PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Kung ang sadya mo dito sa opisina ay isturbuhin ako, mabuti pang umalis ka na." muling bigkas ni Lucian. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni David sabay upo sa upuan na nasa harapan ng table ni Sir Lucian. Kapanasin-pansin naman kay Aurora ang hindi mapalagay. "Uncle, may isang dahilan pa ako kaya ako nandito. Kilala niyo naman po siguro si Mr. Gustavo Rodriguez diba? Sila ang may ari ng Rodriguez Furniture Holdings and itong present girlfriend ko na si Aurora ang nag-iisa nilang tagapagmana." halata ang pagiging proudesa boses ni David habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko naman mapigilan ang mapataas ng kilay. Ang negosyo ng ama kong si Gostavo ay naka base sa pagawa ng mga furniture. May sariling store at warehouse at nag-eexport din sila ng mga produkto abroad. Kaya ang sarap ng buhay ni Aurora pati na din ang Ina nito dahil sila ang nagpakasasa sa negosyo na minsan ding pinaghirapan ng aking Ina. Sila ang nakinabang ng la
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Ahmmm Sir, ano na po ang gagawin ko ngayun? I mean, wala pa po ba kayong trabaho na ibibigay sa akin?" kinakabahan kong tanong. Bakit ba kasi kailangan niya pang maglock ng pintuan gayung nakaalis naman na sila ni David. Imposibleng babalik pa ang mga iyun dahil pinalayas niya na nga diba? Nakasimangot na naman siya pero kailangan ko na talagang magtanong sa kanya. Baka kasi nakalimutan niya na kaya ako nandito sa loob ng opisina niya para magtrabaho. Hindi para maupo at tumunganga lang habang tulala na nakatitig sa kawalan Concern lang din naman ako! Sayang naman ang ipinapasahod niya sa akin kung wala akong gagawin. Hindi naman matawag na trabaho ang maupo lang dito sa opisina niya na walang ginagawa! "On the way pa lang. Feeling bored? Kung ganoon, bumaba ka muna! May mga coffee shop sa ibaba at ibili mo ako ng kape. Cafe Americano at bumili ka na din ng sa iyo." seryoso niyang bigkas at naglakad palapit sa akin sabay abot ng isang card. Ka
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV KAAGAD na naningkit ang mga mata ko sa galit dahil sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha para sabihin niya ang katagang iyun gayung sa aming dalawa, siya itong nagluko. "Talaga? At saan ka naman kukuha ng pera kung sakali na pambayad sa akin? Sa Uncle Lucian mo? Ang lakas ng loob mong magmalaki sa akin gayung kahit na sarili mo hindi mo kayang buhayin." galit ko ding sagot sa kanya. Yes, dinig na dinig ng dalawa kong tainga ang pag-uusap nila kanina at kanina ko lang din nalaman na wala naman palang binatbat ang David na ito. Nakaasa naman pala sa Uncle niya pero ang lakas ng loob na magmalaki sa akin. Kaagad ko namang naramdaman ang paglapit ni Aurora! Galit siya at ganoon na lang ang gulat ko nang bigla niya na akong hawakan sa buhok at sabunutan. Naramdaman ko pa nga na para bang kinalmot niya din ako sa aking pisngi dahil bigla din akong nakaramdam ng hapdi sa bahaging iyun. Hindi ko napaghandaan iyun kaya hindi ko mapigilan ang mapaigik sa sak
PRECIOUS Amber Rodriguez POV "SORRY, hi-hindi ako nakabili ng kape dahil---dahil napa-trouble ako sa ibaba!" mahinang sagot ko sa kanya! Wala naman akong balak na itago sa kanya ang mga nangyari kanina lalo na at alam kong magsusumbong din naman ang David na iyun sa kanya eh. Napansin kong mabilis naman siyang napatayo sa kanyang swivel chair! Mahaba ang hakbang na naglakad palapit sa akin habang salubong ang kanyang kilay. "Sino ang nanakit sa iyo? Bakit may sugat ka sa pisngi?" sa sobrang lakas ng boses niya hindi ko mapigilan ang mapapitlag. Kitang kita ko ang galit sa mukha niya sa hindi ko malamang dahilan. "A-ano kasi eh! Nagkita kami nila David, Aurora sa baba at nagkasagutan kami. Nagkaroon ng kaunting phsicalan at hindi ko namalayan na nakalmot yata ni Aurora ang pisngi ko.'" kinakabahan kong sagot sa kanya! Wala sa sariling napahawak din ako sa aking buhok at ngayun ko lang din napansin na pati pala buhok ko, gulo-gulo na din. Maayos na nakatali ang buhok ko kanin
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV '"Ouch!" mahina kong daing habang nilalagyan niya ng gamot ang galos ko sa pisngi. Wala lang, hindi naman talaga ganoon kasakit pero kailangan kong lagyan ng kaunting pag-iinarte lalo na at kung makatitig siya sa akin ay para bang gusto niya akong tunawin. Besh, halos idikit niya na din ang mukha niya sa mukha ko kaya amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Ako lang itong nag-aalangan dahil medyo matagal-tagal na akong hindi nakakabisita sa dentist para magpalinis ng ngipin. Baka mamaya nangangamoy imburnal na ang hininga ko. "Masakit ba? Kaunting tiis na lang, malapit na ito." mahina niyang wika sa akin. Hindi na din ako nag-abala pang sagutin siya. Hindi naman masakit eh. Mas masakit pa nga ang naranasan ko sa mga kamay niya noong unang gabi na inangkin niya ako. Ilang araw at gabi ko din ininda ang sakit na iyun at itong nangyari sa akin, maliit na galos lang ito. Malayo sa bituka. "Done!" narinig kong sambit niya nang sa wakas natapos din
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV SA ginawang biglang panghahalik ni Sir Lucian sa akin pakiramdam ko biglang naging blanko ang isipan ko. Bigla kong naramdaman ang malakas na kabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Supposed to be magpupumiglas ako dahil sa ginagawa niyang ito sa akin pero iba naman ang sinisigaw ng kalooban ko. MORE! MORE pa nga ang sigaw ng isipan ko at ilang saglit lang, hindi ko na namalayan pa na napapikit na naman ang mga mata ko para namnamin ang halik niya. Medyo malandi ako sa mga oras na ito pero masarap eh. Ang sarap ng labi ni Sir Lucian. Malambot at mainit-init pa. Tapos ang sweet! "Hangang ngayun pa ba naman, hindi ka pa rin marunong tumugon sa halik ko?" narinig kong sambit niya habang dahan-dahan akong naimulat ang aking mga mata. Bigla akong nakaramdam ng pag-iinit ng aking pisngi nang mapanasin ko na titig na titig na naman siya sa akin. Nagsusumigaw din ang kalooban ko dahil nabitin ako. Gusto ko pa! Bitin pa ako sa halik niya. Hindi
PRECIOUS AMBER RODRGIGUEZ POV PAGKATAPOS ng 'gamutan' portion sa pagitan naming dalawa muling itinoon ni Sir Lucian ang buo niyang attention sa kanyang trabaho samantalang ako naman naging abala sa mga snacks na nasa harapan ko. Hindi naman ako na-inform ni Ms. Mayette na ng dami niya namang binili na mga sweets. Sinabi naman sa akin ni Sir Lucian kanina nang alukin ko siya na para daw talaga sa akin ang mga ito. Coffee lang daw sa kanya dahil hindi naman daw siya mahilig sa sweets. Dahil sayang naman kung hindi ko kakainin, nilantakan ko na lang. Iniisip ko na lang na baka suhol ito sa akin ni Sir Lucian dahil ang pamangkin niya ang dahilan kaya may maliit na galos ako sa aking pisngi. Hyasst, nasaan na kaya iyung table ko na sinasabi niya? Malapit na kasi mag lunch time pero wala pa rin akong nagagagawang kahit na isang trabaho. Ayaw ko nang magtanong tungkol doon dahil baka magalit na naman siya eh. Sabihin niya na naman pinangungunahan ko siya. Baka masira ang araw niya
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "NO Sir! Hindi na po. Parang magaling na nga po eh!" nakangiti kong sagot sa kanya! "Good! It's almost lunch time na and sumama ka sa akin.:" seryoso niyang sagot sabay tayo. Mabilis ko ding inayos ang mga kalat na nasa ibabaw ng center table. Wala na nga akong ginagawa, tapos hindi ko pa malinis-linis ang mga pinagkainan ko, baka iisipin niya na burara ako. Hindi uyyy! Kung sa palinisan ang pag-uusapan, magaling ako doon. "Saan po tayo pupunta Sir?" nakangiting tanong ko. Baka alam niyang busog na ako at ito na iyung time para magtrabaho ako kaya pinapasama niya ako kung saan man kami pupunta. Iyun nga lang, sa tanong kong saan kami pupunta, hindi niya man lang sinagot. Bagkos, naglakad siya patungo sa pintuan ng opisina kaya mabils na din akong napasunod sa kanya. "Miss Laurente, tawagan mo si Rodney. SAbihin mong pinapareport ko siya." seryosong utos niya kay Ms. Mayette na kaaagad namang sumagot ng noted habang tahimik lang akong nakikinig
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV PAGKATAPOS ng pag-uusap naming iyun ni Lucian, pumayag na din naman siya noong sabihin ko sa kanya na huwag niya na akong ihatid pa sa bahay. Kaagad akong pumara ng tricycle. Habang daan, panay pa ang lingon ko sa pag-aalalang baka sundan niya ako. Ayaw ko din kasing malaman niya kung saan ako nakatira eh. Hangat maari, ayaw ko na ng gulo. Tapos na ang kabanata sa buhay ko na kasama siya at ayaw ko nang bumalik pa sa dati. Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi na muling nagkrus ang landas naming dalawa ni Lucian. Mukhang napagawi lang talaga siguro siya dito sa School namin dahil sa pag sponsor niya para maitayo ang library. Simula din noong nagkausap kami ni Lucian, mas nagkaroon na din akong confidence sa sarili ko. Tuluyan na ding nawala ang takot sa puso ko sa isiping hindi niya na ako guguluhin. Alam na ni Lucian kung nasaan ako at ni minsan, hindi na siya nagpapakita sa akin. Siguro nga, tuluyan niya na din akong pinalaya. Kahit naman p
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Kagaya ng inaasahan, puro mga paborito kong pagkain ang inorder ni Lucian. Ang alam ko hindi niya naman talaga paboritong pagkain ang mga seafoods eh. Palagay ko din, hindi din siya gutom dahil kanina pa naka-serve ang mga pagkain, wala siyang ibang ginawa kundi ang tumunganga at titigan ako. "Lucian, akala ko ba gutom ka?" seryosong tanong ko sa kanya. Inilapag ko ang hawak kong kutsara at tinidor at seryoso siyang tinitigan. "It's okay! Kumain ka lang! Makita ko lang na busog ko, parang nabubusog na din ako." nakangiti niyang sagot. Hindi ko naman mapigilan ang mapakunot noo dahil sa sinabi niya. Ngayun ko lang kasi siya narinig na magbigkas ng mga ganitong kataga. Tsaka, hindi bagay sa kanya ang magsalita ng ganoon. Malayo sa personality niya kaya feeling ko, nagkamali lang ako ng dinig. "Dinig ko masarap ang mga seafoods nila dito. Talagang fresh at magaling din magluto ang chef nila.:" muli niyang bigkas. Hindi ko pa nga mapigilan ang magul
LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV HINDI ko mapigilan ang maikuyom ang aking kamao sa katagang narinig ko mula kay Precious. Ang mga salitang binitiwan niya ay parang isang matalim na punyal na bumabaon sa puso ko. Katabi ko lang siya ngayun pero para bang nakapahirap niya pa ring abutin. Hangang ngayun, nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang pait. SAbagay, masyado pang maaga ang lahat. Hindi pa dapat ako magpakita sa kanya pero hindi ko na talaga kaya. Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang Precious ko "Yeah...ang pagkikita nating ito ay aksidente lang and since magkakilala naman tayo before, hayaan mo akong i-treat ka." seryosong sagot ko. Ibinaling ko na ang tingin ko sa unahang bahagi ng sasakyan dahil nakikita ko na sa mga mata niya ang pagkailang sa tuwing napapatingin siya sa akin. "Busog pa ako. Sorry, Mr. Ferrro pero pwede bang pakibaba na lang ako sa gilid ng kalsada?" seryosong bigkas niya. "Precious, kaninang umaga pa ako walang matinong kain. Malungk
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Walang duda! Napansin nga siguro ni Lucian ang presensya ko kanina sa stadium kaya nandito siya ngayun sa harapan ko God, sana hindi ito ang umpisa ng pangungulit niya sa akin. Minsan na siyang nangako sa akin na hindi niya na ako guguluhin pero ano ang ginagawa niya ngayun sa harapan ko? Bakit bigla na naman siyang sumulpot sa buhay ko? "Come on, Precious sumakay ka na! Don't worry, gusto lang kitang makausap." seryosong muling bikgas ni Lucian Mariin kong naipikit ang aking mga mata! Ayan na naman! Narinig ko na naman mula sa bibig niya ang pagtawag niya sa aking pangalan na Precious. Sa lahat ng mga taong nakakilala sa akin, tanging siya lang ang tumatawag ng Precious sa akin. Kadalasan kasi Amber talaga! "Lucian...hindi ako sasakay. Sorry, pero ayaw ko nang makipag-usap sa iyo." mahina kong sambit! Pilit kong nilalabanan ang takot sa puso ko. Naramdaman kong nag-umpisa nang pagpawisan ang aking kamay dahil sa namuong matinding tensiyon sa pu
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ PAGKALABAS ko ng stadium, direcho akong pumasok ng banyo. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan. Parang nagpa- palpitate din ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Bakit ba naakaliit ng mundo? Hindi ba pwedeng time out muna? Ayaw ko na siyang makita eh. Hindi ko na kaya. Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Parang eksena sa pelikula na biglang naglitawan sa balintataw ko ang mga paghihirap na naranasan ko mula sa mga kamay niya. Hangang ngayun, sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat. Minsan, napapanaginipan ko pa nga eh. Pinilit kong maging okay pero ngayung muli ko na naman siyang nakita, feeling ko muli na naman akong bumalik sa dati. Malalim akong napabuntong hininga. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi pa nga ako nakatiis at naghilamos na ako. Para magising ako sa katotohanan na hindi na talaga pwede. Na kailangan kong maging matatag sa lahat ng oras. Nasa ganoon akong kalagayan nang bumukas ang pintuan ng banyo. Magkasunod na
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV HINDI ko na talaga nakita pa sila Sapphire at Ruby hangang sa kasunod naming subject kaya naman no choice ako kundi ang sumabay na kina Melanie at Gerald patungo sa stadium kung saan sasaksihan namin ang maiksing program para sa pag-turn over ng at pagbukas ng bagong library na si Lucian daw ang nagdonate. Kanina pa ako kinakabahan. Nagdarasal na sana hindi ako mapansin ni Lucian. Pinanghahawakan ko ngayun na sa dami ng mga istudyante na manonood, hindi niya naman siguro ako mapapansin. Ang alok naman ni Gerald tungkol sa pagiging muse ko sa team nila ay sinabi kong pag-iisipan ko muna. Titingnan ko muna ang magiging reaction nila Sapphire at Ruby. Tatablahin ko na sana ang offer ni Gerald na maging muse kaya lang noong sinabi niya sa akin kapag pumayag daw ako, pwede daw maging free ang tuition ko sa susunod na School year, nagbago na ang isip ko. Parang gusto ko nang pumayag. Graduating na ako next year at kapag makalibre ako ng tuition, pwed
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Nakita niya ba ako? Feeling ko, hindi naman siguro. Normal lang naman na ilibot niya ang tingin sa paligid at hindi porket tumitig siya sa gawi namin ni Melanie kanina, nakita niya na ako. Iyun ang naglalaro sa isipan ko habang mabilis ang hakbang na naglakad ako paalis. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Melanie habang tinatawag ang pangalan ko. "AMBER. sandali." Tuloy-tuloy lang ang mabilis kong paghakbang palayo. Ayaw ko nang bigyan ng chance na mamukhaan pa ako ni Lucian. Ayaw kong malaman niya din na nandito lang din ako sa iskwelahan na ito. Nang makarating kami ng canteen, tulala akong naupo sa pinakasulok na bahagi. HIndi ko mapigilan ang mapahawak sa aking dibdib nang maramdaman ko ang malakas na tibok nito. "Amber, grabe ang bilis mo namang maglakad." narinig kong sambit ni Melanie. Naupo siya sa katapat na upuan habang kapansin-pansin sa mukha niya ang matinding pagtataka habang nakatitig sa akin. "Nauuhaw na kasi ako. Teka
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Kinalunisan, balik iskwelahan na naman. Sulit ang weekends ko kasi nakapagpahinga ako ng maayos. Wala naman kasi kaming ibang ginawang magkakaibigan kundi magkulong sa bahay at abala sa movie marathon. Kakagaling ko lang ng banyo nang hindi ko mahagilap sila Sapphire at Ruby. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta kaya no choice ako kundi ang magtanong sa Isa pa naming classmates na malapit lang din sa akin "Melanie, napansin mo ba sila Sapphire at Ruby?" Hindi ako close sa iba ko pang mga classmates maliban kina Ruby at Sapphire kaya kita ko ang gulat sa mukha ni Melanie nang bigla ko siyang lapitan. "Ang dalawa mong mga bodyguards na sila Sapphire at Ruby ba?" nakangiting tanong niya sa akin. Gulat naman akong napatitig sa kanya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya or hindi lalo na at nakakahiya kung marinig nila Sapphire at Ruby ang salitang binitiwan nitong si Melanie. Imagine, napagkamalang mga bodyguards ko ang mga taong walang ibang
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ Masarap magluto si Ruby. Iyun ang napatunayan ko sa araw-araw kong natitikman ang niluluto niya. Hindi pahuhuli sa lasa sa mga mamahaling restaurant na kinakainan namin dati ni Lucian. Nagtataka nga ako kung bakit hindi na lang siya nag culinary eh. Tapos magtayo siya ng sarili niyang restaurant. "Ruby, saan ka nga pala natutong magluto?" kasalukuyan kong nilalantakan ang dessert nang hindi ko na talaga mapigilan pa ang sarili ko na tanungin siya. Curious na kasi talaga ako eh. "Ha? Ah...sa Mommy ko. Yeah...sa Mommy ko. Bata pa lang ako tinuruan niya na ako na magluto." nakangiti niyang sagot sabay iwas ng tingin sa akin. SA ilang buwan na magkakasam kami sa iisang bubong, kilalang kilala ko na din ang ugali nila. Alam na alam ko din kung kailan sila kumportable or hindi. Sa nakikita ko ngayun kay Robinhood, mukhang hindi siya kumportable sa tanong kong iyun. Pagkatapos namin kumain, nagpasya akong muling lumabas ng bahay habang hinihintay ko na mat