Hindi ka dapat magpatalo sa kalungkutan. It can kill you inside. At kapag tuluyan ka na nitong sinakop, mahihirapan ka ng maging malaya muli. Tinignan ko ang lalaking kasabay ko sa paglalakad. He has soft features and can tease or laugh at me the whole day. But who wouldn't though that he hides enigmas.
It must be so hard to fight. Tunay ngang hindi lahat ng masaya sa paningin mo ay masaya hanggang sa pag-uwi nila.
He was there, he was always saving me from my fear but he was also there, finding someone who'll help him escape his cruel sadness.
Sinong mag-aakalang ang isang katulad niya ay nakakaramdam ng lungkot?
"Where do you want to eat?" He asked, I didn't answer instead I remained staring at him. Naglalaro sa utak ko kung paano niya nagawang maka-survive. Siya na rin mismo ang nagsabi, unti-unti na niyang natatanggap ang lahat ng mga nangyari ngunit hindi pa rin naman mawawala ang alaala na iyon, nasasaktan pa rin siya.
Bumuntong hininga siya. "Fine, I'll tell you what exactly happened. Just, please, eat,” he begges.
"Really? Tara na pala!" Nakangisi ko siyang hinawakan sa braso at hinila papasok sa loob ng Mall.
"My treat," sambit niya, nagsalubong ang kilay ko dahil do'n. "E? Hati na lang tayo sa bayad."
"I won't let you, ako na. " Hindi na ako nakaangal pa't dumiretso na siyang pumila. Nagtingin na lang ako ng aming mauupuan. I love to eat in fast food chains and so we didn't have a hard time choosing which restaurants to eat at.
When I sat down, I noticed how some girls took a picture of him secretly, maski matatanda ay napapalingon sa kanya. He's tall and handsome, hindi na ako magtataka kung bakit gano'n. He stood out of the crowd.
Nag-vibrate ang cellphone ko at kaagad ko itong dinukot mula sa bulsa. Sa lockscreen pa lang ay nakita ko na kung sino ang nagpadala ng text at tumatawag sa akin.
From Mom:
Baka next week pa kami makauwi, we're having a great vacation here.
Napailing ako. May business meeting at seminar silang pinuntahan sa ibang bansa, they said it will take three days bago sila makauwi ngunit ayon sila't nagpapakasaya. Bihira ko lang silang makita, sa isang buwan ay halos dalawang beses ko lang silang nakakasama. And add the fact that they still don't fully accept me. They often act like they treasure me when someone is around.
"How sad." Napaangat ako ng tingin at doon ay naabutan kong nakadungaw si Xavion sa screen ng cellphone. Inilapag niya sa table ang tray at saka tumabi sa akin.
Tumikhim ako. "Ayos lang, kaya ko namang alagaan ang sarili ko."
"I don't believe you." Inilapit niya sa akin ang baso at nilagyan ng straw iyon, pinanood ko siyang ayusin ang pagkain namin. "Muntik mo na namang nalagay sa alanganin ang sarili mo. If it wasn't for me, sigurado akong hindi magiging stable ang nararamdaman mo."
"How do you know?"
"Alam ko lang." Nagkibit balikat siya. "Bakit hindi ka pa ipagamot ng parents mo?"
"They're too busy but this year, they told me about the therapy. Baka sa mga susunod na buwan ay sasalang na ako do'n." And they trust my bandmates, alam nilang mababantayan akong maigi ngunit kabaliktaran ang nangyayari. May mga gawain sila, mas priority nila iyon at naiintindihan ko rin kung bakit.
Pagkatapos kumain ay nagpunta kami sa tabing dagat, isa sa mga resort na kilala sa loob ng SBMA. Medyo madilim na ngunit may liwanag na nanggagaling sa malalaking barko sa hindi kalayuan at hotels sa likuran namin. Umupo kami sa buhangin at doon tinanaw ang mahihinang hampas ng alon.
"Do you mind telling me about your worries?"
"Hmm." Dumampi sa balat ko ang malamig na hangin. Napahawak ako sa braso at hinimas iyon upang painitin.
Namilog ang mata ko nang simulan nitong tanggalin ang butones ng kanyang puting polo.
"Hoy! Anong ginagawa mo?!" Pinilig ko ang ulo sa kabilang direksyon at saka hinarang ang kamay sa gilid ng aking mukha.
Uminit ang pisngi ko dahil doon. I was also concerned about him. It's freezing and he might catch a cold.
"Here." Binalot niya ang balikat ko gamit ang puti niyang polo. Hindi ko maiwasang makagat ang ibabang labi nang malanghap ang pabango niya. Hindi rin pinalampas ng isip ko ang init ng kanyang katawan.
"Paano ka?" Muli itong bumalik sa pagkakaupo na para bang wala lang sa kanya ang lamig na bumabalot sa buong paligid.
"Don't mind me, kaya ko ang lamig." Busog na busog ang mata ko nang lumipat ang aking paningin sa kanyang biceps at ugat sa braso hanggang kamay.
I immediately avoided the view before he could even see me checking him out. We came here to unwind, to share secrets. We have no time for flirting.
He cleared his throat. "My mom died because of cancer."
Silence was between us and the tranquility was enough to devour the awkwardness between us.
My lips parted and his statement made me looked at him again. Nakatungo lang ito sa langit, pinagmamasdan kung paano tuluyang lamunin ng kadiliam ang araw.
Ilang segundo lang bago ito muling magsalita.
"And then after a month, my girlfriend died, nabunggo ang kotse niya ng truck."
Tila may dumagan sa akin na mabigat nang marinig iyon mula sa kanya. I felt a bang inside my chest. The pain I felt was slowly dominating me.
Natikom ko ang bibig. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. I just sat beside him. Hindi ako marunong magbigay ng payo o mga salitang magpapagaan ng nararamdaman ng isang tao, ang tanging magagawa ko lang ay ang makinig.
Pinapanood ko lang siya kung paano masaktan ng nakaraan.
"Kahit ang Papa ko, iniwan ako," his voice cracked. Tila tumusok din sa dibdib ko ang sakit na nararamdaman niya. "He left us at sumama sa ibang babae, pera niya na lang ang sumusuporta sa amin."
Nakangiti pa siya habang sinasabi iyon. Lumapit ako sa kanya at hinimas ang kanyang likod, kahit sa ganitong paraan man lang ay maiparamdam kong may karamay ito.
He stared at me for a moment. Kumikislap na ang mga mata niya, ang mga nagbabadyang luha na kanina niya pa pinipigilan.
Naglaho ang kanyang ngiti. "Hindi na ako muling umiyak nang sobra pa noong pumuntang ibang bansa si Papa." Mapakla itong natawa. "I never thought I would cry again while I'm with you."
"Minsan mo na rin akong sinagip sa mga kinakatakutan ko. I guess it's my turn to make you feel okay,” I whispered.
Somehow, his story made me understand why he was acting like an asshole. His parent's forgot to give him enough affection.
Napatawa na lamang ako. Pareho pala kami. Sabik sa pagmamahal ng mga magulang.
We remained sitting on the sand for a couple of minutes before we decided to get back on the road.
Nabigla ako nang bigla itong tumayo at naglahad kamay sa akin na maagap kong tinanggap. Pinagpagan ko muna ang palda at saka sumabay sa kanyang maglakad. I even saw him wiping his tears.
"Saan na tayo pupunta?" I asked.
"Iuuwi na kita."
I can't prevent myself from surpassing a smile. He already said that twice and still, it gives me the same feeling.
Tumango ako at sinabing ihinatid niya ako papunta sa penthouse. Habang wala pa ang mga magulang ko, doon muna ako tutuloy. Tutal ay wala rin naman akong kasama doon, baka bigla na lang akong magkaroon ng anxiety attack.
Tumunog ng cellphone ni Xavion habang nagmamaneho. Hindi ko maiwasang tignan ang nakapaskil sa mensahe sa lockscreen nito.
Galing iyon kay Collete.
Kumunot ang noo ko, magkakilala sila?
"What did she sent?" Kinuha ko ang cellphone niya at tinanong ang password. Pagtingin ko sa message ay kapansin-pasin ang pangalan ko sa text na nagmula kay Collete.
Collete:
Tell Eve na wala kami sa penthouse, hindi ako uuwi ngayon, hindi ko alam kung makakauwi rin ang iba.
Nanatili ang tingin ko doon. Inaasahan ko na makakasama ko sila, nakaka-miss na rin kasi ang mga bonding namin.
Sumiklab muli ang kaba ko. I placed my hand on my chest. I feel like they're avoiding me.
"What's the matter?" Saglit na sumulyap sa akin si Xavion.
"Ayaw ko munang matulog sa penthouse," pambawi kong sabi. Malakas akong bumuga ng hangin, sinusubukan na huwag mag-ingay. Kailangan kong kumalma.
"Then we're going somewhere."
"Saan?"
"My place."
Tumango ako nang makapasok sa loob ng kanyang condo. May dalawang kwarto ito, kusina at malawak na living room. Kung ikukumpara sa penthouse ay parang mas mukha pang luxury ang condominium ni Xavion. Malinis at hindi katulad doon sa amin na natatambakan ng kalat.
"Nasaan ang mga kapatid mo?"
"Wala sila rito, ang Ate ko ay nasa Siargao at nakakasama ko dito sa Pilipinas."
Umupo ako sa malambot na couch at pinanonood siyang kumuha ng pagkain sa refrigerator. Inilapag niya sa counter ang dalawang ice cream cups at saka tinusukan ng dalawang stick-o.
Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na sumama. Basta't hinayaan ko na lang siyang magmaneho. I suddenly feel safe around him. He's not a stranger to me anymore. I thought he was a jerk but I was wrong, I failed to seek what's inside him.
"Ilan ba kayong magkakapatid?"
"Anim, nasa Canada ang bunso habang nandito sa Pilipinas ang mga Kuya ko."
Lumapit siya sa akin at inilahad ang isang ice cream cups. "Thank you." Tumitig lamang ito sa akin hanggang sa naumpisahan ko na ang pag-scoop.
"How about you?" Nag-set siya sa malaking flat screen TV.
I nodded. "Tatlo kami, sa condo tumitira ang isa kong kapatid ngayon."
I was curious when he opened the Netflix. "Anong papanoorin natin?"
"365 days."
My eyes widened. Mahigpit kong hinawakan ang unan sa aking tabi at ibinato sa direksyon niya. I heard him chuckled and avoided the pillow.
"Kidding." Nagtaas ito ng kamay nang akmang babatuhin ko siyang muli. Umirap na lamang ako.
Pareho kaming nakatutok sa movie nang magsimula ito. I'm drunk, I love you ang title ng film.
"I think Carson represents you," aniya sa gitna ng aming panonood. "Hopelessly in love with her best friend."
Hindi ako umimik. Pero iba ang idinulot ng kanyang salita sa akin.
"Ilang taon mo na siyang minamahal?" He suddenly asked.
"Almost four years." Sumubo pa akong muli ng ice cream. "Ikaw?"
"Mahigit dalawang taon na yata, pero medyo maayos na ako, kung gugustuhin ko ay pwede na akong pumasok ulit sa isang relasyon."
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang magpapalitt-palit ng babae. Kung gusto niyang makalimot ay napakarami ng pagpipilian niya para magawa 'yon.
It's funny how I see our situation. Pareho kaming sawi na kumakain ng ice cream ngayon at dinami-dami ng tao na pwede kong makasama, siya pa ang napili.
“Haven't you tried moving on?”
Mapakla akong tumawa. “Sinubukan ko.”
“Pero?” dugtong niya habang nakatutok pa rin sa pinapanood.
“Hindi ko nakayanan.”
He scoffed. “Tanga mo.”
Umiling-iling siya. Disappointed crossed his eyes, making me roll my eyes.
“You're a woman, Eveone. And no woman deserves to be taken for granted.”
Hindi na namin sinundan pa ang film, pagkatapos nito'y nagpadesisyonan na naming matulog. Madalas ay puro payo lang ang natatanggap ko sa kanya. Pilit niya akong ginigising sa katangahan ko.
"Doon ka na sa kwarto ko matulog." Nagkamot siya ng batok.
I hid my smile. "Bakit? Pwede namang doon na lang ako sa isa."
"Maliit lang ang kama do'n, baka hindi ka makatulog."
"Okay." Nauna akong pumasok. Hindi ko maisip na magsasama kami sa iisang kwarto. Mas lalo lang akong kinabahan nang walang makitang sofa, ibig sabihin lang no'n ay magkatabi kaming matutulog. Kasya nga kami sa kama, sobrang laki ng espasyo namin mula sa isa't isa kung magtatabi.
"What are you doing?" Kumuha siya mula sa malaking cabinet ng puting kumot.
"Uh? Para may magamit ako sa kabila?"
"Hindi ka tatabi sa'kin? I thought.." Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin dahil napapikit na lamang ako sa labis na kahihiyan.
Pagmulat ko'y suot niya na ang mapaglarong ngisi. "If you want me to then why not?"
"Just go!" Tinulak ko siya palapit sa pinto. Walang tigil ang paghalakhak nito na siyang mas lalong nagpainis sa akin.
"Gusto mo pala akong makatabi, eh! Mapagbibigyan naman kita," mapang-asar niyang sabi.
"Xavion!" Sinamaan ko ito ng tingin ngunit kaagad iyong naglaho nang mapanood siyang tumawa. Masarap pakinggan ang kanyang tawa at mas nagiging guwapo ito sa paningin ko.
Habol niya ang hininga nang tumigil. Gano'n na lang ang pagkailang ko nang salubingin nito ang aking mata. "What?"
Umiling ako. "Nothing, I just found you more handsome when laughing."
Ang matamis na ngiting madalas ko nang makita ay bumagsak. Blanko itong tumingin sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ngunit bumugso ang kaba sa aking dibdib. Panganib.
Itinago ko ang kamay na nanginginig sa aking likuran, iniiwasan na masipatan niya iyon. Hindi siya dapat mabahala dahil sa akin.
"That's the same words she said to me before she got inside her car."
Matagal akong napatitig sa kanya. It took him seconds before forming a smile on his lips.
"Matulog ka na, good night."
Hindi na iyon nadugtungan pa dahil mas pinili niyang lumabas sa kwarto at iniwan akong gulat sa nangyari.
-
@GrandDandelionMaaga akong nagising at hindi ito ang nakasanayan ko. Natagpuan ko na lamang ang sarili na nag-set ng alarm bago matulog. At pagmulat ko pa lang, siya kaagad ang pumasok sa isip ko. It's my fault, bakit ko pa kasi sinabi iyon? Kahit pa ay sabihin niyang naka-move on na siya ay hindi ako naniniwala. I can still see his pain, the longing he was hiding for a long time. He is not fully healed.Napatingin ako sa kabuuan ng kaniyang kwarto. Nakapatong sa cabinet ang picture niya kasama ang isang magandang babae, nasa beach sila at masayang nakatingin sa isa't isa. Mayro'n ding malaking frame na nakasabit sa dingding at lahat iyon ay naglalaman ng litrato. Lahat iyon ay litrato ng iisang babae.Maputi ito, singkit ang mga mata at mapupulang labi. Sa unang tingin ay masasabi ko nang siya nga babaeng minahal ni Xavion ng halos dalawang taon. She looks soft, the opposite of the girls he played.Ala-sais pa lang ng umaga kaya aingat kong sinar
Chapter 08"Feeling better?"Inalalayan ako nito mula sa paglabas sa kanyang kotse. I only responded with a nod due to the embarrassment I felt earlier. I faced the crowd with him, I faced my fear. Ayaw na ayaw kong nakakakuha ng atensyon mula sa nakararami. I feel like they are judging my life.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Hindi lamang kami ang naroon, maraming tao ang nanood kung paano niya ako pakalmahin. Mabuti sana kung ang mga kaibigan ko lang ang kasama kong tumugtog kanina pero hindi. He was there. He became my partner.Iniwasan kong magtagpo ang paningin namin. My cheeks was burning. Nang dahil sa simpleng kilos na iyon, napaulanan kami ng tukso. The tension between us decreased but it formed an awkward atmosphere around us."Bakit hindi ka nagpaalam sa akin?"Naramdaman ko ang pagsandal nito sa pinto ng kotse. He was pertaining to what I did earlier, I left
Chapter 9"Kumain ka na." Inilapag niya sa harap ko ang plato. Amoy na amoy ko ang niluto niyang tinola. He did know how to cook well, he impressed me again. I didn’t even hear him complaining, it seemed like he loved what he was doing and I am glad that I was able to watch him taking care of me.Hindi ako umimik at tumango lang. Kinakahiya ko ang sarili. Kahit pa noong pumasok muli kami sa bahay ay walang nagtangkang magsalita, tila pinakikiramdaman namin ang isa't isa. I told him to stay, he did yet the awkwardness we had before returned. The invisible barrier between us just weakened but never shattered."Are you free tomorrow?" he asked. Napaawang ang labi ko. Is this deja vu? I gulped before giving him a nod. "Yes, I guess."I wanted to ask him why but i
Chapter 10Nang magising ay naramdaman ko na ang mabigat na bagay na nakapulupot sa baywang ko. Nagmulat ako ng mata at napaawang ang labi ko nang masilayan ang dibdib ni Xavion. His warm arm was embracing me tightly. It seemed like he doesn't want to let me go. Pag-angat ko ng tingin ay mas lalo lamang akong na-enganyo. Hindi ko na ikakaila pang nakakahatak talaga ng pansin ang kanyang itsura.Tumaas ang kilay ko. Sa aking pagkakatanda, natulog kaming baliktaran ng higa. Wala namang kaso kung matutulog kami sa iisang bubong, but do we have to sleep beside each other? Tapos nakayapos pa ito sa akin. Napailing na lamang ako.Maingat kong tinanggal ang kanyang braso at saka umupo. Maliwanag na kaya naman komportable na akong kumilos. Dumiretso ako sa taas upang maghilamos pagkatapos ay bumaba muli at simulan ang
Chapter 11"So, saan na tayo pupunta?"Nakatungo ako sa bintana, pinagmamasdan ang pamilyar na daan. Kasalukuyan naming binabaybay ang kaduluhan ng SBMA, madalas ay dito dumaraan ang mga vehicles na lalabas ng syudad."We're going to Pangasinan."My head turned at his direction because of his remarks. Umangat ang aking kilay at kumunot ang noo ko. "What?” I properly sat and finally had the guts to face him after all the embarrassing moment I created. “Ilang araw tayo doon?"Tumikhim muna siya. "Hmm, two days?"Napasinghap ako sa kanyang sagot. I looked at him with conf
Chapter 12 Before dinner, Marian arrived with Xavion's grandfather. Napag-alaman ko na magpinsan pala sila. She was jolly, panay ang kuwento sa akin tungkol sa kanyang high school journey which reminds me of mine too. She was once of those typical high-school student. She was approachable. Ilang minuto rin matapos sila dumating ay inaya na kaming maghanapunan. Masaya kausap ang lolo ni Xavion, tinukso rin kami nito pero tinawana lang naman para hindi maging awkward ang sitwasyon. Matapos naming maghapunan ay dumiretso ako kaagad sa kwarto habang naiwan sila lola Mel sa sala para manood ng balita. Si Marian naman ay nagpasyang libangin ang sarili sa gadget at gumawa ng assignments. I heard the door opened making my head turn. Pumasok si Xavion na dahilan kung bakit pasikreto akong napaurong. He was looking fresh, probably because he took a bath. May twalya sa balikat nito at magulo pa ang buhok. What makes my blood crawled up to my cheeks faster wa
Chapter 11"So, saan na tayo pupunta?"Nakatungo ako sa bintana, pinagmamasdan ang pamilyar na daan. Kasalukuyan naming binabaybay ang kaduluhan ng SBMA, madalas ay dito dumaraan ang mga vehicles na lalabas ng syudad."We're going to Pangasinan."My head turned at his direction because of his remarks. Umangat ang aking kilay at kumunot ang noo ko. "What?” I properly sat and finally had the guts to face him after all the embarrassing moment I created. “Ilang araw tayo doon?"Tumikhim muna siya. "Hmm, two days?"Napasinghap ako sa kanyang sagot. I looked at him with conf
"Mga batang ito talaga, dito pa talaga kayo natulog."Hindi ko matignan nang maayos si lola. Panay naman ang mahinang hagikgik ni Marian marahil ay sa nasaksihan niya. Xavion was busy making coffee for us."Nagsabi na lang sana kayo at nahandaan ko kayo ng unan at magandang sapin."We ended up sleeping late. At sa kubo pa nga. Kailangan pa niya akong samahan bumalik para kumuha lang ng kumot at mga unan. It was my idea after all. Kahit pa-paano ay worth it naman ang pagtulog namin dito sa kubo.Ini-rolyo ni lola ang nagamit naming banig habang naghahanda ng makakain si Marian. Si lolo naman ay maagang umalis dahil may gagawin pa raw ito sa bukid."Dito ba ulit kayo matutulog mamayang gabi?"I nodded. "Opo.""No."Napalingon ako kay Xavion. Inilapag niya sa lamesa ang mug. Sinamaan ko ito ng tingin dahil h
Noong nakilala ko siya, hindi na maalis sa isip ko ang pagnanakaw ko ng halik. I remember how she flinched, tila binaliw ako ng labi niya. I was busy walking when I heard a loud voice, nahanap ko kung saan ito nanggagaling. They looked like a couple, para silang nag-aaway. Palapit ako nang palapit at naging mas klaro sa pandinig ko ang pinaguusapan nila. I noticed that the girl is not comfortable. Saka ko lang nakita ang babae nang makalapit ako. I know it's her."May problema ba dito?" lumapit ako sa kanila, the girl flinched, nakita ko pa ang pagtingin nito sa kabuuan ko. ."Yvonne, kilala mo ba siya?""Hin—"I cut her off. "Kaibigan, bro. What's the matter?" her eyes widened when I placed my arm around her shoulders."Yvonne bakit hindi mo sinabi sa'kin?""D–Do I have to
"Are we there yet?" nababagot kong usal, he chuckled."Malapit na," nanatili ang isang kamay niya sa likod ng ulo ko, hinahawakan ang makapal na piring. Habang ang kabila ay inaalalayan ako."Para sa'n ba kasi 'to? Pwede mo naman sabihin na lang sa'kin, e.""Relax, baby!" tumawa siya, simimangot ako. Ilang segundo lang ay nakaramdaman ako ng mga bato, may ingay din na para bang nagkikiskisang bakal."Are you ready?" I nodded, lumuwag ang piring ko. Hindi ako nakapaghintay at dali ko itong tinanggal."Xav," tawag ko. He hugged me from behind. Tanaw namin ang construction workers na abala sa kanilang ginagawa. Sa harap ay ang tatlong palapag na bahay, hindi pa ito tapos pero nakikita ko na ang disenyo.That means, matagal ng sinimulan ang paggawa ng bahay."We're going to live here," sumandal ako sa dibdib niya."Let's go inside, baka may gusto kang ipabago?" naglahad siya ng kamay na maagap kong tinanggap
READ AT YOUR OWN RISK!"What?" hindi makapaniwalang sambit ko."You have no choice, Yvonne," he played with my hair, may pagkakataon na hahalikan niya ang gilid ng labi ko. He knows how to play well, damn."Let me live with Xarina," I stuttered, yumuko siya upang dampian ng halik ang pisngi ko."What else?" bulong niya, I bit my lower lip."W–Wala na," panay ang titig niya sa akin, pinapanood ang bawat reaksyon ko."Gusto mo bang ikasal?" humigpit ang kapit niya sa baywang ko.I nodded. "Oo? Kapag stable na ang buhay ko kasama si Xarina.""Now that I'm here, your life is stable," ngumisi siya.Napatili ako nang buhatin niya ako, binuksan niya ang pinto ng kwarto. Marahan niya akong inihiga sa kama, umiwas ako ng tingin. He removed his coat and started unbuttoning his bu
After three weeks, madalas na nakakasama ni Xarina si Xavion. Hindi ko magawang tumutol, isa 'yon sa mga bagay na hindi ko ipagkakait sa anak ko, ang makasama ang ama niya."Mimi, excited na'ko!" tumalon talon siya sa kama, I laughed."Ingatan mo 'yon, a," she nodded."Come here," lumapit ako sa tapa ng salamin, bumaba siya sa kama at sumunod sa'kin. Pinusod ko ang buhok niya at nag iwan ng hibla. I applied lipbalm on her lips and covered it with lip gloss."Am I pretty na?" she giggled, pinisil ko ang pisngi niya. Sabay kaming napalingon sa direksyon ng bintana nang marinig ang pagbusina."He's here! Huwag kang makulit, a!" inunahan niya ako sa pagbaba, sinalubong siya ni Xavion ng yakap at halik sa noo."Excited much ka, girl!"Natawa ako, ngumuso si Xarina. "Chill, baby. Madami pa tayong pupuntahan!"Nakakainggit, I want to come with them but I can't, hindi ko pa day off."Mi, aalis
Nag-jeep ako para makapasok, hindi ko pa nakukuha ang porsche kay Xion. Hindi ko alam kung paano iyon kukunin, should I approach Xavion?My shift started, pero ang sasakyan ko ang tumakbo sa aking isip. Nakasalubong ko si Carlvin, lalagpasan ko na sana siya nang bigla itong magsalita."Ahh, Yvonne," I turned my gaze at him."Are you free after your shift?" kumunot ang noo ko."Bakit?""Aayain lang sana kitang lumabas," he smiled genuinely.Napamaang ako, "Gano'n ba, I'll try. Kailangan ko pa kasing sunduin ang anak ko, e.""May anak ka?" nawala ang ngiti niya, tumango ako. Napaiwas siya ng tingin."Pwede naman natin siyang isama!""O, sige," ngumiti ako. "Salamat!"Nagpaalam siya sa akin, akmang maglalakad ako nang maabutan ko si Xavion na blankong nakatingin sa akin, I gulped. My body stiffened, ang paa ko'y parang dinikitan ng glue at dumikit sa sahig upang h
"Mimi, why do you look so tense?"Napahinto ako sa paglapag ng pagkain sa lamesa. Gusto kong sabihin sa kaniya na nandito na ulit sa Pinas ang ama niya. Umiling ako."Nothing, pagod lang si Mimi. Kain na," I smiled."Mi, I forgot to tell you about this yesterday, kailangan n'yo na pong pirmahan 'yong card ko.""Sure, after ng shift ko, ako na rin susundo sa'yo." tumango siya.After we ate, umalis na ako, bahala na si Collete maghatid sa kaniya. Abala ako sa pagmamaneho ng biglang bumagal ang takbo ng kotse ko. I tried to increase the speed, pero hindi ko nagawa. I parked my car on the side of the road, muntik pang hindi makaabot. Huminto na nang tuluyan ang kotse.Lumabas ako para tignan ang problema, at saka papasok ulit para subukang paandarin. Hindi naman flat ang gulong!I hate this! Malalate na ako sa shift ko."Ma'am, ano pong problema?" lumapit sa akin ang isang security gu
"Yvonne, Xarina badly needs you, hinahanap ka niya! I think it has something to do with her school.""I'm sorry, my shift is not over yet. Magtiis ka muna, El, malapit na ako umuwi," nagpunas ako ng pawis.I heard her sighed. "Fine, bilisan mo, a.""Oo, take care, thanks," I immediately ended the call and got back to work."Yvonne! Kailangan daw tayo ngayon sa OR! Emergency!" tumatakbo sa gawi ko si Queeny, nakisama na rin ako sa kaniya sa pagtakbo.Luckily, the operation was a success. 3 pm nang matapos ang shift ko, naabutan kong tulog si Xarina habang si Eleanor naman ay nagsusuot ng uniform."Thanks, El," she nodded."Sa'n lipad n'yo?" inayos ko ang kumot ni Xarina."Japan, 'te. Excited na'ko, first time ko, e!""Good luck, sana hindi bumagsak ang eroplano n'yo," I laughed, pinalo niya ako sa braso."Napakasama ng ugali mo!" singhal niya."Kidding! Ilang araw?"
My parents were disappointed, at first, they were mad at me, pero kalaunan ay natanggap din nila. I decided to stay with the girls for a while. For now, I don't know what to do, I cried after I took the test. I wasn't happy about it, but Collete and the girls manage to made me understand and accept the baby I'm carrying. I don't know if I should tell Xavion about this, I can't even contact his phone number. He deactivated his account, even his siblings, hindi ko alam kung saan siya hahagilapin.I estimated it, I can still graduate. Hindi pa naman masyadong malaki ang tyan sa loob ng tatlong buwan, I can still make it.After three months of waiting, I passed. Nagawa kong maka graduate, my stomach has a little bump already. Madalas, french macarons ang hanap ko. Kada linggo ay um-o-order ang girls para lamang sa akin. My parents visits me, especially Mom, dalawang araw kada isang linggo. Ilang buwan ang nakalipas ay lumipad si Devika patungong London, doon si
"Allisa," kaagad akong napabangon nang marinig ang pamilyar na boses, nagmadali akong tumayo at binuksan ang pinto. Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa akin ni Collete."Col," malungkot kong bati."My god! I heard the news!" she caressed my back, tumulo ang luha ko."What are you doing here? Magaling ka na ba?" I said in the middle of my sob."I'm starting to get better!" aniya."I can't just let you suffer! Don't worry, I'm here, nandito ako, kami.""Don't scroll through social media," nagbabantang sabi ni Ivory."I already did," sumimangot siya, inalalayan nila ako pabalik sa aking kama.Their engagement exploded through social media. Nangyari ang dapat mangyari, a week after our break up, kumalat ang tungkol doon at sa engagement. Many were asking about me, ano daw ba ang nangyari sa amin?Wala akong ibang alam na gawin kung hindi ang manahimik na lang at huw