Home / Romance / Her womanizer / Chapter 1 Fall of the iron maiden

Share

Her womanizer
Her womanizer
Author: Remnis Luz

Chapter 1 Fall of the iron maiden

Author: Remnis Luz
last update Last Updated: 2023-11-02 16:31:13

"Jeff!" puno ng galak at tuwa ang pagbati ni Lucy habang tumatakbo patungo sa lalake.

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya dito ng makalapit. "Oh, bakit parang ang lungkot mo?" taka niyang tanong ng mabatid ang hitsura nito.

"It's nothing, let's go! Baka malate pa tayo sa school."

Batid ni Lucy na may itinatago ang kasintahan pero sinadya niya na lang itong balewalain, hindi niya kasi gustong sirain ang araw na ito ngayon.

Nanatiling tahimik si Jeffrey hanggang sa makarating sila sa school, tulad ng nakagawian nila ay inihatid siya nito sa kanyang classroom bago nagtungo sa sariling klase, hindi na lang niya pinansin ang pananahimik ng binata ng araw na iyon, ang tanging nasa isip niya ay baka may iniisip lang ito, mas itinuon niya na lang ang pansin sa surpresa niya dito.

"Angelyn!" bati niya sa kaibigan sabay umupo kaagad sa tabi nito.

"Hi Lucy! Ang saya mo ngayon ah!" bati nito kaagad sa kanya sabay kuha sa bag at halungkat dito.

"Tama ba iyong nabili mo? mamaya iba yang napili mo ah!" sambit niya dito habang naghihintay sa kinukuha ng kaibigan.

"Buti na lang talaga ibinigay mo sa akin iyong pangalan at model nito, nakakalito naman kasi. Halos pare-parehas naman kasi sila." Nakanguso ito habang iniaabot sa kanya ang ipinabili.

"Ay! Thanks friend, mahahalata niya kasi sa bag ko kung dinala ko ito!,thanks talaga!" puno siya ng galak habang tinitingnan ang ireregalo niya sa kasintahan, pinag ipunan niya talaga ang bagay na iyon para sa araw na ito, kaya naman hindi niya mapigilan ang pananabik na maibigay na iyon, kaya naman paka-tunog pa lang ng bell ay nagmamadali na siyang lumabas ng klase nila patungo sa tagpuan nila tuwing lunch, sunod sunod ang pag iisip niya ng mga possibleng maging reaksyon nito sa oras na ibigay niya ang regalo niya, parang gustong lumundag ng puso ni Lucy nang maaninag niya na ito sa ‘di kalayuan, buong tuwa siyang kumaway sa binata.. " Jeff! " Pagpapapansin niya.

"Lucy!" bati nito habang papalapit sa kanya, may dala-dala itong isang maliit na bouquet ng bulaklak at isang nakabalot na regalo."For you." Abot nito sa bulaklak at regalo.

Halos magningning ang mga mata ni Lcuy pakakuha sa boquet, naupo sila kaagad sa bench na malapit doon, dali-dali niyang binuksan ang regalo nito.

"Jeff! Oh my god, thank you!" halata ang saya niya habang tinititigan ang librong ibinigay nito na ‘Book of Mythology’, bigla niyang naalala ang regalo niya dito at inilabas iyon."Sana magustuhan mo. Happy anniversary!" buong puso niyang bati dito habang iniaabot ang kahon.

"Salamat Lucy." Kita niya ang ngiti sa mukha nito pero halata niya naman ang lungkot sa mga mata ng lalake.

Nag iba lang iyon nang makita kung ano ang regalo niya "Whoa! Gundam Wing Endless Waltz Edition!" Halata ang biglaang pagbabago ng mukha nito dahil sa regalo niya. Mas lalo pa siyang nagalak nang bigla na lang siya nitong yakapin ng mahigpit."Thanks Lucy, thank you so much! I'm really lucky to have you."

Ibinalik niya naman ang akap nito, sobrang saya ang nadadama niya ngayon dahil dito.

"Kumain na tayo, nagluto ako ng spaghetti."

Subalit hindi ito bumitaw sa pagkakaakap sa kanya, mas lalo lang humigpit iyon."Jeff a...ano bang problema mo? Kanina ka pa ganyan ah!" hindi niya na mapigilan ang mag alala sa inaasal nito.

"Know that I will always love you Lucy!" nahihikbi nitong saad sa kanya.

Doon na siya biglang nakaramdam ng kaba. "Bakit mo ba sinasabi iyan, may problema ba?" alala niyang tanong dito habang pilit na pinipigilan ang nagbabadyang mga luha.

"I'm leaving Lucy, kinukuha na ako ni mama. She wants me to continue my studies sa states." Dama niya ang matinding lungkot at pagsisisi sa boses ng binata.

Napaakap na lang siya ng mas mahigpit dito, kahit na mahirap ay pinilit niyang tibayan ang loob."Ayos lang naman ako sa long distance relationship, we can work this out!" pilit niyang pagpapakalma sa binata.

Nag angat ito ng ulo sabay tinitigan siya, kita niya ang pamumugto ng mga mata nito dahil sa pag-iyak. "Hindi Lucy, you remember our promise. If something like this happens, we will not let ourselves be burdened by the other, remember? I know na madami pa ang lalakeng mahuhulog sa iyo and I will not stop you from finding the person that will make you happy."

"Pero paano kung ikaw na nga iyon, pwede pa rin naman natin ipagpatuloy ang relationship natin. Hindi naman siguro magiging hadlang iyon," pagmamakaawa niya dito habang hawak-hawak sa kamay ang mga pisngi nito.

"I'm not even sure if I'm ever going back Lucy."

Halos madurog ang puso ni Lucy ng sabihin nito ang mga katagang iyon, sa sarili alam niya din na malabo ang L.D.R. dahil siya na din mismo ang nagsabi dito na mababa ang porsiyento ng nananatili sa ganoong relasyon.

"I'm so sorry Lucy." Napasubsob na ang mukha nito sa balikat niya.

"No, it's okay, if we're meant to be, we're meant to be," pagpapatahan niya dito habang hinahaplos haplos ang ulo nito.

Hindi niya gustong maging mahina sa harap ng lalake dahil sa kanilang dalawa siya ang palaging mas malakas.

Masasabing simple lang si Jeffrey, siya ang typical na binata na hindi masyadong pansinin, hindi naman pangit, pero hindi rin masasabing guwapo, nasa gitna lang kumbaga, nakahiligan din nito ang anime at ang mag-laro ng mga computer games tulad niya, pero ang pinakanagustuhan niya sa binata ay ang pagkakaroon nito ng paninindigan sa mga salitang binibitiwan, ganoon din ang matibay nitong prinsipyo.

Madalang siyang makakita ng mga ganoong lalake, madalas kasi mga irresponsable at pa feeling guwapo ang mga umaaligid sa kanya, kaya nang magmatapang itong manligaw sa kanya, kahit na wala ito sa criteria ng gusto niya ay sinagot niya na ito, dahil alam niya madalang na ang mga tulad nito. Pero ngayon ng dahil sa kagagawan ng tadhana, kailangan niyang bitiwan ang kauna-unahang lalakeng bumihag sa kanyang puso .

Nanatili silang magkayakap hanggang matapos ang lunch time, umuwi na rin si Jeffrey dahil kailangan na nitong mag-impake, kaya naman ganoon na rin ang ginawa niya, nawalan na kasi siya ng ganang pumasok sa susunod niyang klase.

*****

Maagang nakauwi si Lucy ng araw na iyon dahil na rin sa nangyari sa kanya, gusto niya munang magpahinga, pakiramdam niya kasi pagod na pagod siya, subalit tila bigla siyang nagising mula sa pagdadalamhati nang nadatnan niya ang kanyang mama na umiiyak sa may sala.

"Mama, bakit kayo umiiyak?" alala niyang tanong dito.

Subalit nagpatuloy lang sa paghagulgol ang kanyang mama, tsaka niya lang narinig ang ilang kalampag sa may taas ng bahay nila. Mabilis siyang nagtungo doon at naabutan niya ang kanyang daddy na papalabas ng kuwarto, akbay-akbay ang sekretarya nito.

Sa hitsura pa lang ng dalawa, alam niya na kung anong nangyayari, hindi siya tanga para hindi iyon mabatid.

Nanatili siyang nakatayo sa may hagdan, kaya naman napansin siya ng kanyang daddy.

"Lucy, anak!" seryoso nitong sabi sa kanya habang naglalakad papalapit.

Nanatili lang siyang nakatayo doon, walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha. Nakasanayan niya na ang ganitong pag-uugali, upang hindi basta-basta malaman ng ibang tao ang iniisip niya.

"We will talk later," mahinahong sambit ng kanyang ama sabay ngiti ng tipid.

Sinuklian niya din ito ng tipid na ngiti, naglakad na ito palagpas sa kanya para makababa ng hagdanan. May kung anong pumitik sa utak ni Lucy nang tingnan siya ng secretarya ng kanyang daddy, napansin niya ang kung anong tuwa sa mukha nito, kaya naman nang makatalikod na ang babae ay walang pasabi niya itong dinamba palaglag sa hagdan.

Wala na siyang pakialam kahit mataas ang kahuhulugan nila, isang bagay lang ang nasa-isip niya ngayon at sisiguraduhin niyang magagawa niya ito.

Napakapit na lang ang daddy niya sa may hagdan, sa lakas ng pagdamba ni Lucy ay hindi na nito nagawa pang masalo ang inaalalayang babae at napaluhod na lang ito.

Nagpagulong-gulong sila pababa ng hagdan, subalit ininda niya lang ang mga tama, sanay siya sa ganoon sakit. Mabilis siyang nakatayo sabay buong lakas na hinatak ang mahabang buhok ng babae.

"Aaah! Aaah! Tama na bitiwan mo ako!" pagmamakaawa nito.

"Lucy Anak, tama na! Pabayaan mo na!" humihikbing pagmamakaawa ng mama niya habang nakasunod sa kanya.

Subalit wala siyang naririnig ng mga oras na iyon, dali-dali niyang hinatak palabas ng bahay nila ang secretarya ng kanyang ama, binitiwan niya ito kaagad sabay pilit na pinatatayo.

"Wag lumayo ka sa akin! Lumayo ka!" pagwawala nito habang pilit niyang pinatatayo.

Binitiwan niya ito at umatras ng kaunti, nag-ayos din siya ng sarili dahil napansin niyang gulo-gulo ang kanyang damit.

"Baliw ka!" sigaw sa kanya ng babae habang inaayos ang sarili.

Nagpakawala siya ng isang malakas na round house kick sa mukha nito na siyang naging dahilan ng pagtilapon nitong pagsubsob sa lupa, mabilis siyang tumakbo papunta dito sabay idinagan ang sarili sa ibabaw ng babae.

Sunod-sunod na mga suntok ang pinakawalan niya sa mukha nito. Masasabing hindi babae ang lumalaban ng mga oras na iyon dahil pulido at malalakas ang tama nito sa kalaban, maihahalintulad sa isang professional na UFC fighter.

"Lucym stop it!" sigaw ng daddy niya nang makalabas.

Naramdaman niya na lang ang kamay nito na pilit siyang hinahatak papaalis, kaya naman dali-dali niyang kinuha ang isang kamay ng babae at inakap ito, walang kaabog-abog niyang pinaikot iyon dahilan para mabale ang braso nito.

"Aaah!" malakas na sigaw ng babae sa sobrang sakit.

Tsaka lang siya binuhat ng ama para mapabitiw dito, binigyan siya nito ng isang malakas na sampal na naging dahilan para tumigil siya, matapos noon ay pinanlisikan siya nito ng mata.

Duguan na ang babae nang datnan ng daddy niya, halos hindi na din makilala ang hitsura nito dahil sa kanyang ginawa. Dahan-dahan itong inalalayan ng kanyang daddy para makatayo, iningatan din nito ang brasong nabale.

Nagsimula ng magkumpulang ang ilang mga kapitbahay nila para makiusyoso, bigla na lang napansin ni Lucy ang bangko sa gilid ng daan nila, napangiti siya dito sabay kinuha iyon.

Walang kaabog-abog niyang sinipa ang ama, kaya naman sumubsob ito sa daan. Kita niya ang matinding takot sa mukha ng babae nang mahiwalay dito, kaya naman mas nginisian niya pa ito. Sunod-sunod at malalakas na hampas ang pinakawalan niya dito gamit ang bangkong hawak.

"Puta ka! Kabit! Maninira ng pamilya! Ang kati-kati mo!" sunod-sunod na sigaw niya dito.

"Aaah! Taman na! Parang awa niyo na, tulungan niyo ako!" hagulgol nito.

Subalit walang sumubok makialam sa kanya, lalo na at pinanlalandakan niya kung sino ang babaeng iyon.

"Sa tingin mo may tutulong sa iyo, eh puta ka! Kaladkarin!" sagot niya sa mga d***g nito habang patuloy itong hinahambalos ng upuan.

Natigil lang siya nang mawasak na ang kahoy na silya sa ginawa, halos nangingisay na din ang babae sa sobrang bugbog.

"What have you done!" galit na sambit ng ama niya habang gumagapang pasaklolo dito.

Hindi naman siya nagpatalo dito bagkos ay pinanlisikan niya pa ito ng mata, para ipakita ang matinding galit niya dito.

"Mga baboy kayo! Baboy!" sigaw niya dito sabay tapon ng mga tirang piraso ng upuan.

"Abay! Wala kang modo!" galit na baling ng ama, agad itong tumayo sabay akmang sasampalin naman siya.

"Sige subukan mo! Hindi kita aatrasan!" mukhang nasindak naman ang ama niya. "Wala kang kwenta, baboy! Nandidiri ako sa iyo," galit na galit niyang sigaw dito.

"Lucy tama na, hayaan mo na sila, pumasok na tayo!" pagmamakaawa ng kanyang ina na hindi pa rin tumitigil sa pag iyak. Niyakap na lang siya nito habang humahagulgol.

Doon lang siya nakaramdam ng paghinahon, dahil sa yakap ng kanyang mama, minabuti niya na ang alalayan ito papasok, pero muli niyang binalingan ang ama at sekretarya nito na nakahandusay pa din sa kalsada.

"Huwag na wag niyong mapakita sa akin ang mga mukha niyo dito, kung hindi ay doble pa ang dadanasin ng babaeng yan sa akin!" gasgas lalamunan na sigaw niya dito.

Halata naman ang gulat sa mukha ng ama niya, hindi ito makapaniwala na magagawa niya ang bagay na iyon.

Kahit naman siya hindi niya akalaing kaya niya iyon, kung tutuusin maraming mag aakala na siya ang typical na babaeng maganda, mahinhin at kaaya-aya.

Iyon nga lang, dahil na din siguro sa epekto ng mga napapanood niya, naisipan niyang patagong mag-aral ng martial arts. Tanging mama niya lang ang nakakaalam nito, kahit ang kakambal niya ay hindi iyon batid, kaya naman parang nasagasaan ang sekretarya ng daddy niya dahil sa dinanas na pambubugbog.

Mabilis niyang isinarado ang pintuan nila at patakbong nagtungo sa kanyang kuwarto. Doon lang nawala bigla ang matapang na bersyon ni Lucy, kung saan walang nakakakita sa kanya, walang nakakaalam ng kanyang kahinaan. Hinayaan niya lang na tuloy-tuloy na umagos ang kanyang mga luha habang nakasandal sa pinto.

Buong buhay niya nirespeto niya at minahal ang kanyang daddy, subalit nitong mga nakaraan taon ay napalitan na iyon ng galit at tampo, dahil sa mga sunod-sunod nitong kalokohan. Kaya naman walang alinlangan siyang lumaban dito.

Naghintay pa ng ambulansya ang daddy niya para lang maialis ang sekretarya nito doon, hindi naman ito nagsampa pa ng kaso lalo na at tinakot niya din na idedemanda ito sa oras na may gawin laban sa kanya.

Ilang oras matapos noon ay tsaka naman dumating ang kakambal niyang si Luke, ito kaagad ang pinagbalingan niya ng inis dahil sa hindi umuwi ng maaga.

"Saan ka ba nang galing na ugok ka!" galit niyang baling dito sabay batok.

"Hala! Bakit ba ako pinagdidisikitahan mo!" balik nito sa kanya.

"Ikaw ang lalake, ikaw dapat ang nagtatanggol sa amin!" Sunond-sunod niyang batok dito.

Napatakip na lang ito sa ulo upang salagin ang mga atake ni Lucy. "Ano ba nangyari?" alalang tanong nito.

Kahit na masama sa loob niya ay nagawa pa din ni Lucy na ikuwento sa kapatid ang lahat ng nangyari, mukha namang nagulat din ito, dama niya din ang galit na biglang bumalot sa kapatid.

Inakap siya nito at humingi ng tawad, napangiti na lang siya sa ginawa ng kakambal, ngayon wala siyang ibang iniisip kung hindi ang kung papaano mabubuhay ng hindi humihingi ng tulong sa ama nila.

Related chapters

  • Her womanizer   Chapter 2 First glance

    Pupungay-pungay na idinilat ni Andrew ang kanyang mga mata, dama niya pa ang antok, subalit kanina pa siya tinatawag ng kalikasan at nararamdaman niyang puputok na ang kanyang pantog kapag hindi niya pa iyon nailabas, kaya kahit ayaw niya pa ay napilitan na siyang bumangon sa kama. Iyon nga lang, hindi niya iyon nagawa agad dahil sa dalawang babaeng mahigpit na nakaakap sa kanya ng mga oras na iyon. Napangisi na lang siya sa mga hitsura nito at naalala ang mga tagpo nila kagabi, kahit na kaakit-akit ang mga hitsura nito ay hindi niya na talaga kayang kalabanin pa ang hatak ng banyo. Dahan-dahan niyang tinanggal ang mga kamay na nakabalot sa kanya bago nagmamadaling tumayo at lumabas ng kuwarto."Whoa man! Seriously, get some fucking clothes on!" gulat na sigaw ni Vincent pakalabas na pakalabas niya. Hindi na kasi siya nag-abala pang magdamit, napatakip na lang siya sa kanyang mga kayamanan. Binato siya nito kaagad ng isang maliit na unan na siya naman sinalo niya at pinantakip doon

    Last Updated : 2023-11-02
  • Her womanizer   Chapter 3 Courting

    "Ate, wala bang discount dito sa bag?" pagpupumilit ng isang matabang babae sa kanya."Sige ate, pag mas madami sa sampu ang kinuha mo bibigyan kita ng discount!" agaran sagot ni Lucy.Nagawa niyang makakuha ng pwesto sa divisoria para magsimula ng isang tindahan, napapayag niya ang kanyang mama na humiwalay na sa kanilang daddy matapos ng mga nangyari, subalit nagawa pa din nitong makipagkasundo sa mama niya, kaya ngayon hiwalay silang magkapatid. Si Luke ay sumama sa daddy nila, habang siya naman ay naiwan sa kanyang mama, pero kahit na ganoon ay wala na din siya naging pagtutol, alam niya kasi ang sakit ng ulo na dulot ng kapatid niya dito, kaya naman heto siya ngayon, tumutulong sa munti nilang negosyo para makasiguradong hindi masyadong mahihirapan ang kanyang mama at hindi na nila kailangan umasa ng suporta sa kanyang daddy."Lucy anak, baka napapagod ka na, magpahinga ka na muna," saad ng mama niya. Kasalukuyan itong nag-aayos ng ilan nilang paninda, lumapit siya dito para si

    Last Updated : 2023-11-09
  • Her womanizer   Chapter 4 Got you

    "Ano Lucy, pwede ka ba mamaya?" tanong ng kausap niya sa kabilang linya ng telepono."Oo, nagpaalam na ako kay mama, pinayagan niya na ako. Kita na lang tayo later," magiliw niyang sagot dito bago ibinaba ang tawag.Napatalon na lamang siya sa tuwa, may pandagdag ipon ulit siya dahil sa sideline na inalok ng barkada niya. Malaking bagay din iyon, lalo na at nagplaplano siya ng panibagong negosyo sa oras na matapos niya ang kanyang pag-aaral.Agaran na siyang nag-ayos ng mga gamit para sa pag pasok sa eskwelahan. Iniisip niya na kung saan na naman siya dadaan para hindi makita si Andrew. Napagdesisyunan niyang huwag ng dalhin ang kanyang kotse, magpapahatid na lang siya sa kapatid mamaya pauwi. Naaabangan kasi siya ng binata kapag dala niya ang sasakyan niya, hanggang ngayon kasi ay hindi pa din ito tumitigil sa pangungulit at nakakagulo na ito sa personal niyang buhay. Pero hindi niya naman maitatanggi na napapabilib din naman siya sa tiyaga nito.Mas inagahan niya pa ang pasok ngayo

    Last Updated : 2023-11-09
  • Her womanizer   Chapter 5 Recuperate

    "Okay class, I'll be expecting those papers on Wednesday," huling habilin ng professor niya sa klase nila bago ito umalis ng classroom.Tulad ng dati hinintay muna ni Lucy na makalabas ang mga nagmamadaling kaklase niya bago siya tumayo para maghanda na din sa pag labas sa kanilang silid.Wala na ulit siyang alalahanin habang naglalakad sa corridor, di tulad ng dati na nagtatago siya. Papalabas na sana siya ng building subalit minabuti niyang tumigil nang maaninag ang isang pamilyar na tao, napakunot na lang siya ng noo, base kasi sa alaala niya, iba ang course ng babaeng kalaplapan nito noong nakaraang araw, kaya ganoon na lang ang pagtataka niya kung bakit nandoon iyon ng ganoong oras. May dala pa itong isang bouquet ng white roses at halatang inip na inip na sa paghihintay, bigla na lang siya napabuntong hininga ng maisip ang possibleng dahilan, kung saan maaring may bago nanaman itong binibiktima."Hay naku, mga babaero nga naman," inis niyang saad sa sarili bago nagpatuloy sa p

    Last Updated : 2023-11-09
  • Her womanizer   Chapter 6 Her wrath

    Hindi pa rin mawala sa isip ni Lucy ang mga sinabi ni Andrew sa kanya, mas lalo lang siyang naiirita dito ngayon dahil sa kinumpara nito ang sarili sa dati niyang kasintahan. Para kasi sa kanya, hindi hamak na mas nakakalamang si Jeffrey kaysa dito.Kinuha niya na lang ang cellphone niya sa bag, kailangan niya ng kausap kaya naman dali-dali niyang tinawagan ang matalik na kaibigan. "Cel, I need help!" agad niyang bungad dito ng sagutin nito ang tawag."Problema mo Cy?" alalang tanong nito."Ayaw ko pag usapan sa phone, pasok ka ng maaga please!" paglalambing niya dito. Hapon pa kasi ang pasok nito kaya sigurado niyang matatagalan pa kung sakaling hindi siya makikiusap."Sige, kita na lang tayo sa school, mag bibihis na ako," agaran naman sagot ni Celina na siyang ikinatuwa niya."Yey! Love you Cel, mwa mwa!" masaya niyang paalam dito. Alam niyang matatagalan pa ang kaibigan sa pagdating kaya tumungo na muna siya sa canteen para kumain.Patapos na siya sa pagsesiesta nang bigla na l

    Last Updated : 2023-11-09
  • Her womanizer   Chapter 7 Lucy Delval

    Laking gulat ni Lucy nang walang makitang tao doon, nagawa tuloy ni Luke na tabigin ang kamay niya para mapabitaw sa pagkakahawak sa tenga nito.Sinubukan niya pa itong hablutin pero parang itong pusa sa galing at bilis ng pag-iwas sa kanyang kamay habang kumakaripas ng takbo.Parang palos ang kanyang kakambal sa liksi sa paggalaw papalayo, walang alinlangan sa pagsalubong at talon sa may bakod upang makalayo lamang."Luke!" Inis niyang sigaw. Napahinto na lamang siya nang mapansin na halos papalabas na siya sa hallway ng naturang gusali.Hindi niya na ito nagawang mahabol dahil sa takot niyang iwan ng mag-isa si Celina lalo pa at dinala din sa naturang klinika ang mga binanatan niya kanina. Matagal pa ang ninang nito kaya naman kahit naroon ang matinding inis at galit niya kay Luke ng mga sandaling iyon ay minabuti niya na lamang na palampasin ang paghihiganti.Hinayaan niya na lang muna ang kapatid, kung tutuusin ay wala rin naman itong takas sa kanya sa bandang huli, kung kinakai

    Last Updated : 2023-11-12
  • Her womanizer   Chapter 8 Cause and effect

    "Lets party!" masayang saad ni Andrew habang papasok sila ng bar. Agad sumalubong sa kanila ang dumadagundong na tunog ng musika at ang walang patid na pagpapatay sindi ng iba’t-ibang kulay na ilaw.Panaka-naka na ang kanyang pagsasayaw habang papunta pa lamang sila sa ikalawang palapag ng naturang lugar, kung nasaan ang pribadong lamesa na pina reserba nila.Ilang araw na din siyang nagpapakasaya matapos ang kapalpakan na nagawa noon nakaraan araw. Pilit niya na lang ngayon pinapasok sa sarili ang payo ng kaibigan na si Vincent, kung tutuusin nga naman, napakaraming babae ang nagkakandarapa sa kanya, kaya minabuti niya na lang na pagtuunan ng pansin ang mga ito.Kapansin-pansin na din kasi sa mga kaibigan at kamag-anak niya ang tila paghahabol niya kay Lucy. Nabatid niya tuloy na hindi na maganda ang epekto sa kanya ng dalaga, naroon ang kanyang pag-aalala dahil hindi naman siya ganoon, kung kaya pilit niya ngayon ibinabalik ang sarili sa dati. Sa isip-isip niya, hindi pwedeng mas

    Last Updated : 2023-11-12
  • Her womanizer   Chapter 9 Escape

    "Lucy bayaan mo na!" Pilit siyang hinahatak ng kasama palabas sa restroom, padabog na lang siyang naglakad habang sumusunod dito dahil sa pagkairita at init ng ulo."Tama ba naman na gawin motel ang restroom!" Hindi maitago ni Lucy ang pagkainis ng mga sandaling iyon dahil sa alam niya ang nangyayari sa naturang palikuran. "Kayang magpunta sa mamahaling bar, pero walang pang motel!" bulyaw na lang niya habang papalabas sila upang iparinig sa mga naroon.Napapatawa na lamang ang kasamahaan ni Lucy sa kakasermon niya habang padabog na naglalakad."Kung ako sa iyo Lucy, hindi ko na lang iyon papansinin, mayroon talagang mga ganyang tao, naghahanap ng thrill! Alam mo naman," Napapanginig na sambit na lamang nito.Tiningnan ni Lucy ang kasama habang nagsasalita ito, nabatid niya na para bang lutang ang isipan ng babae habang nagpapaliwanag sa kanya dahil halos naroon ang malapad na ngisi nito at ang tila napapatirik na mga mata."Don't tell me na try mo na iyon ganoon?" Pagtataas niya ng

    Last Updated : 2023-11-12

Latest chapter

  • Her womanizer   Chapter 77 End game

    "Ahndrew!" malakas na ungol ni Lucy dahil sa pagbayong ginagawa niya. Subalit pinanatili niya lang ang pagkakadikit ng kanilang mga katawan dahil sa sobra-sobrang pananabik, kaya

  • Her womanizer   Chapter 76 Final battle

    "Kuya Andrew bakit hindi ka pa nagbibihis, magsisimula na iyong party!" saad ni Andy pakapasok sa kanyang kuwarto. Tinalikuran niya lamang ito nanatiling nakaupo, minarapat niya na lamang na ituon ang tingin sa bintana nang marinig itong papalapit."Tsk, don't bother me," pagtutulak niya dito dahil

  • Her womanizer   Chapter 75 Judgement

    Ganoon na lang ang gulat ni Lucy nang bumalik ang kakambal niya ay kasama na

  • Her womanizer   Chapter 74 Regretting

    Matagal niyang pinakatitigan ang folder na binigay ni Angelyn nang makadating sa bahay, natatakot siya sa maaaring laman nito. Maliuban doon ay poot at inis ang nadarama niya dahil sa mga sinabi ng babae kaya

  • Her womanizer   Chapter 73 Again and again

    "Bee, nasaan ka, bakit hindi ka umuwi?" alala niyang saad.Magdamag niyang hinintay si Andrew ngunit hanggang sa makatulog na siya at magising ng alas-kuwatro ng madaling araw ay wala pa rin ito.Nagdulot iyon ng kung anong sikip at kurot sa kanyang dibdib kaya naman napatawag na lang siya dito ng wala sa oras."Hey hon, uhm I...I'm still

  • Her womanizer   Chapter 72 Road block

    "Bee, bakit iyan nanaman iyong suot mong tie?" sita niya nang makitang suot nanaman nito ang bagong ibinigay niya. "This is my favorite tie," taas noong saad nito na wari’y nagmamaktol. "Akin na, lalab

  • Her womanizer   Chapter 71 Family plans

    "Honey, galit ka pa rin ba?" Yakap ni Andrew sa kanya habang papatulog na

  • Her womanizer   Chapter 70 Responding

    "Hon, anong oras ka uuwi?" paglalambing niya dito, napapikit na lang siya ng may marinig na kumalabog mula sa kabilang kuwarto. Pilit niya na lang isinasawalang bahala ang kung ano mang bagay na maaaring nasisisira ng mga oras na iyon, dahil ang mas prayoridad niya ngayon ang ay kung paano muling makukuha ang loob ng babae, lalo pa at mukhang mainit nanaman ang dugo nito sa kanya. "You better pray I'm not pregnant Andrew or I swear," naniningkit matang duro ni Lucy habang isinasabit ang bag sa balikat.

  • Her womanizer   Chapter 69 Attack

    Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang nakaupo si Andrew sa kanyang kama, nakayuko ito at nagsasalitang mag-isa habang hawak ang mga dala nitong bulaklak. Laking pasalamat niya na lang at nakapagbihis na siya sa loob ng banyo kung hindi ay baka kung ano nanaman ang maisip nito. "Anong ginagawa mo dito?" Pagtataas niya ng isang kilay sabay nameywang. Agad naman itong napatayo nang makita na siya. "Hon, can we just talk." Dahan-dahan nitong lapit habang iniaabot ang mga bulaklak sa kanya. "There's no point in talking Andrew," madiin niyang sagot sabay hablot sa hawak nito para itapon sa may lamesa.Naroon man ang kung anong bigat at hapid sa kanyang dibdib dahil sa ginawa ay minarapat niya na lamang iyon isantabi para na rin matigil na si Andrew. "I gave you all the chances and you fucking wasted it, not just once but three times already!" duro niya dito, hindi niya pa rin matanggal ang galit na nadarama sa tuwing naaalala ang ginawa nito. Naroon pa rin ang sakit sa kany

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status