ISINUBSOB KO ang aking sarili sa napakalambot niyang leeg. Halos ipitin ko siya sa aking mga braso, hagkan-hagkan ang kanyang kabuoan. At parang may sumasayaw na paru-paru sa tiyan ko. Hindi ito mapakali at kinikiliti ang buong sistema ko. Maging ang puso ko'y hindi na magkarandarapa.
Kakaiba talaga ang nararamdaman ko. Mas lalong lumiwanag ang buwan at para akong nasisilaw rito. Malapit ko nang mapasamata ang babae ngunit may kung anong tunog ang bumuhay sa huwisyo ko.
Naimulat ko ang aking mga mata na nakadungaw sa isang malaking bintana. Sa labas nito ay balkonahe at nakagilid ang mahabang kurtina. Kalmado ang alon sa dagat at sumisilay na ang pagka-lila ng kalangitan dulot ng araw. Bigla akong napaupo sa kama saka tiningnan ang hawak ko. Napahilamos ako noong ang niyayakap ko pala ay unan at hindi siya!
Nanlaki ang mga mata ko at sinilip ang aking suot. Nakahinga ako nang maluwag noong nakita kong suot ko pa rin ang aking maong shorts kahapon. Ngunit wala akong pang-itaas! Kinapa-kapa ko ang aking katawan at naroon pa rin ang nakapulupot na leather jacket ng babae.
Parang dumami ang paru-paru sa tiyan ko. Bigla na lang kumurba ang ngiti sa aking labi at napahawak ako rito. Nanginginig ang aking katawan sa kilig. Naalala ko na lang ang biglaang paghalik namin sa ilalim ng buwan at kung papaano siya nawala sa sarili.
Naku! Si Neko talaga! Kahit ilang beses niya akong sinuntok at sinampal ay nagawa pang bumigay sa akin. Bigla ko na namang naalala iyong gusto niyang magpayakap sa akin. Umabot hanggang tainga ang ngiti ko. Parang may nagpaparty sa loob ng tiyan ko. Mukhang sobrang saya ng mga paru-paru ko.
Naku, Neko!
Napansin kong nasa hotel na pala ako. Bigla akong napatanong sa isip kung sino ang nagdala sa akin dito. Imposibleng siya iyon. Matangkad siya at sakto lang ang pangangatawan. Hindi niya ako mabubuhat hanggang dito.
Nilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto ngunit wala akong nakitang bakas niya. Tumakbo ako sa banyo pero wala rin siya roon.
Bigla akong nainis dahil hindi ko naitanong ang pangalan niya. Nais kong batukan ang sarili ko't iyon pa talaga ang inatupag ko. Kagabi lang ay sobrang basag ng puso ko pero ngayo'y iniisip ko ang ibang babae.
Hinalikan ko ang hindi ko kilala pero...
Tumatalon naman ang mga paru-paru sa tiyan ko, parang nawawalan na sila ng mga pakpak at tinutubuan na ng binti. Isa pa, kasalanan ng alon iyon kaya naglapat ang mga labi namin. Hindi naman ginusto 'yon!
Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayari. Tinanggal ko nga ang jacket niya saka kinapa kung may naiwang impormasyon tungkol sa kanya.
Sana meron, sana meron, sana meron!
"Oops. There you go!" hiyaw ko sa tuwa at nakita ang isang naka-ukit na pangalan sa kaliwang parte ng leather jacket kung saan katapat ang puso.
Ferrucci.
Napangiwi naman ako do'n. Napakagandang dilag pero panlalaki ang pangalan? Neko! Baka siguro tatak lang ito ng isang kompanya. Baka brand name lang talaga itong Ferrucci.
Hindi ko naman naiwasang amuyin ito. Grabe! Para akong nasa kalangitan. Parang bagong pitas na rosas na binuhusan ng gatas. Sobrang sariwa! Ito na naman at naalala ko ulit kung papaano ko ibinaon ang aking ulo sa kanyang leeg habang kumikiskis ang kanyang buhok sa mukha ko.
Napakagat-labi ako, halos mag-anyong kuneho ang ngipin ko sa sobrang pagpipigil. Kusot ang aking mukha at halos lumabas ang aking dila. Parang nagkaroon ng muscles ang mga paru-paru at sinusuntok ang tiyan ko. Para rin silang langgam na kinikiliti ang loob-loob ko.
Neko! Ano ba!
Kasalanan talaga ng alon ito kung bakit ganoon na lang ang pagkahumaling ng puso ko. Hindi ko na matanggal ang bakas ng kanyang labi sa akin at sa bawat segundong nagsisipilyo ako ay pumapasok siya sa isip ko. Humarap ako sa salamin at bigla na lang akong ngumiti. Sinubukan kong magseryoso pero ang kulit talaga ng labi ko.
Napailing na lang ako sa tuwa at minumog ang tubig sa baso. Noong matapos ako ay nagpunas ako gamit ang maliit na face towel. Napatigil naman ako doon noong hawakan ko ulit ang aking labi. Dapat hindi na lang ako nagsipilyo para habambuhay na ang laway niya sa bibig ko. Napangiti na naman ako at nasabunutan ang aking buhok dahil sa inis.
Dapat noong una pa lang ay tinanong ko na ang ngalan niya pero dahil sa nasabik agad ako ay hindi ko na siya ulit makikita. Bad trip!
Medyo masakit pa ang ulo ko dulot ng alak pero nagtataka ako kung bakit hindi ako nagsuka. Agad akong nagpalit ng damit. Ngayon ang araw na babalik na ulit ako ng Manila. Uuwi na ako at muling haharapin ang realidad. May kung anong kumurot na naman sa puso ko.
Bakit naman kasi ganoon?
Kahit pa na may nakikila akong iba rito sa isla ay hindi ko siya matanggal sa isip ko. Palagi na lang sumusulpot iyong mukha niya habang sinasabing aalis na siya at lilipad sa Europa.
Nakaayos na lahat ng gamit ko sa maleta at pinadala ko na ito sa isang empleyado. Ilang minuto na lang at darating na iyong barko. Siyempre, bitbit ko pa rin iyong jacket ni Neko.
Ang astig kaya ng gamit niya. Kulay abo ito at halata na mahal ang jacket. Yayamanin ang hinalikan ko!
Dahil uli roon, napangiti ako saka napatalon sa kama. Dumapa ako saka pinagsusuntok ang mga unan. Nagiging paru-paru na yata ako, hindi ko mapigilan ang paglipad.
Woooooooh! Fly, fly, fly!
Habang nagwawala sa kama ay biglang may nahulog. Agad akong napatingala at nakita ang isang babaeng empleyadong nakatitig sa akin.
"S-sir..." nauutal pa siya at mabilis naman akong napatayo para ayusin ang sarili ko.
"Bakit ba h-hindi ka kumatok!" naiiritang tanong ko.
Pinulot naman niya iyong mop na nahulog. Namumula siya pero ako talaga ang nahihiya. Kalalaki kong tao, umaasal babae ako. Kasalanan na niya iyon. Bakit kasi papasok-pasok rito, hindi naman ako pumayag.
"K-kanina pa po ako kumakatok sa inyo, wala pong sumasagot," tugon ng helper.
"G-gano'n ba?"
"Opo, m-maglilinis lang po sana ako ," paalam niya at wala akong nagawa kundi tumango na lang ako.
Iniwan ko siya sa kwarto saka bumaba na ng front desk. Wala pa rin akong ideya kung sino ang nagbuhat sa akin papunta rito sa hotel. Lumapit ako sa babae at nakapagtataka na lang ang ngiti niya sa akin. Grabe naman iyang pagnanasa niyo! Naiinis tuloy ang mga paru-paru sa tiyan ko.
"Excuse me..." ani ko at agad naman siyang lumingon sa akin. "Have you seen the person who brought me here?"
"Ay, opo, sir!" nagawa pa niyang magpa-cute sa akin. Nagtaka ako at tinanong kung papaano ako nadala sa kuwarto ko. "Ay, ang astig po! Pasan po kayo ng isang babae. Basang-basa nga kayong dalawa, e!"
Sa pagkarinig ko niyon ay biglang nabuhayan ng loob ang mga paru-paru ko, sabik na sabik sila.
"Do you know her? Ano ang pangalan niya? Sigurado kang binuhat niya ako?" sunod-sunod ang pagtanong ko.
"Kagabi po kasi... humingi siya ng first-aid kit pero wala naman siyang sinabing pangalan. Ang tinanong niya lang ay kung saan ang kwarto niyo."
Napatingin ako sa kamay ko at doon ko lang napansin na bagong benda ito. Masyado akong nawili sa lamig niyong panyong basa na inilagay niya kagabi.
"At may tumawag po mula sa kuwarto niyo," dugtong ng babaeng staff. "Nagrerequest po ng mop."
Nanlaki ang mga mata ko at nag-init ang pisngi. Og*g! Kaya pala hindi ako nagsuka kanina. Baka inilabas ko lahat ng alak kagabi. Nakakahiya ako!
"N-nandito pa ba siya?" takhang tanong ko.
"Ay, hindi po siya nakacheck-in dito, sir. Pasensya na!"
"S-sige, salamat sa pagsabi..." paalam ko at ngiti-ngiti siyang kumaway.
Sa pagtalikod ko ay nakaramdam ako ng biglang pagkadismaya. Hindi dahil sa hindi ako nagpapasalamat na ginamot niya ako kundi dahil hindi ko nasabi 'yon nang personal. Pagkatapos ko siyang kinulit ay nahirapan pa siyang buhatin ako. Sa payat niyang iyon ay paniguradong napagod siya sa malaking katawan ko.
Kahit ganoon ang nangyari ay hindi ko mapigilang isipin kung anong naganap kagabi. Nasa likod niya ako at nakayakap ako sa kanya. Sana maalala ko ang pakiramdam!
Sinuot ko nga ang shades ko saka sumulong sa buhangin. Marami na naman ang sumalubong na mata sa akin pero hindi ko sila pinansin at hinayaan ang hangin sa dagat na tangayin ang buhok ko.
Naglakad-lakad muna ako sa pangpang at muling binalikan iyong lugar kung saan kami unang nagkita, nagbabaka-sakaling naroon siya pero... wala. Walang naiwang bakas bukod sa jacket at halik. Nahihimatay na naman ang mga paru-paru sa tiyan ko.
Bigla ko namang naalala iyong hinubad kong damit. Tumunghay ko sa gumagalaw na tubig pero walang lumulutang.
Hindi kaya... Kinuha niya? Remembrance?
Parang nagdiwang ulit ang mga paru-paru. Baka kinuha niya iyon at ginawang memorabilia.
Natigil ang paglilibot ko noong may kumaway sa akin sa malayo. Tumatakbo siya sa buhangin habang hawak-hawak ang sombrero, pinipigilan ang hanging tangayin ito.
"Sir Kage, Sir Kage!" tawag niya at hihingal-hingal na lumapit sa akin. "Ang haba ng daan. Sumasakit ang kasu-kasuan ko!"
"Oh, bakit ba kayo nagmamadali, Tiyo Checo?" tanong ko at pinakalma siya. "Huminga po muna kayo. Hindi pa ubos ang hangin."
Siya ang tagapang-alaga ng biniling lupain ng ama ko rito sa Panglao sa Bohol at siya rin ang nag-aasikaso sa akin tuwing naririto ako.
Tinuro niya 'yong dulo ng dalampasigan at may naaninag akong barko. Malaking barko.
"Nandyan na ho iyong magsusundo sa inyo," aniya.
Magpapaalam na ako sa islang ito at haharapin ang panibagong mundo sa siyudad. Sumimangot ang mga paru-paru sa tiyan ko. Tumango na lang ako sa mga sinasabi ni Tiyo Checo kahit lumalabas lang ito sa tainga ko. Makikita ko na ulit si Kachina ngunit hindi ko alam kung handa na ba talaga akong magpaalam sa kanya.
"Okay. Naayos niyo na ba lahat ng mga gamit ko?" tanong ko habang naglalakad kami. "Dapat walang maiiwan. Matagal pa 'kong makakabalik dito."
"Walang labis, walang kulang!" tugon nito at nagbilang sa daliri. "Pati ang iyong deodorant, toothbrush, at ang brief niyo. Lahat-lahat! Naroroon!"
"S-salamat naman." Naiilang na ngumiti ako.
"Pati ang boxers ninyo, nasa bag na! Grabe, mamahalin! Sana'y may kasya sa 'kin!"
Pinandilatan ko siya ng mata habang pasimpleng sumusulyap sa mga tao sa beach.
"M-may nakakarinig, Tiyo," sabi ko. "Dahan-dahan sa pananalita."
Dumaong ang barko at ilang minuto bago kami tumigil sa isang paliparan ng Bohol papuntang Manila. Minabuti ko naman na bago makalipad ay maipapaalam kong uuwi na ako agad. Napansin ko ring nagpadala na rin ng ibang mensahe ang mga kaibigan ko.
Lima sila at isama niyo ako. Anim kaming magkakaibigan at walang hiya sapagkat dalawa lang ang nag-atubiling kumustahin ako. Pero wala sa akin iyon dahil mas nakakawala ng gana 'yong mga chat nila tungkol kay Kachina. Bakit ako na-busted? Nag-away ba kami? Paano na ang pagkakaibigan namin? Mga tanong na ayaw kong sagutin dahil manunuyo lang ang lalamunan ko.
Binura ko agad 'yon at mariing isinandal ang ulo sa headboard ng upuan. Nakadungaw ako sa labas ng bilog na bintana ng eroplano. Habang pinapanuod ang paggalaw ng mga ulap, bumibigat na naman ang dibdib ko. Hindi ko alam kung papaano ako magsisimula ngayong aalis na si Kachina.
Akala ko talaga ay magiging kami na dahil parehong letrang 'K' ang una ng mga pangalan namin pero... nagkamali ako. Hindi basehan ang unang letra ng pangalan para sabihing itinadhana kayo para sa isa't isa.
Lumipas ang mahabang paglipad ay nakalapag na rin ang eroplano sa NAIA. Sa pagbitbit ko ng aking maleta papunta sa EXIT, isinuot ko muli ang shades ko. Hindi maiiwasang marami ulit ang nakatitig sa akin. Ang mga pamilyang nagpapaalam sa isa't isa ay nakuhanan ko ng atensyon. Maging ang mga guwardiyang babae ay bumabati sa paglabas ko.
Hindi ko nga sila pinansin at seryoso lang na nakatitig sa limang magarang kotse sa harap ko. Susunduin na ako ng mga kukumpleto sa aming grupo. Paparating na sila.
Ang Six Packs.
ISA-ISANG lumabas ang mga nakasakay sa limang kotse at kanya-kanya sila ng istilo ng pagbaba. Una nilang ipinagyabang ang suot nilang mga sapatos nang makatapak sila sa airport. Kumikinang at bagong kiskis. Nahumaling agad ang mga tao noong makita sila. Sa paglabas ng lima, sabay-sabay silang naglakad papunta sa akin. Parang modelo. Parang artista. Habang kumakaway sa mga naaaliw sa kanila. Sa kanilang likod, isang ginang at batang lalaki ang nakatunghay sa akin. Agad akong napangiti noong mamataan ang mukha ng kapatid ko. "Kage!" sigaw ni Kaden. Tumakbo siya sa akin at sinalubong ako ng apir. Nawala
HABANG nasa biyahe ay hindi ko maiwasang isipin muli 'yong babae sa isla. Itago na lang natin siya sa pangalang Neko Ferrucci. Gusto kong matawa sa loob ng kotse pero baka marinig ako ni Eaurt, na katabi ko lang na nagmamaneho. Isa pa, kasalanan ng mga paru-paru 'to. Labis na lang ang pagkiliti nila sa puso ko. Tawa pa sila nang tawa sa tiyan ko! Mga baliw!Bigla akong napangiti. Hindi ko na mapigilan talaga. Baka ang rason kung bakit ko siya nakita kanina ay naka-tadhana kami para sa isa't isa. Itinakda kami ng mga diyos at ng mga paru-paru. At siya ang aking mariposa. Napapailing ako sa tuwa. Nakita kong lumingon sa akin si Euart kaya bigla akong nagseryoso. Kinagat ko pa ang dila ko para hindi lumuwa ang ngipin ko.Na
PARANG SINUNTOK ng hangin ang baba ko paitaas at napatingala ako kay Papa. Minamataan niya ako na parang nakakatunog sa totoong nangyari sa isla. Ayaw kong pag-usapan 'yon! Tuwing naiisip ko 'yon, nabubuhay ang mga paru-paru sa tiyan ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Parang burger buns na isinampal ko ang dalawang kamay ko sa aking mukha. Ako 'yong burger. Sinilip ko ang mukha ni Euart at ang sarap lang kalmutin! "W-wala 'yon, Pa..." ako na ang nagklaro para sa kanila. Pero pati utak ko'y binibiro ako. Weh? Totoo bang wala lang 'yon? Bigla ko na namang naalala 'yong nangyari sa amin ng babae. Neko... Ang kauna-unahang halik sa tanang buhay ko ay sa isang taong hindi ko pa kilala! Sa taong hindi ko alam ang pan
BUMABA AKO ng basement para kunin ang aking sasakyan. Bilis-bilis akong pumasok at pinatunog ang kotse. Hinila ko ang seat belt saka sineguro ang sarili. Inayos ko rin ang anggulo ng rearview mirror at nagsimula nang umatras ang kotse.Sa aking paghinto sa gate ay bumisina ako para makuha ang atensyon ng guwardiyang nagbabantay doon. At noong makita niya ako, agad niyang binuksan iyon. Kumatok siya sa bintana ng kotse sa oras na matapat ako sa gate."Señorito Kagan, hindi niyo ho ba alam na gabing-gabi na. Saan kayo pupunta sa ganitong mga oras?" tanong nito na akala mo'y pagmamay-ari ang oras ko sabay turo sa madilim na kalangitan noong buksan ko ang dungawan.&
KUNG PUMUNTA nga siya ro'n, malamang nakita niya ang pagtataksil ko noong gabing 'yon. Bigla akong nakonsensya. Napayuko ako at walang mukhang maihaharap sa kanya."I'm sorry, Kach..." sambit ko."About what?""N-nothing..."Inilayo ko ang aking paningin at pinaglaruan ulit ang daliri ko. Baka nga hindi niya nakita ang nangyari sa amin ni Neko dahil kung nasaksihan niya nga ay hindi niya ako sisiputin dito. Hindi niya ako bibigyan ng pag-asa para i-eksplika ang sarili.
Kachina's POV NANGHIHINANG ISINARA ko ang tala-arawan ni Kagan. As if I had run a mile when I'm just sitting. Sweat moisted my back yet I had set the airconditioner very low earlier. Matapos kong mabasa ang huling pangungusap na isinulat niya eleven years ago, I've exhausted myself. No words can describe how furious, irritated, and pained I am. Hindi ko man lang makurap ang talukap ng mata ko sa pagkabigla. I got this golden book from Benida, but never have I known this is a long story. Hindi ko inaasahan na isang nobela na pala ang hinanakit niya para sa akin. For freaking eleven years, he kept it from me! Kung hindi ko pa binasa ito, mamamatay akong walang alam. If I hadn't come back, he'd slip off my arms
W-WHAT? " Maging siya ay hindi makapaniwala sa narinig at nagsimula nang humagulgol. Tumayo ako at nilapitan siya para pagaanin ang loob ngunit wala itong saysay. We're both suffering. How can two persons who are emotionally tired comfort each other? We're like batteries with one bar. How can one recharge the other without emptying herself? "W-what can we do to ease his pain? I don't know what to do anymore..." Nagsusumamo ang boses ni Tita. Ramdam ko ang hinanakit niya. Seems like light has left her and dimmed her world. "I didn't expect na hahantong siya sa ganitong situwasyon. Akala ko... it would only take days for him to recover. But it's different
Kagan's POVMULI siyang sumulpot sa pinakamadilim na kabanata ng buhay ko.Parang nakikipagkarera ako sa bawat sasakyang nadaraanan ko. Halos umusok ang gulong ng kotse sa bilis ng pagmamaneho ko. Gigil kong inapakan ang pedal at hindi ko aakalain na parang karwuheng patungo sa kabilang buhay ang sinasakyan ko!Namamawis ang palad ko dahil sa pag-ikot ng manibela. At bagaman nakaupo lang ay tila tumatakbo ako. Kabayo yata ako. Ramdam ko ang maliit na butil ng pawis na kumakawala mula sa leeg ko. At nagtataasan ang mga balahibo ko!&nbs
BADTRIP. Nababadtrip ako kay Avancea. Bakit hindi na lang siya lumayas sa mamanahin kong mansyon? Bakit kailangan pa niyang makipag siksikan sa pamilya namin? Bakit napaka s****p niya simula bata pa kami? Our family would have been better, stronger, if she and her leech mother Amadena hadn’t appeared in our life. Pero may magagawa ba ako sa desisyon ng Papa ko? Meron. But, bullshit, not on this matter. He won’t let me, her genius daughter, dictate his heart. Not even Kuya Dallas who’s vocally against it but is silent when the two leeches are present. Wala rin naman kaming maaasahan kay Mama kasi iniwan niya kami kay Papa at sumama sa lalaki niya. To make matters worse, nagkaroon pa sila ng anak. But all of my mother’s desires faded when she lost everything she fought for. One, her partner who I never met. Second, her son, my step brother. And third, kami ng orihinal na pamilya niya. But serious matters aside, bwisit na bwisit na ako kay Avancea. Sinumbong niya ako tungkol sa pambubu
WHAT’S THAT?” I asked Shanta the moment she entered our bedroom with a book in her hand. Nilapitan ko siya at hinawakan ang bewang niya saka hinalikan siya sa balikat. “Saan pumunta ang Baby Love ko? Hmm?” “Hulaan mo…” biro niya saka kumapit sa bewang ko bago nangunang naglakad. I grinned, then walked with her with my right arm clinging onto her shoulder. Sinilip ko ang librong hinahawakan niya at naintriga ako. “You don’t recognize this, do you?” tanong niya. “Where did you find that?” Shanta looked up at me. “It doesn’t matter. I found it and I fixed everything back.” Binalik niya ang tingin sa libro… o ang manuskritong sinulat ko… at naupo sa dulo ng kama. I also sat beside her with my eyes pinned on her glowing face. “I have been curious about this lately, alam mo ba ‘yon…” kwento niya at sinimulang buklatin ang libro. “Punit-punit ‘to noong nahanap ko kaya nagpabili ako kay Benida ng scotch tape. She helped me put back every page.” Then, she looked at me teasingly. “Ako p
I SMILED at the guests who greeted me and Shanta as we walked on the red carpeted aisle. Hindi ganoon karami ang mga bisita. Nabibilang lang sa mga daliri ang mga tao sa mesa. I recognized almost all of them. Masaya ako at dinaluhan nila kami para sa gabing ito.Shanta and the Six Packs, which included me, sat down at a very special seat near the mini stage. Pabilog ang mesa at pitong upuan ang naroon para sa isa sa amin. Naunang umupo ang mga kaibigan ko. Lachlan and Katlego sat beside each other. Ganoon din si Euart at Jirario. Clavis, however, chose to sit next to her cousin. Samantala ako, pinagitnaan nina Shanta at Jirario. I pulled my Baby’s golden chair before she took her seat. “Musta ka na?” tanong ko kay Jira nang hayaan ko si Shanta na kausapin ang pinsan niya. I smiled at my cousin when I looked at him. It’s been a long time and we have been very busy with our own lives, so it’s nice if we catch up. “Kumusta ka naman at ng inaanak ko? Damn… I can’t believe you’re a family
ISANG BUWAN na ang nakalipas at unti-unti nang humuhupa ang kaguluhan sa Manila. Tito Kadam is already jailed in the New Bilibid Prison while his case is set for an appeal by his lawyers. While Coolidge Mental Care remained a crime scene, the patients were transferred to a safer and better facility. They will be sent back once the investigation is done and once the mental care has found its new owner. Sa ngayon, we’re trying to fix all the casualties, lalo na sa pagpapagamot ng mga pasyente. After all, Shanta and I both experienced a life inside the mental hospital. Nais naming tumulong. “Sir, Ma’am, nandyan na po ang mga bisita,” pagpapaalam ng kasambahay noong pumasok ito sa kwarto ko. “Susunod na kami. Thank you,” I said. And after telling me some more notice, the househelp left the room. Naiwan kami ni Shanta sa harap ng salamin habang inaayos niya ang necktie ko. Two days ago, we left Bohol for our business here in the Metro. Naisip naming ligtas nang tumira sa bahay ko… na
I DON’T KNOW when was the last time that I was energized to wake up. I remembered waking up with a huge weight in my head and I felt so exhausted at the start of the day, that ending it would mean fatigue for a week. But while my eyes remain closed, my mind is already awake. And I could feel Shanta’s small body still embracing me. Napangiti ako. Dahil diyan, bahagyang isinubsob ko ang aking ilong sa buhok niya. Walang pagbabago. Her hair’s scent is still the same lavender with fresh milk. I sniffed like drugs and kissed her forehead and tightened my embrace because I am never gonna lose her again. This moment could’ve happened two years ago if the incident didn’t happen. We could’ve been living on one roof with our two kids that are one-year-old apart, and we’re still making the third one. But even though we’re two years late, this… the night that I woke up beside her is what matters most. This will keep me from waking up and start my day blissfully. Aaraw-arawin ko ito, and the d
THE NEXT DAY, Shanta and I traveled back to Panglao Island, Bohol to stay in her mansion for the meantime while things subside. Hindi sana doon. It could have been my house, but almost everyone knows about it, so definitely, the place is not safe for us. We decided to take a break after the national newscast reported across the country. It was stressful and… chaotic. Ilang media na rin ang sumubok na kuhanan kami ng panayam, but Shanta, although ready to speak up, is not allowed to give herself another stress. I didn’t permit it because she needed rest after trespassing in Kachina's house. Makita-kita ko pang may benda siya sa noo kaya mas lalong hindi ako pumayag. She got it from her cousin who broke a vase on her head. And even though I wanted to make that woman pay, I didn’t want reporters to exploit my Baby’s condition and people to make a feast out of it. Kahit na kami ang nasa tama at ang biktima, hindi ko ginawa. The right people would see it, especially the court. And I wou
I GRINNED AT my reflection in the mirror surface. Our plan is working and just a little more time, this chaos they started would end. I then reached for the clean towel beside my laundry, then wiped my face. This is the only place where I can be myself besides being in Shanta’s arms. No nurse to watch over my every move. No Kachina to observe me and ask leading questions. Just me and myself, staring at each other. After I wiped my face, I spent my fifteen minutes taking a bath. Hindi man ako komportable sa klase ng banyo na meron sila dito, sinubukan kong hindi madiri. Well, I have lived an ordinary life before with a small toilet and a hand pump. I’d be immune to this, I guess. Pero sana… sana hindi magtagal ang pamamalagi ko dito. I can’t take the owner of this place. Pagkatapos kong maligo, I changed into a more comfy clothing. I didn’t wear my usual asylum gown. I don’t need it anyway because I am done with my mission. This is the day I am finally leaving this hell. Besides, nas
KAGE, DELIKADO ‘yang plano mo…” pagtutol ni Shanta. Nakaupo siya sa kabisera ng lamesa ng kanyang opisina sa mansion. “I’m not liking it. Masyadong mapanganib at… nagmumukha tayong mas masama kaysa sa kanila. Ayaw ko ng ganoon. We’re stooping down to their level… and as you said, violence should never be a choice. So, this one… It’s a no for me.” I bit my lower lip because she has a point. Well, it’s obvious that my ultimate plan is too risky… and brutal. Katabi ni Shanta si Benida, na nakaupo sa kanyang kanan. They were both looking at me with a hint of hesitation in their faces. Bahagya akong nakaramdam ng pagkapahiya. Shanta is right. We’re no different from the people who attempted to kill us. Tulad ni Tito Kadam, I am resorting to violence to get what I want. But this is the only way we could penetrate the Coolidge Mental Care. Kung totoo man, naroon ang mga karagdagang ebidensya para magiit ang tatay ni Kachina. Dahil hindi lang niya kami tinangkang patayin, he was even the ma
Kagan’s POV AYAN, KAGAN…” The psychiatric nurse said in utter softness after I obediently drank the medicine she prepared for me. “You are doing well these days and Doc Kachina must be so proud of you. Let’s just wait for her, okay? It’s past ten and she’s not yet here. But don’t worry. Papasok iyon.” I nodded and grinned just a little bit to make her believe Kachina is my calming pill, even when I don’t care whether she comes to work today or not. I then looked away and stared at the barred window the mental care had just built for me. Kung alam lang ng nars, I lost interest in her doctor the night she’s involved in ruining my life. Makalipas ng ilang sandali, narinig ko ang nars sa gilid ko, nagpapaalam para sa susunod na pasyente niya. I didn’t respond or what, then the door creaked open. Mabilis akong tumingin sa kanya, at nang makitang hindi siya nakalingon, I swiftly barfed the medicine I didn’t swallow and the bitter thing fell on my palm. I clenched my fist as soon as I fel