Share

Chapter 54

"Ava, handa na ang mga pagkain! Baba na kayo para makakain at tuloy-tuloy na ang pahinga ninyo," rinig naming boses ni mama mula sa baba kaya namn lumabas na kami ni Harris ng kwarto. 

Paglabas namin ay doon nakita namin sina Vie at Kylo, Jade at Miles sa pasilyo ng ikalawang palapag.

Pagkatapos no'n ay sabay-sabay na kaming bumaba ng hagdan. Nakaakbay sa akin si Harris habang sina Kylo at Vie naman ay nag-uusap, ang dalawang magkasintahan naman este ang mag-amo na sina Jade at Misty naman ay mukhang naiilang sa isa't isa.

Sa baba ng hagdan ay doon kami sinalubong ni mama. Nagkatitigan pa kami nito na parang sinisiyasat niya kung bakit nakaakbay sa akin si Harris.

"Umupo na kayo. Kayo na lang ang kumuha ng gusto ninyong kainin. Kain lang nang kain, madami 'yan. Niluto ko talaga para sa inyo," sambit ni mama nang makarating na kami sa lamesa.

Nasa isang malaki at mahabang lam

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Pinky Villorente Asiong
next please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status