Hindi niya maiwasang makonsensya sa bawat pagkakataong makikita ang malungkot na ngiti ng kaibigan, hindi niya maintindihan kung bakit kahit anong pagpupumilit niya ay ayaw nitong magsalita, batid niyang kilala ni Celina ang gumawa gumawa noon sa kanya pero naroon ang pag-aalinglangan ng kaibigan na umamin.Kung kaya naman kahit na sabihin pa ng kaibigan na kalimutan na ang bagay na iyon ay sadyang naroon ang bigat sa kanyang dibdib dahil sa paninisi sa sarili, lalo pa at siya ang nag-aya dito at nangyari iyon dahil sa kanyang kapabayaan.Hanggang ng mga oras na iyon ay dala-dala niya ang bigat ng pasanin ng mga nangyari, dahil na rin sa wala siyang magawa upang bigyan hustisya ang sinapit ng matalik na kaibigan.Iyon ang mga bagay na dahilan kung bakit hanggang ng mga panahon iyon ay panaka-naka ang pagiging tulala ni Lucy. "Lucy! " Alingawngaw ng isang malalim na boses mula sa likod.Agad siyang napatigil sa paglalakad upang lingunin ang taong tumawag sa kanya, hindi niya mapigilan
"Ate, tatlo isang daan lang iyan!" ngiting pagpapaalam niya sa isang mamimili na kanina pa tinitingan ang mga paninda nila. Mukha naman na engganyo ito kaya nagsimula ng pumili ng mga bibilhin, masayang ibinalot ni pakaabot ng bayad sa kanya.Matapos ng lahat ng mga nangyari ay wala ng ibang ginawa si Lucy kung hindi ang magpakasasa sa trabaho, wala na siyang nagawa tungkol sa insedenteng nangyari noon nakaraang buwan, lalo pa at mukhang kinalimutan na rin ito ng kaibigan."Good afternoon po!" magiliw na saad ng isang lalake.Napakunot noo na lang si Lucy nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Mukhang nagbalik nanaman si Andrew. Agad siyang napalingon dito at hindi niya napigilan ang mapabuntong hininga nang makitang may mga dala-dala nanaman itong pagkain."Tita, magtanghalian muna po kayo," masaya nitong bungad sa mama niya pakasulubong nito."Hala Andrew, nagabala ka pa!" masayang bati ng kanyang mama.Ngiting-ngiti naman ang binata habang inilalabas ang mga dala upang iabot
"Fuck! dahan-dahan naman," daing niya habang inilalagay ni Raymond ang ice pack sa kanyang mukha.Tulad ng inaasahan hindi naging maganda ang kinahinatnan ng pagsasabi niya kay Luke ng balak na panliligaw sa kapatid nito. Nagkasagutan sila at dahil lango na sa alak, mabilis silang nagkainitan dahilan para bigla na lang siyang sunggaban nito, hindi naman siya nagpatalo bagkos ay nanlaban din siya dito kaya naman nauwi sa wala ang mga plinano niya.Inabot din ng ilang minuto ang pagbubuno nila dahil nahirapan ang kanilang mga kaibigan na pigilan silang dalawa. Bandang huli hindi niya rin nakuha ang permiso ng kaibigan dahil umalis itong galit na galit kasama si Jordan, naiwan naman si Vincent at Raymond kasama siya."Tang ina ka Drew, pati ba naman iyong kapatid ni Luke gusto mo patusin, akala ko ba bawal yan sa barkada," sermon ni Raymond."Smooth move Drew, smooth move," halata ang pang aasar sa boses ni Vincent ng mga oras na iyon."Tang ina Vince! Akala ko ba tutulungan mo ako," ir
Sa sobrang galit ni Lucy ay hindi niya napigilan na sabihin sa kapatid ang dahilan ng kanyang paghihimutok, halata ang sobrang gulat ni Luke sa nalaman, mabilis itong umalis ng araw na iyon at ilang buwan na itong hindi nagpapakita sa kanila, kaya naman ganoon na lang kadali ang pagbabalik ni Andrew sa eksena, tuloy nanaman ito sa araw-araw na panunuyo.Subalit hindi niya ito magawang mapagtuunan ng pansin ngayon, dahil mas iniisip niya ang mga plano niya para sa hinaharap. Mas dinoble ni Lucy ang pagkayod mula sa negosyo hanggang sa mga sideline upang makapag-ipon ng pera, kaya naman pati ang mga luma niyang trabaho noon ay binalikan na rin niya."Good evening guys, musta na!" bati niya pakapasok sa loob ng bar. Muli siyang kinuha ng may ari nito bilang part timer doon, wala ng alinlangan niya naman iyong tinanggap dahil na rin sa dagdag kita."Lucy musta," bati sa kanya ng isa sa mga waitress na naroon."Faye! long time no see, miss ko na iyong sparring natin!" bati niya kaa
Abalang nagbibilog si Lucy sa dyaryo ng mga murang matitirhan ng araw na iyon, nagplaplano na kasi ang mama niya na sa probinsya na tumira, alam niya na matagal ng gustong umuwi ng mama niya sa kinalakihan nitong lugar, sila lang naman ang inaalala nito kaya hindi nito magawa ang bagay na iyon, kaya naman ngayon ay nagpasya na siya na maghanap ng malilipatan na bahay.Nanlaki na lang ang mata niya nang makita ang nakalathala sa diyaryo, inilapit niya pa iyon sa mukha niya at napangiti ng malapad nang mas mabasa ang nakasulat.Dali-dali niyang tinawagan ang numero sa diyaryo sa takot na baka maunahan pa siya ng kung sino. Perpekto ang lokasyon ng pinaparentahan na lugar, maliban doon maganda din ang presyo nito kada buwan eksakto lang sa budget niya.Halos magtatalon siya sa tuwa matapos makipag areglo sa may ari ng naturang lugar, ngayon kahit papaano ay hindi na mag-aalala ang mama niya sa titirhan nila, maliban doon pwede na rin niyang ayain ang kaibigan na lumipat."Tumatalon-talo
"What do you want exactly?" Hindi niya napigilan ang mapaatras dahil sa unti-unti nitong paglapit."Pose for me!" Madiin nitong sambit.Nanlalaking matang nagpabalik-balik na lang siya ng tingin kay Lhean na tila parang baliw na nakatitig sa kanya at kay Lucy na napapahilot na lang sa sintido nito. "I can't model," natatawang sambit na lang niya.Agad na lang napalingon si Lhean sa kaibigan."Lucy, what am I going to do?" naluluhang sambit na lang nito.Isang malalim na hinga na lamang ang pinakawalan ni Lucy bago siya balingan."C'mon Andrew, you're doing her a big favor."Napalunok na lamang siya nang si Lucy na ang nagsalita, ganoon na lamang ang kabog sa kanyang dibdib lalo pa at sigurado niyang makakasama niya ang dalaga.Wala na rin siyang nagawa bandang huli, hindi niya rin naman gustong mapahiya si Lucy sa kaibigan nito, kaya naman kahit naroon ang kanyang kaba ay hindi na siya tumanggi."Hey Andrew, are you sure you're okay with this?" pansin ni Lucy.Napatigil na lang siya sa
"Ijo, I would like you to meet mister Robert Senson and his daughter Patricia," pagpapakilala ng ama niya sa mga kasama nila sa lamesa."Good afternoon," marahan niyang bati sa mga ito.Agaran niyang napansin ang malagkit na titig sa kanya ng babaeng nagngangalang Patricia kaya naman isang seryosong tango lang ang ibinigay niya dito para kahit papaano ay mapakita niya na hindi siya dito interesado."Hi Andrew, I've heard so much about you," mapang akit ang tono nito nang magsalita.Halatang hindi ito tinalaban ng pagseseryoso niya kaya naman isang tipid na ngiti na lang ang ibinigay niya dito.Ilang oras din niya itong pilit na binabalewala at iniiwasan ng tingin pero nahirapan siyang gawin iyon dahil kinailangan niya itong kausapin at pakisamahan.Kailangan kasi ng kompanya ng daddy niya ng bagong supplier lalo na at nagplaplano nanaman ang ama niya ng bagong proyekto para sa kanilang negosyo at ang pamilya nito ang isa sa mga nagbibigay ng pinakamagandang presyo at mapagkakat
Hindi magkandamayaw si Andrew sa kakahanap kay Lucy, hindi na ito pumupunta sa tindahan ng ina dahil ayon dito ay may sarili na itong negosyo na pinagkakaabalahan, sinubukan niya rin itong puntahan sa mga dati nitong pinapasukan pero ni minsan ay hindi ito sumadya roon, wala rin siyang makuhang impormasyon sa mga kaibigan dahil hindi na nagpapakita si Luke sa mga ito, sinusubukan niya rin itong tawagan pero hindi siya nito sinasagot kahit gumamit pa siya ng ibang numero ay wala rin iyong pinagbago, sigurado niyang napikon ito sa mga sinabi niya at sa pagkakakilala niya sa dalaga, alam niya na tototohanin nito ang mga bagay na sinabi niya noon nakaraan, batid niyang naubos na niya ang pasensya nito dahil sa kanyang ginawa."Pare, long time no see!" bati kaagad ni Jordan sa kanya. Naupo ito sa harapan niya sabay kumuha ng isang bote ng beer sa bucket na nakalagay sa lamesa."May balita ka na ba?" nanghihinang sambit ni Andrew."Pasensya ka na Drew, hindi ko rin siya nakakausap