"Harris, gising na."
Sabi ko bago pa man ako tumayo. Pumunta agad ako sa banyo ay doon ay naghilamos ako. Paglalabas ko ng banyo ay naabutan ko si Harris na nakatayo na at nag-aayos ng higaan.
"Good morning, love!" bati niya sa akin at agad na ikinulong ako sa mga bisig niya.
"Morning. Tara na mag-ayos ka na," nagmamadaling saad ko at kumawala agad sa kanyang mga yakap. Tinignan ko agad ang mga cabinet na nandito sa kwarto at pumili ng damit.
"Hmm? What's the problem? Bakit nagmamadali ka?"
Namili ako sa mga damit na nakalagay sa cabinet. Kinuha ko ang isang white t-shirt na medyo maluwag sa akin at kumuha ako ng isang itim na pantalon. Dahil pupunta lang naman kami sa hotel upang mag-imbistiga, hindi ko na kailangan pa magsuot ng pormal na damit.
"Ava, hindi mo naman sinasagot ang mga tanong ko," muling sabi nito sa akin ngunit sa pagkakataong ito, nak
Naiwan kaming lahat dito sa loob ng opisina ko habang ang si Detective Alvar ay lumabas na kasama ang mga empleyado ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nabuo namin na ideya sa mga nangyayari.Lumapit sa akin sina Vie at Jade habang sina Kylo, Harris at Miles naman ay nag-uusap sa sa malayo sa amin. Ang sekretarya ko naman ay May kausap sa telepono niya habang nasa pintuan.Napahawak ako sa sarili ko. What happening right now is really freaking me out.Base sa mga nakalap naming impormasyon sa mga empleyado na na nandito sa hotel nang maganap ang nakawan, dalawa sa mga empleyado ko ang may kagagawan da nangyari.Dahil ng mga oras na nakasalamuha ng mga tao sa lobby ang magnanakaw, iyon din ang oras na nagkasunog. Base rin sa mga nangyayari sa cctv, sinadyang sirain iyon.In this hotel we have more than 30 cctv cameras. 18 sa mga iyon
Tahimik na sumimsim ako ng kape at huminga ng malalim.Nandito kami ngayon sa isang Café, malapit sa hotel. Napagpasyahan namin na pumunta rito, para na rin makapag-usap kami tungkol sa plano namin. Hindi rin naman kasi kami makakapag-isip ng tama kung nandoon kami sa hotel, masyado kasing magulo doon dahil maraming tao.Tumingin ako sa paligid. Walang tao, kami lang ng mga kaibigan ko ang narito. Ang mga tauhan naman dito sa Café ay abala sa paggawa ng mga orders namin."So...who is this Misty? Misty Serrano?" Kylo asked while looking at his phone. Tila hinahanap niya sa social media si Misty at siya mismo ang nag-iimbestiga.May dala pa nga itong maliit na push pin board at doon niya inilalagay ang mga natuklasan namin sa nangyari. Ewan ko ba rito kay Kylo, masyado siyang handa sa mga nangyayari. Samantalang ako, natulala pa rin hanggang ngayon."K-kaibigan nami s
"Hold my hand."Gaya ng sinabi niya, hinawakan ko ang kamay niya. Inalalayan niya ako makababa ng sasakyan at pati sa paglalakad papasok sa bahay nila ay inalalayan niya ako.Hindi na katulad kanina na nagmamadali siya, ngayon naman ay sobrang maingat na siya ngunit ramdam ko pa rin ang pagiging alerto niya sa paligid.Nang makarating na kami sa harap ng gate ng bahay nila, pinindot niya ang doorbell at mabilis na lumabas ang mga kasambahay nito at binuksan ang gate."Please prepare food for Ava, thank you."Iyon lang ang sinabi niya at dire-diretso na naglakad na ulit kami papasok ng bahay. Nagulat naman ako dahil sobrang tahimik ng bahay nila ngayon. It seems like there's no one in the house. Sobrang tahimik."Nasa business trip sina Mom and Dad," nagulat ako nang biglang magsalita si Harris. Tila alam niya na nagtataka ako kung bakit ang tahimik ng lugar.
Maaga akong nagising dahil maaga ko rin narinig ang sasakyan ng mga magulang ni Harris.Tumayo ako ngunit gaya ng inaasahan, masakit ang ibaba ko. Ito talaga ang kinakatakutan ko, lalo pa ngayon na marami kaming kailangan asikasuhin at hindi pwede na ipagpabukas. Tapos ngayon pa ako mahihirapan maglakad.Pinulot ko ang mga damit ko na nasa ibaba ng kama. Naghilamos muna ako at naglinis ng konti bago ko sinuot ulit iyon."Aray!" daing ko dahil medyo mahapdi talaga. Pero siguro, dahil naramdaman at expected ko na ito, kaya ko na tiisin ang sakit ngayon.Napaisip ako, paniguradong nandito sila tita. Hindi pwedeng iikaika ako maglakad. Sinubukan kong lumakad muli upang pakiramdam ang masakit sa akin. Ginawa ko lang iyon nang ginawa hanggang sa alam ko na kung paano ito itatago, at alam ko na rin kung paano maglakad nang maayos kahit masakit.Saktong paglabas ko naman ng banyo ay naki
A week passed. Hindi na muling nagpakita sa amin si Misty. Samantala, ang imbestigasyon sa hotel ay tapos na. Dahil sa mga impormasyon na nakalap namin sa matanda, nakumpirma na namin na si Misty nga talaga ang master mind sa lahat.Pero kahit ganoon, hindi pa rin ako mapalagay. Kahit nakakulong na ang matanda, si Misty ay malaya pa rin ay hindi namin alam kung kailan kami nito aatakihin."Ava! Don't be too scared! Mahuhuli rin ng mga pulis si Misty," saad ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin at tinatapik ang aking mukha upang mawala ang takot na nararamdaman ko.Pagkatapos naman no'n ay lumabas na ako ng bahay. Isinara ko ang pintuan at gate nito, at pumasok sa sariling sasakyan."Let's have a great day today self," huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang makina at pinaandar ang sasakyan. Ito ang unang beses na hindi kami magkasama ni Harris ngayon, tinakasan ko kasi siya.&nb
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Misty. Humakbang siya ng isang beses at huminto. Ako naman ay palihim na umaatras."Why? Hindi mo ba ako gustong makita? Come-on, hindi ka ba nabitin? Hindi mo ba ako na-miss? Five years kang nawala, ah."Tumawa siya. Napansin ko naman na ang kamay niya ay nasa bulsa lang ng itim na jacket na suot niya. Posibleng doon niya itinatago ang armas niya. Kailangan kong mag-ingat dahil mahirap na, baka maulit muli ang nangyari noong nakaraang Linggo. At baka hindi na ako swertehin ngayon."S-seryoso ka ba talaga sa mga binabalak mo?" pinilit kong hindi ipahalata na hindi ako natatakot sa kanya. Tumigil ako sa pag-atras at ganu'n din siya, tumigil siya sa paghakbang."Oo. Masaya 'to. Hindi ka ba nag-e-enjoy?""Misty, bakit mo 'to ginagawa?" napalunok ako. Ibang-iba na siya. The way she speaks and the words that is coming from h
"H-hello? Yes, i just wanted to ask if Harris is there? Oh— okay...thank you, bye."Nilapag ko ang telepono ko sa lamesa at hinawakan ko ang ulo ko at hinilot iyon. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Misty kagabi.Kinuha ko na ang bag ko at sumakay sa kotse ko. Nakabihis na ako kanina pa dahil simula nang tawagan ako ni Misty, hindi na ako muling nakatulog.Tinawagan ko ang sekretarya niya kanina. Wala raw si Harris, ang sabi sa kanya magiging busy ito. Simula rin daw nang umalis ito kagabi ay hindi na bumalik ng office. Kaya napapaisip ako..."N-no! H-he can't do that! Harris will not cheat on me..." mahina na pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nagmamaneho.Huminga ako nang malalim. Hindi pa rin ako mapakali kaya naman kinuha ko ang telepono ko sa katabi kong upuan habang nagmamaneho. Tinignan ko iyon upang malaman kung tinawagan o kung nag-text man lang sa akin si H
Nagising na lang ako nang maramdaman ko malamig na hangin na dumapo sa balat ko. Iginala ko ang tingin ko sa paligid at nagsitayuan ang mga balahibo dahil sa nakita.Medyo madalim, sobrang tahimik ng lugar, halatang abandonado ang lugar."Mabuti naman at gising ka na," lumingon ako sa aking gilid at nakita ko doon si Misty na nay buhat na timba na puno ng tubig. Lumapit ito sa akin at ibinuhos iyon mismo sa ulo ko. Mas lalo naman akong nagising dahil sa malamig na tubig na iyon."You really think you're a princess, huh? After being liked by so many boys, you convinced yourself that you're a princess."Binato ni Misty ang hawak niya na timba na nakagawa ng malakas na tunog. Mas lalo naman akong matakot. Ang lugar na ito ay siguradong tago at hindi masyadong mahahanap. Isa pa, pakiramdam ko ay walang titulo sa akin dito."M-misty..." bulong ko habang nagsisimula ng manginig ang aking katawan."Do you think someone will save you her