“ ‘Wag kayong sumunod!” Lahat ng akmang sumunod sa amin ni Justin ay pinagduduro niya. 'Yong duro na alam kong may kasama talagang pagbabanta.Nakakatakot sa totoo lang, feeling ko kasi kakatayin niya ako. Bakit ba kami umabot sa ganito ka gulong sitwasyon? Ang gusto lang naman namin ni Myra ay umuwi at makalayo na sa grupo nila.“Justin, bitiwan mo ako,” madiin kong utos. Hawak ko na rin ang kamay niya na mahigpit na humawak sa kamay ko. Pinipilit ko iyong kalasin. Pero ang higpit ng paghawak niya, hindi ko mabaklas-baklas. "Justin, ano ba? Nasasaktan ako!" halos maiiyak ko nang sabi. Pero para siyang bingi na hindi naririnig ang sinasabi ko. Tingin ko nga ibang tao ang tingin niya sa akin. Iba ang paghawak niya sa kamay ko. 'Yong tipong nilalayo niya ako mga taong gustong manakit sa akin. Pero sa ginagawa niya ngayon, siya ang nakakasakit. Nagmatigas ako at hindi humakbang pero sa lakas ng paghila niya ay nadadala pa rin ako. “Sino ka para gawin sa akin ‘to?!” Bumagal ang paglala
Katatapos ko lang gawin ang pang voice over para sa project namin ni Justin, kaya heto at humilata na muna ako, hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa natanggap kong tawag mula sa hindi kilalang tao. Kaagad na kasing pinutol ng lalaking 'yon ang tawag na hindi man lang sinagot ang tanong ko. Gulong-gulo tuloy ang isip ko. Hindi ko rin mapigil ang kabahan. Magdamag dilat ang mga mata ko sa kakaisip kung sino 'yon. Ang nakakatakot, alam ng caller na gising pa ako ng ganoong oras. So, ibig sabihin ay nakamanman lang siya sa mga galaw. At saka, bakit Eric ang tawag sa akin ng caller na 'yon? Tumayo ako dumungaw sa bintana dito sa kwarto ko. Iginala ko ang paningin sa paligid. Puro apartment din ang nasa paligid nitong tinuluyan ko. Kaya naisip ko na baka 'yong tumawag sa akin kagabi ay taga rito lang din sa area namin. Kita niya ang bukas na ilaw dito sa kwarto ko kaya alam niya na gising pa ako. Pero bakit alam niya ang number ko? Si Myra at Justin lang naman ang may alam
Sinadyang ngiti ang bumungad sa akin, pagbukas ko ng pinto. “Good morning, my nerd—este, the nerd.” “Morning, mukha mo!” Akmang isasara ko agad ang pinto, pero maagap niyang hinarang ang paa niya at tinulak iyon. Wala akong nagawa nang kaagad siyang pumasok nang magbukas ng malaki ang pinto. “Is this your way of welcoming your guest?” tanong ni Justin, at kampanting naglakad papunta sa couch at umupo sa harap ni Myra. Napanganga na lang si Myra at hindi rin kaagad nakapagsalita. Napangisi naman si Justin sa naging reaction ng kaibigan ko. Gulat na gulat kasi. Bumilog ang mga mata. “Myra, ‘wag ka namang masyadong pahalata, alam kong sobrang gwapo ko. But please, take your eyes away from me, because this gorgeous face isn't for you to fawn over; it’s for your—” Hindi niya tinuloy ang sinasabi, pero tingin niya sa akin nakatutok, may kasama pang kakaibang ngisi. “Wow… taas ng confidence! Ibang level—ibang level ang kakapalan ng mukha mo at kayabangan! Aanhin ‘yang guwapo mong mukha
“Ngayon mo sabihin na wala kang tinatagong lalaki sa kwarto mo.” Awtomatikong umangat ang ulo ko nang marinig ang nakakagulat na tanong na ‘yon. Umawang pa ang labi ko, sabay ang paulit-ulit na paglunok. Seryoso at puno kasi ng pagdududa ang mga mata ni Myra. Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko na kasi matagalan ang mapaghinalang tingin niya. “Ano na naman ba ‘yang pinagsasabi mo, Myra? Marinig ka ng ibang tao, lalo lang akong mabubully," sita ko, at syempre. Maaang-maangan din ako, para tigilan na niya ako sa pangungulit. "Hoy, Erica! Malinaw ang pandinig ko. At saka, kung wala kang kasama sa kwarto mo, bakit ang lakas ng loob mo na itaboy kami?" "Tumahimik ka nga sabi! Ang kulit mo!" irita kong sabi at iniwan na siya. Kaagad naman niya akong sinundan at sumabay sa mabagal kong paglalakad. “Huling-huli ka na nga, deny ka pa rin ng deny! May kasama ka sa apartment mo,” giit niya. Inilapit niya ang labi sa tainga ko. Hindi na ako sumagot o mag-react man lang ng konti sa sinabi niya.
“Who doesn't want happiness? Lahat tayo ay gustong maging masaya. But we won't be able to experience happiness if we continue to harbor grudges toward those who have hurt us. We must forgive them regardless of what they have done to us because grudges or resentments may weigh us down, but forgiving and letting go can free us from emotional baggage.” Tipid akong napangiti matapos mapanood ang video presentation ni Myra at Reynald. Pakiramdam ko kasi, ‘yong panapos na mensahe ni Myra ay patama para sa akin. Sapol na sapol ako dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang tampo, ang sama ng loob, at hinanakit ko sa kapatid ko, maging sa mga magulang ko. Kahit anong pilit ko sa sarili ko, nasasaktan pa rin ako sa tuwing maalala ko kung gaano niya gustong mawala ako sa buhay nila, kaya hanggang ngayon, malungkot pa rin ako. Lahat ng sinabi ni Myra, ay talagang kapupulutan ng aral, hindi gaya ng kay Reynald na puro yabang. Focus lang siya sa sarili niya. Sa mga routine niya sa araw-ara
Lumaki ang mga mata ni Myra habang turo ang pinto. Napanganga pa siya habang nakikinig sa paulit-ulit ng pagtawag sa pangalan ko. Ngumiti ako, sabay sabing “d’yan ka lang, ilalabas ko," at binuksan ko na nga pinto.Pero dahil matigas nga ang ulo niya, akma siyang pumasok, buti na lang at kaagad ko ring naharang. “Myra naman e—"“Sisilip lang e," sagot naman niya sabay haba ng nguso. "Akala ko, makakalusot—” Kamot-kamot na niya ang ulo na may ngiting-aso. Napailing na lang ako, at pumasok na nga sa kwarto. “Myra, handa ka na ba?” tanong ko pa habang sumisilip sa awang ng pinto. "Kanina pa ako handa, kaya lumabas na kayo, at nang makilatis ko na ‘yang jowa mo,” atat nitong sabi at akmang itutulak na naman ang pinto. "Lalabas na po, masyado ka talagang atat," sabi ko, ngiting-ngiting sabay abot ko sa kanya ang talking stuffed toy.Lalo pang bumilog ang mga mata niya. “Ano na ‘yan?" naguguluhan niyang tanong habang turo ang stuffed toy. Nilagay ko iyon sa kamay niya. Lalo tuloy akong
“Erica, teka nga lang. Talagang susundan mo ang demonyong ‘yon?” Napapailing si Mrya, at parang nadidismaya pa. ”Alam mo, para kang isda na kumagat sa pain ni Justin. Akala ko ba, hindi ka tanga? Ginagamit niya lang ‘yong laruan mo para ikaw naman ang mapaglaruan niya," talak niya pa habang hawak na nito ang siko ko. “Hindi ka nag-iisip. Baka nga kung saan ka pa dadalhin ng lalaking ‘yon—" “Myra, wala akong pakialam kung saan niya man ako dalhin. Alam ko rin kung ano ang kayang gawin ng lalaking ‘yon. Kaya ko naman ang sarili ko, sisiguraduhin ko na hindi ako mapapahamak. Kailangan kong makuha ‘yon. Hindi niya pwedeng kunin sa akin ‘yong stuffed toy ko. Mahalaga ‘yon sa akin, Myra—alam mo kung gaano ‘yon kahalaga sa akin—" parang maiiyak kong sabi. Na kay Justin na rin ang tingin ko na kampanteng naglakad pababa ng hagdan. Kung hindi lang kasalanan ang manakit ng tao, kanina ko pa siya tinulak, mabawi ko lang ang stuffed toy ko. “Alam ko nga na mahalaga ‘yon sa’yo, Erica pero—" H
“Damn it!" Galit na lumabas ng kotse si Justin, pero hindi niya pa rin iniwan ang laruan ko. Hawak-hawak pa rin niya ito habang papunta sa kotse na muntik na niyang mabangga. “Erica, ano pa ang ginagawa mo r’yan? Labas na." Toliro kong nilingon si Myra na ngayon ay palabas na rin ng kotse. Lumabas na rin lang ako, pero ang tingin ko ay nasa paa ng may-ari ng kotse na muntik mabangga ni Justin. Hindi pa kasi ito tuluyang lumabas. Hindi ko alam kong takot ba siya kay Justin o talagang sinadya niyang hindi kaagad lumabas dahil kay Justin na parang pinagbabantaan ang buhay niya. “Are you out of your mind?!" gigil na sikmat ni Justin at dinuro-duro pa nito ang lalaking sakay ng kotse. "Lumabas ka!" Sinipa-sipa pa nito ang gulong ng kotse. Tarantado talaga ‘to si Justin, siya na nga ang muntik makabangga, siya pa ang galit na galit. Kahit pa sabihing bigla na lang sumulpot ang isang kotse, hindi pa rin tama na init ng ulo agad ang pinapairal niya, pwede naman niyang kausapin ng maayos