Share

Chapter 7

Author: Jennex
last update Huling Na-update: 2021-09-13 20:43:58

Jazmine

"Nagmahal kana ba? Kung oo, masaya ka ba? O naging masaya ka ba?" Kanina pa ako paikot-ikot sa higaan ko ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok.

"Hays!"

Walang nagawang napabangon ako at napatingin sa orasan sa may bed side table ng kwarto ko. Eleven forty five na ng gabi at maghahating gabi na pero heto parin ako, hindi man lamang dinadalaw ng antok samantalang kanina pa naghihilik 'yung taong nasa isipan ko, panigurado.

"Nagmahal kana ba? Kung oo, masaya ka ba? Naging masaya ka ba? " Walangya talaga 'yung lalaking 'yun.

"Pwede ba patulugin mo naman ako?!!" Medyo pasigaw at iritang sabi ko kahit na wala naman akong kasama o kausap na kung sino.

Muli akong nahiga at tinakpan ng unan ang aking mukha. Anong akala niya sakin? Hindi pa nagmahal sa tanang buhay ko? Ha! Hindi naman ako alien o robot ano? Tao ako tao!!

"Jazmine, matulog kana please lang parang awa mo na." Panungumbinsi ko sa aking sarili.

Pinilit kong ipikit muli ang aking mga mata at nag concentrate sa aking pagtulog. Hanggang sa hindi ko na rin namalayan na dinalaw na ako ng antok at tuluyan na ngang nakatulog..

---

Iinat inat akong nagising at bumangon sa aking higaan. Alam kong tanghali na dahil bukod sa kita ko rito sa side table ko kung anong oras na eh, natatanaw ko rin dito mula sa bintana ng kwarto ko ang may medyo kataasan ng sikat ng araw.

Mabuti nalang kahit kulang ako sa tulog eh maganda naman ang gising ko. Pagmamalaki ko sa aking sarili.

Sana lang wala munang sisira nito. Hay naku! Isa pa naman ito sa mga gusto ko ang gumising ng maaliwalas ang pakiramdam at malayo sa stress at sama ng loob.

Saglit akong sumilip sa aking cellphone at nag check kung anong balita. Ngunit mukhang wala naman yata kahit isa sa kanila ang nag-aalala para sa akin. Napabutong hininga ako at kaagad rin naman na ipinilig ang ulo. Ang ganda ng mood ko eh sisirain ko lang. Hmp!

Sandali rin akong sumilip sa social media accounts ko ngunit wala rin namang bago. Tumayo na ako at tuluyan ng umalis sa mula sa ibabaw ng kama. Dahil kung hindi ko iyon gagawin ay tatamarin na naman ako at matutulog lang sa buong araw.

Hindi naman masama eh, isa pa wala naman akong gagawin. Ang kaso nga lang alam ko sasarili kong mabobored lang ako.

Ilalapag ko na sana ang cellphone ko sa may table nang siyang may mapansing nagnotify galing sa messenger ko. Mabilis ko itong tinignan kung sino at napanganga ako sa nakita.

Hindi pa ako nakontento dahil tinitigan ko pa ang mukha nito at kinumpirma kung siya nga iyon.

"Uy! Friends pala tayo sa f******k! Hehe." Saka pa ito nagsend ng nakangusong picture sa akin. Naka sando lamang ito at panay rin pawis ang mukha. Halatang kagagaling lamang mula sa pag workout.

Wow! Hindi ko alam na friends ko pala siya sa f******k.

"So? Ano ngayon? Ang sabihin mo stalker kita! Tse!" Pagsusungit sungitan ko sa kanya bilang reply ko sa chat nito.

Wala pang ilang segundo nang magreply ito. Ang bilis ah!

"Sungit. Kagigising mo lang no? Alas onse na ng umaga. O baka naman may dalaw ka lang?" Pang-aasar pa nito.

Aba't talaga namang sinusubukan na kaagad ang pasensya ko. Kalma ka lang self, may araw din yang ulupong na yan. Nagsend lang ako ng sticker sa kanya bilang reply.

Makaligo na nga. Dahil naiinip na ako rito.

"Hi!"

"Ay anak ng tokwa! Ano ba? Ano ba kasing ginagawa mo rito?!" Pambihira itong taong 'to. Gulatin ba naman ko. Tss! Atsaka bakit ba kasi siya nandito? Aba namumuro na 'to sakin ha. Nginitian lang ako ng nakakaloko atsaka ako hinawakan sa braso at kinakaladkad sa kung saan na naman.

"At talagang pinaninindigan mo na yang pagiging stalker mo sakin?" Inis na sambit ko rito pero joke lang. Syempre kinikilig ako, sino ba naman ang hindi kikiligin minsan lang ata siya maging ganito ka good mood.

"Hoy! Ano ba! Saan mo ba ako dadalhin? Kanina ka pa ha! Unang unang bakit nandoon ka sa labas ng tinutuluyan ko? Pangalawa bakit mo ba ako hinihila? Ha? Saan mo ba ako dadalhin? At pangatlo bakit hindi mo ako sinasagot?!" Napahinto ito sandali sa paghakbang at inis na humarap sakin.

"Pwede ba itikom mo muna 'yang bunganga mo. Ang ingay ingay mo eh!" Reklamo nito sakin. Pero papatinag ba ako? Of course not! Taas noo rin akong humarap sa kanya at nameywang pa.

"Alam mo ikaw? Panira ka talaga ng araw eh, 'no? Ang ganda ganda ng gising ko kanina tapos sisirain m--Hoy kinakausap pa kita 'wag kang bastos!" Talikuran ba naman ako. Argh!

Jusko po, bakit mo naman hinayaang masira kaagad ang araw ko ngayon?

"Hindi ka manlang ba magpapasalamat sakin?" Simula nito.

Susubo na sana ako ng pagkain, muntik tuloy akong mabulunan. Napahinga ako ng malalim sabay irap sa kanya. "Thank you po." Sabay ngiti ng peke rito at tuluyan nang isinubo ang naudlot kong pagkain.

Iiling iling at walang nagawa na lamang din siyang humigop ng kape niya. Dapat lang, no? Bumawi siya sa paninira niya ng araw ko. Kaya niya lang naman daw kasi ako sinundo kanina sa Backpackers na tinutuluyan ko eh dahil wala siyang kasabay kumain.

Kaya heto, nauwi siya sa paglibre sakin. Ang ingay ingay ko raw kasi. Hehehe.

Tapos na kaming kumain at magbayad ng bills ng mga kinain namin. Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin siya kumikibo na para bang pinag iisipan pa kung magsasalita at kung kakausapin ba ako o hindi.

"May gusto ka bang sabihin o pag-usapan?" Marunong naman akong sumeryoso syempre. Lalo na ngayon sa mga pagkakataong ganito. Ngumiti ito ng pilit sa akin at napailing lamang bilang sagot.

"Come on! You want to talk about it? Let's talk about it." Pangungumbinsi ko pa at nag cross arms sa harap niya. Huminga siya ng malalim at tinitigan ako ng seryoso sa aking mukha.

"Hindi mo ba sila namimiss?" Nagtatakang napatingin ako ng diretso sa kanya, kasabay ng pagturo ko sa aking sarili gamit ang kanang kamay ko.

Pinagsasabi nito?

"Ako? Sila?" Tanong ko pa rito. Medyo nagulat lang ako sa itinanong niya. Tatango tango lang naman ito.

"Your family. Your friends. And your...fiance? Hindi mo ba siya namimiss? Mukhang may balak ka pa atang magtagal rito eh." Dagdag pa niya, sabay nguso nito sa kaliwang kamay ko.

Awtomatikong napatingin rin ako sa kamay ko atsaka napangiwi nang muling ibinalik ang aking mga mata sa kanyang mukha. Inaamin kong nagulat ako, pero kaagad ko naman itong naitago.

"Ahhh..hehe. Yeah right." Hindi ko nga pala nahubad 'to mula sa mga daliri ko simula ng dumating ako rito. Bagay na hindi ko na maitanggi o maitago pa sa kanya. Dahil sa mga oras na ito, gusto ko ng magpalamon sa lupa. Sobrang nadidismaya ako sa aking sarili.

Natawa na lamang ako ng may pagkaalanganin dahil para bang naging awkward ang paligid habang ipinapaypay ko ang aking kamay sa ere. Ngunit seryoso parin itong nakatigtig sakin.

Kinakabahang napaisip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi na kailangan pa.

"Mahabang kwento." Sabay iwas ko ng tingin mula sa mga mata niya. "Hindi mo maiintindihan. At hindi mo mararamdaman ang nararamdaman ko. Madami ka pang hindi alam, Chris. So let's leave it there."

"Just let me, Jaz." Simula nito.

"Just let me know who you really are. Hayaan mong intindihin ko, hayaan mong maramdaman ko ang nararadaman mo. Okay ba 'yun?" Naluluha ang mga matang napatingin akong muli sa kanya.

"Ano ka ba, hindi naman na kailangan. Atsaka ayokong makaabala pa ako sayo at pati personal na buhay ko eh idadamay pa kita. Kaya ko na." Pagtanggi ko. Dahil 'yun naman talaga ang dapat. "Atsaka, nandito tayo para magsaya ano? I-enjoy ang magandang paraisong ito. Kaya pwede ba?"

"How could you say you can? Kung mag-isa ka lang na hinaharap ang mga 'yan? Yeah, like what you have you said, marami pa akong hindi alam, pero sa tingin ko kasi...hindi mo kakayanin ang isang laban na mag-isa ka lang."

Tama siya. May point siya. Pero ayokong subukan. Natatakot ako sa pwedeng kahinatnan kapag hinayaan kong mangyari. Maraming pwedeng maapektuhan. Lalo na at...teka nga. Bakit ang kulit yata at ang daldal ng lalaking ito ngayon? Daig pa niya si Boy Abunda kung magtanong.

"At wag kang matakot. Hindi mo kailangang matakot sa mga bagay na alam mong makakapag pasaya sayo." Putol nito sa iniisip ko na para bang nababasa niya ang lahat.

Mataman ko siyang tinitigan sa mukha at muling napangiti rito ng matamis. Hindi pwedeng papasukin ko siya sa buhay ko ng ganun ganun lang. Ayoko na may isa pang buhay ng tao ang madadamay dahil lang sa hindi ko magets ang sarili ko.

Kung ano man yung bagay na gusto kong mahanap ngayon bago pa man ako maikasal, masaya na akong isa si Chris ang makakasama ko sa pagtuklas 'non.

"Just leave it Chris. Please." Matigas na bigkas ko pagkatapos ay tuluyan nang napatayo at dirediretsong lumabas ng restaurant na iyon.

Ewan ko rin. Bakit parang kung tignan niya ako eh kilalang kilala na niya ako. Tss! Dati ko ba siyang aso na nabuhay ulit bilang tao?

Tsk. Hindi ko magets!

Ah, ewan! Napapanguso na wika ko habang nakikipagtalo sa aking sarili.

Kaugnay na kabanata

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 8

    Jazmine"Are you sure you wanna ride that one?"May pagka-alanganing tanong ko sa kanya."Hell yeah! I'd like to ride this one. Gusto mo bang masubukan mamaya?" Magiliw na tanong nito habang nagchecheck ng motorsiklo na rerentahan namin."No..?" Alanganing sagot ko naman. "I don't know how to ride a motorbike. Ikaw nalang." Dagdag ko pa at ngumiti ng alanganin.Saglit siyang natahimik at napatingin sakin. "Hmmm, alright! But I can teach you if you want?" Pangungumbinsi pa nito."My fiance will gonna kill you if you insist too much!" Atsaka ko itinaas baba ang aking kilay."Alright, sabi mo eh." Saka ito tumalikod na mula sa akin. Habang napapakagat labi nalang akong pinagmamasdan siya ng palihim.Sa totoo lang, ayoko lang talagang subukan. Hindi naman sa natatakot ako kung hindi AYOKO lang talaga. Period."We'll take t

    Huling Na-update : 2021-09-14
  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 9

    Chris"Thanks for today! Sana nag-enjoy ka." Malawak ang mga ngiti habang nagniningning pa ang mga mata na wika nito habang naglalakad kami.Medyo nauuna lamang ako ng konti sa kanya ng isang hakbang, habang siya naman ay nasa aking likuran. Nakalagay sa magkabilaang bulsa ng shorts ko ang aking dalawang kamay nang humarap ako sa kanya."Oo naman, sobra akong nag-enjoy lalo na sa Kayangan Lake na pinagmamalaki ng mga Taga Coron." We did their Super Ultimate Tour. At hindi kami nagkamali sa napili naming iyon. Sobrang nag enjoy taaga kami.Isa pa, lahat ng 'yun ay gastos ni Jazmine. Nakakatuwa lang kasi, ang kulit kulit niya talaga. Ayaw niya akong pagbayarin sa mga gastusin at talagang pinilit niyang siya na mismo ang sumagot ng lahat.Nagkibit balikat lamang ito at napakagat sa kanyang labi. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok sa ginawa niya kaya naman ibinaling ko na lamang sa i

    Huling Na-update : 2021-09-16
  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 10

    JazmineIsa hanggang tatlong araw ko na yatang hindi nakikita si Chris. Ilang beses na rin akong nagpabalik balik sa hotel kung saan ito nakacheck-in ngunit hindi rin daw alam ng mga ito kung saan siya nagpunta.Hayys! Pinagtataguan ba ako ng unggoy na 'yun? O baka naman umuwi na sa kanila? Pero ang sabi naman sa Front Desk hindi pa naman daw ito nakakapagcheck-out dahil may mga iilang gamit pa na naiwan sa kwarto nito.Napangisi ako sa aking sarili habang palakad lakad sa loob ng isang mini-resort dito sa Busuanga. In fairness, presko at sariwa ang hangin rito. Medyo malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa aking balat at napaka tahimik ng buong paligid. Tanging huni ng mga ibon na pabalik sa kani-kanilang mga tahanan at pagaspas ng mga dahon na nanggagaling sa naglalakihang punong kahoy ang tanging naririnig ko.Nasa gitna ng gubat ang resort na ito, kaya wala akong ibang natatanaw mula rito sa k

    Huling Na-update : 2021-09-17
  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 11

    JazmineTapos na akong kumain kaya naman heto ako, naglilibot na naman sa resort at namamangha parin sa tema na kanilang ginawa rito. Gawa sa nipa hut, kawayan at mga matitibay na kahoy ang lahat ng kubo na nandirito, maging ang restaurant at mga kwarto na tinutuluyan kapag may mga guest. May iilan din na foreigner na nandidito ngayon na nasa labas at nagpipicture taking."Maganda umaga ho ma'am! " Napatingin ako sa nagsalita. Si manong pala na nakausap ko kahapon, trabahante rito sa resort at taga pangalaga."Magandang umaga rin ho, manong!" Ganting bati ko rin dito. Napakamot ito sa kanyang ulo at parang nahihiya na muling nagsalita."Eh ma'am pinapasabi ho kasi ni Sir Chris na aalis na raw ho kayo."Magalang na sabi nito. "Nasa may parking area po siya ngayon, hinihintay po kayo. Nandoon na rin po ang mga gamit ninyo. Siya na po mismo ang nagligpit at kumuha sa kwarto ninyo." Diredire

    Huling Na-update : 2021-09-18
  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 12

    Jazmine"Anong nakakatawa?" Seryoso na tanong ko rito habang patuloy parin siya sa pagtawa. "Seryoso ako."Napahinto ito sa pagtawa at napayuko. Hindi ko man alam ang tumatakbo sa isipan niya sa mga oras na ito, ngunit umaasa ako na papayag siya sa pag alok ko na maging sandalan niya. Hindi ko na rin iniisip pa akung ano ang magiging kahinatnan ng mga nasabi at naging desisyon ko, basta ang alam ko ay kailangang panindigan ko iyon.Tumayo na ito at nagpagpag ng kanyang pantalon. Nakangiti na tumingin ito sa akin bago nag-inat."Dinner tayo?" Pagyaya nito sa akin. Parang biglang nawala ang tama ng alak sa kanya at ngayon nga ay gusto na nitong kumain.Napaiwas ako ng tingin mula sa kanyang mukha. Hindi man lamang ba niya talaga papansinin ang mga sinabi ko? Napabuntong hininga ako atsaka tumayo narin para makakain na.Nauuna itong m

    Huling Na-update : 2021-09-18
  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 13

    Jazmine"So...any other plans? Kapag nakabalik na tayo sa town?" Tanong nito sa akin habang palipat-lipat ang kanyang paningin sa kalsada at sa akin.Nagbibiyahe na kami ulit ngayon pabalik sa Coron town. Maaga kaming umalis ng resort na iyon pagkatapos ng picture taking kanina at matapos kong pag tripan si Chris.Ni hindi na nga kami nakapag almusal pa ng maayos eh. Ewan ko ba at bakit tila nagmamadali ang lalaking ito sa pag-alis. Wala naman kaming hinahabol na oras, pero aakalain mong sinisindihan ang pwet sa pagmamadali.Ang buong akala ko nga eh ako lamang mag-isa ang babalik sa Town. Hindi ko alam na sasama rin pala siya at hindi lamang ako basta ihahatid.Nakangiting tumingin ako rito habang kagat-kagat ang aking labi at nag-iisip kung ano ba ang pwede naming gawin oras na makabalik na nga kami ng town."Hmmmm, I'd like to ride a motorbike!" Bigla na l

    Huling Na-update : 2021-09-19
  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 14

    Jazmine"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Chris noong maibalik na namin ang aming nirentahang motorsiklo at naglalakad na kaming muli ngayon papunta sa mismong bayan ng Coron.Nakabihis na rin kami pareho at handa na pagkain ng aming hapunan. Dumaan na muna kasi kami sa kanya-kanya naming tinutuluyan para maligo at makapag palit ng damit bago tuluyang isinuli ang motorsiklo.Nakangiting humarap ako sa kanya. "Ikaw." Sagot ko na awtomatikong ikinabilog ng mga mata niya. Ganoon din ako, kaya mabilis akong napaiwas ng tingin.Naramdaman ko na lang din bigla ang pamumula ng aking mga pisngi."I-I mean ikaw, a-anong gusto mong k-kainin." Utal na at agad na depensa ko naman.Narinig kong napatawa ito ng mahina."Ikaw ha." Panunukso nito bago marahan na sinagi ng kanyang balikat ang balikat ko. "Kaninang umaga hinalikan mo

    Huling Na-update : 2021-09-20
  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 15

    ChrisWalang madali sa proseso ng pag momove on. Wala ring shortcut. Walang madaling paraan para mabilis na makalimot at mapabilis ang paghilom ng isang sugat. Lalo na kapag sobrang lalim ang sugat na iniwan sa iyong puso.Ngunit minsan, pilit tayong paglalaruan ng tadhana. Iyong akala mong madali, ay pahihirapin niya. At ang akala mong mahirap, ay madali lamang pala.Minsan, dadalhin ka sa lugar kung saan may makikilala ka na bago. Magbibigay ito ng isang tao na tutulong sa'yo upang mas mapabilis ang iyong paghilom. Isang tao na maghahatid sa iyo ng bagong saya at mga ngiti. Isang tao na, magbibigay ng bagong pag-asa sa iyong buhay. Magbibigay ng liwanag sa dilim na akala mo ay wala ng katapusan. At magbibigay ng mga bagong dahilan, upang ikaw ay magpatuloy.Isang tao na makakasama mong bumuo ng mga bagong alaala. At maghahatid sa iyo sa panibagong simula.At doon,

    Huling Na-update : 2021-09-23

Pinakabagong kabanata

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Final Chapter

    Now playing: Here's Your Perfect by Jamie Miller Chris Three years. It's been three years magmula nang may marinig ako na huling balita kay Jazmine, dahil sa tatlong taon na iyon ay kusa ko nang pinutol ang lahat ng ugnayan na meron ako sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Nagpapasalamat ako sa mga kamag anak ko at mga kaibigan, dahil iniiwasan talaga nila at hindi binabanggit ang pangalan nito sa harap ko. Inaamin kong nakatulong ang kanilang mga ginawa sa pag-momove forward ko. Isa sila sa malaking tulong sa hakbang ng pagkalimot ko sa malalim pagmamahal ko para kay Jazmine. Hindi ko akalain na makakayanan ko rin palang gawin ang bagay na akala ko noon ay hindi ko kaya, ang mag-move on. Pero kahit yata anong pilit kong gawin ay nakatatak na si Jazmine sa akin. Habambuhay ko nang dadalhin ang mga alaala nitong naiwan sa akin

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 40

    Jazmine Ganoon nga yata talaga ang mundo, hindi lahat ng mga nangyayari sa mga pelikula at teleserye ay mangyayari rin sa totoong buhay. Madalas binubulag lamang tayo ng mga nakikita natin, kaya akala natin eh pati sa ating mga sarili eh mangyayari rin ito. Sabi nga nila, kayang maalala ng puso ang hindi kayang maalala ng isipan. Marahil tama sila sa kasabihang iyon, na anumang hindi kayang maabot ng ating isipan, eh kayang-kaya ng ating mga puso. Katulad na lamang nang kung paano maalala ng aking puso ang pagmamahal na meron ako para kay Chris. Katulad na lamang nang pag-alala ng aking puso, kahit na hindi ito natatandaan ng aking isipan, at kahit na ilang beses ko pang ipilit na alalahanin ay hindi ko na talaga magawa pang maibalik ang lahat ng aming mga alaala. Alam kong may dahilan ang lahat. Alam kong hindi namin parehong ginus

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 39

    ***This POV will explain what really happened behind Chris' POV*** Third Person POV Ang pagkukunwari na iyon ni Chris ay binigyan niya pa ng katotohanan nang sinimulan nitong yayain si Jazmine sa mga adventure sa isla. Iyong tila ba para silang bumabalik sa pagiging bata na dapat ay masaya lamang. Araw-araw silang magkasama, kahit saan sila magpunta ay palaging nakabuntot sa kanila ang bawat isa. Hindi nito pinababayaan ang dalaga at mas lalong hindi niya inaalis sa kanyang paningin. Hindi naging madali para kay Chris ang araw-araw, dahil sa halip na makalimot na siya at unti-unti nang maka move forward, ay mas lalong nahuhulog pa siya sa dalaga. Mas lalong lumalalim pa ang kanyang nadamara. Alam naman niya na isa rin ito sa kanyang kagustuhan kaya niya hinahayaan na mangyari. Pero ano bang magagawa niya? Parang hulog ng langit ang ibinigay sa kanya na pagkakataon

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 38

    ***This POV will explain what really happened behind Chris' POV*** Third Person POV *Flashbacks* Ang totoo, hindi natin kayang labanan ang mundo. Kung malupit ito, ay malupit ito at hinding-hindi ka sasantuhin. Mapaglaro ito, at pilit na ipagkakait sa atin ang mga bagay na gusto natin. Hindi palagi ay hahayaan tayong maging masaya, na maging malaya kasama ang tao na gusto talaga nating mahalin at makasama. Iyong tipo na pilit mo nang inilalayo ang sarili mo sa isang sitwasyon na alam mong mahihirapan kang tanggapin, at masasaktan ka lamang lalo, pero paulit-ulit ka paring ilalapit nito sa bagay na alam mong--- maaari na muling ikawasak ng iyong puso. Alam kasi nito kung ano ang kahinaan mo. Alam nito, kung saan tayo dapat na matututo. At hindi natin alam, walang makapagsasabi kung anong kapalaran ang mga naghihintay sa atin

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 37

    JazmineHindi nagtagal noong makaalis si Chris ay dumating na rin si David. Agad na nagtaka ito kung bakit parang namamaga ang mga mata ko at kung bakit tila raw katatapos ko lamang sa pag-iyak.Napailing lamang ako at sinabing napuwing lamang kanina noong nasa may garden ako. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pang muli pagkatapos.Hanggang sa nahiga na lamang kami nang magkatalikuran dahil patuloy pa rin akong binabagabag ng mga sinabi at ipinagtapat sa akin ni Chris. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng iyon. Dahil kahit konti, wala akong maalala, wala akong matandaan.Noon naman naalala ko ang camera na ibinigay nito sa akin.Maingat na gumalaw ako at bumangon mula sa higaan. Kinuha ko ang camera mula sa drawer na aking pinaglagyan. Dahan-dahan din ang mga hakbang na binuksan ko ang pintuan ng kwarto upang hindi makagawa ng anumang ingay, para na rin hindi ko magis

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 36

    Jazmine"Chris!"Kahit na kinakabahan ay pinilit ko pa rin na ihakbang ang aking mga paa palapit sa kanya.Kasabay ng mga hakbang ko palapit rito ang malakas din na pagkabog ng dibdib ko.Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Ang tanging alam ko lamang ay masaya ako na makita siyang muli, sa hindi inaasahan na pagkakataon."Ang daya mo. Na-miss kita!" Sabi ko sa kanya noong tuluyan akong huminto sa kanyang harapan at pagkatapos ay hindi nagdalawang isip na niyakap siya."You missed me." Malamig ang boses na sabi nito.Napatango ako."Oo naman!" Sagot ko sa kanya. "Hindi ka man lang pumunta sa o nagpakita sa kasal ko." Pagkatapos ay napanguso ako at kunwaring nagtatampo. "Ang daya mo!"Ngunit sa halip na sagutin ako ay isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Chris dahilan upang matigilan ako. I

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 35

    JazmineNapangiti ako sa aking sarili noong yakapin ako ni David mula sa aking likod atsaka marahan na ipinatong nito ang kanyang baba sa aking balikat.Naramdaman ko ang paghalik nito sa may batok ko bago mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin."Hmmmmm. It feels so good!" Hindi ko mapigilan ang sariling mapaharap sa kanya at sinalubong ang mga mata nito.Isang matamis na ngiti ang iginawad nito sa akin, habang ako naman ay agad na ipinulupot ang braso sa kanyang batok bago ito binigyan ng isang matamis na matamis na halik, na agad din naman nitong ginantihan ngunit hindi iyon magtagal."Thank you.." Pabulong na sabi ko rito bago napalunok, habang magkadikit ang aming noo at ang aming mga ilong."Thank you for what?" Tanong nito sa akin.Noon din ay ipinaghiwalay ko na ang aming noo bago muling tinignan siya ng diretso sa kanyang mga mata."Dahil nagawa mo akong patawarin. A

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 34

    Jazmine "Babe! Are you alright?" Rinig kong tanong ni David mula sa labas ng banyo. Kanina pa kasi ako nandito sa loob at hinahayaan lamang na umaagos ang tubig sa aking katawan habang umiiyak na naman. Magmula noong huling beses kaming magkita ni Chris, wala na yata akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak tuwing gabi. O kahit na nag-iisa ako. Bawat mayroong pagkakataon na gusto ko at pwede akong umiyak, iniiyak ko. Ewan ko! Hindi ko alam kung bakit ang lungkot-lungkot ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko, kalahati ng buhay ko ang nawala sa akin dahil sa ginawa kong pang-iiwan kay Chris. Hindi ko maintindihan kung bakit sa sandaling panahon na nakilala ko siya ay para bang buong buhay ko na itong kakilala at nasakop agad nito ang buong pagkatao ko. Miss na miss ko na siya, ngunit

  • Here's Your Perfect (Filipino)   Chapter 33

    Now playing: Malibu nights by LANYChris"Pwede bang ikaw na lang?""Ayoko nga! Ikaw nang kumausap, isa pa, parehas kayong lalaki, so you should talk to him not me!""Nikki, mas makikinig siya sa'yo, hundred one percent. Swear!""No! Alin ba ang hindi mo maintindihan doon?""Anak ng!"Kanina ko pa naririnig na nagtatalo sina Nikki at Terrence kung sino ba ang lalapit sa akin.No, actually, ilang araw na rin nila akong hinahayaan lamang at hindi pinakikialaman sa anumang mga ginagawa ko.Sinabi ko kasi sa mga ito na gusto kong mapag-isa at kung pwede ay ibigay na muna nila iyon sa akin.Bumalik ako sa resort na pagmamay-ari ng parents ko dito sa Busuanga. Ngunit agad naman na sinundan ako ng dalawa rito na tila ba takot na takot na baka mayroon daw akong gawin na hindi maganda sa aking sarili.Ano bang hindi nila maintindihan sa gusto kong mapag-isa?!Pumunta ako rito dahil aka

DMCA.com Protection Status