Share

Chapter 2

Author: ninashupi
last update Last Updated: 2021-08-06 14:56:00

Kagan's POV

03 Hunyo 2020

KACHINA... Iniwan ako ni Kachina.

Gusto kong lunurin ang sarili ko sa sobrang katangahan. Gusto kong magpalamon sa buhangin. Gusto kong tangayin na ako ng alon para tuluyan na akong malunod at lagutan ng hininga.

Marami akong gustong gawin ngunit si Kachina lang nais ko. Siya lang ngunit mas pinili niya ang kinabukasang wala ako.

"Kachina... Kachina!" matindi ang hinagpis na hiyaw ko. Inubos ko ang aking boses sa abot ng aking makakaya. "Kachina! Why?!"

Para na akong tanga dito. Para na akong balyenang nagkukumahog. Tanginang pag-ibig ito! Kung kailan una mong naranasan, iyon pa ang pinaka-masakit. Patayin niyo na lang kaya ako, 'no?

Gusto kong mamaos at madapuan ng sakit para baka sakaling balikan niya ulit ako at alagaan, tulad ng pagmamalasakit niya noong mga bata pa kami. Bigla ko na naman naalala ang nangyari kanina. Ang mga kaganapang guguho sa buhay ko, ang tanging babae na babasag sa aking puso.

"Bakit? Why do you have to inflict more pain? Is this your punishment? Kachina, answer me!" sigaw ko at nilagok ang lahat ng likido sa bote. Wala man siya pero nais kong marinig niya ang hinagpis ng puso ko. "Am I too little for you?"

Napaluhod ako sa buhangin. Pati mga butil ay sinasaktan ako. Wala nang nagawa ang mundo kundi ang magdulot ng sakit sa akin. Bakit hindi ako karapatdapat isama sa mga plano mo sa buhay? Nasabunot ko ang aking buhok at binasag ang bote sa kamay ko. Tumalsik ang mga bubog at halos matamaan ako nito.

"K-kachina, bakit mo ba ako pinapaharapan nang ganito?"

Dumaloy ang dugo at ramdam ko ang mga bubog na bumabaon sa laman ko. Pati ba naman itong mga piraso ng salamin sa bote sasaktan ako? Tangina! Pakain niyo na lang ako ng bubog!

"AAAAHHHH!" matinding daing ko sa pagpilit na mabunot ang sumalugsog.

Sa tuwing pipilitin kong maglaho ang sakit ay mas lalo itong lumalala. Mas tumulo ang dugo sa buhangin at tila nagparamdam ng hinagpis ang panahon sa pagtulak ng hangin sa katawan ko.

Hindi ko namalayang sumasampa na ako sa katubigan, sinusundan ang paggalaw ng buwan. Sa ilalim ng gabi, mas pinili ng mga bituin na pagtawanan ako. Ipinakita nila ang kanilang kinang na tumatama sa mga luha ko, na nagpapa-ilaw rito. Sa isang iglap ay nanumbalik sa aking isipan ang pagtataboy ni Kachina sa akin.

Binili ko ang lahat ng magagandang rosas na makikita kong makapagwawangis sa kanyang kagandahan. Mga puting rosas at mababangong hasinto na ipinapitas ko pa sa flower farm ng Baguio.

Sabik na sabik na ako sa pagdating ni Kachina sapagkat natitiyak kong ito ang unang araw ng pagiging magkasintahan namin sa oras na sagutin niya ako. Hinanda ko rin ang balkonahe na tanaw ang kagandahan ng Isla ng Panglao. Ilang oras na lang at makakarating na sa Bohol ang mahal ko.

Naramdam ko ang dampi ng tubig dagat sa balat ko at hindi ko ikinabahala ang kalamigan nito. Tiningala ko ang puting bilao sa kalangitan na patuloy kong sinusundan subalit patuloy ring lumalayo sa akin. Tila may kumurot sa puso ko, nagpapaalala ng paulit-ulit kong paghahabol sa kanya.

Halos makatulog ako sa paghihintay sa kanya. Napaupo ako sa tumba-tumba at sinubukang libangin ang sarili. Kanina pa rin nagtatanong ang mga kinuha kong violinist at pinaki-usapan kong maghintay pa muli sila nang ilang minuto ngunit magmamadaling araw na't hinahanap na sila sa kanilang tahanan.

"I said, you wait! Darating siya!" sigaw ko at kuwenelyuhan ang isang may hawak ng biyolin.

Inawat ako ng kasama niya. Wala akong nagawa kundi ang bitiwan siya. Umalis ang dalawa at naiwan akong tinatawagan ang telepono ni Kachina. Hindi pa rin niya ito sinasagot at wala pa rin siyang tugon sa mga mensaheng pinadala ko.

Kasalukuyang nanumbalik ang huwisyo ko at tumayo para abutin ang whiskey sa de koloreteng mesa. Wala pa ring laman ang plato at naubos na ang kandila. Sa pagtunog ng cork mula sa bote ay may kung anong nguminig sa aking maong shorts. Inabot ko ito mula sa bulsa ko at agad na sinagot ang kanyang tawag.

Ang tawag ng aking minamahal. Tila nawala lahat ng lungkot at pagod mula sa paghihintay nang marinig ang manipis na tinig ng kanyang boses sa kabilang linya.

Sa pag-alala ng tawag na iyon ay hiniling ko sa kalangitan na ibalik ako sa pangyayaring iyon kung saan hindi ko na lang sana siya sinagot kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan namin, na ganito katindi ang magiging resulta nito.

Padapa-dapang kinalaban ko ang mga alon sa dagat, sinusubukan pa rin na sundan ang maliwanag na buwan ngunit tinakpan na ito ng mga ulap sa oras na maramdaman ang tubig sa binti ko.

Lumawak ang ngiti sa labi ko at masayang binati siya, "Kach, nakarating ka na ba? Are you coming?"

"K-Kagan..." bulong niya at mas lalo akong napangiti.

"I really, really miss you! Hihintayin kita. Nakalapag na ba ang barko? Susunduin kita, diyan ka lang."

"K-Kage..."

"Oh. Yes, Kach?" takhang tanong ko at narinig ang palihim na pagbuntung-hininga niya sa ibang linya. "Hey, are you okay?"

"I'm sorry..."

"What for?" nabuhol pa ang utak ko roon, hindi maunawan ang nangyayari. "Did something happen? I'll go there. Are you in Bohol now?"

"No, please, don't go."

"What? What's happening? Tell me..."

May panandaliang tigil sa kabilang linya bago siya sumagot. "I can't go there, Kagan. I'm so sorry."

"W-what? Why?" nauutal ako at tila nabingi kahit pabulong niya itong sinabi.

"I can't go with you..."

Tumikom ang bibig ko at sumasakit ang lalamun sa pagpipigil ng sarili. "But, I'm planning to..."

"Kagan, I'm r-really sorry."

"Sh*t!" mura ko. "Hinantay ko ang araw na ito, Kach. I waited! Where are you?"

"I'm sorry..." ulit niya ngunit wala akong maramdamang sinseridad dito.

"Kach, I like you..." marahang bulong ko, hinihiling na sana sa simpleng pagtatapat ko ay sundan niya ako rito.

"Kagan..."

"Don't you like me?" tanong ko at matagal na hinintay ang kanyang tugon.

"I'm really sorry, Kage, but I have to fly to Europe."

"W-what did you say?" gisingin ako ngayon na. Kung sa panaginip lang nangyayari itong pagtatapat ko, sana umaga na.

Sana.

"I'm in Manila, so please go home." dagdag niya at balak nang ibaba ang linya subalit pinigilan ko siya.

"Kach, I don't understand!"

"Kage, please..."

"Now, answer me..." ani ko.

"What is it?"

"Kung hindi ka pupunta sa Europe at nandito ka..." huminga ako bago nagpatuloy. "S-sasagutin mo ba ako? Will you say yes?"

Hawak ko ang aking hininga at inihahanda ang tainga baka sakaling lumundag ako sa tuwa o baka lumuhod sa wala. Ito na naman ang ganitong sistema. Hinihintay pa rin ang sagot niya pero noong wala akong makuha ay alam ko na. Tumango-tango ako, pilit na iniintindi ang pagkatahimik niya. Napapahiya sa mga puwedeng maisip niya.

"Kach..."

"No."

"W-what?"

Napatingala na lang ako dahil sa nagbabadyang luha.

"No, Kagan. With Europe or not, I'm not ready to commit."

I get it.

"O-okay..." pamuli ko at pinutol ang koneksyon.

Dahan-dahan kong naibaba ang telepono at dumulas pa ito sa aking palad sanhi para kumalampag sa sahig. Hindi ko ito pinulot sapagkat wala akong lakas. Tila tumigil ang ikot ng mundo sa oras na pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

At sa kasalukuyang paglakad ko sa dagat, naki-alon na rin ang aking luha sa tubig na ito. Inapura ko ang pag-abot sa buwan at naninikip ang dibdib ko. Itinaas ko ang aking palad para dampihin ang liwanag nito. Gumilid ang mga ulap at muling sumilay ang bituin.

Nais kong maging parte ng karagatan para laging masilayan ang ganda nito. Nais kong malunod muli para sagipin ng taong gusto ko. Nais kong igalaw ang mga kamay ko habang nasa ilalim ng tubig baka sakaling abutin niya ulit ito.

Nakasasakal na ang alon at umabot na ang tubig sa leeg ko. Sandali na lang at itinaas ko ang aking braso. Mula rito sa malawak na karagatan, nais kong masaksihan ng buwan na muli akong ililigtas ng taong mahal ko.

Ang taong pag-aalayan ko ng buhay ko.

Ramdam ko na ang pagbaon ng tubig sa aking mukha noong may malambot na palad ang dumampi sa kamay. Tila lumundag ang aking puso nang hatakin niya ako papunta sa pangpang.

"K-Kachina?"

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mmg Muñoz Marian
ang ganda ng kwento
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Her Life He Wrote   Chapter 3

    "K-KACHINA?" Sinusubukang mamukhaan ang dilag. Nais kong siguraduhing si Kachina 'yon. Hindi niya ako binigo. Bumalot ang ilaw ng pag-asa. Gusto kong kutyain ang mga bituin at pagtawanan din sila dahil mali sila ng inaakala. Sa gitna ng karagatan, muling may nagligtas sa akin. Muling may nais na mabuhay ako. Muling may nagtangkang pahalagaan ako. Tinitigan ko ang maikli niyang buhok na naaninag sa maliit na ilaw na dala ng isla. Naningkit ang aking mata at hindi na nakita ang kamaong sumapo sa bagang ko. "A-aray!" napaatras ako sa tubigan.

    Last Updated : 2021-08-06
  • Her Life He Wrote   Chapter 4

    ISINUBSOB KO ang aking sarili sa napakalambot niyang leeg. Halos ipitin ko siya sa aking mga braso, hagkan-hagkan ang kanyang kabuoan. At parang may sumasayaw na paru-paru sa tiyan ko. Hindi ito mapakali at kinikiliti ang buong sistema ko. Maging ang puso ko'y hindi na magkarandarapa.Kakaiba talaga ang nararamdaman ko. Mas lalong lumiwanag ang buwan at para akong nasisilaw rito. Malapit ko nang mapasamata ang babae ngunit may kung anong tunog ang bumuhay sa huwisyo ko.Naimulat ko ang aking mga mata na nakadungaw sa isang malaking bintana. Sa labas nito ay balkonahe at nakagilid ang mahabang kurtina. Kalmado ang alon sa dagat at sumisilay na ang pagka-lila ng kalangitan dulot ng araw. Bigla akong napaupo sa kama saka ti

    Last Updated : 2021-08-07
  • Her Life He Wrote   Chapter 5

    ISA-ISANG lumabas ang mga nakasakay sa limang kotse at kanya-kanya sila ng istilo ng pagbaba. Una nilang ipinagyabang ang suot nilang mga sapatos nang makatapak sila sa airport. Kumikinang at bagong kiskis. Nahumaling agad ang mga tao noong makita sila. Sa paglabas ng lima, sabay-sabay silang naglakad papunta sa akin. Parang modelo. Parang artista. Habang kumakaway sa mga naaaliw sa kanila. Sa kanilang likod, isang ginang at batang lalaki ang nakatunghay sa akin. Agad akong napangiti noong mamataan ang mukha ng kapatid ko. "Kage!" sigaw ni Kaden. Tumakbo siya sa akin at sinalubong ako ng apir. Nawala

    Last Updated : 2021-08-07
  • Her Life He Wrote   Chapter 6

    HABANG nasa biyahe ay hindi ko maiwasang isipin muli 'yong babae sa isla. Itago na lang natin siya sa pangalang Neko Ferrucci. Gusto kong matawa sa loob ng kotse pero baka marinig ako ni Eaurt, na katabi ko lang na nagmamaneho. Isa pa, kasalanan ng mga paru-paru 'to. Labis na lang ang pagkiliti nila sa puso ko. Tawa pa sila nang tawa sa tiyan ko! Mga baliw!Bigla akong napangiti. Hindi ko na mapigilan talaga. Baka ang rason kung bakit ko siya nakita kanina ay naka-tadhana kami para sa isa't isa. Itinakda kami ng mga diyos at ng mga paru-paru. At siya ang aking mariposa. Napapailing ako sa tuwa. Nakita kong lumingon sa akin si Euart kaya bigla akong nagseryoso. Kinagat ko pa ang dila ko para hindi lumuwa ang ngipin ko.Na

    Last Updated : 2021-08-18
  • Her Life He Wrote   Chapter 7

    PARANG SINUNTOK ng hangin ang baba ko paitaas at napatingala ako kay Papa. Minamataan niya ako na parang nakakatunog sa totoong nangyari sa isla. Ayaw kong pag-usapan 'yon! Tuwing naiisip ko 'yon, nabubuhay ang mga paru-paru sa tiyan ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Parang burger buns na isinampal ko ang dalawang kamay ko sa aking mukha. Ako 'yong burger. Sinilip ko ang mukha ni Euart at ang sarap lang kalmutin! "W-wala 'yon, Pa..." ako na ang nagklaro para sa kanila. Pero pati utak ko'y binibiro ako. Weh? Totoo bang wala lang 'yon? Bigla ko na namang naalala 'yong nangyari sa amin ng babae. Neko... Ang kauna-unahang halik sa tanang buhay ko ay sa isang taong hindi ko pa kilala! Sa taong hindi ko alam ang pan

    Last Updated : 2021-10-07
  • Her Life He Wrote   Chapter 8

    BUMABA AKO ng basement para kunin ang aking sasakyan. Bilis-bilis akong pumasok at pinatunog ang kotse. Hinila ko ang seat belt saka sineguro ang sarili. Inayos ko rin ang anggulo ng rearview mirror at nagsimula nang umatras ang kotse.Sa aking paghinto sa gate ay bumisina ako para makuha ang atensyon ng guwardiyang nagbabantay doon. At noong makita niya ako, agad niyang binuksan iyon. Kumatok siya sa bintana ng kotse sa oras na matapat ako sa gate."Señorito Kagan, hindi niyo ho ba alam na gabing-gabi na. Saan kayo pupunta sa ganitong mga oras?" tanong nito na akala mo'y pagmamay-ari ang oras ko sabay turo sa madilim na kalangitan noong buksan ko ang dungawan.&

    Last Updated : 2021-10-07
  • Her Life He Wrote   Chapter 9

    KUNG PUMUNTA nga siya ro'n, malamang nakita niya ang pagtataksil ko noong gabing 'yon. Bigla akong nakonsensya. Napayuko ako at walang mukhang maihaharap sa kanya."I'm sorry, Kach..." sambit ko."About what?""N-nothing..."Inilayo ko ang aking paningin at pinaglaruan ulit ang daliri ko. Baka nga hindi niya nakita ang nangyari sa amin ni Neko dahil kung nasaksihan niya nga ay hindi niya ako sisiputin dito. Hindi niya ako bibigyan ng pag-asa para i-eksplika ang sarili.

    Last Updated : 2021-10-08
  • Her Life He Wrote   Chapter 10

    Kachina's POV NANGHIHINANG ISINARA ko ang tala-arawan ni Kagan. As if I had run a mile when I'm just sitting. Sweat moisted my back yet I had set the airconditioner very low earlier. Matapos kong mabasa ang huling pangungusap na isinulat niya eleven years ago, I've exhausted myself. No words can describe how furious, irritated, and pained I am. Hindi ko man lang makurap ang talukap ng mata ko sa pagkabigla. I got this golden book from Benida, but never have I known this is a long story. Hindi ko inaasahan na isang nobela na pala ang hinanakit niya para sa akin. For freaking eleven years, he kept it from me! Kung hindi ko pa binasa ito, mamamatay akong walang alam. If I hadn't come back, he'd slip off my arms

    Last Updated : 2021-10-11

Latest chapter

  • Her Life He Wrote   Epilogue

    BADTRIP. Nababadtrip ako kay Avancea. Bakit hindi na lang siya lumayas sa mamanahin kong mansyon? Bakit kailangan pa niyang makipag siksikan sa pamilya namin? Bakit napaka s****p niya simula bata pa kami? Our family would have been better, stronger, if she and her leech mother Amadena hadn’t appeared in our life. Pero may magagawa ba ako sa desisyon ng Papa ko? Meron. But, bullshit, not on this matter. He won’t let me, her genius daughter, dictate his heart. Not even Kuya Dallas who’s vocally against it but is silent when the two leeches are present. Wala rin naman kaming maaasahan kay Mama kasi iniwan niya kami kay Papa at sumama sa lalaki niya. To make matters worse, nagkaroon pa sila ng anak. But all of my mother’s desires faded when she lost everything she fought for. One, her partner who I never met. Second, her son, my step brother. And third, kami ng orihinal na pamilya niya. But serious matters aside, bwisit na bwisit na ako kay Avancea. Sinumbong niya ako tungkol sa pambubu

  • Her Life He Wrote   Chapter 192

    WHAT’S THAT?” I asked Shanta the moment she entered our bedroom with a book in her hand. Nilapitan ko siya at hinawakan ang bewang niya saka hinalikan siya sa balikat. “Saan pumunta ang Baby Love ko? Hmm?” “Hulaan mo…” biro niya saka kumapit sa bewang ko bago nangunang naglakad. I grinned, then walked with her with my right arm clinging onto her shoulder. Sinilip ko ang librong hinahawakan niya at naintriga ako. “You don’t recognize this, do you?” tanong niya. “Where did you find that?” Shanta looked up at me. “It doesn’t matter. I found it and I fixed everything back.” Binalik niya ang tingin sa libro… o ang manuskritong sinulat ko… at naupo sa dulo ng kama. I also sat beside her with my eyes pinned on her glowing face. “I have been curious about this lately, alam mo ba ‘yon…” kwento niya at sinimulang buklatin ang libro. “Punit-punit ‘to noong nahanap ko kaya nagpabili ako kay Benida ng scotch tape. She helped me put back every page.” Then, she looked at me teasingly. “Ako p

  • Her Life He Wrote   Chapter 191

    I SMILED at the guests who greeted me and Shanta as we walked on the red carpeted aisle. Hindi ganoon karami ang mga bisita. Nabibilang lang sa mga daliri ang mga tao sa mesa. I recognized almost all of them. Masaya ako at dinaluhan nila kami para sa gabing ito.Shanta and the Six Packs, which included me, sat down at a very special seat near the mini stage. Pabilog ang mesa at pitong upuan ang naroon para sa isa sa amin. Naunang umupo ang mga kaibigan ko. Lachlan and Katlego sat beside each other. Ganoon din si Euart at Jirario. Clavis, however, chose to sit next to her cousin. Samantala ako, pinagitnaan nina Shanta at Jirario. I pulled my Baby’s golden chair before she took her seat. “Musta ka na?” tanong ko kay Jira nang hayaan ko si Shanta na kausapin ang pinsan niya. I smiled at my cousin when I looked at him. It’s been a long time and we have been very busy with our own lives, so it’s nice if we catch up. “Kumusta ka naman at ng inaanak ko? Damn… I can’t believe you’re a family

  • Her Life He Wrote   Chapter 190

    ISANG BUWAN na ang nakalipas at unti-unti nang humuhupa ang kaguluhan sa Manila. Tito Kadam is already jailed in the New Bilibid Prison while his case is set for an appeal by his lawyers. While Coolidge Mental Care remained a crime scene, the patients were transferred to a safer and better facility. They will be sent back once the investigation is done and once the mental care has found its new owner. Sa ngayon, we’re trying to fix all the casualties, lalo na sa pagpapagamot ng mga pasyente. After all, Shanta and I both experienced a life inside the mental hospital. Nais naming tumulong. “Sir, Ma’am, nandyan na po ang mga bisita,” pagpapaalam ng kasambahay noong pumasok ito sa kwarto ko. “Susunod na kami. Thank you,” I said. And after telling me some more notice, the househelp left the room. Naiwan kami ni Shanta sa harap ng salamin habang inaayos niya ang necktie ko. Two days ago, we left Bohol for our business here in the Metro. Naisip naming ligtas nang tumira sa bahay ko… na

  • Her Life He Wrote   Chapter 189

    I DON’T KNOW when was the last time that I was energized to wake up. I remembered waking up with a huge weight in my head and I felt so exhausted at the start of the day, that ending it would mean fatigue for a week. But while my eyes remain closed, my mind is already awake. And I could feel Shanta’s small body still embracing me. Napangiti ako. Dahil diyan, bahagyang isinubsob ko ang aking ilong sa buhok niya. Walang pagbabago. Her hair’s scent is still the same lavender with fresh milk. I sniffed like drugs and kissed her forehead and tightened my embrace because I am never gonna lose her again. This moment could’ve happened two years ago if the incident didn’t happen. We could’ve been living on one roof with our two kids that are one-year-old apart, and we’re still making the third one. But even though we’re two years late, this… the night that I woke up beside her is what matters most. This will keep me from waking up and start my day blissfully. Aaraw-arawin ko ito, and the d

  • Her Life He Wrote   Chapter 188

    THE NEXT DAY, Shanta and I traveled back to Panglao Island, Bohol to stay in her mansion for the meantime while things subside. Hindi sana doon. It could have been my house, but almost everyone knows about it, so definitely, the place is not safe for us. We decided to take a break after the national newscast reported across the country. It was stressful and… chaotic. Ilang media na rin ang sumubok na kuhanan kami ng panayam, but Shanta, although ready to speak up, is not allowed to give herself another stress. I didn’t permit it because she needed rest after trespassing in Kachina's house. Makita-kita ko pang may benda siya sa noo kaya mas lalong hindi ako pumayag. She got it from her cousin who broke a vase on her head. And even though I wanted to make that woman pay, I didn’t want reporters to exploit my Baby’s condition and people to make a feast out of it. Kahit na kami ang nasa tama at ang biktima, hindi ko ginawa. The right people would see it, especially the court. And I wou

  • Her Life He Wrote   Chapter 187

    I GRINNED AT my reflection in the mirror surface. Our plan is working and just a little more time, this chaos they started would end. I then reached for the clean towel beside my laundry, then wiped my face. This is the only place where I can be myself besides being in Shanta’s arms. No nurse to watch over my every move. No Kachina to observe me and ask leading questions. Just me and myself, staring at each other. After I wiped my face, I spent my fifteen minutes taking a bath. Hindi man ako komportable sa klase ng banyo na meron sila dito, sinubukan kong hindi madiri. Well, I have lived an ordinary life before with a small toilet and a hand pump. I’d be immune to this, I guess. Pero sana… sana hindi magtagal ang pamamalagi ko dito. I can’t take the owner of this place. Pagkatapos kong maligo, I changed into a more comfy clothing. I didn’t wear my usual asylum gown. I don’t need it anyway because I am done with my mission. This is the day I am finally leaving this hell. Besides, nas

  • Her Life He Wrote   Chapter 186

    KAGE, DELIKADO ‘yang plano mo…” pagtutol ni Shanta. Nakaupo siya sa kabisera ng lamesa ng kanyang opisina sa mansion. “I’m not liking it. Masyadong mapanganib at… nagmumukha tayong mas masama kaysa sa kanila. Ayaw ko ng ganoon. We’re stooping down to their level… and as you said, violence should never be a choice. So, this one… It’s a no for me.” I bit my lower lip because she has a point. Well, it’s obvious that my ultimate plan is too risky… and brutal. Katabi ni Shanta si Benida, na nakaupo sa kanyang kanan. They were both looking at me with a hint of hesitation in their faces. Bahagya akong nakaramdam ng pagkapahiya. Shanta is right. We’re no different from the people who attempted to kill us. Tulad ni Tito Kadam, I am resorting to violence to get what I want. But this is the only way we could penetrate the Coolidge Mental Care. Kung totoo man, naroon ang mga karagdagang ebidensya para magiit ang tatay ni Kachina. Dahil hindi lang niya kami tinangkang patayin, he was even the ma

  • Her Life He Wrote   Chapter 185

    Kagan’s POV AYAN, KAGAN…” The psychiatric nurse said in utter softness after I obediently drank the medicine she prepared for me. “You are doing well these days and Doc Kachina must be so proud of you. Let’s just wait for her, okay? It’s past ten and she’s not yet here. But don’t worry. Papasok iyon.” I nodded and grinned just a little bit to make her believe Kachina is my calming pill, even when I don’t care whether she comes to work today or not. I then looked away and stared at the barred window the mental care had just built for me. Kung alam lang ng nars, I lost interest in her doctor the night she’s involved in ruining my life. Makalipas ng ilang sandali, narinig ko ang nars sa gilid ko, nagpapaalam para sa susunod na pasyente niya. I didn’t respond or what, then the door creaked open. Mabilis akong tumingin sa kanya, at nang makitang hindi siya nakalingon, I swiftly barfed the medicine I didn’t swallow and the bitter thing fell on my palm. I clenched my fist as soon as I fel

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status