Dahil sa gulat, hindi na nagawang pihitin ni Myra ang doorknob, habang ako, umawang naman ang labi. Parang may bumara sa lalamunan ko at nahihirapan din akong lumunok. “My nerd…” Saka lang ako parang nahimasmasan nang marinig ulit ang boses ni Justin. Dismaya ko siyang hinarap. “Imposible ka, Justin. Sa kabila ng mga nangyayari ngayon, nakuha mo pa talagang magbiro? Tigilan mo na ako, Justin, please. Umabot na si Shaira sa pananakit, hindi ka pa rin ba nadala? Hihintayin n’yo pa ba na mas malala pa ang gawin niya sa susunod bago n’yo ako tantanan?” Napahawak ako sa batok at sandaling napakit. “Ang gusto ko lang naman ay makapagtapos ng pag-aaral. Wala akong panahon sa mga kalokohan mo—sa mga kalokohan n’yo." “My nerd, hindi ako nagbibiro at lalong hindi kita niloloko. Pero hindi naman kita masisisi kung ayaw mong maniwala—"“Tama na nga sabi e! Alam mong hindi rin kalokohan ang nangyari sa akin, Justin. Pati nga si Reynald, napahamak na ‘di ba? Itong ginagawa n’yo sa akin—nila Shai
Nandito na ako sa loob ng unit ko, pero dibdib ko hindi pa rin tumigil sa pagkabog. Pero kahit abot-abot ang kaba na nararamdaman ko, nagawa ko pa rin na sumilip sa siwang ng bintana at kaagad namang nagtago nang makita ang kotse na nasa harap pa rin ng gate. Ang dami agad tanong ang nabuo sa isip ko. Sino kaya ang may-ari ng kotse? Hindi kaya si Shaira ‘yon? Minamanmanan ako? Nag-aabang ng tyempo para mapuruhan ako o nagbabantay siya, if ever magpunta rito si Reynald na kinababaliwan niya. Pabagsak akong umupo sa sofa. Hilot-hilot na naman ang noo ko. Kalalabas ko lang sa hospital, pero ang dami na agad stressful na pangyayari ang na e-encounter ko. Nakakapanghina na talaga ang mga nangyayari sa buhay ko. Pati ang mga bagay na nakakapagpasaya sa akin ay hindi na ako magawang pasayahin.Matapos ang ilang minutong pag-iisip, muli akong sumilip sa bintana. Napabuga na lang ako ng hangin nang hindi ko na makita ang kotse. Lumuwag na rin ang pakiramdam ko. Kaya lang, ang mga tanong ko,
Matapos ang sandaling pagkagulat nagawa na rin ni Myra ang tumawa. Pahapyaw nga lang. Pero ako, wala pa ring reaksyon na nakatingin lang sa kanila. “Ibang klase talaga kayo. Bagong show niyo na naman ba ‘to?” natatawa na tanong ni Myra at naiiling pa. Sandali rin siyang sumulyap kay Justin, at bumaling naman sa tatlong demonyita na hanggang ngayon ay nakaluhod at nakayuko pa rin. “Tumayo na nga kayong tatlo! Hindi bagay sa inyo ang lumuhod, bagay sa inyo, hawak sa rehas habang umiiyak. At saka, hindi diyos si Erica para luhuran n’yo. Isa lang siyang nerd na muntik n’yo nang—"“Myra!" agad kong pinutol ang pagsasalita ni Myra. Marami na nga kasing nakapaligid sa amin. Syempre, sino ba ang hindi mapapahinto at maki-marites sa nakikita nila ngayon? Ngayon nga lang kasi nangyari sa paaralang ‘to na napaluhod ng isang nerd ang mga high class bully.“Tumayo na kayo! Kahit sa simpleng sorry at pag-amin lang sa ginawa n’yo, okay na sana sa akin, basta lang sincere at hindi palabas ang sinas
“Kumalma ka nga, Erica. Bakit ka ba takot na takot?" tanong ni Myra na imbes ay matakot din gaya ko, tumalim pa ang tingin niya sa kotse; ‘yong tingin na parang tumatagos ang paningin niya sa loob. Tinapik-tapik niya rin ang kamay ko at sandali akong sinulyapan, “dito ka lang,” sabi niya at patakbong pinuntahan ang kotse. Hindi ko na siya nagawang pigilan pa. Ang bilis niyang nakalayo at ang bilis niya ring narating ang kotse. Talagang tumayo pa siya sa harap nito. Napatakip na lang ako ng bibig habang nangangatal ang buong katawan. Paano kung mawala sa sarili ang sakay ng kotse na 'yon at sagasaan niya si Myra? Minsan wala talaga sa lugar ang tapang niya. Naghahanap siya ng ikapahamak niya. Maya maya ay kinatok na niya ang salamin ng kotse na kaagad namang nagbukas ng bahagya. Hindi ko naririnig ang usapan nila, pero basi sa galaw ni Myra at kumpas ng kamay, parang tinalakan niya ng bongga ang may-ari ng kotse na ngayon ay mabagal nang tumatakbo pero sinundan pa rin ni Myra. Ang t
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa tatlong demonyita habang hinihintay ang sagot nila. Pero ang totoo mas gusto ko na lang umalis kay sa hintayin ang sagot nila. Teritoryo ko ‘to. Nandito kami sa apartment ko na alam kong hindi allowed ang violence, pero naduduwag pa rin ako. Napangiti naman si Shaira habang nakatingin sa akin. Tumaas pa ang isang kilay nito. “Erica, relax! Wala kaming gagawin na masama sa’yo. Maka-react ka naman, parang sinusundo ka na ni kamatayan ah,” sabi ni Shaira na kaagad sinaway ni Lu at Pia. Sabay nilang hinampas ang kaibigang utak demonyo, pero nasa akin naman ang tingin. “Ano ba? Ang sakit ha!" sikmat nito at pinaghahampas niya rin ang mga kaibigan. “Umayos ka nga, Shaira, kung hindi ka marunong sumunod sa utos, tumahimik ka na lang, pwede ba?" bulong ni Pia kay Shaira, pero naririnig ko pa rin. Hinarap naman ako Lu, matapos nilang sawayin si Shaira. "Erica, pasensya ka na rito kay Shaira. Alam mo naman ang ugali niya ‘di ba?" mahinahong sabi ni Lu. Nakan
Para akong sabog nang magising ako. Nakakahilo ang mga nangyari sa akin kahapon. Kung dati ay ang masakit na salita ni kuya Eman ang gumigising sa akin tuwing umaga, ngayon ay mga mukha ng mga demonyo at demonyita na. Pati nga panaginip ko ay pinapasok na nila. Dumagdag pa sa iniisip ko ang tanong ni Shaira kahapon. Anong sikreto ko? Anong mayro’n ako, bakit nababaliw ang magpinsang si Justin at Reynald sa akin?Gaya ng lagi kong ginagawa tuwing umaga, humarap muna ako sa computer at mabilis na nag-type ng mga salita sabay sulyap sa nagpapangiti at nagpapasaya sa akin kahit paano. Nang matapos ay naghanda na rin ako para simulan na naman ang araw sa labas, at haharapin na naman ang mga demonyo at demonyita na salot sa buhay ko.Katatapos ko lang maligo, at hindi pa ako bihis pero paulit-ulit na katok na ang naririnig ko mula sa labas. Hindi ko agad binuksan ang pinto, hindi naman kasi ito nagsasalita, hindi nagpapakilala. Kunot-noo akong lumapit sa bintana para silipin kung nasa lab
“Ang galing naman! Iba din kayo. Lalo ka na, Erica!" Rinig naming salita na sumabay sa paulit-ulit kong pagpahid sa labi ko na nilasahan ni Justin. Habang ang demonyo naman ay kaagad lumayo sa akin, pero ang ngiti ay abot hanggang tainga. Alam niya talaga na matatamaan siya kapag hindi siya lumayo agad. Magnanakaw nga siya. Magnanakaw ng halik! “Alam mo ba na instant ligo lang ang ginawa ko, at hindi pa ako nag-breakfast dahil akala ko, nasa panganib na naman ang buhay mo, Erica. Akala ko, napagtripan ka na naman. ‘Yon pala, nguso mo lang ang nalagay sa panganib,” talak ni Myra na hindi ko alam kung naiinis ba o inaasar lang ako. Dinuro-duro niya ang nguso ko habang nakataas ang isang kilay.“Talaga namang kailangan kita rito—” halos pabulong kong sabi. Habang siya nakapamewang at nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Justin. “Kailangan? Talaga lang?" sikmat niya na nagpatiim na lang sa labi ko. Pero matalim na tinitigan si Justin na hinaplos-haplos pa ang labi habang nakangiti.
“Wow naman… ang gandang umaga; walang demonyong nag-aabang,” nakangiting sabi ni Myra nang makarating kami sa classroom. Sandali ko lang siyang nilingon, pero hindi na muna ako nagsalita. Pero ang totoo, lihim din akong natuwa. Medyo naiilang din, kasi nga nasanay na ako sa pambubully na bungad sa akin ng mga demonyo, at ngayon, wala na ni isang demonyo na lumapit sa amin. At kung dati ay nakakabinging tawanan at biruan ang naririnig namin, hindi pa man kami nakapasok sa classroom, ngayon ay nakabibinging katahimikan naman. Nakapanibago rin pala. Pero aminado ako na masaya ako—masaya kasi ramdam ko na ang kapayapaan; ramdam ko na ang katahimikan. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag ganito ka peaceful ang paligid ko. Umakbay sa akin si Myra, sabay sabi, “I really hope, magtuloy-tuloy na ang ganito at nang maging tahimik na ang mga buhay natin," ngiting-ngiti sabay ang paglingon-lingon sa buong classroom, kaya napalingon-lingon na rin lang ako.“Erica, ang sarap din pala sa pakiramdam