Jazmine
I groaned as I woke up this morning, feeling unhappy with hatred and hopelessness. Another great morning. Yeah, so great. Nadidismayang bumangon ako mula sa aking higaan..
It's my first day at the same time, first time here in Coron, Palawan. Siguro nga, ito ang kapalaran ko, ang mabuhay ng ganito kagulo ang buhay ko. Napahinga ako ng malalim habang naglalakad patungo sa banyo.
But before that, napasulyap muna ako sandali sa orasan na nasa may bed side table ko, alas syete na ng umaga. Hindi ko parin alam kung ano bang plano ko at gagawin habang nandito ako sa islang ito. Magbebreakfast na lamang muna siguro ako at maglilibot pagkatapos.
Pagkatapos kong maligo, magbihis at makapag almusal ay lumabas na ako sa backpackers na tinutuluyan ko.
Backpackers guest house kasi ang tawag sa maliliit na pweding pag stay-an dito. Mayroon itong sampung kwarto, maayos at malinis naman ang service ng management at mayroon naring banyo sa loob. Good for two ang kwartong nakuha ko dahil sa wala naman silang good for one. Iyon nga lang, dahil sa mag-isa lamang ako kaya kailangan kong bayaran ang bawat gabi na nandito ako.
Anyways, hindi naman problema sakin ang pera, mura lang naman siya eh, nasa six hundred plus lang naman ang gabi ko. Since di ko alam kong hanggang kailan ako mamamalagi rito kaya nagbook na ako ng for 2 months. Yes! Two months. Nag advance deposit na ako ng 1 month para isang buwan nalang ang babayaran ko. Pumayag naman sila, syempre magbabayad naman ako 'no? At mas lalong hindi ko sila tatakasan.
Alas nuebe na ng makalabas ako para maglibot. Medyo masakit na ang sikat ng araw na tumatama sa balat ko. Naka suot ako ng high wasted short, with simple V-neck shirt na naka tuckin at pinatungan ko pa ng long sleeve polo na tinupi ko hanggang siko at hinayaang naka unbotton with rubber shoes.
Hinayaan ko lamang din na nakalugay ang may kahabaan kong buhok na may pagka kulay brown ang kulay. May naka sukbit din sa magkabilaang balikat ko na backpack.
Dinaig ko pa yata si Dora the explorer nito eh. Nangingiti na sabi ko sa aking sarili.
Palinga-linga lamang ako sa paligid, pangiti-ngiti sa mga taong nakakasalubong ko na ngumingiti rin sakin pabalik, may mangilan ngilan naman na tipid ang ngiti, meron din naman na wagas kung makatingin at kung makatitig, meron pa nga na akala mo eh kakainin ako ng buo sa paraan ng kanilang pag tingin sa akin.
Syempre 'no? Mukhang artistahin kaya ako. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon na lamang nila ako kung tignan. Pagmamayabang ko sa aking sarili.
Pumasok ako sa loob ng isa sa mga coffee shop sa town at doon nagpalipas ng oras. Pinagtitinginan na nga ako rito eh. Order lang naman kasi ako ng order kahit na yung iba ay halos isuka ko na sa sobrang kabusugan at palpitation.
Pag tapat ng alas kwatro ay lumabas na ako ng coffee shop. At ang susunod kong destinasyon ay ang kung saan makakapag relax ang aking isipan. Akalain mo yun? Nakatagal ako ng ganun at walang ginagawa sa loob ng coffee shop? Naiiling at natatawa nalang ako ng palihim sa aking sarili.
Habang patuloy ako sa paglalakad ay may nakita akong grupo ng mga turista sa may hindi kalayuan. Mga kabataan at may iilan na mga bata rin na nasa pito hanggang sampung taong gulang ang kanilang kasama. Narinig ko pa ang isa sa kanila na aakyat daw sila ng Mt. Tapyas, syempre masyado akong curious na tao kaya agad na lumapit ako sa mga ito, atsaka naki tsismis narin ako ng tuluyan. Hehe.
Tumikhim muna ako saka nagsalita. Mga nasa fifteen silang magkakasama at halos lahat sila ay napalingon sa akin.
"Hi." Bati ko sa mga ito with matching kaway pa kahit na nasa kanilang harapan lang naman ako. "Pwede bang maki join sa inyo? Mag-isa lang kasi ako eh." Saka ako nahihiyang ngumiti sa kanila. Sabay-sabay naman silang napa tango at parang tuwang tuwa pa.
"Oo naman po syempreeee!!" Chorus nilang lahat. Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng mahina.
Nakakatuwa silang lahat, lalo na yung tour guide nila. Hindi kasi nakakaboring o nakaka antok, talagang masisiyahan ka at mag i-enjoy.
Town Tour ang tawag nila roon, kung saan inililibot ang lahat ng mga turista sa buong town ng Coron. Kasama ang kanya kanyang tour guide na siyang gumagabay sa mga turista at nag-aalalay sa buong tour.
Masaya ang mga ito kasama, hindi ka maa-out of place o hindi mo mararamdaman na hindi ka belong sa kanilang grupo. Kaya nilibot namin ang buong town na magkakasama, ng masaya, at ang pinaka exciting pa roon ay nakasakay kami sa Prozza kung tawagin nila rito sa Coron. Ito ay mas malaki sa tricycle at mas mabilis din.
Pumunta rin kami sa Souvenir Shop at Cashew factory. Para akong bata na tuwang tuwa habang namimili kami pati narin ang ibang mga turista. Pumunta rin kami sa Town Plaza ng Coron at ang pinaka nagustuhan ko ay ang umakyat kami ng Mt. Tapyas na kanina lamang eh naririnig ko lang.
Nakakapagod siya sa umpisa dahil kailangang akyatin ang 721 steps na hagdanan paakyat sa tuktok ng bundok, pero sobrang refreshing kapag nasa taas ka na. Napaka worth it ang pagod.
Makikita mula sa itaas ng bundok ang buong Town, ang mahabang bundok na akala mo ay babaeng natutulog na kung tawagin nila ay Coron Island kung saan nandoon ang pinagmamalaki na Kayangan Lake ng Coron Palawan. Kumuha narin ako ng iilang pictures, but I wanted to keep it for myself, hindi para i-post sa social media. Besides, ayokong may makaalam kung nasaan ako naroroon ngayon. Even my family.
Sulit ang buong tour sa halagang five hundred pesos lamang. Hindi na ako sumama pa sa huling destination ng tour, dahil medyo may kalayuan na iyon sa town at medyo dumidilim na rin.
Naghanap na lamang ako ng aking pwedeng makainan for dinner. Medyo nagugutom na rin kasi ako kaya kailangan ko na talaga ng pagkain. Pumasok ako sa isang pizza house at nag order ng dalawang slice ng four cheese pizza. Hindi naman ako katakawan para mag order pa ng marami dahil paniguradong hindi ko naman mauubos.
Hindi ko maiwasang ma-amazed sa buong lugar, dahil napakabait ng mga tao at sobrang napaka sarap ng mga pagkain. Pagkatapos kung kumain at mabayaran ang bills ko ay umalis narin ako agad at nag umpisa na namang maglakad.
Pansin ko lang, hindi yata napapagod ang buong katawan ko at mga paa ko sa paglalakad ngayong araw. Napangiti ako ng wala sa sarili dahil hindi ko akalain na ganito kasulit ang unang araw ko sa Isla.
Ngunit awtomatikong natigilan ako sa paglalakad nang mapansin na mayroon akong naapakan na isang bagay. Napayuko ako at tinignan kung ano ang bagay na iyon.
Isang wallet.
Agad ko itong kinuha at binuksan para makita kong sino ang nagmamay ari, dahil for sure nandito lang ang lahat ng impormasyon kung sino man ang nagmamay ari nito.
"Christian Ocampo." Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang lakas ng pintig ng puso ko nang makita at mabasa ko ang pangalan nito. Kaya naman dali dali kong hinanap ang nag mamay ari ng wallet dahil baka hindi pa ito nakakalayo.
Hanggang sa may nakita akong isang lalaki sa may hindi kalayuan. Binilisan ko pa ng konti ang mga hakbang ko upang maabutan ito, ngunit papalapit pa lamang ako nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Hindi yata ako nito napansin na dumaan sa may gilid malapit sa kanya dahil nakatutok lamang ang kanyang mga mata sa screen nito. Sa unahan ko na lamang siguro siya hihintayin. Mukhang same direction lang naman ata kami ng pupuntahan.
Bigla akong natigilan ng marinig kong nagmumumura na siya habang hinahayaan lamang na tumutunog ang kanyang cellphone.
Problema 'non? Tanong ko sa aking isipan ngunit nagpatuloy parin sa aking pag hakbang.
Para siyang siraulo na pinagtitinginan ng mga tao. May pigil ngiti sa mga labi ko at napapailing na lamang habang tinitignan siya sa may hindi kalayuan.
Lasing ata. Bulong ko sa sarili.
Pagkatapos ng ilang sandali ay muling ibinalik na niya ang cellphone sa kanyang bulsa at nagsimula na muli sa kanyang paglakad.
"Hi." Pag bati ko sa kanya ng nasa may tapat ko na ito. Saka ko siya nginitian ng pagkatamis-tamis.
Awtomatiko naman na napatulala ito sa aking mukha na animo'y nakakita ng multo.
Ganoon na ba talaga ako kaganda? Mayabang na tanong ko sa aking isipan.
Bigla siyang natigilan nang sumulpot ako sa kanyang harapan. Saglit niya pa akong tinitigan atsaka...nilagpasan. Napangiti ako ng maasim. At muling pumihit para habulin muli siya.
"Suplado." Inis na bulong ko sa aking sarili.
Jazmine"Hoy!" Tawag ko sa kanya habang sinudundan ko ito. Tuloy-tuloy lamang kasi ito sa paglakad at walang lingon likod habang hirap na hirap akong habulin ang mahahabang nitong mga hakbang."Hep hep hep!" Pigil ko sa kanya noong tuluyang maunahan ko siya, hinihingal pang nakataas ang dalawang kamay ko para lang huminto ito at mapigilan ko sa paglakad. Mas lalo lamang tuloy sumimangot ang kanyang itsura."What do you want?" Malamig ngunit may pigil inis sa boses nito. Napa rolled eyes na lamang ako ng wala sa oras atsaka napa iling na rin.Pasalamat siya. Hmp!"Sobra ka ha. Ang sungit-sungit mo. Isusuli ko lang sana itong wallet mo." Sabay pakita ko sa kanya ng wallet na nasa kamay ko. "Nahulog mo." Dagdag ko pa atsaka iniabot sa kanya ito, ngunit bago niya pa man tuluyang makuha ang wallet ay binawi kong muli ito pabalik sakin."Ano munang pangalan mo?" At
Chris One week has passed since the day I arrived here in Coron. At one week narin simula ng takasan ko ang buhay ko sa manila. Malayo sa gulo, sa ingay at mga problema. Pero mas naging magulo pa yata ang buhay ko simula ng dumating ako rito. Hindi ko mahanap ang kapayapaan na inaasan at ninanais ko. This girl. I'm so sick of this girl. Damn, she's so...argh! Never mind. Ang ingay ingay niya, wala na yatang magawa kung hindi ang bumuntot sakin. And it's freakin' annoying. Katatapos ko lang maligo at magbihis ng maisipan kong buksan ang phone ko. Ilang days ko narin kasing hindi ito binubuksan dahilan na ayaw kong makontak ako ng kahit na sino. Pag bukas na pag bukas ko palang ay inulan na ako ng maraming text messages. Ang ilan galing kay mama, sa kaibigan kong naghahanap din o nagtatanong kung nasaan ako. The hell I care! Napapailing nalang ako habang patuloy na nagbab
JazmineNgayong araw ang aga kong nagising sa hindi ko malaman na dahilan. Pinipilit kong ipikit muli ang aking mga mata ngunit hindi ko na magawang makatulog pang muli. Nakatulala at nakatitig lamang ako sa kisame ng buong kwarto, hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko na naman ang ganito.Nakakawalang gana. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan pagkatapos.Aaminin kong namimiss ko na ang mga kaibigan at pamilya ko. But I don't have a choice kung hindi ang takasan panandalian ang buhay ko sa amin. Hindi ko ba talaga alam kung bakit ko nararamdaman ang ganito. Pakiramdam ko, mayroong kulang. Mayroong nawawalang parte ng aking sarili na hindi ko mawari kung ano. At hindi ko alam kung saan ito matatagpuan.At sa hindi malamang dahilan, bigla nalang nag-uunahan sa pagpatak ang aking mga luha. Para bang may kung anong mabigat sa aking dibdib ang hindi ko makapa kung anong dahilan at sa
Chris Panay lamang ang pag ngiti ni Jazmine sa mga taong dumadaan sa may table na kinauupuan namin. Ni hindi man lamang ako tinitignan o tinatapunan ng kahit ilang sulyap man lamang. Mukhang nainis ko yata talaga ito ng sobra kanina. Ang sarap niya kasing asarin. Nakakagaan sa feeling. Nabaling ang tingin nito sakin dahil sa waitress na kanina pa daan ng daan sa aming harapan atsaka nagpapapansin sakin. Ngumiti ako na para bang nagpapacute kay Jazmine. Sinadya ko talaga na hindi pansinin 'yung babae, ngunit isang mapakla na ngiti lamang ang iginawad nito sa akin bago napatirik ang kanyang mga mata. "Ahem!" Pigil ang aking ngiti na napatikhim ako nang muli nitong ibinaling ang kanyang mga mata sa ibang direksyon. Lumapit ako ng konti sa kanya, sakto lang para marinig nito ang boses ko. "Are you jealous?" I teased her. Awtomatiko naman at mabilis pa
Jazmine"Nagmahal kana ba? Kung oo, masaya ka ba? O naging masaya ka ba?" Kanina pa ako paikot-ikot sa higaan ko ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok."Hays!"Walang nagawang napabangon ako at napatingin sa orasan sa may bed side table ng kwarto ko. Eleven forty five na ng gabi at maghahating gabi na pero heto parin ako, hindi man lamang dinadalaw ng antok samantalang kanina pa naghihilik 'yung taong nasa isipan ko, panigurado."Nagmahal kana ba? Kung oo, masaya ka ba? Naging masaya ka ba? " Walangya talaga 'yung lalaking 'yun."Pwede ba patulugin mo naman ako?!!" Medyo pasigaw at iritang sabi ko kahit na wala naman akong kasama o kausap na kung sino.Muli akong nahiga at tinakpan ng unan ang aking mukha. Anong akala niya sakin? Hindi pa nagmahal sa tanang buhay ko? Ha! Hindi naman ako alien o robot ano? Tao ako tao!!"Jazmine, matul
Jazmine"Are you sure you wanna ride that one?"May pagka-alanganing tanong ko sa kanya."Hell yeah! I'd like to ride this one. Gusto mo bang masubukan mamaya?" Magiliw na tanong nito habang nagchecheck ng motorsiklo na rerentahan namin."No..?" Alanganing sagot ko naman. "I don't know how to ride a motorbike. Ikaw nalang." Dagdag ko pa at ngumiti ng alanganin.Saglit siyang natahimik at napatingin sakin. "Hmmm, alright! But I can teach you if you want?" Pangungumbinsi pa nito."My fiance will gonna kill you if you insist too much!" Atsaka ko itinaas baba ang aking kilay."Alright, sabi mo eh." Saka ito tumalikod na mula sa akin. Habang napapakagat labi nalang akong pinagmamasdan siya ng palihim.Sa totoo lang, ayoko lang talagang subukan. Hindi naman sa natatakot ako kung hindi AYOKO lang talaga. Period."We'll take t
Chris"Thanks for today! Sana nag-enjoy ka." Malawak ang mga ngiti habang nagniningning pa ang mga mata na wika nito habang naglalakad kami.Medyo nauuna lamang ako ng konti sa kanya ng isang hakbang, habang siya naman ay nasa aking likuran. Nakalagay sa magkabilaang bulsa ng shorts ko ang aking dalawang kamay nang humarap ako sa kanya."Oo naman, sobra akong nag-enjoy lalo na sa Kayangan Lake na pinagmamalaki ng mga Taga Coron." We did their Super Ultimate Tour. At hindi kami nagkamali sa napili naming iyon. Sobrang nag enjoy taaga kami.Isa pa, lahat ng 'yun ay gastos ni Jazmine. Nakakatuwa lang kasi, ang kulit kulit niya talaga. Ayaw niya akong pagbayarin sa mga gastusin at talagang pinilit niyang siya na mismo ang sumagot ng lahat.Nagkibit balikat lamang ito at napakagat sa kanyang labi. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok sa ginawa niya kaya naman ibinaling ko na lamang sa i
JazmineIsa hanggang tatlong araw ko na yatang hindi nakikita si Chris. Ilang beses na rin akong nagpabalik balik sa hotel kung saan ito nakacheck-in ngunit hindi rin daw alam ng mga ito kung saan siya nagpunta.Hayys! Pinagtataguan ba ako ng unggoy na 'yun? O baka naman umuwi na sa kanila? Pero ang sabi naman sa Front Desk hindi pa naman daw ito nakakapagcheck-out dahil may mga iilang gamit pa na naiwan sa kwarto nito.Napangisi ako sa aking sarili habang palakad lakad sa loob ng isang mini-resort dito sa Busuanga. In fairness, presko at sariwa ang hangin rito. Medyo malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa aking balat at napaka tahimik ng buong paligid. Tanging huni ng mga ibon na pabalik sa kani-kanilang mga tahanan at pagaspas ng mga dahon na nanggagaling sa naglalakihang punong kahoy ang tanging naririnig ko.Nasa gitna ng gubat ang resort na ito, kaya wala akong ibang natatanaw mula rito sa k
Now playing: Here's Your Perfect by Jamie Miller Chris Three years. It's been three years magmula nang may marinig ako na huling balita kay Jazmine, dahil sa tatlong taon na iyon ay kusa ko nang pinutol ang lahat ng ugnayan na meron ako sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Nagpapasalamat ako sa mga kamag anak ko at mga kaibigan, dahil iniiwasan talaga nila at hindi binabanggit ang pangalan nito sa harap ko. Inaamin kong nakatulong ang kanilang mga ginawa sa pag-momove forward ko. Isa sila sa malaking tulong sa hakbang ng pagkalimot ko sa malalim pagmamahal ko para kay Jazmine. Hindi ko akalain na makakayanan ko rin palang gawin ang bagay na akala ko noon ay hindi ko kaya, ang mag-move on. Pero kahit yata anong pilit kong gawin ay nakatatak na si Jazmine sa akin. Habambuhay ko nang dadalhin ang mga alaala nitong naiwan sa akin
Jazmine Ganoon nga yata talaga ang mundo, hindi lahat ng mga nangyayari sa mga pelikula at teleserye ay mangyayari rin sa totoong buhay. Madalas binubulag lamang tayo ng mga nakikita natin, kaya akala natin eh pati sa ating mga sarili eh mangyayari rin ito. Sabi nga nila, kayang maalala ng puso ang hindi kayang maalala ng isipan. Marahil tama sila sa kasabihang iyon, na anumang hindi kayang maabot ng ating isipan, eh kayang-kaya ng ating mga puso. Katulad na lamang nang kung paano maalala ng aking puso ang pagmamahal na meron ako para kay Chris. Katulad na lamang nang pag-alala ng aking puso, kahit na hindi ito natatandaan ng aking isipan, at kahit na ilang beses ko pang ipilit na alalahanin ay hindi ko na talaga magawa pang maibalik ang lahat ng aming mga alaala. Alam kong may dahilan ang lahat. Alam kong hindi namin parehong ginus
***This POV will explain what really happened behind Chris' POV*** Third Person POV Ang pagkukunwari na iyon ni Chris ay binigyan niya pa ng katotohanan nang sinimulan nitong yayain si Jazmine sa mga adventure sa isla. Iyong tila ba para silang bumabalik sa pagiging bata na dapat ay masaya lamang. Araw-araw silang magkasama, kahit saan sila magpunta ay palaging nakabuntot sa kanila ang bawat isa. Hindi nito pinababayaan ang dalaga at mas lalong hindi niya inaalis sa kanyang paningin. Hindi naging madali para kay Chris ang araw-araw, dahil sa halip na makalimot na siya at unti-unti nang maka move forward, ay mas lalong nahuhulog pa siya sa dalaga. Mas lalong lumalalim pa ang kanyang nadamara. Alam naman niya na isa rin ito sa kanyang kagustuhan kaya niya hinahayaan na mangyari. Pero ano bang magagawa niya? Parang hulog ng langit ang ibinigay sa kanya na pagkakataon
***This POV will explain what really happened behind Chris' POV*** Third Person POV *Flashbacks* Ang totoo, hindi natin kayang labanan ang mundo. Kung malupit ito, ay malupit ito at hinding-hindi ka sasantuhin. Mapaglaro ito, at pilit na ipagkakait sa atin ang mga bagay na gusto natin. Hindi palagi ay hahayaan tayong maging masaya, na maging malaya kasama ang tao na gusto talaga nating mahalin at makasama. Iyong tipo na pilit mo nang inilalayo ang sarili mo sa isang sitwasyon na alam mong mahihirapan kang tanggapin, at masasaktan ka lamang lalo, pero paulit-ulit ka paring ilalapit nito sa bagay na alam mong--- maaari na muling ikawasak ng iyong puso. Alam kasi nito kung ano ang kahinaan mo. Alam nito, kung saan tayo dapat na matututo. At hindi natin alam, walang makapagsasabi kung anong kapalaran ang mga naghihintay sa atin
JazmineHindi nagtagal noong makaalis si Chris ay dumating na rin si David. Agad na nagtaka ito kung bakit parang namamaga ang mga mata ko at kung bakit tila raw katatapos ko lamang sa pag-iyak.Napailing lamang ako at sinabing napuwing lamang kanina noong nasa may garden ako. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pang muli pagkatapos.Hanggang sa nahiga na lamang kami nang magkatalikuran dahil patuloy pa rin akong binabagabag ng mga sinabi at ipinagtapat sa akin ni Chris. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng iyon. Dahil kahit konti, wala akong maalala, wala akong matandaan.Noon naman naalala ko ang camera na ibinigay nito sa akin.Maingat na gumalaw ako at bumangon mula sa higaan. Kinuha ko ang camera mula sa drawer na aking pinaglagyan. Dahan-dahan din ang mga hakbang na binuksan ko ang pintuan ng kwarto upang hindi makagawa ng anumang ingay, para na rin hindi ko magis
Jazmine"Chris!"Kahit na kinakabahan ay pinilit ko pa rin na ihakbang ang aking mga paa palapit sa kanya.Kasabay ng mga hakbang ko palapit rito ang malakas din na pagkabog ng dibdib ko.Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Ang tanging alam ko lamang ay masaya ako na makita siyang muli, sa hindi inaasahan na pagkakataon."Ang daya mo. Na-miss kita!" Sabi ko sa kanya noong tuluyan akong huminto sa kanyang harapan at pagkatapos ay hindi nagdalawang isip na niyakap siya."You missed me." Malamig ang boses na sabi nito.Napatango ako."Oo naman!" Sagot ko sa kanya. "Hindi ka man lang pumunta sa o nagpakita sa kasal ko." Pagkatapos ay napanguso ako at kunwaring nagtatampo. "Ang daya mo!"Ngunit sa halip na sagutin ako ay isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Chris dahilan upang matigilan ako. I
JazmineNapangiti ako sa aking sarili noong yakapin ako ni David mula sa aking likod atsaka marahan na ipinatong nito ang kanyang baba sa aking balikat.Naramdaman ko ang paghalik nito sa may batok ko bago mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin."Hmmmmm. It feels so good!" Hindi ko mapigilan ang sariling mapaharap sa kanya at sinalubong ang mga mata nito.Isang matamis na ngiti ang iginawad nito sa akin, habang ako naman ay agad na ipinulupot ang braso sa kanyang batok bago ito binigyan ng isang matamis na matamis na halik, na agad din naman nitong ginantihan ngunit hindi iyon magtagal."Thank you.." Pabulong na sabi ko rito bago napalunok, habang magkadikit ang aming noo at ang aming mga ilong."Thank you for what?" Tanong nito sa akin.Noon din ay ipinaghiwalay ko na ang aming noo bago muling tinignan siya ng diretso sa kanyang mga mata."Dahil nagawa mo akong patawarin. A
Jazmine "Babe! Are you alright?" Rinig kong tanong ni David mula sa labas ng banyo. Kanina pa kasi ako nandito sa loob at hinahayaan lamang na umaagos ang tubig sa aking katawan habang umiiyak na naman. Magmula noong huling beses kaming magkita ni Chris, wala na yata akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak tuwing gabi. O kahit na nag-iisa ako. Bawat mayroong pagkakataon na gusto ko at pwede akong umiyak, iniiyak ko. Ewan ko! Hindi ko alam kung bakit ang lungkot-lungkot ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko, kalahati ng buhay ko ang nawala sa akin dahil sa ginawa kong pang-iiwan kay Chris. Hindi ko maintindihan kung bakit sa sandaling panahon na nakilala ko siya ay para bang buong buhay ko na itong kakilala at nasakop agad nito ang buong pagkatao ko. Miss na miss ko na siya, ngunit
Now playing: Malibu nights by LANYChris"Pwede bang ikaw na lang?""Ayoko nga! Ikaw nang kumausap, isa pa, parehas kayong lalaki, so you should talk to him not me!""Nikki, mas makikinig siya sa'yo, hundred one percent. Swear!""No! Alin ba ang hindi mo maintindihan doon?""Anak ng!"Kanina ko pa naririnig na nagtatalo sina Nikki at Terrence kung sino ba ang lalapit sa akin.No, actually, ilang araw na rin nila akong hinahayaan lamang at hindi pinakikialaman sa anumang mga ginagawa ko.Sinabi ko kasi sa mga ito na gusto kong mapag-isa at kung pwede ay ibigay na muna nila iyon sa akin.Bumalik ako sa resort na pagmamay-ari ng parents ko dito sa Busuanga. Ngunit agad naman na sinundan ako ng dalawa rito na tila ba takot na takot na baka mayroon daw akong gawin na hindi maganda sa aking sarili.Ano bang hindi nila maintindihan sa gusto kong mapag-isa?!Pumunta ako rito dahil aka