Share

The Threat

Author: Duchess GN
last update Huling Na-update: 2022-08-09 20:16:25

ANASTASIA

ALAS OTSO ng gabi ang out ko sa trabaho. Ganito ako lagi umuwi at minsan, nilalakad ko na lang dahil isang sakayan lang naman. Marami pa namang tao kapag ganito kaya't hindi delikado.

"Sigurado ka? Maglalakad ka na naman? Pwede naman kitang ihatid," ani Roland, katrabaho ko.

"Oo. Ayos lang. Dadaan pa kasi ako diyan sa Watsons, mauna ka na lang."

Hindi ako sanay na nagpapahatid dahil naiilang ako. Wala pa akong naging boyfriend sa edad kong 25 kaya't hindi ko alam ang pakiramdam na mayroong naghahatid at sumusundo sa akin.

"Bahala ka. Sige, ingat na lang." Isinuot na niya ang helmet saka umandar ang motor at umalis.

Hinatid ko siya ng tingin bago ako nagsimulang maglakad.

Hindi naman talaga ako dadaan sa Watsons, sinabi ko lang iyon sa kanya dahil ayaw kong ipilit pa niya ang paghahatid sa akin.

Tinangka rin ni Roland na ligawan ako dati pero nang ma-busted siya sa akin ay hindi na rin niya itinuloy pa. Siguro, isang rason na rin iyon kaya ako naiilang kahit pa alam kong mabait siya.

Mag-iisang taon na ako sa Metamophosis, isang sikat na restaurant dito sa syudad na pag-aari ng mag-asawang Alfonso at Reianne Rola. Hindi ako magtatagal kung hindi maganda ang pasahod, bonuses at treatment nila sa akin. Mababait silang amo kaya naman nandoon pa rin ako.

Limang kanto ang daraanan bago makarating sa Tres Marias Building kung saan ako umuupa ng kwarto. Pagdating doon ay papasok pa ako sa kanto at mga 100 metro pa ay naroon na ako.

Ramdam ko na ang pagod sa aking mga paa pero kakayanin ko pa rin. Tinitipid ko an bawat sentimo na mayroon ako upang sa gano'n ay mayroon akong maipadala sa mga itinuring kong kapatid sa probinsya.

Ang pamilyang kumupkop sa akin ay naagsilbing pangalawang pamilya ko matapos mawala ang aking mga magulang nang ako ay apat na taong gulang pa lang.

Sina Tatay Ompong at Nanay Jean ang nagsilbi ko nang pangalawang magulang at ang mga anak nilang sina Margareth, Alfie at Dona ang itinuring ko na ring mga kapatid.

Bilang ako naman ang nagtatrabaho ay nagpapadala ako sa kanila ng paunti-unti, basta't mayroon lang maiiwan sa akin na panggastos ay ayos na.

Nanganglahati pa lang ako nang makaramdam na ako ng gutom. Siguro ay dito sa 7/11 na lang ako kakain, kahit noodles at tinapay lang ay ayos na, para magkalaman ang sikmura.

Dumaan nga ako sa 7/11 at kumuha ng isang cup noodles at isang tinapay. At dahil nagtitipid ako dahil sa katapusan pa ang sahod ay hindi na ako kumuha ng tubig, sa pag-uwi na lang ako iinom.

Naupo ako sa lugar kung saan ay kita ko ang mga dumadaan sa gilid ng kalsada. Kumakain ako at nakatulala pero malalim ang iniisip ko.

Naiisip ko ang mga magulang ko, tunay na mga magulang. Kaya't muli ay inilabs ko ang wallet ko sa aking bag at tiningnan ang litrato ng aking mga magulang doon. 

Habang sumusubo ako ng noodles ay nakatitig ako sa mukha ng aking mga magulang. Mas kamukha ko ang mama ko, pero gwapong gwapo ang papa ko.

Masaya sila sa litrato na ito habang kandong ako ni papa. Kung sana ay buhay pa sila ay nakikita nila ako ngayon, very independent na sa buhay.

Tumanaw ako sa langit mula sa glass wall at saka ako nabigla nang mayroong tumabi sa akin.

Ang akala ko ay customer lang pero pagtingin ko ay oo, customer nga, pero kakilala ko siya.

Nakasuot siya ng itim na leather jacket, white na inner at kupas na maong.

Mayroon din siyang cup noodles at kaparehong tinapay na mayroon ako.

Hindi ko siya pinansin. Bagkus ay binilisan ko na lang kumain.

"Parehas pala tayo ng pabortong noodles at tinapay," nakangiti niyang wika, pero iyong ngiti na pilit lang.

Hindi ko siya pinansin. Parang wala akong nakikita. Sa dinami-rami kasi ng pwede niyang kainan ay dito pa talaga, kung saan ako naroon.

"Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Hindi ka sasagot sa taong kumakausap sa'yo?" dagdag niya.

"Huwag mong idadamay ang mga magulang ko sa trip mo. Wala na sila," mahina kong wika na pilit pa ring inuubos ang noodles ko, mainit pa kasi.

Kung mayaman lang ako ay iniwan ko na ang noodles na ito, pero nakakapanghinayang kung hindi ko uubusin. Binayaran ko rin ito.

"Nasaan na sila?" tanong niya.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya na iniwan nila ako at nagtago simula noong nasa edad apat pa lang ako. Simula noon ay hindi ko na sila nakita, kung nasaan man sila.

"Kung alam ko, e di sana ay kasama ko sila," pamimilosopo ko.

"Ayos ka rin ah," napangiti siya pero halatang naiinis.

"Dito ba?" tanong ko sa kanya.

"Ang ano?"

"Dito mo ba kinakatagpo ang mga babaeng dinadala mo sa kwarto mo?" sinadya kong tanungin sa kanya iyon upang sa gano'n ay makabawi sa pang-iinis niya sa akin.

"Oo. At dahil nakita ko na siya, sabay na tayong uuwi mamaya." Sabi niya saka kumain ng noodles niya.

Nakatingin lang ako sa kanya at dahil ayaw kong kasabay siya ay hinigop ko na ang natitirang sabaw bago ko inilagay sa loob ng bag ko ang tinapay at ang wallet ko.

Nagmadali akong naglakad paalis.

Nakakailang hakbang pa lang ako ngunit bigla na lang niyang hinila ang kamay ko at muli akong dinala sa pwesto ko.

"Hindi ka aalis hangga't hindi ako natatapos," puno ng pagiging dominante ang kanyang tono nang sabihin niya ito.

Tumahip ang dibdib ko dahil hindi ko alam kung baki niya ako pinakikialaman ng ganito.

"Uuwi na ako.May nag-aabang pang trabaho sa akin," mahina kong wika.

"I said, sabay tayong uuwi," aniya.

"Huwag kang makialam sa buhay ko. Hindi ko na pakikialaman ang nocturanl activities mo kaya't lubayan mo na ako," nakikiusap kong wika.

"Wala akong pakialam kung pakialaman mo ang mga ginagawa ko. At wala ka ring magagawa kung pakikialaman ko ang buhay mo, simula ngayon." Pagkasabi niya nito ay binuksan niya ang tinapay na binili niya at saka ibinigay sa akin.

Tiningnan ko lang iyon pero hindi ko kinuha. Nagbalik ako ng tingin sa kanya at kita ko ang pagiging seryoso ng kanyang mukha.

"Kainin mo ito," pilit niya.

"Mayroon akong sariling akin, sa'yo iyan." Tumayo ako at aalis na sana ngunit bigla niyang tinumba ang silya dahilan para maharangan ang dadaanan ko. Nahinto naman ako sa ginawa niyang iyon.

Nakalikha ng ingay sa loob kaya't tumingin ang mga iilang nasa 7/11.

"Gagawa ako ng eskandalo sa oras na hindi mo sundin ang mga sinasabi ko," pagbabanta niya.

Nanginginig ang mga kamay kong inayos at binangon ang natumbang bakal na upuan saka bumalik sa pwesto ko.

"Eat." Pwersahan niyang ipinahawak sa akin ang tinapay at humarap sa akin, titig na titig sa mga mata ko.

Tumingin muna ako sa kanya at sa tinapay bago siya magsalita.

"I said kainin mo," maangas niyang wika.

Pakiramdam ko ay nanganganib ang buhay ko sa taong ito. Grabe ang kabog ng dibdib ko at ang panginginig ng mga kamay ko habang hawak ang tinapay.

"Kakainin mo o isasaksak ko sa bibig mo ng buo iyang tinapay?" pananakot niya.

Sa sinabi niyang iyon ay wala nang rason pa para mag-atubili akong kainin iyon.

Nanginginig ang kamay kong kumagat sa tinapay at halos hindi ko manguya ang kinakain ko sa takot.

"Make it fast. Ang liit liit lang niyan, pinatatagal mo pa." Saka niya inilapag ang kamay niya sa mesa ng biglaan dahilan para magulat ako.

"Mama!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat at hindi ko mapigilang umiyak dahil sa sobrang takot sa kanya.

"And why are you crying? Sinabi ko bang umiyak ka? Ayaw kong nakakakita ng umiiyak sa harapan ko. So, wipe those tears bago ko punasan ng kamao ko iyan," mahina niyang wika.

Hindi ko na kayang lunukin ang pagkain ko dahil sa kaba pero pinilit ko. Agad kong pinunasan ang luha ko at nagmadaling kumain.

Hanggang sa maubos ko na iyon.

"Open your bag, ilabas mo ang isang tinapay at kainin mo," utos niya.

Nang dahil sa takot ay sunud-sunuran ako sa kanya, kaya naman ginawa ko ang sinabi niya at muling kinain ang isang tinapay na i-uuwi ko sana.

Maya maya ay mayroong isang estudyante na naka-uniform na dumaan sa tabi at namimili, mayroon silang hawak na malamig na tubig sa bote.

"Hoy, bata. Give me that water," maangas na wika niya.

Napalingon ang binatilyo at nagtataka dahil sa sinabi ni Crisanto.

"Bingi ka ba? Akin na iyang tubig, sabi ko," namilog ang mga mata ni Crisanto kaya't natakot ang binata.

Kaagad nitong inabot ang mineral water at hinablot iyon ni Crisanto saka niya binuksan at inilagay sa tapat ko.

"Drink," mahina niyang wika.

Para akong robot na sinasabi lang ng command niya kung ano ang gagawin ko. 

Kahit hindi ko pa nangunguya ang tinapay ay kaagad na akong uminom upang sa gano'n ay itulak na nito ang lahat paloob, hindi ko na rin kasi kayang lunukin lahat dahil sa takot.

Nang maubos na ay nakayuko akong naghihintay ng susunod na sasabihin niya.

Kalahati lang ang naubos ko sa mineral water at bago siya magsalita ay inubos niya iyon.

"Come here." Bigla niya na lang akong hinila palabas ng store at nang nasa labas na kami ay sinuotan niya ako ng itim na helmet at saka niya hinubad ang kanyang jacket bago isinuot sa akin.

Hirap akong kumilos dahil sa bigat ng jacket na iyon, pakiramdam ko ay halos limang kilo ang bigat kaya't mahirap dalhin.

Isinuot niya ang kanyang sunglasses kahit madilim na saka pina-andar ang kanyang big bike motorcycle.

"Sakay," aniya.

Simbilis ng kidlat, sumakay ako sa kanyang motor at hindi pa man ako nakakakapit ay umandar na iyon at paharurot na umalis.

Kung kanina ay kabado ako sa kanyang mga inasta, ngayon mas doble ang kaba ko sa pagiging kaskasero niya sa pagmamaneho. Para akong tatangayin ng hangin, parang ito na ang ikamamatay ko.

PAGDATING naming dalawa sa Tres Marias ay pakaladkad niya akong dinala sa taas hanggang sa marating na naming dalawa ang tapat ng kwarto ko.

"Hindi mo naman ako dapat hilahin, alam ko ang uuwian ko," nahihirapan kong wika.

Hindi siya umimik, imbes ay ibinalandra niya sa pintuan ang likuran ko.

Inilapat niya ang mga kamay niya sa magkabilang bahagi dahilan para makulong ako. Yumuko siya at ngayon ay face to face na kaming dalawa. 

Gwapo siya, pero takot na takot na ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako titingin pero wala akong magawa.

"Don't ever try to escape woman. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin," mahina niyang wika.

Nalanghap ko ang mainit niyang hininga at nakadagdag iyon sa kilabot na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya.

"Now, get inside this damn door, before I lose my mind and get to taste your flesh."

Nanginginig akong dinukot ang susi sa bag ko at nagkanda-ulog pa iyon sa sobrang pagmamadali bago ako makapagbukas ng kwarto at nang makapasok na ay sabay sara at lock niyon.

"Haaahh!" Huminga ako ng malalim dahil sa takot.

Dios ko. Who is he? Bakit siya ganito? Kahit pa pagbantaan niya ako, I will escape. I should.

Kaugnay na kabanata

  • Her Secret Guardian    The Trust

    ANASTASIAPAGKAPASOK ko sa loob ay kaagad ko nang inisip kung sino ang kokontakin ko. Pinagbantaan niya ako na hindi ako maaaring tumakas. Sabi pa niya na hindi ko alam ang mga kaya niyang gawin sa oras na tumakas ako.Mabilis akong naupo sa sofa at nang makita ko ang bukas na bintana ay agad akong tumayo at isinara ang mga iyon at inayos ang pagkakasabit ng kurtina, sinisigurado na hindi ako makikita sa loob.Hindi pa rin humuhupa ang kaba ko, hindi pa rin nawawala ang takot sa akin na baka kumatok siya at pasukin na lang ako ng bigla."Dios ko, anong gagawin ko?" Nasapo ko ang noo ko sa pamomroblema.Biglang pumitik ang sentido ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na sakit ng aking ulo. Mas lalo tuloy akong hindi makapag-isip ng maayos.Sa gitna ng katahimikan ay nag-ring ang aking cellphone, bagong number iyon.Kabisado ko na ang numero ni Crisanto pero hindi ko na-save. Kaya't sigurado kong hindi siya ito.Kaagad kong sinagot ang tawag at nang magsalita ang nasa kabilang linya ay na

    Huling Na-update : 2022-08-09
  • Her Secret Guardian    The Wallbanger

    ANASTASIA"DEEPER!""Harder!"Thump. Thump. "Oh God!"Thump.What the...nabubulabog ako. Tinanggal ko ang headphones ko at saka ako tumayo mula sa aking kinauupuan na swivel chair sa tapat ng aking computer set habang naghihintay ng client bilang isang home based call center agent."Oh God. That's so good, Crisanto! Deeper!"Isinuot ko ng mabuti ang aking eyeglasses saka ako nagtiklop ng mga kamay at pinagmasdan ang pag-uga ng pader sa pagitan ko at ng kwarto sa kabila.Anong nangyayari doon?Simula noong isang araw ay hindi na ako nakapagtrabaho ng mabuti dahil parang laging mayroong intensity 8 na lindol at ang sentro niyon ay sa kabilang kwarto.Nagsimula ang lahat ng iyon nang malaman kong ang bakanteng kwarto sa kabila ay mayroon nang umookupa pero sa loob ng tatlong araw ay hindi ko pa nakikita.Thump. Thump."That's so good, daddy. Uuuhhhmmm. Faster!"Boses iyon ng isang babaeng tila ba pinahihirapan sa kabila pero parang nasasarapan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.Napati

    Huling Na-update : 2022-08-09

Pinakabagong kabanata

  • Her Secret Guardian    The Trust

    ANASTASIAPAGKAPASOK ko sa loob ay kaagad ko nang inisip kung sino ang kokontakin ko. Pinagbantaan niya ako na hindi ako maaaring tumakas. Sabi pa niya na hindi ko alam ang mga kaya niyang gawin sa oras na tumakas ako.Mabilis akong naupo sa sofa at nang makita ko ang bukas na bintana ay agad akong tumayo at isinara ang mga iyon at inayos ang pagkakasabit ng kurtina, sinisigurado na hindi ako makikita sa loob.Hindi pa rin humuhupa ang kaba ko, hindi pa rin nawawala ang takot sa akin na baka kumatok siya at pasukin na lang ako ng bigla."Dios ko, anong gagawin ko?" Nasapo ko ang noo ko sa pamomroblema.Biglang pumitik ang sentido ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na sakit ng aking ulo. Mas lalo tuloy akong hindi makapag-isip ng maayos.Sa gitna ng katahimikan ay nag-ring ang aking cellphone, bagong number iyon.Kabisado ko na ang numero ni Crisanto pero hindi ko na-save. Kaya't sigurado kong hindi siya ito.Kaagad kong sinagot ang tawag at nang magsalita ang nasa kabilang linya ay na

  • Her Secret Guardian    The Threat

    ANASTASIAALAS OTSO ng gabi ang out ko sa trabaho. Ganito ako lagi umuwi at minsan, nilalakad ko na lang dahil isang sakayan lang naman. Marami pa namang tao kapag ganito kaya't hindi delikado."Sigurado ka? Maglalakad ka na naman? Pwede naman kitang ihatid," ani Roland, katrabaho ko."Oo. Ayos lang. Dadaan pa kasi ako diyan sa Watsons, mauna ka na lang."Hindi ako sanay na nagpapahatid dahil naiilang ako. Wala pa akong naging boyfriend sa edad kong 25 kaya't hindi ko alam ang pakiramdam na mayroong naghahatid at sumusundo sa akin."Bahala ka. Sige, ingat na lang." Isinuot na niya ang helmet saka umandar ang motor at umalis.Hinatid ko siya ng tingin bago ako nagsimulang maglakad.Hindi naman talaga ako dadaan sa Watsons, sinabi ko lang iyon sa kanya dahil ayaw kong ipilit pa niya ang paghahatid sa akin.Tinangka rin ni Roland na ligawan ako dati pero nang ma-busted siya sa akin ay hindi na rin niya itinuloy pa. Siguro, isang rason na rin iyon kaya ako naiilang kahit pa alam kong maba

  • Her Secret Guardian    The Wallbanger

    ANASTASIA"DEEPER!""Harder!"Thump. Thump. "Oh God!"Thump.What the...nabubulabog ako. Tinanggal ko ang headphones ko at saka ako tumayo mula sa aking kinauupuan na swivel chair sa tapat ng aking computer set habang naghihintay ng client bilang isang home based call center agent."Oh God. That's so good, Crisanto! Deeper!"Isinuot ko ng mabuti ang aking eyeglasses saka ako nagtiklop ng mga kamay at pinagmasdan ang pag-uga ng pader sa pagitan ko at ng kwarto sa kabila.Anong nangyayari doon?Simula noong isang araw ay hindi na ako nakapagtrabaho ng mabuti dahil parang laging mayroong intensity 8 na lindol at ang sentro niyon ay sa kabilang kwarto.Nagsimula ang lahat ng iyon nang malaman kong ang bakanteng kwarto sa kabila ay mayroon nang umookupa pero sa loob ng tatlong araw ay hindi ko pa nakikita.Thump. Thump."That's so good, daddy. Uuuhhhmmm. Faster!"Boses iyon ng isang babaeng tila ba pinahihirapan sa kabila pero parang nasasarapan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.Napati

DMCA.com Protection Status