Hello dear readers please give me some feedtbacks po para naman ma-motivate akong magsulat at mag-update. Thank you Po and happy reading l🥰
[Nessa Point of View] "Hindi mo rin ako kilala," pag-uulit ko. Pambihira, ngayon ko lang nalaman na balahura pala ang ugali ng babaeng 'to. Tinaasan niya lamang ako ng kilay while currently flipping her long raven hair. "Wow, may gana ka pa talagang magmaldita eh ikaw na nga itong nakabangga sa akin? Ang how dare you na maliitin ang pagiging car racer ko? International 'yon girl, baka nga barya ko lang ang kinikita mo sa pagiging ENGINEER mo," aniya at tila may balak pa akong bwisitin. "Oh, baka gusto mo ng autograph?" dagdag niya at inilabas niya ang marker at walang pasabing sinulatan ang gown ko. Actually signature niya iyon. "Takte ka!" sigaw ko pero tinawanan niya lamang ako. "Malakas lang loob mo mambastos dahil wala ka sa harapan ng mga fans mo! Car racer my foot! Baka nga matalo pa kita eh," sagot ko. Aminado akong ng mga oras na iyon ay parang mataas ang kumpiyansa ko sa sarili ko. Kung tutuusin kaya ko naman talaga ang mga sports na 'yan, sadyang mas inuna ko lang an
[Third Person's Point of View] SA SOBRANG pagkainis ay muling sinupalpal ni Nessa si Veos mula sa likuran. "Ahh! Aray! Nakakarami ka na ah!" sigaw ni Veos habang hawak nito ang kaniyang likod kung saan pinalo ni Nessa nang napakalakas dahil sa ginawa nitong paghalik at paglagay niya ng chikinini sa leeg ng dalaga. "Hindi ka ba nag-iisip?! Bakit mo ako linagyan ng chikinini!" "N-Nessa chill ka lang okay? P-pinagmamasdan tayo ni Zeus, puwede bang maging sweet ka naman baka mamaya paghinalaan tayo niyan," saad ni Veos habang iniinda pa rin ang sakit ng pagkakapalo ni Nessa sa kaniyang likod. "Eh ano naman ngayon kung maghinala?!" "Nessa, may hinala akong siya ang may kagagawan sa pagkalat ng sex scandal natin, maybe alam rin ni Lolo kaya niya inimbitahan iyan dito para isampal sa kaniya na totoong magkasintahan tayo," paliwanag ni Veos. Palihim naman noon na sinulyapan ni Nessa si Zeus na noo'y panay ang iwas ng tingin. "Sure ka bang siya?" "Siya lang ang nakaalit
[Nessa Point of View] KASALUKUYANG tinatahak na namin noon ni Veos ang madilim na daan pauwi sa amin. This time hindi ako puwedeng mag-inarte since wala naman akong ibang puwedeng masakyan kung hindi ang kotse niya lang. Nakatingin lang ako sa gilid ng kalsada at patuloy na pinagmamasdan ang mga nalalagpasan namin. "Siya nga pala, natukoy mo na ba kung sino 'yong naglagay ng tracking device sa kotse mo noong nakaraan?" bigla siyang nagtanong dahilan upang maudlot ang pagmumuni-muni ko. "H-Ha? A-actually, mukhang pinagtripan lang ako," pagsisinungaling ko. "Pinagtripan?" "Oo..." "So sino naman kayang sira-ulo ang gagawa no'n sa 'yo?" Palihim akong napakagat ng pang-ibabang labi ko. Kailangan kong protektahan si Tasha. Sa ngayon, wala muna akong puwedeng pagsabihan. "Mag-drive ka na, tanong ka ng tanong." "Okay chill, nagtatanong lang ako since it's very alarming na may maglagay ng GPS then it turns out na prank lang pala. Gago rin ang gumawa no'n, pero wala
[Nessa Point of View] PARANG hindi natinag si Veos sa sinabi ko. Mas lalo akong nakaramdam ng pagkailang nang wala siyang pasabing tinanggal ang damit niya mismong sa harapan ko. Kaagad akong tumalikod. "Veos nananadya ka ba?! Ang lapit lapit lang ng banyo," painis kong sabi. "Oh c'mon Nessa, 'wag kang umasta na parang inosente pa tayong dalawa. Hindi naman ako as in naghubad sa harapan mo..." aniya at tila nagpatuloy pa rin siya sa pagbibihis. "Bilisan mo diyan, at ng makauwi ka na sa inyo, baka mamaya kung ano pa ang isipin ng Lolo mo." "Honestly, ang alam ni Lolo ay in relationship tayong dalawa. Pero he decided na magkaroon tayo ng contract marriage para maiwas tayo sa mga possible na issues, so...walang kaso kay Lolo even if I stay here for too long." Hindi na nga ako nakapagpigil at hinarap ko na siya. Sakto naman na nasuot na niya ang t-shirt na ipinahiram ko. Actually kay Drew ang t-shirt na iyon kaya wala na akong pakialam kung ano pa ang gusto niyang gawi
[Nessa Point of View] "AHHHHHHH! Takpan mo--takpan mo 'yang mukha mo!" sigaw ko habang aligaga akong ipagsiksikan ang aking katawan sa gilid ng banyo nang biglang nagkaroon ng kuryente. Hindi ko rin noon namalayan na nasampal ko si Veos dahil sa pagkataranta ko. "Hey Nessa! Chill! Okay ito na tinatakpan ko na! Ang hapdi naman ng sampal mo, napakalutong."'"S-sure ka! B-baka mamaya hindi mo 'yan tinatakpan ng maigi!" "Okay ito na, tatalikod na. Gosh this girl! Ayaw ko pa sanang maligo pero pinaliguan mo na ako," aniya. Para akong si Eva na after makakain ng hotdo---este mansanas ay doon ko lamang napagtanto na ni isa man lang ay wala akong suot na saplot. At ang mas masahol pa ay tila may nakita si Veos. Mukhang nananadya yata ang kuryente na 'to para mabosohan ako ng lalakeng ito! Para akong baliw na nakaupo habang pilit na itinatago ang aking katawan sa saktong sukat lang ng timba. "L-lumabas ka na!" sigaw ko. "Oh okay... don't worry...I didn't see anything. Kahit nakahubad ka
[ Nessa Point of View] "Just one more strike, and I will return the favor with a passionate kiss, Nessa." Para akong napako sa kinatatayuan ko, tanging paglunok na lamang ang naging tugon ko sa mga salitang binitawan ni Veos habang hawak niya pa rin ang palad ko at kasalukuyang magkalapit ang mukha namin na dalawa. Nakita ko kung paano siya tumitig na parang nagbibilang lamang ng mga muta sa mga mata ko. Nang magbalik ako sa sarili kong diwa ay kaagad kong binawi ang palad ko mula sa pagkakahawak niya at lumayo ng biglaan. "Ehem..." aniya. "M-mahina na ang ulan, b-bilisan mo diyan, nasa banyo 'yong mga na-drier ko ng damit mo. Isauli mo na lang bukas ang damit ko. Saka ilang oras na lang parating na rin si Tasha, hindi ka niya p'wedeng maabutan dito at baka iba na naman ang isipin niya," nauutal kong sabi. Nakita ko kung paano din siya napaayos ng pagkakaupo, ramdam ko na iba ang atmosphere ng loob ng bahay, nagkakailangan na kami sa paraang hindi namin maipaliwanag. Li
[ Nessa Point of View] KINAUMAGAHAN ay halos mabingi ako sa tunog ng alarm clock. Punyeta! Kulang na kulang pa ang tulog ko. Pinilit kong igapang ang aking katawan upang patayin iyon, antok na antok pa ako. At nang mapatay ko ang alarm ko ay halos mawala ang pagka antok ko nang sumunod na tumunog ang cellphone ko na noo'y nasa ulohan ko lamang. "Hello?" tugon ko at halatang wala pa ako sa tamang wisyo pasa makipag-usap dahil puyat ako. "Hello Nessa, gumising ka na, ngayon ang wedding ceremony."Halos mapabalikwas ako nang mapagtanto kong si Veos ang nasa kabilang linya. Pero wait, paano niya nalaman ang numero ko? "Ano?! Putek bakit biglaan!" sigaw ko habang aligaga ako sa pag-aayos ng sarili ko. "Sorry. Pati nga rin ako nagulat, akala ko na-move ang schedule. May mga pinadala na akong mag-aayos sa 'yo diyan, wait for them, sige na bye na, kailangan ko na rin na mag-ayos." "Ve-!" Hindi na ako muling nagsalita nang biglang patayan ako ni Veos ng call. "Arrggghh! Pambihira naman
[Nessa Point of View] BAKAS sa mukha ni Tasha ang pagkabiglang nang bigla kong binuksan ang pintuan. Hawak-hawak niya ang wedding gown na ibinigay sa akin ni Veos. Kaagad siyang napatayo at pahagis pa nitong inilapag ang wedding gown pabalik sa bed ko. "Tash? A-ano ang ginagawa mo dito?" "Eh, k-kasi ate...n-na-amaze lang ako sa wedding gown mo, b-but I didn't intend to..." aniya na halos nauutal pa sa kakapaliwanag. Kaagad kong dinampot ang wedding gown at lubha akong nadismaya nang makita ko na natanggal ang zipper. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko no'n since hindi ko rin naman kayang pagalitan ang kapatid ko. "S-sinukat mo ba 'to?" kalmado kong tanong. Para siyang kinakabahan at tila may ginawa nga siyang kakaiba sa wedding gown. Maliit na bagay iyon na hindi na dapat namin pagtalunan sana kaso... hindi akin ang wedding gown na iyon at hindi pa basta basta ang presyo. "Umm...y-yes ate, nagagandahan lang kasi ako." Aniya. "Pero Tasha...dapat n
[Tasha Point of View] I WAS HAPPY inside nang makaalis na si ate. Sa ngayon, kami na lamang ni Veos ang nandito. Kasalukuyan kaming nasa kitchen ngayon. He's still enjoying the meal na dala ko. Sobrang saya ko dahil feeling ko mas naka-score ako ngayong araw. "Kumain ka lang ng madami Veos. Tomorrow, babalik ako at magdadala ulit ako ng iba pang putahe," I said seductively. "Umm...you don't need to do that Tasha. Baka makaabala pa kami sa 'yo ng ate mo, ikaw, hindi ka ba kakain?" ani Veos. Lumipat ako ng puwesto at umupo sa bandang malapit sa kaniya. Inabutan ko siya ng tubig. Gusto kong iparamdam kay Veos na I am better than my sister. Ramdam ko rin naman na hindi ako tatraydurin ni ate ng patalikod so I need to grab this opportunity para mapaamo si Veos at sa akin lang matuon ang attentions niya. Matagal ko itong pinapangarap, ang makausap siya ng malapitan, pagmasdan siyang kumilos at higit sa lahat...ang mapagsilbihan siya. Baliw na ba ako kung sasabihin kong I am obsess
[Nessa Point of View] ALAS SAIS na ng umaga at kaagad akong napabalikwas mula sa pagkakaupo ko sa kama. At saktong palabas na ako ay lalong nayanig ang mood ko nang masilayan ko si... Si Tasha...kasama ang Lolo ni Veos. Ni wala pa akong kaayos-ayos noon at kahit hilamos ay wala. Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Naging sentro ng attention ko si Tasha. Seryoso itong nakatitig sa akin. Isang titig na parang may kalituhan at katanungan. Pero wait, bakit sila magkasama ng lolo ni Veos? Paano na naman nalaman ng Lolo niya na may kapatid ako. "Good morning Nessa hija, sorry kung napaaga kami ng dating. By the way, mukhang nag-enjoy kayo sa first honeymoon niyo bilang mag-asawa," anang matanda. Sakto naman noon na lumabas si Veos at nakasuot lamang ito ng boxer short. Pasimple ko siyang pinasikmuraan sapat na upang mapa-aray ito. "L-lo? Tasha?" ani Veos na kagaya ko ay kagulat gulat rin ang reaksyon nito at biglang napaatras dahil sa suot nitong boxer lamang. Maya-m
[Nessa Point of View] " I AM not insulting you Nessa, I just want to help you? Hindi ko naman ipinagmamayabang na madami akong projects, I am just being honest here," pagpapaliwanag ni Veos. Para talaga kaming tanga na kalagitnaan na ng gabi ay nagtatalo pa rin kami. Kaya tama ang hinala ko, once na nagsama kami sa iisang bubong everyday away, sigawan at pataasan ng pride. Ikaw ba naman, magiging asawa mo ang greatest enemy mo! "Inaantok na ako. Ilabas mo na 'yong kumot at unan ko, dito na ako sa couch matutulog," saad ko. "Seriously? What if biglang pumunta dito ng maaga si Lolo bukas e 'di natiklo na tayo?" aniya. "E 'di hayaan mong matiklo tayo, ano ba kasing nakain mo at sinabi mong naging nobya mo ako," anas ko. "Dahil ayaw ko lang naman na maging mababa ang tingin ni Lolo sa 'yo Nessa. I think nasabi ko na 'yan last time," aniya. Sabagay may point siya, lalo at dakilang tsismoso ang Lolo nito at alam na lahat ng itinatago ko sa buhay. Napakahenyong matanda. "Oh s
[Nessa Point of View] SUCCESS din sa wakas. Nagmadali akong lumabas ng banyo dahil alam kong hindi pa tapos si Veos na maligo. Alas dyes na noon ng gabi at hindi ko na rin mahagilap si Veos. Siguro tulog na 'yon at hindi niya na ako hinintay na matapos pa. Nakita ko noon na bahagyang nakabukas ang pintuan, maybe nasa loob na siya. Pero teka, sa iisang kama kami matutulog? Ni wala man lang nakalabas na unan at kumot. "Hindi ka puwedeng pumasok Nessa...baka mamaya baka saan na naman mapunta," bulong ko sa aking sarili. Naisipan ko noon na humiga na lamang sa couch total malawak rin naman at sakto na ang katawan ko para makainat ng maigi. Umupo na ako at nang akma na sana akong hihiga ay labis akong nagulat nang biglang bumukas ang pintuan mula sa kuwarto ni Veos. Bigla akong napaayos nang pagkakaupo. Nakita ko si Veos na nakasuot lamang ng tank tops at...hindi ko maiwasang matuon ang paningin ko sa pang-ibabang kasuotan nito. Hanep na bukol. Potek! Nagiging makasalanan na naman ang
[Nessa Point of View] ALAS OTSO na ng gabi nang matapos ang wedding celebration. Nakabusangot pa rin ako ngayon, hindi ko alam kung ano ang trip ng Lolo ni Veos. Nakasunod pa rin siya sa amin hanggang sa makarating kami sa condo na sinasabi ni Veos kung saan kami titira. "Psst. Veos," bulong ko sa kaniya habang naglalakad kami papasok sa condo ni Veos. "Why?" "Bakit hanggang dito ba naman nakasunod pa rin ang lolo mo? Huwag niyang sabihin na pati sa loob ng condo mo magbabantay pa rin siya?" pasimple kong bulong. "Well, napaka-unmannered ko naman kapag sinabihan ko si Lolo na umalis na kaagad," tugon niya. "Eh 'di sabihin mo na lang na first night natin ngayon, alam naman niya sigurong kailangan natin ng privacy 'di ba? Sige na, para makauwi din ako mamaya sa bahay," pagpupumilit ko. Tinapunan lamang ako ng mapagpasensiyang tingin ni Veos. "Sinabi ko na 'yan kanina pa, but he insisted. My grandfather is wise Nessa, malakas radar niyan kahit pa matanda na," tugo
[Nessa Point of View] PUWERSAHAN kong inalis ang kamay ni Veos mula sa pagkakaakbay niya sa akin. Nakakahalata na talaga ako sa galawan niyang hokage! "Alam mo ang tindi mo rin mam-busted ng babae. Tsk, tsk, tsk..." "Dahil hindi ko naman nakikita sa kanila ang magiging future family ko. Wala naman akong magagawa kung isang babae lang talaga ang linalaman ng puso ko," aniya. "Eww! Ang baduy," saad ko. "Why? I am just being honest nga 'di ba? May isang babae akong nagugustuhan, honestly it's been years na never naalis ang pagtingin ko sa kaniya," aniya habang seryosong pinagmamasdan ni Veos ang bawat paghampas ng mga alon habang dahan-dahan kaming naglalakad. Hindi ko alam kung magtatanong pa ba ako o hindi na. Pero 'yong eagerness ko na malaman kung sino ang babaeng 'yon parang mas lalo akong hindi mapakali. Hindi naman siguro ako affect noh? Oo, hindi. Hindi talaga dapat! "K-kung sino man 'yang babaeng tinutukoy mo, for sure, sobrang malas niya," saad ko. "Re
[Nessa Point of View] HINAYAAN ko lamang si Veos na hawakan ang kamay ko at mabilis ang mga yapak namin na pabalik sa wedding reception. Nakita ko kung gaano nag-iba si Veos. Ramdam ko ang sakit at pagkainis na may halong pagkalungkot sa kaniyang mga mata. "V-Veos sandali..." pag-apila ko at napatigil kami sa may ilalim ng puno. "Why," aniya. "G-gusto ko lang malaman...k-kung okay ka pa bang ipagpatuloy ang wedding party. K-kung gusto mo ng umuwi p'wede naman siguro. Mukhang hindi ka kasi komportable ngayong gabi," malumanay kong sabi. Sa puntong iyon ay ayaw kong dagdagan ang inis na nararamdaman ni Veos. Kailangan kong i-set aside na muna ang pagiging maldita ko. "Nessa... I'm okay. Kung ano man ang narinig at nakita mo kanina, 'wag mo ng intindihin. Hindi natin p'wedeng iwan ang mga bisita. Kailangan naroroon tayo," seryoso niyang tugon. Muli niyang hinawakan ang kamay ko at nagpatuloy kami sa paglalakad. At nang makarating kami sa reception ay labis na naningki
[Nessa Point of View] LINAGPASAN lamang ako ni Veos at diretso lamang siya sa paglalakad palayo. At sa mga oras na iyon natuon ang paningin ko sa ginang na nasa harapan ko. Mabilisan niyang pinunasan ang kaniyang mga luha at muling tumindig. Malaki na rin pala ang pinagbago ng ina ni Veos. Pumayat siya at mukha ng stress. Namumukhaan ko siya dahil mga bata pa lamang kami ay nakikita ko na siya noon. Sa katunayan, matapobre ang ina ni Veos, bata pa lang kami noon ni Tasha ay pinagbabawalan na niyang lumapit sa amin si Veos pero sadyang may katigasan ng ulo noon si Veos at palihim pa rin na nakikipaglaro kay Tasha. "What are you doing here," malamig na sabi ni Mrs. Ynah Dimitre, ang nanay ni Veos. Hindi ko alam kung paano ako tutugon. Masungit pa rin siya at walang pinagbago. Kung 'di ko pa nasubaybayan ang sagutan nila ni Veos ay malamang sa malamang, baka inaway ko na siya dahil ang sama niya kung makatingin kanina. "Umm...m-magpapahangin lang po sana ako kaso...n-narinig k
[Nessa Point of View] SUMASABAY sa malakas na hampas ng alon ang pagkabog ng aking damdamin. Bakit ganito? Bakit sa tuwing pinupuri ako ni Veos ay tila isa akong dahon ng makahiya na bigla bigla na lamang napapatiklop. "Nessa?" aniya. Doon ko lamang napagtanto na marami na pa lang nakatingin at ito ako tulala pa rin. Nasa harapan na kami ngayon ng altar. Panay pa rin ang paggawi ng aking mata sa loob ng simbahan at umaasang naroroon si Tasha. "Wala siya..." mahina at malungkot kong bulong. "Nessa, are you alright?" ani Veos. "H-ha... Veos... itutuloy pa ba natin 'to? Sure na sure ka na ba?" tugon ko at doon lang talaga ako nakaramdam ng labis na pagkakaba. "Nessa, ngayon ka pa ba aatras? Nandito na tayo," pasimpleng saad ni Veos. Para akong sinasapian ng mga oras na iyon dahil tagaktak ang pawis ko. Minsan na rin na sumagi sa isip ko na magpanggap na lang yatang nasaniban para hindi matuloy ang kalokohan na ito. Pero...pero hindi ko magawa, hindi kaya ng damdamin