Hindi pa rin mawala sa isip ni Lucy ang mga sinabi ni Andrew sa kanya, mas lalo lang siyang naiirita dito ngayon dahil sa kinumpara nito ang sarili sa dati niyang kasintahan. Para kasi sa kanya, hindi hamak na mas nakakalamang si Jeffrey kaysa dito.
Kinuha niya na lang ang cellphone niya sa bag, kailangan niya ng kausap kaya naman dali-dali niyang tinawagan ang matalik na kaibigan.
"Cel, I need help!" agad niyang bungad dito ng sagutin nito ang tawag.
"Problema mo Cy?" alalang tanong nito.
"Ayaw ko pag usapan sa phone, pasok ka ng maaga please!" paglalambing niya dito.
Hapon pa kasi ang pasok nito kaya sigurado niyang matatagalan pa kung sakaling hindi siya makikiusap.
"Sige, kita na lang tayo sa school, mag bibihis na ako," agaran naman sagot ni Celina na siyang ikinatuwa niya.
"Yey! Love you Cel, mwa mwa!" masaya niyang paalam dito.
Alam niyang matatagalan pa ang kaibigan sa pagdating kaya tumungo na muna siya sa canteen para kumain.
Patapos na siya sa pagsesiesta nang bigla na lang dumating ang kanyang kapatid niya, naupo ito sa harap niya at kita ang pag aalala sa mukha nito.
"Lucy, tell me. May ginawa ba si Andrew sa iyo?" agaran nitong pang uusisa sa kanya na siya namang ikinataas ng kanyang kilay.
"Sa tingin mo ba may magagawa siya sa akin?" maangas niyang sagot sa kapatid.
Napabuntong hininga na lang ito sabay napakamot sa ulo. "You don't have to protect him you know!" medyo irritable nitong sambit.
Hindi niya napigilan ang inis dahil na rin sa tono ng kakambal. "Why the fuck would I try to protect that asshole! Sabihin mo nga, kanino niya nalaman iyong tungkol kay Jeffrey!"
Masasabi niya kasing piling tao lang ang nakakaalam noon, lalo na at pribado ang bagay na iyon at matagal na panahon na rin ang nakakalipas.
Nakadama siya ng inis nang makita ang biglang pagbabago ng hitsura ng kapatid, natanto niya na maaaring ito ang may kasalanan.
Tinitigan niya ito ng masama sabay tutok ng hawak na plastik na tinidor sa mukha nito, nakita niya kung paano lumaki ang mata ng kakambal at mamutla habang napapaatras.
"I didn't mean to tell him, lasing na kasi ako noon ng magtanong siya, I thought he was just curious." Naroon na ang biglaang pagpapawis ni Luke ng mga sandaling iyon.
"You freaking asshole! You’re my brother, paano mo ako nagawang ipagkalulo!" Nagngingitngit na sigaw ni Lucy.
Mabilis pa sa alas kuwatro itong kumaripas ng takbo paalis sa kinauupuan ng tumayo siya.
Napatili na lang siya sa sobrang galit, nabali niya pa ang hawak na tinidor dahil sa sobrang inis sa ginawa ng kapatid. Wala na siyang pakialam sa mga taong nasa paligid, agaran niyang hinablot ang kanyang bag para habulin ang kakambal.
"Luke bumalik ka dito!" sigaw niya.
Hindi niya napigilang magulat at magtaka sa kakaibang bilis nito tumakbo, kung dati ay agad niya itong naaabutan, ngayon ay para itong athleta sa bilis ng pagkaripas papalayo sa kanya. Natigil lang siya sa paghabol dito ng hindi niya na malaman kung saan ito nagtungo.
Pinilit niya na lang ilabas ang galit sa pag sigaw habang napapakuyom ng kamay sa pagdadabog sa koridor na kinalalagyan.
Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone para tawagan si Celina, kailangan niya ng kausap para kumalma.
"Hello!" agaran nitong sagot sa tawag niya.
Nakadam siya ng paghinahon nang marinig ang boses ng kaibigan. "Cel, nasaan ka na! I so need you right now!" pilit niyang pinipigilan ang pag-iyak sa sobrang inis.
"Nandito na ako sa school, dadaan lang ako sa restroom, may bumato kasi sa akin ng bugok na itlog, kainis!" saad nito.
Bigla siyang nakadama ng pag-aalala para sa kaibigan "What! Nakita mo kung sino gumawa, nasaan ka?" sunod-sunod niyang tanong.
Nabaling ang atensyon niya sa sumbong ng kaibigan kung kaya naman agaran niyang nakalimutan ang inis at galit.
"Hindi ko nakita, pero papunta ako sa C.R. malapit sa canteen," pagpapaalam ni Celina.
Nagmamadali siyang naglakad pabalik, malayo-layo na din siya sa canteen dahil sa ginawang paghabol kay Luke.
"Iyong malapit sa Lab?" paninigurado niya, tatlo kasi ang C.R. na malapit sa canteen.
"Oo," mabilis nitong sagot.
"Sige, hintayin mo na lang ako dyan."
Kahit hinihingal na ay pinilit niyang mabilisang maglakad patungo sa kinaroroonan ng kaibigan, kinukutuban kasi siya ng masama at hindi niya gusto iyon, kahit naiinis pa siya sa kapatid ay dali-dali niya itong tinext.
Message to Luke:
Ugok! may nang tritrip kay Celina! papunta na ko sa C.R. na nasa gitna ng canteen at Lab! I need back up!
Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang pintuan ng C.R. napansin niyang may ilan mga tao ang nagbubulungan malapit doon.
Tsaka niya lang narinig ang kung anong ingay mula sa loob nang mas makalapit kaya mas binilisan niya ang paglalakad, isang malaking babae ang bigla na lang humarang sa pintuan kaya napatigil siya.
"Bawal pumasok!" pagbabanta nito.
Napangisi na lang siya, mukhang may mapagbubuntungan na siya ng galit na kanina niya pa gustong mailabas.
"Ano bang problema niyo?" alingawngaw ng boses ni Celina.
Nagpantig ang kanyang tenga nang marinig ang boses ng kaibigan mula sa loob, hindi niya napigilan pakabalingan ang pinto na nasa likod ng malaking babae.
"Umalis ka na kung ayaw mong madamay" muling pagbabanta ng matabang babae na nakaharang sa kanya.
Hindi hamak na mas malaki at mas matangkad ito kay Lucy, pero hindi siya nakadama ng kahit anong takot mula dito.
"Lucy, anong nangyayari? Nasaan si Celina!?" alalang tanong ni Luke.
Nagulat siya sa kapatid, nasa likod niya na pala ito at humahangos, mabilisan siyang lumapit sa kakambal nang maalala ang liksi nito kanina.
"Bakit bumilis ka yata sa pagtakbo? Sabihin mo, nagmamarathon ka ba!" inis niyang sambit ng mahawakan ito sa manggas.
"Gago! Nasaan na si Celina?" bara ni Luke.
Halata ang pagkabalisa ng kapatid ng mga sandaling iyon dahil hindi ito mapakali sa pagpapalinga-linga ng tingin sa paligid.
Agaran niyang ipinahawak ang bag dito matapos itong hatakin palayo doon, sabay mabilisan kumuha ng ipit doon upang maitali ang kanyang buhok.
"Away babae ito! Maghanap ka ng professor o guard bilis," utos niya sa kakambal.
"Lucy sandali!" magsasalita pa sana ito pero patakbo na siyang nagtungo sa nakaharang na babae.
"Ang tapang mo ah!" agarang pagpigil ng naturang estudyante kay Lucy nang akmang papasok na siya sa pinto, nagawa siya nitong hawakan sa balikat kaya naman hindi siya kaagad nakalampas dito.
Isang malakas na uppercut ang pinakawalan ni Lucy sa mukha nito, napahawak ang babae sa bibig dahil sa sakit kaya mabilis niyang sinundan ng malakas na sipa ang tagiliran nito.
Nakita niya kung paano kapusin ng hininga ang matabang babae pakasubsob sa sahig, sinundan niya pa iyon ng dalawang malalakas na sipa sa sikmura at dalawa sa mukha, tumigil lang siya nang makitang wala na itong malay.
Halata naman na nagulat ang mga tao sa paligid ni Lucy kaya mas lalong nagkumpulan ang mga ito sa harapan ng lugar.
Agaran siyang pumasok sa C.R. at parang nagdilim ang kanyang paningin nang makita ang ginagawa ng limang babae kay Celina.
Halos hubo’t hubad na ang matalik niyang kaibigan dahil sa walang habas na paghahatak ng mga nakapaligid dito, naroon na rin ang panghihina nito dahil sa bugbog na tinatamo mula sa mga babae.
"Heeeyaaa!" sigaw niya ng tamaan niya ng kanyang roundhouse kick ang babaeng humahatak sa palda ng kaibigan.
Tumilapon ito pasubsob sa sahig, batid niyang napuruhan niya ito sa lakas ng pagkakasipa, napahawak kasi ito sa likod at halos hindi na makagalaw matapos bumagsak.
"Anong ginagawa niyo sa bestfriend ko!"
Hindi mapag lagyan ang sobrang galit niya ng oras na iyon, wala na siyang pakialam kahit mapatay niya ang mga babaeng iyon pero hindi siya magpipigil sa mga ito.
Sinugod siya ng dalawang alipores na bumubugbog kay Celina. Iyong isa ay ang nanghahampas ng bag, habang ang isa naman ay ang katulong sumasabunot sa kaibigan niya.
Akmang susubukan siya ng mga ito na hawakan, kaya natawa lang siya dito dahil halatang walang mga alam, hindi tulad niya na nagprapractice ng martial arts.
Madali niyang nasalo ang kamay ng isa sabay pinilipit iyon, sinundan niya ng sipa sa tuhod nito para mapaluhod, halata naman nagulat ang kasama nito sa kanyang ginawa kaya hindi na ito naglakas loob na lumapit, hinawakan niya kaagad sa ulo ang babaeng nakaluhod sabay malakas na iniuntog sa ding-ding na malapit, dalawang beses niya iyong ginawa para mapatulog ito.
Patungo na sana siya kay Celina dahil pinagtutulungan pa din ito, pero biglang nagmatapang na humarang iyong babae kanina.
Buong lakas nitong inihahampas ang bag sa kanya, hindi niya ito mapagtuunan ng pansin dahil sa pag-aalala sa kaibigan, natanggal lang ang pag aalinlangan niya nang magawang masipa ni Celina ang isa sa mga umaatake dito, kaya napasubsob iyon, kaya naman binalingan niya na ulit ang pang gulong babae sa kanyang harapan.
Sinalo niya ng sipa ang hampas ng bag nito, kaya napaatras ito ng kaunti, sinundan niya ito ng isa pang sipa sa mukha na siyang nagpaupo dito pero kita niya na may malay pa din ito, kaya mabilis siyang lumapit sa babae sabay hawak sa kuwelyo ng uniporme nito, isang malakas na headbutt ang pinakawalan niya upang masiguradong tulog ito.
Agad niyang binalingan si Celina at nakitang papatayo na iyong babaeng napataob ng kaibigan kanina, kaya dali-dali siyang tumalon para bigyan ito ng isang flying kick sa mukha.
Mabilis itong nawalan ng malay dahil sa tindi ng tama mula sa pinakawalan niyang atake, binalingan niya muli si Celina at laking tuwa niya na lang nang bigla nitong suntukin ang nakahawak sa buhok nito.
Taob kaagad ang babae dahil sa lakas ng suntok ng kanyang kaibigan pero hindi ito napuruhan gumagalaw-galaw pa ito ng kaunti kaya naman siya na ang lumapit dito at dinaganan ito bago sunod-sunod na pinaulanan ng sampal.
Lalo pa siyang nainis nang manlaban pa rin ito, kaya dalawang malakas na suntok na ang ibinigay niya sa mukha nito para mapuruhan.
Pinagmasdan niya ang paligid, bagsak na lahat ng kaaway nila at lahat ay duguan sa mukha at mga wala ng malay.
"Cel, okay ka lang?" alala niyang sigaw sa kaibigan.
Puno ng pasa at galos ang katawan ni Celina, kinabahan na lang siya ng bigla itong mapaluhod, mabilis siyang gumapang papalapit dito, nagsimula na itong humagulgol kaya niyakap niya ito kaagad para mapatahan.
Tsaka naman bumukas ang pinto para pumasok ang isang babaeng professor ng school, halata ang gulat sa mukha nito, pilit niyang inayos ang damit ni Celina na nagkalasog-lasog para pilitin matakpan ang katawan nito.
"What happened here?" sita ng professor sa kanya.
"What do you think mam! Anim sila, dalawa lang kami. Sinubukan nila kaming pagtulungan, buti na lang marunong ako ng self defense kung hindi ay kami sana ang nabugbog!" irrita niyang sagot dito.
"At anong dahilan nito?" galit nitong saad sa kanya
"Why don't you ask them! I'm sure they will have a very fabricated reason for this. Just so you know, sila ang nagsimula nito, kung hindi ako dumating baka kung ano na nangyari sa kaibigan ko! How could the faculty let this happen and inside the school premises! My mom will hear about this!" pagbabanta niya nang mapansin na hindi sa kanya panig ang professora.
Napalunok ito dahil doon, pero nanatili lang ito sa kinatatayuan, halatang nabigla at hindi na malaman ang gagawin.
"Lucy, okay lang ba kayo?" alalang tawag ni Luke mula sa labas.
"Luke pumasok ka dito, dalian mo at walang ginagawa iyong tulong na tinawag mo!" Inis niyang singhal sa kapatid.
Tinititigan lang kasi sila ng professor at halatang hindi pa rin ito magkandaugaga dahil sa hitsura ng buong lugar na tila pinangyarihan ng krimen sa dami ng dugo na nakakalat.
Mabilis naman na sumunod ang kapatid niya at laking gulat nito nang madatnan sila at makita ang hitsura ni Celina.
"Shit! Sandali lang, may tuwalya ako sa kotse!" kumaripas ulit ito ng takbo palabas sa C.R.
"Ano mam, tutunganga na lang kayo diyan! Humingi kayo ng tulong sa labas!" Singhal niya sa naturang propesora.
Halata naman na nagulat ito sa kanya pero sumunod na din ito, lumabas ito at nag-utos sa ilang mga estudyante na tumawag pa ng ibang professors at security.
Maingat niyang inalalayan si Celina papasok sa isang cubicle para doon muna manatili upang walang makakita dito.
Ilang saglit lang ay dumating na din si Luke dala-dala ang towel nito, kinuha niya iyon at ibinalot kay Celina, awang-awa siya dahil sa hitsura nito ng mga sandaling iyon, akmang lalakad na sana sila palabas nang mapansin niyang iika-ika ang kaibigan.
"Luke, kargahin mo si Celina bilis, kailangan natin siya dalhin sa clinic!"
Agaran naman itong sumunod at binuhat si Celina ng bridal style.
"Dahan-dahan lang," sermon niya dahil sa pagkataranta ng kakambal. "Siguro naman kaya niyo na ang mga walang hiyang iyan!" inis niyang baling sa professora na nandoon bago ito lagpasan.
Mabilisan silang lumabas doon, pilit niyang itinatakip ang sarili sa kaibigan habang papatakbo sila sa clinic.
Napakadami na kasi ng estudyante na nakikiusyoso ng mga oras na iyon at hindi maganda kung makikita nila ang kaibigan niya.
"Mag si-alis nga kayo sa daan!" irritable niyang sigaw nang makitang may ilang mga sumubok na lumapit para makita kung sino ang karga ng kambal niya.
Kumalma na lamang siya nang makarating na sila sa clinic at hindi na makapasok ang ilan sa mga estudyante doon.
Halos magwala siya sa harap ng dean habang ikinikuwento ang nangyari sa kanila, pinuntahan sila nito sa clinic kaya siya na ang humarap dito habang nilalapatan ng lunas ang kanyang kaibigan.
Mabuti na lang at naniwala ito sa kuwento niya dahil na din sa magandang records nilang magkaibigan sa school.
Running for cum laude kasi si Celina habang siya naman ay dean's lister, malaking pagkakalayo mula sa mga babaeng sumugod sa kanila na puro pasang awa lang. Nandoon din ang katotohanan na kilala sa pagiging war freak ang mga ito dahil sa ilang beses ng napatawag dahil sa parehas na sitwasyon.
Minabuti niya ng balikan ang kaibigan para kumustahin ito matapos masabi ang kanilang panig, napataas siya ng kilay nang makitang komportableng-komportable si Luke habang yakap-yakap ito, panaka-naka pa ang nakaw na halik nito sa ulo ni Celina kaya naman batid niyang sinasamantala na nito ang pagkakataong iyon. Hindi niya tuloy maiwasang kumulo ang dugo dito kahit pa sabihin na kapatid niya pa ito.
"Cy ayos ka na, natawagan mo na ba si ninang Isme?" papansin ni Lucy.
Tumango naman ito sa kanya kaya pumagitna na siya dito, matapos maitulak pabitaw ang kapatid ay buong ingat niyang inalalayan pahiga si Celina tapos ay ipinatong niya ang kumot dito.
"Cel, magpahinga ka na muna, may pag-uusapan lang kami ni Luke sandali," bulong niya sa kaibigan. "Huwag ka mag-alala, nandiyan lang ako sa labas okay."
Matapos noon ay agaran niyang hinatak si Luke palabas ng clinic.
"Lucy, hindi natin pwede iwan si Celina! Nakita mo naman hitsura niya."
Batid niya ang pag aalala ng kapatid para sa kanyang kaibigan, pero sadyang nanumbalik ang inis niya dito, kaya naman sinikmuraan niya ito sabay mabilis na pingot sa ang tenga nito para hindi na makatakbo.
"Akala mo siguro nakalimutan ko na iyong ginawa mo no!" Malapad niyang ngisi habang pinanlilisikan ito ng mga mata.
Halata ang pamumutla ng kapatid niya, puting-puti na kasi ang mukha nito at naroon na ang mabilisan na pamamawis.
"A...Andrew! Bakit ka nandito" Inis na sambit ni Luke sa kanyang likuran.
Nadama niya ang mabilis na pagkulo ng kanyang dugo sa sinabi ng kakambal, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nawawala ang galit niya sa mga sinabi ng binata kanina.
Huminga muna siya ng malalim para kahit papaano ay maging mahinahon at sibelisado ang kanyang mukha, pagkatapos noon ay dahan-dahan na siyan tumalikod. Ganoon na lamang ang pagkunot ng kanyang noo nang magawa ng humarap doon.
Laking gulat ni Lucy nang walang makitang tao doon, nagawa tuloy ni Luke na tabigin ang kamay niya para mapabitaw sa pagkakahawak sa tenga nito.Sinubukan niya pa itong hablutin pero parang itong pusa sa galing at bilis ng pag-iwas sa kanyang kamay habang kumakaripas ng takbo.Parang palos ang kanyang kakambal sa liksi sa paggalaw papalayo, walang alinlangan sa pagsalubong at talon sa may bakod upang makalayo lamang."Luke!" Inis niyang sigaw. Napahinto na lamang siya nang mapansin na halos papalabas na siya sa hallway ng naturang gusali.Hindi niya na ito nagawang mahabol dahil sa takot niyang iwan ng mag-isa si Celina lalo pa at dinala din sa naturang klinika ang mga binanatan niya kanina. Matagal pa ang ninang nito kaya naman kahit naroon ang matinding inis at galit niya kay Luke ng mga sandaling iyon ay minabuti niya na lamang na palampasin ang paghihiganti.Hinayaan niya na lang muna ang kapatid, kung tutuusin ay wala rin naman itong takas sa kanya sa bandang huli, kung kinakai
"Lets party!" masayang saad ni Andrew habang papasok sila ng bar. Agad sumalubong sa kanila ang dumadagundong na tunog ng musika at ang walang patid na pagpapatay sindi ng iba’t-ibang kulay na ilaw.Panaka-naka na ang kanyang pagsasayaw habang papunta pa lamang sila sa ikalawang palapag ng naturang lugar, kung nasaan ang pribadong lamesa na pina reserba nila.Ilang araw na din siyang nagpapakasaya matapos ang kapalpakan na nagawa noon nakaraan araw. Pilit niya na lang ngayon pinapasok sa sarili ang payo ng kaibigan na si Vincent, kung tutuusin nga naman, napakaraming babae ang nagkakandarapa sa kanya, kaya minabuti niya na lang na pagtuunan ng pansin ang mga ito.Kapansin-pansin na din kasi sa mga kaibigan at kamag-anak niya ang tila paghahabol niya kay Lucy. Nabatid niya tuloy na hindi na maganda ang epekto sa kanya ng dalaga, naroon ang kanyang pag-aalala dahil hindi naman siya ganoon, kung kaya pilit niya ngayon ibinabalik ang sarili sa dati. Sa isip-isip niya, hindi pwedeng mas
"Lucy bayaan mo na!" Pilit siyang hinahatak ng kasama palabas sa restroom, padabog na lang siyang naglakad habang sumusunod dito dahil sa pagkairita at init ng ulo."Tama ba naman na gawin motel ang restroom!" Hindi maitago ni Lucy ang pagkainis ng mga sandaling iyon dahil sa alam niya ang nangyayari sa naturang palikuran. "Kayang magpunta sa mamahaling bar, pero walang pang motel!" bulyaw na lang niya habang papalabas sila upang iparinig sa mga naroon.Napapatawa na lamang ang kasamahaan ni Lucy sa kakasermon niya habang padabog na naglalakad."Kung ako sa iyo Lucy, hindi ko na lang iyon papansinin, mayroon talagang mga ganyang tao, naghahanap ng thrill! Alam mo naman," Napapanginig na sambit na lamang nito.Tiningnan ni Lucy ang kasama habang nagsasalita ito, nabatid niya na para bang lutang ang isipan ng babae habang nagpapaliwanag sa kanya dahil halos naroon ang malapad na ngisi nito at ang tila napapatirik na mga mata."Don't tell me na try mo na iyon ganoon?" Pagtataas niya ng
Mabilis niyang pinakaripas ang kanyang sasakyan pabalik sa bar upang muling hanapin si Lucy, hindi siya mapakali sa kung bakit nandoon ang dalaga.Mas nababahala pa siya dahil hindi niya ito nagawan masilip sa cubicle kanina, kaya naman naroon ang kung anong pagkataranta at pag-aalala sa kanya kung ano ang suot nito ngayon, lalo pa at dagsa ang kalalakihan doon ngayon.Todo ayos pa siya bago bumaba sa kanyang sasakyan, gusto niyang siguraduhin na mapapansin siya nito sa oras na magkita sila, gusto niyang ipakita sa dalaga na hindi siya apektado sa ginawa nitong pagtanggi sa kanya.Tulad kanina ay kompyansang-kompyansa siyang pumasok sa loob ng bar, nakita niyang nandoon pa rin ang mga barkada niya. May kasayaw na si Jordanhabang si Raymond naman ay may kausap sa lamesa nila, hinayaan niya na muna ang mga ito at pinalibot ang kanyang paningin para hanapin si Lucy, subalit hindi niya ito magawang makita. Nagtungo na lang siya sa counter bar para umorder ng inumin, naisip niya marahil
Nanlaki ang mata ni Andrew nang makita kung anong sasakyan nila, napatulala na lang siya habang inaayos ng dalaga ang paglagay sa backpack nito sa likuran ng big bike, nagulat pa siya ng iabot na ni Lucy ang isang parang sumbrero na helmet mula sa compartment nito para sa kanya."Uhm, Lucy. Can't we just take my car?" Hindi niya gustong ipahalata sa dalaga ang takot at pagaalinlangan dahil sigurado niyang gulo nanaman iyon. Subalit hindi niya mapigilan magsalita dahil natatakot siyang sumakay dito dahil hindi siya sigurado kung kaya siya nitong iangkas. "No can do! Alam mo ba na mas madaling nakawin ang motorcycle kaysa sa kotse. And besides, your car is park in front of the bar, pinakiusap ko na iyon kay manong Fredo, so no need to worry about it."Napalunok na lang si Andrew nang sumakay na doon ang dalaga, hindi niya matanggal sa isip ang takot sa posibilidad na maaari silang maaksidente."Why, hindi mo ba kayang umangkas?" Makulit na ngisi ni Lucy sa kanya.Hindi niya gustong ma
Tulad ng inaasahan ni Lucy may kakaiba nanaman naisip ang kaibigan niyang si Lhean para sa performance nila sa kaarawan ni Andy, kaya heto sila ngayon at nakacosplay para sa sing and dance na gagawin, sa kasamaang palad hindi nila kasama ang birthday boy dahil hindi ito pinayagan ng mga magulang nito."Guys, get ready. Malapit na tayo!" saad ni Lhean matapos lumitaw sa kung saan."Baliw ka talaga Lhean, hindi kaya pagalitan tayo ng parents ni Andy!" sita niya. Nag-aalangan kasi siya sa pagtatanghal nila dahil sa naisip ipagawa ng kaibigan."Ipinaalam ko na sa kanila na medyo mature itong performance natin. Besides, nasa age nanaman si Andy, he's eighteen years old! Kung tutuusin nga parang pambata pa rin itong performance natin," buong kompyansang sagot nito sa kanya."Pambata! Tingnan mo nga ang mga suot natin," singit naman ng isa nilang kasama na si Faye."Bakit? We are portraying anime characters," agaran sagot ni Lhean dito."Siguraduhin mo lang na hindi magagalit iyong parents n
"Ow, c'mon sis! Minsan na nga lang ako makiusap sa iyo hindi mo pa ako mapagbigyan! " parang batang nagmamaktol si Luke sa kanya."I have things to do, and besides, ano ba mapapala ko diyan!" mataray na sagot niya sa kapatid na mas lalong nagpasimangot dito."You're doing me a favor!" pagmamakaawa nito sabay luhod sa kanyang harapan."No!" inis niyang sagot sa kakambal."Ano ba kasing pinakain sa iyo ni Andrew at pinipilit mo akong pumunta doon sa party niya!" nakakadama na siya ng pagdududa sa pagpupumilit ng kapatid."Eh ikaw, ano bang problema mo! It's just a party. And besides, birthday naman ni Andrew, I promised him that you'd come with me!" Singhal na balik ni Luke.Doon tumaas ang kilay ni Lucy, batid niyang may kung ano pa din hindi masabi sa kanya ang kapatid at nararamdaman niya iyon."Ipinagkakalulo mo na ba ako! You're my brother, you should be protecting me from dark forces like him!" Pamamaywang na sermon niya dito."Of course not! Nandoon naman ako, so I know that Andre
Litaw na litaw ang malapad na ngisi ni Lucy habang iniaangat sa katawan ni Celina ang mga binili nilang bathing suit. Sigurado niya kasing lilitaw lalo ang kagandahan at pagiging kaakit-akit ng kaibigan sa mga iyon na siyang gugulo sa kanyang kakambal."Vengeance shall be mine!" Tuwang-tuwa niyang sambit habang naiisip ang magiging reaksyon ng kapatid.Kita naman ang mabilis na panlalaki ng mata ni Celina, mukhang nakuha na nito ang dahilan ng pagbili niya noon base na rin sa kanyang ginagawa."Hindi ko iyan susuotin," napapalunok na sambit nito."Cel, beach party ito, kailangan naka swimsuit ka. Hindi ko hahayaan na mapahiya ka no, kaya pumili ka na!" sermon niya sa kaibigan. Napanguso na lang ito pero bandang huli ay wala rin nagawa kung hindi ang pumili sa dalawa niyang ipinakita. Nagusutuhan nito ang kinuha niyang two piece black swimsuit na nakatali sa side, buti na lang talaga naisip niyang kunin iyon dahil sigurado niyang iyon ang pipiliin ni Celina dahil sa conservative niton
"Ahndrew!" malakas na ungol ni Lucy dahil sa pagbayong ginagawa niya. Subalit pinanatili niya lang ang pagkakadikit ng kanilang mga katawan dahil sa sobra-sobrang pananabik, kaya
"Kuya Andrew bakit hindi ka pa nagbibihis, magsisimula na iyong party!" saad ni Andy pakapasok sa kanyang kuwarto. Tinalikuran niya lamang ito nanatiling nakaupo, minarapat niya na lamang na ituon ang tingin sa bintana nang marinig itong papalapit."Tsk, don't bother me," pagtutulak niya dito dahil
Ganoon na lang ang gulat ni Lucy nang bumalik ang kakambal niya ay kasama na
Matagal niyang pinakatitigan ang folder na binigay ni Angelyn nang makadating sa bahay, natatakot siya sa maaaring laman nito. Maliuban doon ay poot at inis ang nadarama niya dahil sa mga sinabi ng babae kaya
"Bee, nasaan ka, bakit hindi ka umuwi?" alala niyang saad.Magdamag niyang hinintay si Andrew ngunit hanggang sa makatulog na siya at magising ng alas-kuwatro ng madaling araw ay wala pa rin ito.Nagdulot iyon ng kung anong sikip at kurot sa kanyang dibdib kaya naman napatawag na lang siya dito ng wala sa oras."Hey hon, uhm I...I'm still
"Bee, bakit iyan nanaman iyong suot mong tie?" sita niya nang makitang suot nanaman nito ang bagong ibinigay niya. "This is my favorite tie," taas noong saad nito na wari’y nagmamaktol. "Akin na, lalab
"Honey, galit ka pa rin ba?" Yakap ni Andrew sa kanya habang papatulog na
"Hon, anong oras ka uuwi?" paglalambing niya dito, napapikit na lang siya ng may marinig na kumalabog mula sa kabilang kuwarto. Pilit niya na lang isinasawalang bahala ang kung ano mang bagay na maaaring nasisisira ng mga oras na iyon, dahil ang mas prayoridad niya ngayon ang ay kung paano muling makukuha ang loob ng babae, lalo pa at mukhang mainit nanaman ang dugo nito sa kanya. "You better pray I'm not pregnant Andrew or I swear," naniningkit matang duro ni Lucy habang isinasabit ang bag sa balikat.
Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang nakaupo si Andrew sa kanyang kama, nakayuko ito at nagsasalitang mag-isa habang hawak ang mga dala nitong bulaklak. Laking pasalamat niya na lang at nakapagbihis na siya sa loob ng banyo kung hindi ay baka kung ano nanaman ang maisip nito. "Anong ginagawa mo dito?" Pagtataas niya ng isang kilay sabay nameywang. Agad naman itong napatayo nang makita na siya. "Hon, can we just talk." Dahan-dahan nitong lapit habang iniaabot ang mga bulaklak sa kanya. "There's no point in talking Andrew," madiin niyang sagot sabay hablot sa hawak nito para itapon sa may lamesa.Naroon man ang kung anong bigat at hapid sa kanyang dibdib dahil sa ginawa ay minarapat niya na lamang iyon isantabi para na rin matigil na si Andrew. "I gave you all the chances and you fucking wasted it, not just once but three times already!" duro niya dito, hindi niya pa rin matanggal ang galit na nadarama sa tuwing naaalala ang ginawa nito. Naroon pa rin ang sakit sa kany