Maraming salamat sa mga nag-add pa nito, Sa mga gems na bigay n'yo. Salamat din sa mga new f0ll0wers.
“Ngayon mo sabihin na wala kang tinatagong lalaki sa kwarto mo.” Awtomatikong umangat ang ulo ko nang marinig ang nakakagulat na tanong na ‘yon. Umawang pa ang labi ko, sabay ang paulit-ulit na paglunok. Seryoso at puno kasi ng pagdududa ang mga mata ni Myra. Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko na kasi matagalan ang mapaghinalang tingin niya. “Ano na naman ba ‘yang pinagsasabi mo, Myra? Marinig ka ng ibang tao, lalo lang akong mabubully," sita ko, at syempre. Maaang-maangan din ako, para tigilan na niya ako sa pangungulit. "Hoy, Erica! Malinaw ang pandinig ko. At saka, kung wala kang kasama sa kwarto mo, bakit ang lakas ng loob mo na itaboy kami?" "Tumahimik ka nga sabi! Ang kulit mo!" irita kong sabi at iniwan na siya. Kaagad naman niya akong sinundan at sumabay sa mabagal kong paglalakad. “Huling-huli ka na nga, deny ka pa rin ng deny! May kasama ka sa apartment mo,” giit niya. Inilapit niya ang labi sa tainga ko. Hindi na ako sumagot o mag-react man lang ng konti sa sinabi niya.
“Who doesn't want happiness? Lahat tayo ay gustong maging masaya. But we won't be able to experience happiness if we continue to harbor grudges toward those who have hurt us. We must forgive them regardless of what they have done to us because grudges or resentments may weigh us down, but forgiving and letting go can free us from emotional baggage.” Tipid akong napangiti matapos mapanood ang video presentation ni Myra at Reynald. Pakiramdam ko kasi, ‘yong panapos na mensahe ni Myra ay patama para sa akin. Sapol na sapol ako dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang tampo, ang sama ng loob, at hinanakit ko sa kapatid ko, maging sa mga magulang ko. Kahit anong pilit ko sa sarili ko, nasasaktan pa rin ako sa tuwing maalala ko kung gaano niya gustong mawala ako sa buhay nila, kaya hanggang ngayon, malungkot pa rin ako. Lahat ng sinabi ni Myra, ay talagang kapupulutan ng aral, hindi gaya ng kay Reynald na puro yabang. Focus lang siya sa sarili niya. Sa mga routine niya sa araw-ara
Lumaki ang mga mata ni Myra habang turo ang pinto. Napanganga pa siya habang nakikinig sa paulit-ulit ng pagtawag sa pangalan ko. Ngumiti ako, sabay sabing “d’yan ka lang, ilalabas ko," at binuksan ko na nga pinto.Pero dahil matigas nga ang ulo niya, akma siyang pumasok, buti na lang at kaagad ko ring naharang. “Myra naman e—"“Sisilip lang e," sagot naman niya sabay haba ng nguso. "Akala ko, makakalusot—” Kamot-kamot na niya ang ulo na may ngiting-aso. Napailing na lang ako, at pumasok na nga sa kwarto. “Myra, handa ka na ba?” tanong ko pa habang sumisilip sa awang ng pinto. "Kanina pa ako handa, kaya lumabas na kayo, at nang makilatis ko na ‘yang jowa mo,” atat nitong sabi at akmang itutulak na naman ang pinto. "Lalabas na po, masyado ka talagang atat," sabi ko, ngiting-ngiting sabay abot ko sa kanya ang talking stuffed toy.Lalo pang bumilog ang mga mata niya. “Ano na ‘yan?" naguguluhan niyang tanong habang turo ang stuffed toy. Nilagay ko iyon sa kamay niya. Lalo tuloy akong
“Erica, teka nga lang. Talagang susundan mo ang demonyong ‘yon?” Napapailing si Mrya, at parang nadidismaya pa. ”Alam mo, para kang isda na kumagat sa pain ni Justin. Akala ko ba, hindi ka tanga? Ginagamit niya lang ‘yong laruan mo para ikaw naman ang mapaglaruan niya," talak niya pa habang hawak na nito ang siko ko. “Hindi ka nag-iisip. Baka nga kung saan ka pa dadalhin ng lalaking ‘yon—" “Myra, wala akong pakialam kung saan niya man ako dalhin. Alam ko rin kung ano ang kayang gawin ng lalaking ‘yon. Kaya ko naman ang sarili ko, sisiguraduhin ko na hindi ako mapapahamak. Kailangan kong makuha ‘yon. Hindi niya pwedeng kunin sa akin ‘yong stuffed toy ko. Mahalaga ‘yon sa akin, Myra—alam mo kung gaano ‘yon kahalaga sa akin—" parang maiiyak kong sabi. Na kay Justin na rin ang tingin ko na kampanteng naglakad pababa ng hagdan. Kung hindi lang kasalanan ang manakit ng tao, kanina ko pa siya tinulak, mabawi ko lang ang stuffed toy ko. “Alam ko nga na mahalaga ‘yon sa’yo, Erica pero—" H
“Damn it!" Galit na lumabas ng kotse si Justin, pero hindi niya pa rin iniwan ang laruan ko. Hawak-hawak pa rin niya ito habang papunta sa kotse na muntik na niyang mabangga. “Erica, ano pa ang ginagawa mo r’yan? Labas na." Toliro kong nilingon si Myra na ngayon ay palabas na rin ng kotse. Lumabas na rin lang ako, pero ang tingin ko ay nasa paa ng may-ari ng kotse na muntik mabangga ni Justin. Hindi pa kasi ito tuluyang lumabas. Hindi ko alam kong takot ba siya kay Justin o talagang sinadya niyang hindi kaagad lumabas dahil kay Justin na parang pinagbabantaan ang buhay niya. “Are you out of your mind?!" gigil na sikmat ni Justin at dinuro-duro pa nito ang lalaking sakay ng kotse. "Lumabas ka!" Sinipa-sipa pa nito ang gulong ng kotse. Tarantado talaga ‘to si Justin, siya na nga ang muntik makabangga, siya pa ang galit na galit. Kahit pa sabihing bigla na lang sumulpot ang isang kotse, hindi pa rin tama na init ng ulo agad ang pinapairal niya, pwede naman niyang kausapin ng maayos
Napisil ko ang sintido ko, sumakit na naman kasi ang ulo ko. Hindi ko na kasi talaga alam kung ano ang gagawin ko sa magpinsang ‘to—hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, tantanan lang nila ako. Pakiramdam ko ang liit-liit ng mundo para sa aming tatlo. “Reynald—" sandali akong sumulyap kay Myra na ngayon ay hawak na ang door handle. Maski siya ay gusto na ring umiwas dito kay Reynald. Hindi kasi nag-iisip. Lagi niyang nakakalimutan na mahirap makipag-deal sa mga demonyo. “Salamat sa pag-rescue sa amin,” sinadyang ngiti ang kasabay ng sinabi ko. Saka kinuyom ko na lang ang mga kamao ko. Kumukontra kasi ang buong sistema ko sa pagpapasalamat sa kanya. At saka, mas okay pa siguro ang magpasalamat na lang ako, kay sa bigyan ko ng pansin ang pag-eemote niya.“Walang ano man, Erica," mahinahon niyang sabi at hahawakan pa sana ang kamay ko na nakahawak na sa backrest, pero kaagad kong inilayo ang kamay ko. Ngumiti siya ng mapait at pilit. “Ang ilap mo pa rin talaga," sabi niya at bumug
“Myra, dito ka nga lang,” pigil ko sa kaibigan ko nang akmang susundan ang lalaki na sumaway kay Shaira. "Tara na, umalis na tayo,” sabi ko at hinila na siya. "Erica! Ano ba? Teka nga lang—” Nagmatigas pa siya, pero buong lakas ko siyang hinila, agad lang kaming makalayo sa grupo ni Shaira at sa lalaki na sumita sa kanila."Erica, bakit ba? Bakit ba tayo umalis do’n? Ayaw mo bang makita na mabigyan ng lesson ang bullies na ‘yon?” sunod-sunod niyang tanong kasabay ang paulit-ulit na pag-iling. “Atat kang umiwas, maski ang magsabi ng thank you sa lalaki ay hindi natin nagawa,” talak ni Myra na hanggang ngayon ay lumilingon pa rin. Gusto niya nga yatang bumalik do’n at makipagbangayan pa kay Shaira. "Ayaw ko lang lumaki ang issue, Myra. Ayaw ko ng eskandalo—paano kung tatawag talaga ng pulis ang lalaking ‘yon? Gusto mong ma-question? Ako hindi, ayokong umabot tayo sa presento, at saka, alam mo naman na ayaw ko ng gulo, hindi ba?” paliwanag at depensa ko sa sarili na nagpaismid lalo kay
Imbes na sumagot, napahikbi pa lalo ako, hindi dahil sa tuwa, kung hindi dahil sa dismaya nang mamukhaan ko ang lalaking alalang-alala habang karga ako. Si Justin.Sa dinami-daming pwedeng makakita sa sitwasyon ko, at pwedeng tumulong sa akin ngayon ‘yong tao pa na hindi ko gusto at hindi inaasahan ang dumating. “Tatlong babae ang nakita ko—" sagot ng matanda." Pinagtulungan siya,” umiling-iling ito habang nagsasalita. “Mabuti na lang at natakot sila, tumakbo nang makita ako—”“Tatlong babae?" halos pabulong niyang tanong kasabay ang pagsalubong ng mga kilay. Kitang-kita ko rin kung paano nagtangis ang bagang nito.“Oo, hindi ako pwedeng magkamali—" Napatingin sa akin ang matanda kasabay ng sagot niya, “sige na, umalis na kayo, dalhin mo siya sa hospital—”Umiling-iling ako sabay sabi na, "ayoko sa hospital, gusto ko nang umuwi. Ihatid mo na lang ako pauwi—” humihikbi pa rin ako. Tingin lang ang sagot ni Justin sa sinabi ko, pero nagpasalamat naman siya sa matanda bago kami umalis sa