Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa tatlong demonyita habang hinihintay ang sagot nila. Pero ang totoo mas gusto ko na lang umalis kay sa hintayin ang sagot nila. Teritoryo ko ‘to. Nandito kami sa apartment ko na alam kong hindi allowed ang violence, pero naduduwag pa rin ako. Napangiti naman si Shaira habang nakatingin sa akin. Tumaas pa ang isang kilay nito. “Erica, relax! Wala kaming gagawin na masama sa’yo. Maka-react ka naman, parang sinusundo ka na ni kamatayan ah,” sabi ni Shaira na kaagad sinaway ni Lu at Pia. Sabay nilang hinampas ang kaibigang utak demonyo, pero nasa akin naman ang tingin. “Ano ba? Ang sakit ha!" sikmat nito at pinaghahampas niya rin ang mga kaibigan. “Umayos ka nga, Shaira, kung hindi ka marunong sumunod sa utos, tumahimik ka na lang, pwede ba?" bulong ni Pia kay Shaira, pero naririnig ko pa rin. Hinarap naman ako Lu, matapos nilang sawayin si Shaira. "Erica, pasensya ka na rito kay Shaira. Alam mo naman ang ugali niya ‘di ba?" mahinahong sabi ni Lu. Nakan
Para akong sabog nang magising ako. Nakakahilo ang mga nangyari sa akin kahapon. Kung dati ay ang masakit na salita ni kuya Eman ang gumigising sa akin tuwing umaga, ngayon ay mga mukha ng mga demonyo at demonyita na. Pati nga panaginip ko ay pinapasok na nila. Dumagdag pa sa iniisip ko ang tanong ni Shaira kahapon. Anong sikreto ko? Anong mayro’n ako, bakit nababaliw ang magpinsang si Justin at Reynald sa akin?Gaya ng lagi kong ginagawa tuwing umaga, humarap muna ako sa computer at mabilis na nag-type ng mga salita sabay sulyap sa nagpapangiti at nagpapasaya sa akin kahit paano. Nang matapos ay naghanda na rin ako para simulan na naman ang araw sa labas, at haharapin na naman ang mga demonyo at demonyita na salot sa buhay ko.Katatapos ko lang maligo, at hindi pa ako bihis pero paulit-ulit na katok na ang naririnig ko mula sa labas. Hindi ko agad binuksan ang pinto, hindi naman kasi ito nagsasalita, hindi nagpapakilala. Kunot-noo akong lumapit sa bintana para silipin kung nasa lab
“Ang galing naman! Iba din kayo. Lalo ka na, Erica!" Rinig naming salita na sumabay sa paulit-ulit kong pagpahid sa labi ko na nilasahan ni Justin. Habang ang demonyo naman ay kaagad lumayo sa akin, pero ang ngiti ay abot hanggang tainga. Alam niya talaga na matatamaan siya kapag hindi siya lumayo agad. Magnanakaw nga siya. Magnanakaw ng halik! “Alam mo ba na instant ligo lang ang ginawa ko, at hindi pa ako nag-breakfast dahil akala ko, nasa panganib na naman ang buhay mo, Erica. Akala ko, napagtripan ka na naman. ‘Yon pala, nguso mo lang ang nalagay sa panganib,” talak ni Myra na hindi ko alam kung naiinis ba o inaasar lang ako. Dinuro-duro niya ang nguso ko habang nakataas ang isang kilay.“Talaga namang kailangan kita rito—” halos pabulong kong sabi. Habang siya nakapamewang at nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Justin. “Kailangan? Talaga lang?" sikmat niya na nagpatiim na lang sa labi ko. Pero matalim na tinitigan si Justin na hinaplos-haplos pa ang labi habang nakangiti.
“Wow naman… ang gandang umaga; walang demonyong nag-aabang,” nakangiting sabi ni Myra nang makarating kami sa classroom. Sandali ko lang siyang nilingon, pero hindi na muna ako nagsalita. Pero ang totoo, lihim din akong natuwa. Medyo naiilang din, kasi nga nasanay na ako sa pambubully na bungad sa akin ng mga demonyo, at ngayon, wala na ni isang demonyo na lumapit sa amin. At kung dati ay nakakabinging tawanan at biruan ang naririnig namin, hindi pa man kami nakapasok sa classroom, ngayon ay nakabibinging katahimikan naman. Nakapanibago rin pala. Pero aminado ako na masaya ako—masaya kasi ramdam ko na ang kapayapaan; ramdam ko na ang katahimikan. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag ganito ka peaceful ang paligid ko. Umakbay sa akin si Myra, sabay sabi, “I really hope, magtuloy-tuloy na ang ganito at nang maging tahimik na ang mga buhay natin," ngiting-ngiti sabay ang paglingon-lingon sa buong classroom, kaya napalingon-lingon na rin lang ako.“Erica, ang sarap din pala sa pakiramdam
Lutang pa rin ako kahit nandito na ako sa apartment ko. Kanina pa nga kasi ako naihatid ni Myra. Pero diwa ko, naglalakbay pa rin. Paano naman akong hindi maging lutang, wala na ngang nambubully sa akin kanina, pero nasaksihan ko naman ang drama ni Reynald at Shaira. At alam ko, hindi na ‘yon palabas, hindi na ‘yon drama. Ang nakakainis lang, ako pa ang naging dahilan kung bakit may isang babae na nasasaktan dahil nagmahal ng lalaking hindi naman siya mahal at hindi siya kayang gustuhin.Kahit naman kasi masama ang ugali ni Shaira, kahit impakta at demonyita pa siya, hindi pa rin niya deserve na mapahiya at masaktan ng ganoon sa harap pa ng maraming tao.Grabe si Reynald, hindi man lang binigyan ng kahihiyan si Shaira. Kaibigan niya pa rin naman ‘yon. Kahit pa may nagawa itong mali noon sa kanya. Tingin yata ng lalaking ‘yon, bilib na ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Ang sabi kasi niya, ginawa niya raw ‘yon as patunay na totoo ang nararamdaman niya sa akin. Gago pala siya. May pin
Kanina pa ako handa. Pero hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi. Kinakabahan kasi ako— kinakabahan ako sa kung ano ang surpresa na naghihintay sa akin mamaya. Duda kasi talaga ako na napasok nina Shaira at mga kaibigan niya ang unit ko. Busina ng kotse ang nagpahinto sa pag-iisip ko. Sumilip muna ako sa bintana, at hindi nga ako nagkamali, si Myra na ang dumating.Kumakaway-kaway at ang lapad ng ngiti nito sa akin na ginantihan ko naman ng kaway din. Pero ang ngumiti, hindi ko magawa. Hindi ako makakangiti hangga’t hindi matatapos ang araw na ‘to na walang mangyaring masama. Sumenyas na muna ako kay Myra na hintayin na lang niya ako sa labas, saka naman ako bumuga ng hangin at matamlay na dinampot ang bag ko at lumabas na nga lang.“Oh, bakit ganyan ang hitsura mo? Binisita ka na naman ba ng mga demonyo?" tanong ni Myra nang nasa kotse na ako. “Sinira na naman ba nila ang umaga mo?" dagdag tanong pa nito, kasabay ang patakbo ng kotse. “Kagabi pa sira, na extend lang ngayong umag
Nanghihina at hindi ko na halos makita ang dinadaanan ko dahil sa mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak mula sa mga mata ko. Naririnig ko pa ang mga bulungan at tawanan sa palagid. Umuugong ang mga masasakit at mapanghusgang salita mula sa mga tao na hindi naman ako kilala.Gusto ko na lang maglaho sa mundo. Gusto ko na lang pigilan ang paghinga ko para hindi ko marinig ang mga sinasabi nila. Gusto ko na lang lumayo at magtago habang buhay. Hindi totoo ang mga sinasabi nila, pero ang sakit pa rin ng mga salitang naririnig ko. Hinuhusgahan na nila ang buong pagkatao ko, hindi pa man nila alam ang totoo. Hindi ako pokp*k. ‘Yong narinig nilang mga ungol at halinghing, record ko nga ‘yon, pero hindi ako ‘yon. Lalong hindi ako ‘yong nasa video na pinalabas nila kanina. Hindi ako sex addict; sex toy collector lang. Pero may dahilan naman ako kung bakit ako nag-co-collect ng mga sex toys, at ‘yon sana ang sasabihin ko kay Myra kanina. Pero naunahan ako nila Shaira.“Ouch!" daíng ko, sabay ang
“Erica, sigurado ka na ba na aalis ka na rito?" tanong sa akin ni Sister Nita. Kasama niya ang iba pang mga madre na nakagaanan ko na rin ng loob at ang mga bata. Lahat naman sila ay napalapit na talaga sa akin. “Sigurado na po, handa na akong magsimula ulit at handa na rin po akong harapin ang mga taong humusga sa akin noon," nakangiti kong sabi. “Na hala, gabayan ka sana ng diyos," sabi ng mga ito. Niyakap naman ako ng mga bata nang nasa labas na kami ng orphanage. Limang buwan ko lang silang nakasama, pero parang ang hirap na nilang iwan lahat. Naging mabait naman kasi sila sa akin. Naging parte na rin sila ng buhay ko at naging parte sa unti-unting paghilum ng sugat sa puso ko. Dahil sa kanila hindi ako tuluyang nalugmok at hindi tuluyang nasira ang buhay ko. “Ate Erica, ‘wag mo po kami kalimutan ha. ‘tsaka, dalawin mo rin kami minsan," sabi pa ng mga bata na niyakap ko na lang ulit.“Oo naman, babalik ako sa pasko," sabi ko na ikanatuwa naman nila. Malapit na nga kasi ang pask