Sunod-sunod ang katok na umaalingawngaw mula sa pinto ng banyo, halatang kabado at natataranta ang nasa labas noon."Lucy are you okay in there?" tuloy-tuloy lang si Andrew sa ginagawa dahil nakakandado ang pinto at tanging ang lagaslas lamang ng tubig ang maririnig mula sa labas.Pinabayaan lang ito ni Lucy dahil mas gusto niyang ituon ang atensyon sa pagpatak ng malamig na tubig sa kanyang balat, habang nagbababad sa ilalim ng shower."Lucy, hey! Are you alright, do you need anything?" Huminga na lang siya ng malalim nang muling marinig ang boses ni Andrew mula sa labas, sadyang hindi niya na kaya pang balewalain ang binata, lalo pa at walang patid ang panggugulo nito nais niyang katahimikan. Nilingon niya ang pinto mula sa shower at pinandilatan ito."I'm Fine, just leave let me be for awhile!" Matapos noon ay pinagtuunan niya na muli ng pansin ang sarili at ang paghihilod sa sarili, pilit na inaalis ang kakatwang memoryang naiwan roon."Uhm...alright, I...I'll order breakfast, d
Nakadama si Andrew ng kakaibang kaba nang makita ang malapad na ngisi ni Lucy, hindi siya mapakali sa kakaisip kung anong ibig sabihin ng dalaga, lalo pa at batid niyang hindi pa nawawala ang galit nito ng mga oras na iyon.Matapos nilang kumain ay nanahimik lang ito, hindi na rin siya nagsalita pa. Alam niyang malaki ang kasalanan niya dahil sa nagawa dito kaya naman tumungo na lang siya sa banyo upang maligo para bigyan ito ng sandaling oras ng katahimikan at pag-iisa. Pipilitin niyang bumawi ngayon, naisipan niyang ipasyal ito sa ilang mga sikat na lugar doon bilang paghingi ng paumanhin. Hindi niya nais na muling taguan ng dalaga dahil lamang sa simpleng pagkawala niya sa sarili kagabi.Nagmadali na lang siya sa pag-aayos ng sarili, pagkatapos noon ay agad na siyang lumabas upang makapagbihis, napatigil na lang siya sa kinatatayuan dahil muntik ng lumuwa ang kanyang mga mata nang makita ang ayos ni Lucy sa upuan.Tanging isang manipis na puting night gown lang ang suot nito kaya
Napapayakap na lamang si Lucy sa sarili habang nagpapakababad sa malamig na haplos ng tubig na dumadampi sa kanyang balat. Naiinis siya sa ginawa, imbes na pahupain at mabura noon ang kung anong pakiramdam na ipiranas sa kanya ni Andrew, tila mas nadagdagan pa yata ang init at kaguluhan sa kanya.Hindi niya tuloy napilan magbalik tanaw sa ginawa nila kagabi, nalilito kung bakit tila hindi naging sapat ang ginawa niya kanina upang maibsan ang pagtawag ng kanyang katawan sa ginawa nila ng lalake kagabi.***Flashback ***"Those were very effective sleeping potions!" Hagikgik ni Lucy.Parehas na silang nakaupo sa sahig ni Andrew, naroon na ang tila pagdalaw ng antok habang si Andrew naman ay inaalog pa ang huli nilang bote na akala mo ay may lalabas pa roon."No, it's not, I'm not yet sleepy!" Wari’y maktol na saad ng binata na napapapikit na.Napatawa na lang ito sa kanya habang pinapanood siyang gumagang patungo sa kanyang kama."Well, I am, so goodnight." Nagtuloy-tuloy lang siya sa p
Hanggang sa pag-uwi ay minabuti na lang niya na huwag na masyadong pansinin si Andrew, nais niya na muna kalimutan ang mga namagitan sa kanila ng binata lalo pa at gulong-gulo siya ng mga sandaling iyon.Hindi rin naman ito umiimik marahil nakonsensya at nagdalawang isip na matapos ng kanyang ginawa, nanatili lang itong nakasunod sa kanya, mula sa pagsakay nila ng bus pauwi ay naging tahimik lamang ito.Wala rin siyang gana ng mga panahon na iyon dahil sa bigla siyang nanghihina dahil sa pagod at kakaisip sa mga nangyari, minabuti niya na lang na itulog iyon habang bumabiyahe sila."Lucy, hey, where here."Tila umaalingawngaw ang boses ni Andrew sa kanyang ulo ng mga sandaling iyon kaya naman naisip niyang guni-guni niya lang iyon.Ilang sandali pa at nadama niya na ang mahinang tapik ng binata sa kanyang balikat, hindi niya namalayan na napahimbing ang kanyang tulog, dahan-dahan niya itong nilingon at nagtaka siya ng makita ang kunot noong tingin nito sa kanya."Are you okay?" Hinaw
"I'm Home!" masaya niyang bungad pakabukas ng pinto.Hindi niya napigilan mapangiti ng pagkalapad-lapad nang makita ang maayos na hitsura ni Lucy, nanumbalik na ang kulay sa mukha ng dalaga at naroon na muli ang pagiging maliksi sa pagkilos nito.Abalang-abala si Lucy sa pag-aayos ng mga pagkain sa lamesa, pakiramdam tuloy ni Andrew ay nakauwi siya sa isang panaginip, napakaganda at kaakit-akit kasi ng kunwari’y maybahay niya. Napakaaliwalas kasi nitong tingnan sa suot na puting dress habang nakasuot ng isang bulaklakin na apron.Napabilib siya sa hitsura ng mesa niya ngayon, halatang pinaghirapan talaga ito ng dalaga.May nakalapag na isang vase na puno ng bulaklak at nakahilera ng maayos ang mga kutsara, tinidor at plato sa magkabilang gilid nito. Umuusok pa ang mga bagong lutong pagkain at bowl ay maryoon pang isang basket ng tinapay."Magbihis ka na para makakain na tayo" ngiting bati nito sa kanya nang makalapit."Alright." Hindi niya maitago ang lapad ng ngisi niya ng mga sand
Hindi mapigilan ni Lucy madama ang kakaibang kirot sa kanyang dibdib kasabay ng mabilis na tibok ng kanyang puso habang nakatayo sa harap ng simbahan.Mahigpit pero nanginginig pa lang siyang napakapit sa kanyang bag habang pinapakatitigan ang naturang gusali."Lucy, come on! pumasok na tayo," hatak sa kanya ni Angelyn pakababa nito sa sasakyan."Mauna ka na." Pagtutulak niya sa kaibigan. Napabuntong hininga na lang si Angelyn."Don’t tell me na ipinagpalit ko iyong date ko for you, so just you could stand here, ikaw ang plus one ko, kaya dapat sabay tayo na pumasok." pamamaywang nito."You need to accept the fact na ikakasal na si Jeff, consider this as your formal closure." Nginitian niya na lang ng tipid ang kaibigan at tumango dito ng pag-sang ayon. Wala siyang nakuhang imbitasyon hindi tulad ng sa ibang mga kaibigan nila, kaya naman kinailangan niyang makiusap sa kaibigan upang makapunta doon."Just give me a minute." Nanginginig niyang sambit.Napabuga na lang ito ng hininga sab
Pagod ang bumalot kay Lucy pakapasok nila nang makabalik cottage, tanghali pa lang pero pakiramdam niya ay ubos na ang kanyang lakas."Andrew, ano bang problema mo?" Napahilot na lang siya sa sintido habang patungo sa kuwarto nila.Hindi siya nakapalag nang bigla na lang siya nitong hatakin sa b
Mula ng makabalik sila sa siyudad ay tuluyan niya ng binitawan ang nadarama para sa dating nobyo. Pumayag na siyang magsimula silang muli ni Andrew at upang mapapaniwala ito na seryoso siya sa naging sagot ay pumayag na muna siyang manatili sa tinitirhan ng binata. Matapos ng nangyaring kapabayaan ay hindi na siya hinayaan ng binata na humiwalay dito upang makasiguradong ayos ang lahat.Hindi kasi ito napanatag hanggang sa makapag pregnancy test siya dulot na rin ng takot at kaba.Nakahinga silang parehas ng maluwag nang negatibo ang resulta noon, pero kahit na ganoon ay hindi na siya hinayaan pang umalis ng binata sa tinitirahan nito, mahabang debate ang namagitan sa kanilang dalawa, pero bandang huli ay ang kakulitan at pagpupumilit nito ang nanaig."Honey, I'm home!" bati kaagad ni Andrew pakapasok. Dinig na dinig niya ang boses ng binata kahit nasa kusina pa siya, napapigil na lang siya ng tawa habang hinahalo ang kanyang ginigisa nang palaro itong sumilip sa kanya mula sa gili