Jazmine
"Hoy!" Tawag ko sa kanya habang sinudundan ko ito. Tuloy-tuloy lamang kasi ito sa paglakad at walang lingon likod habang hirap na hirap akong habulin ang mahahabang nitong mga hakbang.
"Hep hep hep!" Pigil ko sa kanya noong tuluyang maunahan ko siya, hinihingal pang nakataas ang dalawang kamay ko para lang huminto ito at mapigilan ko sa paglakad. Mas lalo lamang tuloy sumimangot ang kanyang itsura.
"What do you want?" Malamig ngunit may pigil inis sa boses nito. Napa rolled eyes na lamang ako ng wala sa oras atsaka napa iling na rin.
Pasalamat siya. Hmp!
"Sobra ka ha. Ang sungit-sungit mo. Isusuli ko lang sana itong wallet mo." Sabay pakita ko sa kanya ng wallet na nasa kamay ko. "Nahulog mo." Dagdag ko pa atsaka iniabot sa kanya ito, ngunit bago niya pa man tuluyang makuha ang wallet ay binawi kong muli ito pabalik sakin.
"Ano munang pangalan mo?" At mas napangiti pa ako ng malawak sa naging itsura niya. Aakalain mong nakakain ito ng mapakla at hindi niya nagustuhan ang lasa. Natatawa ako ng palihim sa aking isipan.
Alam ko naman na ang pangalan niya, gusto ko lang talagang marinig mula sa kanya.
"Sabi kasi nila malalaman mo lang na soulmate mo ang isang tao, kapag nahawakan mo ang kamay nito at nagkaroon ng kuryente sa oras na nagkalapat ang mga palad ninyo." Pagbiro ko. Saka ko itinaas baba ang dalawang kilay ko.
Kita ko ang pinipigilan nitong galit pati narin ang pag galaw ng kanyang magkabilaang panga. Oh well, maloko lang talaga akong babae. Hehe.
"Seriously?! Pwes, magising ka na at baka nananaginip ka lang. Just give me back my wallet. PLEASE!" Bigay diin nito sa huling sinabi. Ako naman itong ini-enjoy ang kapilyahan kaya naman napakagat labi ako para pigilan ang nagbabadya kong pagtawa.
"What's funny?! You know what miss, just give me back my wallet, so I can go home now. Okay?!" This time hindi ko na napigilan pa ang matawa. Hindi ko alam kung bakit tuwang tuwa ako habang siya naman ay kulang nalang eh umusok na ang ilong sa inis at pikon.
Naluluha pa man ang aking mga mata mula sa pagtawa ay nagpasya na akong ibigay na ng tuluyan ang wallet sa kanya. Mahirap na at baka makonyatan pa ako.
Padabog niyang hinablot mula sa pagkakahawak ko ang wallet. Inilahad ko naman ang kanang kamay ko sa kanya, upang magpakilala. "I'm jaz, Jazmine Flores. By the way. And you are?"
Ngunit tinignan lang nito ang kamay kong nakalahad, na para bang ayaw nitong tanggapin ang malalambot na mga palad ko. Napatikhim ako bago binawi ang kanang kamay kong hindi niya man lamang pinansin o tinanggap. Napaismid ako.
Nireject ka Jaz. For the first time may nang reject sa'yo! Tuyo ng aking isipan.
Nadidismaya at naiiling nalang ako sa loob ko dahil sa kasungitan nitong lalaking nasa harapan ko.
"I got my wallet back. So...pwede na ba akong umalis?" Atsaka mayabang at parang nang aasar na iniwagayway pa ang hawak nitong wallet sa may mukha ko bago tuluyan na nga siyang umalis.
Ang yabang lang ng dating. Ni hindi man lang marunong magpasalamat. Huh! Pero bago pa man siya tuluyang makalayo ay tinawag ko siya sa kanyang pangalan.
"Chris! See you tomorrow!" Sandali siyang napahinto, ngunit hindi rin nagtagal ay humakbang na siyang muli palayo. Kagat labi at pigil ngiti akong nakabalik sa backpacker guest house na tinutuluyan ko.
Pasado alas dyes na ng gabi nang makarating ako, kaya naman pagkatapos kong makapag linis ng katawan ay agad na nahiga na ako sa kama.
Christian Ocampo.
Hindi ko mapigilang mapaisip tungkol sa kanya. Ang lawak din ng ngiti ko habang inaalala ang naging itsura niya at ang eksena namin kanina.
Mukhang kailangan ko ng matulog, dahil mukhang magiging excited na para sa akin ang magising araw araw. Kahit panandalian lang, kahit ngayon lang, gusto ko munang makalimutan sana ang buhay na gusto kong takasan. At mahanap ang hindi ko parin mahanap na parte ng aking sarili.
---
For the very first time in my life nagising ako nang mayroong ngiti sa aking labi. Ang dating umaga ko na punong puno ng pangamba at maraming katanungan ay biglang napalitan ng excitement at saya.
Weird.
Magaan ang buong katawan ko na bumangon mula sa pagkakahiga, dumiretso ako sa may bintana ng kwarto, since nasa second floor ang kwarto ko kaya naman natatanaw mula rito ang magandang sea view. Nag-inat ako ng aking mga kamay habang nakapikit na nilalanghap at dinadama ang sariwang hangin na tumatama sa balat at mukha ko.
"Good morning Coron! Good morning Jaz." Bati ko sa aking sarili.
And see you...Mr. Sungit. Tuya ng aking isipan.
Hmp! Bakit naman siya ang unang pumasok sa aking isipan? Tss!
Natutuwa lang talaga ako sa kanya. Ganti ko naman sa inner self ko.
Ngunit napangiti ako ng matamis sa aking sarili ng maalala ko ang maamong mukha ng lalaking nagbago ng buong mood ko simula pa kagabi. Hindi niya yata ako pinatulog kagabi. Sa tuwing pipikit ako, di ko mapigilang mapangiti. Parang sirang plaka na paulit ulit kong naririnig ang boses niya kahit na ang sungit sungit nito. Hayyyy.
At dahil diyan mabilis akong kumilos para makapagligo, makapag bihis at kumain narin ng mag breakfast. Panay naman ang pag bati sakin ng mga staff sa guest house na nadadaanan ko pag labas ko ng kwarto.
"Good morning!" Masayang bati ko rin sa kanila atsaka isa-isa silang binibigyan ng ngiti.
Paglabas ko ng guest house ay sakto naman na mayroong tricycle na paparating. Pinara ko agad ito at ng makahinto na sa tapat ko ay sumakay na ako. Meron na siyang dalawang pasahero na sa tingin ko ay mga empleyado at ang pangatlo ay ako.
"Sa may bayan lang ho, manong." Saka ko inabot ang twenty pesos. Sinuklian naman niya ako ng ten pesos. Malapit lang naman ang bayan mula sa guest house kaso mas gusto ko ang magsakay ngayon.
Nasa unahan ako ng tricycle, kakaiba kasi ang trycicle dito sa Coron, aakalain mong jeep ito sa unang tingin dahil sa design nito habang dalawa naman na pahabang upuan sa may likuran kung saan nakaupo ang dalawa pang pasahero.
Mabilis kong pinara si manong driver ng mapansin ko kung sino ang lalaking naglalakad sa may side walk.
"Para manong. Dito nalang po ako." Inihinto naman niya kaagad ang sasakyan atsaka parang nahihiyang ngumiti sakin. "Thank you manong!" Atsaka nagmamadaling bumaba na ng sasakyan, narinig ko pa ang pahabol na sigaw ni manong driver na, mag-iingat raw ako baka madapa ako. Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi nito.
"Good morning Mr. Sungit!" Agad na pag bati ko rito ng nasa tapat na niya ako.
At tulad nga ng inaasahan ko, hindi ako pinansin nito at tuloy tuloy parin siya sa paglalakad. Di man lang ako tinapunan kahit na isang tingin. Aray ko besh!
Awtomatikong napatulis ang nguso ko dahil sa deadma lang ako sa kanya. Muli ko siyang hinabol para sabayan sa kanyang paglalakad. Medyo bumagal na ang mga hakbang nito, kumpara noong una.
"So, how long have you been here in Coron?" I asked him. Atsaka para naman maging magaan ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Syempre, getting to know each other. I want to know him.
"Uhmm. Ako pang 2 days ko today." Sabi ko rito as if naman na kakausapin talaga niya ako. "And I'm glad na may makakasama na ako para maglibot. Para naman hindi boring. At syempre, para masaya." Binilisan ko pa ng konti ang mga hakbang ko para huminto sa may unahan niya at harapin siya habang parang batang naka lagay sa may likuran ko ang dalawang kamay ko at isinasayaw sayaw ang magkabilaang balikat ko.
"Isn't it exciting?! Isn't it amazing? Isn't it?" Makulit na dagdag ko pa na ginagaya ang boses ni Kim Chui.
At sa wakas, napatingin na siya akin. Ngunit magkasalubong na naman ang dalawang kilay nito. Napahinga siya ng malalim na halata mong nagpipigil na wag akong masigawan. Napahawak rin ito sa may sintido saka ako tinignan ng masama.
"Miss, isn't it obvious that we're not friends? We don't even know each other." Iritableng paliwanag nito saka nag walk-out na naman.
Bakit ba ang hilig niyang mag walk-out?
Pero dahil makulit ako kaya naman hinabol ko itong muli tulad ng kanina, huminto na naman ako sa kanyang harapan dahilan para muling matigilan siya.
Tumikhim muna ako bago nagsalita. "I know you. You're Chris, Christian Ocampo right?" Pagbibigay linaw ko rito. Ini-forward ko ang kanang kamay ko para mapagpakilala ng maayos sa kanya. "I'm Jazmine Flores, Jaz for short. And uhm--"
"Ayoko ng kausap, ayaw kitang kausap, ayoko ng kasama at hindi ko kailangan ng makakasama! So will you please, please just leave me alone. Okay?!!" Halos pasigaw nang sabi nito sakin. Saka padabog at tuloy tuloy na sa paglalakad. Parang nahihiya namang napakagat labi ako ngunit andoon parin ang ngiti na hindi mabura bura sa aking mukha.
Napahinga ako ng malalim, sinusundan ko siya ng tingin habang papalayo mula sakin.
Isang bright idea na naman ang agad na naisipan ko. Isang mas malawak na ngiti ang muling pinakawalan ko pagkatapos.
Susundan ko nalang siya. Tama! Susundan ko siya. At lihim na napa papalakpak na lamang ako sa aking sarili, habang muling inihahakbang ang mga paa.
Chris One week has passed since the day I arrived here in Coron. At one week narin simula ng takasan ko ang buhay ko sa manila. Malayo sa gulo, sa ingay at mga problema. Pero mas naging magulo pa yata ang buhay ko simula ng dumating ako rito. Hindi ko mahanap ang kapayapaan na inaasan at ninanais ko. This girl. I'm so sick of this girl. Damn, she's so...argh! Never mind. Ang ingay ingay niya, wala na yatang magawa kung hindi ang bumuntot sakin. And it's freakin' annoying. Katatapos ko lang maligo at magbihis ng maisipan kong buksan ang phone ko. Ilang days ko narin kasing hindi ito binubuksan dahilan na ayaw kong makontak ako ng kahit na sino. Pag bukas na pag bukas ko palang ay inulan na ako ng maraming text messages. Ang ilan galing kay mama, sa kaibigan kong naghahanap din o nagtatanong kung nasaan ako. The hell I care! Napapailing nalang ako habang patuloy na nagbab
JazmineNgayong araw ang aga kong nagising sa hindi ko malaman na dahilan. Pinipilit kong ipikit muli ang aking mga mata ngunit hindi ko na magawang makatulog pang muli. Nakatulala at nakatitig lamang ako sa kisame ng buong kwarto, hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko na naman ang ganito.Nakakawalang gana. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan pagkatapos.Aaminin kong namimiss ko na ang mga kaibigan at pamilya ko. But I don't have a choice kung hindi ang takasan panandalian ang buhay ko sa amin. Hindi ko ba talaga alam kung bakit ko nararamdaman ang ganito. Pakiramdam ko, mayroong kulang. Mayroong nawawalang parte ng aking sarili na hindi ko mawari kung ano. At hindi ko alam kung saan ito matatagpuan.At sa hindi malamang dahilan, bigla nalang nag-uunahan sa pagpatak ang aking mga luha. Para bang may kung anong mabigat sa aking dibdib ang hindi ko makapa kung anong dahilan at sa
Chris Panay lamang ang pag ngiti ni Jazmine sa mga taong dumadaan sa may table na kinauupuan namin. Ni hindi man lamang ako tinitignan o tinatapunan ng kahit ilang sulyap man lamang. Mukhang nainis ko yata talaga ito ng sobra kanina. Ang sarap niya kasing asarin. Nakakagaan sa feeling. Nabaling ang tingin nito sakin dahil sa waitress na kanina pa daan ng daan sa aming harapan atsaka nagpapapansin sakin. Ngumiti ako na para bang nagpapacute kay Jazmine. Sinadya ko talaga na hindi pansinin 'yung babae, ngunit isang mapakla na ngiti lamang ang iginawad nito sa akin bago napatirik ang kanyang mga mata. "Ahem!" Pigil ang aking ngiti na napatikhim ako nang muli nitong ibinaling ang kanyang mga mata sa ibang direksyon. Lumapit ako ng konti sa kanya, sakto lang para marinig nito ang boses ko. "Are you jealous?" I teased her. Awtomatiko naman at mabilis pa
Jazmine"Nagmahal kana ba? Kung oo, masaya ka ba? O naging masaya ka ba?" Kanina pa ako paikot-ikot sa higaan ko ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok."Hays!"Walang nagawang napabangon ako at napatingin sa orasan sa may bed side table ng kwarto ko. Eleven forty five na ng gabi at maghahating gabi na pero heto parin ako, hindi man lamang dinadalaw ng antok samantalang kanina pa naghihilik 'yung taong nasa isipan ko, panigurado."Nagmahal kana ba? Kung oo, masaya ka ba? Naging masaya ka ba? " Walangya talaga 'yung lalaking 'yun."Pwede ba patulugin mo naman ako?!!" Medyo pasigaw at iritang sabi ko kahit na wala naman akong kasama o kausap na kung sino.Muli akong nahiga at tinakpan ng unan ang aking mukha. Anong akala niya sakin? Hindi pa nagmahal sa tanang buhay ko? Ha! Hindi naman ako alien o robot ano? Tao ako tao!!"Jazmine, matul
Jazmine"Are you sure you wanna ride that one?"May pagka-alanganing tanong ko sa kanya."Hell yeah! I'd like to ride this one. Gusto mo bang masubukan mamaya?" Magiliw na tanong nito habang nagchecheck ng motorsiklo na rerentahan namin."No..?" Alanganing sagot ko naman. "I don't know how to ride a motorbike. Ikaw nalang." Dagdag ko pa at ngumiti ng alanganin.Saglit siyang natahimik at napatingin sakin. "Hmmm, alright! But I can teach you if you want?" Pangungumbinsi pa nito."My fiance will gonna kill you if you insist too much!" Atsaka ko itinaas baba ang aking kilay."Alright, sabi mo eh." Saka ito tumalikod na mula sa akin. Habang napapakagat labi nalang akong pinagmamasdan siya ng palihim.Sa totoo lang, ayoko lang talagang subukan. Hindi naman sa natatakot ako kung hindi AYOKO lang talaga. Period."We'll take t
Chris"Thanks for today! Sana nag-enjoy ka." Malawak ang mga ngiti habang nagniningning pa ang mga mata na wika nito habang naglalakad kami.Medyo nauuna lamang ako ng konti sa kanya ng isang hakbang, habang siya naman ay nasa aking likuran. Nakalagay sa magkabilaang bulsa ng shorts ko ang aking dalawang kamay nang humarap ako sa kanya."Oo naman, sobra akong nag-enjoy lalo na sa Kayangan Lake na pinagmamalaki ng mga Taga Coron." We did their Super Ultimate Tour. At hindi kami nagkamali sa napili naming iyon. Sobrang nag enjoy taaga kami.Isa pa, lahat ng 'yun ay gastos ni Jazmine. Nakakatuwa lang kasi, ang kulit kulit niya talaga. Ayaw niya akong pagbayarin sa mga gastusin at talagang pinilit niyang siya na mismo ang sumagot ng lahat.Nagkibit balikat lamang ito at napakagat sa kanyang labi. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok sa ginawa niya kaya naman ibinaling ko na lamang sa i
JazmineIsa hanggang tatlong araw ko na yatang hindi nakikita si Chris. Ilang beses na rin akong nagpabalik balik sa hotel kung saan ito nakacheck-in ngunit hindi rin daw alam ng mga ito kung saan siya nagpunta.Hayys! Pinagtataguan ba ako ng unggoy na 'yun? O baka naman umuwi na sa kanila? Pero ang sabi naman sa Front Desk hindi pa naman daw ito nakakapagcheck-out dahil may mga iilang gamit pa na naiwan sa kwarto nito.Napangisi ako sa aking sarili habang palakad lakad sa loob ng isang mini-resort dito sa Busuanga. In fairness, presko at sariwa ang hangin rito. Medyo malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa aking balat at napaka tahimik ng buong paligid. Tanging huni ng mga ibon na pabalik sa kani-kanilang mga tahanan at pagaspas ng mga dahon na nanggagaling sa naglalakihang punong kahoy ang tanging naririnig ko.Nasa gitna ng gubat ang resort na ito, kaya wala akong ibang natatanaw mula rito sa k
JazmineTapos na akong kumain kaya naman heto ako, naglilibot na naman sa resort at namamangha parin sa tema na kanilang ginawa rito. Gawa sa nipa hut, kawayan at mga matitibay na kahoy ang lahat ng kubo na nandirito, maging ang restaurant at mga kwarto na tinutuluyan kapag may mga guest. May iilan din na foreigner na nandidito ngayon na nasa labas at nagpipicture taking."Maganda umaga ho ma'am! " Napatingin ako sa nagsalita. Si manong pala na nakausap ko kahapon, trabahante rito sa resort at taga pangalaga."Magandang umaga rin ho, manong!" Ganting bati ko rin dito. Napakamot ito sa kanyang ulo at parang nahihiya na muling nagsalita."Eh ma'am pinapasabi ho kasi ni Sir Chris na aalis na raw ho kayo."Magalang na sabi nito. "Nasa may parking area po siya ngayon, hinihintay po kayo. Nandoon na rin po ang mga gamit ninyo. Siya na po mismo ang nagligpit at kumuha sa kwarto ninyo." Diredire
Now playing: Here's Your Perfect by Jamie Miller Chris Three years. It's been three years magmula nang may marinig ako na huling balita kay Jazmine, dahil sa tatlong taon na iyon ay kusa ko nang pinutol ang lahat ng ugnayan na meron ako sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Nagpapasalamat ako sa mga kamag anak ko at mga kaibigan, dahil iniiwasan talaga nila at hindi binabanggit ang pangalan nito sa harap ko. Inaamin kong nakatulong ang kanilang mga ginawa sa pag-momove forward ko. Isa sila sa malaking tulong sa hakbang ng pagkalimot ko sa malalim pagmamahal ko para kay Jazmine. Hindi ko akalain na makakayanan ko rin palang gawin ang bagay na akala ko noon ay hindi ko kaya, ang mag-move on. Pero kahit yata anong pilit kong gawin ay nakatatak na si Jazmine sa akin. Habambuhay ko nang dadalhin ang mga alaala nitong naiwan sa akin
Jazmine Ganoon nga yata talaga ang mundo, hindi lahat ng mga nangyayari sa mga pelikula at teleserye ay mangyayari rin sa totoong buhay. Madalas binubulag lamang tayo ng mga nakikita natin, kaya akala natin eh pati sa ating mga sarili eh mangyayari rin ito. Sabi nga nila, kayang maalala ng puso ang hindi kayang maalala ng isipan. Marahil tama sila sa kasabihang iyon, na anumang hindi kayang maabot ng ating isipan, eh kayang-kaya ng ating mga puso. Katulad na lamang nang kung paano maalala ng aking puso ang pagmamahal na meron ako para kay Chris. Katulad na lamang nang pag-alala ng aking puso, kahit na hindi ito natatandaan ng aking isipan, at kahit na ilang beses ko pang ipilit na alalahanin ay hindi ko na talaga magawa pang maibalik ang lahat ng aming mga alaala. Alam kong may dahilan ang lahat. Alam kong hindi namin parehong ginus
***This POV will explain what really happened behind Chris' POV*** Third Person POV Ang pagkukunwari na iyon ni Chris ay binigyan niya pa ng katotohanan nang sinimulan nitong yayain si Jazmine sa mga adventure sa isla. Iyong tila ba para silang bumabalik sa pagiging bata na dapat ay masaya lamang. Araw-araw silang magkasama, kahit saan sila magpunta ay palaging nakabuntot sa kanila ang bawat isa. Hindi nito pinababayaan ang dalaga at mas lalong hindi niya inaalis sa kanyang paningin. Hindi naging madali para kay Chris ang araw-araw, dahil sa halip na makalimot na siya at unti-unti nang maka move forward, ay mas lalong nahuhulog pa siya sa dalaga. Mas lalong lumalalim pa ang kanyang nadamara. Alam naman niya na isa rin ito sa kanyang kagustuhan kaya niya hinahayaan na mangyari. Pero ano bang magagawa niya? Parang hulog ng langit ang ibinigay sa kanya na pagkakataon
***This POV will explain what really happened behind Chris' POV*** Third Person POV *Flashbacks* Ang totoo, hindi natin kayang labanan ang mundo. Kung malupit ito, ay malupit ito at hinding-hindi ka sasantuhin. Mapaglaro ito, at pilit na ipagkakait sa atin ang mga bagay na gusto natin. Hindi palagi ay hahayaan tayong maging masaya, na maging malaya kasama ang tao na gusto talaga nating mahalin at makasama. Iyong tipo na pilit mo nang inilalayo ang sarili mo sa isang sitwasyon na alam mong mahihirapan kang tanggapin, at masasaktan ka lamang lalo, pero paulit-ulit ka paring ilalapit nito sa bagay na alam mong--- maaari na muling ikawasak ng iyong puso. Alam kasi nito kung ano ang kahinaan mo. Alam nito, kung saan tayo dapat na matututo. At hindi natin alam, walang makapagsasabi kung anong kapalaran ang mga naghihintay sa atin
JazmineHindi nagtagal noong makaalis si Chris ay dumating na rin si David. Agad na nagtaka ito kung bakit parang namamaga ang mga mata ko at kung bakit tila raw katatapos ko lamang sa pag-iyak.Napailing lamang ako at sinabing napuwing lamang kanina noong nasa may garden ako. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pang muli pagkatapos.Hanggang sa nahiga na lamang kami nang magkatalikuran dahil patuloy pa rin akong binabagabag ng mga sinabi at ipinagtapat sa akin ni Chris. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng iyon. Dahil kahit konti, wala akong maalala, wala akong matandaan.Noon naman naalala ko ang camera na ibinigay nito sa akin.Maingat na gumalaw ako at bumangon mula sa higaan. Kinuha ko ang camera mula sa drawer na aking pinaglagyan. Dahan-dahan din ang mga hakbang na binuksan ko ang pintuan ng kwarto upang hindi makagawa ng anumang ingay, para na rin hindi ko magis
Jazmine"Chris!"Kahit na kinakabahan ay pinilit ko pa rin na ihakbang ang aking mga paa palapit sa kanya.Kasabay ng mga hakbang ko palapit rito ang malakas din na pagkabog ng dibdib ko.Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Ang tanging alam ko lamang ay masaya ako na makita siyang muli, sa hindi inaasahan na pagkakataon."Ang daya mo. Na-miss kita!" Sabi ko sa kanya noong tuluyan akong huminto sa kanyang harapan at pagkatapos ay hindi nagdalawang isip na niyakap siya."You missed me." Malamig ang boses na sabi nito.Napatango ako."Oo naman!" Sagot ko sa kanya. "Hindi ka man lang pumunta sa o nagpakita sa kasal ko." Pagkatapos ay napanguso ako at kunwaring nagtatampo. "Ang daya mo!"Ngunit sa halip na sagutin ako ay isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Chris dahilan upang matigilan ako. I
JazmineNapangiti ako sa aking sarili noong yakapin ako ni David mula sa aking likod atsaka marahan na ipinatong nito ang kanyang baba sa aking balikat.Naramdaman ko ang paghalik nito sa may batok ko bago mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin."Hmmmmm. It feels so good!" Hindi ko mapigilan ang sariling mapaharap sa kanya at sinalubong ang mga mata nito.Isang matamis na ngiti ang iginawad nito sa akin, habang ako naman ay agad na ipinulupot ang braso sa kanyang batok bago ito binigyan ng isang matamis na matamis na halik, na agad din naman nitong ginantihan ngunit hindi iyon magtagal."Thank you.." Pabulong na sabi ko rito bago napalunok, habang magkadikit ang aming noo at ang aming mga ilong."Thank you for what?" Tanong nito sa akin.Noon din ay ipinaghiwalay ko na ang aming noo bago muling tinignan siya ng diretso sa kanyang mga mata."Dahil nagawa mo akong patawarin. A
Jazmine "Babe! Are you alright?" Rinig kong tanong ni David mula sa labas ng banyo. Kanina pa kasi ako nandito sa loob at hinahayaan lamang na umaagos ang tubig sa aking katawan habang umiiyak na naman. Magmula noong huling beses kaming magkita ni Chris, wala na yata akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak tuwing gabi. O kahit na nag-iisa ako. Bawat mayroong pagkakataon na gusto ko at pwede akong umiyak, iniiyak ko. Ewan ko! Hindi ko alam kung bakit ang lungkot-lungkot ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko, kalahati ng buhay ko ang nawala sa akin dahil sa ginawa kong pang-iiwan kay Chris. Hindi ko maintindihan kung bakit sa sandaling panahon na nakilala ko siya ay para bang buong buhay ko na itong kakilala at nasakop agad nito ang buong pagkatao ko. Miss na miss ko na siya, ngunit
Now playing: Malibu nights by LANYChris"Pwede bang ikaw na lang?""Ayoko nga! Ikaw nang kumausap, isa pa, parehas kayong lalaki, so you should talk to him not me!""Nikki, mas makikinig siya sa'yo, hundred one percent. Swear!""No! Alin ba ang hindi mo maintindihan doon?""Anak ng!"Kanina ko pa naririnig na nagtatalo sina Nikki at Terrence kung sino ba ang lalapit sa akin.No, actually, ilang araw na rin nila akong hinahayaan lamang at hindi pinakikialaman sa anumang mga ginagawa ko.Sinabi ko kasi sa mga ito na gusto kong mapag-isa at kung pwede ay ibigay na muna nila iyon sa akin.Bumalik ako sa resort na pagmamay-ari ng parents ko dito sa Busuanga. Ngunit agad naman na sinundan ako ng dalawa rito na tila ba takot na takot na baka mayroon daw akong gawin na hindi maganda sa aking sarili.Ano bang hindi nila maintindihan sa gusto kong mapag-isa?!Pumunta ako rito dahil aka