Sa sobrang galit ni Lucy ay hindi niya napigilan na sabihin sa kapatid ang dahilan ng kanyang paghihimutok, halata ang sobrang gulat ni Luke sa nalaman, mabilis itong umalis ng araw na iyon at ilang buwan na itong hindi nagpapakita sa kanila, kaya naman ganoon na lang kadali ang pagbabalik ni Andrew sa eksena, tuloy nanaman ito sa araw-araw na panunuyo.Subalit hindi niya ito magawang mapagtuunan ng pansin ngayon, dahil mas iniisip niya ang mga plano niya para sa hinaharap. Mas dinoble ni Lucy ang pagkayod mula sa negosyo hanggang sa mga sideline upang makapag-ipon ng pera, kaya naman pati ang mga luma niyang trabaho noon ay binalikan na rin niya."Good evening guys, musta na!" bati niya pakapasok sa loob ng bar. Muli siyang kinuha ng may ari nito bilang part timer doon, wala ng alinlangan niya naman iyong tinanggap dahil na rin sa dagdag kita."Lucy musta," bati sa kanya ng isa sa mga waitress na naroon."Faye! long time no see, miss ko na iyong sparring natin!" bati niya kaa
Abalang nagbibilog si Lucy sa dyaryo ng mga murang matitirhan ng araw na iyon, nagplaplano na kasi ang mama niya na sa probinsya na tumira, alam niya na matagal ng gustong umuwi ng mama niya sa kinalakihan nitong lugar, sila lang naman ang inaalala nito kaya hindi nito magawa ang bagay na iyon, kaya naman ngayon ay nagpasya na siya na maghanap ng malilipatan na bahay.Nanlaki na lang ang mata niya nang makita ang nakalathala sa diyaryo, inilapit niya pa iyon sa mukha niya at napangiti ng malapad nang mas mabasa ang nakasulat.Dali-dali niyang tinawagan ang numero sa diyaryo sa takot na baka maunahan pa siya ng kung sino. Perpekto ang lokasyon ng pinaparentahan na lugar, maliban doon maganda din ang presyo nito kada buwan eksakto lang sa budget niya.Halos magtatalon siya sa tuwa matapos makipag areglo sa may ari ng naturang lugar, ngayon kahit papaano ay hindi na mag-aalala ang mama niya sa titirhan nila, maliban doon pwede na rin niyang ayain ang kaibigan na lumipat."Tumatalon-talo
"What do you want exactly?" Hindi niya napigilan ang mapaatras dahil sa unti-unti nitong paglapit."Pose for me!" Madiin nitong sambit.Nanlalaking matang nagpabalik-balik na lang siya ng tingin kay Lhean na tila parang baliw na nakatitig sa kanya at kay Lucy na napapahilot na lang sa sintido nito. "I can't model," natatawang sambit na lang niya.Agad na lang napalingon si Lhean sa kaibigan."Lucy, what am I going to do?" naluluhang sambit na lang nito.Isang malalim na hinga na lamang ang pinakawalan ni Lucy bago siya balingan."C'mon Andrew, you're doing her a big favor."Napalunok na lamang siya nang si Lucy na ang nagsalita, ganoon na lamang ang kabog sa kanyang dibdib lalo pa at sigurado niyang makakasama niya ang dalaga.Wala na rin siyang nagawa bandang huli, hindi niya rin naman gustong mapahiya si Lucy sa kaibigan nito, kaya naman kahit naroon ang kanyang kaba ay hindi na siya tumanggi."Hey Andrew, are you sure you're okay with this?" pansin ni Lucy.Napatigil na lang siya sa
"Ijo, I would like you to meet mister Robert Senson and his daughter Patricia," pagpapakilala ng ama niya sa mga kasama nila sa lamesa."Good afternoon," marahan niyang bati sa mga ito.Agaran niyang napansin ang malagkit na titig sa kanya ng babaeng nagngangalang Patricia kaya naman isang seryosong tango lang ang ibinigay niya dito para kahit papaano ay mapakita niya na hindi siya dito interesado."Hi Andrew, I've heard so much about you," mapang akit ang tono nito nang magsalita.Halatang hindi ito tinalaban ng pagseseryoso niya kaya naman isang tipid na ngiti na lang ang ibinigay niya dito.Ilang oras din niya itong pilit na binabalewala at iniiwasan ng tingin pero nahirapan siyang gawin iyon dahil kinailangan niya itong kausapin at pakisamahan.Kailangan kasi ng kompanya ng daddy niya ng bagong supplier lalo na at nagplaplano nanaman ang ama niya ng bagong proyekto para sa kanilang negosyo at ang pamilya nito ang isa sa mga nagbibigay ng pinakamagandang presyo at mapagkakat
Hindi magkandamayaw si Andrew sa kakahanap kay Lucy, hindi na ito pumupunta sa tindahan ng ina dahil ayon dito ay may sarili na itong negosyo na pinagkakaabalahan, sinubukan niya rin itong puntahan sa mga dati nitong pinapasukan pero ni minsan ay hindi ito sumadya roon, wala rin siyang makuhang impormasyon sa mga kaibigan dahil hindi na nagpapakita si Luke sa mga ito, sinusubukan niya rin itong tawagan pero hindi siya nito sinasagot kahit gumamit pa siya ng ibang numero ay wala rin iyong pinagbago, sigurado niyang napikon ito sa mga sinabi niya at sa pagkakakilala niya sa dalaga, alam niya na tototohanin nito ang mga bagay na sinabi niya noon nakaraan, batid niyang naubos na niya ang pasensya nito dahil sa kanyang ginawa."Pare, long time no see!" bati kaagad ni Jordan sa kanya. Naupo ito sa harapan niya sabay kumuha ng isang bote ng beer sa bucket na nakalagay sa lamesa."May balita ka na ba?" nanghihinang sambit ni Andrew."Pasensya ka na Drew, hindi ko rin siya nakakausap
Hindi mapaglagyan ang matinding kalungkutan ni Lucy ng mga panahong iyon, pakiramdam niya napakahina niya at walang kwenta, hindi niya nagawang kontrahin ang desisyon ng ama niya na dalhin sa isang espesyalista sa Amerika ang mama nila, alam niya rin naman na iyon ang pinaka makakabuti para dito."Sis, are you sure you don't wanna come?" Mababakas ang pag-aalala sa kapatid niya ng mga sandaling iyon, nagdesisyon siya na huwag na muna sumama sa mga ito papuntang states, lalo pa at may mga nasimulan na siya dito."Yeah, don't worry about me, I'll be fine," pagpapakalma niya sa kakambal.Inakap siya nito ng mahigpit, batid niyang nag-aalinlangan itong iwanan siya ng mag-isa roon."Call me if there's a problem," pahabol nito.Tumango naman siya para sabihing Oo, pero batid na batid niya ang lungkot ng kakambal habang papasakay ito sa taxi.Dama ni Lucy ang sobra-sobrang pag-aalala para sa ina, hindi niya rin matanggal ang matinding kaba at takot kaya wala siyang ibang magawa kung hi
Matinding kirot ng ulo ang gumising kay Lucy kinabukasan, pakiramdam niya nabibiyak ang kanyang ulo ng mga oras na iyon, dama niya pa ang hilo habang pinaliligid ang paningin.Nanlaki na lang ang mata niya nang mabatid ang hindi pamilyar na kuwarto, puro gray at puti and disenyo nito at wala halos makikitang masyadong mga palamuti maliban sa ilang mamahalin na larawan at gamit.Nakadama siya ng kaba nang mapagtanto ang nangyayari, mabilisan niyang siniyasat ang sarili, iyon pa rin naman ang suot niya at mag isa lang siya sa kuwarto.Tahimik at buong ingat siyang bumangon sa kama, nakatingkayad pa siyang naglakad patungo sa pinto upang sumilip sa labas noon.Nakahinga lang siya ng maluwag nang makita si Andrew na himbing na himbing na natutulog sa isang itim na leather sofa. Doon niya lang naalala ang mga nangyari kagabi.Natulog-tuloy na siyang lumabas ng sili, tinungo niya ang kinalalagyan ng lalake at tahimik na naupo malapit ditoPinagmasdan niya sandali ang natutulog na bin
"I'm so sorry Andy!" paulit-ulit niyang saad.Hindi mapaglagyan ang hiya ni Lucy ng mga oras na iyon habang humihingi ng tawad dito dahil sa mga nangyari, bakas na bakas pa din kasi sa mukha ng binatilyo ang matinding takot at gulat matapos niyang sugudin."Oh my god Lucy, talaga bang wala kang kinatatakutan?" bungisngis na saad ni Andrea.Mas lalo lang niyang naramdaman ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa sinabi nito, napapapalo na lang ito sa hita dahil sa nasaksihan kanina lang."Hoy Andy, okay ka lang ba?" yugyog niya muli sa binata.Hindi matanggal ang pag-aalala niya sa nagawa sa kaibigan, tulala pa rin kasi ito at namumutla."O...okay lang ako ate Lucy," pilit ngiting sagot ng binatilyo.Naroon pa rin ang bakas ng kaba sa mukha nito kahit pa nagawa na nitong makapagsalita, hindi niya tuloy maialis ang konsensya sa nagawa.Inalalayan na lang nila si Andy paupo sa isang tila kalesa na upuan, biniro na lang ito ni Andrew nang mapansin ang makulit na desenyo nito na na mayro