Share

HOLD ME, EX-CONVICT
HOLD ME, EX-CONVICT
Author: Ms_SnowWhitee

PROLOGUE

Author: Ms_SnowWhitee
last update Last Updated: 2021-05-27 18:15:16

  NAIINIS na tinarayan ni Yesha ang mga lalaking kanina pa sumisipol sa kanya. Alam niya na malakas ang karisma niya at hindi naman niya maitatanggi na siya ang itinanghal na pinakamaganda sa kanilang baranggay. Marami ang sumusubok na manligaw sa kanya pero maski isa ay walang pumasa. May mga may hitsura rin naman pero wala roon ang pasok sa standard niya. Dahil na rin sa hirap ng buhay ay isa sa mga pangarap niyang maging asawa ay ang isang mayaman at kaya siyang alisin sa lugar na kanyang kinalakihan. 

  "Pumayag ka na, oh. Mag-date na tayo," pangungulit ni Cardo na isa rin sa mga hamak niyang manliligaw. May hitsura naman ito pero hindi niya gugustuhing pagbigyan dahil nga katulad niya ay mahirap lang din ito. Ano na lang ba ang mangyayari sa kanila kung sakaling maging isa? Baka ang buhay prinsesa niyang pangarap ay maging isang katulong na lamang at tama lang silang magdildil ng asin para lang may makain.

 "Pwede ba, tigil-tigilan mo ako? Ilang beses ko bang kailangan na sabihin sa 'yong wala sa inyo ang gusto ko!" ayaw man niyang tarayan ito ay hindi niya maiwasan. Hindi niya maiwasang hindi ito pagsalitaan. Mabuti na nga lang at may preno pa kahit papaano ang bibig niya. "Sungit mo naman." tuluyan na siyang tinalikuran ng lalaki. Ngunit kahit na gano'n ay hindi siya nakaramdam ng kahit na kakaunting sisi sa sarili. Mas pabor pa nga siya na huwag na magpapansin ang mga ito. Sa t'wing lalabas siya maya-maya't may nalapit sa kanya, hinihingi ang numero niya at kung minsan naman ay inaaya siyang lumabas na akala mo naman ay kaya siyang dalhin sa pinakamahal na restaurant na kanyang naisin. Maarte na kung maarte pero hindi siya ikakasal sa isang taong mas mahirap pa sa daga. Hinding-hindi siya papatol sa isang lalaking walang pera. 

  "Oh, anak. Bakit ngayon ka lang?" pagod na niyakap niya ang ina niya. Bakas na rin sa mukha nito ang katandaan. Kaya naman siya na lamang ang naghahanp ng trabahong pwede niyang mapasukan upang may maitulong sa bahay nila at sa gayon ay mapatigil na rin niya ito sa paglalabada. "Hindi po ako natanggap sa pinag-apply-an ko kaya naman po sinubukan ko pang maghanap. Tapos syempre, dahil maganda ako, naharang na naman ako." natatawang pinakinggan lang siya ng ina niya. Tinulungan na rin niya itong maghanda ng makakakin upang mas mapabilis dahil kanina pa rin humahapdi ang sikmura niya. Hindi siya nakakain ng tanghalian dahil wala naman siyang sapat na pera para pa kumain sa mga kalenderya na madadaanan. 

  "Anak, kailan mo ba balak magnobyo? Aba'y wala ka pang pinapakilala sa akin kahit na isa," muntik siyang mabilaukan sa tanong ng ina niya. Naramdaman niya ang pag-init ng lalamunan niya. "Nay! Alam niyo naman na wala rito ang mga gusto ko 'di ba? At saka, alam niyo naman po kung ano ang gusto ko sa isang lalaki. At wala pa akong nakikitang gano'n." natatawang uminom ng tubig ang ina niya. Alam niyang palagi siyang pinapaalalahanan ng ina ngunit ayaw niyang makinig.

  "Anak, ilang beses ko na inulit sa iyo ito at ngayon ay uulitin ko na naman. Huwag kang maghangad ng mayaman na magmamahal sa iyo. Hangarin mo yung taong tanggap ka, anuman ang estado ng buhay mo." alam niyang may punto ito. "kaya nga inay ang hahanapin ko ay yung taong tatanggapin ako kung sino ako at kung ano ang estado ng buhay natin... pero dapat mayaman!" napabuntong-hininga na lamang ang nanay niya. Alam naman niyang hindi dapat siya maghangad ng ganoon kataas dahil hindi naman natin lahat sigurado kung kanino mahuhulog ang puso natin. 

  Matapos kumain ay siya na mismo ang bumuluntaryo na maghugas ng pinagkainan. Pinagpahinga na niya ang ina niya sa taas. Matapos maghugas ay napagpasyahan niyang lumabas para bumili ng yelo. Gabi na pero uhaw na uhaw at init na init pa rin siya. "pabili nga po ng yelo!" tawag niya sa tindera at kaagad naman itong lumabas. Iyon nga lang, nakakunot kagaad ang noo nito na para bang takot na maistorbo. 

  "Ano ba 'yan, kung kailan gabi na saka pa bibili," kakamot-kamot sa ulong reklamo nito. At dahil wala siya sa mood na makipagtalo ay pinatulan niya ito. "Edi sana hindi kayo nagtindahan." hindi naman na umimik sa kanya ang tindera, bukod sa pagkakakilanlan na maganda ay kilala rin siya bilang isang Supladita, mataray at maarteng babae sa baranggay nila. Pero wala naman siyang pakielam, pakiramdam pa nga niya ay pinupuri siya kapag tinatawag siyang maldita.

 "Anong bibilhin mo?" masungit pa rin ang tono ng boses ng tindera. "Yelo sana, yung kasing tigas ng ulo ko at pwedeng ipanghampas sa ulo mo." tinarayan na lang siya ng tindera kaya naman, tinarayan din niya ito pabalik. Kaagad nitong iniabot ang yelo. Matapos niyang magbayad ay kaagad na niya nilandas ang pauwi sa bahay nila pero bago pa man siya makatawid ay isang rumaragasang sasakyan ang muntik na makahagip sa kanya. Huminto naman ito kaagad sa harapan niya, iilang dangkal na lang yata ang layo nila at kung hindi ito nakapag-preno ay baka wala na ang pinakamaganda sa baranggay nila.

  "Ano ba?! Hindi ka ba marunong magmaneho?" pang-aaway niya sa driver kahit na hindi niya ito nakikita dahil nga tinted ang sasakyan. Ilan beses pa siyang nagsisisigaw bago lumabas ang driver at halos malaglag ang panga niya nang makita ang gwapo nitong mukha. "Amporchop! Ang gwapo!" wala siyang pakielam kahit pa na marinig siya nito at kung ano man ang mga kahihiyan niya sasambitin. 

  "Miss, are you okay?" ramdam ni Yesha ang iritasyon sa boses nito ngunit wala roon ang atensiyon niya. "Ehe, I'm Yeshe-- ah este Yesha. Ekew be? ene neme me?" idinuduyan-duyan pa niya ang sarili at mukhang mas nairita lang sa kanya ang lalaki. 

  "Miss, can you please talk properly?" bigla siyang natauhan at saka dinapot ang yelo na nailaglag niya. "Hoy! Bayaran mo ako, sinagasaan mo ako!" pagkakataon na niya ito upang mahuthutan ng pera para may makain sila kinabukasan. Pero sa mukha ng lalaki ay parang walang balak panagutan ang ginawa niya.

   "Bakit kita babayaran? Mukhang wala ka namang damage?" bigla siyang nakaramdam ng iritasyon, ito na nga lang ang pagkakataon niya na magkapera ay magiging bato pa. "nasaktan ako, okay? Hindi lang mahalata kasi maganda ako. Kaya bayaran mo na ako." wala namang nagawa ang lalaki kundi ang ilabas ang wallet. Pasimple niya iyon sinilip ngunit sinamaan siya nito ng tingin. 

  "Magkano ka?" seryosong tanong nito sa kanya. Lihim naman na nagdiwang ang puso niya. "Kung yung damage lang ay limang libo at kung ako mismo gusto mong iuwi ay limang milyon. Iyon ang halaga ko." nakita niya ang pangisi nito sa kanya. 

  "limang milyon?" tanong nito kay Yesha. At kahit na hindi niya alam kung seryoso ba ito o nagbibiro lang din katulad niya kaya tumango siya. "Oo, limang milyon." 

 "Okay, 5 million," ilang ulit pa siyang napakurap dahil sa gulat. "a-are you serious?" maramig senaryo ang pumapasok sa utak niya. Kung papayag siya ay magkakalimang milyon siya, ang kaso ay iuuwi siya nito. At kung hindi naman siya papayag ay mabobokya siya. 

  "mukha ba akong nagbibiro?" sandali pa niyang pinagmasdan ang mukha nito. "iuuwi m-mo ako?" tumango ito.

  "Kailangan ko ng katulong at mukhang papasa ka roon." bigla siyang nainsulto sa sinabi nito kaya naman kaagad na tumalim ang paningin niya. "Sa ganda kong ito? Gagawin mo lang akong katulong? What the fvck?! Maraming naghahabol sa akin tapos pagkukuskusin mo lang ako ng inidoro?" hindi pa rin nagbabago ang walang emosyon na mukha ng lalaki. 

 "by the way, when ba ako mgsisimula?" saglit pa itong ngumisi sa kanya. Aba! Hindi na siya magpapakatumpik-tumpik pa. Biyaya na iyon. "babalik ako rito bukas, kakausapin ko ang lawyer ko para magpagawa lang ako ng kasunduan na bibigyan kita ng limang milyon pero magiging katulong kita." hindi niya alam kung bakit kailangang may kasunduan pa. "mahirap na baka takasan mo ako. At kapag hindi ka naman tumupad sa kasunduan... kakasuhan kita. 

Tinarayan na lamang niya ito. Wala naman kasi siyang magagawa, alam naman niyang ganito ang tingin ng mga mayayaman sa lahat ng dukha na para bang hindi ito gagawa ng mabuti. "Okay, pero bukod sa limang milyon sasahuran mo ako." inilahad niya ang kamay niya rito at kaagad naman siyang kinamayan no'n. Nang makaalis ito ay umuwi na rin siya, hinugasan na muna niya ang yelo na nahulog bago ito inilagay sa pitsel. 

  Mabuti na lamang pala at may malamig na tubig dahil kanina pa siya hindi makatulog kakaisip sa nakausap nito kanina. Hindi niya alam kung totoo iyon, kung tutuparin ba ito ng lalaki. At kahit na iniisip niya na baka mema lang iyon ay umaasa siya na kahit papaano ay totoo. Kung magkataon na totoo iyon ay ma-so-solve na ang problema niya. Bukod sa may limang milyon na siya, magkakaroon din siya ng trabaho. Ilang oras pa siyang nanatili kakaisip sa nangyari bago niya napagpasyahan na pilitin ang sariling makatulog. 

  KINABUKASAN ay maagang gumising si Yesha, maaga rin siyang gumayak at nag-ayos. Hindi naman kasi niya alam kung anong oras darating ang lalaking iyon kaya naman napagpasyahan niyang maghanap na lang din muna ng trabahong ma-a-apply-an. Ayaw din naman niyang umaasa roon dahil baka nagyayabang lang ito sa kanya kahapon. Imagine, sinong tao ang parang magtatapon lang ng limang milyong piso para lang sa katulong? At bukod pa ang sasahurin. Baliw lang siguro ang gagawa no'n o 'di kaya naman ay isang taong may sakit sa pag-iisip. 

  "Nay, aalis na po muna ako." paalam niya sa ina. Hindi ito sumagot kaya naman lumabas siya atsinilip ito. Napasandal siya sa hamba ng pinto nang makita niyang naglalaba ito. Sobrang dami ng labahan nito at alam niyang bago na namang kuha ng ina niya iyon. Dati madalas din siyang kutyain sa paaralan nila dahil sa buhay na mayroon siya kaya naman ay napagpasyahan niyang huwag na lang ituloy ang pag-aaral. Huminto siya matapos ang grade12 kaya hirap din siyang maghanap ng trabaho. Hinahanapan siya palagi ng diploma patunay na nakapagtapos nga siya ng kolehiyo. 

  "Nay, aalis po muna ako. Magbabakasali muna ako sa bayan kung may pwedeng mapasukan." nginitian siya ng ina niya. Humalik na lamang siya sa pinsngi nito bago tuluyang umalis. "bayan lang po." abot niya ng bayad. 

  Pagkahinto ng jeep ay kaagad siyang bumaba. Nagtanong-tanong siya sa bawat tindahan na madadaanan kung kailangan ba ng mga ito ng tindera. "Hello po, good morning. Pwede po ba mag-inquire?" may sinabi ang isang tindera sa kasama at umalis naman iyon. 

  "Sandali lang, pinapatawag ko lang si Bossing." tumango siya at bahagyang pinagmasdan ang loob ng sari-sari store. Hindi ito kalakihan pero sobrang dami ng mga paninda, at mukhang malakas din naman ito kung kumita. "Ano 'yon?" tanong ng isang lalaki na may edad na. HIndi ito katangkaran pero halatang bigatin ang dating. 

  "Magtatanong lang po sana kung kailangan ninyo ng tindera?" bahagya pa itong napaisip, "anong pangalan mo?"

  "Yesha Calixro po." tumango-tango ito at seryosong tumitig sa mata niya. "Ilang taon ka na?"

  "20 years old po, highschool graduate." muli itong tumango at tila nag-iisip ng mga sunod pang itatanong sa kanya.

  "Marunong ka ba magbilang?" siya naman ang tumnago. Gusto niyang sabihin dito na palagi siyang nangunguna dati sa math nila. "19 + 24" 

   "43,"

  "5673 x 56?"

  "317, 688" tumango naman ito at ngumiti dahil sa bilis ng pagsagot niya. "okay, tatawagan ka na lang namin." inilahad nito ang kamay kaya naman iniabot niya rito ang biodata na hawak-hawak niya. Malakas ang loob niya na kukuhanin siya rito kaya naman nakangiting nagpaalam na siya. Dumiretso na siya ng uwi dahil kahit papaano ay may kumuha na rin ng biodata niya. Masakit na rin ang paa ni Yesha dahil sa paltos kaya naman kaagad niyang inihubad ang suot na sapatos pagkauwi na pagkauwi. 

  "Nay, narito na ako." tanghali pa lamang ay nakauwi na siya. Napagpasyahan na lang din niya na tumulong sa pagluluto at matapos nilang kumain pareho ay sabay din silang naglaba. Ayaw pa sana siyang patulungin nito ngunit nagmatigas siya. Ayaw naman niyang nakikitang ganito karami ang labada nito. Inabot sila ng alas singko ng hapon sa dami ng labahan at napangiti siya nang makitang ililigpit na lang ang mga pinaggamitan nila. 

  Itinabi ni Yesha ang planggana at tabla. Pagkapasok niya ay natutok ang paningin siya sa ina na nakaupo sa isang mahabang upuan na gawa sa kahoy at nakasandal ang likod nito. Alam niyang sobrang sakit niyon dahil siya nga na sandali lang naman tulong parang mababali na ang likod, iyon pa kayang mula pagkagising ay nagsimula na kaagad mglabas. Nng pumatak ang alas sais ay hindi niya maiwasan ang madismaya dahil wala ngang sumulpot na lalaki tulad ng sinabi nito kahapon. Tama nga lang ang desisyon niya na hindi umasa rito dahil kung ginawa niya iyon ay baka hindi pa siya nakapaghanap ng trabaho. 

  "Nay, kain na po tayo." siya na nag nagluto at naghain. Tahimik lamang silang dalawa hanggang sa matapos. Sinabihan na lang din niya ito na magpahinga na dahil nga alam niyang masakit na ang katawan nito. Naghintay pa siya hanggang alas nuebe ng gabi bago niya tuluyang magpasya na matulog. Alam naman niyang hindi na iyon darating. Hindi nga siya nagkamali, sino nga naman kasi ang magbibigay ng gano'n kalaking halaga. Siguro kung kasama lang nila ang ama nila ay baka hindi ganito ang buhay na meron sila. Baka may maayos silang tirahan, nakapag-aral siya, hindi na niya kailangang maghanap ng tyrabaho. May pera ang angkan ng pamilya nito, at dahil nga ang ina niya ay wala noon, hindi sang-ayon ang laat sa relasyon nila. Namatay ang ama nila sa sakit na brain tumor, wala naman silang panggastos dahil kulang ang kinikita ng ina niya sa paglalabada. Naubos din naman ang pera ng ama niya sa mga gamot dahil umaasa sila na gagaling pa ito. Kahit naman na naghihirap sila ngayon, hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa ama niya. Sa tutuusin ay nagpapasalamat pa siya dahil kahit papaano ay binigayan siya ng pagkakataon na makasama ito. 

  NAGISING si Yesha sa sunod-sunod na katok ng ina niya. Napakamot na lamang siya sa ulo niya dahil sa ingay at mabigat pa ang pakiramdam niya. Napuyat siya kakaisip sa maraming bagay at masama pa rin ang loob niya sa walang kwentang kausap niya noong nakraang araw. "anak bilisan mo, mag-aalmusal na." taka siyang napatayo at pinagbuksan ang ina. 

  "Almusal, nay?" hindi makapaniwala niyang tanong dito. "Oo, nakahanda na ang almusal." mas lalong nangunot ang noo niya. 

  "Kailan pa tayo nag-almusal? Nay naman, kung sinasabi mong hindi na tayo manananghalian mamaya ay huwag na lang. Magmumumog lang ako." paalam niya sa ina.

  "Oh siya bilisan mo pa rin, almusal na!" sigaw naman nito sa kanya. Gano'n kasi sa kanila. Magkasama na ang tanghalian at ang almusal at kapag nananghalian ka, hindi ka mag-aalmusal. Kapag naman nag--almusal ka ibig sabihin no'n ay wala ka ng pananghalian. 

  Mabilis lang siyang nagmumog at hindi na lang din muna nagsuklay. Kaagad siyang bumaba at nagtungo sa lamesa. Nanlaki ang mata niya nang makita ang lalaking naka-corporate attire "a-anong ginagawa mo rito?" sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Ito yung lalaking muntik na makasagasa sa kanya. 

  "Hindi ako nakapunta kahapon dahil nagkaroon ng emergency sa office ko. Kaya naman ngayon ko na lang naisipan." maingat na hinila niya ang upuan at naupo roon. "A-ah, ahm. A-ano pala kailangan mo?" naupo rin ang ina niya sa tabi niya. 

 "tulad ng napag-usapan natin, here's the contract. Basahin mo muna bago mo pirmahan." napabaling siya sa ina niyang nakakunot na ang noo at halatang naguguluhan. Kaagad niyang inabot ang papel at binasa iyon. Nakalagay roon na stay-in siya at pwede siyang um-absent ng tatlong beses sa isang buwan.

  "yung sahod ko?" 

  "Nasa baba," kaagad niyang tiningnan ito at halos magningning ang mata niya. Limang libo sa isang buwan. Isang linggo para sa isang libo. Nakangiting hiniram niya ang ballpen at pinirmahan iyon. "nay, may trabho na ako." hindi niya naiwasang yakapin ang ina niya. 

  "Mag-iingat ka roon anak, ha. Mukhang mabait naman amo mo." tinanguan na lamang niya ito. "you can move tomorrow. At tulad ng napag-usapan, here's the 5 million pesos." nangingintab ang mata niyang tumingin sa isang itim na bag kung saan nagkakahalaga ng limang milyong piso. "sobra-sobra na ito hijo."  umiling ito sa nanay niya.

  "don't mention it." hindi niya maiwasang mapangiti sa labis na kasiyahan. Kung sana nalaman niya noon pa lang na dapat pala ay kailanganin niya bumili ng yelo at muntik masagasaan, matagal na sana siya yumaman.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ruby Ann Tibig Abe
wow, ganda ng story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • HOLD ME, EX-CONVICT    CHAPTER 1

    NGAYON ang simula ni Yesha bilang isang katulong kina Shawn Rios. Kagabi pa lamang ay iginayak na niya ang mga gamit na dadalhin niya. Ipinaliwanag din naman niya sa nanay niya kung ano ba talaga ang nangyari, at bukod doon ay naisipan nila ng nanay niya na bumili na lang ng bahay gamit ang pera at ang natira ay sisimulan nilang gamitin para sa isang maliit na negosyo. Naisipan din ni Yesha na mag-aral muli pero mag-iipon muna siya at ang gagamitin niyang pera ay yung sa kikitain niya sa pangangatulong. Napatayo siya kaagad nang marinig ang pagtawag ng ina niya na nariyan na raw si Shawn. Hila-hila ang maleta na bumaba siya. "Ma'am let's go." sabi nung driver. Niyakap ni Yesha ang ina bago nagpaalam na aalis na siya. Pagkasakay niya sa isang limousine ay hindi maalis ang tingin sa kanya ng mga kapitbahay. Nakalabas ang mga ito na para bang isang artista ang dumating. "G-good morning," bati niya kay Shawn ngunit inismiran lamang siya nito. "sung

    Last Updated : 2021-05-27
  • HOLD ME, EX-CONVICT    CHAPTER 2

    MAAGANG gumising si Yesha dahil may trabaho siya. Hindi pa rin siya makapaniwala na ngayon heto na, hindi na niya kailangan pang gumising ng maaga para maligo at magpagala-gala sa mga daan. Hindi na niya kailangang tingnan ang bawat sulok kung may pwedeng mapag-apply-an. Sino nga ba naman kasi ang mag-aakala na magkakaroon siya ng limang milyon dahil lng sa muntik na siyang mabangga. Kung nalaman lang sana niya ng gano'n kaaga hindi na sana siya nagpakahirap pa at matagal na siyang dumipa sa highway para lang magpasagasa.Sinipat niya ang kanyang mukha sa may salamin. Alam niyang maganda na siya kahit hindi mag-ayos pero ayaw naman niyang magmukhang katulong talaga sa bahay ng amo niya. Pangarap niyang maging isang prinsesa at ngayong may palasyo na siya, prinsipe na lang na papakasalan siya ang kulang.Mabilis siyang naligo at sinuot ang t-shirt niya. Pinartneran niya ito ng maong na short at saka sinuklay ang mahaba niyang buhok. Kahit papaano ay nagpapasalamat siya

    Last Updated : 2021-08-01
  • HOLD ME, EX-CONVICT    CHAPTER 3

    NAPANGITI si Yesha nang pagmasdan ang sarili sa salamin dahil maski siya ay hindi nakilala ang sarili. First time niyang mag-ayos at talagang naglagay pa siya ng make-up. Light lang iyon pero nag-uumapaw na kaagad ang kagandahan niya na maski siya ay humahanga na rin sa sarili. Ilang minuto pa siya nanatili sa loob ng kanyang silid bago niya napagpasyahang lumabas nang may ngiti sa kanyang labi. "Hi, tara na po, boss!" kaagad na nag-angat ng tingin sa kanya si Shawn dahilan para mamula siya. Bahagyang umawang ang labi ng lalaki ngunit kaagad din naman iyon nawalan ng emosyon kasabay ng pagtikhim. "let's go." bumaba ang tingin nito sa suot niya. "Bakit ganyan ang suot mo?" May pagmamalaki siyang ngumiti rito. "Syempre, ibabalandra ko lang naman ang kagandahan ko sa opisina mo. Malay natin 'di ba? May magkagusto sa 'kin," aniya sabay ngiti. "Sa opisina ko tayo pupunta, hindi sa bar. Go upstairs and change your fvcking clothes. We

    Last Updated : 2021-08-02
  • HOLD ME, EX-CONVICT    CHAPTER 4

    NATATAWANG pinagmasdan ni Yesha ang mukha ng sekretarya ni Shawn. Bakas kasi sa hitsura nito ang labis na pagkadisgusto sa nakikita. Well, maski naman siya ay nahihiya sa pinaggagagawa niya pero gusto pa niyang makita kung paano sumabog ang babaeng ito sa inis. Gusto niyang makita ang sinasabi ni Shawn na 'warfreak' ito. Ang tanong, warfreak nga ba? O hanggang tingin lang siya?"Ano pang ginagawa mo rito?" taas-kilay niyang tanong sa secretary. Padabog na lumabas ito dahilan para tubuan na siya ng hiya dahil ngayon, silang dalawa na lang ni Shawn.Tumikhim siya bago mabilis na tumayo. Dahil sa pamumula ng kanyang pisngi, walang lingon-lingon na bumalik siya sa pwesto kanina bitbit ang ice cream. "Yesh---""Ininis ko lang ang secretary mo." depensa niya. Ayaw niyang bigyan iyon ng kahulugan ni Shawn. She just want to make Shawn's secretary jealous and uncomfortable. At mukhang bonus pa ang inis nito dahil sa ginawa niya.Mainis ka pa lalo, malandi!

    Last Updated : 2021-08-03
  • HOLD ME, EX-CONVICT    CHAPTER 5

    PAGKAUWI nila sa bahay ni Shawn, kaagad na inilahad ni Yesha ang kamay niya sa harap ng lalaki. Time to pay, Mister. Sayang ang limang libo na ibibigay ng lalaki sa kanya kanina. Pero mas malaki ang offer ni Shawn.Shawn slowly rolled his eyes to her and gave her 20 thousand pesos. "Thank you!" she happily said."Welcome. Next time, huwag kang tumingin sa iba." umawang ang labi niya sa sinabi nito. Hindi na siya nagkaroon pa ng panahon para magtanong dahil kaagad siyang tinalikuran ng lalaki. Minsan naguguluhan na rin siya sa ugali nito. May time na masungit, tapos biglag bumabait tapos ngayon nagsusungit na ulit."Hmp!" inismiran niya ito.Hindi na niya pinansin ang pagtalikod sa kanya ng lalaki dahil malawak ang ngiting ipinapaypay niya sa kanyang mukha ang pera. Well, easy money. Mayaman ang amo niya. Good news 'yon. Hindi rin ito kuripot dahil para nga lang itong nagtatae ng pera.Sana pala maraming magpa-picture sa kanya para marami rin ang ma

    Last Updated : 2021-08-04
  • HOLD ME, EX-CONVICT    CHAPTER 6

    ABALA si Yesha sa pagtitklop nang marinig niya na may kausap si Shawn. After siyang singhalan nito kanina ay hindi na niya pinansin pa ang lalaki. Naiinis siya rito at wala siyang balak na kausapin ito. Pinangarap niya na magkaroon ng trabaho pero hindi ng amo na nanininghal. Bigla tuloy kumulo ang dugo niya sa lalaki.Ang pangit ng ugali mo! Hmp!Padabog na inilagay niya ang damit nito sa closet at saka padaskol 'yong sinara. Wala siyang pakielam kung masira niya ang closet ni Shawn sa inis. Hindi niya kailangan ng amo na walang modo, akala pa naman niya ay mabait ito at kalmado. Hindi man lang marunong kumausap nang kalmado."Nakakabwiset talaga!" kanina pa siya inis na inis at hanggang ngayon naiirita pa rin siya. Ilang araw pa lamang sila pero ganyan na siya nito tratuhin. Huwag lang talaga mas malala pa sa singhal ang gawin nito dahil makakasakal talaga siya. Kahit amo pa niya ito!OA na kung OA pero inis na inis talaga siya. Ni minsan sa talambuhay

    Last Updated : 2021-08-04
  • HOLD ME, EX-CONVICT    CHAPTER 7

    NAMUMULA ang mukha ni Yesha habang hindi makapaniwala sa nangyayari. Bakit ba kasi ito nagpapagala-gala?! Hindi ba ito aware na may kasama siyang babae?"Fvck!' mabilis na tumalikod si Shawn dahilan para maita niya ang pang-upo nito. Ghad! Nakakabaliw ito! Yesha, think! Paganahin mo ang utak mo! "Don't fvcking stare at my butt!""Shit!" mabilis siyang tumalikod at patakbong bumaba sa kusina. Sapo-sapo niya ang kanyang ulo habang ang isang kamay naman ay hinihilot ang kanyang sintido."Holy shit! My virging eyes." kumuha siya ng isang baso ng tubig at mabilis iyong nilagok. Ilang ulit siyag umiling para makalimutan ag nakita pero para itong sirang plaka na paulit-ulit sa kanyang isipan. "Nagkakasala ako nito, e!"Ilang beses pa siyang huminga nang malalim. Naubos na niya ang tubig at kumuha ng panibago pero hindi pa rin kumakalma ang puso niya.Nanginginig na dinukot niya ang cellphone at saklla mabilis na tinawagan ang kanyang ina."Hello, a

    Last Updated : 2021-08-05
  • HOLD ME, EX-CONVICT    CHAPTER 8

    HINDI makapaniwala si Yesha habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa labas ng bahay nila. Ang ina naman niya ay magiling na kinausap ang lalaki."A-anong?" hindi niya natuloy ang sasabihin dahil biglang sumingit ang mama niya. "Anak, gusto raw ni Mr. Rios na manatili rito ngayong gabi. Gusto rin daw niya siguraduhin ang siguridad ng ating tahanan." Napairap na lamang si Yesha dahil alam niyang hindi talaga iyon ang pakay ng lalaki kung bakit ito narito ngayon."Pasok po kayo, Mr. Rios." hindi na nakakibo si Yesha dahil magalang na pinapasok ng ina niya ang lalaki. Nang magtama ang paningin nila ay iningusan niya ito. "Salamat ho.""Ay, naku! Kung hindi naman po dahil sa inyo e hindi naman kami magkakaroon ng maayos na tirahan ng aking anak. Alam mo na, unfair naman kasi ang mga tao. Hindi nila tinatanggap sa trabaho itong anak ko kasi hindi raw tapos ng kolehiyo." tahimik lamang na nakikinig si Shawn samantalag siya naman ay nagtungo sa kusina para kumuha ng ip

    Last Updated : 2021-08-06

Latest chapter

  • HOLD ME, EX-CONVICT    CHAPTER 234

    HABANG abala ang dalawa sa pag-a-almusal. Nakatanggap si Ziah ng tawag mula sa kaniyang agency. Hindi pa man sa kaniya sabihin ay alam na kaagad niya na may kinalaman ito kay Ace. Kasi pa hindi aminin sa kaniya. Alam niyang ang lalaki lang ang puwedeng sabihin ng mga ito. Wala naman kasi silang mga personal na usapan at mas lalong hindi rin naman siya nakikisama sa mga ito kahit noon pa. Si Ken, never din silang lumabas ng lalaki nang sila lang dahil alam niya kung ano ang nararamdaman nito at ayaw niyang kahit anong signal o motibo. "Are you going out today?" biglang pagtatanong ni Ace na ikinatahimik ni Ziah. Hindi siya nagpapaalam sa lalaki kapag sa agency ang punta niya. Alam niyang delikado iyon para sa kanilang dalawa at hindi niya gustong mapahamak si Ace dahil lang sa kaniyang mga ginagawa niya. Alam niyang naiintindihan nito kung ano man ang mundong kaniyang ginagalawan. "Mahal?" Kusa siyang napaangat ng tingin sa sinabi nito. Napangiti siyang bigla. "Hindi ko lang alam, p

  • HOLD ME, EX-CONVICT    CHAPTER 233

    HINDI maialis ni Ziah ang kaniyang masamang titig sa lalaki. Hindi siya papayag na ganituhin lang at hindi siya puwedeng manahimik na lamang dahil alam niya sa kaniyang sarili na may maling nagaganap at kung ano man 'yon, pilit niyang aalamin. "Wala kang ibang gagawin," may halong pagbabanta nito sa kaniya. Napangisi na lamang si Ziah sa sinabi ni Ken. Humakbang siya papalapit sa lalaki. "Bakit? May kinakatakot ka bang malaman ko?" Wala siyang mabasa na kahit anong reaction sa mukha ng lalaki. Kung puwede lang niyang basahin ang isip nito ay matagal na rin niyang ginawa. "Lumalagpas ka na sa linya mo, Ziah." Tumayo siya nang tuwid dahil ngayon may kung anong namumuong paghihinala na sa kaniyang isipan. Parang bigla siyang nawalan ng tiwala sa organization nila. "Hindi lumalagpas, boss." May halong sarkasmo niyang ani rito. "Ginagawa ko lang ang alam kong tama. Ginagawa ko lang ang alam kong makakatulong at mas makakapagpabuti sa lahat." Hindi niya magawang deretsuhin ang kaniyang

  • HOLD ME, EX-CONVICT    CHAPTER 232

    HABANG abala ang dalawa sa pag-a-almusal. Nakatanggap si Ziah ng tawag mula sa kaniyang agency. Hindi pa man sa kaniya sabihin ay alam na kaagad niya na may kinalaman ito kay Ace. Kasi pa hindi aminin sa kaniya. Alam niyang ang lalaki lang ang puwedeng sabihin ng mga ito. Wala naman kasi silang mga personal na usapan at mas lalong hindi rin naman siya nakikisama sa mga ito kahit noon pa. Si Ken, never din silang lumabas ng lalaki nang sila lang dahil alam niya kung ano ang nararamdaman nito at ayaw niyang kahit anong signal o motibo. "Are you going out today?" biglang pagtatanong ni Ace na ikinatahimik ni Ziah. Hindi siya nagpapaalam sa lalaki kapag sa agency ang punta niya. Alam niyang delikado iyon para sa kanilang dalawa at hindi niya gustong mapahamak si Ace dahil lang sa kaniyang mga ginagawa niya. Alam niyang naiintindihan nito kung ano man ang mundong kaniyang ginagalawan. "Mahal?" Kusa siyang napaangat ng tingin sa sinabi nito. Napangiti siyang bigla. "Hindi ko lang alam, p

  • HOLD ME, EX-CONVICT    CHAPTER 231

    TALAGANG walang planong magpatalo si Ziah kay Steffanie. Kung inaakala nito na gano'n gano'n lamang siya maaapi. Well, she's wrong. Wala sa ugali niy ang magpatalo sa mga bagay, kay Ace pa kaya? Kay Ace na nobyo niya at mahal niya? Hindi niya alam kung paano siya magtitimpi kapag ganito ang ugali ng mga tao na nasa harapan niya dahil alam niya sa kaniyang sarili na hindi rin magpapatalo ang mga taong ito. "Kung wala ka nang ibang sasabihin, mabuti pa umalis ka na. Dahil hindi mo naman afford ang mga bags dito. Next time, bago ka maugod, make sure na alam mo muna kung saan ka lulugar. Hindi 'yong sugod ka nang sugod, pero hindi mo naman kinikilala kung sino ang binabangga mo." banat pa niya. She doesn't even care kung nawawala na 'yong manner niya sa pakikipagsagutan sa babaeng ito. Wala rin siyang pake kung nawawala na rin ang kaniyang pagpipigil sa sarili. Dahil kahit hindi gustuhin ni Ziah, kusang nagsasalita ang kaniyang bibig upang sagutin nang pabalang si Steffanie. KUng hindi

  • HOLD ME, EX-CONVICT    CHAPTER 230

    HINDI maialis ni Ziah ang kaniyang masamang titig sa lalaki. Hindi siya papayag na ganituhin lang at hindi siya puwedeng manahimik na lamang dahil alam niya sa kaniyang sarili na may maling nagaganap at kung ano man 'yon, pilit niyang aalamin. "Wala kang ibang gagawin," may halong pagbabanta nito sa kaniya. Napangisi na lamang si Ziah sa sinabi ni Ken. Humakbang siya papalapit sa lalaki. "Bakit? May kinakatakot ka bang malaman ko?" Wala siyang mabasa na kahit anong reaction sa mukha ng lalaki. Kung puwede lang niyang basahin ang isip nito ay matagal na rin niyang ginawa. "Lumalagpas ka na sa linya mo, Ziah." Tumayo siya nang tuwid dahil ngayon may kung anong namumuong paghihinala na sa kaniyang isipan. Parang bigla siyang nawalan ng tiwala sa organization nila. "Hindi lumalagpas, boss." May halong sarkasmo niyang ani rito. "Ginagawa ko lang ang alam kong tama. Ginagawa ko lang ang alam kong makakatulong at mas makakapagpabuti sa lahat." Hindi niya magawang deretsuhin ang kaniyang

  • HOLD ME, EX-CONVICT    CHAPTER 229

    HABANG abala ang dalawa sa pag-a-almusal. Nakatanggap si Ziah ng tawag mula sa kaniyang agency. Hindi pa man sa kaniya sabihin ay alam na kaagad niya na may kinalaman ito kay Ace. Kasi pa hindi aminin sa kaniya. Alam niyang ang lalaki lang ang puwedeng sabihin ng mga ito. Wala naman kasi silang mga personal na usapan at mas lalong hindi rin naman siya nakikisama sa mga ito kahit noon pa. Si Ken, never din silang lumabas ng lalaki nang sila lang dahil alam niya kung ano ang nararamdaman nito at ayaw niyang kahit anong signal o motibo. "Are you going out today?" biglang pagtatanong ni Ace na ikinatahimik ni Ziah. Hindi siya nagpapaalam sa lalaki kapag sa agency ang punta niya. Alam niyang delikado iyon para sa kanilang dalawa at hindi niya gustong mapahamak si Ace dahil lang sa kaniyang mga ginagawa niya. Alam niyang naiintindihan nito kung ano man ang mundong kaniyang ginagalawan. "Mahal?" Kusa siyang napaangat ng tingin sa sinabi nito. Napangiti siyang bigla. "Hindi ko lang alam, p

  • HOLD ME, EX-CONVICT    CHAPTER 228

    NAWALAN ng imik si Ziah dahil sa tanong ni Ynahn. Talagang hindi siya nito titigilan hanggang hindi nakakakuha ang babae ng tamang sagot at alam din niyang ang katotohanan lamang ang tatanggapin nito ngayon. Malalim siyang huminga dahil mukhang wala na siyang choice kung 'di ang sabihin sa kaibigan kung ano ang totoo. "Ynah..." Kagat ang sariling labi niyang usal sa pangalan nito. Bakas sa mukha ng kaibigan na naghihintay ito sa kung ano man ang balak niyang sunod na sabihin. "Kasi ano... si Ace at ako ano..." paputol-putol niyang simula. Mas lalo lamang lumalim ang gatla sa noo ng kaniyang kaibigan."Ano?" naiinip nitong tanong. "kami na." Buong tapang at titig na titig niyang dugtong upang makita ang reaksiyon ng kaibigan. Wala siyang nabasa kahit na anong gulat mula sa pagmumukhang nito na para bang ini-expect na nito kung ano ang kaniyang sasabihin. "Ynah?" pagpukaw niya rito. Tinaasan naman siya nito ng kilay saka umayos ng upo. "Well..." nagpunas ito ng labi. "I already expe

  • HOLD ME, EX-CONVICT    CHAPTER 227

    HAWAK kamay silang lumabas ng opisina, hindi maialis ni Ziah ang ngiti sa kaniyang labi. Wala namang bago, palagi naman silang ganito ni Ace at hindi na rin nagugulat ang mga tauhan nito. Kahit saan sila magpunta. Pababa na sila ng building ng biglang maranamdaman ni Ziah na may kung sinong nakamasid sa kaniya. Hindi niya alam kung sino ngunit ramdam na ramdam niya ang talim ng mga tingin nito. Kaagad na binalot ng kaba ang kaniyang puso dahilan upang bumitaw siya sa amay ni Ace na siyang ikinataka ng lalaki. "Why?" naguguluhan nitong tanong. Ngumii lamang siya rito at hindi ipinahalata ang pag-iwas. Alam niyang hindi iyon magugustuhan ni Ace. Gustong-gusto pa naman palagi ng lalaki na magkahawak sila ng kamay. "Wala lang, ramdam ko kasi ang pamamasma ng kamay ko." pagpapalusot niya. Hindi niya alam kung tama ba ang kaniyang ipinalusot ngunit alam niyang posibleng magtampo sa kaniya si Ace. Gustong-gusto na lamang batukan ni Ziah ang kaniyang sarili. When she tried to look around,

  • HOLD ME, EX-CONVICT    CHAPTER 226

    HABANG abala ang dalawa sa pag-a-almusal. Nakatanggap si Ziah ng tawag mula sa kaniyang agency. Hindi pa man sa kaniya sabihin ay alam na kaagad niya na may kinalaman ito kay Ace. Kasi pa hindi aminin sa kaniya. Alam niyang ang lalaki lang ang puwedeng sabihin ng mga ito. Wala naman kasi silang mga personal na usapan at mas lalong hindi rin naman siya nakikisama sa mga ito kahit noon pa. Si Ken, never din silang lumabas ng lalaki nang sila lang dahil alam niya kung ano ang nararamdaman nito at ayaw niyang kahit anong signal o motibo. "Are you going out today?" biglang pagtatanong ni Ace na ikinatahimik ni Ziah. Hindi siya nagpapaalam sa lalaki kapag sa agency ang punta niya. Alam niyang delikado iyon para sa kanilang dalawa at hindi niya gustong mapahamak si Ace dahil lang sa kaniyang mga ginagawa niya. Alam niyang naiintindihan nito kung ano man ang mundong kaniyang ginagalawan. "Mahal?" Kusa siyang napaangat ng tingin sa sinabi nito. Napangiti siyang bigla. "Hindi ko lang alam, p

DMCA.com Protection Status