Share

Chapter 50

"Kumusta ang pagkain mga anak, ayos lang ba sa panlasa ninyo?" tanong sa amin ni lola. Sabay kaming tumango ni Harris at kita naman namin ang tuwa sa mukha ni lola.

"Masarap po, napakasarap," sabay na nagtawanan kami dahil sa pambobola pa na sinabi ni Harris. Masyado kasing OA. 

"Nasabi niyo po na nag-aaral sa Maynila ang anak ninyo, saan po kayo kumukuha ng mapagkakakitaan?" pag-iiba ko sa usapan habang nakain kami. 

"Ito lang ang pinagkakakitaan namin, ang pagpapa renta ng kwarto. Matumal, ngunit may kita pa rin. Ang anak ko naman sa Maynila ay isang scholar kaya wala na kaming dapat pang alalahanin, kundi ang araw-araw na pangkain namin mag-asawa," sagot sa akin ni lolo. 

Buong durasyon ng pagsasalita niya ay nakangiti lang siya. Pareho sila ng asawa niya, palaging nakangiti. Pansin ko na mas lumalaki pa ang ngiti nilang dalawa kapag nababanggit o pinag-uusapan ang anak nilang dalaw

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sally Placer Saculo
...️...️...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status