Share

Chapter 3

Author: Wengci
last update Last Updated: 2021-09-03 23:16:04

"Are you okay?" tanong ni Gregor sa babae na tila natakot sa nangyari.  Tumango naman ito sa kanya.  Naroon nakapalibot sa kanila ang mga kasama nito na nabigla din sa mga nangyari. 

"I'm sorry for what happened, but we are sure that no one can harm you here, miss.  Bihirang pagkakataon lang na may nanggugulo dito." 

Blame yourself for being beautiful and charming, saad niya sa sarili. 

"I...am okay," mahinang wika nito na sinuklay ng mga kamay nito ang buhok at itinaas ang mukha, getting back her composure.  "Nagulat lang ako." 

Gregor swears he heard that voice before  at iniugnay niya sa boses ni Olive na nakausap niya sa telepono sa Falcon Group of Companies.  Sweet and endearing.  Inilahad niya ang kamay sa babae.

"I'm Gregor.  My brother and his family own this resort."

"M-martina.." she answered softly.

Olive, on the other hand, accepted the handshake.   Pero ang pangalawang pangalan niya ang binanggit.  Ayaw niyang ipakilala ang sarili bilang isang Falcon dahil estranghero ang lugar na ito at estranghero ang lalaking kaharap niya.

His hand was rough; tanda ng banat sa trabaho. But it was warm.  Ang init ay tila nanuot hanggang sa tyan niya.  His voice was husky, like she heard it once in her lifetime.  Pero alam niyang ngayon lang niya ito nakita.  Ang mga ganitong lalaki ay hindi madaling kalimutan kapag nakadaupang palad mo.  Nakabukas din ang polo na suot nito na kita ang ganda ng katawan.  May six abs at may mumunting balahibo sa dibdib nito at mula sa pusod pababa.  He was undeniably sexy and appealing.

Gregor can't take his eyes off this petite woman, na halos umabot lang sa dibdib niya.  Hindi na ito estudyante bagama't nasa early twenties pa ito sa tantiya niya.  Sumisigaw ang sex appeal kahit sa simpleng pagsuklay lang ng daliri sa buhok.  Pinupukaw nito ang pagkalalaki niya sa bawat titig nito lalo nang pinaraan nito ang mata sa kabuuan niya.

Oh Lord!  How can a woman be as beautiful as this one?

"Mga kaibigan mo?" tanong niya sa mga nakatunghay na mga mata.

"Yes."  Ipinakilala naman sa kanya isa-isa na tinanggap din ang pakikipagkamay niya. 

"Thank you for that," wika pa ni Martina na ang tinutukoy ay ang pag-awat niya sa lalaking lasing kanina.

"No,  kami ang dapat humingi ng pasensya.  We will call the police station to report the incident at para magkaroon ng police visibility dito.  We want to make sure everyone's safe." 

"The night is still young, if you don't have anything to do, you can join us," wika naman ni Cassey.  "We're actually here to celebrate my birthday." 

Sumang-ayon din naman ang dalawa pang lalaki.  Nahiya naman siyang tanggihan dahil mabait na nakipag-usap sa kanya.  Isa pa'y gusto rin niyang makilala nang husto si Martina.

"If it's okay with you," wika niya na tumingin sa dalaga.  Nagpaalam lang siya sandali para makapagbihis kaya't muli siyang umalis sa grupo ng mga ito nang matiyak na wala nang nanggugulo sa bar.

"Why do you have to invite him?"  protesta naman ni Olive nang makaalis si Gregor.

"Why not?  Don't deny your attraction with each other.  Tila ba kayo lang ang tao kanina dito kung magtitigan," sagot ni Cassey na may halong pagbibiro.

"Yes he is attractive... Fine.  But he is a stranger."

"Kaya ba Martina muna ang pangalan mo ngayon?" wika naman ni Jenny.

"Martina din naman talaga ang pangalan ko ah," agad niyang depensa. 

"Then there's no problem.  Pagkatapos ng trip natin dito hindi na rin naman natin siya makikita, hindi ba?" sulsol naman ng boyfriend nito.  Bagama't naroon ang panghihinayang kung sakali mang hindi na sila magkita pang muli.

"Basta, walang magbabanggit na isa akong Falcon, okay?  I am Martina Montañez." 

"Why?  Ahh... Alam ko na.  Gusto mong magustuhan ka nya bilang ikaw hindi dahil sa isa kang Falcon, ganoon ba?" pangungulit ni Jenny.

"I just wan't to hide my identity.  I don't know but I don't trust him."

Maya maya ay papalapit na ulit si Gregor kaya iniba na nila ang usapan.

"Since you don't have a date tonight, why don't you consider Gregor here as your date?" suhestiyon ni Cassey na gusto sana niyang tutulan.

"I don't want to impose, but it would be my pleasure." Ngumiti itong muli kaya't sinakyan na lang niya ang suhestyon ng mga kaibigan.  Hindi naman niya gustong ipahiya si Gregor sa mga ito.

"Wala namang problema sa kin, as long as you're single."

"Don't worry Martina, I am very much single," wika nito na itinaas ang kamay para ipakitang wala itong singsing.

"So, wala naman palang problema.  Martina here is also single and ready to mingle," panunukso ni Jenny.  Nagtawanan pa si Cassey at ang dalawang lalaking kasama nila.

Tinuloy nila ang inuman kasama ang mga kaibigan niya na pinaunlakan naman ni Gregor.  Sa kabila ng walang patid na kwentuhan, alam niyang naiilang ito minsan.  Marahil ay sa edad nilang mga nasa bente tres at bente kwatro lamang.  Napalagay na lang ito nang malipat ang usapan tungkol sa basketball -- particular na ang napapanod na NBA at PBA. 

Alas dose na ng hatinggabi ay nagkakasayahan pa sila sa bar.  Dahil sa dalawang magkakapareha ay nahikayat na magsayaw si Gregor at Olive. 

"I'm sorry if I a bit older than you.  I hope you don't mind dancing with me," wika nito nang inakay siya sa gitna ng bar na iyon.

"Bakit?  Ilang taon ka na ba?" kaswal niyang tanong.  Nararamdaman niya ang mainit nitong kamay sa bewang niya, almost hugging her waist.  Funny, but it felt good.  Na para bang safe siya sa mga oras na 'yun dahil kasayaw niya si Gregor.

"I'm thirty.  Age doesn't matter naman, hindi ba?"  bulong nito kay Olive na sinadyang idikit ang labi nito sa tainga niya.  He was obviously flirting with her.  Pero wala naman sa bakas nito ang nakainom na.

Habang siya'y tinamaan na yata ng epekto ng alak dahil nahihilo na siya nang bahagya.  At dahil inis pa rin siya kay Rico dahil sa panloloko nito sa kanya, gusto niyang bigyang laya ang sarili niya ngayong gabi.

Kahit ngayong gabi lang.

"Actually it does.  But I don't mind," wika niya na sinalubong ang mga mata ng binata.  Dala ng alak o dahil sa pagtatago ng identity niya ay nagpapatangay na sya sa atraksyong dala ni Gregor.  Pagkatapos ng gabing ito ay hindi na rin naman sila magkikitang muli.

----

Pigil na pigil naman si Gregor sa sarili na huwag hagkan ang kasayaw.  He can smell her perfume and her minty breath everytime she opens her mouth.  Ngayon lang siya nakadama ng ganito kalakas na atraksyon at gusto niyang hindi na matapos ang gabing iyon.  May palagay siyang gusto niyang malaman ang buong pagkatao nito.

Ang totoo'y may girlfriend siyang naiwan sa Maynila.  Nagkaroon sila nang hindi pagkakaunawaan dahil gusto niyang iwanan nito ang trabaho doon para sumama sa kanya dito sa Palawan.  Napapagod na rin siyang magparoo't parito sa Maynila at Puerto Princesa para maisalba ang tatlong taon nilang relasyon.  Sa ngayon ay halos isang buwan na silang hindi nag-uusap dahil sa hindi pagkakasundo.  Noong una'y inisip niyang baka may iba na ring karelasyon si Lenny sa Maynila dahil hindi na ito kumontak pa sa kanya.

Pero isinantabi niya ang problema niya sa kasintahan dahil mas pinili niyang asikasuhin ang problema niya sa kumpanyang gusto niyang lumago pa lalo.

"Let's take a walk," bulong niya kay Martina at hinila ang kamay njto palabas sa bar na iyon.

Naglakad sila sa dalampasigan, sa hangganan na naabot ng liwanag ng mga poste sa resort.  Mangilan-ngilan lang ang tao sa parteng iyon ng beach, na karamihan ay magkakapares din.

"Turista ba kayo rito?" tanong niya sa dalaga.  Hindi pa niya binibitawan ang kamay nito na masarap sa pakiramdam niya. 

"Oo, pero mga taga rito lang din kami sa Palawan," simpleng sagot naman ni Martina. 

"Sa ganda mong iyan hindi ako naniniwalang wala kang boyfriend," nakangiyi niyang wika bagama't hindi na siguro nabanaag ng dalaga ang pagngiti niya dahil madilim na halos sa parteng kinatatayuan nila.  Inayos niya ang buhok nitong tumatabing sa mukha dahil sa hangin.

"We just broke up," pa- amin nito.  "I hate cheaters and liars."

Hindi niya alam kung bakit nagalak ang puso niya sa kaalamang wala itong karelasyon sa ngayon.   

"I can't believe someone will choose other woman over you.  But I'm glad he did.  Is it okay if we get to know each other?" 

Hindi niya alam kung para saan ang mga sinabi niyang iyon.  Tumango naman ito nang alanganin.  Sa kabila nang pag-atubili nito, tila may koneskyon sila na hindi niya maipaliwanag.  

Itinaas ni Gregor ang mukha ni Martina at masuyong tinitigan.  He wanted to kiss her at that moment.  Ito ang kauna-unahang nagpakita siya ng interes sa isang babae matapos ang pakikipagrelasyon kay Lenny.  Gusto niyang itanim sa isip na hindi naman siya nagtataksil.  He and Lenny were over.  They were just too busy to end the relationship officially.  Pero sa kanya'y tapos na.

"You're so beautiful..." bulong niya kay Martina.  Nakatitig lang din ito sa kanya kaya't bumaba ang mga labi niya para bigyan ito ng halik.  It was a gamble.  But Martina responded right away that he didn't get the courage to stop. 

Sa una'y nanubok lang siya.  Hanggang sa lumalim na nagbigay sa kanya ng kakaibang damdamin.  Hindi niya naramdaman ang ganito kay kaninuman na labis niyang ipinagtaka sa sarili.  At habang lumalalim ang halik niya'y tumataas din ang temperatura ng katawan niya. 

Gregor hands went to her waist as he continued kissing her.  She was soft and sweet.  Ang amoy nito'y mas nakalalasing sa pagkatao niya kaysa sa nainom na alak kanina.  He didn't want to stop.  Iniyakap rin niya ang kamay ni Martina sa baywang niya na hindi naman tumutol ang dalaga.  Matagal bago niya binitawan ang mga labi nito.

Related chapters

  • Heiress of Fire   Chapter 4

    Inakay ni Gregor si Martina at dinala siya sa bahay na pag-aari ng kapatid nito. Halos ala-una na ng madaling araw at tulog na ang mga tao sa bahay na iyon."Would you like some coffee? I know how to make cafè lattè. You'll like it," pagyayabang nito. Tumawa siya pagkatapos ay tumango. Cafè Latte is the easiest coffee one can make at home. Pero hinayaan niyang ipagyabang ito ng binata sa kanya. Sumunod siya sa kusina at pinanood ito sa paggawa."So, ilan kayong magkakapatid?" tanong ni Gregor."Three. At ako ang panganay.""Hmm.. they say eldest child is the most responsible one. Anong work mo?"

    Last Updated : 2021-09-04
  • Heiress of Fire   Chapter 5

    Nagising si Olive kinabukasan na masakit ang katawan. Maliwanag na ang paligid at nakabukas ang sliding door ng silid palabas ng balkonahe. Nakatayo si Gregor doon na walang pang-itaas na damit. At kahit nakatalikod ay sumisigaw ang sex appeal nito. Hindi niya lubos maisip na ganun kalakas ang atraksyong nararamdaman niya sa binata. To the point of giving herself completely.Lumingon ito sa gawi niya at nagulat nang makitang gising na siya. Pinakawalan nito ang isang ngiti at natunaw muli ang puso niya. Lumapit ito at tumabi sa kanya sa kama. Bagong paligo ito at naamoy pa niya ang sabon nito sa katawan."Good morning." He gave her a savage kiss na tumagal pa yata ng isang minuto. Tumugon siya at nakipagpaligsahan sa halik nito."You're so sweet, especially in the morning. I can't get enough..." pabulong nito na kumiliti yata sa pagkatao niya.&nb

    Last Updated : 2021-09-12
  • Heiress of Fire   Chapter 6

    Tanghali na nang magising si Gregor. Masakit ang ulo sa sunod sunod na gabing puyat at pag-inom. Lumabas siya sa balkonahe at tinanaw ang paligid ng resort. Kailangan niya nang makausap ang kapatid tungkol sa problemang kinakaharap. Sa dalawang araw niya dito ay si Martina lang ang inatupag niya.He smiled at the thought of her. His innocent little witch na muling pumukaw sa pagkatao niya pagkatapos ng mahabang panahon. At hindi pa niya naramdaman ang ganoon sa kahit sinong babae. Mamaya ay ihahatid niya ito pauwi para makilala ang pamilya nito. Tatapusin niya na ang relasyon nila ni Lenny na wala namang pinatunguhan. He would do everything to make Martina his girlfriend.Officially.Kumatok siya sa maliit na opisina ng kapatid na kasalukuyang nag-aasikaso ng kung ano anong papeles sa mesa nito."Dalawang araw ka na dito, akala ko'y hindi mo

    Last Updated : 2021-09-12
  • Heiress of Fire   Chapter 7

    Kinabukasan pa pumasok sa opisina si Olive matapos sunduin ng pinsan sa El Nido. Masakit ang ulo niya sa puyat at wala rin siya sa mood magtrabaho matapos biglang iniwan si Gregor sa isla. Ang usapan nila'y ihahatid siya nito sa kanila pero ni hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magpaalam. She knew Anthony would question him kapag nalamang nagkaroon sila ng ugnayan sa sandaling panahon lamang. Anthony's over protectiveness is annoying. Just like her father. Na akala mo disesais pa lamang siya.Isa sa mga dahilang ibinigay ni Rico sa panloloko nito sa kanya ay dahil hindi siya sumasama sa ex-boyfriend sa pad nito. Hindi iilang beses itong nagpahiwatig na gusto nitong may mangyari sa kanila na lagi niyang tinututulan. Binigyan man siya ng ama ng kalayaang magkaroon na ng boyfriend pero limitado ang oras na pwede niyang ibigay. Anthony would call her immediately kapag alas otso na at wala pa siya sa condo

    Last Updated : 2021-09-12
  • Heiress of Fire   Chapter 8

    Alas syete na halos nang magkita sila ni Rico sa isang restaurant na malayo sa building ng Falcon Group of Companies. Marahil ay galing din si Rico sa kumpanya ng pamilya nito dahil naka-coat and tie pa. Tumayo ito nang makita siyang paparating."Babe..." Isang halik ang igagawad nito sa kanya pero iniiwas niya ang mukha kaya't umabot lang ito sa gilid ng labi niya. Rico is also handsome and with sex appeal, no doubt about it. Pero malaking bagay sa kanya ang lalaking marunong rumespeto sa karelasyon. "Um-order na 'ko ng pagkain dahil baka gutom ka na. How's work?"Kung hindi naman siya niloko ni Rico ay kuntento naman na siya sa piling nito. They see each other once in a while; eating at their favorite restaurant, or spending time at the beach. Maalaga ito kapag magkasama sila at mahilig tumawag at mag-text kapag busy silang pareho sa opisina. Pero kung may isang bagay silang hindi napa

    Last Updated : 2021-10-02
  • Heiress of Fire   Chapter 9

    Bumalik si Gregor sa loob ng restaurant kung saan naghihintay si Lenny. Hindi niya rin inaasahan na dadating ang kasintahan matapos niyang tawagan na kailangan nilang mag-usap. Nakatunog siguro na gusto na rin niyang tapusin ang relasyon kaya't nagmadaling umuwi sa Palawan.At nahirapan siyang tapusin ang relasyon ngayong nag-e-effort si Lenny na paluguran siya simula kagabi. So, he thought of giving their relationship another try if she decides to stay. Hindi na sana siya maghahanap na may kulang sa relasyon nila. Pipilitin na lang sana niyang kalimutan si Martina.Until he saw the young woman again tonight. Nagulo na naman ang tahimik niyang mundo lalo nang makitang may kasama itong ibang lalaki. He tried to talk to her, but it seems that Martina has lost interest in talking to her. Na para bang wala silang pinagsaluhang maiinit na sandali."I want some dessert. Anong gusto mo?" tanong ni Lenny

    Last Updated : 2021-10-08
  • Heiress of Fire   Chapter 10

    "Hindi mo ba ako ihahatid?" tanong ni Lenny sa kanya nang bumaba ito kinabukasan nang nakabihis na. Siya rin ay nakahanda na sa pagpasok at humihigop na lang ng kape."Ihahatid kita sa opisina at ibibilin kay Adrian," sagot niya. "Are you ready?""Yes. Hindi ba talaga ako puwedeng sumama sa 'yo sa meeting mo sa labas?"Alam niyang may kinalaman sa nangyari kagabi ang pag-uungkat nitong muli na sumama sa lakad niya ngayong umaga."Sure. Sa bangko lang naman ako pupunta," aniya. "Kung magiging maayos ang pakikupag-usap ko sa manager, makakapunta tayo kaagad sa opisina."Isang linggo na ang paghihintay niya sa approval kaya't minarapat niya ngayon na puntahan na lang ang manager ng banko. Baka mas mapapabilis ang approval niyon kapag personal niyang finallow-up. Alas nueve nang umaga nang dumating sila sa banko at humingi ng meeting sa manager.&

    Last Updated : 2021-10-09
  • Heiress of Fire   Chapter 11

    "Do you know each other?" May hinalang wika ni Anthony na ikinagulat ni Olive. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ng pinsan nang hindi mapapahiya."Long time ago, can't really recall," kibit-balikat na sagot ni Gregor na marahil ay nahalata ang pag-atubili niya. "So how are you, Ms. Montañez?" Kung may sarkastiko sa wika nito ay hindi niya alam."I'm f-fine." Umupo siya sa swivel chair dahil tila bibigay ang tuhod niya. How ironic life is. Ang taong gusto nilang gipitin ngayon ay ang taong pinagkatiwalaan niya ng pagkababae niya halos isang linggo na ang nakakalipas."You're still beautiful as I remember," makahulugang wika nito. Pinamulahan siya ng mukha at gustong itigil na nito ang pagbibigay ng hint kay Anthony na magkakilala nga sila."Thank you." Kinuha niya ang kape sa mesa at dinala sa bibig. Saglit siyang napaso pero sinikap pa rin niyang maging kaswal.

    Last Updated : 2021-10-11

Latest chapter

  • Heiress of Fire   Finale

    Sa Hacienda Falcon ginanap ang kasal nila Gregor at Olive. Naroon ang malalapit na kamag-anak, kaibigan, at empleyado ng mga Falcon. Ang tanging bisita ni Gregor ay ang kapatid niyang si Arthur at pamilya nito, ilang tauhan sa Angeles Builders, at ilang malalapit na kaibigan."Kung hindi ko lang kinakatakot na aatras ka sa kasal, hindi ako papayag na dito tayo nagpakasal at titira mula ngayon. I can afford to give you a grand mansion. Ano pa't naging engineer ako?"Ngumiti nang matamis si Olivia habang nakayakap na rin sa kanya. Nag-alisan na ang mga bisita at nakatanaw na lang sila sa malawak na lawn sa ibaba. Alas onse na halos natapos ang party. Si Romano ay kinuha muna ng mga kapatid ni Olive para magkaroon sila ng panahon sa isa't isa."I want our children to have a happy childhood -- yung may malawak na tatakbuhan, malayang makakapaglaro sa damuhan, may mga punong maaakyat. Pag-aari namin ang lupaing ito at g

  • Heiress of Fire   Chapter 74

    Maagang umalis si Gregor kasama si Adrian kaya't malayang nakapagtrabaho si Lovi sa opisina. Hindi niya gustong makaharap si Adrian ngayon. Para bang may obligasyon pa siyang magpaliwanag gayung ito ang may babaeng kahawakan ng kamay. Kapit tuko si Michelle sa binata na ikinaseselos niyang talaga.Pero dahil wala naman siyang karapatang magselos, magpapanggap na lang siyang okay siya. Bago matapos ang araw ay nagtipa siya ng resignation letter at iniwan niya sa mesa. Bukas ay kakausapin niya si Gregor na kailangan niya nang bumalik sa Maynila sa lalong madaling panahon para makasama niya ang kanyang Lola.Paglabas niya sa opisina at pagsakay sa elevator ay nakasabay pa niya si Michelle. Masaya itong nagkukuwento sa mga kasamahan nila sa trabaho."Sasagutin ko na si Adrian ngayon," nakangiti pa nitong wika habang kinikilig naman ang kinukwentuhan nito."Ang sw

  • Heiress of Fire   Chapter 73

    Kanina pa kinakabahan si Olivia sa kakaibang ikinikilos ni Gregor. Nag-grocery sila pero hindi naman pala ito magluluto sa bahay. Gusto raw nitong makasama ang anak pero hindi pa naman sila umuuwi.Parang may inililihim ito sa kanya dahil kung sino sino rin ang kinakausap nito sa telepono kanina pa. Hindi naman siya nanghihinala na babae ang kausap nito at lalong hindi siya nanghihinala na baka may karelasyon itong iba. Kinausap pa nito si Anthony kanina bago sila umalis sa opisina.Pero ngayong nakita niya ang magandang setup ng pandalawahang mesa sa tabi ng dagat, lalong tumindi ang kaba niya. This isn't a regular dinner. Ang mesa lang nila ang napapalamutian ng magandang bulaklak sa paligid, may string lights mula sa arko hanggang sa dulo ng pasilyo kung saan matatagpuan ang mesa, at higit sa lahat, may rose petals na nakapalibot doon.Sandali nitong kinausap ang may-ari na kanina pa din nakangiti sa ka

  • Heiress of Fire   Chapter 72

    Alas singko nang tawagan ni Gregor si Olivia. Galing sila sa meeting ni Adrian pagkatapos ay dumaan siya sa isang jewelry shop para bumili ng singsing. Gusto niyang paghandaan ang proposal kay Olivia na hindi pa niya alam kung paano isasagawa. Mas nauuna ang takot sa dibdib niya."Susunduin kita. Tayo na lang ang mag-grocery.""Suhestyon ba yan o utos?" sarkastiko nitong tanong. Alam niyang iniinis siya nito."It depends on how you take it. Regardless, you still need to say yes."Tila nakita niyang umikot ang mata nito sa inis. Lihim siyang ngumiti."Katatapos lang ng meeting. Mag-uusap lang kami sandali ni Anthony bago ako umalis.""I'll be there in thirty minutes.""Bakit kailangan mo 'kong sunduin?" tanong nito."Why not? Bakit, may iba bang susundo sa 'yo?""Wala naman!" agad nitong tanggi. "Hindi lang ako sanay na may sumusundo sa 'kin. May sari

  • Heiress of Fire   Chapter 71

    Kinabukasan pa pumasok si Lovi dahil hindi niya alam kung paano haharap kay Adrian pagkatapos ng mga nangyari. Wala si Gregor kahapon dahil kasama nito si Olivia at doon din ito natulog sa condo ng kasintahan nito.Pagbaba pa lang niya sa jeep sa tapat ng building ng Angeles Builders ay nakita niya na ang paghinto ng sasakyan ni Adrian sa parking lot. Kasunod niyon ay ang pagbaba nito at pag-ikot sa passenger's side para pagbuksan ang sinumang kasama nito sa sasakyan. Kaagad umahon ang selos at galit sa dibdib niya nang makitang ang napapabalitang nililigawan nitong si Michelle ang hawak nito ng kamay.Gusto niyang sumakay ulit sa jeep pero nakaandar na ito. Isang busina naman ang nagpagising sa diwa niya na tila nakaharang siya sa dadaanan nito. Ang gagawin niyang pag-atras ay naudlot nang tinawag ni Gregor ang pangalan niya."Lovi!"Ngumiti siya nang binigyan niya ng espasyo ang kotse nito para makaliko. H

  • Heiress of Fire   Chapter 70

    Walang nagawa si Olivia nang doon magpasyang matulog ni Gregor. Naibsan naman na ang mga tanong at takot sa dibdib niya. Pero kahit nagkaayos na sila at nakapagpaliwanag na siya, parang hindi buo ang nakikita niyang pagtanggap ni Gregor sa kanya. Tila may pader pa rin sa pagitan nila na hindi niya maipaliwanag. Tulad kanina, niyakap siya nito matapos niyang umiyak. Pero pagkatapos no'n ay hindi na nasundan. At napansin din niyang tila malalim ang iniisip nito."Tulog na si Romano, magpahinga ka na rin sa silid," wika nito nang matapos nitong dalhin ang bata sa kwarto. Umupo ito sa sofa at naghanap ng mapapanood sa cable TV. Napilitan siyang sundin ang sinabi nito dahil wala na itong ibang sinabi. Nang lumabas siya para magtungo sa kusina matapos ang kalahating oras ay nakapikit na itong nakalalapat ang paa sa center table.Paggising niya sa umaga ay may naaamoy siyang niluluto sa kusina. Alas sais pa lan

  • Heiress of Fire   Chapter 69

    Karga ni Gregor ang anak nang sumakay sila sa chopper pabalik sa Puerto Princesa. Hindi naman na nangilala ang anak sa kanya. Tahimik lang si Olive na nasa tabi niya hanggang makabalik sila sa condominium nito. Kinabukasan pa pupunta ang yaya sa condo na isasabay na lang ni Anthony sa umaga."So, what now? What would be our arrangement with Romano?" tanong niya kay Olivia."You can visit him anytime you want, Gregor," mahina nitong sagot. Sa lahat ng galit na ipinakita niya ay hindi ito nagpakita ng panlalaban o paninisi sa kanya. Pero hindi niya alam kung paano aayusin ang relasyon nila ngayon matapos nitong hindi magtiwala at maniwala sa kakayanan niya.Siguro nga ay may pinagdadaanan ito noong buntis ito kay Romano. Pero ilang beses din niyang ipinilit ang sarili niya noon na paulit-ulit tinanggihan ni Olivia."I will stay overnight.""Hindi ka pwede dito matulog," agad nitong tanggi sa suhestyon niya.

  • Heiress of Fire   Chapter 68

    Nang dumating si Gregor sa condo niya ay seryoso pa rin ang mukha nito. Hindi niya alam kung paano itatama ang iniisip nito na ang gusto lang niya ay itago ang relasyon nila. Hindi rin niya alam kung bakit umabot sila sa gano'n gayung pareho naman nilang mahal ang isa't isa. "N-nakahanda na ang chopper..." mahina niyang wika dahil hindi naman tumitingin si Gregor sa kanya. Sumunod naman ito sa kanya hanggang makasakay sila sa chopper. Kinakabahan din siya sa pagkikita ng mag-ama. Ang nasa mansyon lang ngayon ay ang Auntie Margarita at Uncle Antonio niya. Paglapag sa Dumaran ng chopper ay tumuloy sila sa mansyon. Sinalubong sila ni Margarita sa hardin. Ipinakilala niya si Gregor sa tiyahin. "Si... Gregor ho, Auntie... Siya ho ang ama ni Romano..." "Magandang araw ho," bati ni Gregor na kinamayan ang Auntie Margarita niya. "Magandang araw din, iho. Pumasok kayo. Ipaghahanda ko kay

  • Heiress of Fire   Chapter 67

    "It's okay, Anthony," wika ni Olive sa pinsan nang tumawag ito para sabihin na alam na ni Gregor na may anak siya. He knew that that child was his too. Ngayon ay hindi niya alam kung paano haharapin ang kasintahan dahil hindi siya nagkusang magtapat dito.Alas sais ng umaga nang puntahan niya ang apartment ni Gregor na ngayon lang niya narating sa kauna-unahang pagkakataon. Nag doorbell siya na kaagad namang pinagbuksan ng katulong."Sino ho sila?""Hmmm... Olivia Montañez ho... Kasintahan ni Gregor. Nariyan ho ba siya?" alanganin niyang tugon."Tulog pa ho si Sir Gregor.""Anong oras ho ba siya nagigising?" tanong niya dahil tanghali na."Susubukan ko hong katukin," wika ng katulong na umalis sandali sa harap niya. Pagbalik nito'y sinabi nitong pumasok na siya dahil kagigising lang ni Gregor.Pumasok siya sa gate at sa kabahayan. Tila isang townhouse ang b

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status