Share

Happier (Tagalog)
Happier (Tagalog)
Author: Milly_Melons

Chapter 1

Author: Milly_Melons
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"S-sorry ma'am, may nakabunggo po kasi sa akin kanina sa hallway kaya hindi ako nakapasok agad sa subject nyo," pagpapaliwanag ko habang nakayuko at hindi makatingin sa galit na galit kong guro. Nahuli kasi ako sa klase dahil may nakabungguan ako. Ni hindi nga ito himinto o humingi ng paumanhin man lang. Kaya naman ako lang mag isa ang pumulot ng mga gamit ko.

"I will not allow this to happen again Ms. Rivera. I will still let you join my class but if you will be late again, I'm sorry you can't join my class again! Is it clear?" galit na galit na sigaw nito.

"Y-yes ma'am. I'm sorry gain," sabi ko habang takot na takot. Pakiramdam ko ay napapahiya ako, rinig ko ang tawanan ng mga kaklase kong lalaki sa likod. Bigla ko naman naaalala ang lalaking nakabungguan ko kanina, nakaramdam ako ng inis sa lalaki na nakabunggo sa akin, kapag nakita ko ulit iyong lalaki na iyon ay hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya. Masyado siyang walang pake sa paligid niya, hindi niya alam na nakabunggo na siya.

Mayamaya pa ay natapos na ang oras ng English teacher namin. Hanggang sa pag alis nito ay galit pa rin ito. Binansagan na nga namin itong "Angry bird" dahil sa palagi itong galit at medyo makapal ang kilay.

"Huy Ava! Halika na pumunta na tayo sa canteen," biglang sabi ni Misty isa sa mga kaibigan ko na kaklase ko rin. Kinuha ko ang aking bag at naglakad papunta sa mga kaibigan ko.

"Bilisan mo na Ava baka mamaya magutom na naman ako. Nakakatamad kaya mag aral kapag walang laman ang tiyan," sabi naman ni Jade, palagi itong gutom kaya hindi na ito bago sa akin. 

"Sus! Kunwari ka pa, mas mahirap mag aral kapag walang laman ang utak. Eh, sa ating lahat si Ava lang ang may honor eh," singit naman ni Vie. Inakbayan ko si Jade at Vie at kasunod naman no'n ay sabay na nagsalita si Misty at Jade.

"Grabe ka naman!" sabay na sigaw nila Jade at Misty. Akma na itong magsisigawan ngunit nagsalita na ako. 

"Tama na 'yan na naman kayo, eh. Tara na para makakain na tayo. Saka mag-re-review pa ako," putol ko dahil baka mag bangayan na naman ang mga kaibigan ko. 

Kailangan kong mag aral nang mabuti at mapanatili ang mataas na grades. Para makakuha ng scholarship sa kolehiyo dahil nasa senior high school na ako. Hindi naman sa walang kakayahan ang pamilya ko na pag aralin ako, ngunit gusto ko lang talaga na maging independent. Lalo na nung nagkahiwalay ang mga magulang ko. Suportado ako ng mga ito, lahat ng kailangan ko ay naibibigay. Hindi problema ang pera, sadyang ayaw ko lang na humingi pa ako ng pera sa mga magulang ko. Lalo na't may inaasikaso rin itong maliit na negosyo.

Nakarating na kami sa canteen at nakapila upang makabili ng makakain ng may narinig ako mula sa babae sa unahan ng pila. 

"Grabe, ang pogi nu'ng bagong transferee!" saad ng isang babae.

"Oo nga! Napaka gwapo, at saka alam mo ba? Nabalitaan ko na sobrang mayaman daw ang pamilya nila. Pinasok lang sa public school dahil pasaway at baka magbago," tugon naman ng katabi nitong babae. Napailing na lang ako. 

"Imbes na mag-aral puro lalaki ang inaatupag," bulong ko sa sarili. Mayamaya pa ay nakita ko ang guro namin na may kasamang isang lalaki, hindi ko maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod. Ngunit parang pamilyar saakin ang hubog ng katawan nito at ang tangkad. Pati na rin ang buhok nito. Naguguluhan man ay nakaramdam ako ng konting kaba. Pakiramdam ko ay may kakaiba sa lalaking iyon.

Bigla akong napahawak sa aking kanang braso. Hinimas ko iyon at ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang sakit. Sa tingin ko ay magkakaroon pa iyon ng pasa. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Nakaramdam na naman kasi ang ng inis dahil sa lalaki na iyon, binigyan pa ako ng sakit sa katawan.

"Mauna na ako, may itatanong lang ako kay ma'am Darya," sabi ko sa kanila. Kasunod noon ay nagsimula na akong maglakad papuntang teachers office. 

Ngunit ang totoo ay pupunta muna ako sa clinic. Kilala ko ang mga kaibigan ko, may gusto sila sa nurse doon sa clinic ng paaralan namin, kahit na wala silang sakit na nararamdaman pupunta at pupunta sila doon upang magpapansin.

"Excuse me? Do you know where is ma'am Darya?" nagulat ako dahil may nagsalita sa likod ko. Nilingon ko iyon at nagtaka ako. Mukhang pamilyar ang amoy niya, pati na na rin ang katawan niya. Nakasuot siya ng facemask at naka-sumbrero rin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Tanging mata niya lang ang walang harang ngunit hindi ko iyon masyadong makita, dahil baka makita niya ako na nakatingin sa mata niya 

Tumango ako ngunit sa isip ko ay ayaw gusto ko sanang tumanggi. Matatagalan pa tuloy ang pag punta ko sa clinic. Pasimple akong tumingin sa lalaki, mukhang naalala ko na kung bakit pamilyar siya sa akin. Siya ang lalaking kasama ng guro namin kanina, at ang dahilan kung bakit kilig na kilig ang mga babae doon sa canteen.

"Sumunod ka sa akin," sabi ko. Nakakailang dahil ang tangkad niya. Tahimik lang din siya, nagtataka naman ako dahil lahat ng babae ay tinitignan siya. Para bang isa siyang artista. 

"Thank you," sabi niya, ngayon ko lang naaninag ang mata niya kaya naman namangha ako. Nakakabighani ang mga mata niya. Inilahad niya ang kamay niya na parang gusto niyang makipag-shake hands sa akin. Akmang ibibigay ko na sana ang kamay ko ngunit may tumawag sa akin. 

"Av!" sigaw ni Jade. Napakamot naman ako sa ulo ko, napaka lakas ng boses niya kaya lahat tuloy ng tao ay napatingin sa direksyon ko. 

"Ava—" naputol ang sasabihin ni Misty nang makita niya ang lalaki sa harapan ko. Agad akong napapikit ng madiin dahil alam ko na agad ang sasabihin ng mga kaibigan ko...

"Nobyo mo?" puno ng pagtataka na tanong ni Misty kaya halos lahat na ng tao ay nakatingin sa akin. Ang iba ay ang sama pa ng tingin, parang galit sila. 

Huminga ako ng malalim at pilit na umakto ako ng maayos. Nakakailang ang mga tingin sa akin ng mga tao. Bumaling naman ang tingin ko sa mga kaibigan ko na kahit kailan talaga ay pahamak.

"H-hindi—"

"Bye, thank you again. See you later, love."

Pagputol ng lalaki sa sasabihin ko. Mabilis na napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong pinagsasabi nitong lalaking ito? Love? 

Hindi ko kilala ang lalaking ito pero mukhang nakakaasar na agad. Mamaya kung anong sabihin ng mga kaibigan ko, lalo na ng mga taong nakatingin sa amin ngayon. 

"Ava," mahinang saad sa akin ni Misty dahilan upang matigil ako sa pag kunot ng noo ko. Lumingon naman ako sa mga kaibigan ko at nilapitan nila ako.

"Itigil mo 'yan, lahat ng mga estudyante nakatingin sa atin ngayon. They didn’t seem to like what they witnessed," nakangisi na saad sa kin ni Vie habang pilit na pinalalakad ako. Dahil doon ay napatingin muli ako sa mga tao sa paligid, mukhang hindi nga iyon nagustuhan ng mga babaeng estudyante.

Nahihiyang naglalakad ako. Lahat na yata ng mga estudyante rito sa Sylvius school ay nakatingin sa akin at kinikilatis ako. Iniyuko ko na lamang ang ulo ko at naglakad ng mabilis. Baka isipin nila ay nilalandi ko na agad ang bagong estudyante rito. Nakakahiya talaga. 

                              … 

"Why are you here? Are you sick, Jade?" bungad sa amin ni Zale. Kung nagulat siya sa pag punta namin sa clinic, maging ako rin ay nagulat dahil bakit naman siya nandito? Naiilang kasi ako sa kanya. Umiling ako at umupo sa upuan malapit sa lamesa.

"Hindi ako, si Ava," lumipat sa akin ang tingin ni Zale, nagtataka ito at mukhang nag-aalala.

"Why? What happened?" agad na saad ni Zale. Umiling kaming apat. Nagtagpo ang tingin namin ni Zale dahilan kung bakit ako mas lalong nailang.

"Una na kami, Av. Sabihin na lang namin kay sir kung bakit kayo mahuhuli ng pasok ni Zale, bye!" nagmamadali na saad ni Vie. Ngunit bago pa man sila tuluyan na makaalis, kami naman ni Misty ang nagkatitigan, pansin ko ang lungkot sa mukha niya. Napahawak ako sa dibdib ko at nalungkot rin ako dahil sa nakita ko.

"Bakit sumakit ang braso mo?" seryosong tanong sa akin ni Zale habang tinitignan niya ang braso ko na may pasa nga. 

Kahit pa dinadampian niya iyon ng yelo, hindi ko iyon dinadaing dahil si Misty ang iniisip ko.

"M-may nakabungguan ako," muntik ko pa hindi masagot ang tanong sa akin ni Zale.

"I was surprised that you were the one who needed treatment. Palagi kasing si Jade ang nandito, palagi raw masakit ang tiyan niya," pabiro na sabi ni Zale, pilit na tumawa naman ako.

"Okay na, maliit na pasa lang. Iwasan mo na mabunggo ulit, mag-ingat ka kasi palagi," sabi ni Zale, napatingin naman ako sa braso ko at dahan-dahan kong ibinaba ang manggas ng uniporme ko.

"Salamat," saad ko. Ngunit napatigil ako nang maramdaman ko ang pag hawak ni Zale sa kamay ko.

"S-sabay na tayo," nahihiyang sabi ni Zale sa akin, kita ko pa ang pamumula ng mukha niya. Ngunit biglang sumagi sa utak ko ang mukha ni Misty. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa kamay ko.

Hindi pwede, alam kong magseselos at masasaktan si Misty.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dids Boncodin Silvertino
wow mukang maganda Ang storyA
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Happier (Tagalog)    Chapter 2

    Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong hinanap ang aking ina. Nakita ko naman ito sa may kusina na naghahanda ng makakain."Oh? Nandito ka na pala Ava, ba't parang ang aga mo yata?" tanong akin ni mama at nagmamadaling inilapag ang kaldero sa lamesa."May gagawin daw ang teacher namin kaya pinauwi na kami agad. May transferee raw na student," sagot ko na medyo gulat pa, nakatulala kasi ako. Hindi mawala sa isip ko 'yung lalaki na kasama ng guro namin."Bwisit, puro kamalasan at kahihiyan na naman ang nangyari sa akin ngayon. Ang sakit-sakit pa ng braso ko, kaninis," saad ko sa aking sarili at inilapag ko ang bag ko sa sofa."Sana lang talaga ay hindi ko iyon maging kaklase. Ang lakas ng trip, nagalit pa tuloy sa akin ang ibang mga babae doon na patay ka patay sa kanya," muling bulong ko sa aking sarili at naupo ako sa sofa. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ngunit bigla na lang nagsalita si mama.

  • Happier (Tagalog)    Chapter 3

    Pagkagising ko ay wala na ang aking ina. Napakunot na lang ang noo ko dahil may tumatawag sa phone ko, agad ko naman itong sinagot."Ma? Nasaan ka?" tanong ko. Agad naman itong sumagot."I'm sorry sweetie, nasa grocery store ako. May pagkain na d'yan, kumain ka na at baka ma-late ka pa sa school," sabi nito. Kumuha ako ng baso at naglagay ako ng mainit na tubig doon, sunod naman ay naglagay ako ng gatas."Ingat po kayo," sagot ko at ibinaba na ang telepono.Uminom muna ako ng gatas bago pa man ako maligo. Wala akong ganang pumasok, ngunit bawal naman akong tamarin. Ayokong mahuli ako sa mga lessons namin.Naligo na ako at sinuot ang uniporme ko. Nag-ayos na rin ako ng sarili ko at huli kong kinuha ang telepono.Bumalik sa akin ang pakiramdam na naramdaman ko kagabi. Hanggang ngayon ay tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung bakit ba ako naaapektuhan sa mga pa

  • Happier (Tagalog)    Chapter 4

    Nakatulala ako habang iniisip ang sinabi sa akin ng lalaking iyon, na Harris pala ang pangalan. Pakiramdam ko ay hindi ito makatotohanan. There's something in my heart that's unusual. Ngayon lamang ako nakaramdam ng gano'n.Lumulutang lamang ang utak ko habang kinakausap ako ng aming guro. Iniisip ko kung hihintayin ba talaga ako ni Harris sa labas o hindi."Ano ka ba Ava, 'wag mo na isipin 'yung lalaking 'yun. Malay mo umuwi na 'yun kanina pa. Umaasa ka naman," sabi ko sa sarili at biglang na tauhan sa sinasabi ni ma'am."Ava hija, mawawala ako ng tatlong araw. And as a class president i want you to handle your classmates tomorrow. Is it okay?" tanong ni ma'am sa akin.Tumango lang ako at sumagot, "Yes ma'am, don't worry. Mauna na po ako," pagpapaalam ko at umalis na.Dali-dali akong naglakad papunta sa upuan ko kung saan doon nakalagay ang aking bag. Napalingon nama

  • Happier (Tagalog)    Chapter 5

    Medyo nahuli ako ng gising kaya dali-dali akong lumabas ng aking kwarto, nakita ko naman ang ina ko at agad ako nitong inalok na kumain.Habang kumakain kami ay binasag ng aking ina ang katahimikan."Ava, bakit parang palagi ka nalang nakatulala? Is there something bothering you?" tanong ng aking ina na may bahid na pag-aalala."Hindi po, abala lang po ako. Marami na po kasi naming gagawin ngayon. Don't worry," sagot ko habang pilit na tumatawa. Ayaw ko naman na mag-alala ang aking ina."Wag masyadong magpagod Ava, ha? Kung ganon pala ay mabuti, ang akala ko kasi may nanliligaw na sa'yo," sabi ni mama na agad kong ikinagulat at dahilan para mabilaukan ako."A-ano ma? Hindi ah! 'Di ba sabi ko sa'yo nag-aaral ako ng mabuti saka 'yang mga manliligaw na 'yan wala akong paki d'yan ma," ekstrang pagpapaliwanag ko. Napalunok nalang ako dahil sa seryosong tingin na ibinalik n

  • Happier (Tagalog)    Chapter 6

    Pangalawang araw na simula ng lumiban sa klase ang aming guro at ako ang pansamantalang nagbabantay sa mga kaklase ko. Hindi naman naging mahirap sa akin iyon dahil sanay na ako sa mga ganitong bagay, at isa pa dahil kay Harris. Mas magaan sa pakiramdam ko ang pumasok sa eskwelahan at para bang mas masaya ako. Nakaupo na ang lahat sa loob ng klase, si Harris nalang ang wala. Mukhang hindi ata ito papasok, dahilan narin para malungkot ako. Patapos na ang klase ng science teacher namin ng hingal na hingal na pumasok si Harris. Pagod na pagod ito at may butil butil ng pawis sa kanyang noo, pababa sa leeg. Dahilan para mag mukha itong hot. Sumaya agad si ako, agad na nagliwanag ang aking mukha. "Buti nakahabol ka," bulong ko sa aking sarili. Napagalitan si Harris ng Science teacher namin, pagkaupong pagkaupo niya ay tinanong ko

  • Happier (Tagalog)    Chapter 7

    It's the last day na mawawala ang guro namin. Kahit papaano ay makakahinga na ako nang maluwag. Hindi naman masyadong pasaway ang mga kaklase ko ngunit sadyang napapagod lang talaga ako nitong mga nakaraang araw, dahil kay Harris. I'm preparing to go to school when my phone rings. Agad ko itong sinagot. "Hello, bakit Jade?" yanong ko sa kaibigan ko. Bakit naman kaya tumawag sa akin si Jade? "Mahuhuli kami nila Misty saka Vie, kumain kasi kami tapos natapunan ako. Mauna ka na lang, ha? Love you, saka magsasabay naman yata kayo ni Harris. Grabe ka Ava, iniwan mo kami kahapon para lang sabay kayo kumain ni Harris. Sana man lang sinabi mo para nakapagpalibre ako kay Harris, mayaman naman 'yon eh," mahabang usal ni Jade. Na pahinga naman ako ng maluwag, ang akala ko tuloy ay nagtampo na sila Jade dahil sumama ako kay Harris kahapon, hindi ko naman talaga balak na sumama kay Harris,napilitan lang ako dahil hawak niya ang

  • Happier (Tagalog)    Chapter 8

    HARRIS'S POV "Fuck it!" I shouted as I feel angry, "Why I'm annoyed just because of that girl?" I said again and continues driving. It's the first time I feel something different when I'm with Ava, it's not what I usually feel when I'm with other girls. I get it, Ava is different. She's tough, strong, independent, smart, beautiful, sexy, cute. She's completely different from any girl that I dated before. But I feel like I was flying whenever I'm with her. I feel happy and exited, i don't even complete the whole week of class before but I went to school and study everyday just to be with her. Fuck? What is happening to me! I don't want to fall for her! I mean she's cute but I don't think I can play with her. "Nah Arris,you're just afraid that she doesn't like you back and enjoy up being the one who's played." I'll admit it, I like her. But she's not the kind of girl that

  • Happier (Tagalog)    Chapter 9

    AVA'S POV I immediately wake up when I heard my alarm. Pagod na pagod ako at ayaw ko pang bumangon ngunit nakita ko ang pagpasok ni mama sa kwarto ko. Agad akong bumangon at nagkusot ng mata. "Anak Ava, aalis ako ngayon ng maaga dahil may pupuntahan kami ng tita Karen mo. Naghain na ako ng makakain mo nakahanda na ang lahat dahil baka gabihin ako ng uwi. Aalis na ako anak ha?" mahabang sabi nito sa akin at agad naman akong tumango. Mukhang seryoso ang aking ina sa negosyong gagawin niya. Naligo na ako at kumain, pagkatapos ko naman mag sipilyo ay narinig ko na ang boses ng mga kaibigan ko sa labas ng bahay kay dali-dali akong lumabas at isinara ang pinto ng bahay. Habang naglalakad naman kami ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin ang nangyari kahapon. Ang pagtatalo namin ni Harris. Hindi ko naman kasi akalain na siya pala ang nakabangga at dahilan upang magkaroon ako ng ba

Latest chapter

  • Happier (Tagalog)    Author's Note

    Good day! This is Milly or Milly_Melons, the author of this book! I just wanted to say thank you for all the love and support. Maraming salamat sa mga nagbasa, patuloy na nagbabasa at sa mga magbabasa pa lang! Maraming salamat din sa mga nagbibigay ng gems! Kung nakarating ka hanggang dulo, at tinapos mo talaga ang storya ko, maraming salamat po! Ito po ang kauna-unahang storya na sinulat ko kaya ipinapagpaumanhin ko po ang mga grammatical errors, spelling mistakes at iba pa. Sana po ay natuwa kayo sa storya kong ito at nagkaroon ito, o ang mga karakter nito ng espesyal na lugar sa mga puso niyo. I also thank GoodNovel for giving me this opportunity to write and earn while doing my passion, it is really great working with them. Hinihiling ko na hindi rito matatapos ang paglalakbay natin, ako bilang manunulat at kayo, bilang

  • Happier (Tagalog)    Chapter 68

    I put down my pen and stand up. Naglakad ako papuntang pintuan upang pakinggan ang ingay na nanggagaling sa labas ng opisina ko."Naglalaro na naman sila," i whispered and smiled.Dahan-dahan na binuksan ko ang pintuan at doon bumungad sa akin ang mga hagikgik ni Vaia. Ang anak namin."Are you playing again with Dammy?" tanong ko at saka lumuhod upang magkapantay kami nito."Dammy said it's okay to play. I already finished my homeworks mommy.""Are you sure?" lumingon ako sa paligid."I don't want you to fail your class."Lumapit ito sa akin at hinawakan ang dulo ng summer dress na suot ko. This girl really. She's using her beautiful eyes to me again."I will not fail, mommy. I promise, i will not forget my studies."My mouth curved into a smile. Itong ugali niya na ito ang namana niya sa akin. Sh

  • Happier (Tagalog)    Chapter 67

    Tumayo ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang mabigat niyang kamay na naglalandas sa aking hita...pataas sa aking dibdib."N-ngayon?" napalunok ako at napahawak sa unan."Yes, ngayon. May ibang oras pa ba?""H-hindi k-kasi—""I want to do it, now."Ibinaba ni Harris ang katawan niya upang mahalikan niya ako. Noong una ay wala sa isip ko ang gumanti sa halik niya ngunit dahil sa malikot na dila niya ay hindi ko namalayan na nakikipagtastasan na pala ako ng halik sa kanya.Iniharap niya ako sa kanya at tuluyan na siyang pumatong sa akin. Mas lumalim naman ang halik niya sa akin.Napasinghap ako nang maghiwalay ang mga labi namin ni Harris. Humagilap ako ng hangin dahil halos maubusan na ako ng hininga dahil sa paghahalikan namin."H-harris...""Take off your clothes."

  • Happier (Tagalog)    Chapter 66

    8 na ng gabi nang maisipan ni Harris na umuwi muna upang makapagpahinga siya sa bahay nila. Sabay kaming bumaba ng hagdan habang si Harris ay nakaakbay sa akin.Ngunit sabay kaming nagulat nang makita namin ang isang bisita na hindi namin inaasahan na darating..."Anak, nandito si Zale," anunsyo ni mama kaya sabay kami na napatingin ni Harris sa sofa. Doon nga ay nakita namin si Zale na nakaupo na mukhang naghihintay sa amin.Samantala, naramdaman ko naman ang pag-iba ng sitwasyon. Tumingin ako kay Harris at kita ko ang madilim na mukha nito."Are you okay?"Tumango lang ito sa akin ngunit madilim pa rin ang mukha niya. Hindi ko na lang ito ininda at dumiretso na ako sa paglalakad papuntang sofa upang batiin si Zale."Zale! Kumusta?" paunang bati ko kay Zale. Nag-angat naman ito ng tingin sa akin at agad akong nginitian. Grabe ang pinagkaiba niya ngayon

  • Happier (Tagalog)    Chapter 65

    Nagising na lang ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Nakita ko na iniluwa nito si mama kaya agad akong tumayo. Lumapit sa akin si Mama at mahigpit na niyakap naman ako nito."Kumusta ang pakiramdam mo, anak?"Umayos ako at hinigpitan rin ang yakap ko sa aking ina."M-medyo masakit lang po ang katawan," saad ko."Pinag-alala mo ako...akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo, Ava. Hindi ko rin matatanggap kung tuluyan na masasaktan ka ni Misty..."Unti-unting lumuwag ang yakap namin ni mama sa isa't isa. Tumingin lang ako sa mukha ni mama na puno ng pag-aalala sa akin. Ngumiti ako at muling niyakap si mama."Okay na po ako, tignan niyo nga po, oh. Nayayakap niyo pa po ang anak ninyo," biro ko at mahinang tumawa."Anong nararamdaman mo? Nagugutom ka ba? Ipaghahanda kita ng pagkain."Tumayo si mama ng hig

  • Happier (Tagalog)    Chapter 64

    "I'm telling you, Misty. Stop being obsessed with Harris's girl. What's the point of killing her, anyway?""To get my fucking revenge? Naghintay lang ako ng limang taon para sa wala dahil sa 'yo!"Napalunok ako dahil sa naririnig kong usapan nila. Kahit na lumayo sila sa akin at may manipis na harang, rinig ko pa rin iyon. Nagpatuloy na lang ako sa pagsipsip ng sabaw na ibinigay sa akin ng lalaki na ang pangalan ay Nico."Stop attacking her. Kapag pinagtangkaan mo na naman siyang saktan, ikukulong talaga kita sa condo."Mayamaya pa ay lumabas na silang dalawa. Parang pusa na kumalma si Misty ngunit masama pa rin ang tingin sa akin nito. Si Nico naman ay nakangiti lang sa akin."K-kailan dadating si H-harris?" kinakabahan na tanong ko. Hindi na ako natatakot sa kanilang dalawa, ngunit ang nasa isip ko ay kailangan ko na makaalis dito sa lugar na ito."Don't worry. I already contacted him. I just hope he doesn't call the police.""Of co

  • Happier (Tagalog)    Chapter 63

    Nagising na lang ako nang maramdaman ko malamig na hangin na dumapo sa balat ko. Iginala ko ang tingin ko sa paligid at nagsitayuan ang mga balahibo dahil sa nakita.Medyo madalim, sobrang tahimik ng lugar, halatang abandonado ang lugar."Mabuti naman at gising ka na," lumingon ako sa aking gilid at nakita ko doon si Misty na nay buhat na timba na puno ng tubig. Lumapit ito sa akin at ibinuhos iyon mismo sa ulo ko. Mas lalo naman akong nagising dahil sa malamig na tubig na iyon."You really think you're a princess, huh? After being liked by so many boys, you convinced yourself that you're a princess."Binato ni Misty ang hawak niya na timba na nakagawa ng malakas na tunog. Mas lalo naman akong matakot. Ang lugar na ito ay siguradong tago at hindi masyadong mahahanap. Isa pa, pakiramdam ko ay walang titulo sa akin dito."M-misty..." bulong ko habang nagsisimula ng manginig ang aking katawan."Do you think someone will save you her

  • Happier (Tagalog)    Chapter 62

    "H-hello? Yes, i just wanted to ask if Harris is there? Oh— okay...thank you, bye."Nilapag ko ang telepono ko sa lamesa at hinawakan ko ang ulo ko at hinilot iyon. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Misty kagabi.Kinuha ko na ang bag ko at sumakay sa kotse ko. Nakabihis na ako kanina pa dahil simula nang tawagan ako ni Misty, hindi na ako muling nakatulog.Tinawagan ko ang sekretarya niya kanina. Wala raw si Harris, ang sabi sa kanya magiging busy ito. Simula rin daw nang umalis ito kagabi ay hindi na bumalik ng office. Kaya napapaisip ako..."N-no! H-he can't do that! Harris will not cheat on me..." mahina na pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nagmamaneho.Huminga ako nang malalim. Hindi pa rin ako mapakali kaya naman kinuha ko ang telepono ko sa katabi kong upuan habang nagmamaneho. Tinignan ko iyon upang malaman kung tinawagan o kung nag-text man lang sa akin si H

  • Happier (Tagalog)    Chapter 61

    Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Misty. Humakbang siya ng isang beses at huminto. Ako naman ay palihim na umaatras."Why? Hindi mo ba ako gustong makita? Come-on, hindi ka ba nabitin? Hindi mo ba ako na-miss? Five years kang nawala, ah."Tumawa siya. Napansin ko naman na ang kamay niya ay nasa bulsa lang ng itim na jacket na suot niya. Posibleng doon niya itinatago ang armas niya. Kailangan kong mag-ingat dahil mahirap na, baka maulit muli ang nangyari noong nakaraang Linggo. At baka hindi na ako swertehin ngayon."S-seryoso ka ba talaga sa mga binabalak mo?" pinilit kong hindi ipahalata na hindi ako natatakot sa kanya. Tumigil ako sa pag-atras at ganu'n din siya, tumigil siya sa paghakbang."Oo. Masaya 'to. Hindi ka ba nag-e-enjoy?""Misty, bakit mo 'to ginagawa?" napalunok ako. Ibang-iba na siya. The way she speaks and the words that is coming from h

DMCA.com Protection Status