"Ate, wala bang discount dito sa bag?" pagpupumilit ng isang matabang babae sa kanya."Sige ate, pag mas madami sa sampu ang kinuha mo bibigyan kita ng discount!" agaran sagot ni Lucy.Nagawa niyang makakuha ng pwesto sa divisoria para magsimula ng isang tindahan, napapayag niya ang kanyang mama na humiwalay na sa kanilang daddy matapos ng mga nangyari, subalit nagawa pa din nitong makipagkasundo sa mama niya, kaya ngayon hiwalay silang magkapatid. Si Luke ay sumama sa daddy nila, habang siya naman ay naiwan sa kanyang mama, pero kahit na ganoon ay wala na din siya naging pagtutol, alam niya kasi ang sakit ng ulo na dulot ng kapatid niya dito, kaya naman heto siya ngayon, tumutulong sa munti nilang negosyo para makasiguradong hindi masyadong mahihirapan ang kanyang mama at hindi na nila kailangan umasa ng suporta sa kanyang daddy."Lucy anak, baka napapagod ka na, magpahinga ka na muna," saad ng mama niya. Kasalukuyan itong nag-aayos ng ilan nilang paninda, lumapit siya dito para si
Huling Na-update : 2023-11-09 Magbasa pa