Share

The Trust

Author: Duchess GN
last update Last Updated: 2022-08-09 20:16:58

ANASTASIA

PAGKAPASOK ko sa loob ay kaagad ko nang inisip kung sino ang kokontakin ko. 

Pinagbantaan niya ako na hindi ako maaaring tumakas. Sabi pa niya na hindi ko alam ang mga kaya niyang gawin sa oras na tumakas ako.

Mabilis akong naupo sa sofa at nang makita ko ang bukas na bintana ay agad akong tumayo at isinara ang mga iyon at inayos ang pagkakasabit ng kurtina, sinisigurado na hindi ako makikita sa loob.

Hindi pa rin humuhupa ang kaba ko, hindi pa rin nawawala ang takot sa akin na baka kumatok siya at pasukin na lang ako ng bigla.

"Dios ko, anong gagawin ko?" Nasapo ko ang noo ko sa pamomroblema.

Biglang pumitik ang sentido ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na sakit ng aking ulo. Mas lalo tuloy akong hindi makapag-isip ng maayos.

Sa gitna ng katahimikan ay nag-ring ang aking cellphone, bagong number iyon.

Kabisado ko na ang numero ni Crisanto pero hindi ko na-save. Kaya't sigurado kong hindi siya ito.

Kaagad kong sinagot ang tawag at nang magsalita ang nasa kabilang linya ay nagaanan ako ng loob.

"Si Roland ito, tatanungin ko sana kung nakauwi ka na," sabi niya.

Parang nagkaroon ako ng bagong pag-asa. Parang siya ang magiging susi para makatakas ako sa kamay ni Crisanto. This is I think the sign na ipinadala sa akin para mailigtas ako sa kamay ng sadistang si Crisanto.

"H-hello," pilit kong hinihinaan ang boses ko upang sa gano'n ay hindi ako marinig ni Crisanto.

"Oh, ayos ka lang ba diyan?" nag-aalalang tanong niya.

"Actually, hindi."

"Ha? Bakit? Gusto mo bang puntahan na kita ngayon? Nasaan ka?" 

Napapikit ako. Hindi niya ako maaaring puntahan dito ngayon dahil delikado. Parehas lang kaming mapapahamak kung paririto siya.

"H'wag. Hindi pwede. Bukas na lang, itetext ko ang mangyayari, okay? Please, don't call again. Delikado," mahina ko pa ring wika.

"Okay. Mag-text ka kaagad, hihintayin ko."

Matapos iyon ay agad ko na ring pinatay ang tawag. Nakapagtataka lang na biglang ganito si Roland. Two weeks ko na siyang binusted at bigla na lang siyang umiwas that time, pero hindi naman siya nagbago sa pakikitungo niya sa akin. 

It's just that, ngayon lang siya ganito ka-concern sa akin. Pero hindi na iyon ang mahalaga sa ngayon. Ang dapat kong isipin ay kung paano niya ako maitatakas sa sitwasyon ko. Naniniwala ako na tadhana na ang gumawa ng paraan kaya siya tumawag sa akin ngayon.

ILANG sandali pa ay nagmadali na akong magtext sa kanya. Sinabi ko na sa trabaho na lang kami magkita, doon ko sasabihin sa kanya ang lahat. Basta't mangako siya na itatakas niya ako pagkatapos, dahil nanganganib ang buhay ko.

Nag-yes naman siya kaagad. Muli, bago magtapos ang usapan naming dalawa ay sinigurado niya muna kung maayos lang ba ako ngayon. At ang tangi ko lang reply sa kanya ay kinakaya ko pa.

Hindi ko na nagawa ang trabaho ko. Gulong gulo na ako sa ngayon dahil kung tatakas ako bukas, hindi ko madadala ang mg gamit ko na narito.

Pero mas mahalaga ngayon ang buhay ko. Hindi ko dapat isipin ang mga kagamitan, kayang kaya kong bumili kung tutuusin. Ang importante ngayon ay ang buhay ko.

Huminga ako ng malalim bago ko ihinilamos ang mga palad ko sa mukha ko. Hindi ako makakatulog nito ng maayos.

Nananatili lang akong nakikiramdam sa kabilang kwarto. Wala kasi siyang ginagawang ingay doon. Tiyak kong naroon siya pero hindi ko alam kung anong ginagawa niya.

Mas nakakakaba iyon para sa akin.

Isa pa ring palaisipan kung sino ba talaga siya at kung ano ang sadya niya sa akin. Isa pa'y bakit gano'n na lang niya ako itrato? Para siyang hari ng Tondo, sanay sa bugbugan.

Dalangin ko ay sana'y umaga na, at nang sa gayon ay makaalis na ako sa lugar na ito. So, para makapagpalipas ng oras ay inilagay ko sa isang bag ang lahat ng importanteng gamit ko, iyong mga pinakamahalaga lang. Wallet, chargers, ilang bagay na mayroong sentimental values sa akin at ang naiiwang kwintas ni mama at papa. Iyon lang at handa na ako bukas sa pag-alis sa lugar na ito.

Hindi ko man magagawang magpaalam kay Manang Dona pero susulat ako sa kanya at iiwan ko dito sa lamesa kasama ang bayad sa upa upang sa gano'n ay aalis akong walang atraso. Ibibilin ko rin sa kanya ang mga maiiwang gamit ko at upang pagbalik ko, kapag nakulong na si Crisanto ay mayroon pa akong babalikan.

Gano'n na nga ang ginawa ko buong magdamag. Alas tres na ako nakatulog at dahil nakaramdam na ako ng matinding antok dahil sa kapaguran, isinantabi ko na muna ang takot at pangamba na mayroon ako.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Halos walang maririnig na ingay sa buong kwarto ko nang gumising ako dahil dahan-dahan ako sa lahat ng aking kilos.

Nabuo na sa akin ang matinding takot sa kanya kaya't gano'n na lamang ang pag-iingat ko.

Alas otso pa lang ng umaga ay nakahanda na akong lumabas ng kwarto. Naghahanap lang ako ng timing na lumabas kaya't panay ang buntong hininga ko habang nakatayo sa tapat ng pintuan.

"Kaya ko ito," sabi ko sa sarili ko nang handa na ako.

Pagpihit ko ng door knob ay agad iyong bumukas at saka ako lumabas. Pero parang hinahabol ako ng kamalasan dahil naroon si Crisanto, nakaupo sa silya na yari sa kahoy, sa tapat pa ng kwarto ko habang nakatingin sa notebook niyang kulay itim.

Napatingala siya nang makita ako at saka ngumiti.

"Good morning," bati niya sa akin.

Naka-sando siya ng puti, iyong hapit sa kanya, naka-maong na semi-tattered at boots na itim. Halatang bagong ligo siya dahil basa pa ang buhok niya.

Ano kayang laman ng notebook na iyon dahil sa tuwing makikita ko siya ay hawak niya ito?

Ngumiti lang ako at hahakbang na sana paalis nang tisurin niya ako sa paa na dahilan para madapa ako.

"Aray," mahina kong wika.

"Sorry." Aniya saka tumayo upang sa gano'n ay tulungan akong tumayo sa pagkakadapa ko.

Inilahad niya ang kamay niya at dahil wala akong choice dahil baka magalit na naman siya ay inabot ko na lang iyon para tulungan ang sarili na makatayo.

Ngunit bigla niya akong binitawan kaya naman napaupo akong muli sa semento.

Masama ang tingin ko sa kanya habang nakatayo siya at nakatitig ng masama sa akin.

Ang sama niya. Isa siyang demonyo.

Bigla siyang naupo sa tapat ko sabay hawak sa pisngi ko.

"H'wag mo akong hawakan." Iniwas ko ang ulo ko a kanya.

"Ganyan ang mangyayari sa'yo kapag patuloy kang nagtiwala sa tao. Don't trust anyone, baby." Misteryoso ang mga mata niyang tumitig sa akin saka niya ako sapilitan na pinatayo.

"I said don't ever touch me!" Itinulak ko siya palayo pero nahawakan niya ang braso ko.

"Don't ever trust anyone, Ana, mapapahamak ka lang," mahina at seryoso ang boses niya nang sabihin niya ito sa akin.

Nang bigla niya akong bitawan ay naupo siyang muli sa silya at ako naman ay kabadong umatras at umalis.

"I'll see you around, Ana!" sigaw niya.

Alam na rin niya ang pangalan ko. Hindi ko alam kung saan niya iyon nakuha pero isa lang ang sigurado, higit pa siya sa stalker.

09:30 A.M. PAGDATING ko sa Metamorphosis ay naroon na si Roland. Parehas kaming maaga dahil sa usapan naming dalawa.

Wala sa loob ko na niyakap siya at humagulgol sa iyak nang sa wakas ay pwede na akong makatakas. Maililigtas na ako.

"Tumakas na tayo, ilayo mo na ako dito, Roland please!"

"Okay. Halika na, sumakay ka na sa motor," pagmamadali niya.

Hindi na ako nagdalawang isip na sumakay at kung saan niya ako dadalhin ay siya na ang bahala, basta't malayo dito sa Villa Verde,delikado ako dito.

ILANG MINUTO pa ang nakalipas, tinahak namin ang trail na walang ni kahit na sasakyan na nakakasalubong. Kahit kasunod na sasakyan ay wala.

Bagong gawang kalsada ito at lumalamig na ang klima, hudyat na palapit na kami sa highest point ng bundok na ito. Mababa na rin ang fog kaya't medyo mahirap makita ang daan.

"Saan tayo pupunta, Roland?" tanong ko.

"Ako ang bahala," aniya.

And since, nagtiwala ako sa kanya ay hinayaan ko lang siya. Hanggang sa huminto kami sa isang lugar, sa tabi ng bangin at sa gilid ay pumarada kami.

"Dito muna tayo, isigaw mo ang lahat ng gusto mong isigaw. Para mawala lahat ng problema mo," suhestyon niya.

Pagkasabi niya nito ay tumayo ako sa gilid ng kalsada, tanaw ko ang buong bayan at mga karatig probinsya sa sobrang taas.

"Totoo nga ang sabi nila, makakabawas ng bigat sa dibdib ang pagsigaw sa ganitong lugar." Nakaharap lang ako doon habang siya ay nasa tapat ng kanyang motor, mayroong kung anong ginagawa.

"Demonyo ka Crisantoooooooo!" Sigaw ko ng paulit-ulit, wala naman sigurong makakarinig sa akin dito.

"Okay ka na?" tanong ni Roland nang huminto ako.

"Oo, okay na ako." Nakangiti akong lumingon sa kanya na nakatayo lang, limang metro ang layo sa akin.

Pero nawala ang ngiti ko nang unti-unti niyang i-angat ang kanyang kamay na mayroong hawak na baril.

Kumakapal na ang fog at kahit mayroon akong sasakyan o motor na naririnig na paparating ay hindi kami masyadong mapapansin dahil doon.

"Ano iyan Roland? Bakit?" namuo muli ang kaba ko sa dibdib ko, ngayon ay hindi na lang doble, higit pa sa sampu.

Dito na nga yata ako mamamatay.

Dios ko.

Ngumiti si Roland at hinawakan ang trigger ng baril.

"Huwag! Maawa ka sa akin, wala akong kasalanan sa'yo!" Umiiyak na ako at nanginginig na ang tuhod ko sa sobrang takot.

"Matagal na kitang person of interest, Veronica."

Veronica? Sino si Veronica?

"Sinong Veronica? Anong ibig mong sabihin, Roland?" Kumunot din ang noo ko sa sinabi niya dahil hindi naman ako ang tinatawag niyang Veronica.

"Hindi mo na kailangan pang malaman dahil katapusan mo na rin ngayon!"

Pagkasabi niya nito ay kaagad na pumutok ang baril kaya't napaluhod na lang ako bigla, hindi dahil sa tinamaan ako kundi dahil wala akong ibang naramdaman, parang nabingi lang ako sa sobrang lakas ng pagputok ng baril.

"Mamaaaaaaa!" Sigaw ko ng malakas habang nakatakip ang mga kamay ko sa aking tenga.

Sa harapan ko ay biglang bumulagta ang bangkay na mayroong duguang ulo.

Nanginginig akong sinigurado kung sino ang bumulagta sa harapan ko. 

Si Roland.

Umangat bigla ang ulo ko at tiningan kung sino ang gumawa niyon.

Naroon ang lalaking naka-boots, naka semi-tattered maong pants, white inner sando at leather jacket. Mayroon siyang hawak na baril ngunit nakababa iyon.

Titig na titig sa akin ang misteryoso niyang mga mata habang umiigting ang panga niya sa galit.

"Hindi ba't sabi ko sa'yo na huwag kang magtitiwala kahit kanino?"

Ang malalim at baritono niyang boses ang naging kompirmasyon na siya nga talaga ang pumatay sa taong nagtangkang pumatay sa akin.

"Crisanto!" Tumayo ako kaagad at wala sa isip kong tumakbo at nagtungo sa kanya upang yakapin siya ng mahigpit na mahigpit.

Hindi ko na inisip kung ano ang sasabihin niya, pero napakapalad ko dahil dumating siya sa oras.

Basa na ng uhog, luha at laway ang dibdib niya pero hinahayaan pa rin niya akong yumakap at umiyak sa kanya.

Nang humupa na iyon ay unti-unti na rin akong kumalas at tumingin sa kanyang mukha na ngayon ay maamo na at hindi na galit.

"Sa akin ka lang makikinig, Ana. Hindi ka mapapahamak." Pinunasan ng kanyang kanang hinlalaki ang luha ko sa pisngi.

Sumisinok ako habang nakatitig sa kanya.

"S-sino ka ba talaga?" nagtataka kong tanong.

Hindi niya ako sinagot.

"P-paano mo ako nasundan?" tanong ko pa.

Pero hindi pa rin siya sumagot.

"Halika na. Umalis na tayo rito habang wala pang nakakakita." Hinawakan niya ako sa kamay at dinala ssa kanyang motor bago niya isinukbit ang baril sa kanyang bewang.

"S-saan mo ako dadalhin?" Hindi muna ako sumakay dahil mayroon pa rin akong takot na baka patayin rin niya ako.

Tinapunan niya ako ng masamang tingin kaya naman mabilis pa sa kidlat ay lumapit na ako sa kanya.

Sa harapan ko ay muli niyang tinanggal ang leather jacket nawalang kasing bigat at saka iyon ipinasuot sa akin.

"This is bullet proof jacket. You're safe if you'll wear it," aniya.

Nang maisuot ko na iyon ay wala siyang pasabi na inilusot sa ulo ko ang itim na helmet.

Pakiramdam ko ay siya si Superman. Lagi siyang sumusulpot kung saan at heto, pinadala siya para iligtas ako.

Is he my secret guardian?

Related chapters

  • Her Secret Guardian    The Wallbanger

    ANASTASIA"DEEPER!""Harder!"Thump. Thump. "Oh God!"Thump.What the...nabubulabog ako. Tinanggal ko ang headphones ko at saka ako tumayo mula sa aking kinauupuan na swivel chair sa tapat ng aking computer set habang naghihintay ng client bilang isang home based call center agent."Oh God. That's so good, Crisanto! Deeper!"Isinuot ko ng mabuti ang aking eyeglasses saka ako nagtiklop ng mga kamay at pinagmasdan ang pag-uga ng pader sa pagitan ko at ng kwarto sa kabila.Anong nangyayari doon?Simula noong isang araw ay hindi na ako nakapagtrabaho ng mabuti dahil parang laging mayroong intensity 8 na lindol at ang sentro niyon ay sa kabilang kwarto.Nagsimula ang lahat ng iyon nang malaman kong ang bakanteng kwarto sa kabila ay mayroon nang umookupa pero sa loob ng tatlong araw ay hindi ko pa nakikita.Thump. Thump."That's so good, daddy. Uuuhhhmmm. Faster!"Boses iyon ng isang babaeng tila ba pinahihirapan sa kabila pero parang nasasarapan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.Napati

    Last Updated : 2022-08-09
  • Her Secret Guardian    The Threat

    ANASTASIAALAS OTSO ng gabi ang out ko sa trabaho. Ganito ako lagi umuwi at minsan, nilalakad ko na lang dahil isang sakayan lang naman. Marami pa namang tao kapag ganito kaya't hindi delikado."Sigurado ka? Maglalakad ka na naman? Pwede naman kitang ihatid," ani Roland, katrabaho ko."Oo. Ayos lang. Dadaan pa kasi ako diyan sa Watsons, mauna ka na lang."Hindi ako sanay na nagpapahatid dahil naiilang ako. Wala pa akong naging boyfriend sa edad kong 25 kaya't hindi ko alam ang pakiramdam na mayroong naghahatid at sumusundo sa akin."Bahala ka. Sige, ingat na lang." Isinuot na niya ang helmet saka umandar ang motor at umalis.Hinatid ko siya ng tingin bago ako nagsimulang maglakad.Hindi naman talaga ako dadaan sa Watsons, sinabi ko lang iyon sa kanya dahil ayaw kong ipilit pa niya ang paghahatid sa akin.Tinangka rin ni Roland na ligawan ako dati pero nang ma-busted siya sa akin ay hindi na rin niya itinuloy pa. Siguro, isang rason na rin iyon kaya ako naiilang kahit pa alam kong maba

    Last Updated : 2022-08-09

Latest chapter

  • Her Secret Guardian    The Trust

    ANASTASIAPAGKAPASOK ko sa loob ay kaagad ko nang inisip kung sino ang kokontakin ko. Pinagbantaan niya ako na hindi ako maaaring tumakas. Sabi pa niya na hindi ko alam ang mga kaya niyang gawin sa oras na tumakas ako.Mabilis akong naupo sa sofa at nang makita ko ang bukas na bintana ay agad akong tumayo at isinara ang mga iyon at inayos ang pagkakasabit ng kurtina, sinisigurado na hindi ako makikita sa loob.Hindi pa rin humuhupa ang kaba ko, hindi pa rin nawawala ang takot sa akin na baka kumatok siya at pasukin na lang ako ng bigla."Dios ko, anong gagawin ko?" Nasapo ko ang noo ko sa pamomroblema.Biglang pumitik ang sentido ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na sakit ng aking ulo. Mas lalo tuloy akong hindi makapag-isip ng maayos.Sa gitna ng katahimikan ay nag-ring ang aking cellphone, bagong number iyon.Kabisado ko na ang numero ni Crisanto pero hindi ko na-save. Kaya't sigurado kong hindi siya ito.Kaagad kong sinagot ang tawag at nang magsalita ang nasa kabilang linya ay na

  • Her Secret Guardian    The Threat

    ANASTASIAALAS OTSO ng gabi ang out ko sa trabaho. Ganito ako lagi umuwi at minsan, nilalakad ko na lang dahil isang sakayan lang naman. Marami pa namang tao kapag ganito kaya't hindi delikado."Sigurado ka? Maglalakad ka na naman? Pwede naman kitang ihatid," ani Roland, katrabaho ko."Oo. Ayos lang. Dadaan pa kasi ako diyan sa Watsons, mauna ka na lang."Hindi ako sanay na nagpapahatid dahil naiilang ako. Wala pa akong naging boyfriend sa edad kong 25 kaya't hindi ko alam ang pakiramdam na mayroong naghahatid at sumusundo sa akin."Bahala ka. Sige, ingat na lang." Isinuot na niya ang helmet saka umandar ang motor at umalis.Hinatid ko siya ng tingin bago ako nagsimulang maglakad.Hindi naman talaga ako dadaan sa Watsons, sinabi ko lang iyon sa kanya dahil ayaw kong ipilit pa niya ang paghahatid sa akin.Tinangka rin ni Roland na ligawan ako dati pero nang ma-busted siya sa akin ay hindi na rin niya itinuloy pa. Siguro, isang rason na rin iyon kaya ako naiilang kahit pa alam kong maba

  • Her Secret Guardian    The Wallbanger

    ANASTASIA"DEEPER!""Harder!"Thump. Thump. "Oh God!"Thump.What the...nabubulabog ako. Tinanggal ko ang headphones ko at saka ako tumayo mula sa aking kinauupuan na swivel chair sa tapat ng aking computer set habang naghihintay ng client bilang isang home based call center agent."Oh God. That's so good, Crisanto! Deeper!"Isinuot ko ng mabuti ang aking eyeglasses saka ako nagtiklop ng mga kamay at pinagmasdan ang pag-uga ng pader sa pagitan ko at ng kwarto sa kabila.Anong nangyayari doon?Simula noong isang araw ay hindi na ako nakapagtrabaho ng mabuti dahil parang laging mayroong intensity 8 na lindol at ang sentro niyon ay sa kabilang kwarto.Nagsimula ang lahat ng iyon nang malaman kong ang bakanteng kwarto sa kabila ay mayroon nang umookupa pero sa loob ng tatlong araw ay hindi ko pa nakikita.Thump. Thump."That's so good, daddy. Uuuhhhmmm. Faster!"Boses iyon ng isang babaeng tila ba pinahihirapan sa kabila pero parang nasasarapan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.Napati

DMCA.com Protection Status