Napapayakap na lamang si Lucy sa sarili habang nagpapakababad sa malamig na haplos ng tubig na dumadampi sa kanyang balat. Naiinis siya sa ginawa, imbes na pahupain at mabura noon ang kung anong pakiramdam na ipiranas sa kanya ni Andrew, tila mas nadagdagan pa yata ang init at kaguluhan sa kanya.Hindi niya tuloy napilan magbalik tanaw sa ginawa nila kagabi, nalilito kung bakit tila hindi naging sapat ang ginawa niya kanina upang maibsan ang pagtawag ng kanyang katawan sa ginawa nila ng lalake kagabi.***Flashback ***"Those were very effective sleeping potions!" Hagikgik ni Lucy.Parehas na silang nakaupo sa sahig ni Andrew, naroon na ang tila pagdalaw ng antok habang si Andrew naman ay inaalog pa ang huli nilang bote na akala mo ay may lalabas pa roon."No, it's not, I'm not yet sleepy!" Wari’y maktol na saad ng binata na napapapikit na.Napatawa na lang ito sa kanya habang pinapanood siyang gumagang patungo sa kanyang kama."Well, I am, so goodnight." Nagtuloy-tuloy lang siya sa p
Hanggang sa pag-uwi ay minabuti na lang niya na huwag na masyadong pansinin si Andrew, nais niya na muna kalimutan ang mga namagitan sa kanila ng binata lalo pa at gulong-gulo siya ng mga sandaling iyon.Hindi rin naman ito umiimik marahil nakonsensya at nagdalawang isip na matapos ng kanyang ginawa, nanatili lang itong nakasunod sa kanya, mula sa pagsakay nila ng bus pauwi ay naging tahimik lamang ito.Wala rin siyang gana ng mga panahon na iyon dahil sa bigla siyang nanghihina dahil sa pagod at kakaisip sa mga nangyari, minabuti niya na lang na itulog iyon habang bumabiyahe sila."Lucy, hey, where here."Tila umaalingawngaw ang boses ni Andrew sa kanyang ulo ng mga sandaling iyon kaya naman naisip niyang guni-guni niya lang iyon.Ilang sandali pa at nadama niya na ang mahinang tapik ng binata sa kanyang balikat, hindi niya namalayan na napahimbing ang kanyang tulog, dahan-dahan niya itong nilingon at nagtaka siya ng makita ang kunot noong tingin nito sa kanya."Are you okay?" Hinaw
"I'm Home!" masaya niyang bungad pakabukas ng pinto.Hindi niya napigilan mapangiti ng pagkalapad-lapad nang makita ang maayos na hitsura ni Lucy, nanumbalik na ang kulay sa mukha ng dalaga at naroon na muli ang pagiging maliksi sa pagkilos nito.Abalang-abala si Lucy sa pag-aayos ng mga pagkain sa lamesa, pakiramdam tuloy ni Andrew ay nakauwi siya sa isang panaginip, napakaganda at kaakit-akit kasi ng kunwari’y maybahay niya. Napakaaliwalas kasi nitong tingnan sa suot na puting dress habang nakasuot ng isang bulaklakin na apron.Napabilib siya sa hitsura ng mesa niya ngayon, halatang pinaghirapan talaga ito ng dalaga.May nakalapag na isang vase na puno ng bulaklak at nakahilera ng maayos ang mga kutsara, tinidor at plato sa magkabilang gilid nito. Umuusok pa ang mga bagong lutong pagkain at bowl ay maryoon pang isang basket ng tinapay."Magbihis ka na para makakain na tayo" ngiting bati nito sa kanya nang makalapit."Alright." Hindi niya maitago ang lapad ng ngisi niya ng mga sand
Hindi mapigilan ni Lucy madama ang kakaibang kirot sa kanyang dibdib kasabay ng mabilis na tibok ng kanyang puso habang nakatayo sa harap ng simbahan.Mahigpit pero nanginginig pa lang siyang napakapit sa kanyang bag habang pinapakatitigan ang naturang gusali."Lucy, come on! pumasok na tayo," hatak sa kanya ni Angelyn pakababa nito sa sasakyan."Mauna ka na." Pagtutulak niya sa kaibigan. Napabuntong hininga na lang si Angelyn."Don’t tell me na ipinagpalit ko iyong date ko for you, so just you could stand here, ikaw ang plus one ko, kaya dapat sabay tayo na pumasok." pamamaywang nito."You need to accept the fact na ikakasal na si Jeff, consider this as your formal closure." Nginitian niya na lang ng tipid ang kaibigan at tumango dito ng pag-sang ayon. Wala siyang nakuhang imbitasyon hindi tulad ng sa ibang mga kaibigan nila, kaya naman kinailangan niyang makiusap sa kaibigan upang makapunta doon."Just give me a minute." Nanginginig niyang sambit.Napabuga na lang ito ng hininga sab
Pagod ang bumalot kay Lucy pakapasok nila nang makabalik cottage, tanghali pa lang pero pakiramdam niya ay ubos na ang kanyang lakas."Andrew, ano bang problema mo?" Napahilot na lang siya sa sintido habang patungo sa kuwarto nila.Hindi siya nakapalag nang bigla na lang siya nitong hatakin sa b
Mula ng makabalik sila sa siyudad ay tuluyan niya ng binitawan ang nadarama para sa dating nobyo. Pumayag na siyang magsimula silang muli ni Andrew at upang mapapaniwala ito na seryoso siya sa naging sagot ay pumayag na muna siyang manatili sa tinitirhan ng binata. Matapos ng nangyaring kapabayaan ay hindi na siya hinayaan ng binata na humiwalay dito upang makasiguradong ayos ang lahat.Hindi kasi ito napanatag hanggang sa makapag pregnancy test siya dulot na rin ng takot at kaba.Nakahinga silang parehas ng maluwag nang negatibo ang resulta noon, pero kahit na ganoon ay hindi na siya hinayaan pang umalis ng binata sa tinitirahan nito, mahabang debate ang namagitan sa kanilang dalawa, pero bandang huli ay ang kakulitan at pagpupumilit nito ang nanaig."Honey, I'm home!" bati kaagad ni Andrew pakapasok. Dinig na dinig niya ang boses ng binata kahit nasa kusina pa siya, napapigil na lang siya ng tawa habang hinahalo ang kanyang ginigisa nang palaro itong sumilip sa kanya mula sa gili
“Honey, I’m home,” nanghihinang tawag ni Andrew.Pakiramdam niya kasi ay naubos lahat ng lakas niya sa opisina dahil buong araw ay walang patid ang pangungulit ng mommy niya maliban pa sa bagong trabahong ipinataw naman ng kanyang daddy.Napakunot na lamang siya ng noon nang walang mabatid na kahit anong pagbati, tahimik na lang siyang nagtuloy-tuloy papasok at ganoon na lamang ang kanyang pagtataka nang makita si Lucy sa kusina.Nakatulala lamang ito sa niluluto na may kung anong lungkot sa mga mata, kaya naman ganoon na lamang ang lalong pag-aalala niya.“Honey?” muling niyang bati nang mas makalapit na.Doon lang tila nabalik sa sarili ang dalaga at pilit na lamang ngumiti nang magbaling sa kanya.“Hey bee, nandiyan ka na pala, sandali na lang itong niluluto ko, tapos ireready ko lang iyon lamesa then pwede na tayo kumain,” agad nitong saad bago dali-daling kumilos.Pinagmasdan lang ni Andrew ang dalaga habang nag-aayos ito, batid niya ang kakaibang baba ng enerhiya ng kasintahan s
Hindi magkanda ugaga si Lucy ng mga sumunod na araw sa tagal niyang nawala ay nagpatong-patong na ang mag bayarin at gawain niya sa tindahan, kaya naman todo ang pag aasikaso niya dito ngayon. Malaking pasalamat niya at nariyan si Andrew para tumulong sa kanya, sa loob ng ilang linggo na pagsisimula niya muli ay nanatiling naka-alalay ang nobyo, halos araw-araw ay hatid sundo siya nito kaya naman mas napagaan noon ang kanyang trabaho.Pang ikatlong linggo niya na ng araw na iyon kaya naman kahit papaano ay naiayos niya na ang ilan sa mga bayarin niya roon at naasikaso ang mga kailangan ayusin, kaya naman maaga siyang natapos ng araw na iyon, kaya ganoon na lang ang gulat niya nang masalubong niya si Andrew.“Bee!” papansin niya dahil tulala ito sa pagkalikot sa telepono.Mabilis naman lumitaw ang ngiti ng binata nang makita siya. “Hon, susunduin pa lang kita,”“Ang aga mo ngayon?” Isang halik ang agad ibinigay niya dito nang makalapit.“Magpapasama kasi ako sa iyo.” Agad na lang siya