Makalipas ng tatlong araw, kailangan na namin pumunta ni Harris sa lugar kung saan itatayo ang susunod na branch ng Vaia Hotel.
Narinig ko na ang sasakyan ni Harris sa tapat ng bahay ko kaya dali-dali akong nagmadali upang suotin ang sapatos ko. Kinuha ko ang bag ko kung saan nakalagay ang mga gamit at damit ko, lumabas na ako kahit hindi pa nakakapagsuklay.
Nakita ko si Harris sa labas na nakasandal sa sarili niyang sasakyan habang nakapamulsa. Ngumiti ako sa kanya at ganoon rin ang ginawa niya sa akin, ngumiti siya pabalik.
Pagkatapos kong isara ang pinto ko at gate ko, tuluyan na akong nakalabas. Sinalubong ako ji Harris ay kinuha niya ang bag ko na naglalaman ng mga gamit ko at inilagay sa likod ng sasakyan. Ako naman ang nagbukas ng sarili kong pinto at umupo sa tabi ng driver's seat.
"How's your sleep? " saad sa akin ni Harris habang binubuhay niya ang makina. Napahawak
"Kumusta ang pagkain mga anak, ayos lang ba sa panlasa ninyo?" tanong sa amin ni lola. Sabay kaming tumango ni Harris at kita naman namin ang tuwa sa mukha ni lola."Masarap po, napakasarap," sabay na nagtawanan kami dahil sa pambobola pa na sinabi ni Harris. Masyado kasing OA."Nasabi niyo po na nag-aaral sa Maynila ang anak ninyo, saan po kayo kumukuha ng mapagkakakitaan?" pag-iiba ko sa usapan habang nakain kami."Ito lang ang pinagkakakitaan namin, ang pagpapa renta ng kwarto. Matumal, ngunit may kita pa rin. Ang anak ko naman sa Maynila ay isang scholar kaya wala na kaming dapat pang alalahanin, kundi ang araw-araw na pangkain namin mag-asawa," sagot sa akin ni lolo.Buong durasyon ng pagsasalita niya ay nakangiti lang siya. Pareho sila ng asawa niya, palaging nakangiti. Pansin ko na mas lumalaki pa ang ngiti nilang dalawa kapag nababanggit o pinag-uusapan ang anak nilang dalaw
"Mahal, gising na."Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata at bumungad agad sa akin ang liwanag ng araw na nanggagaling mula sa labas."Good morning!" biglang singit ng mukha ni Harris. Ngumiti ako at napahawak ako sa kanyang leeg."How's your sleep? Masarap ba?" mabilis na naglaho ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Ang aga-aga nang-aasar na agad.Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kagabi. Ang mga sinabi ko sa kanya at ang mga sinabi niya rin sa akin, at ang...I feel like we really love each other that time. Each kiss, every minute, and every heavy breathing. All of those says that we really love each other.Ramdam na ramdam ko ang pagmamahalan namin. Masaya ako dahil sa wakas, ito na kami! Wala na kaming tinatago sa isa't isa. Malayang mamahalin na namin ang isa't isa."Hmm? What do you feel?" natigil ako nang magsa
"That's it. Just make sure that this project will be successful and to be done on time, okay?" pagtatapos ni Harris sa meeting namin ngayon.Ang lahat naman ay tumango at sumang-ayon sa mga sinabi at plano ni Harris dito sa pinapagawa naming branch ng Vaia Hotel. Kahit ako rin ay namamangha sa plano niya.Unti-unting naglabasan na ang mga iba pang mga tao at ang naiwan na lang ay ang babaeng sumalubong sa amin noon. Pasimpleng nilapitan ko siya dahil may gusto akong itanong sa kanya."Hi, do you remember me?" I asked her in a tiny voice."Yes, ma'am! May kailangan po ba kayo sa akin? Ano po ang maitutulong ko?" masiglang bati niya sa akin. Napahinga naman ako."No, wala naman. May gusto lang akong tanungin," napakagat labi ako at tumingin ako kina Harris at sa lalaking sumalubong rin sa amin nung nakaraan. 'Yung lalaking nakasimangot na kasama ng babae na kausap ko ngayon.
"Ava!" bungad sa amin ni mama kaya naman nagmamadaling bumaba ako ng sasakyan at sinalubong ito ng yakap."M-ma..." hindi ko na napigilan ang luha ko nang maramdaman ko ang mainit na yakap ng aking ina."May problema ba anak?" agad na tanong niyo sa akin. Ngunit agad ko rin namang kinalma ang sarili.Naalala ko na nandito kami upang magsaya at kalimutan ang mga problema namin sa trabaho. Isa pa, hindi naman siguro maganda kung ngayon na lang uli kami magkikita ni mama tapos masamang balita agad ang sasabihin ko sa kanya."Wala, na-miss po kita!" masiglang sabi ko na naging dahilan ng pagtawa ni mama."Kahit kailan talaga, you will always be my one and only, clingy daughter."Nagsitawanan ang mga kaibigan ko na nasa likod namin ni mama."Oh? Nandiyan pala kayo! Mabuti na lang at sumama kayo dahil marami akong niluto. Saktong-sa
"Ava, handa na ang mga pagkain! Baba na kayo para makakain at tuloy-tuloy na ang pahinga ninyo," rinig naming boses ni mama mula sa baba kaya namn lumabas na kami ni Harris ng kwarto.Paglabas namin ay doon nakita namin sina Vie at Kylo, Jade at Miles sa pasilyo ng ikalawang palapag.Pagkatapos no'n ay sabay-sabay na kaming bumaba ng hagdan. Nakaakbay sa akin si Harris habang sina Kylo at Vie naman ay nag-uusap, ang dalawang magkasintahan naman este ang mag-amo na sina Jade at Misty naman ay mukhang naiilang sa isa't isa.Sa baba ng hagdan ay doon kami sinalubong ni mama. Nagkatitigan pa kami nito na parang sinisiyasat niya kung bakit nakaakbay sa akin si Harris."Umupo na kayo. Kayo na lang ang kumuha ng gusto ninyong kainin. Kain lang nang kain, madami 'yan. Niluto ko talaga para sa inyo," sambit ni mama nang makarating na kami sa lamesa.Nasa isang malaki at mahabang lam
"Harris, gising na."Sabi ko bago pa man ako tumayo. Pumunta agad ako sa banyo ay doon ay naghilamos ako. Paglalabas ko ng banyo ay naabutan ko si Harris na nakatayo na at nag-aayos ng higaan."Good morning, love!" bati niya sa akin at agad na ikinulong ako sa mga bisig niya."Morning. Tara na mag-ayos ka na," nagmamadaling saad ko at kumawala agad sa kanyang mga yakap. Tinignan ko agad ang mga cabinet na nandito sa kwarto at pumili ng damit."Hmm? What's the problem? Bakit nagmamadali ka?"Namili ako sa mga damit na nakalagay sa cabinet. Kinuha ko ang isang white t-shirt na medyo maluwag sa akin at kumuha ako ng isang itim na pantalon. Dahil pupunta lang naman kami sa hotel upang mag-imbistiga, hindi ko na kailangan pa magsuot ng pormal na damit."Ava, hindi mo naman sinasagot ang mga tanong ko," muling sabi nito sa akin ngunit sa pagkakataong ito, nak
Naiwan kaming lahat dito sa loob ng opisina ko habang ang si Detective Alvar ay lumabas na kasama ang mga empleyado ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nabuo namin na ideya sa mga nangyayari.Lumapit sa akin sina Vie at Jade habang sina Kylo, Harris at Miles naman ay nag-uusap sa sa malayo sa amin. Ang sekretarya ko naman ay May kausap sa telepono niya habang nasa pintuan.Napahawak ako sa sarili ko. What happening right now is really freaking me out.Base sa mga nakalap naming impormasyon sa mga empleyado na na nandito sa hotel nang maganap ang nakawan, dalawa sa mga empleyado ko ang may kagagawan da nangyari.Dahil ng mga oras na nakasalamuha ng mga tao sa lobby ang magnanakaw, iyon din ang oras na nagkasunog. Base rin sa mga nangyayari sa cctv, sinadyang sirain iyon.In this hotel we have more than 30 cctv cameras. 18 sa mga iyon
Tahimik na sumimsim ako ng kape at huminga ng malalim.Nandito kami ngayon sa isang Café, malapit sa hotel. Napagpasyahan namin na pumunta rito, para na rin makapag-usap kami tungkol sa plano namin. Hindi rin naman kasi kami makakapag-isip ng tama kung nandoon kami sa hotel, masyado kasing magulo doon dahil maraming tao.Tumingin ako sa paligid. Walang tao, kami lang ng mga kaibigan ko ang narito. Ang mga tauhan naman dito sa Café ay abala sa paggawa ng mga orders namin."So...who is this Misty? Misty Serrano?" Kylo asked while looking at his phone. Tila hinahanap niya sa social media si Misty at siya mismo ang nag-iimbestiga.May dala pa nga itong maliit na push pin board at doon niya inilalagay ang mga natuklasan namin sa nangyari. Ewan ko ba rito kay Kylo, masyado siyang handa sa mga nangyayari. Samantalang ako, natulala pa rin hanggang ngayon."K-kaibigan nami s