Share

Chapter 07: Destiny

last update Last Updated: 2021-07-17 12:44:28

Maaga akong nagising at hindi ito ang nakasanayan ko. Natagpuan ko na lamang ang sarili na nag-set ng alarm bago matulog. At pagmulat ko pa lang, siya kaagad ang pumasok sa isip ko. It's my fault, bakit ko pa kasi sinabi iyon? Kahit pa ay sabihin niyang naka-move on na siya ay hindi ako naniniwala. I can still see his pain, the longing he was hiding for a long time. He is not fully healed. 

Napatingin ako sa kabuuan ng kaniyang kwarto. Nakapatong sa cabinet ang picture niya kasama ang isang magandang babae, nasa beach sila at masayang nakatingin sa isa't isa. Mayro'n ding malaking frame na nakasabit sa dingding at lahat iyon ay naglalaman ng litrato. Lahat iyon ay litrato ng iisang babae. 

Maputi ito, singkit ang mga mata at mapupulang labi. Sa unang tingin ay masasabi ko nang siya nga babaeng minahal ni Xavion ng halos dalawang taon. She looks soft, the opposite of the girls he played. 

Ala-sais pa lang ng umaga kaya aingat kong sinarado ang pintuan at saka dumiretso sa kusina, nagtingin pa ako ng maaaring lutuin para sa almusal namin. I ended up making sandwiches and cooking pancakes. Nilagay ko rin sa blender ang hiniwang mansanas at nilagyan ng fresh milk.

"Good morning." My body stiffened when I heard his husky voice. Halatang kakagising pa lamang nito.I gulped and released a heavy sigh, trying to compose what to say.

"Good morning, kain ka na!" I plastered a weak smile. Inilapag ko sa lamesa ang pagkain. I watched him sat down, pati pagkuha niya sa pagkain ay hindi ko inalis ang paningin.

"Anong oras ka aalis?" He asked while scanning the food I made.

Napakurap ako ng ilang beses. "Before lunch, I guess."

"Ihahatid kita," pahabol nitong sabi.

Kumuha pa ito ng pancake na dahilan kung bakit palihim akong ngumiti. I don't know why but based on his looks, parang masaya itong nakakain ng almusal. He looked like a kid who woke up and got surprised by his favorite breakfast. His reaction only proved that he hasn’t received any affection for a few years. 

"May gagawin ka ba mamaya?" I asked him, opening a topic. 

"Mayro'n, why do you ask?" Umangat ang kilay nito sa akin. I smiled at him. "Gig namin mamaya, baka gusto mong pumunta."

Hindi ito sumagot, ipinagpatuloy niya lang ang pagkain na parang wala itong narinig. I sighed, I'll take that as a no.

His face was blank but I found him cute. His hair was fluppy and messy. Suddenly, I have the urge to touch his hair but I refused to move, I was afraid that I might make him furios. 

"Pwede ko ba siyang bisitahin?"

Naibaba nito ang kutsara at tumingin sa akin. Napaayos ako kaagad ng upo. "Sino?"

I scoffed. Sinasadya niya yata ito. "Pwede ko bang bisitahin ang ex-girlfriend mo?"

It took him seconds before answering my question. He looked like he was going to explode. I blinked twice and bit my lower lip. I was starting to get scared. 

"Why would you think of doing that?" sambit niya gamit ang mababang boses. 

"Masama ba? At saka pwede ka naman sumama. Hindi mo ba siya nami-miss?" Halos masampal ko na ang sarili sa harap niya. Isa itong malaking kahihiyan. 

Nagsalubong ang kilay nito, ginulo niya pa ang buhok at tila nagtitimping tinapunan ako ng tingin. "Why are you like this?"

"What do you mean?" I fired back, nararamdaman ko na ang mabigat na tensyon sa pagitan namin.

"Why do you keep on mentioning her?"

Sumandal ito sa upuan, hindi matanggal sa akin ang mata niya. Sinusuri ang reaksyon ko.

Nagbaba ako ng tingin sa hita. I wanted to say I'm curious. Pero sa tingin ko hindi iyon valid reason. I'm aware that he still feels pain and my curiosity will not actually kill me, instead it will kill him.

Nanuyo ang lalamunan ko, umangat ang aking ulo. Lumambot ang ekpresyon nito at bahagya pang umiling. I almost hopped out my chair when he suddenly stood up.

"Hey, I'm sorry," sabi ko.

Tumitig lamang ako sa likod niya. Hindi ko man makita ngunit alam kong babagsak na ang kanyang luha. 

"You're not her." Not knowing the reason why but it pained me. Ano ngayon kung hindi ako siya?

At gano'n na lamang kabilis na natapos ang agahan namin. He rushed back inside the room. Hinayaan niya lang akong tumitig sa mga pagkain. Once again, I was left by someone. Hindi ako mapakali matapos ang hindi komportableng pag-uusap namin. I was thinking that he might need someone beside him, siguro ay humahagulgol na siya ngayon. Pero gugustuhin niya bang ako ang umalo sa kanya? I'm worried that it will burst him more when he sees me.

That's why I did what I think is right. Pumasok ako sa kanyang kwarto at saka kinuha ang bag ko. Hindi na ako nag-abala pang tumawag pa, diretso lamang akong umalis sa kanyang condo. Mas mabuti na rin sigurong hayaan ko muna siyang mag-isa, matagal na rin simula nang ilabas niya ang tunay na nararamdaman. He needs time to heal.

Dumating ako sa penthouse at wala pang tao. I decided to clean up everything when I came inside. Wala naman yatang balak maglinis. Nagpa-deliver na lang ako ng pagkain para sa lunch. I was busy strumming my guitar nang pumasok si Devika. As usual, she was wearing her mean-girl-face. Sumunod na pumasok si Lyndsey bitbit nito ang napakaraming designer bags.

"Another dagdag labahan na naman," singhal ni Devika. Lyndsey just rolled her eyes. May inilapag ito sa coffee table. Anim na milktea pala iyon at pinakamalaking size pa ang in-order niya.

"Maraming customer mamaya, are you ready to get tired?" Lyndsey chuckled. "I also heard that Adiel's gonna watch," she gave me a teasing look.

"At hindi ka pwedeng kumanta mamaya, Eve." Right, wala rin si Xavion upang isalba ako sa kahihiyan. I don't want to mess things up again lalo na't mas maraming darating mamaya.

5:00 pm, maaga kami. Kailangan pa naming hintayin ang ilang miyembro dahil tatlo pa lamang kami. Sir Jhang was there, totoo ngang nakabalik na siya. Naging abala kasi ito sa mga branch ng night club.

"I'm here!" sigaw ni Ivory, tumatakbo na ito palapit sa akin. Inabutan ko siya ng tubig. Kaagad din naman niyang binati si sir Jhang na nakamasid lang sa mga crew na naglilinis ng table.

"Siya nga pala, pinakiusapan ko ang pamangkin ko na tumugtog din mamaya. Nasabi na rin sa akin ni Robbie na kumanta na siya dito noon," the owner pursed his lip.

"Kung gano'n po, ano pong schedule namin mamaya?" Collete asked.

"He'll take the stage kapag break time niyo. Don't worry, magaling ang batang 'yon." Tumango na lamang kami at magpasya na mag-practice. 

Matapos ang ilang minuto, nakumpleto rin kami. Sinubukan din naming hintayin ang pamangkin ni sir Jhang ngunit sadyang napakatagal niya. Dumagsa na ang tao bago pa man mag ala-siyete, napilitan ang night club na magpapasok na ng customers.

"Girls, akyat na." Sumenyas sa amin si sir Robbie. Nakahanda ang instruments na gagamitin namin, tulad ng dati si Collete ang main vocalist.

"Magandang gabi po, alam kong kilala niyo na kami at para naman diyan sa mga bago. Kami ang bandang Diyamante," panimula ni Collete, nanginginig ang kamay niya.

Nagkatinginan kami ni Devika nang dahil doon, mas pinili niyang umiling sa akin.

"Ang ating unang kanta para sa gabing ito ay pinamagatang Pagtingin ng Ben and Ben."

May kumukuha na ng video sa amin, ang iba naman nakangiti lang. Hinanap ko ang isang taong inaasahan kong dumating. At ayon nga siya, nakikipagtawanan sa mga kaibigan sa kanyang tabi si Sara. Umiwas ako ng tingin, hindi dapat ako magpadala ngayon sa emosyon.

Nag-init ang sulok ng aking mga mata. I felt a lump in my throat. Pinigilan ko ang pag-iyak, hindi ako pwedeng umiyak ngayon.

"Eve, kaya mo pa?" Lumapit sa akin si Collete. Humiga ako sa sofa at saka ipinantakip sa mukha ang unan.

"Hindi na namin alam ang gagawin sa'yo." Umiiling na sabi ni Eleanor. "We told you already! Sabihin mo na sa kanya."

It was our breaktime and they immediately bombarded me with questions. 

I snorted. "Paano ba? Natatakot din ako, baka masira kami."

"Eve, gusto mo bang gustuhin ka niya pabalik? Answer me, honestly."

Tinanggal ko ang unan at saka umupo, lima silang nakatingin sa akin ngayon.

"Oo."

"Then move!" Napapitlag ako matapos na ibinaba ni Devika ang mineral bottle sa lamesa.

"Ikaw lang naman dapat na gumawa no'n! But if you'll continue being like that, you'll suffer even more. Hindi pwedeng habang buhay ka na lang nakatanaw sa kaniya."

"You only have two choices, Eveone Allisa. Confess or Hide?"

Napabuga ako ng hangin. "Hindi ko alam."

Sabay-sabay silang napasinghal. Pumikit ako nang mariin. Gusto ko rin naman na itong matapos ngunit hindi sa paraan na masasaktan ako. Pero imposible yatang mangyari iyon, malinaw na hindi kami pwede. May babae nang nagpapatibok sa puso niya, gustuhin ko man na ako na lang, hindi maari dahil ayaw kong maging makasarili. I don’t want to be a relationship wrecker. 

"Pansamantalang unan

Sa tuwing ika'y nahihirapan."

Napatingin ako sa pinto, nakabukas ito kaya naman kitang kita ko kung sino ang kumakanta sa entablado. Nakatagilid ito mula sa direkyson ko ngunit hindi iyon hadlang upang hindi ko siya makilala. He was here wearing his faded jeans and gray hoodie. Bagsak ang bangs nito at nakapikit habang kumakanta.

My forehead creased. I thought he was going to do something? Or this was ‘something’ he was talking about.

"Pansamantalang panyo

Sa tuwing ika'y nasasaktan."

Kung hindi si Adiel ang gusto ko ngayon, maari kayang magustuhan ko siya? Napailing ako, kahit anong mangyari hindi maaaring magkagusto ako sa kanya. Mas masasaktan ako kung gano'n dahil hindi pa siya tapos magmahal ng iba, ang masaklap ay hindi na ito nabubuhay.

Ang dapat na kalahating oras na pagtugtog niya sa stage ay nadagdagan pa. Hindi siya tinigilan ng mga manonood, panay ang pag-request nila ng kanta. Mukhang nagugustuhan din ni sir Jhang ang nangyayari kaya naman ay hinahayaan niya lang.

"Back-up-an na kaya natin? Mag-iisang oras na siya d'yan, o! Mapapagod 'yan!" ani Eleanor. Tama siya, gitara lamang ang hawak ni Xavion ngayon, ang tanging puhunan niya ay ang boses. Hindi nauumay ang audience marahil na rin ay soothing ang boses niya at relatable ang mga kantang tinutugtog niya.

"Akyat na tayo." Nauna nang umakyat si Devika, hindi na inabala pa ni Xavion ang lumingon sa amin patuloy lamang siya sa pagkanta.

Hinintay namin itong matapos bago pa magsalita si Collete sa mikropono.

"Anong gusto niyong next song?"

Nahihiya man ay kinalabit ko sa balikat si Xavion. "Woy." Tinignan niya lamang ako.

"Magpahinga ka muna do'n." Inginuso ko ang kwarto sa ibaba. My lips parted when he remained staring at me. Iwinagayway ko ang palad sa harap ng kanyang mukha.

"Tadhana, iyong kumanta sana noong last gig niyo kasama rin si kuya!" Sinundan iyon ng malakas na palakpakan. Nagkasundo ang mga customer. Tila bumaliktad ang sikmura ko, basta ko na lamang naibaba ang kamay na para bang nawalan ng hininga. Nanlamig ako at nais na lamang lumubog sa kinatatayuan.

"Eve." Mariing nakatitig sa akin ang lima. Ang iba sa kanilang gustong sumangayon, ang iba naman ay tutol.

"Eve, look at me." Bumalik ang tingin ko kay Xavion. Naglahad ito ng kamay sa akin.

"Would you like to sing with me?"

Hindi ako nakasagot, napalunok na lang ako dahil sa takot. Bakit? Gugustuhin niya bang magkamali ako ulit?

"Eve, do you trust me?"

Ang kaninang malakas na hiyawan ay hindi ko na marinig. Sa kanya lang ako nakatutok, ang mabilis na kabog ng aking dibdib ang kasalukuyang pumipintig sa aking tainga. Kahit pa'y nangangatog ang tuhod ko, nagawa kong humakbang papalapit sa kanya. He reached for my hand and squeeze it gently.

Then he smiled.

"We'll sing, Eve. Don't be afraid," he whispered.

Lumapit ito sa akin, hinawakan niya ako sa baywang at saka dahan-dahang iniharap sa audience. I can feel his warm breath on my nape.

"I trust you."

-

@GrandDandelion

Related chapters

  • Heal Me Beneath Your Warmth   Chapter 08: Stay

    Chapter 08"Feeling better?"Inalalayan ako nito mula sa paglabas sa kanyang kotse. I only responded with a nod due to the embarrassment I felt earlier. I faced the crowd with him, I faced my fear. Ayaw na ayaw kong nakakakuha ng atensyon mula sa nakararami. I feel like they are judging my life.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Hindi lamang kami ang naroon, maraming tao ang nanood kung paano niya ako pakalmahin. Mabuti sana kung ang mga kaibigan ko lang ang kasama kong tumugtog kanina pero hindi. He was there. He became my partner.Iniwasan kong magtagpo ang paningin namin. My cheeks was burning. Nang dahil sa simpleng kilos na iyon, napaulanan kami ng tukso. The tension between us decreased but it formed an awkward atmosphere around us."Bakit hindi ka nagpaalam sa akin?"Naramdaman ko ang pagsandal nito sa pinto ng kotse. He was pertaining to what I did earlier, I left

    Last Updated : 2021-07-18
  • Heal Me Beneath Your Warmth   Chapter 09: Last Night

    Chapter 9"Kumain ka na." Inilapag niya sa harap ko ang plato. Amoy na amoy ko ang niluto niyang tinola. He did know how to cook well, he impressed me again. I didn’t even hear him complaining, it seemed like he loved what he was doing and I am glad that I was able to watch him taking care of me.Hindi ako umimik at tumango lang. Kinakahiya ko ang sarili. Kahit pa noong pumasok muli kami sa bahay ay walang nagtangkang magsalita, tila pinakikiramdaman namin ang isa't isa. I told him to stay, he did yet the awkwardness we had before returned. The invisible barrier between us just weakened but never shattered."Are you free tomorrow?" he asked. Napaawang ang labi ko. Is this deja vu? I gulped before giving him a nod. "Yes, I guess."I wanted to ask him why but i

    Last Updated : 2021-07-25
  • Heal Me Beneath Your Warmth   Chapter 10: Tease

    Chapter 10Nang magising ay naramdaman ko na ang mabigat na bagay na nakapulupot sa baywang ko. Nagmulat ako ng mata at napaawang ang labi ko nang masilayan ang dibdib ni Xavion. His warm arm was embracing me tightly. It seemed like he doesn't want to let me go. Pag-angat ko ng tingin ay mas lalo lamang akong na-enganyo. Hindi ko na ikakaila pang nakakahatak talaga ng pansin ang kanyang itsura.Tumaas ang kilay ko. Sa aking pagkakatanda, natulog kaming baliktaran ng higa. Wala namang kaso kung matutulog kami sa iisang bubong, but do we have to sleep beside each other? Tapos nakayapos pa ito sa akin. Napailing na lamang ako.Maingat kong tinanggal ang kanyang braso at saka umupo. Maliwanag na kaya naman komportable na akong kumilos. Dumiretso ako sa taas upang maghilamos pagkatapos ay bumaba muli at simulan ang

    Last Updated : 2021-08-03
  • Heal Me Beneath Your Warmth   Chapter 11: Pangasinan

    Chapter 11"So, saan na tayo pupunta?"Nakatungo ako sa bintana, pinagmamasdan ang pamilyar na daan. Kasalukuyan naming binabaybay ang kaduluhan ng SBMA, madalas ay dito dumaraan ang mga vehicles na lalabas ng syudad."We're going to Pangasinan."My head turned at his direction because of his remarks. Umangat ang aking kilay at kumunot ang noo ko. "What?” I properly sat and finally had the guts to face him after all the embarrassing moment I created. “Ilang araw tayo doon?"Tumikhim muna siya. "Hmm, two days?"Napasinghap ako sa kanyang sagot. I looked at him with conf

    Last Updated : 2021-08-06
  • Heal Me Beneath Your Warmth   Chapter 12: Night

    Chapter 12 Before dinner, Marian arrived with Xavion's grandfather. Napag-alaman ko na magpinsan pala sila. She was jolly, panay ang kuwento sa akin tungkol sa kanyang high school journey which reminds me of mine too. She was once of those typical high-school student. She was approachable. Ilang minuto rin matapos sila dumating ay inaya na kaming maghanapunan. Masaya kausap ang lolo ni Xavion, tinukso rin kami nito pero tinawana lang naman para hindi maging awkward ang sitwasyon. Matapos naming maghapunan ay dumiretso ako kaagad sa kwarto habang naiwan sila lola Mel sa sala para manood ng balita. Si Marian naman ay nagpasyang libangin ang sarili sa gadget at gumawa ng assignments. I heard the door opened making my head turn. Pumasok si Xavion na dahilan kung bakit pasikreto akong napaurong. He was looking fresh, probably because he took a bath. May twalya sa balikat nito at magulo pa ang buhok. What makes my blood crawled up to my cheeks faster wa

    Last Updated : 2021-08-06
  • Heal Me Beneath Your Warmth   Chapter 11: Pangasinan

    Chapter 11"So, saan na tayo pupunta?"Nakatungo ako sa bintana, pinagmamasdan ang pamilyar na daan. Kasalukuyan naming binabaybay ang kaduluhan ng SBMA, madalas ay dito dumaraan ang mga vehicles na lalabas ng syudad."We're going to Pangasinan."My head turned at his direction because of his remarks. Umangat ang aking kilay at kumunot ang noo ko. "What?” I properly sat and finally had the guts to face him after all the embarrassing moment I created. “Ilang araw tayo doon?"Tumikhim muna siya. "Hmm, two days?"Napasinghap ako sa kanyang sagot. I looked at him with conf

    Last Updated : 2021-08-06
  • Heal Me Beneath Your Warmth   Chapter 13

    "Mga batang ito talaga, dito pa talaga kayo natulog."Hindi ko matignan nang maayos si lola. Panay naman ang mahinang hagikgik ni Marian marahil ay sa nasaksihan niya. Xavion was busy making coffee for us."Nagsabi na lang sana kayo at nahandaan ko kayo ng unan at magandang sapin."We ended up sleeping late. At sa kubo pa nga. Kailangan pa niya akong samahan bumalik para kumuha lang ng kumot at mga unan. It was my idea after all. Kahit pa-paano ay worth it naman ang pagtulog namin dito sa kubo.Ini-rolyo ni lola ang nagamit naming banig habang naghahanda ng makakain si Marian. Si lolo naman ay maagang umalis dahil may gagawin pa raw ito sa bukid."Dito ba ulit kayo matutulog mamayang gabi?"I nodded. "Opo.""No."Napalingon ako kay Xavion. Inilapag niya sa lamesa ang mug. Sinamaan ko ito ng tingin dahil h

    Last Updated : 2022-03-25
  • Heal Me Beneath Your Warmth   Chapter 14

    I opened my eyes and found myself standing. Nanginginig ako at panay ang gala ng paningin. It's dark not until I felt a hand grabbing my legs. Hindi ko mapigilan na tumili.Hindi nagtagal ay bumibilis na ang paghinga ko. My hands were shaking and my tears keeps on falling. Sumisigaw ako ngunit walang boses na maririnig.I heard some whispers, pero hindi ko iyon maintindihan. Suddenly, I saw a glimpse of light. Hinatak ko ang paa at saka tumakbo papunta roon.Malapit na, malapit na sana.I was caught off guard when a hand grabbed my shoulders and forced me to step back. Habang nangyayari iyon ay lumiliit na rin ang ilaw.The light disappeared and dark finally conquered me."Eve."Kaagad akong nagmulat ng mata. I was catching my breath. Naabutan ko si Xavion na nakakunot ang mukha malapit sa'kin."You okay? Kanina pa kita ginigising."Napaawang ang labi ko. I noticed that we

    Last Updated : 2022-03-25

Latest chapter

  • Heal Me Beneath Your Warmth   EPILOGUE

    Noong nakilala ko siya, hindi na maalis sa isip ko ang pagnanakaw ko ng halik. I remember how she flinched, tila binaliw ako ng labi niya. I was busy walking when I heard a loud voice, nahanap ko kung saan ito nanggagaling. They looked like a couple, para silang nag-aaway. Palapit ako nang palapit at naging mas klaro sa pandinig ko ang pinaguusapan nila. I noticed that the girl is not comfortable. Saka ko lang nakita ang babae nang makalapit ako. I know it's her."May problema ba dito?" lumapit ako sa kanila, the girl flinched, nakita ko pa ang pagtingin nito sa kabuuan ko. ."Yvonne, kilala mo ba siya?""Hin—"I cut her off. "Kaibigan, bro. What's the matter?" her eyes widened when I placed my arm around her shoulders."Yvonne bakit hindi mo sinabi sa'kin?""D–Do I have to

  • Heal Me Beneath Your Warmth   Chapter 33

    "Are we there yet?" nababagot kong usal, he chuckled."Malapit na," nanatili ang isang kamay niya sa likod ng ulo ko, hinahawakan ang makapal na piring. Habang ang kabila ay inaalalayan ako."Para sa'n ba kasi 'to? Pwede mo naman sabihin na lang sa'kin, e.""Relax, baby!" tumawa siya, simimangot ako. Ilang segundo lang ay nakaramdaman ako ng mga bato, may ingay din na para bang nagkikiskisang bakal."Are you ready?" I nodded, lumuwag ang piring ko. Hindi ako nakapaghintay at dali ko itong tinanggal."Xav," tawag ko. He hugged me from behind. Tanaw namin ang construction workers na abala sa kanilang ginagawa. Sa harap ay ang tatlong palapag na bahay, hindi pa ito tapos pero nakikita ko na ang disenyo.That means, matagal ng sinimulan ang paggawa ng bahay."We're going to live here," sumandal ako sa dibdib niya."Let's go inside, baka may gusto kang ipabago?" naglahad siya ng kamay na maagap kong tinanggap

  • Heal Me Beneath Your Warmth   Chapter 32

    READ AT YOUR OWN RISK!"What?" hindi makapaniwalang sambit ko."You have no choice, Yvonne," he played with my hair, may pagkakataon na hahalikan niya ang gilid ng labi ko. He knows how to play well, damn."Let me live with Xarina," I stuttered, yumuko siya upang dampian ng halik ang pisngi ko."What else?" bulong niya, I bit my lower lip."W–Wala na," panay ang titig niya sa akin, pinapanood ang bawat reaksyon ko."Gusto mo bang ikasal?" humigpit ang kapit niya sa baywang ko.I nodded. "Oo? Kapag stable na ang buhay ko kasama si Xarina.""Now that I'm here, your life is stable," ngumisi siya.Napatili ako nang buhatin niya ako, binuksan niya ang pinto ng kwarto. Marahan niya akong inihiga sa kama, umiwas ako ng tingin. He removed his coat and started unbuttoning his bu

  • Heal Me Beneath Your Warmth   Chapter 31

    After three weeks, madalas na nakakasama ni Xarina si Xavion. Hindi ko magawang tumutol, isa 'yon sa mga bagay na hindi ko ipagkakait sa anak ko, ang makasama ang ama niya."Mimi, excited na'ko!" tumalon talon siya sa kama, I laughed."Ingatan mo 'yon, a," she nodded."Come here," lumapit ako sa tapa ng salamin, bumaba siya sa kama at sumunod sa'kin. Pinusod ko ang buhok niya at nag iwan ng hibla. I applied lipbalm on her lips and covered it with lip gloss."Am I pretty na?" she giggled, pinisil ko ang pisngi niya. Sabay kaming napalingon sa direksyon ng bintana nang marinig ang pagbusina."He's here! Huwag kang makulit, a!" inunahan niya ako sa pagbaba, sinalubong siya ni Xavion ng yakap at halik sa noo."Excited much ka, girl!"Natawa ako, ngumuso si Xarina. "Chill, baby. Madami pa tayong pupuntahan!"Nakakainggit, I want to come with them but I can't, hindi ko pa day off."Mi, aalis

  • Heal Me Beneath Your Warmth   Chapter 30

    Nag-jeep ako para makapasok, hindi ko pa nakukuha ang porsche kay Xion. Hindi ko alam kung paano iyon kukunin, should I approach Xavion?My shift started, pero ang sasakyan ko ang tumakbo sa aking isip. Nakasalubong ko si Carlvin, lalagpasan ko na sana siya nang bigla itong magsalita."Ahh, Yvonne," I turned my gaze at him."Are you free after your shift?" kumunot ang noo ko."Bakit?""Aayain lang sana kitang lumabas," he smiled genuinely.Napamaang ako, "Gano'n ba, I'll try. Kailangan ko pa kasing sunduin ang anak ko, e.""May anak ka?" nawala ang ngiti niya, tumango ako. Napaiwas siya ng tingin."Pwede naman natin siyang isama!""O, sige," ngumiti ako. "Salamat!"Nagpaalam siya sa akin, akmang maglalakad ako nang maabutan ko si Xavion na blankong nakatingin sa akin, I gulped. My body stiffened, ang paa ko'y parang dinikitan ng glue at dumikit sa sahig upang h

  • Heal Me Beneath Your Warmth   Chapter 29

    "Mimi, why do you look so tense?"Napahinto ako sa paglapag ng pagkain sa lamesa. Gusto kong sabihin sa kaniya na nandito na ulit sa Pinas ang ama niya. Umiling ako."Nothing, pagod lang si Mimi. Kain na," I smiled."Mi, I forgot to tell you about this yesterday, kailangan n'yo na pong pirmahan 'yong card ko.""Sure, after ng shift ko, ako na rin susundo sa'yo." tumango siya.After we ate, umalis na ako, bahala na si Collete maghatid sa kaniya. Abala ako sa pagmamaneho ng biglang bumagal ang takbo ng kotse ko. I tried to increase the speed, pero hindi ko nagawa. I parked my car on the side of the road, muntik pang hindi makaabot. Huminto na nang tuluyan ang kotse.Lumabas ako para tignan ang problema, at saka papasok ulit para subukang paandarin. Hindi naman flat ang gulong!I hate this! Malalate na ako sa shift ko."Ma'am, ano pong problema?" lumapit sa akin ang isang security gu

  • Heal Me Beneath Your Warmth   Chapter 28

    "Yvonne, Xarina badly needs you, hinahanap ka niya! I think it has something to do with her school.""I'm sorry, my shift is not over yet. Magtiis ka muna, El, malapit na ako umuwi," nagpunas ako ng pawis.I heard her sighed. "Fine, bilisan mo, a.""Oo, take care, thanks," I immediately ended the call and got back to work."Yvonne! Kailangan daw tayo ngayon sa OR! Emergency!" tumatakbo sa gawi ko si Queeny, nakisama na rin ako sa kaniya sa pagtakbo.Luckily, the operation was a success. 3 pm nang matapos ang shift ko, naabutan kong tulog si Xarina habang si Eleanor naman ay nagsusuot ng uniform."Thanks, El," she nodded."Sa'n lipad n'yo?" inayos ko ang kumot ni Xarina."Japan, 'te. Excited na'ko, first time ko, e!""Good luck, sana hindi bumagsak ang eroplano n'yo," I laughed, pinalo niya ako sa braso."Napakasama ng ugali mo!" singhal niya."Kidding! Ilang araw?"

  • Heal Me Beneath Your Warmth   Chapter 27

    My parents were disappointed, at first, they were mad at me, pero kalaunan ay natanggap din nila. I decided to stay with the girls for a while. For now, I don't know what to do, I cried after I took the test. I wasn't happy about it, but Collete and the girls manage to made me understand and accept the baby I'm carrying. I don't know if I should tell Xavion about this, I can't even contact his phone number. He deactivated his account, even his siblings, hindi ko alam kung saan siya hahagilapin.I estimated it, I can still graduate. Hindi pa naman masyadong malaki ang tyan sa loob ng tatlong buwan, I can still make it.After three months of waiting, I passed. Nagawa kong maka graduate, my stomach has a little bump already. Madalas, french macarons ang hanap ko. Kada linggo ay um-o-order ang girls para lamang sa akin. My parents visits me, especially Mom, dalawang araw kada isang linggo. Ilang buwan ang nakalipas ay lumipad si Devika patungong London, doon si

  • Heal Me Beneath Your Warmth   Chapter 26

    "Allisa," kaagad akong napabangon nang marinig ang pamilyar na boses, nagmadali akong tumayo at binuksan ang pinto. Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa akin ni Collete."Col," malungkot kong bati."My god! I heard the news!" she caressed my back, tumulo ang luha ko."What are you doing here? Magaling ka na ba?" I said in the middle of my sob."I'm starting to get better!" aniya."I can't just let you suffer! Don't worry, I'm here, nandito ako, kami.""Don't scroll through social media," nagbabantang sabi ni Ivory."I already did," sumimangot siya, inalalayan nila ako pabalik sa aking kama.Their engagement exploded through social media. Nangyari ang dapat mangyari, a week after our break up, kumalat ang tungkol doon at sa engagement. Many were asking about me, ano daw ba ang nangyari sa amin?Wala akong ibang alam na gawin kung hindi ang manahimik na lang at huw

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status