KUNG PATAYAN ang pag-uusapan, buhay na buhay ako.
Sa likod ng maalikabok na bintana ay namamataan ko ang isang lalaking nakaputing toga. Hindi toga sa graduation kundi patient gown ng isang mental ospital.
Nakasampa siya sa kama at nakatitig lang sa kawalan. Tanging siya ang nasa kwarto at mukhang naghihintay sa doktor.
Nananatiling nakatali ang kurtina kung kaya hindi naging mahirap para sa akin ang pagsilip. Tila isang opisina ang nasa loob ng kwarto.
May mesa na bunton-bunton ng maraming libro ngunit iyon lamang ang napansin ko maliban sa isang malalim at nakaaawang boses.
"Shanta..." nanginginig na bulong ng lalaki. "Shanta! Shanta! Why can't you be here?"
Isang ngalan ang paulit-ulit niyang binabanggit. Nanaisin ko mang magpakita ay hindi ako basta-basta puwedeng magbasag ng bintana para lang makapasok.
Katahimikan.
Iyan ang nais kong mangyari dahil kung walang katahimikan, madali akong mahuhuli.
Hindi lang 'yon dahil kahit saang anggulo tingnan ay nakasuot ako ng itim na sombrero, panyong nakapulapot sa pisngi ko, at salamin na itinatago ang lihim sa mga mata ko.
"Shanta... I am sure, it was you! Ikaw 'yon. What they're saying is impossible. You're alive!" nanlulumong sambit niya na ikinarindi ng tainga ko.
Kahit pa na sarado ang bintana ay nakalapat ang tainga ko sa jalousie, sapat para mapakinggan ang kanyang boses.
Sa itinatagal ng panahon ay ngayon pa dumating ang araw na ito.
Ang araw na sa tanging isip niya lamang ako naaalala, nahahagkan, ngunit sa totoo ay hindi na ako.
Burado na ako sa mundo at sa alaala ng mga taong minsan ay naging parte ng buhay ko.
"Kage..." bulong ko.
Nais ko siyang lapitan at ikulong sa mga bisig ko. Nais kong iparamdam sa kanya ang maiinit na haplos. Iyong mga haplos na dati ay nakapagtatahan sa pagwawala ko.
Makita ko pa lang ang pagtakip niya ng tainga ay nangingilid na ang luha ko sapagkat ngayong nagwawala siya ay wala rin ang mga haplos ko.
Nanlulumong napasandal ako sa matigas na bato at isang malakas na bugso ng hangin ang umukit sa aking balat.
Umulan ng mga dahon at tila nagtatago ang araw sa likod ng maiitim na ulap. Sa malayong bakod ay nakakandado ang itim na gate, isang tarangkahan para sa mga nakakulong sa kanilang mga isip.
Nakabaligtad ang mga letrang nakakapit sa taas, binubuo ang ngalan ng ospital.
ERAC LATNEM EGDILOOC
At dahil nakatayo ako sa paloob nito, isa na rin akong pasyenteng nasisiraan ng bait. Bagaman hindi literal na inaalagaan ako ng ospital, isa lamang akong buhay na patay.
Nakapanhihindik-balahibong balikan ang mga pangyayari sa pasilidad na ito at napakapamilyar pa rin ang amoy ng ospital.
Bumaling ako sa aking likuran at napagmasdan kong nakaupo na muli si Kagan.
Sa oras na ito, kalmado na siya, wala nang ingay na maririnig, kung kaya walang alinlangan na kumatok ako sa bintana.
"Kagan..." tawag-pansin ko at nilibot niya ang kanyang paningin bago pa nahanap ang pinangalingan ng tunog.
Sa pagkakataon na ibinigay ng langit, mabilis na nagtagpo ang mga mata namin. Mga titig na sa haba ng panahong pinagkaitan ay muling nagkasama rin.
Ito na at malapit ko na siyang mahawakan. Ang mainit niyang palad sa mga pisngi ko at ang malaki niyang katawan na kumukulong sa maninipis kong braso.
"Shanta..." hindi makapaniwalang sambit niya at mabilis siyang napatayo. "You came back?"
Masayang tumango ako at pumorma ang ngiti sa labi niya.
Panandaliang nawala ang takot sa mga mata nito at sa oras na buksan niya ang bintana ay naramdaman naming dalawa ang kasariwaan ng hangin.
Sa kahit anong sitwasyon, babalik ako.
Sumampa ako sa paanan ng bintana at napakapit sa matitigas niyang balikat. "Shanta..." ulit niya.
Tinanggal niya ang aking sombrero saka marahang kinalas ang panyo. Hindi ko maipaliwanag ang bilis ng tibok ng puso ko nang dumapo ang kanyang tingin sa labi ko.
"Kage..."
"I was so worried sick when you left me on the island," aniya at hinawakan ang pisngi ko.
Hindi na ako sumagot at diretso na lang siyang tinitigan. Halos maduling ako sa sobrang lapit namin sa isa't isa ngunit hindi iyon naging sagabal sa aming dalawa.
Naaliw ako sa kagandahan ng kanyang awra. Nakakalambot ng puso ang mapupungay niyang mata at dahil sa katangusan ng ilong niya ay napasandal ang aking noo sa kanya.
Namutawi ang panandaliang katahimikan na agad namang napalitan ng mga ungol. Naramdaman ko ang kanyang labi at halos matumba ako sa bilis ng kanyang mga h***k.
"I miss you damn, damn much..." bulong ni Kage at tinugunan ko naman 'yon nang buong-buo.
Naramdaman ko ang kanyang dila at tila nawala ako nang panandalian sa mundong ito, na para bang nagkaroon ako ng mga pakpak at hinihigop ng kalangitan.
Parang isang paghahangad ang naging mensahe ng mga iyon.
Isang pananabik na mahagkan siyang muli sa kabila ng mahabang panahon.
Isang pag-aasam na manumbalik ang dating ngiti sa kanyang labi, at muling maangkin ang kanyang kabuoan.
Hindi ko na namalayan kung saan papatungo ang mga h***k niya at napatingala na lang ako sa mahina niyang pagsunggab sa leeg ko.
"Kage..."
Malikot niyang hinaplos ang bewang ko habang pinipigilan akong mahulog sa pagkakasampa ko sa bintana.
Sana siya na lang ang dungawan, para sa kanya na lang ako nakasampa.
Sa gitna ng kasiyahang nararamdaman naming dalawa ay dumarating rin ang lumbay. Tatlong beses na umugong ang katok mula sa pinto at sa isang iglap, naputol ang lahat ng koneksyon.
Kachina's POV AKO NA ang nagbukas ng pinto. Nakailang lagabag ako dito ngunit walang sumasagot. Dahil sa malakas na katok, naungusan na nito ang sigaw at pag-iyak sa gitna ng pasilyo. Mga bulungan ng mga pasyenteng inaalagan ng ospital na ito. Bagaman nakayayamot isipin na hindi man lang ako pinapasok ni Kagan ay isinantabi ko ito. Sa bagay, kahit na itumba ko ang harang na ito ay hindi niya ako mapapansin, imbes ay matatakot lang siya. Nang makatapak ako sa kwarto at maitaas an
Kagan's POV03 Hunyo 2020KACHINA... Iniwan ako ni Kachina.Gusto kong lunurin ang sarili ko sa sobrang katangahan. Gusto kong magpalamon sa buhangin. Gusto kong tangayin na ako ng alon para tuluyan na akong malunod at lagutan ng hininga.Marami akong gustong gawin ngunit si Kachina lang nais ko. Siya lang ngunit mas pinili niya ang kinabukasang wala ako."Kachina... Kachina!" matindi ang hinagpis na hiyaw ko. Inubos ko ang aking boses sa abot ng aking makakaya. "Kachina!
"K-KACHINA?" Sinusubukang mamukhaan ang dilag. Nais kong siguraduhing si Kachina 'yon. Hindi niya ako binigo. Bumalot ang ilaw ng pag-asa. Gusto kong kutyain ang mga bituin at pagtawanan din sila dahil mali sila ng inaakala. Sa gitna ng karagatan, muling may nagligtas sa akin. Muling may nais na mabuhay ako. Muling may nagtangkang pahalagaan ako. Tinitigan ko ang maikli niyang buhok na naaninag sa maliit na ilaw na dala ng isla. Naningkit ang aking mata at hindi na nakita ang kamaong sumapo sa bagang ko. "A-aray!" napaatras ako sa tubigan.
ISINUBSOB KO ang aking sarili sa napakalambot niyang leeg. Halos ipitin ko siya sa aking mga braso, hagkan-hagkan ang kanyang kabuoan. At parang may sumasayaw na paru-paru sa tiyan ko. Hindi ito mapakali at kinikiliti ang buong sistema ko. Maging ang puso ko'y hindi na magkarandarapa.Kakaiba talaga ang nararamdaman ko. Mas lalong lumiwanag ang buwan at para akong nasisilaw rito. Malapit ko nang mapasamata ang babae ngunit may kung anong tunog ang bumuhay sa huwisyo ko.Naimulat ko ang aking mga mata na nakadungaw sa isang malaking bintana. Sa labas nito ay balkonahe at nakagilid ang mahabang kurtina. Kalmado ang alon sa dagat at sumisilay na ang pagka-lila ng kalangitan dulot ng araw. Bigla akong napaupo sa kama saka ti
ISA-ISANG lumabas ang mga nakasakay sa limang kotse at kanya-kanya sila ng istilo ng pagbaba. Una nilang ipinagyabang ang suot nilang mga sapatos nang makatapak sila sa airport. Kumikinang at bagong kiskis. Nahumaling agad ang mga tao noong makita sila. Sa paglabas ng lima, sabay-sabay silang naglakad papunta sa akin. Parang modelo. Parang artista. Habang kumakaway sa mga naaaliw sa kanila. Sa kanilang likod, isang ginang at batang lalaki ang nakatunghay sa akin. Agad akong napangiti noong mamataan ang mukha ng kapatid ko. "Kage!" sigaw ni Kaden. Tumakbo siya sa akin at sinalubong ako ng apir. Nawala
HABANG nasa biyahe ay hindi ko maiwasang isipin muli 'yong babae sa isla. Itago na lang natin siya sa pangalang Neko Ferrucci. Gusto kong matawa sa loob ng kotse pero baka marinig ako ni Eaurt, na katabi ko lang na nagmamaneho. Isa pa, kasalanan ng mga paru-paru 'to. Labis na lang ang pagkiliti nila sa puso ko. Tawa pa sila nang tawa sa tiyan ko! Mga baliw!Bigla akong napangiti. Hindi ko na mapigilan talaga. Baka ang rason kung bakit ko siya nakita kanina ay naka-tadhana kami para sa isa't isa. Itinakda kami ng mga diyos at ng mga paru-paru. At siya ang aking mariposa. Napapailing ako sa tuwa. Nakita kong lumingon sa akin si Euart kaya bigla akong nagseryoso. Kinagat ko pa ang dila ko para hindi lumuwa ang ngipin ko.Na
PARANG SINUNTOK ng hangin ang baba ko paitaas at napatingala ako kay Papa. Minamataan niya ako na parang nakakatunog sa totoong nangyari sa isla. Ayaw kong pag-usapan 'yon! Tuwing naiisip ko 'yon, nabubuhay ang mga paru-paru sa tiyan ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Parang burger buns na isinampal ko ang dalawang kamay ko sa aking mukha. Ako 'yong burger. Sinilip ko ang mukha ni Euart at ang sarap lang kalmutin! "W-wala 'yon, Pa..." ako na ang nagklaro para sa kanila. Pero pati utak ko'y binibiro ako. Weh? Totoo bang wala lang 'yon? Bigla ko na namang naalala 'yong nangyari sa amin ng babae. Neko... Ang kauna-unahang halik sa tanang buhay ko ay sa isang taong hindi ko pa kilala! Sa taong hindi ko alam ang pan
BUMABA AKO ng basement para kunin ang aking sasakyan. Bilis-bilis akong pumasok at pinatunog ang kotse. Hinila ko ang seat belt saka sineguro ang sarili. Inayos ko rin ang anggulo ng rearview mirror at nagsimula nang umatras ang kotse.Sa aking paghinto sa gate ay bumisina ako para makuha ang atensyon ng guwardiyang nagbabantay doon. At noong makita niya ako, agad niyang binuksan iyon. Kumatok siya sa bintana ng kotse sa oras na matapat ako sa gate."Señorito Kagan, hindi niyo ho ba alam na gabing-gabi na. Saan kayo pupunta sa ganitong mga oras?" tanong nito na akala mo'y pagmamay-ari ang oras ko sabay turo sa madilim na kalangitan noong buksan ko ang dungawan.&
BADTRIP. Nababadtrip ako kay Avancea. Bakit hindi na lang siya lumayas sa mamanahin kong mansyon? Bakit kailangan pa niyang makipag siksikan sa pamilya namin? Bakit napaka s****p niya simula bata pa kami? Our family would have been better, stronger, if she and her leech mother Amadena hadn’t appeared in our life. Pero may magagawa ba ako sa desisyon ng Papa ko? Meron. But, bullshit, not on this matter. He won’t let me, her genius daughter, dictate his heart. Not even Kuya Dallas who’s vocally against it but is silent when the two leeches are present. Wala rin naman kaming maaasahan kay Mama kasi iniwan niya kami kay Papa at sumama sa lalaki niya. To make matters worse, nagkaroon pa sila ng anak. But all of my mother’s desires faded when she lost everything she fought for. One, her partner who I never met. Second, her son, my step brother. And third, kami ng orihinal na pamilya niya. But serious matters aside, bwisit na bwisit na ako kay Avancea. Sinumbong niya ako tungkol sa pambubu
WHAT’S THAT?” I asked Shanta the moment she entered our bedroom with a book in her hand. Nilapitan ko siya at hinawakan ang bewang niya saka hinalikan siya sa balikat. “Saan pumunta ang Baby Love ko? Hmm?” “Hulaan mo…” biro niya saka kumapit sa bewang ko bago nangunang naglakad. I grinned, then walked with her with my right arm clinging onto her shoulder. Sinilip ko ang librong hinahawakan niya at naintriga ako. “You don’t recognize this, do you?” tanong niya. “Where did you find that?” Shanta looked up at me. “It doesn’t matter. I found it and I fixed everything back.” Binalik niya ang tingin sa libro… o ang manuskritong sinulat ko… at naupo sa dulo ng kama. I also sat beside her with my eyes pinned on her glowing face. “I have been curious about this lately, alam mo ba ‘yon…” kwento niya at sinimulang buklatin ang libro. “Punit-punit ‘to noong nahanap ko kaya nagpabili ako kay Benida ng scotch tape. She helped me put back every page.” Then, she looked at me teasingly. “Ako p
I SMILED at the guests who greeted me and Shanta as we walked on the red carpeted aisle. Hindi ganoon karami ang mga bisita. Nabibilang lang sa mga daliri ang mga tao sa mesa. I recognized almost all of them. Masaya ako at dinaluhan nila kami para sa gabing ito.Shanta and the Six Packs, which included me, sat down at a very special seat near the mini stage. Pabilog ang mesa at pitong upuan ang naroon para sa isa sa amin. Naunang umupo ang mga kaibigan ko. Lachlan and Katlego sat beside each other. Ganoon din si Euart at Jirario. Clavis, however, chose to sit next to her cousin. Samantala ako, pinagitnaan nina Shanta at Jirario. I pulled my Baby’s golden chair before she took her seat. “Musta ka na?” tanong ko kay Jira nang hayaan ko si Shanta na kausapin ang pinsan niya. I smiled at my cousin when I looked at him. It’s been a long time and we have been very busy with our own lives, so it’s nice if we catch up. “Kumusta ka naman at ng inaanak ko? Damn… I can’t believe you’re a family
ISANG BUWAN na ang nakalipas at unti-unti nang humuhupa ang kaguluhan sa Manila. Tito Kadam is already jailed in the New Bilibid Prison while his case is set for an appeal by his lawyers. While Coolidge Mental Care remained a crime scene, the patients were transferred to a safer and better facility. They will be sent back once the investigation is done and once the mental care has found its new owner. Sa ngayon, we’re trying to fix all the casualties, lalo na sa pagpapagamot ng mga pasyente. After all, Shanta and I both experienced a life inside the mental hospital. Nais naming tumulong. “Sir, Ma’am, nandyan na po ang mga bisita,” pagpapaalam ng kasambahay noong pumasok ito sa kwarto ko. “Susunod na kami. Thank you,” I said. And after telling me some more notice, the househelp left the room. Naiwan kami ni Shanta sa harap ng salamin habang inaayos niya ang necktie ko. Two days ago, we left Bohol for our business here in the Metro. Naisip naming ligtas nang tumira sa bahay ko… na
I DON’T KNOW when was the last time that I was energized to wake up. I remembered waking up with a huge weight in my head and I felt so exhausted at the start of the day, that ending it would mean fatigue for a week. But while my eyes remain closed, my mind is already awake. And I could feel Shanta’s small body still embracing me. Napangiti ako. Dahil diyan, bahagyang isinubsob ko ang aking ilong sa buhok niya. Walang pagbabago. Her hair’s scent is still the same lavender with fresh milk. I sniffed like drugs and kissed her forehead and tightened my embrace because I am never gonna lose her again. This moment could’ve happened two years ago if the incident didn’t happen. We could’ve been living on one roof with our two kids that are one-year-old apart, and we’re still making the third one. But even though we’re two years late, this… the night that I woke up beside her is what matters most. This will keep me from waking up and start my day blissfully. Aaraw-arawin ko ito, and the d
THE NEXT DAY, Shanta and I traveled back to Panglao Island, Bohol to stay in her mansion for the meantime while things subside. Hindi sana doon. It could have been my house, but almost everyone knows about it, so definitely, the place is not safe for us. We decided to take a break after the national newscast reported across the country. It was stressful and… chaotic. Ilang media na rin ang sumubok na kuhanan kami ng panayam, but Shanta, although ready to speak up, is not allowed to give herself another stress. I didn’t permit it because she needed rest after trespassing in Kachina's house. Makita-kita ko pang may benda siya sa noo kaya mas lalong hindi ako pumayag. She got it from her cousin who broke a vase on her head. And even though I wanted to make that woman pay, I didn’t want reporters to exploit my Baby’s condition and people to make a feast out of it. Kahit na kami ang nasa tama at ang biktima, hindi ko ginawa. The right people would see it, especially the court. And I wou
I GRINNED AT my reflection in the mirror surface. Our plan is working and just a little more time, this chaos they started would end. I then reached for the clean towel beside my laundry, then wiped my face. This is the only place where I can be myself besides being in Shanta’s arms. No nurse to watch over my every move. No Kachina to observe me and ask leading questions. Just me and myself, staring at each other. After I wiped my face, I spent my fifteen minutes taking a bath. Hindi man ako komportable sa klase ng banyo na meron sila dito, sinubukan kong hindi madiri. Well, I have lived an ordinary life before with a small toilet and a hand pump. I’d be immune to this, I guess. Pero sana… sana hindi magtagal ang pamamalagi ko dito. I can’t take the owner of this place. Pagkatapos kong maligo, I changed into a more comfy clothing. I didn’t wear my usual asylum gown. I don’t need it anyway because I am done with my mission. This is the day I am finally leaving this hell. Besides, nas
KAGE, DELIKADO ‘yang plano mo…” pagtutol ni Shanta. Nakaupo siya sa kabisera ng lamesa ng kanyang opisina sa mansion. “I’m not liking it. Masyadong mapanganib at… nagmumukha tayong mas masama kaysa sa kanila. Ayaw ko ng ganoon. We’re stooping down to their level… and as you said, violence should never be a choice. So, this one… It’s a no for me.” I bit my lower lip because she has a point. Well, it’s obvious that my ultimate plan is too risky… and brutal. Katabi ni Shanta si Benida, na nakaupo sa kanyang kanan. They were both looking at me with a hint of hesitation in their faces. Bahagya akong nakaramdam ng pagkapahiya. Shanta is right. We’re no different from the people who attempted to kill us. Tulad ni Tito Kadam, I am resorting to violence to get what I want. But this is the only way we could penetrate the Coolidge Mental Care. Kung totoo man, naroon ang mga karagdagang ebidensya para magiit ang tatay ni Kachina. Dahil hindi lang niya kami tinangkang patayin, he was even the ma
Kagan’s POV AYAN, KAGAN…” The psychiatric nurse said in utter softness after I obediently drank the medicine she prepared for me. “You are doing well these days and Doc Kachina must be so proud of you. Let’s just wait for her, okay? It’s past ten and she’s not yet here. But don’t worry. Papasok iyon.” I nodded and grinned just a little bit to make her believe Kachina is my calming pill, even when I don’t care whether she comes to work today or not. I then looked away and stared at the barred window the mental care had just built for me. Kung alam lang ng nars, I lost interest in her doctor the night she’s involved in ruining my life. Makalipas ng ilang sandali, narinig ko ang nars sa gilid ko, nagpapaalam para sa susunod na pasyente niya. I didn’t respond or what, then the door creaked open. Mabilis akong tumingin sa kanya, at nang makitang hindi siya nakalingon, I swiftly barfed the medicine I didn’t swallow and the bitter thing fell on my palm. I clenched my fist as soon as I fel