KAAGAD akong lumabas ng bahay at mabilis na nilapitan si Veos. Honestly, this is not the right time para pumunta siya dito sa bahay lalo na at hindi pa kami nagkakaayos ni Tasha. "Ano ang ginagawa mo dito," malamig kong sagot. "Nessa... I'm here to give you all of these," sagot niya sabay abot sa akin ng mga nagmamahalang shopping bags. "Ano 'yan suhol?" "Huh? No, I came here because Lolo wants me to give you these, you have to wear all these things Nessa para sa gaganapin na engagement party mamayang gabi." Engagement party? Oh okay! Kamuntikan ko nang makalimutan ang dadaluhan kong party dahil sa sobrang dami kong iniisip. "Required ba talaga na branded lahat?!" "If possible yes, mga bigatin ang magiging bisita natin Nessa. At magtataka ang mga 'yon kapag they found out na isa ka lang ordinaryong babae." Iba ang pitik ng mga salita ni Veos kaya naman tinititigan ko siya, titig na tila nagsasabing ARE-YOU-BELITTLING-ME? "What? 'W-wag kang tumitig sa akin ng
PAGKASARADO ko ng pintuan, agad akong sinalubong ng malamig na titig ni Tasha. Nakaupo siya sa gilid ng sofa, ang isang binti nakapatong sa kabila, animo’y isang reyna sa trono niya. Masama na naman ang tingin niya sa akin. "G-gising ka na pala," mahinhin kong sabi. "Yeah, kanina pa. Mukhang excited si Veos na puntahan ka ngayong umaga?" Ang sagot niya ay tila may kakaiba na naman sa tono ng pananalita niya. So tama nga ako, siya 'yong sumisilip kanina sa bintana. "Huh? Iyon ba? Wala 'yon, may pinabibigay lang ang Lolo niya," saad ko kasabay ng paglapag ko ng mga shopping bags sa sofa. Kaagad naman na napatayo si Tasha habang nakakibit ang mga kamay. "Napapadalas naman yata ang mga pagbibigay sa 'yo ng Lolo ni Veos? Hmm, kulang na lamang siya na ang manligaw sa 'yo. The wedding gown, the expensive ring at ngayon...mukhang another branded thing?" "Tasha, maliit lang na bagay ang mga 'yan, saka it's not my fault kung kinailangan pa na ganiyan kamahal ang ibinibigay sa
NANG makalabas ako ng bahay ay kaagad na bumulaga sa paningin ko ang naka-formal suit na si Veos, nakatayo ito at nakasandal sa kaniyang mamahalin na kotse. Bumagay din sa kaniya ang maayos niyang jet raven hair at ang nag-iisang accessory nito sa kaniyang kamay--ang kaniyang relo. Mukhang hindi yata ako napansin ng mokong na 'to na lumabas. Bago ako lumapit sa kinaroroonan ni Veos ay tinapunan ko nang mapagpasensyang tingin si Tasha na noo'y kalmado lamang na nakatingin sa akin habang nakasandal siya sa bungad ng aming bahay. "Damn...nagmukha kang tao," ani Veos dahilan upang mapalingon ako kaagad. "Bakit ngayon ko lang na-realized na...na may tinatago ka rin palang ganda?" dagdag niya. Pinanlakihan ko lang siya ng aking mga mata upang pigilan siya sa mga susunod pa niyang sasabihin. "Why?" Tanong niyang muli na tila hindi na-gets ang point ko hanggang sa sinenyasan ko siya gamit ang kamay ko sabay pasimpleng turo kay Tasha mula sa aking likuran. Napalingon naman
HALOS palihim akong napahagikgik nang mapansin ko na tila nanginginig pa rin ang mga tuhod ni Veos habang naglalakad papalapit sa entrada kung saan gaganapin ang aming fake engagement party. "Huy, ano, sure ka bang makakapasok ka pa sa loob?" pang-aasar ko sa kaniya. "Shut up Nessa," seryoso niyang tugon. Dahil sa pigil kong pagtawa ay napakagat na lamang ako sa aking pang-ibabang labi habang naglalakad. Hindi ko na rin namamalayan na noong time na 'yon ay unti unti ko nang nakakain ang lipstick ko. Kaagad naman napatigil si Veos at nilingon niya ako. "Nessa? Mag-retouch ka na, papasok tayo sa loob na ganiyan ang itsura mo?" "Oh bakit, ano ba ang problema sa pagmumukha ko? I dressed well naman ah?" "Yes but look--" Natigilan si Veos sa pagsasalita nang biglang natuon ang paningin niya sa labi ko na noo'y wala ng kakulay kulay. Parang nakakailang naman yata ang paraan nang pagtitig niya sa akin. Bigla kong ipinitik ang hinlalaking daliri ko malapit sa mukha niy
[Nessa Point of View] "NOT YET Nessa, pinagtitinginan tayo ng maraming bisita. Just smile and pretend that we're in love," ani Veos habang peke ang ngiting ipinupukol sa akin. Takte parang baliw! Hahaha. "Ganito?" saad ko nang bigla akong ngumiti pero puwersahan kong pinakita ang bagang ko. Nakita ko kung paano nangasim ang itsura ni Veos. "Tsk, just smile like normal people Nessa, 'yong ngiti mo kapag masaya ka, like 'yong mga ngiti at tawa mo kapag nag-aasaran kayo ni Tasha before," seryoso niyang sabi. Imbes na ngingiti na sana ako ay tila nagbago ang ihip ng hangin nang mapagtanto ko na may something sa sinabi niya. Hmm? So in short, matagal niya na pala akong pinagmamasdan? "Iba 'yon, hindi naman sila si Tasha eh," pagmamatigas ko. "Okay, just imagine na lang na mga clients mo sila, tapos binigyan ka ng maraming projects. Like mga sikat na proyekto." "Ungag, alam ko kung paano ngumiti, like gan'to?" usal ko sabay hatak sa magkabilang pisngi ko. "Gosh, para ka
[Nessa Point of View] NANG GABING iyon ay tila hindi ko na napansin ang mga palakpakan mula sa napakaraming bisita, patuloy lang akong nakatitig kay Veos at ramdam ko ang pagkagalak sa kaniyang mga salita. Hanggang sa biglang may humirit na isa sa mga bisita. "That was a nice love story, baka puwede naman namin marinig hijo ang masasabi naman ng fiancee mo, right everyone?" nakangiting demand nito na halos lahat ay pumayag sa gustong mangyari. Ilang sandali pa lamang ay nakangiting lumapit sa akin si Veos at muling hinawakan ang palad ko. Pasimple rin siyang nagsalita upang mas lalong huwag akong kabahan. "C'mon darling, you can do this..." aniya at pilit na pinapalakas ang loob ko sabay abot ng microphone sa akin. "Amh...g-good evening everyone. Sa katunayan po ay...sobra po akong nagpapasalamat na nandito kayong lahat ngayon to witness our...our engagement party. Me and Veos ay..." sabay tingin ko sa kaniya and he simply encourages me na ipagpatuloy ko ang pagsasalita
"BUT for me. It was a dream that felt incredibly real, one that I'll always treasure," aniya. Bigla akong napaiwas ng tingin nang banggitin ni Veos ang mga salitang iyon habang patuloy na sumasabay ang mga katawan namin sa romantikong tugtog. "A-ano ang pinagsasabi mo diyan, anong treasure-treasure, mukha ka naman sira eh," sagot ko kasabay nang pag-iwas ko ng tingin sa kaniya. "Hmm, naniwala ka naman?" aniya at tila hindi talaga kompleto ang araw ng lalake na 'to hangga't hindi niya ako ginagalit ng husto. Nagpatuloy lamang kami ni Veos sa pagsasayaw na halos hindi na namin namamalayan na pinagtitinginan na pala kami ng mga bisita, ang iba ay nakangiti, may mga sira ulo din na nagpukpok ng kutsara sa glass of wine na hawak nila. And if I'm not mistaken parang sinasabi nila na they enjoyed the party. "Hold me tight Nessa, stay focus at tumingin ka lang sa mga mata ko," ani Veos at para akong nahipnotismo nang mga sandaling nagtama ang mga mata namin na dalawa. Ang mga
[Nessa Point of View] "Hindi mo rin ako kilala," pag-uulit ko. Pambihira, ngayon ko lang nalaman na balahura pala ang ugali ng babaeng 'to. Tinaasan niya lamang ako ng kilay while currently flipping her long raven hair. "Wow, may gana ka pa talagang magmaldita eh ikaw na nga itong nakabangga sa akin? Ang how dare you na maliitin ang pagiging car racer ko? International 'yon girl, baka nga barya ko lang ang kinikita mo sa pagiging ENGINEER mo," aniya at tila may balak pa akong bwisitin. "Oh, baka gusto mo ng autograph?" dagdag niya at inilabas niya ang marker at walang pasabing sinulatan ang gown ko. Actually signature niya iyon. "Takte ka!" sigaw ko pero tinawanan niya lamang ako. "Malakas lang loob mo mambastos dahil wala ka sa harapan ng mga fans mo! Car racer my foot! Baka nga matalo pa kita eh," sagot ko. Aminado akong ng mga oras na iyon ay parang mataas ang kumpiyansa ko sa sarili ko. Kung tutuusin kaya ko naman talaga ang mga sports na 'yan, sadyang mas inuna ko lang an
[Nessa Point of View] Sa sobrang taranta ko dahil sa posisyon namin ni Veos ay wala akong pasabi na itinulak siya. Dios ko! May bumubukol at hindi ko carry ang mabilisang pagtigas no'n! Hindi na rin pumasok sa isipan ko na hubo't hubad si Veos. Kaagad kong tinakbo ang pinto upang tingnan kung sino ang kumakatok. "H-hi!" Hinihingal kong tugon sa isang staff na kanina pa kumakatok sa pintuan. "Good morning, ma'am. I've brought your breakfast. Is there anything else I can assist you with during your stay? Perhaps a refreshment or an adjustment to your accommodations?" ang pormal na sagot ng isang housekeeper. "Umhh..n-no, that's enough," mabilisan kong sagot. Muli pang nagsalita ang staff at sinabi na kung maari ay siya na ang magpasok ng trolley ngunit kaagad ko siyang hinarangan. "M-Miss, let me take that. Teka lang? Pinay ka ba?" "Ah yes ma'am," nakangiti nitong sagot. "Ah nice, sige na, ako na ang magpasok nito sa loob Miss, tatawag na lang ulit ako mamaya kapa
[Nessa Point of View] NAGPATULOY ako sa paglalakad. Alam ko na sa mga oras na iyon ay wala akong alam kung bakit ako dinala ni Veos dito. At nang magawi ako sa napakagandang partes ng bahay ay nakita ko doon si Veos, nakapulupot lamang sa pang-ibabang bahagi niya ang puting towel. Sa mesa naman ay naroroon ang ibang petals na kanina ko pa sinusundan. Puno ng pagkain ang lamesa na tila ba nasa loob kami ng isang fine dining restaurant. "V-Veos...b-bakit tayo nandito! Bakit mo ako dinala dito!" sigaw ko ngunit nanatiling nakaiwas ang mga mata ko dahil naaasiwa ako sa half naked body niya. "Oh hi wifey, good morning?" "S-saka... b-bakit ang ganiyan ang suot mo?! Naubusan ka na ba ng damit?!" saad ko. "C'mon Nessa, we're on a honeymoon. Saka bakit ka ba naiilang? Mag-asawa na tayo kaya dapat maging komportable ka na sa mga ganitong inaasta ko," aniya na tila ba ay sanay na sanay na siya sa kaniyang ginagawa. "Che! Pero teka, n-nasaan ba tayo?! Bakit mo ako dinala dito!"
[Nessa Point of View] DAPIT-HAPON na nang maisipan ko na umuwi sa bahay. Hinintay ko pa kasing magsibalikan ang mga dati kong trabahador para masigurado kong alam na nila lahat ang goodnews na babalik na naman sa normal ang lahat. Tatlong projects na rin ang hawak ko at for sure hindi na muling mababakante ang mga laborers at skilled workers ko. Kailangan kong i-priority muna sila since mas Malaki ang ambag nila sa mga nakukuha kong proyekto. Legit rin na masisipag, mabilis ang galaw at mga madiskarte. Napapangiti na lamang ako habang kumakaway ang aking mga workers at isa isang nagsibalikan sa kanilang mga quarter. Ngunit ito pa rin si Veos at hindi talaga ako tinantanan. "Oh ikaw, huwag mong sabihin na pati sa bahay ay susundan mo pa rin ako?" may katamtaman kong tono na saad. "Why not? Sa bahay naman talaga tayo uuwi," aniya. "Mr. Dimitre, uuwi ako sa SARILI KONG BAHAY. Hindi sa condo mo," mataray kong saad. "Pero padilim na Nessa, two hours pa ang biyahe right? Sa
[ NESSA Point of View] HABANG papalapit sa direksiyon namin ang misteryosong babae ay tila nakaramdam ako ng pagkairitable."Sure ka, hindi mo talaga siya kilala?" "Hindi and we never met. Asawa mo na ako alangan naman na papatol pa ako sa iba," aniya. Hindi ko na lamang tinugunan ang sinabi niya at sa halip ay nakaabang pa rin ang aking mga mata sa paparating na babae. At noong malapit na siya sa amin ni Veos ay laking-gulat ko nang bigla niyang binigyan ng mabilisang halik si Veos sa kaniyang pisngi. Uy speed! "H-hey?" ani Veos. "Hello Veos. Kanina pa ako tumatawag sa 'yo but you keep ignoring my calls," saad ng babae. Wait? Pinaglololoko ba ako ni Veos? Kilala niya ang babae base sa paraan ng pagsasalita nito. "Your call? M-miss wait lang ha? Have we met before?" tanong ni Veos. At ako naman, ito lang papalit-palit ng tingin sa kanila. "Honestly, ngayon pa lang tayo nag-meet. Your architect told me na nandito ka that's why nagpasama ako saglit sa kaniya pero sinabi niya ang
[ Nessa Point of View] ISANG KATAHIMIKAN ang namayagpag sa pagitan namin ni Veos. Natulala ako sa sinabi niya. Teka? Bakit napunta sa pagbubuntis ang usapan? Seryoso ba siya? "Napakaseryoso mo naman magsalita Veos, malabong mabuntis mo ako noh? Hindi mangyayari 'yan," saad ko sabay patay-malisya at natuon ang paningin sa blueprint na hawak ko. Napansin kong bahagya siyang dumistansiya. Hindi na ako nakatiis at agad ko siyang liningon. Doon ko lang na-realized na baka na-offend ko siguro siya. Upang maiwasan ang ano pa man na topic ay bigla akong nagtanong sa kaniya. "Siya nga pala, ano ba talagang motibo mo at pumunta ka dito?At teka, may alam ka ba kung bakit nagsibalik ang mga dating hawak ko ang projects? May kinalaman ka ba?" Seryoso kong saad habang nakapameywang ako. He shrouded at tila ay walang balak sagutin ang mga tanong ko. "Hindi ka sasagot? So may alam ka nga?" dagdag ko na halong diin ang boses ko. Sa puntong iyon ay liningon niya ako. "Kung bumalik man sila
[Nessa Point of View] MEDYO MAKULIMLIM ngayon dito sa site. Isa-isa nang nagpaalam sa akin ang mga trabahador ko. Nakakalungkot lang isipin na nawalan sila ng susunod na proyekto. Ngayon lang nangyari sa career ko ito. But at the same time natutuwa ako dahil sa wakas, makakauwi na rin sila sa kaniya-kaniya nilang pamilya. Namalagi rin sila ng isang taon sa aking bilang mga tauhan ko, kaya deserve din nila na umuwi habang wala pa akong susunod na proyekto. Tinanggal ko ang aking hardhat at pilit na pinagmamasdan ang natapos na bridge. May mga katanungan ako sa sarili ko. Tama ba talaga na pinasok ko ang pagiging isang engineer? Proud kaya si tatay sa akin kahit na minsan nakatengga ako at kapos sa proyekto? Hayy...ang hirap maging independent. Maya-maya lamang ay nakita ko si Mang Norman, galak ang naging reaksyon nito habang patakbong papalapit sa akin. "Ma'am Nessa! Ma'am Nessa!" Hinihingal nitong sigaw. "Oh Mang Norman, bakit ho?" "Eh Ma'am, tumawag po mula sa telepo
[Tasha Point of View] "V-Veos, I'm sorry pero... h-hindi mo dapat sinasagot ng ganiyan ang iyong ina," saad ko. I need to do this. Kailangan kong magpakitang gilas. "Hmm, well, she's right anak. Kahit na nakikisabat siya ay may sense naman ang mga sinasabi ng babaeng ito," saad ni Mrs. Ynah ngunit ang mga mapangmata na tinig nito ay tila napipilitan lamang sa mga nasabi ko. "Tash, wala ka bang ibang pupuntahan ngayon? Umalis ka na muna dahil hindi ka dapat sumasali sa usapan namin okay?" ang tugon ni Veos na labis kong ikinalungkot. Wala ako ibang naging reaksyon at sinunod ko na lamang ang gusto niya. Dahan-dahan akong naglakad at nag-excuse Kay Mrs. Ynah na noo'y hindi ko mawari kung ano ang nasa isip niya dahil mukha siyang naaawa sa akin. Ngunit nang makalagpas na ako ng pinto ay kaagad akong tinawag ni Mrs. Ynah. "Hija? What is your name again?" "Umm...T-Tasha po...Tasha Villego," nauutal kong tugon habang hindi matingnan sa mata ang ina ni Veos. "Tasha Villego
[ Tasha Point of View] BUTI na lamang at mabilis ang aking kamay at kaagad kong dinampot ang bagay na hindi maaring makita ni Veos. Thank God...wala siyang nakita. "Kaya mo ba? Tulungan na kitang damputin lahat 'yan," saad niya pero kaagad ko siyang tinanggihan. "N-no, k-kaya ko ako na. By the way...m-may pupuntahan ka ba ngayon? Kung wala sana...baka puwede mo akong samahan na gumala since day off ko ngayon," pagmamakaawa ko sa kaniya. I saw his reaction...parang...ayaw niya. "Ha, umh, gustuhin ko man Tash, pero...m-may mga clients din ako ngayon na nag-aantay. Maybe next time...kapag off din ng ate mo," nakangiti niyang sabi. Si ate na naman? At that point, hindi ko na talaga maitago kay Veos ang pagkadismaya ko. He's obvious...na mas gusto niyang makasama si ate kaysa sa akin. Kahit pa todo deny siya. "Alam mo...nakakatampo ka na," saad ko. "Why?" "Simula nang magkaroon kayo ng kontrata ni ate...parang...parang dumidistansya ka na sa akin, which is hindi m
[Tasha Point of View] I WAS HAPPY inside nang makaalis na si ate. Sa ngayon, kami na lamang ni Veos ang nandito. Kasalukuyan kaming nasa kitchen ngayon. He's still enjoying the meal na dala ko. Sobrang saya ko dahil feeling ko mas naka-score ako ngayong araw. "Kumain ka lang ng madami Veos. Tomorrow, babalik ako at magdadala ulit ako ng iba pang putahe," I said seductively. "Umm...you don't need to do that Tasha. Baka makaabala pa kami sa 'yo ng ate mo, ikaw, hindi ka ba kakain?" ani Veos. Lumipat ako ng puwesto at umupo sa bandang malapit sa kaniya. Inabutan ko siya ng tubig. Gusto kong iparamdam kay Veos na I am better than my sister. Ramdam ko rin naman na hindi ako tatraydurin ni ate ng patalikod so I need to grab this opportunity para mapaamo si Veos at sa akin lang matuon ang attentions niya. Matagal ko itong pinapangarap, ang makausap siya ng malapitan, pagmasdan siyang kumilos at higit sa lahat...ang mapagsilbihan siya. Baliw na ba ako kung sasabihin kong I am obs