“Erica… tumawag kayo ng ambulansya, please. Tulungan niyo po ang kaibigan ko.” Hysterical at umiiyak na humihingi ng tulong si Myra sa mga taong nakapaligid at nakikinood sa amin, habang ako ay nasa gitna ng kalsada ang tingin. Gusto kong tumayo. Gusto kong lapitan si Reynald na walang malay habang pilit na ginigising ni Justin. Pero hindi ako makatayo at ang sakit ng katawan ko. Unti-unti na ring lumalabo ang paningin ko. “Erica… ‘wag—‘wag kang pipikit. ‘Wag kang matulog, please—tulong… tulangan n’yo po kami…” Hawak na ni Myra ang kamay ko. Pero ingat na ingat naman siya na hindi niya ako masyadong magalaw. Maya maya ay umalingawngaw na ang mga tunog ng ambulansya. Kita ko pa ang pagtigil nito malapit Kay Reynald. “Myra… si Reynald… n-niligtas niya ako—" sabi ko, bago nagdilim ang paligid ko.“Reynald…” Nagising ako na si Reynald pa rin ang laman ng utak ko. Nakikita ko pa rin ang emahe niya; nakataob sa kalsada duguan at walang malay. “Buti naman at nagising ka na," nakangiting
“Erica, tama ang hinala natin, si Shaira; siya ang walang awang bumangga sa’yo. Hindi lang pala impakta ang babae na ‘yon. Demonyo pala talaga siya! Silang lahat!" Napahawak ako sa dingding, para kasing nawalan ng lakas ang mga paa ko. Kahit may hinala na kami ni Myra, iba pa rin pala sa pakiramdam ‘yong na confirm namin mismo na siya nga ang walang puso na nagtangka sa buhay ko. Mas nakakatakot at mas nakakabahala. “Tara na, Erica. Umalis na tayo. Hindi deserve ni Reynald ang pag-aalala mo. Hindi niya deserve na bisitahin, at lalong hindi ka niya deserve.” Ang dami ng nasabi si Myra, pero ako, hindi pa rin makapagsalita. “Erica, ano ba? Tara na! ‘Wag ka nang mag-isip. Hindi dapat kaawaan si Reynald. Niligtas ka nga niya, pero pinagtakpan niya naman si Shaira. Tinatago nila sa mga pulis ang alam nila!” Umiling-iling ako. Ayokong umalis. Gusto kong makausap si Reynald. Gusto ko silang makausap. Gusto kong maging malinaw lahat.“Kaya pala hindi ka na nila ginugulo; kaya pala hindi na
Dahil sa gulat, hindi na nagawang pihitin ni Myra ang doorknob, habang ako, umawang naman ang labi. Parang may bumara sa lalamunan ko at nahihirapan din akong lumunok. “My nerd…” Saka lang ako parang nahimasmasan nang marinig ulit ang boses ni Justin. Dismaya ko siyang hinarap. “Imposible ka, Justin. Sa kabila ng mga nangyayari ngayon, nakuha mo pa talagang magbiro? Tigilan mo na ako, Justin, please. Umabot na si Shaira sa pananakit, hindi ka pa rin ba nadala? Hihintayin n’yo pa ba na mas malala pa ang gawin niya sa susunod bago n’yo ako tantanan?” Napahawak ako sa batok at sandaling napakit. “Ang gusto ko lang naman ay makapagtapos ng pag-aaral. Wala akong panahon sa mga kalokohan mo—sa mga kalokohan n’yo." “My nerd, hindi ako nagbibiro at lalong hindi kita niloloko. Pero hindi naman kita masisisi kung ayaw mong maniwala—"“Tama na nga sabi e! Alam mong hindi rin kalokohan ang nangyari sa akin, Justin. Pati nga si Reynald, napahamak na ‘di ba? Itong ginagawa n’yo sa akin—nila Shai
Nandito na ako sa loob ng unit ko, pero dibdib ko hindi pa rin tumigil sa pagkabog. Pero kahit abot-abot ang kaba na nararamdaman ko, nagawa ko pa rin na sumilip sa siwang ng bintana at kaagad namang nagtago nang makita ang kotse na nasa harap pa rin ng gate. Ang dami agad tanong ang nabuo sa isip ko. Sino kaya ang may-ari ng kotse? Hindi kaya si Shaira ‘yon? Minamanmanan ako? Nag-aabang ng tyempo para mapuruhan ako o nagbabantay siya, if ever magpunta rito si Reynald na kinababaliwan niya. Pabagsak akong umupo sa sofa. Hilot-hilot na naman ang noo ko. Kalalabas ko lang sa hospital, pero ang dami na agad stressful na pangyayari ang na e-encounter ko. Nakakapanghina na talaga ang mga nangyayari sa buhay ko. Pati ang mga bagay na nakakapagpasaya sa akin ay hindi na ako magawang pasayahin.Matapos ang ilang minutong pag-iisip, muli akong sumilip sa bintana. Napabuga na lang ako ng hangin nang hindi ko na makita ang kotse. Lumuwag na rin ang pakiramdam ko. Kaya lang, ang mga tanong ko,
Matapos ang sandaling pagkagulat nagawa na rin ni Myra ang tumawa. Pahapyaw nga lang. Pero ako, wala pa ring reaksyon na nakatingin lang sa kanila. “Ibang klase talaga kayo. Bagong show niyo na naman ba ‘to?” natatawa na tanong ni Myra at naiiling pa. Sandali rin siyang sumulyap kay Justin, at bumaling naman sa tatlong demonyita na hanggang ngayon ay nakaluhod at nakayuko pa rin. “Tumayo na nga kayong tatlo! Hindi bagay sa inyo ang lumuhod, bagay sa inyo, hawak sa rehas habang umiiyak. At saka, hindi diyos si Erica para luhuran n’yo. Isa lang siyang nerd na muntik n’yo nang—"“Myra!" agad kong pinutol ang pagsasalita ni Myra. Marami na nga kasing nakapaligid sa amin. Syempre, sino ba ang hindi mapapahinto at maki-marites sa nakikita nila ngayon? Ngayon nga lang kasi nangyari sa paaralang ‘to na napaluhod ng isang nerd ang mga high class bully.“Tumayo na kayo! Kahit sa simpleng sorry at pag-amin lang sa ginawa n’yo, okay na sana sa akin, basta lang sincere at hindi palabas ang sinas
“Kumalma ka nga, Erica. Bakit ka ba takot na takot?" tanong ni Myra na imbes ay matakot din gaya ko, tumalim pa ang tingin niya sa kotse; ‘yong tingin na parang tumatagos ang paningin niya sa loob. Tinapik-tapik niya rin ang kamay ko at sandali akong sinulyapan, “dito ka lang,” sabi niya at patakbong pinuntahan ang kotse. Hindi ko na siya nagawang pigilan pa. Ang bilis niyang nakalayo at ang bilis niya ring narating ang kotse. Talagang tumayo pa siya sa harap nito. Napatakip na lang ako ng bibig habang nangangatal ang buong katawan. Paano kung mawala sa sarili ang sakay ng kotse na 'yon at sagasaan niya si Myra? Minsan wala talaga sa lugar ang tapang niya. Naghahanap siya ng ikapahamak niya. Maya maya ay kinatok na niya ang salamin ng kotse na kaagad namang nagbukas ng bahagya. Hindi ko naririnig ang usapan nila, pero basi sa galaw ni Myra at kumpas ng kamay, parang tinalakan niya ng bongga ang may-ari ng kotse na ngayon ay mabagal nang tumatakbo pero sinundan pa rin ni Myra. Ang t
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa tatlong demonyita habang hinihintay ang sagot nila. Pero ang totoo mas gusto ko na lang umalis kay sa hintayin ang sagot nila. Teritoryo ko ‘to. Nandito kami sa apartment ko na alam kong hindi allowed ang violence, pero naduduwag pa rin ako. Napangiti naman si Shaira habang nakatingin sa akin. Tumaas pa ang isang kilay nito. “Erica, relax! Wala kaming gagawin na masama sa’yo. Maka-react ka naman, parang sinusundo ka na ni kamatayan ah,” sabi ni Shaira na kaagad sinaway ni Lu at Pia. Sabay nilang hinampas ang kaibigang utak demonyo, pero nasa akin naman ang tingin. “Ano ba? Ang sakit ha!" sikmat nito at pinaghahampas niya rin ang mga kaibigan. “Umayos ka nga, Shaira, kung hindi ka marunong sumunod sa utos, tumahimik ka na lang, pwede ba?" bulong ni Pia kay Shaira, pero naririnig ko pa rin. Hinarap naman ako Lu, matapos nilang sawayin si Shaira. "Erica, pasensya ka na rito kay Shaira. Alam mo naman ang ugali niya ‘di ba?" mahinahong sabi ni Lu. Nakan
Para akong sabog nang magising ako. Nakakahilo ang mga nangyari sa akin kahapon. Kung dati ay ang masakit na salita ni kuya Eman ang gumigising sa akin tuwing umaga, ngayon ay mga mukha ng mga demonyo at demonyita na. Pati nga panaginip ko ay pinapasok na nila. Dumagdag pa sa iniisip ko ang tanong ni Shaira kahapon. Anong sikreto ko? Anong mayro’n ako, bakit nababaliw ang magpinsang si Justin at Reynald sa akin?Gaya ng lagi kong ginagawa tuwing umaga, humarap muna ako sa computer at mabilis na nag-type ng mga salita sabay sulyap sa nagpapangiti at nagpapasaya sa akin kahit paano. Nang matapos ay naghanda na rin ako para simulan na naman ang araw sa labas, at haharapin na naman ang mga demonyo at demonyita na salot sa buhay ko.Katatapos ko lang maligo, at hindi pa ako bihis pero paulit-ulit na katok na ang naririnig ko mula sa labas. Hindi ko agad binuksan ang pinto, hindi naman kasi ito nagsasalita, hindi nagpapakilala. Kunot-noo akong lumapit sa bintana para silipin kung nasa lab
This is it. Ang araw na pinakahihintay namin ni Justin. Our wedding. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aming mga labi habang hinihintay na sabihin ni father ang magic word. “You may now kiss the bride—” “Uhmm… mwah!” “Justin," mahina ko siyang hinampas. Pero nakangiti naman. Paano ba naman kasi, hindi pa nga tapos si father na sabihin ang magic word, nauna na akong sunggaban ng halik ni Justin na nagpatawa sa lahat na dumalo sa kasal namin. Maging si father ay natawa na lang at nailing. Masyadong atat itong mahal ko. “Humanda ka later," bulong pa nito sa akin. Malandi ko siyang nilingon. “Matagal na akong handa," bulong ko naman sa kanya na nagpakagat labi sa kanya. Kumislap pa ang mga mata. “ ‘Wag na kaya tayong pumunta sa reception, diretso honeymoon na tayo nang makarami," landing bulong na naman nito habang palabas na kami ng simbahan, at sinabuyan ng mga rose petal ng mga bisita. “Ikaw talaga—" Kurot sa tagiliran niya ang tumapos sa pagsasalita ko. Kaharap na kasi namin
“My nerd," malambing na sabi ni Justin, sabay ang mahigpit na yakap mula sa likuran at may pahabol pa na halik sa leeg ko. “Ano ba ang ginagawa mo rito? Kanina ka pa namin hinihintay sa loob," dagdag sabi pa nito na sumabay sa pagsiklop ng mga kamay namin.Nilingon ko rin siya at nginitian ng matamis. “Nagpapahangin lang at saka may iniisip din," sagot ko. Sumulyap pa ulit ako sa kanya at sumandal sa dibdib niya. “Isip na naman? Kasama mo na nga ako kaya hindi mo na ako kailangan isipin. Ang kailangan mo na lang gawin ay…” Pinihit niya ako paharap sa kanya. Ngayon ay diin na diin na naman sa akin ang katawan niya. Pinulupot ko naman ang mga kamay ko sa batok niya na agad nagpangiti sa kanya ng sobrang tamis. At sa tuwing ganito siya ka lambing ang saya ko, parang laging hinahaplos sa puso ko. "Ang yakapin, halikan, lambingin, at landiin ako, ‘yon ang kailangan mong gawin at hindi ang mag-isip,” ngising sabi nito, at syempre may kasabay na naman ‘yong halik sa labi ko na nagpapapikit
Mabagal na humakbang palapit sa amin si papa, at ang tingin nito ay nakatutok pa rin kay Justin. Si Justin naman panay kamot na lang sa ulo at ngayon ay yuyuko-yuko na. Mukhang magkakaproblema na naman yata kami nito. Justin naman kasi!“Move!” pasikmat na utos ni papa. Turo nito ang kabilang side ng couch. Agad namang sumunod si Justin. Ang bilis nga niya kumilos. Takot yata mahampas ng bote. Mabuti na lang at nilagay na ni papa ang bote ng alak sa lamesa, at saka umupo sa pagitan namin ni Justin.“Tinatanong kita, Justin? Saan kayo magpapakasal?” madiin na tanong ni papa. “S-sa simbahan po,” nauutal na sagot nito sabay naman ang pagyuko. Ang bait na nga niyang tingnan. Behave na behave; walang bakas ng pagiging abusado. Kakaibang ngisi naman ang sagot ni papa, at saka nilingon ako. Ako naman ang napakamot sa ulo. “Sigurado kayo?” Makahulugan pa rin ang tingin niya sa akin na parang binabasa ang ekspresyon ng mukha ko. Eh, ekspresyon nga niya ang nabasa ko. Ekspresyon na nagsasab
“Erica, ingat ka palagi ha?" Ako naman ang hinarap ni Myra, matapos ilabas ang galit nito sa kuya ko na ngayon ay hindi na makapagsalita at humupa na rin ang galit. Wala na nga sa amin ni Justin ang tingin niya. Na kay Myra na. Napailing-iling na lang si papa habang nakatingin sa kanya. Strict nga rin si papa, pero hindi naman katulad ni kuya na talagang nambubugbog kapag ayaw niya sa tao o kung pakiramdam niya ay may masamang balak ito. “Maging masaya ka; kayo ni Justin. Don’t let anyone ruin the love you have for each other, kahit pa ang isang ‘yan," sabi pa ni Myra habang turo si Kuya.Masaya na dapat ako, pero dahil aalis si Myra, malungkot na naman ako. Paano naman kasi, sumobra na ‘to si kuya sa pagiging strict, kaya ang babae na makakasama sana niya habangbuhay, mawawala pa. Hindi nag-iisip! “Myra, mas magiging masaya ako kapag dito ka lang. ‘Wag ka nang lumayo, please," pakiusap ko sa kaibigan kong ngumiti lang ng mapait.“Kuya, ano ba?! Tatayo ka na lang ba? Wala kang gagaw
“Justin,” hagulgol ko habang yakap-yakap na rin siya ng mahigpit. “Ang lamig-lamig sa labas, Justin. Ano ba ang pumasok sa utak mo, at sumugod ka rito?”“Shh… ‘wag ka nang umiyak,” nanginginig nitong bulong. “Paano akong hindi iiyak? Nabugbog ka na nga, nag-palamig ka pa. Paano kung magkasakit ka?" humihikbi kong sabi kasabay ang pagtaas at baba ng kamay ko sa likod niya. Alam ko kasi na giniginaw siya. Ang lamig ng pisngi at labi niya na ngayon ay dumidiin sa leeg ko. "Gusto nga kitang makita, my nerd. Gusto kitang makasama. Wala akong pakialam kung gaano man kalamig sa labas. Wala na rin akong pakialam, mahuli man ako ng mga magulang mo, at lalong wala akong pakialam, bugbugin man ulit ako ng kuya mo. Hindi na ako papayag na magkahiwalay pa tayo. Hindi ko na hahayaan na may humadlang pa sa ating dalawa, kahit buong angkan mo pa ang makakalaban ko.” Parang maiiyak nitong sabi.“Justin," bumitiw ako sa pagyakap sa kanya, at kinulong sa mga palad ko ang pisngi niya, at saka maingat ko
Hindi matigil ang iyak ko habang sakay ng kotse ni Kuya Eman. Si Myra naman, panay haplos naman sa likod ko at paulit-ulit na nag-so-sorry. Hindi nga raw niya in-expect na sasaktan na naman nito si Justin. Akala niya ay kakausapin niya lang kami. Pero hindi iyon ang nangyari.“Tahan na Erica,” alo pa nito sa akin. Akala niya nagbago na si kuya at hindi na barumbado, pero mali siya. Ang bilis pa rin pala nitong magalit, at kapag nasimulan na ang galit o init ng ulo nito, ang hirap na pakalmahin. “Kaya pala gustong-gusto mong magtrabaho sa HI-Techno. Co. dahil ang abusadong si Justin pala ang CEO! Ginawa ka pang personal assistant? Para ano, ha? Para abusuhin ka? Para magagawa niya ang gusto niyang gawin na walang pipigil sa kanya? Sira-ulo!” singhal ni Kuya Eman. Paminsan-minsan pa nitong sinusuntok ang manibela. Hindi ako sumagot o kontrahin ang mga sinasabi niya. Kahit mali pa ang iniisip niya; kahit mali pa ang mga sinasabi niya, wala na akong pakialam. Si Justin ang inaalala ko.
“Nagkita kayo? And you didn’t tell me?" malungkot na tanong ni Justin. Tuluyan na rin siyang bumitiw sa akin. “Justin, hindi—" akmang hahawakan ko siya, pero umatras siya. “Justin naman e. Mahigit isang taon na nga kasi ‘yon; hindi ko na nga sana naalala; nakalimutan ko na," parang maiiyak kong sabi. Nakakalungkot kasi; nakakasama ng loob ‘to si Justin. Nagagalit na lang siya basta, at parang ayaw na niyang makinig sa akin. Ayaw na niya sa akin. Gano’n-gano’n na lang. Porket may hindi lang ako nasasabi sa kanya, nagagalit agad. " ‘Yon na nga, mahigit isang taon pa lang, Erica. Kaya imposible na nakalimutan mo na agad ang pagkikita n’yong dalawa. Unless kung wala ka talagang balak sabihin sa akin.” Napayuko na lang ako, at pa simpleng pinahid ang mga luha ko na hindi ko na magawang pigilin. “Ikaw din naman, Justin, nilihim mo rin naman ang tungkol kay Reynald. Pero hindi naman ako na galit ng ganito,” tampo kong sabi. Sandali rin akong sumulyap kay Reynald na ngayon ay parang na-g
“Hindi! Kung pwede nga, ayoko na makita ka pa ng pinsan kong ‘yon. Naalala ko lang ang nangyari noon!" pasikmat nitong sabi sabay hapit sa baywang ko at binuksan ang pinto. “Ayoko nga na lapitan ka pa ng ibang demonyo! So, I need to do this," bulong pa nito habang nasa harap na kami ng secretary niya. Kung ano ang gulat na nararamdaman ko sa ginawa nitong si Justin. Gano’n din ang nakikita ko sa mga mata ng secretary niya na talagang nanlaki at hindi na kumurap. Hindi na nga rin yata humihinga. Umawang na lang din ang labi. “Justin, ano ba ‘tong ginagawa mo?" pabulong kong tanong na may kasabay na ngiting aso. Itinaas ba naman ni Justin ang magkahawak na naming kamay at dinala iyon sa labi niya; paulit-ulit na hinalïkan, tapos ngumiti ng pagkatamis-tamis habang nakatingin sa akin.“Ms. Clark," tawag nito sa secretary niya na kumurap-kurap; parang napuwing. Lumunok din ng paulit-ulit na parang may bumara sa lalamunan niya na hindi matanggal-tanggal.“W-what is it, Sir Justin?" na-uuta
Mas dumiin pa ang katawan ni Justin sa akin, sa puntong halos lumapat na ang likod ko sa lamesa. Napapaliyad na lang din kasi ako na para bang bumigat ang ulo ko, at ngayon nga ay naigala niya pa ng husto ang labi niya sa leeg ko. At kung kanina ay ang malakas na tïbok lang ng puso ko ang naririnig ko, ngayon ay pati na ang sa kanya ay naririnig ko na. Sumabay din ang malakas naming paghinga sa tunog ng halik niya. Nakalulunod ang nararamdaman kong init ng katawan. Dati ang eksena ‘to ay sinusulat ko lang. Nababasa ko lang pero ngayon ay naranasan ko na mismo, at dito pa sa loob ng office ng boss ko na bawal ang office romance. “Justin…” paungol kong tawag sa pangalan niya na imbes sagutin ako ay lalo pa akong idiniin sa lamesa at sinabayan pa ng paghagod. Totoo pala na kapag mahal mo ang isang tao, at nasa ganitong sitwasyon na kayo, kahit ayaw mo, kahit nasa matinong pag-iisip ka naman, at wala sa impluwensya ng alak ay bibigay ka na lang ng kusa na parang hindi na marunong mag-is