NGAYON ang simula ni Yesha bilang isang katulong kina Shawn Rios. Kagabi pa lamang ay iginayak na niya ang mga gamit na dadalhin niya. Ipinaliwanag din naman niya sa nanay niya kung ano ba talaga ang nangyari, at bukod doon ay naisipan nila ng nanay niya na bumili na lang ng bahay gamit ang pera at ang natira ay sisimulan nilang gamitin para sa isang maliit na negosyo. Naisipan din ni Yesha na mag-aral muli pero mag-iipon muna siya at ang gagamitin niyang pera ay yung sa kikitain niya sa pangangatulong. Napatayo siya kaagad nang marinig ang pagtawag ng ina niya na nariyan na raw si Shawn. Hila-hila ang maleta na bumaba siya.
"Ma'am let's go." sabi nung driver. Niyakap ni Yesha ang ina bago nagpaalam na aalis na siya. Pagkasakay niya sa isang limousine ay hindi maalis ang tingin sa kanya ng mga kapitbahay. Nakalabas ang mga ito na para bang isang artista ang dumating. "G-good morning," bati niya kay Shawn ngunit inismiran lamang siya nito.
"sungit." bulong niya sa sarili bago sinibukang aliwin ang sarili sa mga magagandang tanawin na nakikita niya. Hindi niya maiwasang humanga sa mga nagtataasang estruktura, buildings at kung anu-ano pa. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kasiyahan, ngayon lang naman kasi siya nakarating dito. At ngayon, alam niyang maswerte siya dahil nakaalis siya sa lugar kung saan ay parang wala kang mararating dahil na rin sa mga bagay na nasa paligid mo, at sa mga taong ibinabagsak ka pa lalo. Masaya siya na sumubok ng panibagong mga karanasan, pero sa kabila niyon ay naroon ang pangamba. Hindi niya alam kung paano muling magsisimula at sigurado siyang nahihirapan siya dahil kakaisip sa ina niya.
Ilang oras ang naging byahe nila bago sila huminto sa isang malaking bahay. Naiwang nakaawang ang bibig niya, ngayon pa lamang yata siya nakakita ng ganito kalaki at kagarbomg tirahan. Ang bahay kasi sa lugar nila ay puro lamang gawa sa kahoy at kung papalarin naman ay sementado ngunit walang mga palitada. "Ang ganda!"
"let's go inside." hindi siya pinansin ni Shawn. Nilagpasan lamang siya nito kaya naman patakbo siyang humabol. Binuksan nito ang pinto at diretsong pumasok. Siya naman ay napatingin sa makintab na tiles na alam mong mayayaman na tao lamang ang nakaka-afford. Hinubad niya ang tsinelas na suot at saka itinapak ang mga paa sa malamig na sahig.
"What are you doing?" kunot-noong tanong sa kanya ni Shawn, nahihiyang napakamot na lamang siya sa batok niya. "Ah, k-kasi baka ano, madumihan ko yung sahig mo." hindi rin nakatakas sa mata niya ang mamahaling mga kagamitan at mukhang wala naman siyang kailangang linisin dahil halos lahat ay kumikintab. "Tsk, stupid." kahit na nainis siya ay hindi na lamang niya ito pinansin, wala naman kasing mapapala kung sasagot pa siya. Paniguradong mauuwi lang ito sa pagtatalo nilang dalawa.
"ihahatid na kita sa kwarto mo." seryosong saad nito. Nananatili lamang siyang nakasunod sa likod nito. Mukhang malaki-laki ang lilinisin niya, mabuti na lamang at makikintab ito. Kahit malaki ay mabilis lang niyang malilinis. Nagulat siya nang buksan nito ang isang kwarto, napangiti siya nang makitang doble ang laki niyon sa baha nila. Kung susumahin ay baka dalawang lote ito o higit pa. "Dito ba ang magiging kwarto ko?" tuwang-tuwa niyang tanong.
"Hindi, this is my room. May kukunin lang ako," aminin man niya o hindi ay nakaramdam siya ng panghihinayang at pagkahiya. Napabuga na lamang siya at muling sumunod sa lalaki hanggang sa buksan nito ang pinto sa may tapat lang din ng kwarto nito. "this is your room." seryosong saad niyo. Hindi ito kasing laki ng kay Shawn ngunit mas malaki pa rin ito sa bahay nila. Pastel color ang loob nito at baby pink din ang kama.
"Ang ganda naman nito..." hindi niya mapigilan ang humanga at puriin ito. Ngayon lang siya nakakita ng ganito kagarang kwarto at higit pa roon masusubukan niya kahit papaano at kung ano ang pakiramdam. "ganda."
"Isara mo ang bibig mo. Ayusin mo na ang mga gamit mo at simulan mo ang trabaho mo. Nariyan sa closet ang uniform mo." magtatanong pa sana siya ngunit kaagad na siya nitong tinalikuran. Wala na siyang nagawa kundi ang magkibit-balikat at i-locked ang pinto. Binuksan niya ang mga closet upang tingnan iyon isa-isa. Napangiti rin siya sa umaalingasaw nitong bango. Kaagad niyang inilagay roon ang mga damit na dala niya upang kahit papaano ay mahawaan ng amoy ang damit niya. "Ganda talaga grabe!" halos mag-iisang oras bago siya natapos na mag-ayos ng gamit. Nakita rin naman niya kaagad ang maid's uniform. At mukhang hindi na talaga mangyayari ang pangarap niyang mala-prinsesa niyang buhay dahil ngayon pa lang ay nangangatulong na siya.
Naabutan niyang abala sa pag-la-laptop si Shawn kaya naman nahiya na siyang abalahin pa ito. "tapos ka na pala,"
Halos mapatalon siya nang mapansin siya nito, namumula ang mukha na humarap siya. Gusto niyang kastiguhin ang sarili dahil alam niyang wala siyang hiya. "Common, self. Kailan ka pa nahiya?" bulong niya na para bang may sagot siyang makukuha sa sarili niya.
"O-oo, ahm. Ano pa lang gagawin ko?" itinuro nito sa kanya ang isang papel na nakapatong sa coffee table. Kaagad naman niya iyon dinampot at naroon ang schedule niya at mga gagawin niya. "'yan ang susundin mong schedule bukod sa mga naisipan kong iutos sa iyo." nakangiting tumango naman siya rito. Mukhang kayang-kaya naman niyang gawin ang lahat ng nakasulat sa papel.
"Saan ako mag-uumpisa?" tumaas naman ang sulok na bahagi ng labi nito, "Simulan mo sa kung anong oras ngayon." nagbaba ng tingin si Yesha at nakita naman niyang lunch time na. Nagulat siya nang biglang lumapit sa kanya si Shawn kaya naman bahagya siyang napaatras.
"b-bakit? Hehe,"
"Take this," iniabot nito sa kanya ang isang maliit na kahon. Kahit na nagtataka siya kung para saan iyon ay tinanggap pa rin naman iyon ni Yesha. "buksan ko na ba?" tanong niya sa mahinang boses.
"No, titigan mo lang." napairap na lamang siya sa pagiging sarkastiko nito. Tinalikuran ni Yesha si Shawn at kaagad na binuksan ang box. Laking gulat niya nang makita ang isang kulay ginto na relo sa loob niyon. Hindi niya napigilan ang pagngiti. Ngayon lang siya magkakaroon ng ganito kagandang relo, dahil ang relo niya ay mga ilang taon na rin naman sa kanya. "T-thank you." seryoso lamang siya nitong tinanguan. Bumaba ang tingin ni Shawn sa relong hawak niya at isinuot nito mismo iyon sa kanya.
Pakiramdam tuloy niya ay para siyang si Cinderella, kailangan munang mangatulong bago maging isang ganap na prinsesa. "Para hindi mo makalimutan ang oras mo." saad nito saka siya diretsong tinalikuran. Saglit pa niya itong pinagmasdan na bumalik sa ginagawa nito bago siya nagtungo sa kusina upang magluto. Hindi niya maiwasang mamangha sa napakaraming sangkap na nasa loob ng ref. Two door ang ref nito at mas mataas pa sa kanya kaya naman kinailangan pa niyng umakyat para kumuha ng gulay. Ang isang side ay para sa mga ulam at ang isa naman ay kung anu-anong inumin at pagkain ang nakalagay. May mga icecream din dito at balak niya iyon kupitin mamaya.
Sinimulan na niya ang pagluluto ng tinola. Isa ito sa mga ulam na kabisado at alam na alam na niyang lutuin. Para hindi mapahiya kay Shawn ay ito na ang naisipan niyang gawin. Matapos ang mahigit isang oras ay natapos na rin niya ang adobo at tinola. Nakapagsaing na rin siya ng kanin. Inilagay niya ang mga ito sa isang mangkok. Napanganga siya nang makita ang napakaraming klase ng baso, pinggan, mangkok, platito, pasandok, tinidor at kutsara.
"What the hell?" napakurap-kurap siya habang iniisip saan ba roon ang dapat niyang kuhanin. "Walangya naman oh! Sa bahay iisa lang ang pinggan at ito na rin ang mangkok. Jusko!" mahihilo na yata siya kakaisip kung ano ang kukuhanin. "Bahala na nga!" kumuha na lamang siya ng dalawang pinggan, dalawang baso, dalawang kutsara, at dalawang tinidor.
Nang matapos na iayos ang dining area ay tinawag na niya si Shawn. "Kain na tayo," nakangiti niyang aya niya rito habang hinuhubad ang suot niyang apron. "Susunod ako." hindi nakatingin nitong ani. Bumalik na lamang siya sa dining room at humila ng isang upuan na kanyang uupuan. Ilang minuto pa siyang naghintay bago pumasok doon si Shawn. Medyo nawala tuloy siya sa katinuan dahil sa presensiya nito.
"Hey, did you hear me?"
"Ha?"
Napabuntong-hininga na lamang si Shawn sa kanya bago ito muling nagsalita, "Nothing, let's eat."
Pigil ang hininga niya habang pinapanood ang pagsubo ni Shawn ng niluto niya. Gusto niyang makita kung ano ang magiging reaction nito gunit wala siyang mabasa na kahit ano. "Why?" Shawn asked. Napailing na laang siya at sinimulan na rin ang pagkain. Para naman sa kanya ay ayos langang lasa ng ulam. Tahimik lamang silang dalawa hanggang sa matapos.
Siya ang naghugas ng pinggan dahil siya naman ang katulong dito. Si Shawn naman ay umalis at wala naman itong sinabi na kahit ano sa kanya o binilin man lang. Pagkatapos niyang maglinis ng mga pinagkainan at maglinis ng buong kusina ay pumunta naman siya sa kwarto ni Shawn upang linisin iyon. Hindi naman ito makalat ngunit tambak na ang labahan nito. Inilagay na lamang niya ito sa isang basket upang maaga niyang malabhan kinabukasan. Kahit na pagod na siya ay parang hindi niya naiisip iyon dahil sa ganda at laki ng bahay nito. Pakiramdam lang niya ay siya ang may-ari at nililinis niya ang sarili niyang bahay.
"Boang!" suway niya sa sarili. Matapos niyang magwalis at ayusin ang kama nito ay bumaba siya upang i-check kung nakasara ba ang gate. Pagkaakyat niya ay masaya siyang nahiga sa napakalambot at bango niyang kama. Napapatili siya habang niyayakap at inaamoy ang unan. "grabe, para na akong isang prinsesa!" tumihaya siya ng higa sa kama at nakangiting pinagmasdan ang kisame na kulay baby pink.
"Can't believe this." ipinikit niya sandali ang mga mata at naidlip. Ngunit gabi na siya nang magising. Mabilis na napabangon si Yesha at dali-daling bumaba kahit na gulo-gulo pa ang kanyang buhok. Nagmamadaling dumiretso siya sa kusina at laking gulat niya nang makasalubong si Shawn na may dalang tubig. Taka itong tumingin sa kanya kaya naman peke siyang ngumiti. "A-ano s-sorry nakatulog ako, hindi ko namalayan ang oras at hindi pa ako nakakapag-luto." napapantastikuhang tinitigan siya ni Shawn kaya naman mas bumilis ang tibok ng puso niya sa kaba.
"Magluluto na ako." paalam niya rito ngunit hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng kusina ay bigla na itong nagsalita. "marami pang ulam at kanin, nainit ko na rin." hindi niya ito nilingon dahil sa gulat.
"H-ha?" nakagat niya ang labi nang makitang nakaalis na pala ang lalaki. Siya naman ay kumuha ng tubig at uminom upang alisin ang kaba sa puso niya. Ilang oras siyang nanatili sa kusina bago napatingin sa relo at sinimulan na ulit na maghain ng makakain nila."
NAPANGISI na lamang si Shawn nang marinig na tawagin siyang muli ni Yesha para kumain. Hindi siya sanay na may katulong. Kumuha lang din naman siya ng driver para magsundo kanina kay Yesha. Hiniram niya ito sa kapatid niya kanina dahil wala naman siyang hi-nire na kahit anong tutulong sa kanya. "Sir, kakain na po." tinanguan lamang niya ito. Tinapos niya ang pag-re-review ng report para sa presentation ng company nila bukas.
Gusto niyang makuha ang loob ng kabilang kompanya upang malaya siyang makalabas-pasok sa kompanya nito. Malaki ang atraso ng mga iyon sa kanya kaya naman ginagawa niya ang lahat para magpalakas. Hindi siya mahilig sa gulo kaya naman dadaanin niya ito sa business upang makabawi. Napatingin siya sa cellphone niya nang tumunog iyon.
"Why?" tanong niya sa kuya niya. "Pwede ba tayong magkita?"
"Sure, tomorrow morning." matapos niyang sabihin iyon ay binabaan na rin niya ito ng tawag. Tumayo siya at in-ayos ang lahat ng gamit niya bago nagtungo sa kusina. At kagaya kanina mukhang hinihintay ulit siya ni Yesha. Itinago niya ang ngiti nang makita kung anong pinggan ang ginamit nito, ngunit hindi na lamang siya nagsalita at nag-reklamo dahil naiintindihan naman niya ito. "pwede ka naman na mauna dapat hindi mo na ako hinintay." gulat naman na nag-angat ito ng tingin sa kanya. Aminin man niya at sa hindi ay hindi niya maiwasang hindi humanga sa taglay na amo ng mukha nito at ganda. Istrikta ang hitsura ng kilay nito at ang mata naman nito ay mukhang mataray. Ito ang nagdala ng kakaibang awra rito. Kung seryoso itong nakatingin ay magmmumukha itong terror. Pero para sa kanya ay hindi naging hadlang ang mata at kilay nito upang maging maganda at maamo ang mukha.
"Sir, alam kong maganda ako. Huwag mo akong titigan." nakangiting saad nito na nagpagising sa diwa niya. Napangisi na lamang siya bago naupo sa tapat nito. Hindi niya alam kung bakit ba siya naglabas ng limang milyong piso para lang maiuwi at gawing katulong ito. Marami naman na siyang nakasalubong at nakitang mas maganda at sexy pa rito ngunit dito lang siya naging interesado. "Gusto ko pa lang mag-thank you sa mga itinulong mo," pagsisimula nito habang kumakain. Siya rin naman ay nagsimula na rin.
"Sa totoo lang, hind ko inakalang tototohanin mo talaga. No'ng araw na hinintay kita hindi ka dumating kaya naman naisip kong, sino nga naman ang taong maglalabas nggano'n klaking halaga para sa akin. Naisip ko pa na baliw lang ang gagawa niyon." natatawang pag-amin nito. Para naman siyang tinamaan bigla. Siguro nga ay baliw siya dahil para lang siyang nagtapon ng limang milyong piso para sa babaeng ito."Alam mo ba, ang laki ng utang na loob ko sa iyo. Naghahanap kasi ako ng trabaho at dahil hindi ako tapos ng kolehiyo, hindi nila ako tinatanggap." tahimik lang siyang nakikinig sa sinasabi nito. Alam niya kung ano ang sinasabi nito dahil maski ang kompanya nila ay hindi rin tumatanggap ng hindi tapos ng kolehiyo. Professionalism kasi ang tinitingnan nila. Pero isang beses kung hindi siya nagkakamali ay may isang client siyang tinanggap. Hindi nga ito tapos sa pag-aaral pero masipag naman ito at mas professional pa kumilos kaysa sa iba na may pinakitang diploma.
MAAGANG gumising si Yesha dahil may trabaho siya. Hindi pa rin siya makapaniwala na ngayon heto na, hindi na niya kailangan pang gumising ng maaga para maligo at magpagala-gala sa mga daan. Hindi na niya kailangang tingnan ang bawat sulok kung may pwedeng mapag-apply-an. Sino nga ba naman kasi ang mag-aakala na magkakaroon siya ng limang milyon dahil lng sa muntik na siyang mabangga. Kung nalaman lang sana niya ng gano'n kaaga hindi na sana siya nagpakahirap pa at matagal na siyang dumipa sa highway para lang magpasagasa.Sinipat niya ang kanyang mukha sa may salamin. Alam niyang maganda na siya kahit hindi mag-ayos pero ayaw naman niyang magmukhang katulong talaga sa bahay ng amo niya. Pangarap niyang maging isang prinsesa at ngayong may palasyo na siya, prinsipe na lang na papakasalan siya ang kulang.Mabilis siyang naligo at sinuot ang t-shirt niya. Pinartneran niya ito ng maong na short at saka sinuklay ang mahaba niyang buhok. Kahit papaano ay nagpapasalamat siya
NAPANGITI si Yesha nang pagmasdan ang sarili sa salamin dahil maski siya ay hindi nakilala ang sarili. First time niyang mag-ayos at talagang naglagay pa siya ng make-up. Light lang iyon pero nag-uumapaw na kaagad ang kagandahan niya na maski siya ay humahanga na rin sa sarili. Ilang minuto pa siya nanatili sa loob ng kanyang silid bago niya napagpasyahang lumabas nang may ngiti sa kanyang labi. "Hi, tara na po, boss!" kaagad na nag-angat ng tingin sa kanya si Shawn dahilan para mamula siya. Bahagyang umawang ang labi ng lalaki ngunit kaagad din naman iyon nawalan ng emosyon kasabay ng pagtikhim. "let's go." bumaba ang tingin nito sa suot niya. "Bakit ganyan ang suot mo?" May pagmamalaki siyang ngumiti rito. "Syempre, ibabalandra ko lang naman ang kagandahan ko sa opisina mo. Malay natin 'di ba? May magkagusto sa 'kin," aniya sabay ngiti. "Sa opisina ko tayo pupunta, hindi sa bar. Go upstairs and change your fvcking clothes. We
NATATAWANG pinagmasdan ni Yesha ang mukha ng sekretarya ni Shawn. Bakas kasi sa hitsura nito ang labis na pagkadisgusto sa nakikita. Well, maski naman siya ay nahihiya sa pinaggagagawa niya pero gusto pa niyang makita kung paano sumabog ang babaeng ito sa inis. Gusto niyang makita ang sinasabi ni Shawn na 'warfreak' ito. Ang tanong, warfreak nga ba? O hanggang tingin lang siya?"Ano pang ginagawa mo rito?" taas-kilay niyang tanong sa secretary. Padabog na lumabas ito dahilan para tubuan na siya ng hiya dahil ngayon, silang dalawa na lang ni Shawn.Tumikhim siya bago mabilis na tumayo. Dahil sa pamumula ng kanyang pisngi, walang lingon-lingon na bumalik siya sa pwesto kanina bitbit ang ice cream. "Yesh---""Ininis ko lang ang secretary mo." depensa niya. Ayaw niyang bigyan iyon ng kahulugan ni Shawn. She just want to make Shawn's secretary jealous and uncomfortable. At mukhang bonus pa ang inis nito dahil sa ginawa niya.Mainis ka pa lalo, malandi!
PAGKAUWI nila sa bahay ni Shawn, kaagad na inilahad ni Yesha ang kamay niya sa harap ng lalaki. Time to pay, Mister. Sayang ang limang libo na ibibigay ng lalaki sa kanya kanina. Pero mas malaki ang offer ni Shawn.Shawn slowly rolled his eyes to her and gave her 20 thousand pesos. "Thank you!" she happily said."Welcome. Next time, huwag kang tumingin sa iba." umawang ang labi niya sa sinabi nito. Hindi na siya nagkaroon pa ng panahon para magtanong dahil kaagad siyang tinalikuran ng lalaki. Minsan naguguluhan na rin siya sa ugali nito. May time na masungit, tapos biglag bumabait tapos ngayon nagsusungit na ulit."Hmp!" inismiran niya ito.Hindi na niya pinansin ang pagtalikod sa kanya ng lalaki dahil malawak ang ngiting ipinapaypay niya sa kanyang mukha ang pera. Well, easy money. Mayaman ang amo niya. Good news 'yon. Hindi rin ito kuripot dahil para nga lang itong nagtatae ng pera.Sana pala maraming magpa-picture sa kanya para marami rin ang ma
ABALA si Yesha sa pagtitklop nang marinig niya na may kausap si Shawn. After siyang singhalan nito kanina ay hindi na niya pinansin pa ang lalaki. Naiinis siya rito at wala siyang balak na kausapin ito. Pinangarap niya na magkaroon ng trabaho pero hindi ng amo na nanininghal. Bigla tuloy kumulo ang dugo niya sa lalaki.Ang pangit ng ugali mo! Hmp!Padabog na inilagay niya ang damit nito sa closet at saka padaskol 'yong sinara. Wala siyang pakielam kung masira niya ang closet ni Shawn sa inis. Hindi niya kailangan ng amo na walang modo, akala pa naman niya ay mabait ito at kalmado. Hindi man lang marunong kumausap nang kalmado."Nakakabwiset talaga!" kanina pa siya inis na inis at hanggang ngayon naiirita pa rin siya. Ilang araw pa lamang sila pero ganyan na siya nito tratuhin. Huwag lang talaga mas malala pa sa singhal ang gawin nito dahil makakasakal talaga siya. Kahit amo pa niya ito!OA na kung OA pero inis na inis talaga siya. Ni minsan sa talambuhay
NAMUMULA ang mukha ni Yesha habang hindi makapaniwala sa nangyayari. Bakit ba kasi ito nagpapagala-gala?! Hindi ba ito aware na may kasama siyang babae?"Fvck!' mabilis na tumalikod si Shawn dahilan para maita niya ang pang-upo nito. Ghad! Nakakabaliw ito! Yesha, think! Paganahin mo ang utak mo! "Don't fvcking stare at my butt!""Shit!" mabilis siyang tumalikod at patakbong bumaba sa kusina. Sapo-sapo niya ang kanyang ulo habang ang isang kamay naman ay hinihilot ang kanyang sintido."Holy shit! My virging eyes." kumuha siya ng isang baso ng tubig at mabilis iyong nilagok. Ilang ulit siyag umiling para makalimutan ag nakita pero para itong sirang plaka na paulit-ulit sa kanyang isipan. "Nagkakasala ako nito, e!"Ilang beses pa siyang huminga nang malalim. Naubos na niya ang tubig at kumuha ng panibago pero hindi pa rin kumakalma ang puso niya.Nanginginig na dinukot niya ang cellphone at saklla mabilis na tinawagan ang kanyang ina."Hello, a
HINDI makapaniwala si Yesha habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa labas ng bahay nila. Ang ina naman niya ay magiling na kinausap ang lalaki."A-anong?" hindi niya natuloy ang sasabihin dahil biglang sumingit ang mama niya. "Anak, gusto raw ni Mr. Rios na manatili rito ngayong gabi. Gusto rin daw niya siguraduhin ang siguridad ng ating tahanan." Napairap na lamang si Yesha dahil alam niyang hindi talaga iyon ang pakay ng lalaki kung bakit ito narito ngayon."Pasok po kayo, Mr. Rios." hindi na nakakibo si Yesha dahil magalang na pinapasok ng ina niya ang lalaki. Nang magtama ang paningin nila ay iningusan niya ito. "Salamat ho.""Ay, naku! Kung hindi naman po dahil sa inyo e hindi naman kami magkakaroon ng maayos na tirahan ng aking anak. Alam mo na, unfair naman kasi ang mga tao. Hindi nila tinatanggap sa trabaho itong anak ko kasi hindi raw tapos ng kolehiyo." tahimik lamang na nakikinig si Shawn samantalag siya naman ay nagtungo sa kusina para kumuha ng ip
NAGISING si Yesha na may mabigat sa may tiyan niya. Nanlaki ang mata niya nang makitang nakayakap na sa kanya si Shawn. Tulog na tulog pa rin ang binata kaya naman maingat siyang umalis sakinahihigaan niya. Nasapo niya ang kanyang dibdib dahil sa mabilis na pagtibok nito."Jusko!" nakayakap sa akin si Shawn!Nagwawala ang puso niya sa hindi maintindihang dahilan. Kailangan niya iyong pigilan kaya naman diretso siyang pumasok sa bathroom para na rin mahimasmasan. Mabuti na lang pala at una siyang nagising kaysa kay Shawn. Mas grabeng kahihiyan 'yon kung ang lalaki mismo ang nakaunang makakita sa posisyon nilang dalawa."Yesha, wake up!" kahit na gising na siya ay nararamdaman pa rin niya ang kamay ng lalaki at hindi niya maiwasan na mamula ang kanyang mukha. Mabilis siyang naligo at tulog pa rin ang lalaki.Nangingiting nilapitan niya ito at malayang pinagmasdan ang napakasungit nitong mukha. "Gwapo mo pala," usal niya. Naalala niya yung una niyan
HABANG abala ang dalawa sa pag-a-almusal. Nakatanggap si Ziah ng tawag mula sa kaniyang agency. Hindi pa man sa kaniya sabihin ay alam na kaagad niya na may kinalaman ito kay Ace. Kasi pa hindi aminin sa kaniya. Alam niyang ang lalaki lang ang puwedeng sabihin ng mga ito. Wala naman kasi silang mga personal na usapan at mas lalong hindi rin naman siya nakikisama sa mga ito kahit noon pa. Si Ken, never din silang lumabas ng lalaki nang sila lang dahil alam niya kung ano ang nararamdaman nito at ayaw niyang kahit anong signal o motibo. "Are you going out today?" biglang pagtatanong ni Ace na ikinatahimik ni Ziah. Hindi siya nagpapaalam sa lalaki kapag sa agency ang punta niya. Alam niyang delikado iyon para sa kanilang dalawa at hindi niya gustong mapahamak si Ace dahil lang sa kaniyang mga ginagawa niya. Alam niyang naiintindihan nito kung ano man ang mundong kaniyang ginagalawan. "Mahal?" Kusa siyang napaangat ng tingin sa sinabi nito. Napangiti siyang bigla. "Hindi ko lang alam, p
HINDI maialis ni Ziah ang kaniyang masamang titig sa lalaki. Hindi siya papayag na ganituhin lang at hindi siya puwedeng manahimik na lamang dahil alam niya sa kaniyang sarili na may maling nagaganap at kung ano man 'yon, pilit niyang aalamin. "Wala kang ibang gagawin," may halong pagbabanta nito sa kaniya. Napangisi na lamang si Ziah sa sinabi ni Ken. Humakbang siya papalapit sa lalaki. "Bakit? May kinakatakot ka bang malaman ko?" Wala siyang mabasa na kahit anong reaction sa mukha ng lalaki. Kung puwede lang niyang basahin ang isip nito ay matagal na rin niyang ginawa. "Lumalagpas ka na sa linya mo, Ziah." Tumayo siya nang tuwid dahil ngayon may kung anong namumuong paghihinala na sa kaniyang isipan. Parang bigla siyang nawalan ng tiwala sa organization nila. "Hindi lumalagpas, boss." May halong sarkasmo niyang ani rito. "Ginagawa ko lang ang alam kong tama. Ginagawa ko lang ang alam kong makakatulong at mas makakapagpabuti sa lahat." Hindi niya magawang deretsuhin ang kaniyang
HABANG abala ang dalawa sa pag-a-almusal. Nakatanggap si Ziah ng tawag mula sa kaniyang agency. Hindi pa man sa kaniya sabihin ay alam na kaagad niya na may kinalaman ito kay Ace. Kasi pa hindi aminin sa kaniya. Alam niyang ang lalaki lang ang puwedeng sabihin ng mga ito. Wala naman kasi silang mga personal na usapan at mas lalong hindi rin naman siya nakikisama sa mga ito kahit noon pa. Si Ken, never din silang lumabas ng lalaki nang sila lang dahil alam niya kung ano ang nararamdaman nito at ayaw niyang kahit anong signal o motibo. "Are you going out today?" biglang pagtatanong ni Ace na ikinatahimik ni Ziah. Hindi siya nagpapaalam sa lalaki kapag sa agency ang punta niya. Alam niyang delikado iyon para sa kanilang dalawa at hindi niya gustong mapahamak si Ace dahil lang sa kaniyang mga ginagawa niya. Alam niyang naiintindihan nito kung ano man ang mundong kaniyang ginagalawan. "Mahal?" Kusa siyang napaangat ng tingin sa sinabi nito. Napangiti siyang bigla. "Hindi ko lang alam, p
TALAGANG walang planong magpatalo si Ziah kay Steffanie. Kung inaakala nito na gano'n gano'n lamang siya maaapi. Well, she's wrong. Wala sa ugali niy ang magpatalo sa mga bagay, kay Ace pa kaya? Kay Ace na nobyo niya at mahal niya? Hindi niya alam kung paano siya magtitimpi kapag ganito ang ugali ng mga tao na nasa harapan niya dahil alam niya sa kaniyang sarili na hindi rin magpapatalo ang mga taong ito. "Kung wala ka nang ibang sasabihin, mabuti pa umalis ka na. Dahil hindi mo naman afford ang mga bags dito. Next time, bago ka maugod, make sure na alam mo muna kung saan ka lulugar. Hindi 'yong sugod ka nang sugod, pero hindi mo naman kinikilala kung sino ang binabangga mo." banat pa niya. She doesn't even care kung nawawala na 'yong manner niya sa pakikipagsagutan sa babaeng ito. Wala rin siyang pake kung nawawala na rin ang kaniyang pagpipigil sa sarili. Dahil kahit hindi gustuhin ni Ziah, kusang nagsasalita ang kaniyang bibig upang sagutin nang pabalang si Steffanie. KUng hindi
HINDI maialis ni Ziah ang kaniyang masamang titig sa lalaki. Hindi siya papayag na ganituhin lang at hindi siya puwedeng manahimik na lamang dahil alam niya sa kaniyang sarili na may maling nagaganap at kung ano man 'yon, pilit niyang aalamin. "Wala kang ibang gagawin," may halong pagbabanta nito sa kaniya. Napangisi na lamang si Ziah sa sinabi ni Ken. Humakbang siya papalapit sa lalaki. "Bakit? May kinakatakot ka bang malaman ko?" Wala siyang mabasa na kahit anong reaction sa mukha ng lalaki. Kung puwede lang niyang basahin ang isip nito ay matagal na rin niyang ginawa. "Lumalagpas ka na sa linya mo, Ziah." Tumayo siya nang tuwid dahil ngayon may kung anong namumuong paghihinala na sa kaniyang isipan. Parang bigla siyang nawalan ng tiwala sa organization nila. "Hindi lumalagpas, boss." May halong sarkasmo niyang ani rito. "Ginagawa ko lang ang alam kong tama. Ginagawa ko lang ang alam kong makakatulong at mas makakapagpabuti sa lahat." Hindi niya magawang deretsuhin ang kaniyang
HABANG abala ang dalawa sa pag-a-almusal. Nakatanggap si Ziah ng tawag mula sa kaniyang agency. Hindi pa man sa kaniya sabihin ay alam na kaagad niya na may kinalaman ito kay Ace. Kasi pa hindi aminin sa kaniya. Alam niyang ang lalaki lang ang puwedeng sabihin ng mga ito. Wala naman kasi silang mga personal na usapan at mas lalong hindi rin naman siya nakikisama sa mga ito kahit noon pa. Si Ken, never din silang lumabas ng lalaki nang sila lang dahil alam niya kung ano ang nararamdaman nito at ayaw niyang kahit anong signal o motibo. "Are you going out today?" biglang pagtatanong ni Ace na ikinatahimik ni Ziah. Hindi siya nagpapaalam sa lalaki kapag sa agency ang punta niya. Alam niyang delikado iyon para sa kanilang dalawa at hindi niya gustong mapahamak si Ace dahil lang sa kaniyang mga ginagawa niya. Alam niyang naiintindihan nito kung ano man ang mundong kaniyang ginagalawan. "Mahal?" Kusa siyang napaangat ng tingin sa sinabi nito. Napangiti siyang bigla. "Hindi ko lang alam, p
NAWALAN ng imik si Ziah dahil sa tanong ni Ynahn. Talagang hindi siya nito titigilan hanggang hindi nakakakuha ang babae ng tamang sagot at alam din niyang ang katotohanan lamang ang tatanggapin nito ngayon. Malalim siyang huminga dahil mukhang wala na siyang choice kung 'di ang sabihin sa kaibigan kung ano ang totoo. "Ynah..." Kagat ang sariling labi niyang usal sa pangalan nito. Bakas sa mukha ng kaibigan na naghihintay ito sa kung ano man ang balak niyang sunod na sabihin. "Kasi ano... si Ace at ako ano..." paputol-putol niyang simula. Mas lalo lamang lumalim ang gatla sa noo ng kaniyang kaibigan."Ano?" naiinip nitong tanong. "kami na." Buong tapang at titig na titig niyang dugtong upang makita ang reaksiyon ng kaibigan. Wala siyang nabasa kahit na anong gulat mula sa pagmumukhang nito na para bang ini-expect na nito kung ano ang kaniyang sasabihin. "Ynah?" pagpukaw niya rito. Tinaasan naman siya nito ng kilay saka umayos ng upo. "Well..." nagpunas ito ng labi. "I already expe
HAWAK kamay silang lumabas ng opisina, hindi maialis ni Ziah ang ngiti sa kaniyang labi. Wala namang bago, palagi naman silang ganito ni Ace at hindi na rin nagugulat ang mga tauhan nito. Kahit saan sila magpunta. Pababa na sila ng building ng biglang maranamdaman ni Ziah na may kung sinong nakamasid sa kaniya. Hindi niya alam kung sino ngunit ramdam na ramdam niya ang talim ng mga tingin nito. Kaagad na binalot ng kaba ang kaniyang puso dahilan upang bumitaw siya sa amay ni Ace na siyang ikinataka ng lalaki. "Why?" naguguluhan nitong tanong. Ngumii lamang siya rito at hindi ipinahalata ang pag-iwas. Alam niyang hindi iyon magugustuhan ni Ace. Gustong-gusto pa naman palagi ng lalaki na magkahawak sila ng kamay. "Wala lang, ramdam ko kasi ang pamamasma ng kamay ko." pagpapalusot niya. Hindi niya alam kung tama ba ang kaniyang ipinalusot ngunit alam niyang posibleng magtampo sa kaniya si Ace. Gustong-gusto na lamang batukan ni Ziah ang kaniyang sarili. When she tried to look around,
HABANG abala ang dalawa sa pag-a-almusal. Nakatanggap si Ziah ng tawag mula sa kaniyang agency. Hindi pa man sa kaniya sabihin ay alam na kaagad niya na may kinalaman ito kay Ace. Kasi pa hindi aminin sa kaniya. Alam niyang ang lalaki lang ang puwedeng sabihin ng mga ito. Wala naman kasi silang mga personal na usapan at mas lalong hindi rin naman siya nakikisama sa mga ito kahit noon pa. Si Ken, never din silang lumabas ng lalaki nang sila lang dahil alam niya kung ano ang nararamdaman nito at ayaw niyang kahit anong signal o motibo. "Are you going out today?" biglang pagtatanong ni Ace na ikinatahimik ni Ziah. Hindi siya nagpapaalam sa lalaki kapag sa agency ang punta niya. Alam niyang delikado iyon para sa kanilang dalawa at hindi niya gustong mapahamak si Ace dahil lang sa kaniyang mga ginagawa niya. Alam niyang naiintindihan nito kung ano man ang mundong kaniyang ginagalawan. "Mahal?" Kusa siyang napaangat ng tingin sa sinabi nito. Napangiti siyang bigla. "Hindi ko lang alam, p