ANASTASIA
"DEEPER!"
"Harder!"
Thump. Thump.
"Oh God!"
Thump.
What the...nabubulabog ako. Tinanggal ko ang headphones ko at saka ako tumayo mula sa aking kinauupuan na swivel chair sa tapat ng aking computer set habang naghihintay ng client bilang isang home based call center agent.
"Oh God. That's so good, Crisanto! Deeper!"
Isinuot ko ng mabuti ang aking eyeglasses saka ako nagtiklop ng mga kamay at pinagmasdan ang pag-uga ng pader sa pagitan ko at ng kwarto sa kabila.
Anong nangyayari doon?
Simula noong isang araw ay hindi na ako nakapagtrabaho ng mabuti dahil parang laging mayroong intensity 8 na lindol at ang sentro niyon ay sa kabilang kwarto.
Nagsimula ang lahat ng iyon nang malaman kong ang bakanteng kwarto sa kabila ay mayroon nang umookupa pero sa loob ng tatlong araw ay hindi ko pa nakikita.
Thump. Thump.
"That's so good, daddy. Uuuhhhmmm. Faster!"
Boses iyon ng isang babaeng tila ba pinahihirapan sa kabila pero parang nasasarapan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Napatingin ako sa mga nakasabit sa dingding at gumagalaw talaga iyon ng husto.
"Gosh. Ano bang mayroon sa kabila?" tanong ko sa aking sarili.
Isa isa kong tinanggal ang mga nakasabit sa dingding dahil baka magkanda-hulog ang mga iyon at baka mabasag pa.
Tumingin ako sa relo, alas onse na ng gabi, at ganitong oras palaging may kakaibang nangyayari sa kabila.
Mas lalo pang bumilis ang pagkalabog sa kabilang kwarto. Tumatama ang kung anong bagay sa dingding kaya't umuuga talaga iyon ng husto.
"So ano? Gabi gabi na lang akong madadamay sa lindol sa kabila?" Nagkamot ako ng batok saka nag-isip kung ano ang dapat kong gawin.
Hindi pa ako nakapag-iisip ng husto nang marinig ko ang boses ng lalaki sa kabila na nagngangalang Crisanto, for the very first time.
"Malapit na ako, malapit na. Aaahhh! Uugghhhh!"
Para siyang tinatakasan ng kaluluwa sa boses niya at sa kanyang matinding ungol. Halimaw.
At sa ilang sandali pa ay akala ko'y babagsak sa akin ang dingding dahil tila ba sa ilang hampas ng kung ano sa kabila ay tuluyang magigiba ang pagitan na dingding.
"Tsk. Tsk. Malala na ito. Hindi ko na ito kayang tiisin pa. Isang isa na lang talaga." Napapailing ako nang sabihin ko ito.
Hanggang sa bigla na lang tumigil ang pagyanig sa kabilang kwarto.
Nakatayo lang ako habang naghihintay ng susunod na magaganap ngunit wala nang ingay pang nangyari.
"Salamat naman, kung gano'n," sabi ko na naging kampante na rin dahil sa wakas, wala nang inistorbo kapag mayroon nang kliyenteng tatawag.
ALAS DOSE y media ng madaling araw nang naglalaban ang antok at gising sa akin ay mayroong biglang tumawag.
Napabalikwas ako ng upo at sabay lagay ng headphones saka agad sumagot.
"Hi, this is Vivian, how can I help you?"
Iba iba ang ginagamit kong pangalan. Vivian, Roxan, Angel at minsan ay Pia Wurtzbach kung gusto kong mag maganda at magmaldita. Depende talaga sa mood ang names ko virtually.
Ngunit kung minamalas nga naman, kung kailan ako mayroong kausap ay bigla na namang kumalabog sa kabila.
Shocks. Hindi pa ba sila natatapos sa kanilang bakbakan, kung ano man iyon?
"Sir...sorry for dropping this call but..."
Thump. Thump.
"Oohh God. F*ck! Deeper!"
"Yeah. Faster!"
"That's so good!"
"Oh you gonna make me...come, Cris, aaahhh!"
At hindi ko na natapos ang sasabihin ko sa client dahil sa lakas ng pagkalabog sa kabila na dahilan para mayanig ang dingding na nagsisilbing pagitan ng kwarto.
Kaagad kong tinanggal ang headphones at saka ako tumayo upang sa gano'n ay katukin sila sa pader.
"Hey! Nakakaistorbo kayo ng kapit-bahay!" Sigaw ko habang kumakatok sa pader pero parang wala silang naririnig.
Namewang ako at nag-isip ng paraan upang sa gano'n ay matapos na ang nagaganap na intensity sa kabila, sawa na ako, naririndi na ako sa kaingayan nila.
Sa inis ko ay lumabas ako ng kwarto at maging sa loob ng aking inuupahan saka ako mabilis na nagtungo sa tapat ng kwarto nila at hindi na nahiyang kumatok ng malakas na malakas sa kanilang pintuan.
Determinado akong makaharap ang kung sino mang magbubukas ng pintuan, hindi na iyon dapat patagalin pa. Pinalagpas ko na noong unang gabi, medyo nagtimpi pa ako ng pangalawang gabi, pero ngayon, hindi na pwede. Puno na ang salop.
Ilang sandali pa, kakatok pa sana ako ng pintuan nang bigla na lang bumukas iyon kaya't binawi ko ang aking kamay.
Bubulyawan ko na sana ang taong nagbukas niyon ngunit tila ba nawala lahat ng sasabihin ko. Parang inagaw ng kung ano at walang naiwan sa isipan ko.
Paano ba naman kasi? Nasa harap ko ngayon ang lalaking akala ko noong una ay isang Greek god na nahulog lang mula sa Mt. Olympus at ngayon ay nasa harapan ko na.
He has this perfect body, long and lean torso, perfectly sculptured muscles, muscled chest, batak na...one, two, three, four, five, six...sev..en, e..ight...yes, eight pack abs at v-line and for Pete's sake, nakasuot lang siya ng brief na kulay puti.
Napalunok ako at saka inayos ang eyeglasses ko bago ako tumingin muli sa kanyang mukha.
He has this piercing dark eyes na parang dinadala ako sa kung saang parte ng mundo, matangos ang ilong at manipis ang labi.
Is he my new neighbor? Siya ba iyong inuungol ng mga babae na nagngangalang Crisanto?
No wonder. He has a face and body to die for. Makikipag-patayan ang mga modelo makuha lang ang ganitong kagandang katawan.
"Anong kailangan mo?"
And gosh, his baritone voice unhooked my bra and loosen the garter of my underwear.
Muli akong napalunok at wala man lang masabi. Bakit ako nagkakaganito? Hindi dapat. Hindi.
"Kung wala kang kailangan, umalis ka na riyan at nakakaistorbo ka lang." Isasara na niya ang pintuan nang itulak ko iyon.
"Excuse me, ako pa ngayon ang nakaka-istorbo? Eh tatlong gabi na akong nabubulabog sa ingay ninyo. Hindi ako makapagtrabaho, okay? Please, respect," sa wakas ay naganap ko ang mga salitang sasabihin ko.
"Hindi rin naman kita pinakikialaman sa ginagawa mo sa kabila, kaya't huwag mo akong pakialaman," mayabang niyang wika.
"Wow. Mister, hindi ako nakikialam, okay. Just so you know, manipis ang dingding sa pagitan natin. At kung ano man ang ginagawa ninyo, ay naririnig ko sa kabila."
"Nakikidinig ka lang, huwag kang magreklamo," sabi niya na ikinainis ko pa lalo.
Nagawa niya pa talagang mamilosopo?
"Bago ka lang dito pero ganyan na ang asta mo, gangster!" bwelta ko sa kanya.
"Idagdag mo na rin ang f*ckboy. Baka kulang ka pa ang descriptions mo sa akin," sabi pa niya.
Gosh. Iyon ba ang ginagawa niya sa mga babae? Kaya pala, okay. They disturbed my sleeping virginity which I don't really like, never.
"Ah, kaya pala maingay. Because there's a very loud noise there as if there's a parade of women every night in your room. Okay...but still, I am pissed off." Inirapan ko pa siya.
"Bilang bago akong kapitbahay, you should have welcomed me very warm kaysa kainisan mo ako," sabi pa niya.
Sa hitsura niya na parang brusko at basagulero, parang hindi niya kayang mag-English, pero he can.
"Welcome to the neighborhood, Mister F*ckboy. Nice meeting you. Now, you may be silent and respect your neighbor because some also have night works to do. Happy?" puno ng sarkastiko ang pagkakasabi ko nito sa kanya.
Napangiti siya sa akin saka muling nagsalita.
"Well yes. And thanks for welcoming me. Enjoy listening." Sabay sara niya sa pintuan niya at naiwan ako doon na naiinis dahil mukhang wala siyang balak na pakinggan ang mga sinabi ko.
Umirap na lang ako dahil wala naman akong ibang magawa kundi ang bumalik na lang sa kwarto ko.
Mukha rin kasing hindi siya makikisama sa akin kaya't wala rin akong magagawa.
Until 3:00 A.M. lang ang aking duty at mayroon pa akong oras na matulog until nine ng umaga. Alas onse rin kasi ang duty ko sa restaurant kaya't okay na sa akin ang tulog na iyon, basta't walang istorbo.
Nag-set ako ng alarm na tutunog ng eksaktong alas-nuwebe ng umaga.
09:00 A.M.
TUESDAY
Nagising nga ako at parang hindi sapat ang tulog pero walang choice. Mahirap ako, hindi pwedeng mag-relax.
Katulad ng aking daily routine, naligo at nagbihis na ako bago magkape. Mayroon pa naman naiwang pagkain kagabi, kaya't iyon na lang ang ininit ko bago kumain.
Maluwag pa ang oras kaya't hindi ako nagmamadali.
Pasado alas diyes ng umaga nang matapos na ako sa lahat ng gagawin. Handa na rin akong pumasok. Naglugay lang ako ng buhok dahil basa pa iyon. Isinukbit ko na ang aking bag at lumabas ng kwarto.
Hindi ko naman ine-expect na nasa labas din pala ang lalaking nagngangalang Crisanto, ang bago kong kapitbahay.
Mayroon siyang hawak na beer at nakaupo lang sa silyang gawa sa kahoy, nakatuon ang pansin sa malayo habang nakaharap sa syudad.
Mula sa aking peripheral view ay nakita ko ang hawak niyang itim na notebook. Uminom muna siya ng beer bago inilapag iyon sa platform ng baluster saka dinampot ang ballpen at nagsulat ng kung ano sa notebook.
Naglilista ba siya? Ano iyon? Writer siya? Tapos hindi siya nakakapagsulat kapag hindi makakainom ng alak?
Nang maisara ko na ang pintuan ay naghihintay pa ako na magso-sorry siya sa akin ngunit hindi, imbes ay tumayo siya at nakita ko na naman sa liwanag ang kanyang katawan.
Naka-maong siyang pantalon, walang belt kaya't mababa iyon, kita ang kanyang v-line kaya't nakaka-distract talaga, lalo pa't virgin ako sa lahat ng aspeto.
Naglakad na ako paalis nang bigla siyang nagsalita.
"Hindi mo ba babatiin ng good morning ang bago mong kapitbahay?"
Nahinto ako sa sinabi niyang iyon. Napakalalim ng boses niyang baritone, lalaking lalaki, parang boses ng mga erotic male characters sa movie.
Napayuko ako at napatikhim bago dahan-dahan na lumingon sa direksyon niya.
"There's nothing good in the morning, lalo pa kung walang tulog ang babati dahil nabubulabog na sa behave na kapitbahay," sarkastiko kong wika.
"Kung ayaw mo akong batiin, huwag. Pero babatiin kita." Tumayo siya at biglang lumapit sa akin.
Kitang kita ko ang pagkislot ng muscles niya sa dibdib at ang paggalaw ng abs niya nang tumayo siya.
He is six inches taller than I, sa palagay ko ay nasa 5'11" ang height niya. Gulo gulo ang buhok niya at halatang kagigising lang.
And I can see his eyes even better now. His chiseled jawline makes me want to take a picture of his good looks.
Isa pa, parang nag-aanyaya ang pawis niya sa kanyang collar bone na mag-swimming.
Gosh, I am totally stunned and distracted.
"Do you always go around like this?" I asked referring to his being half naked.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin at saka bumulong sa aking kanang tenga.
"I usually go around without anything. So, masanay ka na," mahina niyang wika.
Ang mainit niyang hininga ay gumapang mula sa aking tenga hanggang sa batok ko dahilan para kilabutan ako ng husto.
"Nice meeting you." Saka niya isinukbit ang kung ano sa aking tenga.
Agad kong kinuha iyon at nakita ang isang paper roses na kulay pula.
Pagkasabi niyon ay tumalikod na siya at naglakad. Dinampot ang beer at notebook niya at walang kibong pumasok sa sarili niyang kwarto.
Naiwan akong nakatayo habang nakatitig lang sa bulaklak na hindi ko alam kung saan galing.
Napailing ako at saka naglakad paalis.
Nang makababa na ako sa building ay biglang mayroong tumawag sa akin. New number iyon kaya't hindi ko kaagad sinagot.
"Kung importante, tatawag ka ulit," ang sabi ko pa bago lumabas ng gate.
At nag-ring nga ulit ang phone ko.
+639335222...calling
Kaagad ko na iyong sinagot.
"Hello. Sino ito?"
"Hey. It's me, Mister F*ckboy. Don't ask kung kanino kaya hiningi ang number mo. Gusto ko lang malaman mo na kahit saan ka magpunta, bantay sarado kita. You can never go away, woman."
Napatingala ako at nakita ko siya na nakatingin sa akin habang nakatayo sa tapat ng inuupahan niyang kwarto sa tabi ng akin.
Biglang tumahip ang dibdib ko sa kadahilanang hindi ko siya kilala pero parang kilala niya ako ng husto.
Nakatapat pa rin sa tenga ko ang phone at saka siya nagsalita.
"Now go to work, focus and be at home on time," utos niya.
Sino ang lalaking ito at bakit ganito siya magsalita?
ANASTASIAALAS OTSO ng gabi ang out ko sa trabaho. Ganito ako lagi umuwi at minsan, nilalakad ko na lang dahil isang sakayan lang naman. Marami pa namang tao kapag ganito kaya't hindi delikado."Sigurado ka? Maglalakad ka na naman? Pwede naman kitang ihatid," ani Roland, katrabaho ko."Oo. Ayos lang. Dadaan pa kasi ako diyan sa Watsons, mauna ka na lang."Hindi ako sanay na nagpapahatid dahil naiilang ako. Wala pa akong naging boyfriend sa edad kong 25 kaya't hindi ko alam ang pakiramdam na mayroong naghahatid at sumusundo sa akin."Bahala ka. Sige, ingat na lang." Isinuot na niya ang helmet saka umandar ang motor at umalis.Hinatid ko siya ng tingin bago ako nagsimulang maglakad.Hindi naman talaga ako dadaan sa Watsons, sinabi ko lang iyon sa kanya dahil ayaw kong ipilit pa niya ang paghahatid sa akin.Tinangka rin ni Roland na ligawan ako dati pero nang ma-busted siya sa akin ay hindi na rin niya itinuloy pa. Siguro, isang rason na rin iyon kaya ako naiilang kahit pa alam kong maba
ANASTASIAPAGKAPASOK ko sa loob ay kaagad ko nang inisip kung sino ang kokontakin ko. Pinagbantaan niya ako na hindi ako maaaring tumakas. Sabi pa niya na hindi ko alam ang mga kaya niyang gawin sa oras na tumakas ako.Mabilis akong naupo sa sofa at nang makita ko ang bukas na bintana ay agad akong tumayo at isinara ang mga iyon at inayos ang pagkakasabit ng kurtina, sinisigurado na hindi ako makikita sa loob.Hindi pa rin humuhupa ang kaba ko, hindi pa rin nawawala ang takot sa akin na baka kumatok siya at pasukin na lang ako ng bigla."Dios ko, anong gagawin ko?" Nasapo ko ang noo ko sa pamomroblema.Biglang pumitik ang sentido ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na sakit ng aking ulo. Mas lalo tuloy akong hindi makapag-isip ng maayos.Sa gitna ng katahimikan ay nag-ring ang aking cellphone, bagong number iyon.Kabisado ko na ang numero ni Crisanto pero hindi ko na-save. Kaya't sigurado kong hindi siya ito.Kaagad kong sinagot ang tawag at nang magsalita ang nasa kabilang linya ay na
ANASTASIAPAGKAPASOK ko sa loob ay kaagad ko nang inisip kung sino ang kokontakin ko. Pinagbantaan niya ako na hindi ako maaaring tumakas. Sabi pa niya na hindi ko alam ang mga kaya niyang gawin sa oras na tumakas ako.Mabilis akong naupo sa sofa at nang makita ko ang bukas na bintana ay agad akong tumayo at isinara ang mga iyon at inayos ang pagkakasabit ng kurtina, sinisigurado na hindi ako makikita sa loob.Hindi pa rin humuhupa ang kaba ko, hindi pa rin nawawala ang takot sa akin na baka kumatok siya at pasukin na lang ako ng bigla."Dios ko, anong gagawin ko?" Nasapo ko ang noo ko sa pamomroblema.Biglang pumitik ang sentido ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na sakit ng aking ulo. Mas lalo tuloy akong hindi makapag-isip ng maayos.Sa gitna ng katahimikan ay nag-ring ang aking cellphone, bagong number iyon.Kabisado ko na ang numero ni Crisanto pero hindi ko na-save. Kaya't sigurado kong hindi siya ito.Kaagad kong sinagot ang tawag at nang magsalita ang nasa kabilang linya ay na
ANASTASIAALAS OTSO ng gabi ang out ko sa trabaho. Ganito ako lagi umuwi at minsan, nilalakad ko na lang dahil isang sakayan lang naman. Marami pa namang tao kapag ganito kaya't hindi delikado."Sigurado ka? Maglalakad ka na naman? Pwede naman kitang ihatid," ani Roland, katrabaho ko."Oo. Ayos lang. Dadaan pa kasi ako diyan sa Watsons, mauna ka na lang."Hindi ako sanay na nagpapahatid dahil naiilang ako. Wala pa akong naging boyfriend sa edad kong 25 kaya't hindi ko alam ang pakiramdam na mayroong naghahatid at sumusundo sa akin."Bahala ka. Sige, ingat na lang." Isinuot na niya ang helmet saka umandar ang motor at umalis.Hinatid ko siya ng tingin bago ako nagsimulang maglakad.Hindi naman talaga ako dadaan sa Watsons, sinabi ko lang iyon sa kanya dahil ayaw kong ipilit pa niya ang paghahatid sa akin.Tinangka rin ni Roland na ligawan ako dati pero nang ma-busted siya sa akin ay hindi na rin niya itinuloy pa. Siguro, isang rason na rin iyon kaya ako naiilang kahit pa alam kong maba
ANASTASIA"DEEPER!""Harder!"Thump. Thump. "Oh God!"Thump.What the...nabubulabog ako. Tinanggal ko ang headphones ko at saka ako tumayo mula sa aking kinauupuan na swivel chair sa tapat ng aking computer set habang naghihintay ng client bilang isang home based call center agent."Oh God. That's so good, Crisanto! Deeper!"Isinuot ko ng mabuti ang aking eyeglasses saka ako nagtiklop ng mga kamay at pinagmasdan ang pag-uga ng pader sa pagitan ko at ng kwarto sa kabila.Anong nangyayari doon?Simula noong isang araw ay hindi na ako nakapagtrabaho ng mabuti dahil parang laging mayroong intensity 8 na lindol at ang sentro niyon ay sa kabilang kwarto.Nagsimula ang lahat ng iyon nang malaman kong ang bakanteng kwarto sa kabila ay mayroon nang umookupa pero sa loob ng tatlong araw ay hindi ko pa nakikita.Thump. Thump."That's so good, daddy. Uuuhhhmmm. Faster!"Boses iyon ng isang babaeng tila ba pinahihirapan sa kabila pero parang nasasarapan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.Napati