Share

Chapter 1

Author: ninashupi
last update Last Updated: 2021-08-06 12:41:54

Kachina's POV

AKO NA ang nagbukas ng pinto.

Nakailang lagabag ako dito ngunit walang sumasagot. Dahil sa malakas na katok, naungusan na nito ang sigaw at pag-iyak sa gitna ng pasilyo. Mga bulungan ng mga pasyenteng inaalagan ng ospital na ito.

Bagaman nakayayamot isipin na hindi man lang ako pinapasok ni Kagan ay isinantabi ko ito. Sa bagay, kahit na itumba ko ang harang na ito ay hindi niya ako mapapansin, imbes ay matatakot lang siya.

Nang makatapak ako sa kwarto at maitaas ang paningin ko ay nasilayan ko ang likod niya. Halata ang kusot mula sa kanyang damit at noong lingunin niya ang kung sinong pumasok ay nanlalaki ang mga mata nitong tinignan ako.

Nilapitan ko siya at napaatras naman siya. Napansin kong nakabukas ang bintana ngunit tanging ang bakod ang nakikita ko.

"Hey, babe, what are you looking at?" takhang tanong ko saka hinawakan ang kanyang braso. Magulo ang kanyang buhok at tumutulo ang pawis niya. Hindi naman mainit sa kwarto at mahangin naman sa labas.

"Kagan, tell me what's going on..." kumbinsi ko sa kanya ngunit nilampasan niya ako at sinundan ko siya ng tingin. "Baby, what's the matter?"

"Nandito lang siya kanina... She was here." Bigla ay usal niya at nangunot ang noo ko.

"What do you mean?"

"Hagkan-hagkan ko pa siya. I embraced her wholeness," tugon nito at mag-isang hinaplos ang pisngi. "Hinawakan niya ako rito. I felt her caresses."

"What?" takhang tanong ko at bigla naman siyang lumapit sa akin saka hinawakan ang balikat ko.

"Have you seen her leave? Nakita mo ba si Shanta? Hindi ba siya napadaan sa 'yo?" sunod-sunod ang katanungan niya at pinigilan ko naman siya.

"Shanta?" Hinawakan ko ang kanyang pisngi at tinitigan ang mga mata niya. Bakas ang naudlot na kasiyahan rito at nakonsensya ako sa pagpapaasa sa kanya.

"What?" muli ay kuwestyon niya. "Do you know her? Saan na siya, dalhin mo ako sa kanya."

Pumorma ang ngiti sa mga labi niya at muling nagliwanag ang mga mata niya, na para bang nabigyan siya ng karampot na pag-asa. Kung ang hanap niya lang pala ay hindi ako, mas maigi nang basagin ko ang kinang ng mga ito.

"Kagan, she's gone." May impit na tugon ko at hindi siya nakaimik pa.

Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang nasubaybayan ang matinding gulat mula sa pagpikit-mulat ng mga mata niya. Masakit man ito para sa kanya pero kailangan niyang tanggapin na yumao na ang luminlang at kumalimot sa kanya tatlong taon nang nakararaan.

"Wala na si Dalshanta," ulit ko kahit pa ilang beses iyong suntok sa buwan.

Iyon ang totoo, iyon ang isipin mo.

"You're crazy..." makapito siyang umiling. "Nandito lang siya kanina, Kachina! Why do you keep lying to me? Kinausap niya ako, paanong wala na siya?"

"Dahil nasunog na ang kaniyang katawan, Kage. She was cremated years ago."

"Liar! Hindi totoo 'yan!" bulyaw niya at tinulak ako.

"May sakit ka kaya ka nandito," nagaalalang sagot ko. "Maaaring isa 'yan sa mga imahinasyon mo kaya gumising ka!"

"Nasa isla pa kami noong isang araw, hindi sunog ang katawan niya! I saw her with my two eyes, so don't you tell me I'm sick. I am not sick, you are!" Madiin na lamang akong napapikit at sinubukan siyang lapitan. "Huwag mo 'kong hahawakan! You're a liar!"

"Kagan..."

"Sinabi kong 'wag mo akong hawakan! Don't you get it? Maybe, you're the one who's crazy! Get off me," babala niya at puwersahang napaatras ako.

May kung anong kumurot sa puso ko at pinilit na isabahala ito sa pamamagitan ng pagsara ng pinto. Napahilamos ako sa aking mukha at napasabunot sa buhok. Naramdaman ko ang init ng pinto nang mapaupo ako.

"Kagan, I am a psychiatrist..." marahang bulong ko. "And I'm here to treat you. You need to recover!"

"Recover? I said I'm not sick. I said no!"

Napatingala ako sa pigura ng lalaking mahal ko. Malambot dapat ang mga tingin niya sa akin pero hindi 'yon ang umukit sa mata niya. Masama niya akong pinakatitigan at dahan-dahan akong napatayo.

"Bakit? Bakit a-ayaw mong gumaling?" gumagaralgal ang boses ko. "Kailangan mong gumaling para sa atin."

Ngunit ako lang yata ang nais siyang gumaling. Kahit bumalik siya sa tamang pag-iisip, maaalala niya kaya ako?

"Who are you, by the way, to act as if you know me very well?"

"A-ano?"

"Wala namang namamagitan sa atin kaya sino ka?"

Kung bangungot ito at isa lamang sa mga bulong ng espiritu ay gisingin niyo na ako, ngayon na. Halos bumagsak ang katawan ko sa narinig kong iyon at napansin ko na lang ang kumaruskos na tubig mula sa mata ko.

"It's me, Kagan..." pinilit kong kumbinsihin siya at tinuro ko pa ang sarili ko. "I'm your girlfriend, but why do you keep looking for your ex? She's long gone, or maybe decomposed!"

Sandali pa siyang natigilan at nakulong sa ere ang bibig niya. Sa tuwing may malakas na emosyon na dumadaloy sa isipan niya ay namumula ang kanyang tainga. At 'yon nga ang nasaksihan ko.

"Have you seen my journal?" walang koneksyon na tanong niya at nagtaka ako.

"S-sulatan mo?"

"Iyong ginto ang kulay, nakita mo ba?"

Naiwang blanko ang utak ko at sinagot siya. "H-hinde..."

Siguro...

Naglakad ako sa likod niya at nilapitan ang bintana. Dumungaw ako sa magkabilang gilid at wala namang kakaiba sa nasilayan ko.

Tanging nakamamangha lamang ang pag-ulan ng mga dahon ngunit sa pagkakataong ito ay wala akong saya para masdan ang mga ito.

"Dalawang linggo kang nawala Kagan..." sambit ko at batid kong napalingon siya sa akin. "Dalawang linggo kitang hinanap sa dagat! I was so devasted I thought I would lose you again, but I think I just lost you again."

Makailang ulit kong sinuntok ang dibdib ko dahil sa sobrang pagsikip nito. Nahihirapan na akong huminga at halos manakit ang lalamunan ko.

"Hinanap ka namin... hanggang sa matagpuan ka sa isang kubo." Masakit na kuwento ko, "Pero nang pagkamulat mo, halos hindi mo na ako makilala pati ang iyong ina!"

Noong sumabog ang barko, hindi ko na muli siyang nakita. Iyon ang huling araw na hinagkan niya ako, na hinawakan niya ang mga palad ko sabay halik sa mga kamay ko. Halos mabaliw ako sa kakatanong kung saan na nga ba siya napadpad o kung sino ang nakapulot sa kanya ngunit nang siya ay makabalik... iba na ang laman ng kaniyang bibig.

"Puro ka na lang Shanta, Shanta, Shanta!" tumaas ang boses ko at napasuntok sa dibdib niya. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na patay na siya, patay na siya!"

"She's alive, Kachina! I will hold on to this thought that she's alive. It would be the death of me, if it's true she's gone."

"Tatlong taon na siyang nakabaon sa lupa, 'wag mo nang huhukayin pa. Wala na si Dalshanta, wala na siya!"

"Hindi nga 'yan totoo! You are a big liar!"

"Magpagaling ka na para maalala mo kung papaano ka niya sinaktan!"

"Nandito siya kanina!" sigaw niya at kinalog ang balikat ko. "Kahit saktan pa niya ako makapitong ulit, it doesn't matter to me for as long as she's here!"

Mukhang wala na akong pagpipilian pa. Tumitindi na ang nararamdaman niyang emosyon at hindi maganda ito lalo na at kailangan niya pang magpahinga.

Inaamin kong naging madulas ako sa mga binitawan kong salita. Tinuringan pa naman akong doktor kung papalalain ko lang pala ang sakit ng pasyente ko.

Inilabas ko ang syringe mula sa bulsa ng lab coat ko at pinindot ang dulo nito, sinusubukan kung tatalsik ang kulay tubig na likido. Iyon na nga at gumana nga. Mahigpit kong hinila ang braso niya at kaagyat na nanlaki ang mga niya.

"Tumigil ka. Ilayo mo sa akin 'yan, ngayon na!" pagpupumiglas nito a halos mabitawan ang hawak ko.

"Alisin mo 'yan!"

"Calm down, Kagan. This is for your sake, your own good!"

"Ilayo mo sabi 'yan, ilayo mo!" pilit niya at tumilapon ang syringe sa sahig.

Pupulutin ko na sana ito ngunit pinigilan niya ako at mahigpit na hinawakan sa braso.

"K-Kage, it hurts..." daing ko.

"Kung ayaw mong maniwala, ako ang hahanap sa kanya." May diin na aniya at diretsong tinitigan ako sa mata.

Puno ng emosyon ang mga ito at wala akong ideya sa mga iniisip niya ngayon. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasamang karakter sa isang libro, at siya naman ang bida.

"Isa lang siyang ilusyon, Kage, mag-isip ka nang tama!" hindi makapagtimping sagot ko at kapagdakang nasagi ko ang mesa nang itulak niya ako.

"Mas nanaisin kong manatili sa mga imahinasyon ko kasama siya, kaysa bumalik sa realidad at makasama ka."

Tila isang malaking sampal ang mga bitawan niya sa pisngi ko. Mga salitang mas nakatatakot pa kaysa ugong at pag-iyak ng mga pasyente.

Hindi ko na mapigilan ang kaloob-looban ko at halos mabingi ako dahil sa pinakawalan kong hagulgol. Mas umagos ang mga luha ko nang tumakbo si Kagan sa pinto.

"W-where will you go?" takhang tanong ko saka tumayo. "Come back here! Kagan, come back!"

Hinabol ko siya sa may pasilyo at agad na humingi ng tulong sa ibang nars. Agad namang lumapit ang isang lalaki sa akin at tinanong kung anong nangyayari.

"Habulin niyo si Kagan, ipaalam mo rin ito sa iba!" sigaw ko. "Umalis ka na, bilisan mo!"

Nanginginig na ang mga tuhod ko. Namalayan ko na lang ang sarili kong nasa opisina na pala at wala sa huwisyong kinuha ang tinago kong susi.

Nang-iinit ang aking katawan at nais kong sumigaw sa abot ng aking makakaya. May kung anong galit ang sumasaklob sa loob ko at hindi ko mapigilan iyon. Isinukbit ko ang susi sa isang sikretong lagusan. Ipinagawa ko ito sa rasong hindi maaaring makatakas ang isang taong nakakulong dito.

Hindi siya pupuwedeng pumutak sapagkat kung nagkagayon ay mapipilitan akong mas baliwin pa siya. Sinigurado ko munang nakakandado ang taguan na ito maging ang pinto mula sa opisina ko. Hindi ko hinahayaan kahit isang empleyado ang makapapasok o makaalam nito sapagkat teritoryo ko ito at sila ay maparurusahan.

Sinindihan ko ang lampara na kinuha ko sa gilid ng pinto at tinahak ang madilim na lagusan. Hindi kaaya-aya ang amoy dito sapagkat umaalingasaw ang pagkamapanghi. Habang binubuksan ang tarangkahan sa isang kamay ay napapalundag ako sa mga maliliit na hayop na dumadampi sa paa ko.

"Argh!" daing ko.

Imbes na itaboy ito ng babaeng nakaupo sa loob ay nakaturong pinagtatawanan pa ako.

"Ang arte, ang arte!" asar niya at sa kaunting liwanag ay nakita ko ang pagbelat niya. "Buti pa si Shanta, hindi takot, hindi takot!"

"Shut up!" sigaw ko at sa wakas nabuksan rin ang tarangkahan.

Nang makatapak ako sa maduming sahig ay hindi ako nag-atubiling lapitan at sabunutan siya. Halos itilapon ko siya sa isang maliit na bintana sa gilid ng kwarto.

"Isusumbong kita kay Shanta, aray ko, Kachina Demonyita!" lait niya at hinawakan ko ang pisngi niya.

"You, crazy woman, where is the diary?" nangangalit na tanong ko at mas hinigpitan ang pagkakaipit ko. "I need his diary now!"

"Ayaw ko, masama ka!" sigaw niya at dinurahan ako.

"P*tang*na ka talaga!"

Dinaplis ko ang aking palad mula sa makapal niyang mukha. Nandidiring pinunasan ko ito at naduduwal na inamoy ang pagkabulok ng laway niya.

Naupo siya sa maalikabok na sahig at lumuhod ako para higpitan ang kanyang leeg. Nasisiraan na ako ng bait at malapit na lang ay makapapatay na talaga ako ng isang baliw.

Pinagmasdan ko ang kanyang itsura at sabog ang kanyang buhok. Madungis ang pisngi niya at punit-punit ang damit na ipinantapal ko sa kanya.

"Nakakadiri ka..." may impit na kutya ko at halos manhimutok ang ugat sa leeg niya. "Inuulit ko, Benida... Saan ang pinatago kong sulatan ni Kagan?"

Natitiyak kong may pagmamalasakit ang babaeng ito sa kanya kung kaya't sa oras na marinig niya ang pangalan nito ay natutuwa siya.

"Si K-kagan? Nandiyan ba s-siya?"

"Hinahanap ni Kagan ang tala-arawan niya..." ulit ko. "Saan na at ibibigay ko."

Masigla siyang tumango at kinalas ko naman ang pagkakasakal ko sa leeg niya. Mabilis siyang tumakbo at dumapa sa ilalim ng kama nito. May kung anong kinakapa pa siya hanggang sa itaas niya ang kulay ginto na libro sa ere. Napaismid pa ako ng ngiti at matulin na dinakot ito mula sa kanya.

"Ito na nga ba, Benida?"

Bumalik ako sa aking opisina bago ikanandado muli ang tarangkahan at isa pang tarangkahan papunta sa lagusan. Isinantabi ko na rin ang lampara at hayahay na ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na upuan. Itinaas ko ang kulay gintong libro mas mataas kaysa noo ko at binasa ang salitang nakaukit rito.

MY FAVORITE POEM, SHANTA.

"Ang ating istorya sa loob ng isang pantasya, na saklob muli ng isa pang pantasya..."

Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin nito at may kung anong bumabagabag sa akin sa kung anong laman ng libro. May kung anong hindi makapakali sa loob ko at nabuksan ang unang pahina.

Para sa binibining inilagtas ako sa pagkakalunod sa pag-ibig, Shanta.

Napangiwi na lang ako sa babaeng paulit-ulit niyang binabanggit. Pati ba naman sa kanyang tala-arawan ay siya pa rin?

Binuklat ulit sa sumunod na pahina at sa wakas nasiliyan ko ang isang ngalan na nagpangiti at nagpalungkot sa akin.

Kachina... Iniwan ako ni Kachina.

Doon ko naramdaman na nagsimula na nga ang kuwento ni Kagan noong 2020, labing-isang taon nang nakararaan.

Related chapters

  • Her Life He Wrote   Chapter 2

    Kagan's POV03 Hunyo 2020KACHINA... Iniwan ako ni Kachina.Gusto kong lunurin ang sarili ko sa sobrang katangahan. Gusto kong magpalamon sa buhangin. Gusto kong tangayin na ako ng alon para tuluyan na akong malunod at lagutan ng hininga.Marami akong gustong gawin ngunit si Kachina lang nais ko. Siya lang ngunit mas pinili niya ang kinabukasang wala ako."Kachina... Kachina!" matindi ang hinagpis na hiyaw ko. Inubos ko ang aking boses sa abot ng aking makakaya. "Kachina!

    Last Updated : 2021-08-06
  • Her Life He Wrote   Chapter 3

    "K-KACHINA?" Sinusubukang mamukhaan ang dilag. Nais kong siguraduhing si Kachina 'yon. Hindi niya ako binigo. Bumalot ang ilaw ng pag-asa. Gusto kong kutyain ang mga bituin at pagtawanan din sila dahil mali sila ng inaakala. Sa gitna ng karagatan, muling may nagligtas sa akin. Muling may nais na mabuhay ako. Muling may nagtangkang pahalagaan ako. Tinitigan ko ang maikli niyang buhok na naaninag sa maliit na ilaw na dala ng isla. Naningkit ang aking mata at hindi na nakita ang kamaong sumapo sa bagang ko. "A-aray!" napaatras ako sa tubigan.

    Last Updated : 2021-08-06
  • Her Life He Wrote   Chapter 4

    ISINUBSOB KO ang aking sarili sa napakalambot niyang leeg. Halos ipitin ko siya sa aking mga braso, hagkan-hagkan ang kanyang kabuoan. At parang may sumasayaw na paru-paru sa tiyan ko. Hindi ito mapakali at kinikiliti ang buong sistema ko. Maging ang puso ko'y hindi na magkarandarapa.Kakaiba talaga ang nararamdaman ko. Mas lalong lumiwanag ang buwan at para akong nasisilaw rito. Malapit ko nang mapasamata ang babae ngunit may kung anong tunog ang bumuhay sa huwisyo ko.Naimulat ko ang aking mga mata na nakadungaw sa isang malaking bintana. Sa labas nito ay balkonahe at nakagilid ang mahabang kurtina. Kalmado ang alon sa dagat at sumisilay na ang pagka-lila ng kalangitan dulot ng araw. Bigla akong napaupo sa kama saka ti

    Last Updated : 2021-08-07
  • Her Life He Wrote   Chapter 5

    ISA-ISANG lumabas ang mga nakasakay sa limang kotse at kanya-kanya sila ng istilo ng pagbaba. Una nilang ipinagyabang ang suot nilang mga sapatos nang makatapak sila sa airport. Kumikinang at bagong kiskis. Nahumaling agad ang mga tao noong makita sila. Sa paglabas ng lima, sabay-sabay silang naglakad papunta sa akin. Parang modelo. Parang artista. Habang kumakaway sa mga naaaliw sa kanila. Sa kanilang likod, isang ginang at batang lalaki ang nakatunghay sa akin. Agad akong napangiti noong mamataan ang mukha ng kapatid ko. "Kage!" sigaw ni Kaden. Tumakbo siya sa akin at sinalubong ako ng apir. Nawala

    Last Updated : 2021-08-07
  • Her Life He Wrote   Chapter 6

    HABANG nasa biyahe ay hindi ko maiwasang isipin muli 'yong babae sa isla. Itago na lang natin siya sa pangalang Neko Ferrucci. Gusto kong matawa sa loob ng kotse pero baka marinig ako ni Eaurt, na katabi ko lang na nagmamaneho. Isa pa, kasalanan ng mga paru-paru 'to. Labis na lang ang pagkiliti nila sa puso ko. Tawa pa sila nang tawa sa tiyan ko! Mga baliw!Bigla akong napangiti. Hindi ko na mapigilan talaga. Baka ang rason kung bakit ko siya nakita kanina ay naka-tadhana kami para sa isa't isa. Itinakda kami ng mga diyos at ng mga paru-paru. At siya ang aking mariposa. Napapailing ako sa tuwa. Nakita kong lumingon sa akin si Euart kaya bigla akong nagseryoso. Kinagat ko pa ang dila ko para hindi lumuwa ang ngipin ko.Na

    Last Updated : 2021-08-18
  • Her Life He Wrote   Chapter 7

    PARANG SINUNTOK ng hangin ang baba ko paitaas at napatingala ako kay Papa. Minamataan niya ako na parang nakakatunog sa totoong nangyari sa isla. Ayaw kong pag-usapan 'yon! Tuwing naiisip ko 'yon, nabubuhay ang mga paru-paru sa tiyan ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Parang burger buns na isinampal ko ang dalawang kamay ko sa aking mukha. Ako 'yong burger. Sinilip ko ang mukha ni Euart at ang sarap lang kalmutin! "W-wala 'yon, Pa..." ako na ang nagklaro para sa kanila. Pero pati utak ko'y binibiro ako. Weh? Totoo bang wala lang 'yon? Bigla ko na namang naalala 'yong nangyari sa amin ng babae. Neko... Ang kauna-unahang halik sa tanang buhay ko ay sa isang taong hindi ko pa kilala! Sa taong hindi ko alam ang pan

    Last Updated : 2021-10-07
  • Her Life He Wrote   Chapter 8

    BUMABA AKO ng basement para kunin ang aking sasakyan. Bilis-bilis akong pumasok at pinatunog ang kotse. Hinila ko ang seat belt saka sineguro ang sarili. Inayos ko rin ang anggulo ng rearview mirror at nagsimula nang umatras ang kotse.Sa aking paghinto sa gate ay bumisina ako para makuha ang atensyon ng guwardiyang nagbabantay doon. At noong makita niya ako, agad niyang binuksan iyon. Kumatok siya sa bintana ng kotse sa oras na matapat ako sa gate."Señorito Kagan, hindi niyo ho ba alam na gabing-gabi na. Saan kayo pupunta sa ganitong mga oras?" tanong nito na akala mo'y pagmamay-ari ang oras ko sabay turo sa madilim na kalangitan noong buksan ko ang dungawan.&

    Last Updated : 2021-10-07
  • Her Life He Wrote   Chapter 9

    KUNG PUMUNTA nga siya ro'n, malamang nakita niya ang pagtataksil ko noong gabing 'yon. Bigla akong nakonsensya. Napayuko ako at walang mukhang maihaharap sa kanya."I'm sorry, Kach..." sambit ko."About what?""N-nothing..."Inilayo ko ang aking paningin at pinaglaruan ulit ang daliri ko. Baka nga hindi niya nakita ang nangyari sa amin ni Neko dahil kung nasaksihan niya nga ay hindi niya ako sisiputin dito. Hindi niya ako bibigyan ng pag-asa para i-eksplika ang sarili.

    Last Updated : 2021-10-08

Latest chapter

  • Her Life He Wrote   Epilogue

    BADTRIP. Nababadtrip ako kay Avancea. Bakit hindi na lang siya lumayas sa mamanahin kong mansyon? Bakit kailangan pa niyang makipag siksikan sa pamilya namin? Bakit napaka s****p niya simula bata pa kami? Our family would have been better, stronger, if she and her leech mother Amadena hadn’t appeared in our life. Pero may magagawa ba ako sa desisyon ng Papa ko? Meron. But, bullshit, not on this matter. He won’t let me, her genius daughter, dictate his heart. Not even Kuya Dallas who’s vocally against it but is silent when the two leeches are present. Wala rin naman kaming maaasahan kay Mama kasi iniwan niya kami kay Papa at sumama sa lalaki niya. To make matters worse, nagkaroon pa sila ng anak. But all of my mother’s desires faded when she lost everything she fought for. One, her partner who I never met. Second, her son, my step brother. And third, kami ng orihinal na pamilya niya. But serious matters aside, bwisit na bwisit na ako kay Avancea. Sinumbong niya ako tungkol sa pambubu

  • Her Life He Wrote   Chapter 192

    WHAT’S THAT?” I asked Shanta the moment she entered our bedroom with a book in her hand. Nilapitan ko siya at hinawakan ang bewang niya saka hinalikan siya sa balikat. “Saan pumunta ang Baby Love ko? Hmm?” “Hulaan mo…” biro niya saka kumapit sa bewang ko bago nangunang naglakad. I grinned, then walked with her with my right arm clinging onto her shoulder. Sinilip ko ang librong hinahawakan niya at naintriga ako. “You don’t recognize this, do you?” tanong niya. “Where did you find that?” Shanta looked up at me. “It doesn’t matter. I found it and I fixed everything back.” Binalik niya ang tingin sa libro… o ang manuskritong sinulat ko… at naupo sa dulo ng kama. I also sat beside her with my eyes pinned on her glowing face. “I have been curious about this lately, alam mo ba ‘yon…” kwento niya at sinimulang buklatin ang libro. “Punit-punit ‘to noong nahanap ko kaya nagpabili ako kay Benida ng scotch tape. She helped me put back every page.” Then, she looked at me teasingly. “Ako p

  • Her Life He Wrote   Chapter 191

    I SMILED at the guests who greeted me and Shanta as we walked on the red carpeted aisle. Hindi ganoon karami ang mga bisita. Nabibilang lang sa mga daliri ang mga tao sa mesa. I recognized almost all of them. Masaya ako at dinaluhan nila kami para sa gabing ito.Shanta and the Six Packs, which included me, sat down at a very special seat near the mini stage. Pabilog ang mesa at pitong upuan ang naroon para sa isa sa amin. Naunang umupo ang mga kaibigan ko. Lachlan and Katlego sat beside each other. Ganoon din si Euart at Jirario. Clavis, however, chose to sit next to her cousin. Samantala ako, pinagitnaan nina Shanta at Jirario. I pulled my Baby’s golden chair before she took her seat. “Musta ka na?” tanong ko kay Jira nang hayaan ko si Shanta na kausapin ang pinsan niya. I smiled at my cousin when I looked at him. It’s been a long time and we have been very busy with our own lives, so it’s nice if we catch up. “Kumusta ka naman at ng inaanak ko? Damn… I can’t believe you’re a family

  • Her Life He Wrote   Chapter 190

    ISANG BUWAN na ang nakalipas at unti-unti nang humuhupa ang kaguluhan sa Manila. Tito Kadam is already jailed in the New Bilibid Prison while his case is set for an appeal by his lawyers. While Coolidge Mental Care remained a crime scene, the patients were transferred to a safer and better facility. They will be sent back once the investigation is done and once the mental care has found its new owner. Sa ngayon, we’re trying to fix all the casualties, lalo na sa pagpapagamot ng mga pasyente. After all, Shanta and I both experienced a life inside the mental hospital. Nais naming tumulong. “Sir, Ma’am, nandyan na po ang mga bisita,” pagpapaalam ng kasambahay noong pumasok ito sa kwarto ko. “Susunod na kami. Thank you,” I said. And after telling me some more notice, the househelp left the room. Naiwan kami ni Shanta sa harap ng salamin habang inaayos niya ang necktie ko. Two days ago, we left Bohol for our business here in the Metro. Naisip naming ligtas nang tumira sa bahay ko… na

  • Her Life He Wrote   Chapter 189

    I DON’T KNOW when was the last time that I was energized to wake up. I remembered waking up with a huge weight in my head and I felt so exhausted at the start of the day, that ending it would mean fatigue for a week. But while my eyes remain closed, my mind is already awake. And I could feel Shanta’s small body still embracing me. Napangiti ako. Dahil diyan, bahagyang isinubsob ko ang aking ilong sa buhok niya. Walang pagbabago. Her hair’s scent is still the same lavender with fresh milk. I sniffed like drugs and kissed her forehead and tightened my embrace because I am never gonna lose her again. This moment could’ve happened two years ago if the incident didn’t happen. We could’ve been living on one roof with our two kids that are one-year-old apart, and we’re still making the third one. But even though we’re two years late, this… the night that I woke up beside her is what matters most. This will keep me from waking up and start my day blissfully. Aaraw-arawin ko ito, and the d

  • Her Life He Wrote   Chapter 188

    THE NEXT DAY, Shanta and I traveled back to Panglao Island, Bohol to stay in her mansion for the meantime while things subside. Hindi sana doon. It could have been my house, but almost everyone knows about it, so definitely, the place is not safe for us. We decided to take a break after the national newscast reported across the country. It was stressful and… chaotic. Ilang media na rin ang sumubok na kuhanan kami ng panayam, but Shanta, although ready to speak up, is not allowed to give herself another stress. I didn’t permit it because she needed rest after trespassing in Kachina's house. Makita-kita ko pang may benda siya sa noo kaya mas lalong hindi ako pumayag. She got it from her cousin who broke a vase on her head. And even though I wanted to make that woman pay, I didn’t want reporters to exploit my Baby’s condition and people to make a feast out of it. Kahit na kami ang nasa tama at ang biktima, hindi ko ginawa. The right people would see it, especially the court. And I wou

  • Her Life He Wrote   Chapter 187

    I GRINNED AT my reflection in the mirror surface. Our plan is working and just a little more time, this chaos they started would end. I then reached for the clean towel beside my laundry, then wiped my face. This is the only place where I can be myself besides being in Shanta’s arms. No nurse to watch over my every move. No Kachina to observe me and ask leading questions. Just me and myself, staring at each other. After I wiped my face, I spent my fifteen minutes taking a bath. Hindi man ako komportable sa klase ng banyo na meron sila dito, sinubukan kong hindi madiri. Well, I have lived an ordinary life before with a small toilet and a hand pump. I’d be immune to this, I guess. Pero sana… sana hindi magtagal ang pamamalagi ko dito. I can’t take the owner of this place. Pagkatapos kong maligo, I changed into a more comfy clothing. I didn’t wear my usual asylum gown. I don’t need it anyway because I am done with my mission. This is the day I am finally leaving this hell. Besides, nas

  • Her Life He Wrote   Chapter 186

    KAGE, DELIKADO ‘yang plano mo…” pagtutol ni Shanta. Nakaupo siya sa kabisera ng lamesa ng kanyang opisina sa mansion. “I’m not liking it. Masyadong mapanganib at… nagmumukha tayong mas masama kaysa sa kanila. Ayaw ko ng ganoon. We’re stooping down to their level… and as you said, violence should never be a choice. So, this one… It’s a no for me.” I bit my lower lip because she has a point. Well, it’s obvious that my ultimate plan is too risky… and brutal. Katabi ni Shanta si Benida, na nakaupo sa kanyang kanan. They were both looking at me with a hint of hesitation in their faces. Bahagya akong nakaramdam ng pagkapahiya. Shanta is right. We’re no different from the people who attempted to kill us. Tulad ni Tito Kadam, I am resorting to violence to get what I want. But this is the only way we could penetrate the Coolidge Mental Care. Kung totoo man, naroon ang mga karagdagang ebidensya para magiit ang tatay ni Kachina. Dahil hindi lang niya kami tinangkang patayin, he was even the ma

  • Her Life He Wrote   Chapter 185

    Kagan’s POV AYAN, KAGAN…” The psychiatric nurse said in utter softness after I obediently drank the medicine she prepared for me. “You are doing well these days and Doc Kachina must be so proud of you. Let’s just wait for her, okay? It’s past ten and she’s not yet here. But don’t worry. Papasok iyon.” I nodded and grinned just a little bit to make her believe Kachina is my calming pill, even when I don’t care whether she comes to work today or not. I then looked away and stared at the barred window the mental care had just built for me. Kung alam lang ng nars, I lost interest in her doctor the night she’s involved in ruining my life. Makalipas ng ilang sandali, narinig ko ang nars sa gilid ko, nagpapaalam para sa susunod na pasyente niya. I didn’t respond or what, then the door creaked open. Mabilis akong tumingin sa kanya, at nang makitang hindi siya nakalingon, I swiftly barfed the medicine I didn’t swallow and the bitter thing fell on my palm. I clenched my fist as soon as I fel

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status