Share

Kabanata 24

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
Pahapyaw akong tumawa, saka ako matapang na tumayo sa harapan niya. Pero ang totoo, takot naman talaga ako, tapang-tapangan lang para seryosohin naman niya itong project na gagawin namin, at hindi niya ako aandaran ng yabang.

Kasi kapag hindi pa namin matapos ‘to, baka tuluyan na akong sumuko at bahala na kung solo akong magpapasa ng project. Bahala na rin kung makapasa ba ako o hindi.

“May nakakatawa ba sinabi ko?” tanong niya, bumakas ang inis at pagtataka sa mukha, pero nando'n pa rin ang pagiging mayabang.

Humalukipkip pa siya at walang hiyang bumukaka. Sentrong-sentro ako sa pagitan ng hita niya. Akala yata uupuan ko siya. Sira-ulo siya. Ang sarap kaya niyang tadyakan!

Hindi ko mapigil ang mapailing at napakuyom pa. “Aba, syempre mayr’on. Mukha mo pa nga lang nakakatawa na, lalo na ‘yong sinasabi mo,” matapang ko pa ring sagot kahit para na siyang mananakal.

Tumiim kasi ang bagang at umayos sa pag-upo. Bahagya niya ring inilapit ang mukha sa akin at ngumisi.

Nanliit naman an
sweetjelly

Hello sa lahat. Sobrang na appreciate ko po ang suporta ninyong lahat. Maraming salamat sa mga nag-foll0w at nag-add sa library nito. Salamat sa walang sawang suporta sa akda ko. Sa mga gems at sa mga nag-top up, thank you po.

| 2
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (3)
goodnovel comment avatar
sweetjelly
Daily update po 'to. Salamat sa pagbabasa.
goodnovel comment avatar
Jennylyn Jorge Dejito Acebo
wala nba tong karugtong??
goodnovel comment avatar
Nan
Na enjoy ko talaga Ang ipahiwatig Nang kwentong ito. Nakakatuwa at nakakaines dahil nangyayari ito Ngayon sa mga kabataan Ngayon. Mraning aral Ang makukuha mo dito.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 25

    " 'Wag mo nga—" Natigil ang pagsasalita ko at umawang pa ang bibig nang hawakan niya ang balikat ko. Pinagtitripan na naman ba ako ng tarantadong 'to? "Take your hands—" "Ang sabi ko, 'wag mong takpan ang magandang view!" sabi niya, sabay usog sa akin na parang dummy at ipinuwisto sa tabi ng puno ng talisay. " 'Yan perfect!" Ngingiti-ngiti pa siya habang nakatingin sa cell phone niya at kinunan na nga ako. Hindi ko na naman tuloy mapigil ang pagbusangot ng mukha. "Gumalaw ka naman, sayang ang magandang view kung pangit ang pose mo." Nakagat ko ang labi ko at pigil na bumuga ng hangin. Pinagloloko talaga ako nitong lalaking 'to. Ginagalit na naman ako. Alam ko namang hindi lang ang pose kong pangit ang tinutukoy niya, kung hindi, ang pangit kong mukha mismo. "Lakad ka do'n," utos niya, sabay turo sa may puno ng niyog. Gusto yata niya na mabagsakan ako ng bunga. At saka pansin ko, ang hilig niya sa mga puno. Sumunod na lang din ako, para iwas problem, at iwas away para matapos na k

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 26

    "She's mine, Justin! So, stay away from her!" "Mine? Wow, I didn't know, na mine mo na pala siya?" tanong ni Justin, pero na katutok naman sa akin ang tingin nitong matalim. "Kasi ako, nagsisimula pa lang na e-mine siya—""Talagang pumapapel ka—""Ano ba kayo? Papansin na nga kayo, mga baliw pa!" sigaw ko at napasabunot pa sa buhok ko. " 'Tsaka, anong mine pinagsasabi mo, Reynald? Ano ang tingin mo sa akin? Item sa online selling para e-mine mo? Sira-ulo ka!" "Ayan pa mine-mine kasi—""Isa ka rin!" Dinuro ko si Justin, patawa-tawa pa rin kasi, kahit hawak pa ni Reynald ang kwelyo niya. "Ang sarap n'yong pag-uuntugin!" gigil na gigil kong sabi. "Ilang ulit ko pa bang sasabihin sa inyo? Hindi nga bebenta sa akin 'yang mga style n'yo!" Napisil ko ang noo ko. Ang sakit na e. Bukod sa ulo kong malapit nang sumabog, habol ko na rin ang hininga ko kaya putol-putol ang pagsasalita ko. "Hindi ako 'yong tipong kikiligin at magtatalon sa tuwa dahil pinag-aagawan ng dalawang demonyo!" Nanlili

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 27

    “ ‘Wag kayong sumunod!” Lahat ng akmang sumunod sa amin ni Justin ay pinagduduro niya. 'Yong duro na alam kong may kasama talagang pagbabanta.Nakakatakot sa totoo lang, feeling ko kasi kakatayin niya ako. Bakit ba kami umabot sa ganito ka gulong sitwasyon? Ang gusto lang naman namin ni Myra ay umuwi at makalayo na sa grupo nila.“Justin, bitiwan mo ako,” madiin kong utos. Hawak ko na rin ang kamay niya na mahigpit na humawak sa kamay ko. Pinipilit ko iyong kalasin. Pero ang higpit ng paghawak niya, hindi ko mabaklas-baklas. "Justin, ano ba? Nasasaktan ako!" halos maiiyak ko nang sabi. Pero para siyang bingi na hindi naririnig ang sinasabi ko. Tingin ko nga ibang tao ang tingin niya sa akin. Iba ang paghawak niya sa kamay ko. 'Yong tipong nilalayo niya ako mga taong gustong manakit sa akin. Pero sa ginagawa niya ngayon, siya ang nakakasakit. Nagmatigas ako at hindi humakbang pero sa lakas ng paghila niya ay nadadala pa rin ako. “Sino ka para gawin sa akin ‘to?!” Bumagal ang paglala

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 28

    Katatapos ko lang gawin ang pang voice over para sa project namin ni Justin, kaya heto at humilata na muna ako, hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa natanggap kong tawag mula sa hindi kilalang tao. Kaagad na kasing pinutol ng lalaking 'yon ang tawag na hindi man lang sinagot ang tanong ko. Gulong-gulo tuloy ang isip ko. Hindi ko rin mapigil ang kabahan. Magdamag dilat ang mga mata ko sa kakaisip kung sino 'yon. Ang nakakatakot, alam ng caller na gising pa ako ng ganoong oras. So, ibig sabihin ay nakamanman lang siya sa mga galaw. At saka, bakit Eric ang tawag sa akin ng caller na 'yon? Tumayo ako dumungaw sa bintana dito sa kwarto ko. Iginala ko ang paningin sa paligid. Puro apartment din ang nasa paligid nitong tinuluyan ko. Kaya naisip ko na baka 'yong tumawag sa akin kagabi ay taga rito lang din sa area namin. Kita niya ang bukas na ilaw dito sa kwarto ko kaya alam niya na gising pa ako. Pero bakit alam niya ang number ko? Si Myra at Justin lang naman ang may alam

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 29

    Sinadyang ngiti ang bumungad sa akin, pagbukas ko ng pinto. “Good morning, my nerd—este, the nerd.” “Morning, mukha mo!” Akmang isasara ko agad ang pinto, pero maagap niyang hinarang ang paa niya at tinulak iyon. Wala akong nagawa nang kaagad siyang pumasok nang magbukas ng malaki ang pinto. “Is this your way of welcoming your guest?” tanong ni Justin, at kampanting naglakad papunta sa couch at umupo sa harap ni Myra. Napanganga na lang si Myra at hindi rin kaagad nakapagsalita. Napangisi naman si Justin sa naging reaction ng kaibigan ko. Gulat na gulat kasi. Bumilog ang mga mata. “Myra, ‘wag ka namang masyadong pahalata, alam kong sobrang gwapo ko. But please, take your eyes away from me, because this gorgeous face isn't for you to fawn over; it’s for your—” Hindi niya tinuloy ang sinasabi, pero tingin niya sa akin nakatutok, may kasama pang kakaibang ngisi. “Wow… taas ng confidence! Ibang level—ibang level ang kakapalan ng mukha mo at kayabangan! Aanhin ‘yang guwapo mong mukha

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 30

    “Ngayon mo sabihin na wala kang tinatagong lalaki sa kwarto mo.” Awtomatikong umangat ang ulo ko nang marinig ang nakakagulat na tanong na ‘yon. Umawang pa ang labi ko, sabay ang paulit-ulit na paglunok. Seryoso at puno kasi ng pagdududa ang mga mata ni Myra. Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko na kasi matagalan ang mapaghinalang tingin niya. “Ano na naman ba ‘yang pinagsasabi mo, Myra? Marinig ka ng ibang tao, lalo lang akong mabubully," sita ko, at syempre. Maaang-maangan din ako, para tigilan na niya ako sa pangungulit. "Hoy, Erica! Malinaw ang pandinig ko. At saka, kung wala kang kasama sa kwarto mo, bakit ang lakas ng loob mo na itaboy kami?" "Tumahimik ka nga sabi! Ang kulit mo!" irita kong sabi at iniwan na siya. Kaagad naman niya akong sinundan at sumabay sa mabagal kong paglalakad. “Huling-huli ka na nga, deny ka pa rin ng deny! May kasama ka sa apartment mo,” giit niya. Inilapit niya ang labi sa tainga ko. Hindi na ako sumagot o mag-react man lang ng konti sa sinabi niya.

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 31

    “Who doesn't want happiness? Lahat tayo ay gustong maging masaya. But we won't be able to experience happiness if we continue to harbor grudges toward those who have hurt us. We must forgive them regardless of what they have done to us because grudges or resentments may weigh us down, but forgiving and letting go can free us from emotional baggage.” Tipid akong napangiti matapos mapanood ang video presentation ni Myra at Reynald. Pakiramdam ko kasi, ‘yong panapos na mensahe ni Myra ay patama para sa akin. Sapol na sapol ako dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang tampo, ang sama ng loob, at hinanakit ko sa kapatid ko, maging sa mga magulang ko. Kahit anong pilit ko sa sarili ko, nasasaktan pa rin ako sa tuwing maalala ko kung gaano niya gustong mawala ako sa buhay nila, kaya hanggang ngayon, malungkot pa rin ako. Lahat ng sinabi ni Myra, ay talagang kapupulutan ng aral, hindi gaya ng kay Reynald na puro yabang. Focus lang siya sa sarili niya. Sa mga routine niya sa araw-ara

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 32

    Lumaki ang mga mata ni Myra habang turo ang pinto. Napanganga pa siya habang nakikinig sa paulit-ulit ng pagtawag sa pangalan ko. Ngumiti ako, sabay sabing “d’yan ka lang, ilalabas ko," at binuksan ko na nga pinto.Pero dahil matigas nga ang ulo niya, akma siyang pumasok, buti na lang at kaagad ko ring naharang. “Myra naman e—"“Sisilip lang e," sagot naman niya sabay haba ng nguso. "Akala ko, makakalusot—” Kamot-kamot na niya ang ulo na may ngiting-aso. Napailing na lang ako, at pumasok na nga sa kwarto. “Myra, handa ka na ba?” tanong ko pa habang sumisilip sa awang ng pinto. "Kanina pa ako handa, kaya lumabas na kayo, at nang makilatis ko na ‘yang jowa mo,” atat nitong sabi at akmang itutulak na naman ang pinto. "Lalabas na po, masyado ka talagang atat," sabi ko, ngiting-ngiting sabay abot ko sa kanya ang talking stuffed toy.Lalo pang bumilog ang mga mata niya. “Ano na ‘yan?" naguguluhan niyang tanong habang turo ang stuffed toy. Nilagay ko iyon sa kamay niya. Lalo tuloy akong

Latest chapter

  • Her Nerdy Secret   WAKAS

    This is it. Ang araw na pinakahihintay namin ni Justin. Our wedding. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aming mga labi habang hinihintay na sabihin ni father ang magic word. “You may now kiss the bride—” “Uhmm… mwah!” “Justin," mahina ko siyang hinampas. Pero nakangiti naman. Paano ba naman kasi, hindi pa nga tapos si father na sabihin ang magic word, nauna na akong sunggaban ng halik ni Justin na nagpatawa sa lahat na dumalo sa kasal namin. Maging si father ay natawa na lang at nailing. Masyadong atat itong mahal ko. “Humanda ka later," bulong pa nito sa akin. Malandi ko siyang nilingon. “Matagal na akong handa," bulong ko naman sa kanya na nagpakagat labi sa kanya. Kumislap pa ang mga mata. “ ‘Wag na kaya tayong pumunta sa reception, diretso honeymoon na tayo nang makarami," landing bulong na naman nito habang palabas na kami ng simbahan, at sinabuyan ng mga rose petal ng mga bisita. “Ikaw talaga—" Kurot sa tagiliran niya ang tumapos sa pagsasalita ko. Kaharap na kasi namin

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 76

    “My nerd," malambing na sabi ni Justin, sabay ang mahigpit na yakap mula sa likuran at may pahabol pa na halik sa leeg ko. “Ano ba ang ginagawa mo rito? Kanina ka pa namin hinihintay sa loob," dagdag sabi pa nito na sumabay sa pagsiklop ng mga kamay namin.Nilingon ko rin siya at nginitian ng matamis. “Nagpapahangin lang at saka may iniisip din," sagot ko. Sumulyap pa ulit ako sa kanya at sumandal sa dibdib niya. “Isip na naman? Kasama mo na nga ako kaya hindi mo na ako kailangan isipin. Ang kailangan mo na lang gawin ay…” Pinihit niya ako paharap sa kanya. Ngayon ay diin na diin na naman sa akin ang katawan niya. Pinulupot ko naman ang mga kamay ko sa batok niya na agad nagpangiti sa kanya ng sobrang tamis. At sa tuwing ganito siya ka lambing ang saya ko, parang laging hinahaplos sa puso ko. "Ang yakapin, halikan, lambingin, at landiin ako, ‘yon ang kailangan mong gawin at hindi ang mag-isip,” ngising sabi nito, at syempre may kasabay na naman ‘yong halik sa labi ko na nagpapapikit

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 75

    Mabagal na humakbang palapit sa amin si papa, at ang tingin nito ay nakatutok pa rin kay Justin. Si Justin naman panay kamot na lang sa ulo at ngayon ay yuyuko-yuko na. Mukhang magkakaproblema na naman yata kami nito. Justin naman kasi!“Move!” pasikmat na utos ni papa. Turo nito ang kabilang side ng couch. Agad namang sumunod si Justin. Ang bilis nga niya kumilos. Takot yata mahampas ng bote. Mabuti na lang at nilagay na ni papa ang bote ng alak sa lamesa, at saka umupo sa pagitan namin ni Justin.“Tinatanong kita, Justin? Saan kayo magpapakasal?” madiin na tanong ni papa. “S-sa simbahan po,” nauutal na sagot nito sabay naman ang pagyuko. Ang bait na nga niyang tingnan. Behave na behave; walang bakas ng pagiging abusado. Kakaibang ngisi naman ang sagot ni papa, at saka nilingon ako. Ako naman ang napakamot sa ulo. “Sigurado kayo?” Makahulugan pa rin ang tingin niya sa akin na parang binabasa ang ekspresyon ng mukha ko. Eh, ekspresyon nga niya ang nabasa ko. Ekspresyon na nagsasab

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 74

    “Erica, ingat ka palagi ha?" Ako naman ang hinarap ni Myra, matapos ilabas ang galit nito sa kuya ko na ngayon ay hindi na makapagsalita at humupa na rin ang galit. Wala na nga sa amin ni Justin ang tingin niya. Na kay Myra na. Napailing-iling na lang si papa habang nakatingin sa kanya. Strict nga rin si papa, pero hindi naman katulad ni kuya na talagang nambubugbog kapag ayaw niya sa tao o kung pakiramdam niya ay may masamang balak ito. “Maging masaya ka; kayo ni Justin. Don’t let anyone ruin the love you have for each other, kahit pa ang isang ‘yan," sabi pa ni Myra habang turo si Kuya.Masaya na dapat ako, pero dahil aalis si Myra, malungkot na naman ako. Paano naman kasi, sumobra na ‘to si kuya sa pagiging strict, kaya ang babae na makakasama sana niya habangbuhay, mawawala pa. Hindi nag-iisip! “Myra, mas magiging masaya ako kapag dito ka lang. ‘Wag ka nang lumayo, please," pakiusap ko sa kaibigan kong ngumiti lang ng mapait.“Kuya, ano ba?! Tatayo ka na lang ba? Wala kang gagaw

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 73

    “Justin,” hagulgol ko habang yakap-yakap na rin siya ng mahigpit. “Ang lamig-lamig sa labas, Justin. Ano ba ang pumasok sa utak mo, at sumugod ka rito?”“Shh… ‘wag ka nang umiyak,” nanginginig nitong bulong. “Paano akong hindi iiyak? Nabugbog ka na nga, nag-palamig ka pa. Paano kung magkasakit ka?" humihikbi kong sabi kasabay ang pagtaas at baba ng kamay ko sa likod niya. Alam ko kasi na giniginaw siya. Ang lamig ng pisngi at labi niya na ngayon ay dumidiin sa leeg ko. "Gusto nga kitang makita, my nerd. Gusto kitang makasama. Wala akong pakialam kung gaano man kalamig sa labas. Wala na rin akong pakialam, mahuli man ako ng mga magulang mo, at lalong wala akong pakialam, bugbugin man ulit ako ng kuya mo. Hindi na ako papayag na magkahiwalay pa tayo. Hindi ko na hahayaan na may humadlang pa sa ating dalawa, kahit buong angkan mo pa ang makakalaban ko.” Parang maiiyak nitong sabi.“Justin," bumitiw ako sa pagyakap sa kanya, at kinulong sa mga palad ko ang pisngi niya, at saka maingat ko

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 72

    Hindi matigil ang iyak ko habang sakay ng kotse ni Kuya Eman. Si Myra naman, panay haplos naman sa likod ko at paulit-ulit na nag-so-sorry. Hindi nga raw niya in-expect na sasaktan na naman nito si Justin. Akala niya ay kakausapin niya lang kami. Pero hindi iyon ang nangyari.“Tahan na Erica,” alo pa nito sa akin. Akala niya nagbago na si kuya at hindi na barumbado, pero mali siya. Ang bilis pa rin pala nitong magalit, at kapag nasimulan na ang galit o init ng ulo nito, ang hirap na pakalmahin. “Kaya pala gustong-gusto mong magtrabaho sa HI-Techno. Co. dahil ang abusadong si Justin pala ang CEO! Ginawa ka pang personal assistant? Para ano, ha? Para abusuhin ka? Para magagawa niya ang gusto niyang gawin na walang pipigil sa kanya? Sira-ulo!” singhal ni Kuya Eman. Paminsan-minsan pa nitong sinusuntok ang manibela. Hindi ako sumagot o kontrahin ang mga sinasabi niya. Kahit mali pa ang iniisip niya; kahit mali pa ang mga sinasabi niya, wala na akong pakialam. Si Justin ang inaalala ko.

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 71

    “Nagkita kayo? And you didn’t tell me?" malungkot na tanong ni Justin. Tuluyan na rin siyang bumitiw sa akin. “Justin, hindi—" akmang hahawakan ko siya, pero umatras siya. “Justin naman e. Mahigit isang taon na nga kasi ‘yon; hindi ko na nga sana naalala; nakalimutan ko na," parang maiiyak kong sabi. Nakakalungkot kasi; nakakasama ng loob ‘to si Justin. Nagagalit na lang siya basta, at parang ayaw na niyang makinig sa akin. Ayaw na niya sa akin. Gano’n-gano’n na lang. Porket may hindi lang ako nasasabi sa kanya, nagagalit agad. " ‘Yon na nga, mahigit isang taon pa lang, Erica. Kaya imposible na nakalimutan mo na agad ang pagkikita n’yong dalawa. Unless kung wala ka talagang balak sabihin sa akin.” Napayuko na lang ako, at pa simpleng pinahid ang mga luha ko na hindi ko na magawang pigilin. “Ikaw din naman, Justin, nilihim mo rin naman ang tungkol kay Reynald. Pero hindi naman ako na galit ng ganito,” tampo kong sabi. Sandali rin akong sumulyap kay Reynald na ngayon ay parang na-g

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 70

    “Hindi! Kung pwede nga, ayoko na makita ka pa ng pinsan kong ‘yon. Naalala ko lang ang nangyari noon!" pasikmat nitong sabi sabay hapit sa baywang ko at binuksan ang pinto. “Ayoko nga na lapitan ka pa ng ibang demonyo! So, I need to do this," bulong pa nito habang nasa harap na kami ng secretary niya. Kung ano ang gulat na nararamdaman ko sa ginawa nitong si Justin. Gano’n din ang nakikita ko sa mga mata ng secretary niya na talagang nanlaki at hindi na kumurap. Hindi na nga rin yata humihinga. Umawang na lang din ang labi. “Justin, ano ba ‘tong ginagawa mo?" pabulong kong tanong na may kasabay na ngiting aso. Itinaas ba naman ni Justin ang magkahawak na naming kamay at dinala iyon sa labi niya; paulit-ulit na hinalïkan, tapos ngumiti ng pagkatamis-tamis habang nakatingin sa akin.“Ms. Clark," tawag nito sa secretary niya na kumurap-kurap; parang napuwing. Lumunok din ng paulit-ulit na parang may bumara sa lalamunan niya na hindi matanggal-tanggal.“W-what is it, Sir Justin?" na-uuta

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 69

    Mas dumiin pa ang katawan ni Justin sa akin, sa puntong halos lumapat na ang likod ko sa lamesa. Napapaliyad na lang din kasi ako na para bang bumigat ang ulo ko, at ngayon nga ay naigala niya pa ng husto ang labi niya sa leeg ko. At kung kanina ay ang malakas na tïbok lang ng puso ko ang naririnig ko, ngayon ay pati na ang sa kanya ay naririnig ko na. Sumabay din ang malakas naming paghinga sa tunog ng halik niya. Nakalulunod ang nararamdaman kong init ng katawan. Dati ang eksena ‘to ay sinusulat ko lang. Nababasa ko lang pero ngayon ay naranasan ko na mismo, at dito pa sa loob ng office ng boss ko na bawal ang office romance. “Justin…” paungol kong tawag sa pangalan niya na imbes sagutin ako ay lalo pa akong idiniin sa lamesa at sinabayan pa ng paghagod. Totoo pala na kapag mahal mo ang isang tao, at nasa ganitong sitwasyon na kayo, kahit ayaw mo, kahit nasa matinong pag-iisip ka naman, at wala sa impluwensya ng alak ay bibigay ka na lang ng kusa na parang hindi na marunong mag-is

DMCA.com Protection Status