[ Nessa Point of View] ANNIVERSARY ngayon namin ni Drew, ang lalakeng nakarelasyon ko ng dalawang taon. Bahagya akong nagulat nang mag-ring ang cellphone ko, at nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay walang iba kung hindi ang boyfriend ko. "Hello love, happy anniversary!" masaya kong pagbati, ngunit nawala ang mga kinang sa aking mga mata nang boses babae ang sumagot mula sa kabilang linya. "Puntahan mo ngayon si Drew dito sa hotel, may nangyaring masama sa kanya," malamig na sabi ng babae. I was about to ask her pa sana pero bigla niya na lang akong pinatayan. Maya-maya lamang ay nag-text ito at sinabi ang exact location. Sa labis na pag-aalala ko ay hindi ako nag-atubiling paandarin ang sasakyan at paharurutin ito ng mabilis. Sa sobrang bilis ko ay hindi ko namamalayan ang sasakyan na paparating, buti nakapreno ako kaagad pero sa ngayon, si Drew muna. "Sorry!" pagsigaw ko sa sasakyan na tumigil mula sa likuran ko at kaagad kong pinaandar ang aking kotse nang makit
NAGULAT ako nang hilain ako ng lalakeng ito papunta sa direksiyon ni Drew na noo'y naglalakad din patungo sa amin. "Gago ka ah!" nakakuyom ang mga kamao ni Drew at akma na niya sanang susuntukin ang lalake ngunit nakailag ito. "Drew ano ba! Tumigil ka! Huwag kang magsimula ng gulo dito dahil una sa lahat, ikaw ang nagsimula!" sigaw ko. "What the hell Nessa! Kailangan ba talagang maghalikan kayo habang nandito ako!" "And why not?! Bakit, no'ng mga oras na lalabasan ka na at sarap na sarap sa pag-ungol habang nakapatong ang babaeng 'yon, pinigilan ba kita, ha!" sigaw ko habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga pisngi. "Fuck you! Gago ka! Niligawan mo ako ng isang taon! Naging tayo for almost two years! And next month! Kasal na sana natin..." sigaw ko na halos manghina ang mga tuhod ko sa bawat salitang binibitawan ko. "Pero ano'ng ginawa mo...ano ang ginawa mo Drew!" sigaw ko habang hindi siya makaimik sa mga salitang ipinupukol ko sa kanya. "L-love...hear me o
KINAGABIHAN nga ay nagpaalam na sa 'kin si Tasha dahil magdu-duty na ito. At dahil mga 7:30 PM pa lang naman ng gabi ay pinatay ko ang desktop tsaka nagmadaling maligo. Nang matapos ako ay sinuot ko ang backless na dress na sobrang bumagay sa kurba ng katawan ko. "Hindi ka p'wedeng magmukmok Dito Nessa, cheer up! Maybe kailangan ko naman na i-treat ang sarili ko kahit ngayong gabi lang," bulong ko sa aking sarili. Aminado akong masakit pa rin ang loob ko sa hiwalayan namin ni Drew. Kahit ano'ng gawin ko ay hindi maalis sa isipan ko ang mga kaganapan kahapon. Habang nasa kalagitnaan ako ng biyahe ay natanawan ko ang isang bigatin na bar kung saan ilang kilometer lang ang layo sa tinitirahan namin. I've never been here, pero parang may sariling isip ang mga paa ko at bakit dito ako dinala. "One glass of margarita please," utos ko sa bartender at kaagad naman itong tumango. Nakakaraming shots na ako at nakakaramdam na rin ako ng init sa katawan. Sinita na rin ako ng barten
NANG mga oras na iyon ay para akong binubuhasan ng mainit na tubig dahil parang hindi ko mapigilan ang sarili ko na humanga sa kakisigan ng lalake na nasa harap ko. "Hey, nahimasmasan ka na ba? Halos matunaw ako sa pasimpleng pagtitig mo sa 'kin," wika nito. "H-huh? N-no! Hindi ako nakatitig sa 'yo noh?! At isa pa, w-wala akong interest sa mga masculine body na 'yan," pagtanggi ko ngunit tila nadulas ako sa nasabi ko at napatingin na lamang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. "Oh, so you admitted na macho nga ako?" pang-aasar niya sa 'kin. "You know what? Hindi...hindi ako lasing, at alam ko...alam ko na ikaw ang lalakeng hinalikan ko kahapon. At alam mo?" dinuro ko siya habang pinipigilan ko ang pagkahilo. "Alam mo...pare-parehas kayong mga lalake, mga manloloko! Mga manggagamit! At higit sa lahat?! Mga babaero! Maybe you're one of them..." "Well, lasing ka nga," tipid niyang sabi. "I'm not...sober lang ako pero hindi ako lasing! You guys are--" Nabitin ang
KINAUMAGAHAN nga ay naramdaman ko na lamang na sobrang lambot ng kamang hinihigaan ko. Pero nang imulat ko ang aking mga mata ay doon ko lang napagtanto na hindi ito ang sarili kong kuwarto. "Hala! A-anong ginagawa ko dito!" Bulalas ko at naramdaman ko na lamang na tila sumasakit pa ang aking ulo. Hanggang sa maalala ko ang mga naganap kagabi. Nagulat ako nang makita kong nakasuot ako ng puting long sleeve. "Ohh geez! Nessa anong nakain mo kagabi!" muli kong bulong sa aking sarili. Akma na sana akong babangon nang maramdaman ko ang kirot na nagmumula sa aking pagkababae. "No way! No! This can't be! S-sinong lalake ang gumalaw ng perlas ng silanganan ko!" sigaw ko. Kaagad kong dinampot ang bag ko na nakalapag sa lampshade. At doon nga bumungad sa 'kin ang one hundred missed calls na galing sa kapatid kong si Tasha. Pinilit ko na lamang noon na maglakad palabas kahit may hapdi pa akong nararamdaman. Pagbungad ko sa sala ay nakita ko ang isang lalake, nakasuot ng tank tops
NAPAKARIPAS ako ng takbo pabalik sa loob nang mapansin ko na wala akong suot na underwears! Gosh! Purgang purga na talaga ako sa kahihiyan! Gusto ko ng umuwi! Nang makita ko ang mga gamit ko ay kaagad ko na itong kinuha at pati ang damit ko na sinuot ko kahapon ay isinuot ko na rin. Bahala na kung mangamoy kalamansi pa ako dito basta gusto ko ng umuwi! "Hey, hindi pa ba tapos 'yan?" bossy kong sagot sa lalaking ito. After kong magtanong ay tumayo siya tsaka niya ako tinapunan ng nakakainis na tingin. "You never hesitated to wear those clothes again?" "So? Sa bahay na ako magpapalit." "Hmm... sabagay? Nasukaan mo lang naman ang damit na 'yan kagabi habang binibihisan kita," he said and instantly crossed his arms. "How there--hmmp! Umamin ka nga! G-Ginalaw mo ulit ako kagabi noh?!" He laughed mischievously at tila lalo pa niya akong inaasar. "Kalahati lang ang naipasok ko kagabi Miss, masiyadong makipot so I decided to pull it out. At isa pa, mukhang hindi mo
NAPATINGALA ako sa sinabi ng estranghero na ito. "Kahit sino naman na lalake susunggaban ako kapag intoxicated ako noh?! And one more thing oh ito tanggapin mo." Aminado naman ako na may kaya ang lalakeng ito pero inabutan ko siya ng bente pesos para ako naman ang mang-asar sa kaniya. Nakita ko siyang nagtaka sa ginawa ko at tinaasan niya ako ng kilay. "Oh abutin mo na? Bente pesos para sa kaunting gasolina na nagamit ng sasakyan mo para ihatid ako dito," dagdag ko. "Hmm, ipambili mo na lang 'yan ng nipple tape. Total may ugali ka pa lang nakakalimot, nakakalimot magsuot ng BRA." Nakita kong tiningnan niya ang dibdib ko na noon ay kasalukuyang nakaawang ang isang butones ng blouse ko dahilan para magpakita ang cleavage ko. Mabilis kong tinakpan ito gamit ang mga palad ko nang mapagtanto ko na hindi ko na naman nasuot ang bra ko. Tsk! Nakakainis! Ayaw ko na muling magkrus ang landas namin ng lalakeng ito! "Bastos!" "Paano naman ako naging bastos Miss? Nakalimutan mo na
BINILISAN ko ang pagbibihis ko nang mapansin ko na tila dumating na nga ang lalakeng tinutukoy ng kapatid ko. Si Veos, si Veos na matagal ko ng kinaiinisan simula noong bata pa kami. Hindi ko rin alam kung bakit gano'n na lamang kagaan ang loob ni Tasha sa kaniya. "Ate, lumabas ka na diyan. Nandito na si Veos at hinahanap ka." Sabik na sigaw ni Tasha habang kumakatok sa aking pinatuan. Dinampot ko ang aking french na pabango at iniiros sa aking pulso at leeg. Kasabay no'n ay inayos ko ang hibla ng aking curly na buhok bago lumabas. Pagkabukas ko nga ng pinto ay kinantiyawan pa ako ni Tasha. "Wow, bango ah. Ang bongga ng bihisan natin ngayon ate ah." "M-May meeting ako sa mga k-kliyente ko mamaya," palusot ko. Nang sabay kaming maglakad papunta sa sala ay natanawan ko nga si Veos, nakatalikod ito at kasalukuyang pinagmamasdan ang mga pictures frames namin ni Veca noong mga bata pa kami. "S-Si Veos?" Nauutal kong sagot at hindi ko mawari kung bakit bigla na lamang ako
PAGKASARADO ko ng pintuan, agad akong sinalubong ng malamig na titig ni Tasha. Nakaupo siya sa gilid ng sofa, ang isang binti nakapatong sa kabila, animo’y isang reyna sa trono niya. Masama na naman ang tingin niya sa akin. "G-gising ka na pala," mahinhin kong sabi. "Yeah, kanina pa. Mukhang excited si Veos na puntahan ka ngayong umaga?" Ang sagot niya ay tila may kakaiba na naman sa tono ng pananalita niya. So tama nga ako, siya 'yong sumisilip kanina sa bintana. "Huh? Iyon ba? Wala 'yon, may pinabibigay lang ang Lolo niya," saad ko kasabay ng paglapag ko ng mga shopping bags sa sofa. Kaagad naman na napatayo si Tasha habang nakakibit ang mga kamay. "Napapadalas naman yata ang mga pagbibigay sa 'yo ng Lolo ni Veos? Hmm, kulang na lamang siya na ang manligaw sa 'yo. The wedding gown, the expensive ring at ngayon...mukhang another branded thing?" "Tasha, maliit lang na bagay ang mga 'yan, saka it's not my fault kung kinailangan pa na ganiyan kamahal ang ibinibigay sa
KAAGAD akong lumabas ng bahay at mabilis na nilapitan si Veos. Honestly, this is not the right time para pumunta siya dito sa bahay lalo na at hindi pa kami nagkakaayos ni Tasha. "Ano ang ginagawa mo dito," malamig kong sagot. "Nessa... I'm here to give you all of these," sagot niya sabay abot sa akin ng mga nagmamahalang shopping bags. "Ano 'yan suhol?" "Huh? No, I came here because Lolo wants me to give you these, you have to wear all these things Nessa para sa gaganapin na engagement party mamayang gabi." Engagement party? Oh okay! Kamuntikan ko nang makalimutan ang dadaluhan kong party dahil sa sobrang dami kong iniisip. "Required ba talaga na branded lahat?!" "If possible yes, mga bigatin ang magiging bisita natin Nessa. At magtataka ang mga 'yon kapag they found out na isa ka lang ordinaryong babae." Iba ang pitik ng mga salita ni Veos kaya naman tinititigan ko siya, titig na tila nagsasabing ARE-YOU-BELITTLING-ME? "What? 'W-wag kang tumitig sa akin ng
"WHAT the hell are you doing here?!" Hindi ako nagpasindak kay Tasha nang bigla na lamang siyang pumasok. Kalmado lamang ako sa pagkakatayo habang galit kong tinatapunan ng masamang tingin ang aking kapatid. "Ate?! Ano ang ginagawa mo dito?" pag-uulit niya. Ilang sandali pa lamang ay ibinato ko sa kaniya ang hawak kong bagay. "Tell me Tasha, kailan ka pa gumagamit ng mga 'yan, kailan ka pa natutong gumamit ng droga! Kailan pa!" sigaw ko na halos pumiyok ako dahil sa galit. Tila mas lalo pa akong nainsulto nang kalmado niya lang itong pinulot at banayad na inilagay sa kaniyang maliit na bag. "Sino bang nagsabi sa 'yo na basta basta ka na lang pumapasok nang walang paalam dito sa kuwarto ko? Kung galit ka pala sa mga nakita mo e 'di sana hindi ka na pumasok dito," matapang niyang sagot kasabay ng pabalibag na paglapag niya sa kaniyang bag sa kanyang desktop table. "Tasha kausapin mo ako ng masinsinan huwag kang bastos!" "Oh c'mon! Nandito ka na naman ba para ser
"TASHA ikaw ba?!" pag-uulit ko. "Oo!" "The hell?! Bakit mo naisipan na lagyan ng tracking device ang kotse ko! Nag-iisip ka ba?!" galit kong sigaw. Nakita ko siyang napaayos nang kaniyang pagkakaupo. And now she's acting as if hindi nakagawa ng kasalanan. She just crossed her arms and wore that deadly grin. "Heto na naman ba tayo ate? Actually hindi mo ako masisisi, alam mong baliw na baliw ako kay Veos! At kahit pa ilang ulit na i-reject ni Veos ang pagmamahal ko para sa kaniya, hinding hindi ako susuko," diin niyang sagot. "Tasha, naririnig mo pa ba ang sarili mo?! Ikaw pa ba 'yan ha! Bakit mo masiyadong binababa ang sarili mo! Ikaw ang babae at hindi ka dapat naghahabol!" sigaw ko na halos mahulog ang ibang utensils sa table nang makalampag ko ito nang malakas dahil lang sa galit. "Wow! You're acting now na parang ang tino tino mo masiyado! Bakit ikaw ate, hindi mo rin ba nasubukan ang nararamdaman ko?! 'Di ba iniyakan mo rin si kuya Drew? Kahit ilang ulit mong
LABIS akong nagulat sa sinabi ng kapatid ko. Maging si Veos ay tila natahimik na lamang bigla. "Paano niyo...paano niyo naaatim na magkasama? Sa kabila ng nangyari sa inyo, tapos ngayon...ikakasal kayo?! That's bullshit!" galit na sigaw ni Tasha at tila hindi ang kapatid ko ang kaharap namin ngayon ni Veos. "Tasha! Tama na! Veos, please lang...umalis ka na muna, please..." may diin ang boses kong pinakiusapan siyang umalis na muna. Sumunod naman kaagad si Veos at walang pasabing pinaandar ang kotse nito palayo sa harap ng bahay namin. Muli ay galit kong hinatak papasok sa loob si Tasha. "Ano ba! Ate bitawan mo ako!" pagpupumiglas niya at nang makapasok kami sa loob ay puwersahan kong binitawan ang braso niya. Wala na akong pakialam kung mamula o magmarka dahil sa higpit ng pagkakahawak ko. "Talaga bang sinasagad mo ang pasensya ko Tasha! Kailangan ba talagang...s-sabihin mo ang bagay na iyon sa harapan ni Veos!" sigaw ko na halos lumabas ang ugat mula sa aking leeg haba
"TAKE this," ani Veos at inabot ang isang maliit na box sa harapan ko. "Ano iyan?" "Engagement ring. Isuot mo 'yan, magkakaroon tayo ng party tomorrow." "Bakit kailangan pa natin ng engagement ring?" pagtataka ko. "Remember our number one mission? Ang mapaniwala ang lahat na totoo nga tayong magkarelasyon and I need you to wear this ring bago tayo magpakita sa mga bisita." Wala pa nga kami sa sinasabing event ni Veos pero tila bigla akong nakaramdam ng nerbyos. "Nessa?" "A-amh, okay, okay. S-sige, isusuot ko 'to bukas. Pero bakit may party? Anong klaseng party ba 'yon?" "Engagement party nating dalawa Nessa," seryosong saad ni Veos. Ilang segundong katahimikan bago ko pa ibuka ang aking bibig. Tila sinasariwa pa ng utak ko ang mga naririnig ko ngayon. "Seriously? Gagastos pa kayo sa engagement party?!" "Hindi naman ako ay may idea no'n Nessa, it was Lolo. Gusto niya talaga na realistic." "Lakas din ng trip ng Lolo mo ah?" "No Nessa, honestly, tus
MABILIS ang bawat paghakbang ni Veos palapit sa akin hanggang sa nagulat na lamang ako when he gently pulls me tapos pinatalikod, maingat niyang ibinababa ang zipper ng wedding gown na suot ko, napalunok na lamang ako noon. "T-teka! Huwag naman dito Veos b-baka mamaya may mga makakita," pag-angal ko. I can feel his warm breath traveling around my spine dahil sa bawat paghingang pinapakawalan niya. Nanatili pa rin siyang tahimik habang inaayos ang zipper ng gown ko mula sa aking likod. Hindi ko magawang tingnan siya. Halos hindi rin mapakali ang mga mata ko sa kakakurap. "V-Veos..." "Yes..." "A-ano okay na ba? H-huwag mo naman ako hubaran dito," nauutal kong sagot. "Why would I do that Nessa? Inaayos ko lang itong zipper, hindi mo siya maibaba nang maayos because may maliit na telang naka-ipit, kung bakit mo ba naman kasi naisipan na isuot 'to, masiyado mo naman kasing ipinapahalata na excited ka masiyado sa wedding ceremony natin," aniya at naramdaman ko na lamang noon a
"HOYY! Kahit kailan talaga ang dumi ng utak mo!" "Why? I'm just being practical here, saka let me finish my word kasi, ang ibig ko lang naman sabihin, why do we need to stay in a private place kung p'wede naman tayong MAG-USAP inside the car? Hmm?" aniya. Bigla akong napaiwas ng tingin kay Veos dahil kaagad kasi akong nag-react. Eh syempre may trauma na ako sa kotse niya, akala niya siguro gano'n lang kadaling kalimutan iyong nangyari sa amin. "Sige, diyan ka lang. May gagawin ako. Sakaling makatulong ito para hindi matuloy ang kasal," bulong ko at nilagpasan ko lamang siya at dumiretso ako sa sarili kong kotse. Honestly hindi ko alam kung effective ang gagawin kong ito. Hindi rin naman ako gaano nagpapaniwala sa mga kasabihan na iyan. Pero malay ba natin at baka magkatotoo. Nang makapasok ako sa loob ng kotse ay kaagad kong hinubad ang blouse ko. Mula sa malaking kahon ay kaagad kong kinuha ang gown at halos pagpawisan ako sa kakasuot nito. "Hey Nessa! What took you so lon
PAK! Isang malakas na palo sa braso ni Veos ang pinakawalan ko. Gagong 'to may pa-honeymoon pang nalalaman! "May ubo ka ba sa utak? Huwag mo akong biruin ng ganiyan Veos!" "Chill. Nag-o- overreacting ka na naman eh, masiyado ka kasing seryoso sa buhay," aniya habang hinahagod ang braso niya sa pagkakapalo ko. Ng mga oras na iyon ay pilit kong pinipigilan ang sarili ko mula sa pamumula. At walang pasabi na tinungo ang wedding boutique at kalaunan ay sumunod naman si Veos. SA LOOB NG WEDDING BOUTIQUE ay kaagad kaming sinalubong ng mga staff. Warm welcome kumbaga. "Good morning Sir Veos, hindi niyo naman kami sinabihan sir na sobrang ganda pala ng magiging bride niyo," pangiting saad ng isang staff. Mukhang suki nila si Veos rito base sa kung paano nila tratuhin ito. Hooo, marketing strategy, mambobola ng mga customers para makabenta? "Nessa, ang mata mo..." ani Veos. Doon ko lang napagtanto na pinagmamasdan niya pala ako na supladang nakatingin sa isang staff.