parin umuwi si mama, siguro ay hindi na talaga sya babalik. Maayos na ang pamumuhay namin ni ate dahil wala ng pumupunta dito sa bahay para mag hanap ng gulo, humupa na rin ang panglalait sa amin. Pero kahit hindi maganda ang imahe ni mama dito, ay gusto parin namin sya bumalik, bilang anak ay na miss parin namin ang aming ina.
Malapit na ang pasukan at nalilito na ako kong mag e-enroll ba ako this school year, ang sabi ni ate ay hindi daw dapat ako mag alala sa tuition dahil babayaran nya. Pero supportive naman sya if maghanap ako ng part-time job, gusto nya sana ako sa call center kaso malaki daw apekto neto sa pag aaral ko, lalo nat sakitin din ako.
Maaga ako nagising dahil sa ingay sa labas, sinugod na naman siguro kami dahil kay mama. bumangon ako at dumiretso sa cr naghilamos at nag toothbrush, pagkatapos ay bumaba na ako. napansin ko naman na wala pang almusal sa lamesa, ganitong oras kasi ay uuwi na sya at naghahanda ng almusal.
"Anna?" sigaw ng nasa labas at sabay katok sa pintuan, nagtaka naman ako dahil sa lakas ng katok. Binuksan ko ang pinto ng lumantad sa akin ang kapit bahay namin na si Ashong.
"Bakit po?" nagtataka kong tanong.
"Si Ezra...yong ate mo." Sabi nya sabay turo sa kong saan.
"Ano pong nangyari? s-saan si ate?"
"Sa hospital..." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni kuya ashong, kinuha ko ang wallet at cellphone ko sa lamesa at lumabas, nasa likod si Ashong sinusundan ako.
"Saang hospital?" kalmado kong tanong kahit gusto ko na umiyak.
Sumakay kami ng taxi at hinatid sa hospital na tinutukoy ni Ashong, pagdating doon ay kinausap agad ako sa doctor. Namatay si ate dahil sa car accident, dead on arrival. Patuloy ang imbestigsyon sa tulong ng kapitan, hindi pa natukoy ang suspect dahil tumakas ito pagkatapos ng krimen. Hindi ko matanggap ang nangyari sa ate ko, hindi ako titigil hanggat hindi ko ma bigyan ng hustisya ang pagkamatay nya.
Ang bahay na puno ng kagulohan ay napalitan ng katahimikan, hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko ngayon, wala na si ate na mag aalaga sakin at susuportahan ako. si mama naman ay hindi na nagpakita sa huling hantungan ni ate, mag isa ako sa lahat. mag isa nalang ako ngayon, walang karamay na kahit sino.
We all experience difficult things. the ones that seem to have the potential to defeat us and win. All difficult situations, whether losing a loved one, failing an exam, or experiencing grief, matter.
And in situations like this, we lose hope. There is nothing left that we can cling to. We gradually give up on the chance of things working out differently as we lose faith in the process. We are gradually closing the door while also blocking the light that comes in to illuminate the way.
Puno ng paghihinagpis, walang katapusang sakit ang nararamdaman. it's been almost 3 months when my sister died, para na din akong walang buhay. Kong patuloy akong ganito ay wala akong mararating, i should fight and don't let darkness eat me. When we embrace the other days, we start to believe in the process. We discover that today might be slightly more favorable than it was yesterday. The other day, we were pleading with God to keep us alive for at least a day; the next day, we were giving Him praise for all the things that had brought us to this point. All because we let ourselves experience anguish and held onto the hope that tomorrow would bring better circumstances.
Ala una na nga hapon ng makarating ako sa davao, dito ako mag aaral at mag tatrabaho. Hindi aabot ng isang taon ang pera na iniwan sa akin ni ate para sa gastosin, nag rent ako ng isang maliit na apartment. Nilinisan ko ang buong kwarto at inayos ang mga gamit ko, bukas na bukas ay maghahanap ako ng trabaho para ma ipon at sa susunod na taon ay mag aaral na ako.
Lumabas ako ng apartment para bumili ng pang hapunan ko sa 7/11, bibili nalang siguro ako ng cup noodles at kanin. Bukas ko na plano mag grocery. Pumasok ako sa loob ng 7/11, wala masyadong customer, kumuha ang ng isang cup noodles at tubig, bumili na rin ako ng isang Isang rice at chicken. Pumila ako sa may cashier at nag bayad, pagkatapos kong mag bayad ay lumabas na ako.
Alas siyete na ng gabi, nilakad ko lang papunta sa apartment malapit lang kasi at sayang ang pamasahe kong sasakay pa ako. Habang naglalakad ako ay may narinig akong ingay sa likod ko, apat na lalaking nakasunod sa akin. Sa itsura nila ay parang galing sa basketball, sa jersey nila ay may naka ukit na UMeast. base sa logo ay mga Varsity player sguro ito ng University ng Mindanao.
"Grabe tol, kong tinuloyan mo pa 'yon kanina. baka hindi na makalaro sa susunod." natatawang banggit ng isang lalaki, sa boses palang nito ay alam ko na hambog.
"Pasalamat siya at mabait pa ako..." tugon naman ng isang lalaki.
Kunti nalang at malapit na ako sa tinutuloyan kong apartment, patuloy parin ang ingay sa aking likod. Nag bibiroan na silang mag kakaibigan, patuloy parin ako sa paglakad at hindi na pinansin ang nasa likod ko hanggang makarating ako sa apartment.
"Bago ka dito?" nabitawan ko ang aking dala dahil sa gulat, humarap ako sa lalaking naka suot na number 27 na jersey. Malaki ang ngiti nit sa akin, at tatlo nyang kasama ay nasa likod nya at nakangisi kaming tinitingnan.
"Uhm, oo. kanina lang." sagot ko, pinulot ng lalaki ang nahulog na dala ko at nilahad sa akin.
"Ah kaya pala, ako si Ian." Sabi nito. "at ito mga pangit kong kaibigan, sina Josh, Ryan at Manuel." sabay sabay sila nag lahad ng kamay, at na sila nag reklamo sa sinabi ni Ian.
"Okay..." Pagkatapos kong makipag shake hands, tumalikod agad ako at pumunta sa kwarto ko.
"Hindi mo ba sasabihin ang pangalan mo Ms. pretty?" sigaw nong Manuel, humarap ako sa kanila medyo hindi naman kami kalayuan.
"Anna ang pangalan ko." sagot ko, pagkatapos kong sabihin ang aking pangalan ay binuksan ko na ang aking kwarto at pumasok, hindi na pinansin ang kanilang sasabihin.
Pumwesto ako malapit sa aking kama, inayos ko ang aking maliit na lamesa at nilapot sa aking kama. hinanda ko ang aking hapunan, at nagsimula ng kumain. pagkatapos kong kumain ay nag half bath ako, pagkatapos ay inayos ang kama para tuloyan ng matulog.
Andito ako ngayon sa sm ecoland, isang malaking mall sa davao. bumili ako ng kailangan ko sa bahay, mga pagkain na dapat ma budget ko ng isang buwan. Pagkatapos kong mag grocery ay umuwi na ako, hindi na muna ako nag arrange ng pinamili ko dahil mag hahanap pa ako ng trabaho. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng kwarto, ni lock ko na maigi ang aking apartment. Sa kagitnaan ng pag lock ko ay may lumabas na mga kalalakihan sa 'di kalayuan na kwarto, maingay sila kaya agaw pansin.
"Uy si Ms. pretty." sigaw nong Manuel ang pangalan sabay turo sa akin, hindi ko inexpect na makikilala nila ako. Nilingon ako ng mga kasama nito, ang iba ay hindi ko kilala. siguro mga ka team mate nila sa basketball, pareho sila naka jersey siguro may laro sila ngayon. Naglakad ako at nilampasan sila, pero itong makulit na si Manuel at sinundan ang aking lakad, nakasunod din ang mga kaibigan nya.
"Saan ang punta mo Anna?" tanong ni Ryan sa akin, tinaasan ko sya ng kilay. "Easy, nagtatanong lang naman ako." tinaas nya ang kanyang dalawang kamay na para bang susuko sa mga pulis.
""Grabe, mag gumanda ka pala pag umaga." Sabi ni Josh, naka akbay na ito sa isang lalaki at kininditan ako.
"Salamat..." tanging sagot ko.
"Nagmamadali ka naman ata miss pretty." tanong ni Manuel.
"Pwede ba wag mo akong tawaging ganyan, may pangalan ako." Sabi ko, ngumisi lang ito lalo.
"Anna, saan ang punta mo?" si Ryan.
"Mag hahanap ng trabaho." sagot ko.
"May trabaho akong alam na pwede mong applyan.' Sabi ni Manuel, tiningnan ko sya.
"Ano naman?"
"Water girl tsaka tag punas ng pawis ko." ngisi nito, inirapan ko sya. Rinig ko naman ang sigaw ng mga tropa dahil sa trip nya, Akala ko naman seryoso.
"Bahala nga kayo!" Nairita ako at binilisan ang aking lakad.
"Hoy, tara na. tagal nyo naman!" Rinig kong sigaw sa 'di kalayuan, malapit na ako sa pwesto ng mga jeep at kita ko naman ang tatlong lalaki na naka tayo malapit sa Isang puting sasakyan. isa doon si Ian, ngumiti ito ng makita ako. ewan ko ba bakit ang mga tao dito ay feeling close, dumiretso ang mga tropa nila doon sa sasakyan, nag rereklamo pa ang iba dahil sa sobrang init.
"Si Ambrosio, kanina pa na iinip dito. bat ba kasi ang tagal nyo!" sigaw nong Isang kasamahan nila.
"Manahimik ka Liel, baka masuntok kita!" si Josh sabay pasok sa loob ng sasakyan.
"Ang ingay nyo!" sigaw ni Ian bago lumapit sa akin, napabaling ako sa lalaking nakasandal sa sasakyan at ang kanyang dalawang kamay ay nasa bulsa. Naka suot ito ng fitter shirt, humuhulma ang makikisig nyang katawan, Nakasalubong ang kilay na tumitingin sa akin. Nagtataka siguro kong sino ako. Nakatitig lang ito na walang mababasang expression sa mukha, nilihis ko ang attensyon sa kanya at humarap kay Ian na ngayoy malaki ang ngiti.
"Hi Anna, Saan ang punta mo?" tanong niya.
"Mag hahanap ng trabaho." sagot ko.
"Trabaho?" nalilito nyang tanong.
"Oo, kailangan ko ng trabaho." sagot ko naman at tiningnan sya. Pansin ko naman sa kaanyuan nila na mga mayayaman. At alam kong hindi na nila kailangan mag trabaho para supportahan ang sarili, pag aaral lang ang inaatupag at wala ng problema sa pera.
"Pwede kita e-recommend kay mommy, opening ng bagong coffee shop namin." Sabi niya.
"Talaga?" Sabi ko at hindi makapaniwalang sabi sa kanya.
"Oo naman, malakas ako kay mommy." ngiting Sabi niya.
"Sige, kailan ba?" tanong ko.
"Ngayong friday ng hapon ang opening, pwede kitang isabay don."
"Tara na Ian, lumalandi pa e!" sigaw ng kasama nya, nasa loob na ang Ilan sa mga kasama nya, si Ian nalang at ang lalaking nakasandal sa sasakyan ang natira. naka open ang bintana ng sasakyan, at alam kong pinagtitinginan kami.
"Sandali lang." sagot nya. "Anna, pwede ba makuha ang number mo?"
"huh? bakit naman?" natatawa kong sabi sa kanya.
"Para ma text kita, babalitaan ganon?"
"Ah oo, eto..." sabi ko sabay bigay sa kanya ang cellphone, sumisipol naman ang mga kasama nya. buong attensyon ni Ian ay nasa phone ko, binalingan ko ang lalaking nakasandal sa sasakyan, pinaglalaroan nito ang bato gamit ang paa nya. Nagtagal ang paningin ko doon, bago inangat ang paningin sa kanya. laking gulat ko ng nakatingin na it sa akin ngayon, wala paring makikitang kahit anong expression sa mukha nya.
"Eto Anna, Salamat." si Ian, kinuha ko ang phone ko at nilagay sa bag. "Aalis na kami ha, mag ingat ka." Sabi nya, binalingan ko ulit ang lalaki at pumasok na ito sa sasakyan.
"Oh sige, ingat din kayo." Sabi ko sabay ngiti.
Dalawang minuto ng umalis ang sasakyan, nakatayo parin ako sa gilid. Hindi na siguro matutuloy ang paghahanap ko ng trabaho, malaki kasi ang posibilidad na makakapasok ako sa coffee shop nila Ian. Bumalik nalang ako sa apartment at mag linis sa kwarto ko, inayos ko ang aking pinamili. Kanina pa tumutunog ang aking cellphone, chineck ko ang phone ko at nakita ko ang Isang text, alam ko na sino ito, miling nalang ako at nag patuloy sa ginagawa. Alas tres ng hapon natapos ang paglilinis ko, umidlip ako saglit, hindi namalayan na nakatulog ako sa sobrang pagod.
Alas otso ako nagising, nag simula ako mag luto ng aking hapunan. Ramdam ko na kasing gutom na ako, pagkatapos kong magluto ng kanin at ulam ay kumain na ako. pagkatapos kumain ay dumiretso sa cr para mag half bath, pagkatapos kong inayos ang sarili humiga ako sa kama, hindi na ako dinalawan ng antok dahil sa sarap ng tulog ko kanina. Sinanay ko ang sarili ko sa ganitong gawain, ako nalang mag isa sa Bahay kaya kailangan kong mabuhay. Kong patuloy akong mabubuhay sa lungkot, paano na aking mga pangarap? ang pangarap namin ni ate, kailangan kong tiisin lahat para sa kinabukasan ko.
Umupo ako sa kama at kinuha ang phone sa table malapit sa akin, maraming text doon galing kay Ian binasa ko ito.
Ian:
Hi pretty Anna, kumain ka na ba?
You should eat, payat ka kaya kailangan mong
magkalaman hahahaha.
Tungkol pala sa ni recommend kong work, my mom
wants to meet you. Sabi ko naman sayo akong
bahala, I got you pretty.
Ako:
Thank you Ian, Kumain na ako. Sorry for late replies,
may ginagawa lang. I looking forward to meet your
mom.
Ilalagay ko na sana ang phone sa lamesa ng mag pop up ang message nya, Hindi ko naman inakala na mag rereply agad si Ian sa text ko.
Ian:
Okay lang miss pretty and your welcome always.
Take care always, you should eat more!
Hindi na ako nag reply sa kanya, hindi ko alam kong anong motibo nito pero hindi ako bulag. she like me or wanna be friends with me, hindi ako ready for lovelife. I want to pursue my dream first before anyone else, kong pag kakaibigan ang nais nya malugod ko itong tatanggapin.
"Ate i miss you..." sambit ko habang naka tingin sa kisame, hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko at unti unting humagulgol. Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng ingay, baka marinig ako sa labas at baka akalain nilang napano ako.
"Miss na miss na kita ate, hindi ko alam kong anong mangyayri sakin p-pero pinapangako ko, gagawin ko lahat para matupad ang pina pangarap natin. Magagwa ko iyon kahit wala ka, kaya ko."
Hinding hindi ako hihinto hanggat hindi ko naabot ang mga pangarap ko, kahit mahirap ay hindi ako bibitaw. I believe in myself that i can do it without anyone's help, masisigurado kong dadating ang panahon na mag papasalamat ako sa sarili ko dahil hindi ako bumiyaw. At ma rerealize ko na it was the best decision I've ever made kahit walang kasiguradohan. Dahil no matter how many people strongly believe in you, kong wala kang tiwala sa sarili mo, it's all pointless. I'm still chasing my dreams, giving up is not me.
"Salamat talaga Ian ha, laking tulong nito sa akin." Sabi ko kay Ian, Thursday nga hapon ay sinamahan nya ako sa kanilang coffee shop, nag usap kami ng mommy nya. pinakilala nya akong kaibigan dito, mabait ang magulang ni Ian. Bukas ng hapon ay opening na, at busy ang lahat sa pag aayos.
"Walang anuman 'yon Anna, maliit na bagay." Sabi nya, maliit na bagay para sa mayayaman pero malaking epekto nito sa kagaya kong mahirap. Kailangan kumayod para makakain ng tatlong beses sa isang araw, pero sa katulad nila ay para bang nakaupo lang at ang pera na ang lumalapit sa kanila.
Alas sais ako nakauwi sa apartment, nagsabay nalang din kami ni Ian. Doon kasi nangungupahan ang kaibigan nyang si manuel, at lagi sila doon tumatambay.
"Ian, kasama mo pala si Anna. Saan kayo galing?" Sabi ni Josh, nakasalubong namin sya sa daan. Kasama nito ang lalaking walang expression ang mukha, palagi ba itong badtrip? kahit ngumiti ay hindi ko nakita.
"Sinamahan ko sya sa Coffee shop ni mama nag apply." sagot ni Ian.
"Grabe na yan pare ha, baka naman..." hindi natuloy ang sasabihin nito ng magsalita ang lalaki.
"Bilisan nyo, ang daming lamok dito." napatingin ako sa kanya, pati boses ay sobrang gwapo. Ang dalawang kamay nya ay nasa bulsa ng pantalon, naglakad ito at iniwan kami.
"Sandali pare, ito talaga si bross mainipin." habol sa kanya ni Josh, sumunod naman kami. Bross ang pangalan nya, hindi bagay ang pangalan sa ka gwapohan nya.
"Halika na, Anna." Sabi ni Ian.
Nasa likod na kami mi Bross at Josh, sa gilid ko naman ay si Ian tahimik na tinatahak ang daan pa puntang apartment. Ang buong attensyon ni Josh ay sa cellphone nya, may kausap. Si Ian at Bross ay tahimik lang, sobrang awkward naman nito. Nakarating kami sa apartment na walang imikan, ewan ko ba kong bakit. Papunta na sana ako sa aking kwarto ng tawagin ako ni Ian, hinarap ko sya, nakatingin sila sa akin at kay Ian.
"Bakit?" tanong ko.
"Nakalimutan ko pala, ito si Ambrosio. Bross nalang ang itawag mo." si Ian, tiningnan ko si bross pero ganon parin ang aura nya walang pinag bago.
"Oo alam ko." ngiti kong sagot.
"Hi, I'm Ambrosio." Nilahad nito ang kanyang kamay at tinanggap ko naman.
"Hi, I'm Anna. nice meeting you Bross." ngiti kong tugon.
"Me too." Tipid na sabi nito, nagtaka naman ako ng hindi niya pa binibitawan ang kamay ko. Tiningnan ko sya ng nalilito, binitawan nya agad ang kamay ko at tumikhim. "You should go to your room Anna."
"Oo, salamat." walang umimik, parang kaming dalawa lang ang nag uusap ni Bross. Tiningnan ko naman si Ian at Josh, they were staring at us, nakakunot ang noo ni Ian.
"Let's go inside." si bross at tuluyan ng pumasok sa loob ng apartment, sumunod naman sa kanya si josh.
"Sige Anna, papasok na ako." Sabi sa akin ni Ian, tumikhim ako at binaling ang attensyon sa kanya.
"okay..." nanatili parin nakatayo si Ian sa harap ko.
"You like my friend huh?" Sabi nya ng nakangiti.
"Si bross? Hindi ah." tanggi ko.
"Huwag mo na ipagkaila Anna, all girls like him. At hindi na ito bago sa akin, ano ba kasi ang nagustohan nyo sa lalaking yon."
"I'm not one of the girls Ian." giit ko.
"I'm just saying Anna, he's playboy. he like playing girls heart."
"I don't know what your trying to say Ian, i don't like him."
"Okay Anna, pumasok kana sa kwarto mo. Papasok ako pag nakapasok kana." Sabi nya, tumango ako at naglakad sa aking kwarto. Hindi na muli syang binalingan, umupo ako sa kama at pino proseso ang sinabi ni Ian.
I agree that he's attractive, every compliments is not enough to describe Bross. Pero hindi ako madaling magka gusto sa isang lalaki, at gaya ng sinabi ko naparito ako sa davao dahil mag trabaho para sa pag aaral ko. I don't have time for dating, and dating isn't my thing since then. kong gugustohin ko man mag boyfriend ay sana ginawa ko na iyon sa probinsya namin, marami akong manliligaw doon pero ang pumasok sa Isang relasyon at wala sa plano ko.
if I get to a point in my life that i will choose between love and my dream, hinding hindi kailanman ako mag dadalawang isip na piliin ang pangarap ko. Selfish it may seem, but i don't care about anyones opinion. This is my life, and i have a choice kong anong gagawin ko sa buhay ko.
I don't care if I end up alone, broke, or sad. I believe that no one could love me at my worst, they will end up hurting me and left me at the end. I will never let anyone go down with me, and i know I'll never love someone enough to risk it all for them.
Apat na buwan na ang nakalipas simula nong nag simula akong mag trabaho sa coffee shop nila Ian, naging matalik ko syang kaibigan. Maayos naman ang trabaho ko, kong papaano ay nakapag ipon.
"Eto na ang order nyo mga mahal na prinsipe..." nilapag ko ang order nila Ian, nalalagi ang mga ka team nya dito tuwing pagkatapos ng game nila. Medyo close ko na rin ang lahat kaya nakikisabay ako palagi sa mga biro nila, except kay bross. Apat na buwan ko na din syang hindi nakikita, nabalitaan ko nalang na nasa US ito. Nag take doon ng business, sya ang magmamana ng business nila dito sa pinas.
"Kailan uwi ni Bross?" Tanong ni Carl.
"Ewan ko, wala naman syang sinasabi e. Alam mo naman ang isang 'yon, sobrang tahimik." tugon ni Joe.
"Rinig ko nong mag attend kami ng party, sa bakasyon daw e. Pero hindi alam kong uuwi ba talaga, may girlfriend daw don, baka ayaw iwan." natatawang ani ni Ian, sabay tingin sakin. Tinaasan ko sya ng kilay, hanggang ngayon ay akala nya parin na may gusto ako don.
Bumalik ako sa counter, maraming customer ngayon kaya nag focus nalang ako.
"One Americano please..." napabaling ako sa pamilyar na boses, nagulat ako ng sobrang lapit namin ni Bross sa isat-isa. Kulang nalang ay mag yakapan kami dahil sa distansya namin, umatras ako ng kaunti at tiningnan sya. Mas lalo syang gumwapo, naging tan din ang kulay nitong balat na noon ay puti. Mas lalong lumaki ang katawan nito, siguro ay nag g-gym.
"Are you gonna stare at me the whole day Anna?" tanong nya sa akin habang nakangisi. "I know that I'm handsome, you can come with me after your work, hmm?" kumindat ito sa akin.
"huh?" tanging lumabas sa aking bibig, kanina ay pinag uusapan lang sya ngayon ay nasa harap ko na. Lahat ng babae ay napatingin banda namin, agaw pansin kasi si bross kahit simpleng damit lang ay umaapaw parin ang kanyang kagwapohan.
"You should focus on your job Anna, not on me."
"Ano nga order mo ulit?" tanong ko, medyo nahihiya.
"One Americano." madiin nitong sabi pero nakangising tumitingin sakin, nilista ko ang order nya.
"Okay, I'll prepare your coffee sir." Tumalikod ako sa kanya at pumwesto sa coffee maker.
"Your still beautiful Anna, no wonder why i can't get over you."
Napahinto ako sa pagkuha ng baso, at tiningnan sya. Nag simula na syang naglakad pa punta kina Ian, nagulat naman ang mga kasamahan nito dahil sa biglang pag sulpot nito. Umupo si Bross sa bakanteng upuan, at umangat ang ulo at nag tama ang paningin namin. Umiwas ako at patuloy na ginawan sya ng kape.
Ano bang ibig sabihin nya?