Hindi mapaglagyan ang matinding kalungkutan ni Lucy ng mga panahong iyon, pakiramdam niya napakahina niya at walang kwenta, hindi niya nagawang kontrahin ang desisyon ng ama niya na dalhin sa isang espesyalista sa Amerika ang mama nila, alam niya rin naman na iyon ang pinaka makakabuti para dito."Sis, are you sure you don't wanna come?" Mababakas ang pag-aalala sa kapatid niya ng mga sandaling iyon, nagdesisyon siya na huwag na muna sumama sa mga ito papuntang states, lalo pa at may mga nasimulan na siya dito."Yeah, don't worry about me, I'll be fine," pagpapakalma niya sa kakambal.Inakap siya nito ng mahigpit, batid niyang nag-aalinlangan itong iwanan siya ng mag-isa roon."Call me if there's a problem," pahabol nito.Tumango naman siya para sabihing Oo, pero batid na batid niya ang lungkot ng kakambal habang papasakay ito sa taxi.Dama ni Lucy ang sobra-sobrang pag-aalala para sa ina, hindi niya rin matanggal ang matinding kaba at takot kaya wala siyang ibang magawa kung hi
Matinding kirot ng ulo ang gumising kay Lucy kinabukasan, pakiramdam niya nabibiyak ang kanyang ulo ng mga oras na iyon, dama niya pa ang hilo habang pinaliligid ang paningin.Nanlaki na lang ang mata niya nang mabatid ang hindi pamilyar na kuwarto, puro gray at puti and disenyo nito at wala halos makikitang masyadong mga palamuti maliban sa ilang mamahalin na larawan at gamit.Nakadama siya ng kaba nang mapagtanto ang nangyayari, mabilisan niyang siniyasat ang sarili, iyon pa rin naman ang suot niya at mag isa lang siya sa kuwarto.Tahimik at buong ingat siyang bumangon sa kama, nakatingkayad pa siyang naglakad patungo sa pinto upang sumilip sa labas noon.Nakahinga lang siya ng maluwag nang makita si Andrew na himbing na himbing na natutulog sa isang itim na leather sofa. Doon niya lang naalala ang mga nangyari kagabi.Natulog-tuloy na siyang lumabas ng sili, tinungo niya ang kinalalagyan ng lalake at tahimik na naupo malapit ditoPinagmasdan niya sandali ang natutulog na bin
"I'm so sorry Andy!" paulit-ulit niyang saad.Hindi mapaglagyan ang hiya ni Lucy ng mga oras na iyon habang humihingi ng tawad dito dahil sa mga nangyari, bakas na bakas pa din kasi sa mukha ng binatilyo ang matinding takot at gulat matapos niyang sugudin."Oh my god Lucy, talaga bang wala kang kinatatakutan?" bungisngis na saad ni Andrea.Mas lalo lang niyang naramdaman ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa sinabi nito, napapapalo na lang ito sa hita dahil sa nasaksihan kanina lang."Hoy Andy, okay ka lang ba?" yugyog niya muli sa binata.Hindi matanggal ang pag-aalala niya sa nagawa sa kaibigan, tulala pa rin kasi ito at namumutla."O...okay lang ako ate Lucy," pilit ngiting sagot ng binatilyo.Naroon pa rin ang bakas ng kaba sa mukha nito kahit pa nagawa na nitong makapagsalita, hindi niya tuloy maialis ang konsensya sa nagawa.Inalalayan na lang nila si Andy paupo sa isang tila kalesa na upuan, biniro na lang ito ni Andrew nang mapansin ang makulit na desenyo nito na na mayro
"Lucy, I really appreciate you coming here with me," masayang sabi ni Andrew habang papasok sila ng silid.Nauuna siya dito habang nananatili lang itong nakasunod sa kanyang likod. "Don't worry about it, consider this as payback for letting me stay with you guys " sagot niya dito ng hindi lumilingon.Nilibot niya na lang kaagad ang kuwarto nila, tulad ng nauna nilang tinuluyan ay halatang high class din ang naturang lugar na iyon. Parang malaking tradisyonal na kubo ito na gawa sa kawayan ang dingding at ilang mga furnitures.Nagtuloy-tuloy naman si Andrew sa mga drawers na naroon para iayos ang mga gamit nila, pumunta na lang siya sa may bintana para pagmasdan ang magandang tanawin ng mga pine trees."Don't worry, I'll try to finish early para masamahan kita sa pamamasyal," saad ni Andrew. Natuod na lang si Lucy sa kinalalagyan nang maramdaman na nasa likod niya lang ang binata, hanggang ng mga oras na iyon ay tila ginugulo pa rin siya ng hindi maintindihang pakiramdam ng kat
Sunod-sunod ang katok na umaalingawngaw mula sa pinto ng banyo, halatang kabado at natataranta ang nasa labas noon."Lucy are you okay in there?" tuloy-tuloy lang si Andrew sa ginagawa dahil nakakandado ang pinto at tanging ang lagaslas lamang ng tubig ang maririnig mula sa labas.Pinabayaan lang ito ni Lucy dahil mas gusto niyang ituon ang atensyon sa pagpatak ng malamig na tubig sa kanyang balat, habang nagbababad sa ilalim ng shower."Lucy, hey! Are you alright, do you need anything?" Huminga na lang siya ng malalim nang muling marinig ang boses ni Andrew mula sa labas, sadyang hindi niya na kaya pang balewalain ang binata, lalo pa at walang patid ang panggugulo nito nais niyang katahimikan. Nilingon niya ang pinto mula sa shower at pinandilatan ito."I'm Fine, just leave let me be for awhile!" Matapos noon ay pinagtuunan niya na muli ng pansin ang sarili at ang paghihilod sa sarili, pilit na inaalis ang kakatwang memoryang naiwan roon."Uhm...alright, I...I'll order breakfast, d
Nakadama si Andrew ng kakaibang kaba nang makita ang malapad na ngisi ni Lucy, hindi siya mapakali sa kakaisip kung anong ibig sabihin ng dalaga, lalo pa at batid niyang hindi pa nawawala ang galit nito ng mga oras na iyon.Matapos nilang kumain ay nanahimik lang ito, hindi na rin siya nagsalita pa. Alam niyang malaki ang kasalanan niya dahil sa nagawa dito kaya naman tumungo na lang siya sa banyo upang maligo para bigyan ito ng sandaling oras ng katahimikan at pag-iisa. Pipilitin niyang bumawi ngayon, naisipan niyang ipasyal ito sa ilang mga sikat na lugar doon bilang paghingi ng paumanhin. Hindi niya nais na muling taguan ng dalaga dahil lamang sa simpleng pagkawala niya sa sarili kagabi.Nagmadali na lang siya sa pag-aayos ng sarili, pagkatapos noon ay agad na siyang lumabas upang makapagbihis, napatigil na lang siya sa kinatatayuan dahil muntik ng lumuwa ang kanyang mga mata nang makita ang ayos ni Lucy sa upuan.Tanging isang manipis na puting night gown lang ang suot nito kaya
Napapayakap na lamang si Lucy sa sarili habang nagpapakababad sa malamig na haplos ng tubig na dumadampi sa kanyang balat. Naiinis siya sa ginawa, imbes na pahupain at mabura noon ang kung anong pakiramdam na ipiranas sa kanya ni Andrew, tila mas nadagdagan pa yata ang init at kaguluhan sa kanya.Hindi niya tuloy napilan magbalik tanaw sa ginawa nila kagabi, nalilito kung bakit tila hindi naging sapat ang ginawa niya kanina upang maibsan ang pagtawag ng kanyang katawan sa ginawa nila ng lalake kagabi.***Flashback ***"Those were very effective sleeping potions!" Hagikgik ni Lucy.Parehas na silang nakaupo sa sahig ni Andrew, naroon na ang tila pagdalaw ng antok habang si Andrew naman ay inaalog pa ang huli nilang bote na akala mo ay may lalabas pa roon."No, it's not, I'm not yet sleepy!" Wari’y maktol na saad ng binata na napapapikit na.Napatawa na lang ito sa kanya habang pinapanood siyang gumagang patungo sa kanyang kama."Well, I am, so goodnight." Nagtuloy-tuloy lang siya sa p
Hanggang sa pag-uwi ay minabuti na lang niya na huwag na masyadong pansinin si Andrew, nais niya na muna kalimutan ang mga namagitan sa kanila ng binata lalo pa at gulong-gulo siya ng mga sandaling iyon.Hindi rin naman ito umiimik marahil nakonsensya at nagdalawang isip na matapos ng kanyang ginawa, nanatili lang itong nakasunod sa kanya, mula sa pagsakay nila ng bus pauwi ay naging tahimik lamang ito.Wala rin siyang gana ng mga panahon na iyon dahil sa bigla siyang nanghihina dahil sa pagod at kakaisip sa mga nangyari, minabuti niya na lang na itulog iyon habang bumabiyahe sila."Lucy, hey, where here."Tila umaalingawngaw ang boses ni Andrew sa kanyang ulo ng mga sandaling iyon kaya naman naisip niyang guni-guni niya lang iyon.Ilang sandali pa at nadama niya na ang mahinang tapik ng binata sa kanyang balikat, hindi niya namalayan na napahimbing ang kanyang tulog, dahan-dahan niya itong nilingon at nagtaka siya ng makita ang kunot noong tingin nito sa kanya."Are you okay?" Hinaw