Share

Here's Your Perfect (Filipino)
Here's Your Perfect (Filipino)
Author: Jennex

Prologue

Author: Jennex
last update Huling Na-update: 2021-09-06 12:40:43

Chris

Nakakita na ba kayo ng isang anghel? Ako kasi, oo. Wala man siyang pakpak, pero para sa akin, she's truly my angel.

Na love at first love sight yata ako sa kanya eh. At hanggang sa hindi na iyon nawala pa. Hanggang sa tuluyan na akong nahumaling sa kanya. Ang ganda-ganda kasi talaga niya, nakakatulala.

Siya na rin yata ang may pinakamagandang ngiti na nakilala ko sa tanang buhay ko. May mga matang kumikislap sa tuwing tinititigan ko. Nakakapanghina, kasi ganoon kalakas ang dating niya.

Ang sarap din pakinggan ng boses at mga tawa niya. Hindi nakakasawang pakinggan, pakiramdam ko pa, para akong nakikinig palagi ng magagandang musika. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

Napaka sweet din nito at maalaga. Madalas man itong makulit, pero ayos lang, bagay parin naman sa kanya. Ang sarap nga niyang i-baby eh, nakakawala ng problema sa buhay. Parang ang sarap niyang igapos palagi sa mga bisig ko. Ang sarap niyang alagaan.

Hindi na rin mahalaga kung ngayon ko lamang ito nakasama ng ganito. Dahil ang importante ay dumating siya sa buhay ko, kung kailan kailangan na kailangan ko ng masasandalan at makakasama. Binigyan parin ako ng pagkakataon na maparamdam sa kanya ang pilit na ipinagkakait sa akin ng panahon. Nagpapasalamat ako dahil siya ang ipinadala ni bathala, para hindi ko maramdamang ako ay mag-isa.

Hay. Napapahinga na lamang ako ng malalim sa tuwing tinitignan ko siya ng palihim. Napapasabi na lamang ako sa aking sarili na...

Pwede bang pasilip kahit sandali sa future? Titignan ko lang kung siya ba ang babaeng makakasama ko? O kung hindi naman, pwede bang nakawin ko nalang siya mula rito? Masigurado ko lamang na walang mananakit sa kanya dahil aalagaan ko siya ng higit pa sa sarili ko.

Masyado na yata akong nahuhulog sa kanya ng tuluyan. Hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili pero, bahala na. Masaya naman ako eh. Masaya naman kami pareho. At iyon ang mahalaga sa ngayon.

Hindi na importante kung ano ang naghihintay na bukas para sa aming dalawa. Hindi na importante kung ano ang unos na paparating. Ang importante ay ang siya at ako, pati na rin ang islang ito na nagsilbi na yata naming munting paraiso.

Araw-araw ko na lang na ipaparamdam sa kanya, kung gaano ako kasaya na nakasama siya, na nandito siya. 

Siya nga pala si Jazmine, ang babaeng magpapaibig yata sa akin ng paulit-ulit. Ang babae na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko. Ang babae na hindi ko akalain na matatagpuan ko sa islang ito, na ubod ng kulit pero bumabawi naman sa pagiging sweet.

Nandito kami ngayon nakaupo sa dalampasigan, tanaw ang magandang tanawin na nasa aming harapan. At habang abala kami pareho na dinadama ang medyo lumalamig na ngayon na simoy ng hangin na yumayakap sa aming katawan at tumatama sa aming mga mukha, ay hindi ko mapigilan ang ipikit ang aking mga mata. Upang damhin din ang pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha na ngayon ay papalubog na. Pati na rin ang ingay ng hampas ng mga alon sa may hindi kalayuan.

Kahit hindi ko man ito nakikita, alam kong nakatitig si Jazmine sa mukha ko. Ramdam ko ang kanyang mga mata na nakapako lamang sa akin. Napangiti ako sa loob ko.

Ano kayang iniisip niya habang pinagmamasdan ako?

Siguradong poging-pogi na naman siya sa akin. May pagmamayabang na sabi ko sa aking sarili.

"Chris." Pagbanggit nito sa pangalan ko.

"Hmmm?" Noon din ay nagpasya na akong imulat muli ang aking mga mata at agad na tinignan siya sa kanyang mukha.

"Can I ask you again? Bakit napadpad ang isang Christian Ocampo dito sa Coron, Palawan?" Magkasunod na tanong nito.

Halatang gustong malaman talaga ang totoong dahilan kung bakit nga ba ako nandito. Ito kasi ang pangalawang beses na naitanong niya ang bagay na iyon.

Mabilis na napaiwas ako ng tingin mula sa kanya bago nagbaling sa ibang direksyon.

"Ay. Hindi masagot. Mukhang may tinatakasan ka rin talaga." Tuyo nito sa akin sabay sundot sa tagiligan ko. "Siguro, may nabuntis ka 'no?" Dagdag na biro pa nito bago nagpakawala ng isang malutong na pagtawa. Iyong tawa na parang musika sa aking tenga.

Mabilis na muling ibinalik ko ang aking mga mata sa kanya pagkatapos ng ilang sandali.

Ngunit mas seryoso na rin ang aking mukha this time.

"I'm here to move on." Seryosong sagot ko sa kanya. "To forget everything I don't want to remember anymore. And then, you came. I met you." Napapalunok ako habang sinasabi iyon sa kanya bago ito binigyan ng isang matamis na ngiti.

Mayroong pigil na ngiti na napayuko ito at pinaglaruan ang kanyang mga daliri.

"What about you?" Tanong ko pabalik sa kanya habang mayroong nakakalokong mga ngiti. "Bakit ka nandito? Hmmm?" Atsaka mas inayos pa ang aking sariling pag upo paharap sa kanya.

Hindi nito sinagot ang aking katanungan. Sa halip ay isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa at tanging hampas ng mga alon lamang ang aming naririnig. Hindi nagtagal ay napatingala ito para bigyan ako ng isang halik sa aking pisngi.

Awtomatiko naman na napangiti ako at nang init ang aking buong mukha at tenga dahil sa kanyang ginawa.

"You don't have to answer my question." Saad ko. "Ang importante nakilala kita at nakasama sa islang ito." Dagdag ko pa. "Sapat na iyon para sa akin."

"Really?" Para bang hindi naniniwala na tanong pa niya.

Napatango ako. "Yes. Eh ikaw ba? Hindi ka ba thankful na may pogi kang nakilala sa islang ito?" Pagbiro ko habang ngingiti-ngiti.

Muli ay hindi ito nakasagot. Ngunit makikita naman ang pagkislap ng kanyang mga mata nang itanong ko iyon. Binigyan ako nito ng isang matamis na ngiti bago tuluyang isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.

Kinuha nito ang aking kamay bago ipinagdikit ang aming mga daliri.

Habang ako naman ay marahan na hinalikan ito sa kanyang ulo atsaka ipinagpatuloy na ang aming panonood sa papalubog na araw.

Noon din napatanong ako sa aking sarili.

Hanggang kailan ko ba siya makakasama sa islang ito? Pwede bang ganito nalang kami at manatili nalang siya sa tabi ko, habambuhay?

Kaugnay na kabanata

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 1

    Chris Isang malawak na lupain ang sumalubong sa akin nang ako'y makababa sa paliparan ng Busuanga, Coron Palawan. Napapalibutan ito ng bulubundukin at nagbeberdihang mga punong kahoy, ang iba namang mga bundok rito ay kapansin-pansin ang kulay na animo'y Chocolate Hills, lalo na kapag nasa himpapawid ka. Summer ngayon kaya nagtutuyuan ang ibang parte ng mga halaman at mga punong kahoy rito sa mga kabundukan, ramdam ko ang init ng sikat ng araw ng ito'y tumama sa aking mga balat. "Good afternoon Sir, welcome to Coron Palawan!" Ang bati sa akin ng tatlong binibini na naka abang sa aming mga passenger na kabababa lamang ng eroplano. Gumanti ako ng ngiti, atsaka kami iginaya ng mga ito papunta sa kung saan naka park ang mga van na susundo sa mga turista at mga kamag anak nila ng mga katulad kong kalalapag lamang din. Nang makita ko ang white board na may nakasulat na pangalan ko ay lumapit na ako

    Huling Na-update : 2021-09-06
  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 2

    JazmineI groaned as I woke up this morning, feeling unhappy with hatred and hopelessness. Another great morning. Yeah, so great. Nadidismayang bumangon ako mula sa aking higaan..It's my first day at the same time, first time here in Coron, Palawan. Siguro nga, ito ang kapalaran ko, ang mabuhay ng ganito kagulo ang buhay ko. Napahinga ako ng malalim habang naglalakad patungo sa banyo.But before that, napasulyap muna ako sandali sa orasan na nasa may bed side table ko, alas syete na ng umaga. Hindi ko parin alam kung ano bang plano ko at gagawin habang nandito ako sa islang ito. Magbebreakfast na lamang muna siguro ako at maglilibot pagkatapos.Pagkatapos kong maligo, magbihis at makapag almusal ay lumabas na ako sa backpackers na tinutuluyan ko.Backpackers guest house kasi ang tawag sa maliliit na pweding pag stay-an dito. Mayroon itong sampung kwarto, maayos at malinis naman

    Huling Na-update : 2021-09-06
  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 3

    Jazmine"Hoy!" Tawag ko sa kanya habang sinudundan ko ito. Tuloy-tuloy lamang kasi ito sa paglakad at walang lingon likod habang hirap na hirap akong habulin ang mahahabang nitong mga hakbang."Hep hep hep!" Pigil ko sa kanya noong tuluyang maunahan ko siya, hinihingal pang nakataas ang dalawang kamay ko para lang huminto ito at mapigilan ko sa paglakad. Mas lalo lamang tuloy sumimangot ang kanyang itsura."What do you want?" Malamig ngunit may pigil inis sa boses nito. Napa rolled eyes na lamang ako ng wala sa oras atsaka napa iling na rin.Pasalamat siya. Hmp!"Sobra ka ha. Ang sungit-sungit mo. Isusuli ko lang sana itong wallet mo." Sabay pakita ko sa kanya ng wallet na nasa kamay ko. "Nahulog mo." Dagdag ko pa atsaka iniabot sa kanya ito, ngunit bago niya pa man tuluyang makuha ang wallet ay binawi kong muli ito pabalik sakin."Ano munang pangalan mo?" At

    Huling Na-update : 2021-09-06
  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 4

    Chris One week has passed since the day I arrived here in Coron. At one week narin simula ng takasan ko ang buhay ko sa manila. Malayo sa gulo, sa ingay at mga problema. Pero mas naging magulo pa yata ang buhay ko simula ng dumating ako rito. Hindi ko mahanap ang kapayapaan na inaasan at ninanais ko. This girl. I'm so sick of this girl. Damn, she's so...argh! Never mind. Ang ingay ingay niya, wala na yatang magawa kung hindi ang bumuntot sakin. And it's freakin' annoying. Katatapos ko lang maligo at magbihis ng maisipan kong buksan ang phone ko. Ilang days ko narin kasing hindi ito binubuksan dahilan na ayaw kong makontak ako ng kahit na sino. Pag bukas na pag bukas ko palang ay inulan na ako ng maraming text messages. Ang ilan galing kay mama, sa kaibigan kong naghahanap din o nagtatanong kung nasaan ako. The hell I care! Napapailing nalang ako habang patuloy na nagbab

    Huling Na-update : 2021-09-06
  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 5

    JazmineNgayong araw ang aga kong nagising sa hindi ko malaman na dahilan. Pinipilit kong ipikit muli ang aking mga mata ngunit hindi ko na magawang makatulog pang muli. Nakatulala at nakatitig lamang ako sa kisame ng buong kwarto, hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko na naman ang ganito.Nakakawalang gana. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan pagkatapos.Aaminin kong namimiss ko na ang mga kaibigan at pamilya ko. But I don't have a choice kung hindi ang takasan panandalian ang buhay ko sa amin. Hindi ko ba talaga alam kung bakit ko nararamdaman ang ganito. Pakiramdam ko, mayroong kulang. Mayroong nawawalang parte ng aking sarili na hindi ko mawari kung ano. At hindi ko alam kung saan ito matatagpuan.At sa hindi malamang dahilan, bigla nalang nag-uunahan sa pagpatak ang aking mga luha. Para bang may kung anong mabigat sa aking dibdib ang hindi ko makapa kung anong dahilan at sa

    Huling Na-update : 2021-09-06
  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 6

    Chris Panay lamang ang pag ngiti ni Jazmine sa mga taong dumadaan sa may table na kinauupuan namin. Ni hindi man lamang ako tinitignan o tinatapunan ng kahit ilang sulyap man lamang. Mukhang nainis ko yata talaga ito ng sobra kanina. Ang sarap niya kasing asarin. Nakakagaan sa feeling. Nabaling ang tingin nito sakin dahil sa waitress na kanina pa daan ng daan sa aming harapan atsaka nagpapapansin sakin. Ngumiti ako na para bang nagpapacute kay Jazmine. Sinadya ko talaga na hindi pansinin 'yung babae, ngunit isang mapakla na ngiti lamang ang iginawad nito sa akin bago napatirik ang kanyang mga mata. "Ahem!" Pigil ang aking ngiti na napatikhim ako nang muli nitong ibinaling ang kanyang mga mata sa ibang direksyon. Lumapit ako ng konti sa kanya, sakto lang para marinig nito ang boses ko. "Are you jealous?" I teased her. Awtomatiko naman at mabilis pa

    Huling Na-update : 2021-09-11
  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 7

    Jazmine"Nagmahal kana ba? Kung oo, masaya ka ba? O naging masaya ka ba?" Kanina pa ako paikot-ikot sa higaan ko ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok."Hays!"Walang nagawang napabangon ako at napatingin sa orasan sa may bed side table ng kwarto ko. Eleven forty five na ng gabi at maghahating gabi na pero heto parin ako, hindi man lamang dinadalaw ng antok samantalang kanina pa naghihilik 'yung taong nasa isipan ko, panigurado."Nagmahal kana ba? Kung oo, masaya ka ba? Naging masaya ka ba? " Walangya talaga 'yung lalaking 'yun."Pwede ba patulugin mo naman ako?!!" Medyo pasigaw at iritang sabi ko kahit na wala naman akong kasama o kausap na kung sino.Muli akong nahiga at tinakpan ng unan ang aking mukha. Anong akala niya sakin? Hindi pa nagmahal sa tanang buhay ko? Ha! Hindi naman ako alien o robot ano? Tao ako tao!!"Jazmine, matul

    Huling Na-update : 2021-09-13
  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 8

    Jazmine"Are you sure you wanna ride that one?"May pagka-alanganing tanong ko sa kanya."Hell yeah! I'd like to ride this one. Gusto mo bang masubukan mamaya?" Magiliw na tanong nito habang nagchecheck ng motorsiklo na rerentahan namin."No..?" Alanganing sagot ko naman. "I don't know how to ride a motorbike. Ikaw nalang." Dagdag ko pa at ngumiti ng alanganin.Saglit siyang natahimik at napatingin sakin. "Hmmm, alright! But I can teach you if you want?" Pangungumbinsi pa nito."My fiance will gonna kill you if you insist too much!" Atsaka ko itinaas baba ang aking kilay."Alright, sabi mo eh." Saka ito tumalikod na mula sa akin. Habang napapakagat labi nalang akong pinagmamasdan siya ng palihim.Sa totoo lang, ayoko lang talagang subukan. Hindi naman sa natatakot ako kung hindi AYOKO lang talaga. Period."We'll take t

    Huling Na-update : 2021-09-14

Pinakabagong kabanata

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Final Chapter

    Now playing: Here's Your Perfect by Jamie Miller Chris Three years. It's been three years magmula nang may marinig ako na huling balita kay Jazmine, dahil sa tatlong taon na iyon ay kusa ko nang pinutol ang lahat ng ugnayan na meron ako sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Nagpapasalamat ako sa mga kamag anak ko at mga kaibigan, dahil iniiwasan talaga nila at hindi binabanggit ang pangalan nito sa harap ko. Inaamin kong nakatulong ang kanilang mga ginawa sa pag-momove forward ko. Isa sila sa malaking tulong sa hakbang ng pagkalimot ko sa malalim pagmamahal ko para kay Jazmine. Hindi ko akalain na makakayanan ko rin palang gawin ang bagay na akala ko noon ay hindi ko kaya, ang mag-move on. Pero kahit yata anong pilit kong gawin ay nakatatak na si Jazmine sa akin. Habambuhay ko nang dadalhin ang mga alaala nitong naiwan sa akin

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 40

    Jazmine Ganoon nga yata talaga ang mundo, hindi lahat ng mga nangyayari sa mga pelikula at teleserye ay mangyayari rin sa totoong buhay. Madalas binubulag lamang tayo ng mga nakikita natin, kaya akala natin eh pati sa ating mga sarili eh mangyayari rin ito. Sabi nga nila, kayang maalala ng puso ang hindi kayang maalala ng isipan. Marahil tama sila sa kasabihang iyon, na anumang hindi kayang maabot ng ating isipan, eh kayang-kaya ng ating mga puso. Katulad na lamang nang kung paano maalala ng aking puso ang pagmamahal na meron ako para kay Chris. Katulad na lamang nang pag-alala ng aking puso, kahit na hindi ito natatandaan ng aking isipan, at kahit na ilang beses ko pang ipilit na alalahanin ay hindi ko na talaga magawa pang maibalik ang lahat ng aming mga alaala. Alam kong may dahilan ang lahat. Alam kong hindi namin parehong ginus

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 39

    ***This POV will explain what really happened behind Chris' POV*** Third Person POV Ang pagkukunwari na iyon ni Chris ay binigyan niya pa ng katotohanan nang sinimulan nitong yayain si Jazmine sa mga adventure sa isla. Iyong tila ba para silang bumabalik sa pagiging bata na dapat ay masaya lamang. Araw-araw silang magkasama, kahit saan sila magpunta ay palaging nakabuntot sa kanila ang bawat isa. Hindi nito pinababayaan ang dalaga at mas lalong hindi niya inaalis sa kanyang paningin. Hindi naging madali para kay Chris ang araw-araw, dahil sa halip na makalimot na siya at unti-unti nang maka move forward, ay mas lalong nahuhulog pa siya sa dalaga. Mas lalong lumalalim pa ang kanyang nadamara. Alam naman niya na isa rin ito sa kanyang kagustuhan kaya niya hinahayaan na mangyari. Pero ano bang magagawa niya? Parang hulog ng langit ang ibinigay sa kanya na pagkakataon

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 38

    ***This POV will explain what really happened behind Chris' POV*** Third Person POV *Flashbacks* Ang totoo, hindi natin kayang labanan ang mundo. Kung malupit ito, ay malupit ito at hinding-hindi ka sasantuhin. Mapaglaro ito, at pilit na ipagkakait sa atin ang mga bagay na gusto natin. Hindi palagi ay hahayaan tayong maging masaya, na maging malaya kasama ang tao na gusto talaga nating mahalin at makasama. Iyong tipo na pilit mo nang inilalayo ang sarili mo sa isang sitwasyon na alam mong mahihirapan kang tanggapin, at masasaktan ka lamang lalo, pero paulit-ulit ka paring ilalapit nito sa bagay na alam mong--- maaari na muling ikawasak ng iyong puso. Alam kasi nito kung ano ang kahinaan mo. Alam nito, kung saan tayo dapat na matututo. At hindi natin alam, walang makapagsasabi kung anong kapalaran ang mga naghihintay sa atin

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 37

    JazmineHindi nagtagal noong makaalis si Chris ay dumating na rin si David. Agad na nagtaka ito kung bakit parang namamaga ang mga mata ko at kung bakit tila raw katatapos ko lamang sa pag-iyak.Napailing lamang ako at sinabing napuwing lamang kanina noong nasa may garden ako. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pang muli pagkatapos.Hanggang sa nahiga na lamang kami nang magkatalikuran dahil patuloy pa rin akong binabagabag ng mga sinabi at ipinagtapat sa akin ni Chris. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng iyon. Dahil kahit konti, wala akong maalala, wala akong matandaan.Noon naman naalala ko ang camera na ibinigay nito sa akin.Maingat na gumalaw ako at bumangon mula sa higaan. Kinuha ko ang camera mula sa drawer na aking pinaglagyan. Dahan-dahan din ang mga hakbang na binuksan ko ang pintuan ng kwarto upang hindi makagawa ng anumang ingay, para na rin hindi ko magis

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 36

    Jazmine"Chris!"Kahit na kinakabahan ay pinilit ko pa rin na ihakbang ang aking mga paa palapit sa kanya.Kasabay ng mga hakbang ko palapit rito ang malakas din na pagkabog ng dibdib ko.Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Ang tanging alam ko lamang ay masaya ako na makita siyang muli, sa hindi inaasahan na pagkakataon."Ang daya mo. Na-miss kita!" Sabi ko sa kanya noong tuluyan akong huminto sa kanyang harapan at pagkatapos ay hindi nagdalawang isip na niyakap siya."You missed me." Malamig ang boses na sabi nito.Napatango ako."Oo naman!" Sagot ko sa kanya. "Hindi ka man lang pumunta sa o nagpakita sa kasal ko." Pagkatapos ay napanguso ako at kunwaring nagtatampo. "Ang daya mo!"Ngunit sa halip na sagutin ako ay isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Chris dahilan upang matigilan ako. I

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 35

    JazmineNapangiti ako sa aking sarili noong yakapin ako ni David mula sa aking likod atsaka marahan na ipinatong nito ang kanyang baba sa aking balikat.Naramdaman ko ang paghalik nito sa may batok ko bago mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin."Hmmmmm. It feels so good!" Hindi ko mapigilan ang sariling mapaharap sa kanya at sinalubong ang mga mata nito.Isang matamis na ngiti ang iginawad nito sa akin, habang ako naman ay agad na ipinulupot ang braso sa kanyang batok bago ito binigyan ng isang matamis na matamis na halik, na agad din naman nitong ginantihan ngunit hindi iyon magtagal."Thank you.." Pabulong na sabi ko rito bago napalunok, habang magkadikit ang aming noo at ang aming mga ilong."Thank you for what?" Tanong nito sa akin.Noon din ay ipinaghiwalay ko na ang aming noo bago muling tinignan siya ng diretso sa kanyang mga mata."Dahil nagawa mo akong patawarin. A

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 34

    Jazmine "Babe! Are you alright?" Rinig kong tanong ni David mula sa labas ng banyo. Kanina pa kasi ako nandito sa loob at hinahayaan lamang na umaagos ang tubig sa aking katawan habang umiiyak na naman. Magmula noong huling beses kaming magkita ni Chris, wala na yata akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak tuwing gabi. O kahit na nag-iisa ako. Bawat mayroong pagkakataon na gusto ko at pwede akong umiyak, iniiyak ko. Ewan ko! Hindi ko alam kung bakit ang lungkot-lungkot ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko, kalahati ng buhay ko ang nawala sa akin dahil sa ginawa kong pang-iiwan kay Chris. Hindi ko maintindihan kung bakit sa sandaling panahon na nakilala ko siya ay para bang buong buhay ko na itong kakilala at nasakop agad nito ang buong pagkatao ko. Miss na miss ko na siya, ngunit

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 33

    Now playing: Malibu nights by LANYChris"Pwede bang ikaw na lang?""Ayoko nga! Ikaw nang kumausap, isa pa, parehas kayong lalaki, so you should talk to him not me!""Nikki, mas makikinig siya sa'yo, hundred one percent. Swear!""No! Alin ba ang hindi mo maintindihan doon?""Anak ng!"Kanina ko pa naririnig na nagtatalo sina Nikki at Terrence kung sino ba ang lalapit sa akin.No, actually, ilang araw na rin nila akong hinahayaan lamang at hindi pinakikialaman sa anumang mga ginagawa ko.Sinabi ko kasi sa mga ito na gusto kong mapag-isa at kung pwede ay ibigay na muna nila iyon sa akin.Bumalik ako sa resort na pagmamay-ari ng parents ko dito sa Busuanga. Ngunit agad naman na sinundan ako ng dalawa rito na tila ba takot na takot na baka mayroon daw akong gawin na hindi maganda sa aking sarili.Ano bang hindi nila maintindihan sa gusto kong mapag-isa?!Pumunta ako rito dahil aka

DMCA.com Protection Status